2022 USSSAPTAYO Episode 14 | ACOP muli ang topic natin!

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 15 сен 2024
  • Simulcast over the official SSS Facebook Page on March 23, 2022, 2:00PM
    Hosted by Vangie Diamitas
    Special guest:
    Ms. Joyce Obispo, Pensions Administration Department
    #HandogsaMiyembroSerbisyongMakabago
    #expreSSS
    #MySSS
    #SSS
    #SSSApproved
    👉Follow us:
    Website: www.sss.gov.ph
    Facebook: SSSPh
    Twitter: PHLSSS
    Instagram: mysssph
    For inquiries:
    📧 member_relations@sss.gov.ph
    ☎️ +632 81455
    📱1455

Комментарии • 311

  • @zenaidacommonis6994
    @zenaidacommonis6994 2 года назад

    Ngayon ko Lang nalaman ang SSS ACOP nand2 ako sa abroad .my friend only told me about SSS ACOP.magpapatulong Lang ako sa anak ko pag uwi ko bukas I’m working here.very close na ang deadline.hope maemail this b4 deadline

    • @MYSSSPH
      @MYSSSPH  2 года назад

      Mabuting araw Zenaida!
      Maaari kayong magsumite ng inyong ACOP Compliance sa pamamagitan ng pagpapadala ng email sa aming OFW Contact Services Section ( ofw.relations@sss.gov.ph) kasama ang mga sumusunod:
      1. Subject: ACOP Compliance, Pensioner's Name, SS number
      2. Duly accomplished ACOP Form - Pensioner's Reply (bit.ly/3uhd5IR)
      3. Photo/Scanned copy ng inyong:
      a. Isang (1) primary ID card/document; o
      b. Dalawang (2) valid ID cards/documents (kapwa may pirma at kahit isa (1) ay may photo/larawan)
      4. Duly accomplished Self-declaration of Survivor Spouse Form (bit.ly/2Yk3iWQ) para sa survivor spouse.
      5. Additional document, alinman ang naaangkop:
      a. Chest-level photo o snapshot ng pensioner na may hawak na kasalukuyang pahayagan/dyaryo na kung saan ang headline at date of publication ay malinaw na makikita, o pagkakaroon ng background ng news crawler/ticker sa TV na nagpapakita ng kasalukuyang news headline at petsa nito.
      Paalala: Ang petsa ng newspaper/news crawler o ticker sa TV ay dapat na pareho sa petsa ng pagsumite ng ACOP compliance sa pamamagitan ng email.
      b. Isang sertipikasyon mula sa institusyon kung saan ang pensioner ay naka-confine gaya ng retirement home, penitentiary, nursing facility, hospital, correctional, atbp., sa pagkakataon na ang pensioner ay naka-confine.
      Para sa karagdagang impormasyon, maaari ninyong tunghayan ang kabuuan ng aming guidelines sa pamamagitan ng pag-click ng link sa ibaba.
      Guidelines on the Resumption of ACOP Program
      bit.ly/2Yfrs54
      Maraming salamat po.
      Lu-Ann / MCAD

    • @zenaidacommonis6994
      @zenaidacommonis6994 2 года назад

      @@MYSSSPH thank you din .

    • @MYSSSPH
      @MYSSSPH  2 года назад

      Mabuting Araw Zenaida
      Isa pong pribilehiyo ang mapaglingkuran ang aming mga miyembro/pensioners. Kayo ay makakaasa na ang SSS ay patuloy na nagsasagawa ng mga paraan para lalong mapaganda ang aming service delivery.
      Maraming salamat at ingat po kayo palagi.
      Lu-Ann / MCAD.

  • @rheanalbano6839
    @rheanalbano6839 2 года назад +1

    Hello SSS ! ASK ko lang po Anu po kaya 1st step gagawin ko? Kase Wala na akong employer nung dec.2021 so may natira pa ako salary loan payment.. Balak ko Sana mag apply mag self employed nlang pano process po nun? At paano ako maghuhulog ng contribution ko pag self employed na ako? At kung may interest na kaya salary loan ko 1st payment ko dapat nung feb.1 until now di ko pa nabayaran kase sa bagong work ko Wala nmang HR na mag aasikaso kase purely commission lang kami..

  • @atizadonhinnabellev.7833
    @atizadonhinnabellev.7833 Год назад

    Hello po magandang araw po,isa po ako survivor pensioner sa asawa ko na namatay,last 2022 po ako nagpension,diko po alam Yong programs nyo na ACOP ngaun ko lng po nakita sa fb,hindi po ako nakapag comply, paano po iron magsuspend po ba ang pension ko kahit bago pa lang po ako nag pension?
    Josephine V. Atizado po ito.

  • @RosalindaTenchavez
    @RosalindaTenchavez Год назад

    Rosalinda B. Tenchavez Tanong ko lang po. Last July 2022 nag comply ako ACOP tapos last August 08,2022 at 1:30 PM nag video conference na ko . Binago ba ang format ng ACOP Form ? Kasi nag check ako ngayon pero luma pa 2019.

  • @avalangels
    @avalangels Год назад

    Magandang Araw po! Gusto ko lang po itanong kng kelan po maaring mag comply sa acop yung tatay ko, kaka comply nya lang last March 8, 2022 at ang birthday nya po ay January 20. Maraming salamat po!

  • @jehnsnow3730
    @jehnsnow3730 2 года назад +2

    Ask ko lang po about sa acop na video conference ano pong app ang gagamitin para makapag videocall? Kasi yung mama ko nasa US na po.

    • @MYSSSPH
      @MYSSSPH  2 года назад

      Mabuting araw Jehn!
      Ang mga Retirement Pensioners at Death Benefit o Survivor Pensioners (kabilang ang kanilang mga dependent at guardian, kung naaayon) na naninirahan sa ibang bansa ay maaaring mag-comply ng ACOP thru a video conference (ACOP-VC) gamit ang Microsoft (MS) Teams.
      Para mag-request ng appointment, ang mga pensioners ay maaaring mag-email sa ofw.relations@sss.gov.ph at hintayin ang email confirmation mula sa SSS na naglalaman ng kanilang Transaction Reference Number (TRN) at MS Teams Meeting Link. Sa oras ng scheduled video conferencing, ang mga pensioners ay kailangang magpresinta ng isang (1) primary ID card o ng dalawang (2) secondary ID cards.
      Para sa karagdagang impormasyon, maaari ninyong tunghayan ang kabuuan ng aming guidelines sa pamamagitan ng pag-click ng link sa ibaba.
      Guidelines on the Resumption of ACOP Program
      bit.ly/2Yfrs54
      Maraming salamat po.
      - Admin 14

  • @janethandes6036
    @janethandes6036 Год назад

    Good day po. Now ko lang po napanuod video nyo regarding ACOP. May tanong lang po ako. Namatay po kasi asawa ko March 2021 dahil po OFW po ako hindi ko po agad naapply death claim, na approved and narecieved ko lang po death benefit this January 2023. Ask ko lang po iba po ba ang application of death claim and pension? Or need ko po ba muna mag apply or submit ng ACOP para po maka recieve ako ng pension. Thank you po sana masagot kahit late ko na po naview videos nyo.

  • @elisaaragon109
    @elisaaragon109 2 года назад +1

    Kung nag acop na po nong jan 22 magacop po ba ulit

  • @asiasynne7720
    @asiasynne7720 Год назад

    Ask kolang Po if nag 21 na last month my makukuha paba kami Ng pension this month or automatic matigik napo pag tungtung Ng 21

  • @kathmoriente8642
    @kathmoriente8642 2 года назад

    Hi SSS, grabeh po ang sistema ng pagbayad sa mismong SSS Antipolo. Pumunta ako dun Ng 9am, nakalabas na ako Ng 2:30pm.
    Bakit po ganun, may PRN na kami, nabigyan kami Ng number (pang 96 Po ako), iisa lang Po Ang teller at lahat dun sa iisang teller nagbabayad (loans, condonation, Umid at contribution). Priority sa teller section Yung magbayad Ng UMID at yung galing sa E-Center. Kinausap ko na Po Yung guard kasi sya Ang naglalagay Ng mga forms sa teller, palagi nyang kinukuha agad pag Umid at galing e-center. Nakakaiyak na Kaming mga may PRN at number kelangan maghintay at inaabot na Ng gutom, kasi laging may nasingit na galing e-center at mga nagbabayad Ng UMID. Baka pwedeng pabago Ng sistema.. nasasayangan Po kasi kami sa Oras na inaantay Namin eh magbabayad lang naman kami...
    Dapat Po pag ganitong katapusan at may mga deadlines, wag naman Po Isang teller lang.
    Para lahat maasikaso. Hindi kami naiipon.. magkahawa hawa pa kami... Pandemic parin Po Ngayon... 😥😥😥

    • @MYSSSPH
      @MYSSSPH  2 года назад

      Mabuting araw Kath!
      Kami po ay humihingi ng paumanhin sa kaabalahang naidulot nito at amin pong ikinalulugod ang inyong pagbibigay ng oras upang maiparating ang inyong naging concern sa aming (benefit/service/branch).
      Makakaasa kayo na ang inyong feedback ay ituturing bilang input para sa pagpapabuti at pagpapahusay ng aming serbisyo.
      Gayundin, nais po naming ipaalam na maaari pong magbayad ng contribution sa alinman sa mga SSS accredited payment centers, gaya ng Bayad Center at SM Bills Payment Center. Mangyari po lamang na dalhin ang inyong Statement of Account (SOA) na mayroong Payment Reference Number (PRN) sa inyong pagbabayad.
      Maraming salamat po

  • @jhanamariebraga5277
    @jhanamariebraga5277 Год назад

    Pwedi po ba magpatuloy ang hulog kasi po Ng pandemic nahinto po ang hulog ko

  • @sarahcaspe726
    @sarahcaspe726 Год назад

    Good pm mam ngayon 2023 po mag aacop na po ba ako? 67 yrs old po ako.

  • @josephineviray5888
    @josephineviray5888 2 года назад

    61yo ako survivor pensioner may sariling sss ako pero ndi kona nhulugan kelangan p bang hulugan yun..thank you

    • @MYSSSPH
      @MYSSSPH  2 года назад

      Mabuting araw Josephine!
      Kung ang tinutukoy po ninyo ay Retirement Benefit, nais po naming ipabatid na upang maging kwalipikado sa buwanang pensyon sa ilalim ng benepisyo sa pagreretiro, kinakailangang ang isang miyembrong may edad na hindi bababa sa 60, na wala ng pinagkakakitaan, ay maroong kabuuang kontribusyon na hindi bababa sa 120 buwang kontribusyon. Samantala ang isang miyembro na hindi nakakumpleto ng 120 buwang kontribusyon ay maaaring maging kwalipikado sa lumpsum na benepisyo sa pagreretiro na katumbas ng kabuuang halaga na ibinayad niya sa SSS at mayroong simpleng interes.
      Para sa karagdagang impormasyon, maaaring sundan ang link na ito: bit.ly/Retirementwebsite
      Maraming salamat.
      MCAD - Admin 14

  • @almaleyba68
    @almaleyba68 2 года назад +1

    What do you consider primary ID, valid IDs?

    • @MYSSSPH
      @MYSSSPH  2 года назад

      Mabuting araw Alma!
      Aside from UMID/SSS ID card, the accepted primary valid IDs may be found on this link: facebook.com/photo/?fbid=372505121655801&set=a.196542209252094
      Thank you.
      MCAD - Admin 14

  • @loretafrias7138
    @loretafrias7138 Год назад

    Where are we going to get the new paper ?

  • @elsaoquendo
    @elsaoquendo 2 года назад

    Na PWD ako po nag pinsion ako 5 years natigil po hanggang ngayun nag submit ako ng ACOP dop box oct. 11, 2021 bat wala parin pinsion ko. Need ko po ba ako ulit ng ACOP form ngayung AUGT. birthmonth ko. 2022

    • @MYSSSPH
      @MYSSSPH  2 года назад

      Mabuting Araw Elsa. Para sa inyong SSS inquiries, beripikasyon ng rekord at assistance ay maaari kayong mag-register sa aming uSSSap Tayo Portal (crms.sss.gov.ph/). Sa ilalim ng portal na ito, kayo ay maaaring mag-create ng ticket para sa inyong SSS-related concern at madaling ma-monitor ang progress nito habang ito ay tinutugunan ng aming mga member service representatives.
      Maraming salamat at keep safe po lagi.
      -Admin 10

  • @emmajavier4655
    @emmajavier4655 2 года назад

    Ako po ay nkapagpasa ng Acop last Nov. 2021,,ngayon mag bi birthday ang aswa ko July 10,,tanong ko mgppasa ba uli ako ng Acop

    • @MYSSSPH
      @MYSSSPH  2 года назад

      Mabuting Araw Emma. Nais po naming ipabatid na kayo ay mapapadalhan ng notice kaugnay ng inyong susunod na ACOP compliance schedule.
      Para sa assistance ay maaaring tawagan ang aming Call Center, Lunes hanggang Biyernes mula 7:00 AM hanggang 10:00 PM gamit ang contact no. na 8-1455 (kung gamit ay landline phone) o 02-1455 (kung gamit ay mobile phone).
      *Paalala: Maaaring magkaroon ng additional charges para sa mga tawag mula sa labas ng NCR. Para sa karagdagang impormasyon, maaari kayong tumawag sa inyong service provider.
      Maaari din po kayong mag-register sa aming uSSSap Tayo Portal (crms.sss.gov.ph/). Sa ilalim ng portal na ito, kayo ay maaaring mag-create ng ticket para sa inyong SSS-related concern at madaling ma-monitor ang progress nito habang ito ay tinutugunan ng aming mga member service representatives.
      Maraming salamat po.
      -Admin 10

  • @jehnsnow3730
    @jehnsnow3730 2 года назад

    Ok lang po ba hindi na mag submit ng fully accomplished form ng acop ang mga survivor pensioner at thru video conference nalang po.

    • @MYSSSPH
      @MYSSSPH  2 года назад

      Mabuting araw muli, Jehn!
      Mangyaring tunghayan ang aming naging unang tugon sa inyong katanungan.
      Maraming salamat.
      - Admin 14

  • @donnanavaro6927
    @donnanavaro6927 2 года назад

    Magandang. Hapon. Ma'am, piano ba. Magloan. Ma'am ? Nagloan. Kami. Pero. Hanggang ngayon. Wala. Ano. Ang dapat. Gawin. Ano. Ang. Dapat. Gawin,,, sana. Matulungan. Kami,. Salamat

    • @MYSSSPH
      @MYSSSPH  2 года назад

      Mabuting araw Donna!
      Nais po naming ipabatid na simula ika-11 ng Nobyembre 2019, lahat ng Salary Loan application ay maaaring isumite gamit ang My.SSS Online Account.
      Maaari po ninyong makita ang status ng inyong loan application online. Mag-login lamang sa inyong My.SSS account at pumunta sa "Inquiry" at i-click ang "Loans Info".
      Para sa status verification ng inyong Loan, maaari din po kayong tumawag sa aming Call Center Lunes hanggang Biyernes mula 7:00 AM hanggang 10:00 PM gamit ang contact no. na 8-1455 (kung gamit ay landline phone) o 02-1455 (kung gamit ay mobile phone).
      Maaari din po kayong mag-register sa aming uSSSap Tayo Portal (crms.sss.gov.ph/). Sa ilalim ng portal na ito, kayo ay maaaring mag-create ng ticket para sa inyong SSS-related concern at madaling ma-monitor ang progress nito habang ito ay tinutugunan ng aming mga member service representatives.
      Maraming salamat po.
      - Admin 14

  • @deonoora2824
    @deonoora2824 Год назад

    maddam..hanggang kelan po ang condonation GOD BLESS PO..WALA PA PO KSE AKONG PANGDOWN NG 1O%..LAKI PO KSE..

    • @MYSSSPH
      @MYSSSPH  Год назад

      Hi! Deo 😊, wala pong deadline ang bagong Consolidated Loan Program with Penalty Condonation. Maraming salamat. MCAD - Admin 14 👩

  • @mcsportsph09
    @mcsportsph09 Год назад

    pano po kapag namatay na po yung surviving pensioner? mga adult na po ang kanilang mga anak. tuloy2x nmn po ba ang pension di ba po ililipat lang sa anak

  • @melaniemelanie9599
    @melaniemelanie9599 2 года назад

    Sana po mapansin nio po kmi

    • @MYSSSPH
      @MYSSSPH  2 года назад

      Mabuting Araw Melanie. Maaaring sundan po ang aming naunang payo/reply for further assistance.
      Maraming salamat at keep safe po lagi.

  • @FlorianDomingo-rn6kn
    @FlorianDomingo-rn6kn Год назад

    hello po paano po mag acop sa video call?

  • @rosemariesuaybaguio5180
    @rosemariesuaybaguio5180 2 года назад

    Good Day . . . Pwd lang pud ba sa participating bank mag file ng ACOP . . ???

    • @MYSSSPH
      @MYSSSPH  2 года назад

      Mabuting araw Rosemarie!
      Ang Annual Confirmation of Pensioners (ACOP) ay taunang programa na kung saan kinakailangan na mag-comply ng isang pensioner at kanyang mga beneficiaries (kung mayroon man) upang maipaalam at matiyak sa SSS na sila pa rin ang kasalukuyang tumatanggap ng kanilang monthly pension.
      Hindi na po maaaring mag-comply sa ACOP thru banks ngunit pwede po itong isumite sa pamamagitan ng alin man sa mga sumusunod na pamamaraan:
      1. Via ACOP thru Video Conference (Retirement at Death/Surviving Pensioners na naninirahan sa ibang bansa);
      2. Via Corporate Email ng Local Branch Offices at Foreign Representative Offices (Survivor Pensioners, Dependent Children at kanilang mga Guardians);
      3. Via Mail/Courier sa Local Branch Offices at Foreign Offices (Total Disability Pensioners, Survivor Pensioners, Dependent Children at kanilang mga Guardians, at mga Retirement Pensioners na naninirahan sa ibang bansa);
      4. Via Dropbox sa Local Branch Office (Total Disability Pensioners na naninirahan sa ating bansa, Survivor Pensioners, Dependent Children at kanilang mga Guardians); o
      5. Via a Written Request ng Conduct ng Domiciliary Medical Service (DMS) o home visit (Total Disability Pensioner na naninirahan sa ating bansa).
      Maraming salamat po.
      - Admin 14

  • @bisayauragonvlog493
    @bisayauragonvlog493 2 года назад

    my tanung tungkol po sa sss Ng Mami ko 14yrs na di pa Namin mkukuha panu po yun death claim po ba is my expired na ...

    • @MYSSSPH
      @MYSSSPH  2 года назад

      Mabuting Araw bisaya. Nais po naming ipabatid na ang Death Benefit ay walang deadline o prescriptive period para sa initial application. Ito ay maaaring i-file anumang oras ng identified beneficiary/ies. Gayunpaman, ang pag-file ng requests para sa re-adjudication o adjustment ng settled Death Benefit claim ay maaari lamang i-submit within 10 years mula sa settlement date nito.
      Amin pong iminumungkahi na bisitihin ang aming Knowledgebase sa uSSSap Tayo Portal (crms.sss.gov.ph/knowledgebase) at i-type ang "Death Claim" para sa karagdagang impormasyon.
      Maraming salamat at keep safe po lagi.
      -Admin 10

  • @libradagutierrez7393
    @libradagutierrez7393 2 года назад

    ANG Metrobank Po may pesonet poba

  • @glenbeato4306
    @glenbeato4306 2 года назад

    Ndi poe aku maka enroll sa deburshment module

  • @elisaabad5333
    @elisaabad5333 2 года назад

    tanong ko lang po nag file ng acop ang kamaganak na nasa ibang bansa nag email siya sa ofw na email add d pa rin nakakatanggap ng reply hanggang ngayon.

    • @MYSSSPH
      @MYSSSPH  2 года назад

      Mabuting Araw Elisa. Kami ay humihingi ng paumanhin sa anumang inconvenience na naranasan.
      Upang masundan po ang naipadalang email ay maaaaring ipaalam sa amin ang Ticket Reference Number nito bilang basehan sa pagfollow-up sa concerned department.
      Maaari din na siya ay mapayuhan na tawagan ang aming OFW Contact Services Section at (632) 8-364-7796; (632) 8-364-7798 (632) 8-920-6401 local 6358 / 59 or thru Globe (0977) 804-8668 and Smart (0998) 8474092 o makipag-ugnayan sa alinmang Foreign Representative office sa kanyang area, kung mayroon man.
      Branch Directory
      bit.ly/SSSBranchDIrectory
      Maraming salamat at keep safe po lagi.
      -Admin 10

  • @chuchiaguila2597
    @chuchiaguila2597 2 года назад

    What about the 1 k dagdag mam. Naibigay pa ba yun? And when. And is it retro ba?

    • @MYSSSPH
      @MYSSSPH  2 года назад +1

      Mabuting Araw Chuchi. Sakaling ang tinutukoy po na concern ay ang pagbibigay ng pangalawang P1,000 na karagdagang benefit allowance, ang SSS ay walang advisory kaugnay nito sa kasalukuyan.
      Amin pong naiintindihan ang kalagayan ng mga pensioners at ang pagsubok na kasalukuyan nilang nararanasan dahil sa pandemya. Nais man ng SSS na tumugon sa panawagan ng mga pensioners, gayunpaman ay maaari itong makaapekto sa kakayahan ng aming institusyon na makapagbigay ng benefit payments sa aming mga members at pensioners sa hinaharap.
      Muli, ang SSS ay humihingi ng inyong pag-unawa na kailangan naming sumunod sa SS Law upang matiyak na ang anumang pagbabago o karagdagang benepisyo ay naaayon sa pagpapanatili ng aming pension fund. Makakaasa po kayo na ang SSS ay patuloy na pangangalagaan ang pondo at isasaalang-alang ang kapakanan ng lahat ng mga stakeholders ito para sa hinaharap.
      Maraming salamat at keep safe po lagi. - IC

  • @michaeldeleon5598
    @michaeldeleon5598 Год назад

    Hello po SSS,
    Tanong ko lang po last JULY 2022 lang po naaprubajan amg survivor pensioner. Birthmonth po ng deceased member is NOVEMBER. Kelangan pa po na ma magfile ng ACOP this year 2022?
    Isa pa pong katanungan. Kung sakaling hind nakapagfile ng ACOP at nahinto ang SSS pension ng 1 year. Nung sumunod na taom ay nakagpafile na ulit ng ACOP. Maibabalik pa ba yung pension ng mga buwan na nawala?

    • @MYSSSPH
      @MYSSSPH  Год назад

      Hi! MICHAEL DE LEON, nais po naming ipaalam sa inyo na ang mga pensioners na nakapag-comply na ng kanilang ACOP para sa taong 2021 simula Oktubre 1, 2021 hanggang Oktubre 31, 2022 ay hindi na kinakailangang magsumiteng muli ng kanilang compliance. Maaari na lamang nilang antabayanan muli ito para sa taong 2022 (na nagsimula noong Hulyo 1, 2022) base sa regular schedule ng ACOP compliance. Maraming salamat po. MCAD-Admin 03

    • @MYSSSPH
      @MYSSSPH  Год назад

      Para sa kaukulang assistance hinggil sa inyong SSS concern ay maaaring mag-email sa member_relations@sss.gov.ph. Maraming Salamat. MCAD - [Admin 1]

    • @michaeldeleon5598
      @michaeldeleon5598 Год назад

      @@MYSSSPH nag email na po ako kaso hidni po sila sumasagot.

  • @elisaaragon109
    @elisaaragon109 2 года назад

    Kailan po ulit magumpisa ang acop 2022 salamat po

  • @vilmaclariza7778
    @vilmaclariza7778 2 года назад

    Hello, itanong ko Lang kong bakit hindi ko pa natanggap ang pension nang asawa ko, samantalang nasubmit ko na ang ACOP form nong March 14, 2022, and received the same day sa Sss office sa San Pedro, Laguna. Last deposit sa aking savings account was on March 26, 2019. Maraming salamat.

    • @MYSSSPH
      @MYSSSPH  2 года назад

      Mabuting araw Vilma!
      Nais po naming ipabatid na limitado lamang po ang impormasyon na maaari naming ibahagi sa aming RUclips Channel, ito ay alinsunod sa confidentiality of records sa ilalim ng R.A. 10173 o Data Privacy Act of 2012.
      Para sa status verification, maaari po kayong tumawag sa aming Call Center Hotline 1455 mula Lunes (7:00AM) hanggang Sabado (7:00AM).
      Maaari din po kayong mag-register sa aming uSSSap Tayo Portal (crms.sss.gov.ph/). Sa ilalim ng portal na ito, kayo ay maaaring mag-create ng ticket para sa inyong SSS-related concern at madaling ma-monitor ang progress nito habang ito ay tinutugunan ng aming mga member service representatives.
      Maraming salamat po.
      Lu-Ann / MCAD

  • @rigorudani3934
    @rigorudani3934 2 года назад

    Good morning po , ako si Rodrigo W. Udani date of birth Oct. 16, 1949, kailangan pa ako mag ACOP ngayun kc bd sa 10-16-1949

    • @MYSSSPH
      @MYSSSPH  2 года назад

      Mabuting araw Rigor!
      Nais po naming ipabatid na limitado lamang po ang impormasyon na maaari naming ibahagi sa aming RUclips Channel, ito ay alinsunod sa confidentiality of records sa ilalim ng R.A. 10173 o Data Privacy Act of 2012.
      Gayunpaman, ang Annual Confirmation of Pensioners (ACOP) ay taunang programa na kung saan kinakailangan na mag-comply ng isang pensioner at kanyang mga beneficiaries (kung mayroon man) upang maipaalam at matiyak sa SSS na sila pa rin ang kasalukuyang tumatanggap ng kanilang monthly pension.
      Sa ilalim ng ACOP ang mga Retirement Pensioners na naninirahan sa ating bansa ay hindi na kailangan mag-report para dito. Tanging ang mga members/pensioners na tumatanggap ng pension sa Total Disability, Death at Retirement (living abroad) Benefit ang kinakailangan na mag-comply nito kada taon.
      Para sa iba pang detalye, maaari ninyong tunghayan ang kabuuan ng aming guidelines sa pamamagitan ng pag-click sa link na ito: bit.ly/2Yfrs54
      Maraming salamat.
      - Admin 14

  • @rebeccatelen9157
    @rebeccatelen9157 Год назад

    My fiend from the US can’t send her ACOP
    thru email. She send me her form but SSS in Muntinlupa won’t accept it. This was last October, 2022.

    • @MYSSSPH
      @MYSSSPH  Год назад

      Hi! Rebecca 😊! The ACOP compliance must be sent to email address: ofw.relations@sss.gov.ph. You may refer to this link for more info: bit.ly/ACOPsumm2022 . Thank you. MCAD - Admin 14 👩

  • @filomenabardos8608
    @filomenabardos8608 Год назад

    Mam puede ba pagtulong kong ano kong gagawin sa aking ACOP ko kasi nasa ako Sa ibang bansa hindi kasi ko alam kong Anong gawin Sa online

  • @aishaperez
    @aishaperez 2 года назад

    Paano nman Kung walang tv, video Po ba puede Po, salamat,

    • @MYSSSPH
      @MYSSSPH  2 года назад

      Mabuting araw Aisha!
      Upang kayo po ay aming matulungan, maaari po bang I-clarify ang inyong specific SSS concern?
      Maraming salamat po.
      - Admin 14

  • @michaeldeleon5598
    @michaeldeleon5598 Год назад

    Hello po ulit SSS,
    sana po ay mapansin. wala po ba kayong SSS advisor na pede ko pong makausap thru phone? meron lang po akong gustong klaruhin.salamat po.

  • @henzs.4241
    @henzs.4241 2 года назад

    Ms. Joyce- My Mom is a survivor pensioner who lives in the Philippines. Does she need to do ACOP?

    • @MYSSSPH
      @MYSSSPH  2 года назад

      Mabuting araw Henz!
      Yes, please be informed that survivor-pensioners are required to comply to ACOP for calendar year 2021 starting October 1, 2021 until June 30, 2022. She may send her compliance through any of the following:
      1.Via corporate Email of the Local Branch Offices and Foreign Representative Offices (Survivor Pensioners, Dependent Children and their Guardians);
      2. Via Mail/Courier to the Local Branch Offices and Foreign Offices (Total Disability Pensioners, Survivor Pensioners, Dependent Children and their Guardians, and Retirement Pensioners residing abroad);
      3. Via Dropbox in Local Branch Office (Total Disability Pensioners residing in the Philippines, Survivor Pensioners, Dependent Children and their Guardians)
      For more details, you may check our guidelines by clicking the link below.
      Guidelines on the Resumption of ACOP Program
      bit.ly/2Yfrs54
      Thank you.
      - Admin 14

  • @jessicaalavera1022
    @jessicaalavera1022 2 года назад

    Ma'am, Ask kolang Po ilang months Po ba bago pumasok SA ATM Ang death claim 1month napo Kase Panay update Namen WLA paren Po ask?kolang Po sana kng ilang months Po ba process Ng death claim ?

    • @MYSSSPH
      @MYSSSPH  2 года назад

      Mabuting Araw Jessica. Kami ay humihingi ng paumanhin sa anumang pagkakaantalang naranasan. Ang SSS ay mayroon pong pamantayan na sinusunod sa pagbeberipika ng rekord ng miyembro, pagproproseso ng anumang aplikasyon at upang matukoy ang kwalipikadong benepisyaryo sa oras ng pagbibigay ng benepisyo. Ito ay subject sa ebalwasyon ng SSS at base sa sinusunod na guidelines nito.
      Para sa beripikasyon ng rekord at karagdagang payo/assistance, maaaring mag-register sa aming uSSSap Tayo Portal (crms.sss.gov.ph/). Sa ilalim ng portal na ito ay maaaring mag-create ng ticket para sa inyong SSS-related concern at madaling ma-monitor ang progress nito habang ito ay tinutugunan ng aming mga member service representatives. "
      Maraming salamat at keep safe po lagi.

  • @estrelladaet588
    @estrelladaet588 2 года назад

    Ng comply po sq ng acop as survivor last January 2022 for the year 2021 ask q lng po kung ma comply pa dn po aq s bday ng asawa q now po n october 8

    • @MYSSSPH
      @MYSSSPH  2 года назад

      Mabuting Araw Estrella. Nais po naming ipabatid na kayo ay mapapadalhan ng notice kaugnay ng inyong susunod na ACOP compliance schedule.
      Upang maberipika ang rekord ng miyembro at para sa karagdagang payo/assistance ay maaaring mag-register sa aming uSSSap Tayo Portal (crms.sss.gov.ph/). Sa ilalim ng portal na ito, kayo ay maaaring mag-create ng ticket para sa inyong SSS-related concern at madaling ma-monitor ang progress nito habang ito ay tinutugunan ng aming mga member service representatives.
      Maaari din na tawagan ang aming Call Center Lunes hanggang Biyernes mula 7:00 AM hanggang 10:00 PM gamit ang contact no. na 8-1455 (kung gamit ay landline phone) o 02-1455 (kung gamit ay mobile phone).
      *Paalala: Maaaring magkaroon ng additional charges para sa mga tawag mula sa labas ng NCR. Para sa karagdagang impormasyon, maaari kayong tumawag sa inyong service provider.
      Maraming salamat at keep safe po lagi.
      -Admin 10

  • @denisecabras8811
    @denisecabras8811 2 года назад

    Cabras po pala nagkamali po ako ng type

    • @MYSSSPH
      @MYSSSPH  2 года назад

      Mabuting araw muli, Den Den!
      Maaari pong tunghayan ang aming naging unang tugon sa inyong katanungan.
      Maraming salamat!
      Lu-Ann / MCAD

  • @maximabaga7131
    @maximabaga7131 2 года назад

    Mam nag acop po ako october ang para sa Asawako birthday march po

    • @MYSSSPH
      @MYSSSPH  2 года назад

      Mabuting Araw Maxima. Nais po naming ipabatid na ang Annual Confirmation of Pensioners (ACOP) ay taunang programa na kung saan kinakailangan na mag-comply ng isang pensioner at kanyang mga beneficiaries (kung mayroon man) upang maipaalam at matiyak sa SSS na sila pa rin ang kasalukuyang tumatanggap ng kanilang monthly pension.
      Sa ilalim ng ACOP, ang mga Retirement Pensioners na naninirahan sa ating bansa ay hindi na kailangan mag-report para dito. Tanging ang mga members/pensioners na tumatanggap ng pension sa Total Disability, Death at Retirement (living abroad) Benefit ang kinakailangan na mag-comply nito kada taon.
      Para sa iba pang detalye, maaari ninyong tunghayan ang kabuuan ng aming guidelines sa pamamagitan ng pag-click ng link sa ibaba.
      Guidelines on the Resumption of ACOP Program
      bit.ly/2Yfrs54
      Amin din pong iminumungkahi na bisitahin ang aming Knowledgebase sa uSSSap Tayo Portal (crms.sss.gov.ph/knowledgebase) at i-click ang "ACOP".
      Maraming salamat at keep safe po lagi.
      -Admin 10

  • @rodgielacarllarin64
    @rodgielacarllarin64 2 года назад

    magandang araw po regards po ba sa acop yung nanay ko kasi survivor via drop box parin ba ? mag papasa ng requirements ?

    • @MYSSSPH
      @MYSSSPH  2 года назад

      Mabuting araw Rodgie!
      Ang ACOP compliance ng isang Survivor-Pensioner ay maaaring isumite sa pamamagitan ng alin man sa mga sumusunod na pamamaraan:
      1. Via ACOP thru Video Conference (para sa mga naninirahan sa ibang bansa);
      2. Via Corporate Email ng Local Branch Offices at Foreign Representative Offices
      3. Via Mail/Courier sa Local Branch Offices at Foreign Offices
      4. Via Dropbox sa Local Branch Office
      Para sa iba pang detalye, maaari ninyong tunghayan ang kabuuan ng aming guidelines sa pamamagitan ng pag-click ng link sa ibaba. Guidelines on the Resumption of ACOP Program bit.ly/2Yfrs54
      Maraming salamat po.
      - Admin 14

  • @plantsvszombies2player162
    @plantsvszombies2player162 2 года назад

    Ma'am, itatanong ko lang po kung may penalty po bang matatanggap ang pensioner na widowed noon o kung sino man ang humahawak ng ATM na patuloy pa rin pong tumatanggap ng pension kahit ikinasal na ulit ang widowed ng ilang buwan na ang nakalilipas?

    • @MYSSSPH
      @MYSSSPH  2 года назад

      Mabuting Araw PlantsVsZombies2. Ang SSS ay mayroon pong pamantayan na sinusunod sa pagbeberipika ng rekord ng miyembro, pagproproseso ng anumang aplikasyon at upang matukoy ang kwalipikadong benepisyaryo sa oras ng pagbibigay ng benepisyo.
      Amin pong iminumungkahi na mai-report ang detalye ng pensioner/member kasama ang address nito sa alinmang tanggapan ng SSS. Maaari pong sundan ang link sa ibaba para sa contact information ng aming mga branches para sa inyong kapakinabangan.
      Branch Directory
      bit.ly/SSSBranchDIrectory
      Maraming salamat at keep safe po lagi. - IC

  • @franciscoraquel277
    @franciscoraquel277 2 года назад +1

    Gud Pm I just want to asked the schedule of submission of Acop

    • @MYSSSPH
      @MYSSSPH  2 года назад

      Mabuting Araw Francisco. Kindly be informed that the regular schedule for the ACOP compliance are the following:
      A. For Retirement pensioners residing abroad and Total disability pensioners (including their minor/incapacitated dependent/s and guardian, if applicable) - their schedule of compliance is on the month of birth of the pensioner.
      B. For Death Benefit/Survivor pensioner (including their minor/incapacitated dependent/s and guardian, if applicable) - their schedule of compliance is on the month of birth of the deceased member.
      For more information, you may check our guidelines by clicking the link provided below.
      Guidelines on the Resumption of ACOP Program bit.ly/2Yfrs54
      Thank you and keep safe always.
      -Admin 10

    • @floraconcejeroburgos8502
      @floraconcejeroburgos8502 2 года назад

      Mam na putol mo pension pag ngsubmit na po ng kailan .kailan po ibbalik pension...

    • @MYSSSPH
      @MYSSSPH  2 года назад

      Hi Flora 😊! Ang resumption ng pension ay nasa loob ng 1 hanggang 2 buwan mula sa araw ng pag-comply ng mga pensioners na nakansela ang pension dahil sa late compliance ng ACOP. Maraming salamat. MCAD - Admin 14 👩

  • @tontonalie1771
    @tontonalie1771 2 года назад

    Ma'am good morning Po asked qo Po sana I'm trying to regester online. Once maricieve qo na sa Gmail. Click here pra makagawa na ng password bakit Po nakalagay your rehestration is no longer accessable pero less than a minutes palang Po Ang nkalipas. Pa help Naman Po salamat.

    • @MYSSSPH
      @MYSSSPH  2 года назад

      Mabuting Araw Tonton. Kami ay humihingi ng paumanhin sa anumang inconvenience na naranasan.
      Para sa inyong online inquiries at assistance ay maaaring tawagan ang aming Member Electronic Services Department sa (632) 8-7097198 local 5971, 5966, 6449, 5240, 6092, at 5968 o magpadala ng detalye ng concern sa aming onlineserviceassistance@sss.gov.ph kasama ang mga sumusunod na impormasyon:
      1. Buong Pangalan
      2. SS Number
      3. Detalye ng concern kasama ang screenshots ng error encountered, kung naaayon
      4. Photo/Scanned copy ng inyong:
      a. UMID Card/PhilID/ isang (1) primary ID card/document; o
      b. Dalawang (2) valid ID cards/documents (kapwa may pirma at kahit isa (1)
      ay may photo/larawan)
      5. Photo/selfie na hawak ang iyong ipapadalang ID cards/documents
      Paalala: Ang iyong magiging file attachment/s ay hindi dapat hihigit sa 10MB.
      As soon as forwarded at matanggap ang email notification para sa inyong naipadalang email ay maaaring i-repost sa aming Page ang Ticket Reference Number nito bilang basehan sa pagfollow-up sa concerned department.
      Maraming salamat at keep safe po lagi. - IC

  • @leamaeocenar1739
    @leamaeocenar1739 2 года назад

    gud day po magtanobg lang po ako pag may loan po ba yun member at di pa ito nababayaran panu po ba yun pag nag pension na at may naiwang loan ay makakapag pension po ba sya

    • @MYSSSPH
      @MYSSSPH  2 года назад

      Mabuting araw Lea!
      Alinsunod sa Part I ng Terms and Conditions ng Salary Loan, ang hindi nabayarang balanse ng isang member ay ibabawas sa kanyang makukuhang benefits sa SSS. Kung kayo ay may unpaid salary loan, ang amount na ito ay ikakaltas sa inyong pension hanggang ma-fully cover ang kabuuang amount.
      Para sa iba pang impormasyon, maaari po ninyong bisitihin ang aming Knowledgebase sa uSSSap Tayo Portal (crms.sss.gov.ph/knowledgebase) at i-click ang "Salary Loans".
      Maraming salamat.
      - Admin 14

  • @leatalag7269
    @leatalag7269 Год назад

    Hello po nawawala po ba ang pera sa atm pension kapag hindi nawiwidro

    • @MYSSSPH
      @MYSSSPH  Год назад

      Hi! Lea😊, para sa assistance hinggil sa inyong ATM acccount/balance inquiries, amin pong iminumungkahi na makipag-ugnayan sa concerned depository bank. Maraming salamat po. MCAD - Admin 10 👩

  • @mrbon4637
    @mrbon4637 2 года назад +1

    Good day po!ang asawa ko ay naadmit sa hospital at company niya po ang sumasagot ng pangangailangan niya dahil sa oras ng trabaho po siya naaksidente.unang admit po ng asawa ko ay noong last march 8 at nadischarged po march 29 2022.pinoprocess ko po sa kasalukuyan ang EC SICKNESS niya po online.Nafractured po left leg niya.naadmit na naman po siya ngayong april 13 at narito pa rin po kami sa kasalukuyan dahil sa second admit.concern ko lang po.di po ba madedenied ang pagprocess ko po ng sss niya kasi one month na po mula ng maoperahan siya.pati po ba ang second admit niya ay iaaply pa rin po ba?kailangan ko pa rin po kasing kumuha personally ng atm accnt niya po upang makakuha ng atm accnt for his reinbursment accnt po at for notification form niya po.salamat po,!sana masagot niyo po ang aking concern.

    • @mrbon4637
      @mrbon4637 2 года назад

      Hanggang ilang month o year po pwedeng iprocess ang EC SICKNESS po ng aking asawa?

    • @teresitamendavia5795
      @teresitamendavia5795 2 года назад

      @@mrbon4637
      hindi na po nakatatanggap ng disability ang asawa.ko ngayon april, ano po gagawin?hindi na po xa nakalalakad

  • @kuyamelvs7643
    @kuyamelvs7643 2 года назад

    Maam..nkpagacop na po ung lola ko..using drop box nung october 2021..mgsusubmit pa po ba ulit sa june? Kc un amg bday ng deceased member? Pnu po pti nmin mllman kung ok n ung nisubmit naming acop

    • @MYSSSPH
      @MYSSSPH  2 года назад

      Mabuting Araw KUYA MELVS. Nais po naming ipaalam sa inyo na ang mga pensioners na nakapag-comply na ng kanilang ACOP para sa taong 2021 ay hindi na kinakailangang magsumiteng muli ng kanilang compliance. Maaari na lamang nilang antabayanan compliance para sa susunod na taon simula Abril 1, 2022 base sa regular schedule ng ACOP compliance:
      A. Para sa mga Retirement pensioners na naninirahan sa ibang bansa at Total disability pensioners (kabilang ang kanilang mga minor/incapacitated dependent child/ren at guardian, kung naaayon) - ang kanilang schedule of compliance ay sa buwan ng kapanganakan ng pensioner.
      B. Para sa mga Death Benefit/Survivor pensioners (kabilang ang kanilang mga minor/incapacitated dependent child/ren at guardian, kung naaayon ) - ang kanilang schedule of compliance ay sa buwan ng kapanganakan ng deceased member.
      To facilitate verification ng records ng member at para sa karagdagang payo/assistance ay maaaring tawagan ang aming Call Center (6:00AM-7AM) mula Lunes, 6:30AM hanggang Sabado, 7AM, gamit ang alinman sa mga sumusunod na hotline no. ☎️ 81455 (landline) o 📱02-1455 (mobile).
      *Paalala: Maaaring magkaroon ng additional charges para sa mga tawag mula sa labas ng NCR. Para sa karagdagang impormasyon, maaari kayong tumawag sa inyong service provider.
      Maraming salamat at keep safe po lagi. ~ IC

  • @minaru3661
    @minaru3661 2 года назад

    ma'am pano naman if yung pensioner is survivor na anak. Pag ba nag asawa ulit yung papa nila at ikinasal mawawala ba yung pension ng mga anak nya ? di po sila kasal nung namayapa na asawa bali nagsama lang sila and di kasal ? mastop ba yung pension ng mga anak nya ?

    • @MYSSSPH
      @MYSSSPH  2 года назад

      Mabuting araw Mina!
      Nais po naming ipaalam na ang primary beneficiary ng death benefit claim ay ang ligal na asawa hanggang siya ay mag-asawang muli o mga menor de edad na anak (lehitimo, pinalehitimo, ligal na ampon, at ilehitimo at incapacitated o walang kakayahang suportahan ang sarili sanhi ng kapansanang pisikal o mental).
      Ang muling pag-aasawa ng guardian ng menor de edad na anak ng yumaong member ay hindi makakaapekto sa tinatanggap ng pensyon ng bata dahil sya ay nagsisilbing guardian lamang at hindi ang derektang beneficiary ng benefit.
      Para sa karagdagang paglilinaw, maaari po kayong tumawag sa aming Call Center Hotline 1455 mula Lunes (7:00AM) hanggang Sabado (7:00AM).
      Maraming salamat po.
      Lu-Ann / MCAD

  • @caridadbasiag6980
    @caridadbasiag6980 2 года назад

    Hello po ma'am puwede po ask ko di po kailan punta po Jan sa sss

    • @MYSSSPH
      @MYSSSPH  2 года назад

      Mabuting araw Caridad!
      |Ang Annual Confirmation of Pensioners (ACOP) ay taunang programa na kung saan kinakailangan na mag-comply ng isang pensioner at kanyang mga beneficiaries (kung mayroon man) upang maipaalam at matiyak sa SSS na sila pa rin ang kasalukuyang tumatanggap ng kanilang monthly pension. Ang ACOP compliance ay maaaring isumite sa pamamagitan ng alin man sa mga sumusunod na pamamaraan:
      1. Via ACOP thru Video Conference (Retirement at Death/Surviving Pensioners na naninirahan sa ibang bansa);
      2. Via Corporate Email ng Local Branch Offices at Foreign Representative Offices (Survivor Pensioners, Dependent Children at kanilang mga Guardians);
      3. Via Mail/Courier sa Local Branch Offices at Foreign Offices (Total Disability Pensioners, Survivor Pensioners, Dependent Children at kanilang mga Guardians, at mga Retirement Pensioners na naninirahan sa ibang bansa);
      4. Via Dropbox sa Local Branch Office (Total Disability Pensioners na naninirahan sa ating bansa, Survivor Pensioners, Dependent Children at kanilang mga Guardians); o
      5. Via a Written Request ng Conduct ng Domiciliary Medical Service (DMS) o home visit (Total Disability Pensioner na naninirahan sa ating bansa).
      Maraming salamat po.
      - Admin 14

  • @shawniemaeoyo-a
    @shawniemaeoyo-a 2 года назад

    Hi SSS!
    Tanong ko lang po kong continue prin ba hanggang ngayon ang ACOP sending of requirements via email or drop box ? Birthmonth po ay ngayong November 2022,. Please advise po

    • @MYSSSPH
      @MYSSSPH  2 года назад

      Mabuting Araw Shawnie Mae. Nais po naming ipabatid na ang compliance para sa Annual Confirmation of Pensioners (ACOP) ay maaaring gawin sa alinmang sumusunod na paraan.
      1. Via ACOP thru Video Conference (para sa mga naninirahan sa ibang bansa);
      2. Via Corporate Email ng Local Branch Offices at Foreign Representative Offices
      3. Via Mail/Courier sa Local Branch Offices at Foreign Offices
      4. Via Dropbox sa Local Branch Office
      Para sa iba pang detalye, maaari ninyong tunghayan ang kabuuan ng aming guidelines sa pamamagitan ng pag-click ng link sa ibaba. Guidelines on the Resumption of ACOP Program bit.ly/2Yfrs54
      Bilang karagdagan, ang deadline ng compliance para sa Annual Confirmation of Pensioners’ Program (ACOP) para sa taong 2021 ay extended hanggang Oktubre 31, 2022. Ang mga covered ng ACOP ay ang mga sumusunod na pensioner types:
      • Survivor pensioners (mga tumatanggap ng pension sa ilalim ng Death Benefit),
      • Total Disability Pensioners,
      • Guardians o mga tagapangalaga at kanilang mga dependents, at
      • Retirement pensioners na naninirahan sa ibang bansa.
      Paalala: Ang mga retirement pensioners na naninirahan sa Pilipinas ay nananatiling exempted sa ACOP Compliance. Ang mga covered pensioners sa ilalim ng ACOP na nakapag-comply na para sa taong 2021 ay hindi na kinakailangan na magsumiteng muli ng kanilang compliance. Ang regular schedule ng ACOP compliance ay magpapatuloy sa Hulyo 1, 2022.
      Maraming salamat po.
      -Admin 10

  • @caseykarganilla7687
    @caseykarganilla7687 2 года назад

    Bakit po may mga vloggers na nagsasabi na mag ACOP starting 2022 kahit na kung ang Pensioners ay nanininarahan sa Pilipinas.

    • @MYSSSPH
      @MYSSSPH  2 года назад

      Mabuting araw Casey!
      Sa ilalim ng Annual Confirmation of Pensioners (ACOP) ang mga Retirement Pensioners na naninirahan sa ating bansa ay hindi na kailangan mag-report para dito. Tanging ang mga members/pensioners na tumatanggap ng pension sa Total Disability, Death at Retirement (living abroad) Benefit ang kinakailangan na mag-comply nito kada taon.
      Para sa iba pang detalye, maaari ninyong tunghayan ang kabuuan ng aming guidelines sa pamamagitan ng pag-click ng link sa ibaba.
      Guidelines on the Resumption of ACOP Program
      bit.ly/2Yfrs54
      Maraming salamat po.
      - Admin 14

  • @reyestioko4817
    @reyestioko4817 2 года назад

    Magandang araw po ang katanungan kpo ay
    1. Kung meron po tayo sa viber bakit hindi natin gamitin ang viber sa isa sa pakikipag contact tungkul sa ACOP gaya ng video call...
    2 .Ngayun nag submit po ako ng mga requirements para sa deadline nitong Mar.31,2022 kailangan po ba ako mag zoom contact ulit sa birth month ko sa Aug.26, 2022 .

    • @MYSSSPH
      @MYSSSPH  2 года назад

      Mabuting Araw Rey. Salamat po sa inyong suhestiyon. Kayo ay makakaaasa na ang SSS ay patuloy na nagsasagawa ng pag-aaral to further improve ang delivery ng aming services.
      Samantala, upang inyong maging gabay kaugnay ng compliance para sa ACOP ay maaaring sundan ang links sa ibaba.
      facebook.com/SSSPh/posts/289435349962779
      facebook.com/SSSPh/posts/300282168878097
      Maraming salamat at keep safe po lagi.

    • @vicentegramaje5567
      @vicentegramaje5567 2 года назад

      @@MYSSSPH gud evning po..
      Yong asawa ko nagffile ngayon nang desability..panu po yan maam laging rejiect naemail namin ..
      Wala po bang due yon

    • @MYSSSPH
      @MYSSSPH  2 года назад

      Mabuting araw Vicente!
      Kung ang tinutukoy po ninyo ay application para sa Disability Benefit, nais po naming ipaalam na ang prescriptive period para sa filing ng Disability Benefit ay within 10 years mula sa petsa ng pagkakaroon ng disability ng member.
      Para sa iba pang impormasyon, maaari niyong sundan ang link na ito: bit.ly/DisabilityWebsite
      Maraming salamat po.
      Lu-Ann / MCAD

  • @mikkagonzaga5728
    @mikkagonzaga5728 2 года назад

    Hello po tanong lang po yung father ko po total disability pensioner pero namatay na po siya nung february 25, 2022 tuloytuloy pa rin po ba ang pension niya or mag aapply pa po ang mga naiwan na beneficiaries? Thank you po sana masagot..

    • @MYSSSPH
      @MYSSSPH  2 года назад

      Mabuting araw Mikka!
      Ang buwanang pensyon ng disability pensioner at mapuputol sa sandaling sya ay namatay ngunit ang mga qualified beneficiary ay maaaring mag-apply ng Death Benefit claim.
      Para sa karagdagang impormasyon, maaaring sundan ang mga links sa ibaba:
      What you need to know about the SSS Death Benefit- bit.ly/3HWNwDL
      SSS Death Benefit- bit.ly/DeathWebsite
      uSSSap Tayo Knowledgebase- crms.sss.gov.ph/knowledgebase at i-search ang keyword na “Death Benefit”
      Maraming salamat.
      - Admin 14

  • @filipinoworkshipsong7298
    @filipinoworkshipsong7298 2 года назад

    Isa lng ung natatangap ni mamang pension ung Kay papa pero patay si pa mtagal masasabi bang acop un? Or kasali Po ba sya sa acop????

    • @MYSSSPH
      @MYSSSPH  2 года назад

      Mabuting Araw Filipino. Nais po naming ipabatid na sa ilalim ng Annual Confirmation of Pensioners (ACOP) ang mga Retirement Pensioners na naninirahan sa ating bansa ay hindi na kailangan mag-report para dito. Tanging ang mga members/pensioners na tumatanggap ng pension sa Total Disability, Death at Retirement (living abroad) Benefit ang kinakailangan na mag-comply nito kada taon.
      Para sa iba pang detalye, maaari ninyong tunghayan ang kabuuan ng aming guidelines sa pamamagitan ng pag-click ng link sa ibaba.
      Guidelines on the Resumption of ACOP Program
      bit.ly/2Yfrs54
      Bilang karagdagan, ang ACOP compliance para sa taong 2021 ay extended hanggang June 30, 2022 (facebook.com/SSSPh/posts/316036873969293).
      Maraming salamat at keep safe po lagi.
      - Admin 10

  • @renysiarez122
    @renysiarez122 2 года назад

    Nag apply ako ng Retirement claim ang ni require na bank ay LBP. sa ngayon pag mag apply sa PLP , Yung ni require na bank as UBP, dito sa amin wala pong UBP branch..hindi po ba pwede ang LBP.?

    • @MYSSSPH
      @MYSSSPH  2 года назад

      Mabuting Araw reny. Nais po naming ipabatid na upang makapag-apply ng Pension Loan Program (PLP), ang isang retiree-pensioner ay kailangan na natugunan ang mga sumusunod na qualifying conditions:
      1. Ang retiree-pensioner ay dapat na naka-register sa SSS Website (My.SSS) upang makapag-file online ng pension loan.
      2. Ang retiree-pensioner ay kinakailangang mayroong current at active mobile number.
      3. Ang retiree-pensioner ay kinakailangan na mayroong isa sa mga sumusunod:
      3.1 valid SSS UMID-ATM enabled ID Card; o
      3.2 valid UBP Quick Card na may Savings Account Number registered sa SSS; o
      3.3 valid Pension Savings Account Number sa PESONet participating bank na naka-enroll sa SSS.
      4. Iba pang qualifications:
      4.1 may edad na 85 taong gulang o pababa sa huling buwan ng loan term;
      4.2 walang deductions mula sa buwanang pensyon tulad ng outstanding loan balance, benefit overpayment na payable sa SSS, atbp., mula sa kanyang monthly pension;
      4.3 walang existing advance pension sa ilalim ng SSS Calamity Package; at
      4.4 tumatanggap ng regular monthly pension ng hindi bababa sa isang (1) buwan at ang status ng pension ay “Active.”
      Para sa inyong reference kaugnay ng Online Filing ng Pension Loan (PL) sa aming website at guidelines nito, maaari ninyong sundan ang link sa ibaba para sa aming step-by-step guide.
      bit.ly/3z6fv1p
      Maraming salamat at keep safe po lagi.
      -Admin 10

  • @joelynseguit4942
    @joelynseguit4942 Год назад

    Pwede pa po ba mag update ng ACOP?

    • @MYSSSPH
      @MYSSSPH  Год назад

      Hi! Joelyn Seguit, opo, maaari pa rin kayong magsumite ng inyong ACOP compliance. Maraming salamat po. MCAD-Admin 03

  • @mercybalicao9840
    @mercybalicao9840 2 года назад

    Hi sir madam nacacomply na Yong nana k noon February 3 baket Wala pa po pumasok na pera 🏧 nya

    • @MYSSSPH
      @MYSSSPH  2 года назад

      Mabuting araw Mercy!
      Nais po naming ipabatid na limitado lamang po ang impormasyon na maaari naming ibahagi sa aming RUclips Channel, ito ay alinsunod sa confidentiality of records sa ilalim ng R.A. 10173 o Data Privacy Act of 2012.
      Para sa status verification, maaari po kayong tumawag sa aming Call Center Hotline 1455 mula Lunes (7:00AM) hanggang Sabado (7:00AM).
      Maaari din po kayong mag-register sa aming uSSSap Tayo Portal (crms.sss.gov.ph/). Sa ilalim ng portal na ito, kayo ay maaaring mag-create ng ticket para sa inyong SSS-related concern at madaling ma-monitor ang progress nito habang ito ay tinutugunan ng aming mga member service representatives.
      Maraming salamat po.
      Lu-Ann / MCAD

  • @roseldalack486
    @roseldalack486 2 года назад

    Ako ay nasa Santa Monica CA USA pero ang retirement pension ko ay ipinag setup ng SSS Main sa CTBCPhil Main. Puede ba yong Bank Manager Certification sa page2 ng ACOP2022Form ay papirmahan ko sa Bank Manager ng banko ko dito sa Santa Monica?

    • @MYSSSPH
      @MYSSSPH  2 года назад

      Mabuting Araw Robert. Upang inyong maging gabay kaugnay ng compliance para sa Annual Confirmation of Pensioners (ACOP) ay maaaring sundan ang link sa ibaba.
      facebook.com/SSSPh/posts/306328338273480
      Bilang karagdagan, and ACOP para sa taong 2021 ay extended hanggang June 30, 2022 (facebook.com/SSSPh/posts/316036873969293).
      Para sa iba pang SSS inquiries at assistance, maaaring sumangguni sa alinmang Foreign Representative office/s sa inyong area, kung mayroon man (Branch Directory: bit.ly/SSSBranchDIrectory) o tumawag sa aming OFW Contact Services Section at (632) 8-364-7796; (632) 8-364-7798 (632) 8-920-6401 local 6358 / 59 or thru Globe (0977) 804-8668 and Smart (0998) 8474092 mula Lunes hanggang Biyernes, 8am - 5pm (PHL Time).
      Maraming salamat at keep safe po lagi.

  • @nidahernandez1766
    @nidahernandez1766 2 года назад

    Mam yong mga pensioners na nsa bansa lang kelangan ba mgrereport ba sa SS kda taoñ? Slamat po..

    • @MYSSSPH
      @MYSSSPH  2 года назад

      Mabuting Araw Nida. Nais po naming ipaaalam na ang regular schedule of compliance kada taon para sa Annual Confirmation of Pensioners (ACOP) ay ang mga sumusunod:
      A. Para sa mga Retirement pensioners na naninirahan sa ibang bansa at Total disability pensioners (kabilang ang kanilang mga minor/incapacitated dependent children at guardian, kung naaayon) - ang kanilang schedule of compliance ay sa buwan ng kapanganakan ng pensioner.
      B. Para sa mga Death Benefit/Survivor pensioners (kabilang ang kanilang mga minor/incapacitated dependent children at guardian, kung naaayon ) - ang kanilang schedule of compliance ay sa buwan ng kapanganakan ng deceased member.
      Upang inyong maging gabay hinggil sa guidelines at documentary requirements para sa iba't-ibang methods of compliance for ACOP ay maaaring sundan ang link na ito: bit.ly/3iwZBUE.
      Maraming salamat at keep safe po lagi.
      Admin 10

  • @justhavefun9344
    @justhavefun9344 2 года назад

    Confirm kulang po na itong Acop requirements ay para lang po sa mga abroad pensioners at d po required yung mga pensioneers na nasa pilipinas nakatira , 61 yrs old po ako unang claim kopo ng pension ko ng september 27 2019 medyo nalilito po kase ako

    • @MYSSSPH
      @MYSSSPH  2 года назад +1

      Mabuting araw JUSTHAVEFUN!
      Sa ilalim ng Annual Confirmation of Pensioners (ACOP) ang mga Retirement Pensioners na naninirahan sa ating bansa ay hindi na kailangan mag-report para dito. Tanging ang mga members/pensioners na tumatanggap ng pension sa Total Disability, Death at Retirement (living abroad) Benefit ang kinakailangan na mag-comply nito kada taon.
      Para sa iba pang detalye, maaari ninyong tunghayan ang link na ito: facebook.com/SSSPh/posts/316036873969293
      Maraming salamat po.
      Lu-Ann / MCAD

    • @justhavefun9344
      @justhavefun9344 2 года назад

      @@MYSSSPH salamat po sa info kase delay po kase yung pension ko ngayong may april 1 kuna nakuha

    • @MYSSSPH
      @MYSSSPH  2 года назад

      Mabuting araw JUSTHAVEFUN!
      Walang anuman po. Aming ikinagagalak na kayo ay mapaglingkuran.
      Maraming salamat po.
      - Admin 14

  • @agatulog4284
    @agatulog4284 Год назад

    Anong E-mail address pwedeng gamitin para esend yung mga requirements sa ACOP kasi nasa abroad yung pensioner.

    • @MYSSSPH
      @MYSSSPH  Год назад

      Hi Aga😊, para sa pensioners residing abroad ay maaari po kayong magsumite ng inyong ACOP Compliance sa pamamagitan ng pagpapadala ng email sa aming OFW Contact Services Section ( ofw.relations@sss.gov.ph) Para sa karagdagang impormasyon ay maaaring sundan ang mga links sa ibaba.
      bit.ly/3iwZBUE
      bit.ly/3So9WCD
      Maraming salamat po. MCAD - Admin 10 👩

  • @maricarcabus6539
    @maricarcabus6539 2 года назад

    So mam lapag survivor pensioners automatic kailngan mgreport for Acop?

    • @MYSSSPH
      @MYSSSPH  2 года назад

      Mabuting araw Maricar!
      Opo, lahat ng survivor-pensioner ay kinakailangang magreport para sa Annual Confirmation of Pensioners (ACOP) upang maipaalam at matiyak sa SSS na sila pa rin ang kasalukuyang tumatanggap ng kanilang monthly pension.
      Para sa karagdagang impormasyon, maaari ninyong tunghayan ang kabuuan ng aming guidelines sa pamamagitan ng pag-click ng link na ito: bit.ly/2Yfrs54
      Maraming salamat po.
      Lu-Ann / MCAD

  • @kuyamelvs7643
    @kuyamelvs7643 2 года назад

    Goodmorning..yon po bang mgccomply simula sa regular schedule ng acop ay same requirements po ba? Pwd parin po bang drop bo?

    • @MYSSSPH
      @MYSSSPH  2 года назад

      Mabuting Araw KUYA MELVS. Nais po naming ipabatid na ang regular schedule of compliance para sa Annual Confirmation of Pensioners (ACOP) ay ang mga sumusunod:
      A. Para sa mga Retirement pensioners na naninirahan sa ibang bansa at Total disability pensioners (kabilang ang kanilang mga minor/incapacitated dependent children at guardian, kung naaayon) - ang kanilang schedule of compliance ay sa buwan ng kapanganakan ng pensioner.
      B. Para sa mga Death Benefit/Survivor pensioners (kabilang ang kanilang mga minor/incapacitated dependent children at guardian, kung naaayon ) - ang kanilang schedule of compliance ay sa buwan ng kapanganakan ng deceased member.
      Bilang karagdagan at base sa kasalukuyang advisory ng SSS, ang ACOP compliance para sa taong 2021 ay extended hanggang June 30, 2022 (facebook.com/SSSPh/posts/316036873969293).
      Para sa inyong gabay kaugnay ng guidelines at documentary requirements para sa iba't-ibang methods of compliance for ACOP ay maaaring sundan ang link na ito: bit.ly/3iwZBUE.
      Maraming salamat at keep safe po lagi.

  • @yaletv4036
    @yaletv4036 2 года назад

    Maam ask ko lng po kung pwede na po ba gamitin yong ID card po yong bagong philhealth card

    • @MYSSSPH
      @MYSSSPH  2 года назад

      Mabuting araw Ruyelma!
      Ang kumpletong listahan ng valid IDs na tinatanggap para sa ACOP Compliance ay maaaring makita sa link na ito: www.sss.gov.ph/sss/DownloadContent?fileName=pen-01405.pdf
      Maraming salamat.
      - Admin 14

  • @shalompaolocruz1339
    @shalompaolocruz1339 2 года назад

    Aug 2021 ko lang nakuha Ang lumpsum Ng Asawa at nag pension na ngayon 2022
    nag Acop Po Ako Ng march 3 2022 ito ba ay para lang sa 2021 lang
    Kailan Ako mag acop Ng 2022
    birthday nya march

    • @MYSSSPH
      @MYSSSPH  2 года назад

      Mabuting araw Shalompaolo!
      Upang amin pong matugunan ang inyong katanungan, maaari po bang malaman kung kailan ang araw ng kapanganakan at pagkamatay ng miyembro?
      Maraming salamat.
      - Admin 14

  • @ellasweet3110
    @ellasweet3110 2 года назад

    Hindi po narecieve ang pension last month april?ano po dapat gawin?

    • @MYSSSPH
      @MYSSSPH  2 года назад

      Mabuting Araw ella. Kami ay humihingi ng paumanhin sa anumang pagkakaantalang naranasan.
      Amin pong iminumungkahi na mas makabubuti na maberipika ang rekord ng miyembro para sa karagdagang payo/assistance. Maaaring mag-register sa aming uSSSap Tayo Portal (crms.sss.gov.ph/). Sa ilalim ng portal na ito, kayo ay maaaring mag-create ng ticket para sa inyong SSS-related concern at madaling ma-monitor ang progress nito habang ito ay tinutugunan ng aming mga member service representatives.
      Maaari din na tawagan ang aming Call Center Lunes hanggang Biyernes mula 7:00 AM hanggang 10:00 PM gamit ang contact no. na 8-1455 (kung gamit ay landline phone) o 02-1455 (kung gamit ay mobile phone).
      Maraming salamat at keep safe po lagi.
      -Admin 10

  • @zenaidacommonis6994
    @zenaidacommonis6994 2 года назад

    Mam ako nagcomply ako last March 23,2022 I submitted all the requirements sabi sa email ko na sa 2023 ulit ako mag cocomply face to face I’m residing here in abroad.wala pong natanggap ngayong September. Anong gagawin ko po

    • @MYSSSPH
      @MYSSSPH  2 года назад

      Hi Zenaida 😊! Para ma-check ang inyong records, maaari po kayong makipag-ugnayan sa aming OFW-Contact Services Section via email sa ofw.relations@sss.gov.ph. Wag pong kalimutang isama sa email ang SSS number at pangalan ng member, complete details ng inyong concern at malinaw na kopya ng inyong valid IDs. Maraming salamat. MCAD - Admin 14 👩

    • @zenaidacommonis6994
      @zenaidacommonis6994 2 года назад

      @@MYSSSPHthank you po sa reply patutulong po ako sa anak ko bukas . Gabi na po dito

    • @MYSSSPH
      @MYSSSPH  2 года назад

      Hi Zenaida 😊! Walang anuman po. Aming ikinagagalak na kayo ay mapaglingkuran. Ingat po kayo palagi. MCAD - Admin 14 👩

  • @elsiedelacruz7036
    @elsiedelacruz7036 2 года назад

    Mam tanong ko lang po. Magcocomply din po ba ako ng ACOP.. ITF ako sa mr ko. Sept. 20 po bday niya. Kelan dpat magcomply at ano po mga requirements.

    • @MYSSSPH
      @MYSSSPH  2 года назад

      Mabuting araw Elsie Dela Cruz.
      Ang regular schedule of compliance para sa Annual Confirmation of Pensioners (ACOP) ay ang mga sumusunod:
      A. Para sa mga Retirement pensioners na naninirahan sa ibang bansa at Total disability pensioners (kabilang ang kanilang mga minor/incapacitated dependent children at guardian, kung naaayon) - ang kanilang schedule of compliance ay sa buwan ng kapanganakan ng pensioner.
      B. Para sa mga Death Benefit/Survivor pensioners (kabilang ang kanilang mga minor/incapacitated dependent children at guardian, kung naaayon ) - ang kanilang schedule of compliance ay sa buwan ng kapanganakan ng deceased member.
      Maraming salamat po.
      MCAD-Admin 03

  • @japsiesalvador9532
    @japsiesalvador9532 2 года назад

    Self employed po ako nag huhulog po ako ng 550 tanong ko sana mga magkano ang matatangap ko sa 120 months t.y.po.

    • @MYSSSPH
      @MYSSSPH  2 года назад

      Mabuting araw Japsie!
      Nais po naming ipaalam na ang batayan sa kompyutasyon ng pensyon ay ang mga sumusunod:
      - Bilang at halaga ng ibinayad na kontribusyon
      - Credited Years ng Service (CYS)
      - Bilang ng mga kwalipikadong anak sa pension kung mayroon
      - Batas na ipinatutupad sa panahon ng pagreretiro.
      Gayundin nais po naming ipabatid na limitado lamang po ang impormasyon na maaari naming ibahagi sa aming RUclips Channel, ito ay alinsunod sa confidentiality of records sa ilalim ng R.A. 10173 o Data Privacy Act of 2012.
      Maaari kayong tumawag sa aming Call Center Lunes hanggang Biyernes mula 7:00 AM hanggang 10:00 PM gamit ang contact no. na 8-1455 (kung gamit ay landline phone) o 02-1455 (kung gamit ay mobile phone).
      Maaari din po kayong mag-register sa aming uSSSap Tayo Portal (crms.sss.gov.ph/). Sa ilalim ng portal na ito, kayo ay maaaring mag-create ng ticket para sa inyong SSS-related concern at madaling ma-monitor ang progress nito habang ito ay tinutugunan ng aming mga member service representatives.
      Maraming salamat po.
      - Admin 14

  • @denisecabras8811
    @denisecabras8811 2 года назад

    Magandang araw po ask kolng po naaproved po ung sa Death Claim ko sa asawa kng c. Wilden Cabrad Feb. 24,2022 tanong kolng po kelan po papasok sa Account ko ung sa Deaht benefits nya po nya

    • @MYSSSPH
      @MYSSSPH  2 года назад

      Mabuting araw Den Den!
      Ang processing time para sa Death Benefit ay nasa loob 20 working days, subalit maaari po itong madagdagan depende sa ebalwasyon/beripikasyon ng inyong mga isinumiteng mga dokumento, subject to its existing guidelines. Oras na maaprubahan, maaari ninyong antabayan ang crediting ng inyong benefit proceeds sa inyong itinalagang disbursement account sa loob 5 hanggang 10 banking days mula sa settlement date nito.
      Para sa status verification ng posting ng inyong Death Benefit Application, maaari po kayong tumawag sa aming Call Center Hotline 1455 mula Lunes (7:00AM) hanggang Sabado (7:00AM).
      Maaari din po kayong mag-register sa aming uSSSap Tayo Portal (crms.sss.gov.ph/). Sa ilalim ng portal na ito, kayo ay maaaring mag-create ng ticket para sa inyong SSS-related concern at madaling ma-monitor ang progress nito habang ito ay tinutugunan ng aming mga member service representatives.
      Maraming salamat po.
      Lu-Ann / MCAD

  • @jeversonsobreo
    @jeversonsobreo 2 года назад

    maari ko pabang makuha ung umid ID KO kung dapat 2019 pa po ito?
    wala po akong valid I.D. company Id lng po ang meron ako paano ko po makukuha un? salamat po sa tutugon

    • @MYSSSPH
      @MYSSSPH  2 года назад

      Mabuting Araw Jeverson. Kami ay humihingi ng paumanhin sa anumang pagkakaantalang naranasan.
      Para sa status verification ng inyong SSS UMID Application, maaari kayong mag-email sa sss_id2@sss.gov.ph kasama ang mga sumusunod na impormasyon:
      1. Buong Pangalan
      2. SS Number
      3. Detalye ng concern
      4. Photo/Scanned copy ng inyong:
      a. PhilID/ isang (1) primary ID card/document; o
      b. Dalawang (2) valid secondary ID cards/documents (kapwa may pirma at kahit isa (1) ay may photo/larawan)
      5. Photo/selfie na hawak ang inyong ipapadalang ID cards/documents
      Paalala: Ang inyong magiging file attachment/s ay hindi dapat hihigit sa 30MB.
      Maraming salamat at keep safe po lagi. - Admin 10

  • @loushappiness2965
    @loushappiness2965 Год назад

    Good day po . Late ko na po nalaman na need ulit mag pasa Ng acop. Tanong Lang po Kung nagpasa na po Nung November 2021 ang mama ko na survivor need pa po ba mag pasa Ng acop ulit? Kasi March 24 1957 ang birthday Ng tatay Kong namatay na.

    • @MYSSSPH
      @MYSSSPH  Год назад +1

      Hi! Lou's😊, nais po naming ipaalam na ang mga pensioners na nakapag-comply na ng kanilang ACOP para sa taong 2021 simula Oktubre 1, 2021 hanggang Oktubre 31, 2022 ay hindi na kinakailangang magsumiteng muli ng kanilang compliance. Maaari na lamang nilang antabayanan muli ito para sa taong 2022 (na nagsimula noong Hulyo 1, 2022) base sa regular schedule ng ACOP compliance. Para sa mga Death Benefit/Survivor pensioners (kabilang ang kanilang mga minor/incapacitated dependent child/ren at guardian, kung naaayon ) - ang kanilang schedule of compliance ay sa buwan ng kapanganakan ng deceased member. Maraming salamat po. MCAD - Admin 10 👩

    • @loushappiness2965
      @loushappiness2965 Год назад

      Bali po next year March 2023 na po ulit mag comply sa birth month po Ng kamatayan Ng papa KO..? Salamat po sa sagot...

  • @lizaabayon8469
    @lizaabayon8469 2 года назад

    paanu po maam dpo nakapag comply ng oct to march 31 ng acop. meron pong bang extended?

    • @MYSSSPH
      @MYSSSPH  2 года назад

      Mabuting Araw liza. Nais po naming ipabatid na ang compliance para sa Annual Confirmation of Pensioners (ACOP) para sa taong 2021 ay extended hanggang June 30, 2022. Maaaring sundan ang link na ito para sa inyong gabay at karagdagang impormasyon: facebook.com/SSSPh/posts/316036873969293
      Maraming salamat at keep safe po lagi.
      - Admin 10

  • @laraagnes586
    @laraagnes586 Год назад

    Maam paano po kung hindi kami naka pagcomply para dito sa mother ko kailan po pwedeng magsubmit ulit Set po ang birth month ,(death) 93 y.o po mother ko

    • @MYSSSPH
      @MYSSSPH  Год назад

      Hi! Lara 😊, kailangan po ay agad po kayong makapag-comply upang maiwasan ang suspension ng benefit. Bilang gabay ay maaaring sundan ang link na ito: bit.ly/ACOPsumm2022 . Maraming salamat. MCAD - Admin 14 👩

    • @laraagnes586
      @laraagnes586 Год назад

      @@MYSSSPH good morning po kahit lampas na po yong deadline na Oct.31 ? Thank you po in advance

  • @mariloualarma1651
    @mariloualarma1651 2 года назад

    Nagcomply po kami this March 2022 ng surviving pension. Need pa po ba ulit na magcomply para sa death ng father ko this Sept. 10. 2022?

    • @MYSSSPH
      @MYSSSPH  2 года назад

      Mabuting araw Marilou!
      Ang ACOP compliance ay isinasagawa sa petsa ng kapanganakan ng yumaong member. Kung ang date of birth ng member ay pasok sa 6 months period mula ng kayo ay huling nag-comply (last March 2022), hindi na po kailangan ng bagong compliance.
      Gayundin upang makasigurado at ma-check mismo ang SSS records, maaari kayong tumawag sa aming Call Center Lunes hanggang Biyernes mula 7:00 AM hanggang 10:00 PM gamit ang contact no. na 8-1455 (kung gamit ay landline phone) o 02-1455 (kung gamit ay mobile phone).
      Maaari din po kayong mag-register sa aming uSSSap Tayo Portal (crms.sss.gov.ph/). Sa ilalim ng portal na ito, kayo ay maaaring mag-create ng ticket para sa inyong SSS-related concern at madaling ma-monitor ang progress nito habang ito ay tinutugunan ng aming mga member service representatives.
      Maraming salamat po.
      MCAD - Admin 14

  • @glenbeato4306
    @glenbeato4306 2 года назад

    Panu Poe mag inroll sa deburshment module

  • @ellasweet3110
    @ellasweet3110 2 года назад

    Paano po ba ung tumigil ang pension?

    • @MYSSSPH
      @MYSSSPH  2 года назад

      Mabuting Araw ella. Maaari pong sundan ang aming naunang reply/payo upang maberipika ang rekord ng miyembro at assistance.
      Maraming salamat sa pagbisita sa aming Official RUclips Page at keep safe po lagi.
      -Admin 10

  • @rosemanlutac7947
    @rosemanlutac7947 Год назад

    Mam pwedi po mg tanong Nov 27 2021 pa Ako nag acop kaylangn po ba Ako ulit mg acop ngyon 2022 so andito po Ako SA abroad

    • @MYSSSPH
      @MYSSSPH  Год назад

      Hi! Rose😊, pwede po kayong magpadala ng email sa ofw.relations@sss.gov.ph upang ma-check ang inyong records. Ilagay po ang complete details ng concern, 10-digit SSS number at pangalan ng member. Mag-attach din ng malinaw na kopya ng inyong, valid identification cards at selfie hawak ito. Maraming salamat. MCAD - Admin 14 👩

    • @rosemanlutac7947
      @rosemanlutac7947 Год назад

      @@MYSSSPH Ng email na po Ako KSo wala pa po somasagot

  • @mariatheresabernardo8920
    @mariatheresabernardo8920 2 года назад

    Good pm, ask ko lang po tungkol sa ACOP
    Tumanggap ako disability pension mula Jan 2020 to July 2021, ngayon ko lang nalaman tungkol sa ACOP kasi akala ko talagang 1 1/2 lang ang pension . Nastroke ako march 2019 saudia at umuwi ako November 2019 . Nag apply ako disability pension tas tumanggap ako at natapos 2021. Hanggang ngayon hindi ako makapagtrabaho dahil affected ang right hand ko at di makapagsulat. Anong dapat kung gawin ? Salamat

    • @MYSSSPH
      @MYSSSPH  2 года назад

      Mabuting Araw Maria Theresa. Nais po naming ipabatid na sa ilalim ng Annual Confirmation of Pensioners (ACOP), tanging ang mga members/pensioners na tumatanggap ng pension sa Total Disability, Death at Retirement (living abroad) Benefit ang kinakailangan na mag-comply nito kada taon.
      Para sa iba pang detalye, maaari ninyong tunghayan ang kabuuan ng aming guidelines sa pamamagitan ng pag-click ng links sa ibaba.
      portal.sss.gov.ph/comply-to-the-acop-program/
      Guidelines on the Resumption of ACOP Program
      bit.ly/2Yfrs54
      Maraming salamat po.
      -Admin 10

  • @teamtapaya9587
    @teamtapaya9587 2 года назад

    Good evening po paano po makita Kung may hulog ang sss kopo

    • @MYSSSPH
      @MYSSSPH  2 года назад

      Mabuting Araw Wilson. Maaari pong matunghayan ang inyong rekord gamit ang My.SSS account sa aming website. Sakaling hindi pa registered ay maaaring sundan ang link/s sa ibaba para sa inyong gabay at kapakinabangan. Amin rin po na iminumungkahi na mag-register gamit ang desktop o laptop based web browser.
      My.SSS Member Registration Link
      bit.ly/MySSSReg
      My.SSS Member Registration Guide
      facebook.com/permalink.php?story_fbid=10159482900567868&id=102761037867
      Maraming salamat at keep safe po lagi.
      - Admin 10

  • @eu5952
    @eu5952 2 года назад +1

    Wala pong reply kung nakuha nila ang email o hindi. Dapat as a courtesy mag reply man lang kung nakuha nila para hindi kami magka problem.

    • @MYSSSPH
      @MYSSSPH  2 года назад

      Mabuting EU. Kami ay humihingi ng paumanhin sa anumang inconvenience na naranasan.
      Sakaling ang tinutukoy na concern ay ang naisumiteng compliance para sa ACOP ata para sa beripikasyon ng rekord ng miyembro/assistance ay maaaring mag-register sa aming uSSSap Tayo Portal (crms.sss.gov.ph/). Sa ilalim ng portal na ito ay maaaring mag-create ng ticket para sa SSS-related concern at madaling ma-monitor ang progress nito habang ito ay tinutugunan ng aming mga member service representatives.
      Maaari din na tawagan ang aming Call Center (6:00AM-7AM) mula Lunes, 6:30AM hanggang Sabado, 7AM, gamit ang alinman sa mga sumusunod na hotline no. ☎️ 81455 (landline) o 📱02-1455 (mobile).
      *Paalala: Maaaring magkaroon ng additional charges para sa mga tawag mula sa labas ng NCR. Para sa karagdagang impormasyon, maaari kayong tumawag sa inyong service provider.
      Maraming salamat at keep safe po lagi. - IC

    • @eu5952
      @eu5952 2 года назад +1

      @@MYSSSPH Buti na lang at tumawag ako sa sss hotline ng 4am para mag verify. Yun pala di pa renew acop mother ko. Naasikaso naman ng sss hotline yung problem ko at nag email na rin ang nasabing sss branch.

  • @elsaoquendo
    @elsaoquendo 2 года назад

    Pwede po pasa ACOP form ngayun July

    • @MYSSSPH
      @MYSSSPH  2 года назад

      Mabuting Araw Elsa. Nais po naming ipabatid na ang deadline ng compliance para sa Annual Confirmation of Pensioners’ Program (ACOP) para sa taong 2021 ay extended hanggang Oktubre 31, 2022. Ang mga covered ng ACOP ay ang mga sumusunod na pensioner types:
      • Survivor pensioners (mga tumatanggap ng pension sa ilalim ng Death Benefit),
      • Total Disability Pensioners,
      • Guardians o mga tagapangalaga at kanilang mga dependents, at
      • Retirement pensioners na naninirahan sa ibang bansa.
      Paalala: Ang mga retirement pensioners na naninirahan sa Pilipinas ay nananatiling exempted sa ACOP Compliance. Ang mga covered pensioners sa ilalim ng ACOP na nakapag-comply na para sa taong 2021 ay hindi na kinakailangan na magsumiteng muli ng kanilang compliance. Ang regular schedule ng ACOP compliance ay magpapatuloy sa Hulyo 1, 2022.
      Maraming salamat at keep safe po lagi.
      -Admin 10

  • @angelitoarielbaquiran2341
    @angelitoarielbaquiran2341 2 года назад

    Ang sss pensioner poba kailangan po ba magcomply

    • @MYSSSPH
      @MYSSSPH  2 года назад

      Mabuting araw Angelito!
      Ang Annual Confirmation of Pensioners (ACOP) ay taunang programa na kung saan kinakailangan na mag-comply ng isang pensioner at kanyang mga beneficiaries (kung mayroon man) upang maipaalam at matiyak sa SSS na sila pa rin ang kasalukuyang tumatanggap ng kanilang monthly pension.
      Sa ilalim ngACOP ang mga Retirement Pensioners na naninirahan sa ating bansa ay hindi na kailangan mag-report para dito. Tanging ang mga members/pensioners na tumatanggap ng pension sa Total Disability, Death at Retirement (living abroad) Benefit ang kinakailangan na mag-comply nito kada taon.
      Para sa iba pang detalye, maaari ninyong tunghayan ang kabuuan ng aming guidelines sa pamamagitan ng pag-click sa link na ito: bit.ly/2Yfrs54
      Maraming salamat.
      - Admin 14

  • @emiliobernardino5056
    @emiliobernardino5056 2 года назад

    Mam, ako y survivorship at may pension ako ng Sarili ko nagcomply po ako ng ACOP noong. March 2021 kailangan po ba ako magcoply ng ACOP?

    • @MYSSSPH
      @MYSSSPH  2 года назад

      Mabuting araw Emilio!
      Nais po naming ipabatid na limitado lamang po ang impormasyon na maaari naming ibahagi sa aming RUclips Channel, ito ay alinsunod sa confidentiality of records sa ilalim ng R.A. 10173 o Data Privacy Act of 2012.
      Para sa karagdagang paglilina, maaari kayong tumawag sa aming Call Center Lunes hanggang Biyernes mula 7:00 AM hanggang 10:00 PM gamit ang contact no. na 8-1455 (kung gamit ay landline phone) o 02-1455 (kung gamit ay mobile phone).
      Maaari din po kayong mag-register sa aming uSSSap Tayo Portal (crms.sss.gov.ph/). Sa ilalim ng portal na ito, kayo ay maaaring mag-create ng ticket para sa inyong SSS-related concern at madaling ma-monitor ang progress nito habang ito ay tinutugunan ng aming mga member service representatives.
      Maraming salamat po.
      - Admin 14

  • @morenoerwin6573
    @morenoerwin6573 2 года назад

    Hi maam / sir good morning po, na ka comply na po ang mother ko noong December 2021 po para sa resumption of ACOp survivor , kailangan pa po ba magkomply for next year 2022.. kase po nag advance comply po kame February po ang birth month ng deceased member?

    • @MYSSSPH
      @MYSSSPH  2 года назад

      Mabuting araw Moreno!
      Nais po naming ipaalam na kung ang susunod na compliance ng inyong ina ay pasok sa anim buwan mula sa kanyang huling compliance, hindi na po kailangang magsumite ng panibagong acop dahil mayroon po tayong 6 month early compliance.
      Para sa karagdagang paglilinaw, maaari kayong tumawag sa aming Call Center Lunes hanggang Biyernes mula 7:00 AM hanggang 10:00 PM gamit ang contact no. na 8-1455 (kung gamit ay landline phone) o 02-1455 (kung gamit ay mobile phone).
      Maraming salamat.
      - Admin 14

  • @jeversonsobreo
    @jeversonsobreo 2 года назад

    ilang days po nalalaman kung approved or hindi ang ini enrol na disbustment account? salamatpo

    • @MYSSSPH
      @MYSSSPH  2 года назад

      Mabuting Araw Jeverson. Ang processing time para sa approval ng DAEM ay nasa loob 3-5 working days, subalit maaari po itong madagdagan depende sa ebalwasyon/beripikasyon ng inyong mga isinumiteng mga dokumento, subject to its existing guidelines.
      Para sa karagdagang assistance hinggil sa approval ng DAEM, maaari kayong mag-register sa aming uSSSap Tayo Portal (crms.sss.gov.ph/). Sa ilalim ng portal na ito, kayo ay maaaring mag-create ng ticket para sa inyong SSS-related concern at madaling ma-monitor ang progress nito habang ito ay tinutugunan ng aming mga member service representatives.
      Maraming salamat at keep safe po lagi. - Admin 10

  • @jenniferperez5822
    @jenniferperez5822 2 года назад

    Hello,po mam paano po mag update ngayong month Ng Aug,sa accop

    • @MYSSSPH
      @MYSSSPH  2 года назад

      Mabuting Araw Jennifer. Nais po naming ipabatid na ang Annual Confirmation of Pensioners (ACOP) ay taunang programa na kung saan kinakailangan na mag-comply ng isang pensioner at kanyang mga beneficiaries (kung mayroon man) sa SSS sa pamamagitan ng alin man sa mga sumusunod na pamamaraan:
      1. Via ACOP thru Video Conference (Retirement at Death/Surviving Pensioners na naninirahan sa ibang bansa);
      2. Via Corporate Email ng Local Branch Offices at Foreign Representative Offices (Survivor Pensioners, Dependent Children at kanilang mga Guardians);
      3. Via Mail/Courier sa Local Branch Offices at Foreign Offices (Total Disability Pensioners, Survivor Pensioners, Dependent Children at kanilang mga Guardians, at mga Retirement Pensioners na naninirahan sa ibang bansa);
      4. Via Dropbox sa Local Branch Office (Total Disability Pensioners na naninirahan sa ating bansa, Survivor Pensioners, Dependent Children at kanilang mga Guardians); o
      5. Via a Written Request ng Conduct ng Domiciliary Medical Service (DMS) o home visit (Total Disability Pensioner na naninirahan sa ating bansa).
      Bilang karagdagan, sa ilalim ng Annual Confirmation of Pensioners (ACOP) ang mga Retirement Pensioners na naninirahan sa ating bansa ay hindi na kailangan mag-report para dito. Tanging ang mga members/pensioners na tumatanggap ng pension sa Total Disability, Death at Retirement (living abroad) Benefit ang kinakailangan na mag-comply nito kada taon.
      Amin pong iminumungkahi na tunghayan ang links sa ibaba para sa karagdagang impormasyon.
      portal.sss.gov.ph/comply-to-the-acop-program/
      bit.ly/2Yfrs54
      Maraming salamat po.
      -Admin 10

  • @rosemanlutac7947
    @rosemanlutac7947 Год назад

    Pwedi po ba paki sagot Kung kaylan po Ako pwedi mg acop ulit nong 2021 papo kse Ako nag acop ..

    • @MYSSSPH
      @MYSSSPH  Год назад

      Hi! Rose😊, mangyaring tunghayan ang aming naging unang tugon sa inyong katanungan. Maraming salamat. MCAD - Admin 14 👩

    • @rosemanlutac7947
      @rosemanlutac7947 Год назад

      Mam pwedi po mg tanong ano pa po pwedi gawin bukod po SA vc Nang acop .maena po kse net ko dito SA Qatar .di po Ako Naka pag report ..

    • @rosemanlutac7947
      @rosemanlutac7947 Год назад

      Mam Ako po ba Nong nov2021 pa Ako Ng report so bday po nag asawa ko Nov 27 1970 kaylangan po ba Ako ulit mg report ulit ngyon Nov 2023

  • @venerandobentulan9843
    @venerandobentulan9843 Год назад

    Hi mam meron utang ng opinsa mayo 8 2022. Kailangan ba mag acop

    • @MYSSSPH
      @MYSSSPH  Год назад

      Hi! Venerando Bentulan, sa ilalim ng Annual Confirmation of Pensioners (ACOP) ang mga Retirement Pensioners na naninirahan sa ating bansa ay hindi na kailangan mag-report para dito. Tanging ang mga members/pensioners na tumatanggap ng pension sa Total Disability, Death at Retirement (living abroad) Benefit ang kinakailangan na mag-comply nito kada taon.
      Para sa iba pang detalye, maaari ninyong tunghayan ang kabuuan ng aming guidelines sa pamamagitan ng pag-click ng link sa ibaba.
      Guidelines on the Resumption of ACOP Program
      bit.ly/2Yfrs54
      Maraming salamat po.
      MCAD-Admin 03👨

  • @renantevillamor4031
    @renantevillamor4031 2 года назад

    How can i generate the PRN for my loan? Always stated no found results

    • @MYSSSPH
      @MYSSSPH  2 года назад

      Mabuting Araw renante. We apologize for any inconvenience.
      For your reference regarding generation of Payment Reference Number for loans, kindly check the link provided below.
      bit.ly/3N59hng
      For assistance and more information regarding PRN, you may email us at PRNHelpline@sss.gov.ph together with the following:
      1. Complete Name
      2. SS Number
      3. Details of concern
      4. Photo/Scanned copy of your:
      a. UMID Card/Phil ID/one (1) primary ID card/document; or
      b. Two (2) valid secondary ID cards/documents (both with signature and at least one (1) with photo)
      5. Photo/selfie holding the ID cards/documents to be provided
      Reminder: File attachment/s should not be more than 7MB.
      Thank you and do keep safe always.
      Admin 10

  • @Odomodo
    @Odomodo 2 года назад

    Hi. SSS may tanong po ako. Tungkol po sa UMID I.D ko. 2015 pa po ako nag apply pero hindi ko po na recieved yung UMID I.D ko. Ano ba gagawin ko pwede po ba ako kumuha nalang ulit ng panibago? Sana po masagot nyo ang tanong ko. Maraming salamat.

    • @MYSSSPH
      @MYSSSPH  2 года назад

      Mabuting Araw RMJ07. Kami ay humihingi ng paumanhin sa anumang inconvenience na naranasan.
      Para sa status verification ng inyong SSS UMID Application at karagdagang payo ay maaari kayong mag-email sa sss_id2@sss.gov.ph kasama ang mga sumusunod na impormasyon:
      1. Buong Pangalan
      2. SS Number
      3. Detalye ng concern
      4. Photo/Scanned copy ng inyong:
      a. PhilID/ isang (1) primary ID card/document; o
      b. Dalawang (2) valid secondary ID cards/documents (kapwa may pirma at kahit isa (1) ay may photo/larawan)
      5. Photo/selfie na hawak ang inyong ipapadalang ID cards/documents
      Paalala: Ang inyong magiging file attachment/s ay hindi dapat hihigit sa 30MB.
      Maraming salamat at keep safe po lagi.
      -Admin 10

  • @luzmarbella8057
    @luzmarbella8057 2 года назад

    Hi po ask ko lang po do i need to apply ACOP pensioner po ako ng asawa kung namatay..thanks po dito me pinas

    • @MYSSSPH
      @MYSSSPH  2 года назад +1

      Mabuting Araw Luz. Bilang pakikiisa ng SSS sa Inter- Agency Task Force (IATF) Resolution No. 100 na may petsang Pebrero 18, 2021, ang application para sa Annual Confirmation of Pensioners (ACOP) para sa taong 2021 ay nagumpisang muli ng Oktubre 2021.
      Ang mga retirement (residing abroad), total disability, at survivor pensioners kabilang ang kanilang mga dependent (minor/incapacitated) child/ren at guardian ay kinakailangang mag-comply sa ACOP Program simula October 1, 2021 until March 31, 2022.
      Samantala, simula Abril 1, 2022, ang karaniwang schedule ng ACOP compliance ang siyang susundin:
      A. Para sa mga Retirement pensioners na naninirahan sa ibang bansa at Total disability pensioners (kabilang ang kanilang mga minor/incapacitated dependent child/ren at guardian, kung naaayon ) - ang kanilang schedule of compliance ay sa buwan ng kapanganakan ng pensioner.
      B. Para sa mga Death Benefit/Survivor pensioners (kabilang ang kanilang mga minor/incapacitated dependent child/ren at guardian, kung naaayon ) - ang kanilang schedule of compliance ay sa buwan ng kapanganakan ng deceased member.
      Para sa iba pang detalye, maaari ninyong tunghayan ang kabuuan ng aming guidelines sa pamamagitan ng pag-click ng link sa ibaba.
      Guidelines on the Resumption of ACOP Program
      bit.ly/2Yfrs54
      Maraming salamat at keep safe po lagi. - IC

  • @danieljohnpadilla3680
    @danieljohnpadilla3680 2 года назад

    Hello po.pag.di po nka pag acop june 30 2022 may makukuha pa ba bukas July 1

    • @MYSSSPH
      @MYSSSPH  2 года назад

      Mabuting araw Daniel John!
      Nais naming ipaalam sa inyo na ang pension ng mga pensioners na hindi nakapag-comply sa resumption ng ACOP hanggang Hunyo 30, 2022 para sa taong 2021 ay awtomatikong masususpinde at maguumpisang hindi makatanggap ng pension para sa buwan ng Setyembre 2022.
      Bukod dito, simula Hulyo 1, 2022, at alinsunod sa umiiral na polisiya para dito, ang pension ng mga pensioners na hindi makapag-comply sa kanilang nakatalagang ACOP schedule ay awtomatikong masususpinde. Ang suspensyon ay magsisimula dalawang (2) buwan makalipas ang buwan ng kaarawan ng member/pumanawa na member.
      Para sakaragdagang impormasyon, maaari ninyong tunghayan ang kabuuan ng aming guidelines sa pamamagitan ng pag-click ng link sa ibaba.
      Guidelines on the Resumption of ACOP Program bit.ly/2Yfrs54
      Maraming salamat po.
      - Admin 14

    • @danieljohnpadilla3680
      @danieljohnpadilla3680 2 года назад

      @@MYSSSPH so mka last ng tanggap bukas kung di mka submit mamaya?

    • @danieljohnpadilla3680
      @danieljohnpadilla3680 2 года назад

      @@MYSSSPH so sa august di na ako maka tanggap?

    • @shairarebucias1849
      @shairarebucias1849 2 года назад

      @@MYSSSPH meaning po mkatanggap pa po ba xa ngayun july 1? make it a simple Yes or No lng po kasi parehas kami ng concern. ang hirap i explain sa mama ko ang explaination mo..Yes or No lng po kung maari..salamat..waiting for your response

  • @ginaatienza8987
    @ginaatienza8987 2 года назад

    HELLO PO SSS!
    Sana po ay mapansin. Itatanong ko lang po sana tungkol sa ACOP. Nag file po kami ng Acop last year December 2021. Ang nanay ko po ay retirement pensioner ganun din po pati ang tatay ko, pareho silang retired pensioner. Pero namatay po ang tatay ko year 2020. Kaya po nailipat na ang pension ng tatay sa nanay ko. April po ang birth month ng nanay ko. Ang tanong ko po, kailangan pa po ba ulit namin mag file ng ACOP para sa nanay ko ngayong 2022? Yearly po ba kailangan mag file? Salamat po! God speed!

    • @MYSSSPH
      @MYSSSPH  2 года назад

      Hi Gina😊! Kung ang inyong ina ay kasalukuyang nasa Pilipinas, hindi na po nya kailangang mag-comply ng ACOP para sa kanyang Retirement Benefit (sa birth date niya). Required lang po sya mag-ACOP bago ang birth date ng inyong yumaong ama para sa tinatanggap niyang pension sa ilalim ng Death Benefit. Maraming salamat. MCAD - Admin 14 👩

    • @ginaatienza8987
      @ginaatienza8987 2 года назад

      @@MYSSSPH Maraming salamat po!

  • @zenaidacommonis6994
    @zenaidacommonis6994 2 года назад

    Paano Kung namatay na first husband ko at nag asawa ulit pero divorce na ako .death certificate ng asawa ko at divorce paper ang isa submit ko I’m here abroad

    • @MYSSSPH
      @MYSSSPH  2 года назад

      Mabuting araw muli Zenaida!
      Mangyari pong tunghayan ang aming naging unang tugon sa inyong katanungan tungkol sa ACOP.
      Maraming salamat.
      Lu-Ann / MCAD

  • @elizabethgersava4953
    @elizabethgersava4953 2 года назад

    Hello Mam, good morning. Ano po bang requirements for accop renewal? Paano po ba gawin ito Mam? Malayo po kami sa City. Makakapasok po kahit walang vaccinated card Mam?

    • @MYSSSPH
      @MYSSSPH  2 года назад

      Mabuting Araw Elizabeth. Upang inyong maging gabay hinggil sa guidelines at documentary requirements para sa iba't-ibang methods of compliance for ACOP ay maaaring sundan ang link na ito: bit.ly/3iwZBUE.
      Samantala, nais po naming ipabatid na base sa kasalukuyang advisory ng SSS, ang ACOP compliance para sa taong 2021 ay extended hanggang June 30, 2022 (facebook.com/SSSPh/posts/316036873969293).
      Maraming salamat at keep safe po lagi. - Admin 10

  • @ceciliadantes2301
    @ceciliadantes2301 2 года назад

    Good day po. Need ko.p po b mag confirm uli kc last Dec 2021 lng po ako nag confirm pero ang month birth ng deceased husband ko ay March 29.

    • @MYSSSPH
      @MYSSSPH  2 года назад

      Mabuting araw Cecilia!
      Nais po naming ipaalam na kung ang susunod na compliance ninyo ay pasok sa anim buwan mula sa huling compliance, hindi na po kailangang magsumite ng panibagong acop dahil mayroon po tayong 6 month early compliance.
      Para sa karagdagang paglilinaw, maaari kayong tumawag sa aming Call Center Lunes hanggang Biyernes mula 7:00 AM hanggang 10:00 PM gamit ang contact no. na 8-1455 (kung gamit ay landline phone) o 02-1455 (kung gamit ay mobile phone).
      Maraming salamat.
      - Admin 14