Kapuso Mo, Jessica Soho: INA, MABAWI PA KAYA ANG ANAK NA NAPILITAN SIYANG IPAAMPON NOONG 1996?

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 7 сен 2024
  • Aired (February 27, 2022): Mahigit dalawang dekada na ang lumipas pero nangungulila pa rin si Marissa sa anak na kanyang ipinaampon noon. Pero paano kung ang susi para matunton niyang kanyang nawawalang anak, namatay na? Makita pa kaya ni Marissa ang nawawala niyang anak? Ang mga madamdaming pangyayari, panoorin sa video!
    'Kapuso Mo, Jessica Soho' is GMA Network's highest-rating magazine show. Hosted by the country's most awarded broadcast journalist Jessica Soho, it features stories on food, urban legends, trends, and pop culture. 'KMJS' airs every Sunday, 8:40 PM on GMA Network.
    Watch the latest episodes of your favorite GMA Public Affairs shows #WithMe. Stay #AtHome and subscribe to GMA Public Affairs' official RUclips channel and click the bell button to catch the latest videos.
    GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
    GMA Network upholds ethical standards of fairness, objectivity, accuracy, transparency, balance, and independence.
    Walang Kinikilingan, Walang Pinoprotektahan, Serbisyong totoo lamang.
    Subscribe to the GMA Public Affairs channel: / gmapublicaffairs
    Visit the GMA News and Public Affairs Portal: www.gmanews.tv
    Connect with us on:
    Facebook: / gmapublicaffairs
    Twitter: / gma_pa

Комментарии • 1,2 тыс.

  • @DavidLopez-jo9wg
    @DavidLopez-jo9wg 2 года назад +462

    Also adopted. Pinanganak ako year 1991 sa cavite. Iniwan ako ng biological mother ko sa hospital kung saan sya nanganak dahil wala syang pangbayad sa expenses nya sa panganganak. 9 months na ko sa hospital at walang kumukuha sakin, nagdisisyon ang doctor na nagpaanak sa biological mother ko na iuwi nalang ako sa bahay nila. At duon, naging Godmother ko yung doctor na na nagampon sakin at ang nagsilbing nanay ko ay ang kanilang kasambahay. Habang lumalaki ako at nagsisimulang magkaisip, sinasabi na nila saakin na adopted ako kaya di ako nagkaproblema sa pagtanggap na adopted ako. Past forward, 2012 / 2013 (di ko na matandaan ung exact year) nabalitaan ko na namatay na ang biological father ko na pulis sa cavite. That was the first and last visit ko sakanya. Ang kanyang burol. Duon ko nakausap ang pamilya ng aking tatay. At doon, anak ako sa labas. May sariling pamilya pala ang aking tatay. At ang nag kwento ng buong istorya ay ang aking lola sa aking biological father. Fast forward, 2022. Kasalukuyan akong nagtatrabaho dito sa Riyadh, Saudi Arabia. Nakakatuwa po na may mga adopted na nakikita ang kanilang mga tunay na magulang. Wala rin akong balita sa aking tunay na ina. Siguro, balang araw. Magkikita kami. Wala akong sama ng loob. Nagpapasalamat parin ako saaking biological mother at hindi nya ako nilagay sa sitwasyon kung saan pwedeng hindi ako buhay ngayon oh di kaya baka nasa di magandang buhay. Mabuti ang dyos at hindi ako pinabayaan at binigyan ako ng napakabuting mga tao na tutulong sakin para mabuhay. At napaka laki ng aking pasasalamat sa aking mama ngayon na syang tumuring sakin na tunay na anak. Hindi ko naramdaman na iba ako sakanya. Mahal na mahal kita mama, kaya lahat ng mga sinakripisyo mo sakin mula nung ako'y bata pa hanggang sa ako'y mapagtapos mo ng pagaaral, lahat ng yon syang susuklian ko hanggang sa dulo ng aking laban. Sa aking tunay na ina, kung nasaan ka man ngayon. Sana nasa mabuti kang kalagayan.
    David Lopez, 30
    BS Hotel and Restaurant Management Graduate
    Currently working as a waiter (Prince Palace)
    Riyadh, Kingdom of Saudi Arabia

  • @munch6040
    @munch6040 2 года назад +166

    I admire yung anak, mabait sya, di nagtanim ng sama ng loob ng matagal o nagrebelde, mabait din yung nag ampon na pamilya at hindi naging madamot sa pagmamahal kay Patrick.

  • @yukifurukawa9964
    @yukifurukawa9964 2 года назад +298

    Grabe ung iyak ko..Ang swerte ng biological mother ni Patric Napaka bait na bata..kudos sa pamilyang nag palaki kay Patric.,lumaki syang mabuting tao..

  • @adelacueto9260
    @adelacueto9260 2 года назад +125

    Buti nlng lumaking mabait un bata. Wlang halong Galit. Sa puso nya... Naiyak ako . 😭😭

  • @ofwjapan9013
    @ofwjapan9013 2 года назад +19

    single mom ako dati nung nabuntis ako while studying college I was 3rd year ako by that time I don't know what to do naisip ko din ipa ampon ung baby ko pero mas nanaig sakin ung pagmamahal ko sakanya kahit maghirap nako at masira pag aaral ko wag lang mawalay anak ko sakin she is my everything and by GOD grace she's already 13 years old right now dikuna inisip mag asawa dahil ayaw ko mailipat attention ko sa iba I'm just 32 years old right now keep struggling para mabigyan anak ko maganda bukas dito ako Japan now nag sasacrifice para sakanya 👌❤🙏💪🏻

  • @aishagallego6323
    @aishagallego6323 2 года назад +167

    I feel the joy and pain kc adopted din ako. ❤️ And the first meeting on my biological side was priceless yet I'd stay with my family who raced me but never forget the family also that made me. 🥰❤️

    • @pammiesingkho1786
      @pammiesingkho1786 2 года назад +2

      Nacacatouch sya talaga...muntikan na tumulo Luna at uhog ko.

    • @laurobraganza4204
      @laurobraganza4204 2 года назад +9

      Bat kayo nag race, saan kayo nag habulan?

    • @lyfeen9862
      @lyfeen9862 2 года назад +8

      Lauro, common sense wrong spelling lang ..raced ( raised) Ang ibig niyang sabihin. Ikaw Naman.

    • @laurobraganza4204
      @laurobraganza4204 2 года назад +4

      @@lyfeen9862 lol

    • @paumartin2870
      @paumartin2870 2 года назад +2

      ❤️❤️❤️

  • @daijinlotte6049
    @daijinlotte6049 2 года назад +74

    mabait n anak si patrick,di sya ngkaroon ng sama ng loob s nanay nia.GOd bless you ❤️

  • @mharkofficial3328
    @mharkofficial3328 2 года назад +14

    Kaya para sa mga kabataan Make sure stable, nakatapos ng pag aaral, nasa tamang edad bago po mag asawa. Kaya sobrang halaga ng family planning. Maging responsableng kabataan po tayo❤️🥰 Godbless sa lahat

  • @rebcee18
    @rebcee18 2 года назад +206

    hinanap ako ng mama after 23 years at masaya ako kasi nawalan na ako ng pag asa na makikita ko sya as in wala na talaga kasi tuwing birthday isa lang lagi wish ko makita at makasama ko siya then dumating yung time na wala na, wala na talaga siguro akong pag asang makita sya pero isang araw may isang tawag akong natanggap na nandyan daw ang mama ko sa bahay(that time kasi stay in ako sa work ko) kaya dali dali ako umuwi nun at yun na nga nagkita na kami ng mama ko.
    nung pabalik na ako sa work ko isa lang sinabi niya sakin "anak, payakap naman ako."

    • @lagringyanson5631
      @lagringyanson5631 2 года назад +2

      9î⁹

    • @BFdEutschLaNd
      @BFdEutschLaNd 2 года назад +3

      fish tea naiyak ako kaloka sorry higpit ng yakap nila

    • @buenaflordwinjhoy08
      @buenaflordwinjhoy08 2 года назад +6

      Nkakatouch nmn ang gnitong kwento ung prang aq lng dn 32yrs ngdahil s fb nkilala q ang mama q araw lng kmi ngksama kz kailngan q mgtrbaho pro sobrang tuwa q nkilala q n xa d q p nkilala ang kapatid q n isa kz nsa malayo dn ng trabaho pro sobrang saya q khit ilang araw nyakap at nkita q n ang mama q 😥😥 sna sa pg uwi q ng pinas mkita q n dn kapatid q s mama dti nkakainggit n my mama s katabi kz laking lola aq pro sobrng bless aq kz ang papa at pamilya ng papa q sobrang mpagmahal at mbait..hndi aq ngtanim ng galit s mama q kz lumaki nmn aq n hndi cla ngsbi n mgalit aq s mama q at sobrng pasasalat q un s knila lgi cla nkasupporta saakin ..khit ngaun my pamilya n aq sobrang bless aq s asawa at s dlawa nmn anak kla q sa tv lng ngyayari ang gnyan kya ung mga tao n my hinahanap pray lng my awa c papa god bka plan ang lhat🙏🙏🙏 #kmjs silentreader po aq ng mail dn aq sainyo dti mgpapatulong aq mkita mama q pro awa n god ntupad dn po un🙏🙏🙏

    • @htenajsantos8232
      @htenajsantos8232 2 года назад +2

      Sana ganyan den ung anak ko 😢 kahet anong gawen ko puro masa2ket n salita lng natanggap ko from her n explain ko nman reason kung baket sya napa adopt ko kaso sarado isip nya she's 15 yrs old now

    • @rebcee18
      @rebcee18 2 года назад +2

      salamat po sa inyo sa ngayon po ehh magkahiwalay na kami ng mama ko, may sarili na kasi syang pamilya katulad sa papa ko pero may communication naman po kami ni mama.

  • @celinamatyas3670
    @celinamatyas3670 2 года назад +82

    Nakaka iyak..sana lahat ng nanay ganyan ang pagmamahal sa anak🥺😭

  • @jeymsdisaster5664
    @jeymsdisaster5664 2 года назад +52

    isang nanay na naman ang napasaya at lumuwag ang kalooban.😊❤️

  • @tessamed
    @tessamed 2 года назад +25

    Walang duda..mag ina tlaga cla..mgkamukha na magkamukha tlaga💞 godbless

  • @navarrodanamarielc.1854
    @navarrodanamarielc.1854 2 года назад +25

    Nakakaproud si Patrick. Kahit na 25 years silang di nagkita, Hindi siya nagalit or what. Grabe. God bless your soul and family!

  • @Me-cv4qz
    @Me-cv4qz 2 года назад +40

    7:21 MADE ME CRY BIG TIME😭
    I’m 41 years ole now at ayaw ko ng makilala ang biological parents ko if ganito ang mararamdaman ng kinilala kong magulang dahil Hindi ko kakayaning makita syang nasasaktan ng ganito😔

  • @DanieruKorrin
    @DanieruKorrin 2 года назад +35

    Our momma left almost 6 years ago we don't know any reason why she left.
    So, happy to see parents looking for their children

    • @mushy18100
      @mushy18100 2 года назад

      Unfortunately, she’s finding love from another man. What a selfish act

    • @janegusi4029
      @janegusi4029 2 года назад

      Sana one of days ay makiha nyo Ang kasagutan sa mga tanong bkit sya umalis.im sure Hindi simpleng dhilan Kung bakit nya nagawa Yun.cheers

  • @shielacompahinay7574
    @shielacompahinay7574 2 года назад +32

    Maganda Po pagpapalaki Ng mga nag ampon sa kanya,. God bless 🙏🙏

  • @juanmiguelmagan6187
    @juanmiguelmagan6187 2 года назад +13

    9:13 pinaulit ulit ko to sobrang nakakaiyak 😭 masaya po ako dahil nagtagpo na Silang mag Ina God bless po sainyo.

  • @kenzo4879
    @kenzo4879 2 года назад +4

    Adopted dn ako, at never ako itinuring na iba ng mga nagpalaki sakin. Minahal nila ako, pinag aral, hanggang sa makatapos at makapag trabaho.. Gods plan is always the best. I'm so grateful

  • @jcmontesor4891
    @jcmontesor4891 2 года назад +8

    Nakakaiyak ang pagtatagpo nilang mag ina, pero naiyak din ako sa lola ni patrick. Alam natin kung gaano tayo kamahal ng mga lola natin at habang tumatanda sila lalo silang nangangamba na wala nang pumansin sa kanila. Ramdam ko yung lungkot nya na baka halos hindi nya na makita ng madalas si patrick 🥺. Sana bumalik parin sya sa lola nya at punan ng pagmamahal hanggang sa huli nitong araw. I love lola's, sila lagi yung nandyan kapag wala na tayong ibang karamay

  • @nothingmoresomewhereinthem1924
    @nothingmoresomewhereinthem1924 2 года назад +14

    Pinalaking mabait na bata 🙏 ❤️

  • @loooisetv.5177
    @loooisetv.5177 2 года назад +31

    Grabe, di ko napigilan ang luha ko. 😥 Salamat Lord nagkita po ulit sila. 🙏 Sana po, parati pa din nya mapasyalan si Nanay remedios. 🙏

  • @wendybayawa298
    @wendybayawa298 2 года назад +4

    yung sinabe ni nanay , yun din sinabe nang nag adopt sakin . Nagpapasalamat ako na minahal nila ako na prang tunay na sakinal . And i'm proud of you nanay ramdam ko pagmamahal mo kahit hindi sya galing sayu🥺

  • @pelepeniyallasadik6901
    @pelepeniyallasadik6901 2 года назад +56

    Grabeh ka Jessica and lahat ng team, puro luha ko ang nasa keyboard. Congrats at nag kita na ang mag ina.

  • @lizavelasquez475
    @lizavelasquez475 2 года назад +3

    Sana magkatagpo din kmi uli ng pang anim kong anak na lalaki.. pinaampon ko din xa sa laguna manila nung december 30 2014. Sana buhay pa ako nyan anak ko... Isang picture mo lng ang alaala ko nung bagong silang ka... Pinili ko ipaampon xa kasi my ginagatas din ako nung time na un. Diko kasi kaya mgpalaglag kaya pinili kong ipaampon nlng xa kahit masakit na masakit sa kalooban ko. Mahal na mahal kita anak ko sana mgkita tau muli pag dating ng panahon.

  • @aleliesamonte4480
    @aleliesamonte4480 2 года назад +13

    Sabi ko ayokong umiyak, pero eto hagulgol ako sa napanuod ko 😭😭😭 Salamat lord nagkita na sila ulit after 25 years 🙏🏻

  • @atechainadieescritor117
    @atechainadieescritor117 2 года назад +12

    As an adopted, I felt both side. Sa Biological Mother na nangungulila sa anak, at sa adoptive Mother na mangungulila rin kapag bumalik sa tunay na Ina ang anak.
    I felt it.

  • @edithbulanguit2934
    @edithbulanguit2934 2 года назад +45

    Sana sa awa ni Lord maging ok na clang mag ina

  • @funballoonshow5832
    @funballoonshow5832 2 года назад +42

    Saludo sa mga nagaalaga at tinuturing na sariling kadugo ang mga ulilang bata.. lalo't napapalaking mabuting tao.. ❤️

  • @corazondejesus4330
    @corazondejesus4330 2 года назад +5

    Tulo talaga luha ko habang pinapanood ko itong video...
    Ganon din siguro ang nararamdaman ng bunsong anak ko ( adopted ko din) ibinigay din sa akin noong Feb 28,1994..
    Ne hindi ko nakilala o na meet ang mga magulang nya... ipinasa lang din sa akin ng tunay na pinagbigayn sa kanya... kapag tinatanong ko anak ko kung gusto nya nahapin ang tunay na ina nya... sagot lang nya sa akin " hindi na kailangan," kasi sa totoo lang... wala kami any information kung saan ang tunay na ina ng anak ko...

  • @lucitaveraldi1980
    @lucitaveraldi1980 2 года назад +10

    Walang tigil ang luha ko while watching this video. Thank God at nagkita na silang mag-ina. God bless

    • @gardoarellano9601
      @gardoarellano9601 2 года назад +1

      hanggang ngayon ba umiiyak ka.pa tahan na po Ms lucita🥰

  • @elviratorcendetravero1492
    @elviratorcendetravero1492 2 года назад +18

    Wag po nating husgahan si nanay kase hindi natin alam kong ano yong pinagdadaanan nya nong time na pinaampon nya anak niya kaya walang tayong karapatang manghusga

    • @yanahhannah7753
      @yanahhannah7753 2 года назад

      Tama Po Wala Po tayong karapatan na husgahan sya kakaiyak sobra 🥺

  • @allenladiatolentino3696
    @allenladiatolentino3696 2 года назад +6

    Napaka bait ni patrick.. Hindi sya nagtanim ng sama ng loob bagkus nagpapasalamat pa sya... ❤️

  • @thejoegranturismo7way
    @thejoegranturismo7way 2 года назад +11

    Magkababata lng ang anak natin pariho lng tayo gusto ng doctor at nurse ampunin anak ko pero never ko binigay sa awa ng dyos 25 yrs na ngayon at malapit na maging piloto thanks God at di ako nagpatinag sa tokso kahit doctor at nurse pa ang aampon sa anak ko 🙏🙏🙏

  • @belhipolito9166
    @belhipolito9166 2 года назад +10

    Bakit nyo ko pinaiyak KMJS🤩Tears of joy syempre.Thank God at nagkita tunay na mag-ina😍

  • @lynettediasanta2281
    @lynettediasanta2281 2 года назад +3

    Dalawa po kaming magkapatid, SANA PO TALAGA MATULUNGAN NYO PO KAMI MAAM @JESSICA SOHO

  • @marichd8619
    @marichd8619 2 года назад +3

    Sana bago magpaampon isipin muna kung kaya mo mawala sayo yung anak mo. Kahit anong hirap ng buhay manalig tayo sa Panginoon na tutulungan tayo. Hindi kasagutan ang pagpapaampon tapos babawiin mo huli na ang lahat. May masasaktan ka ding pamilya na nagalaga at nagpalaki sa kanya. Nakakalungkot isipin na yung ibang anak mo ay na sayo samantalang ang isa ay pinaampon mo at ngayon ayos na ang buhay mo dun mo pinursige na hanapin siya. Sana magisip muna bago gumawa ng mga bagay na pagsisihan mo bandang huli. Ang ina ay ina, kahit anong hirap basta kasama mo ang mga anak mo magiging matatag ka dahil sila ang inspirasyon mo. No hate. Just my two cents. 💗

  • @jaygayumba6797
    @jaygayumba6797 2 года назад +87

    Mga taong magpapaampon ng anak pagkatapos biglang babawiin kapag nakaluwag, walang pinagkaiba sa mga scammer,gagamitin ang ibang tao sa sariling kapakanan. Dapat sa hirap at ginhawa,panindigan mo ang pagiging magulang mo.

    • @didi-zq8ot
      @didi-zq8ot 2 года назад +1

      true

    • @evelyninciso2539
      @evelyninciso2539 2 года назад +16

      Wooow ha!!? Di ganun kadali ang mawalay sa anak... Maganda pa Yung pinaampon Nya Yung anak Nya kesa pinalaglag Nya. Ibig sabihin may damdamin Ina sya. Wala lang syang choice at Tama ka sa point na pag nakaluwag ehhh gusto Ng bawiin anak nya, dahil alam Nya kaya Nya Ng Buhayin ang anak Nya. Walang MABUTING INA NA HINDI NAGHANGAD NG MABUTI SA ANAK

    • @kangkangbacarisas5382
      @kangkangbacarisas5382 2 года назад +2

      @@evelyninciso2539 truee

    • @taurus5483
      @taurus5483 Год назад +2

      Babawiin Dina sila maghihirap at mautusan na ..para daw Kasi may mag alaga pagtanda😂

    • @gambitgambino1560
      @gambitgambino1560 Год назад +2

      @@taurus5483yung kaso dito hindi dumaan sa tamang proseso yung pag-ampon. Kidnapping pa ngang matatawag to kung iisipin nyo. Binabawi nya after a week pero tinakas. Walang adoption paper na inayos

  • @janssennavarro3326
    @janssennavarro3326 2 года назад +34

    Kuddos to Miss Jessica and to the team magaling silang magtagpo ng mga nawalay ng matagal

  • @Hawaiiana1208
    @Hawaiiana1208 2 года назад +6

    Aw, happy ending. Kk iyak. Ang bait ng anak nya. GOD bless sa family nyo.

  • @Belle-gx4cr
    @Belle-gx4cr Год назад +2

    Kapapanood ko lang to grabe iyak ko. 😭😭😭 Ambait ng anak. God bless po sainung mag-ina. Salamat ma'am Jessica sa tulong nu magkatagpo ang mag-ina. God bless po

  • @ginaroble139
    @ginaroble139 2 года назад +7

    Naiyak ako habang pinapanood ko ang kwento sa buhay nila. Thanks. Mam Jessica sa program ninyo maraming ng natulungan sa program ninyo God bless everyone's 🙏

  • @shemartatsujajauma7175
    @shemartatsujajauma7175 2 года назад +3

    naiyak ako ang bait ng anak❤️maganda yung pagpapalaki sa kanya ng mga umapon salamat talaga sa KMJS dami nyo natulungang mga gantong kaso

  • @LeonilHongkongVlogsLNVmain
    @LeonilHongkongVlogsLNVmain 2 года назад +14

    Naiyak ako sa tuwa, at least nag kita na kayong mag ina.. God Bless po.

  • @mads08ramirez21
    @mads08ramirez21 2 года назад +1

    Grabe ang iyak ko ..sana makita korin ang mama ko hinde parin ako susuko ..sana po matulongan nyo po ako mam jecceca .. 31 yrs na hangan ngaun wala parin ako balita sa mama ko..piro hinde parin po ako susuko..

  • @arjencelorico
    @arjencelorico 2 года назад +12

    Yung lesson dito is dapat pag-isipan muna ang mga bagay-bagay bago makipagtalik para hindi makagawa ng mga desisyon na pagsisihan sa huli lalo na buhay ang pinag-uusapan...Pasalamat tayo kung mabait yung aampon sa bata,paano kung hindi at minamaltrato? Sana maging okay ang lahat para sa kanilang lahat.

    • @And-kn5fq
      @And-kn5fq 2 года назад

      Nakkalimot n pag climax na

    • @lyhj_3007
      @lyhj_3007 2 года назад

      @@And-kn5fq 😂😂

    • @And-kn5fq
      @And-kn5fq 2 года назад

      @@lyhj_3007 sarap ano

    • @Nikola16tesla
      @Nikola16tesla 2 года назад +1

      Mostly Kasi talaga SA adopted KAWAWA😒 Kasi inaabuso..

  • @sweetdolz3991
    @sweetdolz3991 2 года назад +1

    Naging emotional nmn ako dto. Napakaganda ng pagpalaki sa kanya kc d sya ngtanim ng sama ng loob! Mgkamukha cla🙏😍👏👏👏

  • @nonoyth7773
    @nonoyth7773 2 года назад +3

    Congrats po sa gma specially jesica soho sa programa niyo po. May isang pamilya na naman ang nabubuo. Thanks po & gobless..!

  • @vinbarrun584
    @vinbarrun584 2 года назад +1

    Ouch..nakakaiyak nmn kase ganun din ako pinaampon din ako ang kaibahan nga lang ako yung naghanap sa totoong magulang ko hindi yung magulang ko ang naghanap sakin.
    Pero nagpapasalamat din ako sa nagpalaki sakin dahil pinalaki nila ako may takot sa diyos at hindi naging suwail sa anak

  • @papsrowel231
    @papsrowel231 2 года назад +5

    so touching...super iyak ko...thanks KMJS for giving us inspirations through this family..mabuhay po kau

  • @marfran21
    @marfran21 2 года назад +2

    Laging hangad ng magulang ang kabutihan ng anak. Kahit masakit na malayo ang anak, isasakripisyo mabuhay lang ang anak. Mabuti nalang, naging napalaking mabuting tao si patrick, di nagtanim ng sama ng loob sa nanay nya.

  • @jasper530
    @jasper530 2 года назад +3

    Grabe ka madam. Mahiya ka naman sa sarili mo. After all the sacrifices na ginawa ng foster parents ng anak mo ay yan ang sasabihin mo eh di ka nga nagpaka-nanay sa kanya. Kung halimbawa mang patawarin ka ng anak mo wag mo ng bawiin lalo't yong foster parents niya ang itinuring niyang magulang since he was a little kid. Pwede mo nman siyang bisitahin minsan pero yong kukunin mo, that isn't right. Kung ako foster parent ng anak mo tapos ipipilit mong kunin siya ay talagang pababayarin kita sa lahat ng paghihirap ko at nagastos ko. Period.

    • @ysatrixy3715
      @ysatrixy3715 2 года назад

      dimo kase ramdam ang ramdam ni nanay, ganun ang sitwasyon nila ng mga panahong yun.. na mas pinili niya na lang ipaampon anak niya para sa kinabukasn neto.dahil mas inisip niya ang hirap lalo na iniwan sya ng asawa niya,, Eh Ket sino namang Nanay e kapag yung Anak nila pinaampon nila Walang Oras Na Hindi nila naiisip anak nila. Kaya ikaw wag mong Husgahan si Nanay Na kesyo na Hindi niya na Dapat Bawiin ang Anak niya sa nagpalaki dito sUss Magulang sya Karapatan nya, Depende na lang yun kay Patrick kung saan nya Gusto. saka paano niya mabibisita anak niya nilayo nga sa kanya e. Kaya Inisip niya nasa Tamang panahon Na magkikita sila ng Anak niya.

  • @shaymcadaguit6143
    @shaymcadaguit6143 2 года назад +2

    Sana lahat nabibigyan ng pagkakataon na makita ag ina 😭 Dami ko din mga tanong pero bakit ang layo ng tandahana saakin😭 napakahirap pag yung gusto mong hanapin ayaw magpakita😭 sana matulongan din ako ng Kmjs. 😭😭

  • @DabarkadsVlogs
    @DabarkadsVlogs 2 года назад +9

    Sana maging okay na cla

  • @delbertiyana4276
    @delbertiyana4276 2 года назад

    garabe naiyak ako.. pareho kami halos ng storya .. 1996 din ako pinanganak tapos iniwan ako ng nanay ko sa mga kinikilalang magulang ko nagyun.. tiga davao din ako tapos napunta ako ng manila 2017 nagaaral ako at working student nakilala ko mama ko thru facebook . 2020 yun august kasagsagan ng pandemya. nung si nearch ko pangalan nya may nakita ako lumabas na kapangalan nya di ako sigurado kung siya ba tlga pero grabe ang kaba ko kaya chinat ko sya at sya nga talga.. mahal na mahal ko mga nagpalaki sakin pero iba parin tlga pag nakilala mo kung sino at kung saan ka nagmula. yun bang pakiramdam na may kulang sa buhay mo pero nung nakilala mo nanay ko buong buo na ako ..
    nakilala ko na din isa kong kapatid nasa davao.. grabe ansaya dalawa na pamilya ko ...

  • @etheljulietcasantusan1192
    @etheljulietcasantusan1192 2 года назад +6

    Sana makita din namin un anak ni mama na pnganay samin.. 😭😭😭 S lucena daw pero malawak ang lucena.. 😭😭😭

  • @LynLynElyBagloy
    @LynLynElyBagloy 2 года назад +1

    Magkapamilya talaga sila dahil pero ang kanilang pangangatawan at mukha,mga malaking tao. Naiiyak na nman ako.

  • @siwoo8209
    @siwoo8209 2 года назад +6

    Ang layo nya pala andun sa Davao! Sana nga sya 🥰😇

  • @jcieevillalino9933
    @jcieevillalino9933 2 года назад +1

    grabe naka relate ako sana makita korin yung kapatid kong bunso na pinaampon ng tatay ko nung baby pa dahil namatay ang nanay ko sa panganak dahil sa knya 30years ago na nakakalipas at sana matupad ang hiling ng aking tatay na makita siya sa darating nyang birthday grabe iyak ko dito sana matulungan nyu ako MAKITA AT MAYAKAP ANG BUNSO KONG KAPATID
    #KMJS 😭😭😭

  • @mariamcamaso1992
    @mariamcamaso1992 2 года назад +5

    Wow nakakatuwa, ang bilis nila nagkita! Galing ng #KMJS!

  • @glaizchannel4376
    @glaizchannel4376 2 года назад +1

    Naiyak po ako. Happy both of you po na nagkita napo kau ng anak mo nanay❤️❤️❤️

  • @nelgarcia9922
    @nelgarcia9922 2 года назад +5

    IIYAK NA NAMAN AKO😭😭😭
    THE BEST TALAGA KMJS EVER

  • @EdaNavarra
    @EdaNavarra 2 года назад +2

    healthy silang lahat

  • @siwoo8209
    @siwoo8209 2 года назад +5

    So sad naman tlaga 😔

  • @angelicariano2885
    @angelicariano2885 2 года назад +1

    Lucky are those who have seen their children alive.I am hoping one day,God will let me experience how to become a mother again♥️

  • @esterquiazon1445
    @esterquiazon1445 2 года назад +11

    Ako never ko ipapamigay anak ko. Kahit ano trabaho gagawin ko magsama sama lang kami

    • @fresheymagzzz5800
      @fresheymagzzz5800 2 года назад +2

      nakaka proud po yan mam,..pero hindi kasi alam mga sitwasyun at pangyayare sa buhay,at baka sa mga oras nayun yun lng tanging paraan ni ate marissa para sa kanyang anak..

  • @markanthonylingahan2363
    @markanthonylingahan2363 2 года назад +1

    sana makita ko ren ung mga magulang ko at tunay kong pamilya at tunay na kadugo😓😓

  • @celfarinas8069
    @celfarinas8069 2 года назад +6

    Grabeh tlaga ang iyak ko d2😭😭😭😭😭😭😭👏👏👏👏iba ka tlaga KMJS🥰🥰🥰

  • @bahaykubominifarm
    @bahaykubominifarm 2 года назад

    God is Good. Pinagtagpo ang mg ina kht sa mahabang panahon sna maging maayos sila

  • @Pongpong07
    @Pongpong07 2 года назад +3

    Grabe iyak ko dito😭😭😭❤️

  • @JakeclydeDtrucker
    @JakeclydeDtrucker 2 года назад

    We can all agree na kht sa hirap ng buhay di reason to say na sa hirap ng buhay kailangan mo ipaampon ang anak.. Kc niluwal mo nagpabuntis ka . It’s your responsibility na mahalin at itaguyod ang bata. But , I also understand the side of the mother.. maybe in the past di sya makapg isip ng maayos dahil sa stress at sa hirap ng buhay naisipin nya nalang na ipaampon. Bright side is it’s better doing that kesa pina abort ang bata. . Tama ang anak pasalmat sya binuhay nyo ako. Mrmi mga irresponsible parents na pina pa abort ang bata. Dhl sa kahirapan. Just so happy to see them reunited again. Ang nanay super genuine nmn ang makta anak nya. For the first time. Don nlang tau masya. Pero Sana sa lht ng ina mging responsible…salute to kmjs dhl sa knla muli sila nagtagpo. Pero I can say na tlgang naiyak ako dito haha. Lalo na ang niyakap ng nanay anak nya at inaamoy pa sa leeg makikita mo tlga ang Pananabik ng ina.

  • @divinacutaran2748
    @divinacutaran2748 2 года назад +5

    Dami kong luha ni2 oi! Congrats mom and son!

  • @maryjanedelacruz6336
    @maryjanedelacruz6336 2 года назад

    Sobrang na tauch aq kc ramdam ko ang mawalan ng anak..kaya habang pinapanuod ko ito iyak aq ng iyak..kc naalala ko iyung anak ko na missing ..sya ng 8 yrs na hanggang ngyun di ko parin sya nkikita..sana po may tumulong saakin ..kung paano lumapit..kay Maam JESSICA SOHO..para mailapit aq sa programa nya..bago manlng aq mawala sa mundo..sana po maging daan po sya para makita ko po ang aking anak..slmt maam jessica soho..godbless po

  • @thesurvivor816
    @thesurvivor816 2 года назад +5

    Grabe diko mabilang yung luha ko sana all may parents pa

  • @beshiesescapade7696
    @beshiesescapade7696 2 года назад +2

    Kudos sa GMA. Ang galing ng nga researchers nyo. Huhu. Kakaiyak 🥺🥺

  • @bembemsagales1279
    @bembemsagales1279 2 года назад +4

    Hay na ko Ang saya NG araw ko NAPALUHA NAMAN AKO DITO MA'AM JESSICA TLGA 😭😭
    SLMT NAGKITA SILA

  • @faithhope6876
    @faithhope6876 2 года назад

    Thnkfull to GOD nagkita din cla mg ina..naiyak nko😭😭..hndi man ako naging Ina pero Ramdam ko ang saloobin ni Aling Marissa🙏❤salamat din mabait un Anak d na xa nag tanung pa,bkt xa ipinaampon?🙏🙏

  • @argiemacam24
    @argiemacam24 2 года назад +6

    Ang bait naman ng anak niya

  • @flor8345
    @flor8345 2 года назад

    Salamat sa Dyos. Kahit marami kaming mgkkapatid.at mahirap lng kami.sa probinsya nmin.pero buo pamilya me. Hnggang sa ngaaswa nako. Buo din kami ng nagiging pamilya ko ngyon. salamat sa Dyos 🙏

  • @mackoyvelascoofficial7109
    @mackoyvelascoofficial7109 2 года назад +3

    Jusko naman. Naiyak ako ng biglaan😭😭 kala ko di ako maiiyak😭❤️

  • @Happypill8
    @Happypill8 2 года назад

    Lord is good 😭😭😭
    God Bless kapuso❤️

  • @chawchawchuka4319
    @chawchawchuka4319 2 года назад +4

    Ibibinta pag malaki na kukunin kc mpapakinabangan na Kawawa nman ang nag alaga xa ung walang kahirap hirap sa anak

  • @alicem.8868
    @alicem.8868 2 года назад +1

    GOD BLESS ALL OF YOU GUYS / TEAM OF GMA . ESPECIALLY MS JESSICA SOHO... MARAMI NA KAYO NATULUNGANG MGA KABABAYAN NATIN . PAGPALAIN PO KAYO ATING NG POONG DIOS . AMEN.🙏🏼

  • @lasheimagbanua25
    @lasheimagbanua25 2 года назад +1

    .,same …. Adapted din po ako☺️pero thankful po ako maayos buhay ko sa nag adapt sakin😊❤️Godbless us

  • @yuriesimplyyurs5317
    @yuriesimplyyurs5317 2 года назад +1

    buti pa toh tanggap ang tunay na magulang. Yung kapatid namin kahit alam na nya na kami ang tunay nyang pamilya peru nag bulag bulagan pa din, grabi ang pag lason ng isip nya ng step mother nya na tinuri nyang magulang.

  • @crushtv9422
    @crushtv9422 2 года назад +1

    Im adopted child also minsan pumasok din sa isipan ko kung kamusta na kaya yung mga tunay kong mga magulang at the same time umaasa na isang araw makita ko sila. Pero siguro di na nila ako hinahanap kase pinamigay ako ihh. 😥😥😥

  • @catherinesabroso4174
    @catherinesabroso4174 2 года назад +1

    I hope na makikita ko na rin lahat ng kapatid ko sa ama for how many years sana matulungan din ako ng KMJS🥰😘

  • @balakasabuhaymo
    @balakasabuhaymo 2 года назад

    *Grabe dun Palang sa Part na Binabasa ni Nanay Yung Letter naiyak na Talaga ko...Legit na Iyak kse Ramdam mo saknla na Talagang magkadugo Sila,kudos Kay Patrick dahil nauunawaan nya nanay nya,at saludo nAman Kay Nanay dahil Hindi Siya tuluyang Tumalikod sa Kanyang anak❤️*

  • @user-up5yp1dp1t
    @user-up5yp1dp1t 6 месяцев назад

    Nako ma'am Jessica lgi ako mapapa iyak sa tuwa sa muling pagkikita sa nanay at anak na nawalay thank you poaan God bless

  • @ciskajoylufranco8908
    @ciskajoylufranco8908 2 года назад

    Mabuting tao si Patrick di sya nagtanim ng sama ng loob o nagrebelde na kadalasan kwento. Mabuting tao din ang tunay nyang ina, lalo na ang mga taong nag-ampon sakanya.
    Nakakagaan ng loob na nagkita na sila💓

  • @maemarasigan6497
    @maemarasigan6497 2 года назад

    Isa ito sa the best adopted story na hindi mo naringgan ng panunumbat at galit ang anak sa tunay nyang nanay kahit pa may pagkakamali mabait na anak mabait ang nagpalaki sa kanya. God bless po sa inyo

  • @concepcionrafols4802
    @concepcionrafols4802 2 года назад

    Nkkaiyak, nkkatuwa, thank God, gagawa at gagawa ng milagro para magkasama ulit ang mag ina, God bless po🙏👏👏👏👏❤️😍

  • @jinnadeguzman6439
    @jinnadeguzman6439 2 года назад +1

    Sna ako din makita ko rin ang anak ko 22years k n d n kkta inatago ng nag alaga d k mahanap kc kht Isa pic wla ako at ung ng alaga d k rin alam ang tunay na napangalan ng ng alaga wla n rin cla s titiran nila sna balang araw makita ko cya at mag Kta cla ng ate nya bgo man lng ako mawala s mundo n mag kta cla mag kapatid

  • @MARZ_ACTIVITIES
    @MARZ_ACTIVITIES 2 года назад

    Goodluck both of you!!! Maganda yung pagpalaki Kay Patrik may respeto at magalang....

  • @jhon-jhonbravo1362
    @jhon-jhonbravo1362 2 года назад

    Nakaiyak din tlga to, kht sabihin nila n pinaampon n nya masama n xa pero kht papaano anak parin nya kya dapat rin n makapiling nila GOD BLESS PO

  • @annfaderes9106
    @annfaderes9106 2 года назад

    Nkk iyak nmn...God Bless po..happy na c nanay🥰🥰🥰

  • @Achie410
    @Achie410 2 года назад +2

    May naalala ako Ng nawawala kong pamangkin sana matulongan mo kami Jessica Soho

  • @emmalynvallado6265
    @emmalynvallado6265 2 года назад

    Grabee naiyak tlaga ako dito ... at least happy ending... napakabuti ng Diyos ... amen amen amen..

  • @soniagordon6087
    @soniagordon6087 Год назад

    Very touching moment nman.
    Nayak tlaga ako.😭😭😭

  • @floracapacete8493
    @floracapacete8493 2 года назад

    Na iyak nman ako kssin g gulang ng anak ko rin...salamat sa Dyos at Jessica Soho nagkita clang mag ina

  • @elvinkitmartinez7902
    @elvinkitmartinez7902 2 года назад

    1990 ipinanganak ako sa probinsya,lumaki ako sa mga magulang nga tatay ko,ngayong wala na sila napag tapos ko po ang sarili ko sa tulang ng aking mga lolo at lola na yumaon na,nagbabasakali po ako ngayun sa manila ng trabaho. Lahat po ng paraan ng paghahanap sa totoo kong ina pero hindi nya pa tin ako pinapansin kahit alam kong anjan lang cya sa pasay kasama ang bago nyang pamilya,hindi naman po ako mang gugulo sa pamilya nya,humihingi lang po ako ng tulong makausap sa ngayun at pwede na po na kahit magkita na kang kami sa huling hantugan po…