PANALANGIN KAY SAN ANTONIO DE PADUA SA ANUMANG PANGANGAILANGAN

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 10 июн 2023
  • O maluwalhating San Antonio, lirio ng kalinisan, hiyas at luwalhati ng mga kristiyano, kerubin ng karunungan at serafin ng pag-ibig ng Diyos, ikinatutuwa namin ang mga biyaya na ibinuhos sa iyo ng Panginoon. Yamang pinuspos ka ng pag-ibig, pagkamaawain at kapangyarihan, ipinamamanhik namin sa iyo ng buong tiwala at pagpapakumbaba na tulungan mo kami. Tingnan mo ang aming mga hirap at sakit at aming takot na baka hindi mailigtas ang kaluluwa namin. Ipinagmamakaamo namin sa iyo dahil sa pagsintang naranasan mo noong ang matamis na batang Hesus ay lumagay sa iyong mga bisig, na sabihin mo sa kanya ang aming mga kailangan. Isa lamang buntong hininga ng iyong dibdib na hiniligan ni Hesus ay sapat na upang makalunas sa aming kailangan at makapuno ng lugod sa amin. Alalahanin mo kung gaano kalaki ang iyong ligaya noong niyayakap mo Siya sa iyong dibdib, idinidikit sa Kanya ang iyong pisngi, nakikinig sa Kanyang mga bulong. Isipin mo ang lahat ng ito at pakinggan kami, alang-alang sa iyong di masaysay na pag-ibig. Kung ikaw lamang ay makikita namin, aming didiligin ng mga luha ang iyong mga paa, ipagtatapat sa iyo ang aming mga damdamin, mga alinlangan ukol sa aming ikaliligtas. Ngunit hindi ka na namin maaring makita kung kaya't binabati ka namin, O maluwalhating katoto ng Panginoon. Kami ay nangangayupapang itinataas ang aming mga pusong nagdadalamhati sa langit at sa iyo. At naghihintay na sa pamamagitan mo ay ipagkalaoob sa amin ng Panginoong namahinga sa iyong mga bisig ang aming mga kahilingan,(banggitin ang inyong mga kahiligan).
    O anghel ng pag-ibig, ibigay mo ang ninanasa namin at aming ilalathala ang kaluwalhatian mo at ipagbubunyi si Hesus na totoong nagmahal sa iyo. Siya Nawa.

Комментарии • 9

  • @melindadeiparine7013
    @melindadeiparine7013 9 дней назад

    St anthony de padua tulungan mpo ako sa problem financial tulungan mo ako manalangin kay jesus amen

  • @oscarselda871
    @oscarselda871 3 месяца назад +2

    Saint Anthony de Padua pray for us thank you po lord Jesus christ. Amen po 🙏🙏🙏💖💖💖

  • @analynsally4568
    @analynsally4568 Месяц назад

    St Anthony de Padua pray for us amen

  • @flor..lag....9234
    @flor..lag....9234 Месяц назад +1

    Saint anthony de padua plss pray for us my family to heal us physically, mentally, and ispiritually

  • @arielnachor7155
    @arielnachor7155 Месяц назад +1

    Amen, St. Anthony de Padua, please help me and my whole family, and also, please pray for us. Please intercede for me with Jesus Christ, our Lord, to help me and to grant my prayers, intentions, petitions, and pleas. I'm praying for our financial difficulties, especially to our huge debts. Please touch our finances and please help us to solve our financial problems. I pray this in the mighty name of Jesus Christ, our Lord, and through the intercession of Holy Mother Mary and all the Angels and Saints together with the Holy Spirit, especially your holy name St. Anthony de Padua, Thank you so much, Amen 🙏.

  • @arielnachor7155
    @arielnachor7155 Месяц назад

    Amen,

  • @millions275
    @millions275 Месяц назад

    San Antonio de Padua pinaagi sa imong panabang, buligan ko sa mga grasya para sa Fiesta nimo this June 13, through the powerful Holy Spirit of our God Almighty, Amen!

  • @angelomercado6042
    @angelomercado6042 19 дней назад

    SAN ANTONIO NG PADUA
    IPANALANGIN MO KAMI
    🙏🙏🙏🙏

  • @christopherbadana6637
    @christopherbadana6637 Месяц назад

    Saint Anthony I pray that my nephew Brian Jay can provide money for his apartment help him through your intercession Amen