Astig talaga bro. ganda talaga Cavite at miss na talaga iyan lugar. 7years sa Las Pinas city ako iyan dumaan Dasmarinas Naic Tagaytay Silang at Maragondon.
kaya mo rin yan lods, dati nangarap lng ako maka long ride pero dahil na rin sa praktis at experience eventually nakayanan ko rin hehe. basta lagi ka lng mag ingat sa ride, yun ang pinaka importante :)
Salamat lods. Sinusulit ko lng hehe, matagal tagal din ako di makakapag ride after kong maupload mga pending ko.. Basta, tuloy tuloy lang panunuod ko sa inyo tulad ng dati hanggang sa makapagbike na ulit ako 😁😁
Nice Lodi. Full watch sa vlog mo, para pag nag bike din kami sa kaybiang, Alam na namin Ang nice spot at mga daan na ahon at sulong. Followed ko din Strava mo Lodi. Merry Christmas..
Thanks lods sa panunuod 😁😁 Nga pala, may mga nagsabi sakin na pag lagpas ng kaybiang may dagat na mappuntahan, yun nga lng mahabang lusong yun hehe. Ride safe na lng lods.. kung kakayanin, iabot mo na ng tagaytay para Cavite loop na 😁😁
@@DREWTV8 taal loop Ang pinaka long ride ko, ,2018 pa.. Nahinto Lang ako mag bike. Magbalik loob ako ngayon ulit sa pag bike at balak ko din gumawa Ng channel. Stay safe Lodi.
@@mikerobotgaming9687 kung nakapag taal loop ka na, yakang yaka mo na to, onting conditioning na lng hehe. Abangan ko bago mong channel. Comment ka na lng ulit lods dito 😁
Salamat din sa pagsama lods. Kahit mahirap yung ride, di ka umatras o nagdahilan at nakita mo naman na worth it nung natapos natin.. Sure yan pag balik ko, sa ngayon ingat ka muna sa mga rides mo lods 🙏🙏
Mas maganda talaga lods may practice hehe, bago ako mag kaybiang nagpraktis ako sa timberland at tukadon at worth it yun lods hehe. Pag long ride kailangan mo talaga ng spare na battery hehe, may extra din ako 😁
Niceone lods nsilayan mo bayan nmin sa cavite tga tanza ako pero dto ako ngaun s riyadh isa dn ako siklista kya napanuod ko vlog mo to kaybiang tunnel from marikina salute s inyo ni ryan lalakas nyo hanga ako kya rs always s mga rides nyo and god bless 🤘
Nice ride 👏🏻 na-unlocked ko n din ang Kaybiang Tunnel last March 14 at isa sa mga pinanuod ko ang video mo para makakuha ng idea. Nakakapagod pero worth it pagdating dun dahil din sa magagandang tanawin. From Santa Cruz, Laguna to Kaybiang Tunnel 237.42km laspag na laspag ako at mag isa na lang ako pumapadyak mula Calamba hanggang makauwe. Sarap magbike eh hehe! Ride Safe 🚵🏽♂️👏🏻💪🏼
Grabe lodss, antindi mo 👏👏👏 200 km pa lng pinakamalayo ko, di ko maimagine yung distance mo pero congrats at na-unlocked mo tong kaybiang. Good to know at kahit papano nakatulong tong vlog ko sayo 😁 ridesafe lagi 🚴♂️🚴♂️
@@DREWTV8 maganda kasi sa videos mo detalyado kaya makakakuha tlg ng tips and ideas. Salamat lods! Sa ngayon ECQ ang Laguna kaya di muna makapag long rides, paikot ikot lang muna sa malapit. Hehe.
Naku lods, plano ko talaga irekta tagaytay kaso nagkaaberya kami tpos nadelay kasi di kami lumiko agad sa sm bacoor 😅 pag resbak ko siguro dyan hehe. Salamat sa panunuod. Ride safe sayo palagi
Ingat sa mga byahe mo Idol lakas mo hehe sana maka rides kita soon.Isa rin ako na vlogger na biker sana maka collab kita soon God Bless always sa mga rides mo idol so see yah
Salamat po sa mention kuya. Highly appreciated. 😁 Ang layo po nang inikot niyo kuya Sa dasma po. Hihi. Natawa ako sa sinabi niyo. Yung may mga bus na dumaan. Temptasyon. 😅 Ingat po kayo lagi kuya.
Xmpre lagi kang sumusubaybay lods 😁 Kaya nga eh, at least alam ko na next time pag rumesbak lods, try ko yung cavite loop pero mukhang matagal pa yun hehe. Sobrang daming bus buti na lang talaga nalabanan temp haha. Ingat din sayo lods, pangmalakasan na yung mga rides mo eh 😅
@@DREWTV8 viewers niyo po ako kuya. Hihi. Kayang kaya niyo na po yung Cavite loop kuya. Naramdam ko din po yan, yung tipong pagod na pagod kana. Tapos isa pa may mga ibang cyclists na nakikita mong sumakay na. 😅 Buti nlng di ako na temp. Natapos talaga yung goal. 😁 ☝️☝️
Ayos blog mo paps nakapunta na ko kaybiang pero pinanood ko pa rin kasi gusto ko maaalala yung sarap at hirap na narasanan ko dyan hahaha anyways okay yung vlog mo talagang napakita yung sa mga ahon kasi sa ibang vlog yung patag at lusong napapakita di masyado nakikita yung mga ahon kaya nagmumukang madali ayun budol hahaha. Ridesafe always paps keep pursuing your dream as a vlogger
Katulad mo rin akong nanunuod ng mga vlogs dati at talagang nabudol na ko ng maraming beses haha. Either malakas na yung mga siklista or di nga nila npkita yung uphill kaya budol sa mga newbie 😅 Salamat lods sa pag appreciate 😁😁 kaya nkakamotivate din mag vlog dahil sa mga tulad nyo 🤝 God Bless and ride safe din palagi 🙏🚴♂️🚴♂️
Tol suggestion. Since sa Don Gallo Pque rin pala ikaw dumaan, sana pala hjd na kayo nag ROXAS BLVD, tpos nag coastal pa kayo eh maramintlga truck dun. Sana bro nag diretso na lang kayo ng TAFT and BACLARAN and thats it Don Gallo na rin yan. Mas napa ikli pa sana ng konti ang byahe nyo. Nakatipid din sana kayo mg 4kms by that.
Oo lods, nagkamali kami haha. Dapat pala sa sm baccor nakami lumiko 😅 Naku, mas marami pa mas malakas yung iba, kaybiang loop ginagawa, labas na pa tagaytay haha.
Nakailang bisis kona din na loop yan reverse dikopa nagagawa un oh super linaw naman talaga ride safe master lakas nyo bagong kaibigan master sana maslilip mo din munting channel ko JRB Oragon Bikers yan oh nakitambay na din at nakipindot na din more power and godbless
Tol in general maganda nman ang Blog mo. Napa subscribe nga ako eh. Ang kulang lang is, dapat nag TITIME CHECK UPDATE ka. Syempre sa mga tulad namin na KUMUKUHA ng IDEA or HINTS sa mga blogs on specific destination or rides. Isa sa mga importanteng hints ay KUNG ILANG ORAS namin yan titirahin at ilamg oras kami makakarating form cities to cities. Napaka importante po ng TIME UPDATES pag nagbablog kayo ng mga LONGRIDES.
nice ride bro. the usual route tlaga ung pa kawit hehe. nag governor's drive din ako nong first time ko mag kaybiang. but i started sa dasma kc nag visit muna ko sa relative ko don. then ksama ko nag kaybiang pinsan ko. second time ko was reversed loop. qc to tagaytay to nasugbu to kaybiang. at least may loop ung strava mo hehe.
Wow lods, tama pala talaga yung sinabi ni domsky sa mga vlogs nya na beterano na kayo sa pagbabike 🦵🦵 yep extra challenge nga yung dasma hehe, pero goal ko yung ginawa mo na qc to tagaytay to kaybiang. Baka pag uwi ko ulit ng pinas 😅
@@thmsdz oo lods, yung mga mapapanood mo pending ko na lng sa pinas haha. Halos lahat ng vlog ni domsky napanuod ko na, binibida ka nya dun. Inaasar ka nga lng nya minsan tungkol sa edad hehe. Salamat lods, sana makabike ko kayo pero pagnakabakasyon na siguro ako 😁
Totoo yan lods, napanuod ko sa mga vlog ng ibang siklista. dederetsuhin sana namin kaso marami ng nasayang na time nung nag dasma kami instead na kawit.. Keep safe palagi lodi.
Drew: minsan napapatanong ako sa sarili ko bat ko ba ginagawa to? HAHAHA same kala ko ako lang nag tatanong sa sarili ko neto :D CONGRATS Drew RS always! nice earing din .
hahaha. struggling na kasi ako nung time na yan, mema na lng haha.. Salamat po. RS din sayo. Yung earring cool lng tignan kaya sinuot ko na rin sa ride na yan hehehe.
Great sir, loaded with useful info next on the list ko Yan. Nakalaguna loop na ako. If I may respectfully suggest, additional info Sana kung may signal ng celfone sa ilang areas para sa mga solo riders. Thanks
Salamat lods. Good luck po sa kaybiang tunnel nyo.. Hindi ko na nacheck signal sa phone ko dahil focus ako sa ride pero noted po sir. Next na maglolongride ako, sasabihin ko kung may signal or wala.
Hahah, nabudol ka din ni Kuya?? Hehe. Anyways, congrats Lods, sa panibagong achievement mo at ng mga kasama mo. Ride safe always! 🙏🏻💪🚴🥰 PS: Uyy nga pala Lods, salamat sa pa-shoutout., ayiieeee! I love 24:51 💕
hahaha. medyo lng naman, yung init ng araw lng naging prob.. salamat lods, yung shout out way ng pasasalamat ko sa patuloy na panunuod mo ng vids ko :)
Napalayo kayo sa governorsdrive anyways maganda rin long ride mas madali kong sa dinaanan nyo kayo dumaan kaya inabot kayo ng gabi nag enjoy ako sa ride mo
Late ko lng boss narealize na mas malayo daan namin. Sabi kasi ng kakilala ko sa rob dasma pa kami kakanan, yun pala pwede na sa sm bacoor 😅 Atleast alam ko na ggawin sa susunod kung reresbak kami or gagawin namin yung kaybiang loop
Malupet na ride din yn boss 🚵♂️At saka boss medio malayo yng Ruta mo,hindi kba na Goggle?😁at ska I'm your new fan boss 😁Natawa ako dun sa tanong na,"Bat Ba Ginagawa Kotò?😂Ganyan din ang tanong ko boss,kapag pagod na,"Masarap ba talaga ang magbike?😂
Salamat lods 😁 Di na ako nag google maps nung una lods, medyo familiar ako sa daan. Nagbase lng ako dun sa sinabi ng kkilala kong siklista na sa rob dasma mg right turn, late ko ng nalaman na mas mabilis pala sa kawit haha. Ang init na kasi nyan tpos kapagod na rin pero once na mapuntahan mo yung mga lugar na yan gamit lng ng pagpadyak, yun yung worth it na experience, kaya masarap mag bike 😁
pumunta ako jan,, nag mountainbike lng ako malayo pala ilang bayan pa ang dinadaan ko bago makarating sa ternate cavite,,, umalis ako 9 ng umaga nakarating ako sa ternate cavite 4 ng hapon,,, quizon city via ternate ,,,,pag uwe ko naabotan ako ng gabi sa bundok wala pang ilaw ,,, mahirap pala subrang pagod ,,,
Oo pero iba kasi fulfilment pag bisikleta. Kung tutuusin pwede ako mag kotse dito pero ayun, gusto ko ma experience yung sariling padyak ko lng at bike papunta sa ganyan kalayo haha
Para sakin lods kaybiang tunnel 😁 Mag warm up ka muna before mo puntahan isa sa mga yan. Pwede din pala icombo yang dalawa para mabuo yung cavite loop.
@@joseph_sugapong76 Mga 4am rideout namin lods kaso naflatan isa kong kasama, di kami marunong magayos so inabot kami 1 hour haha.. Tip ko lng lods, sa sm bacoor kayo kumanan, mas malapit dun. Mga 10pm na kami ng gabi nakauwi marikina, tumambay din kami sa kaybiang mga 1.5 hours hehe.. Yung way yan na pinakamadali lods, di maiiwasan ahon papunta dyan..
Congrats! Tough padyak ride. Kami ng Anak ko (MOTO VENTURE DUO) from Paranaque City nakapunta din ng KAYBIANG TUNNEL in Two Wheel Motor Byke last January 1, 2021 started at 11:45AM. It took us aroung 196 Kilometers round trip. Pero dinanas ko din hirap sa ride but what more kayo na gamit ang Man Power .... WOW! Subscriber mo narin me sa Paghangga ko sa inyo ng Friend Mo na makarating sa KAYBIANG TUNNEL and back sa Marikina na safe. Tanong ko lang Sir ... Ano yung ibig sabihin mo doon sa ..... dika gumagamit ng pinagbabawal na tech? Thanks. Inggat sa mga susunod na rides. MABUHAY!
Salamat lods sa panunuod 😁😁 napanuod ko nga vid mo and subscriber na rin ako 👍 Yung pinagbabawal na teknik, pinauso yun ng sikat na bike vlogger si Ianhow haha. Kapag napagod ka na sa ride at sinakay mo sa bus or kotse yung bike mo pauwi, yun ang pinagbabawal na teknik 🤣🤣
nice sir! naghahanap ako ng blog ng Kaybiang and back to Manila, sakto ito, baka i bike ko ito soon, makakatulong ito sa pagtry ko din! Follow me - You na rin sir, ride safe lagi!!
Nice ride lods. Isa sa hindi kopa napupuntahan kaybiang tunnel.. ingats lods
Salamat lods sa panunuod 😁😁 yakang yaka mo to lods lalo na at sanay ka na sa mga budol rides. Ingat din sayo 🙏🙏
Ayun oh si idol!!! Salamat s shouout MERRY CHRISTMAS!!! Mabuhay pinoy mtb road biker!!!
Merry xmas din lods 😁😁 thanks hehe.. tama ka dyan 👍👍
Ako na 1st time mag bike tapos kaybiang agad namimiss mo talaga pamilya mo
Oo lods parang anlayo kasi neto tpos epic na bike ride pa.. Kung ggawing kaybiang loop mas mahaba pa to 😅
Astig talaga bro. ganda talaga Cavite at miss na talaga iyan lugar. 7years sa Las Pinas city ako iyan dumaan Dasmarinas Naic Tagaytay Silang at Maragondon.
Tama ka lods ganda talaga dyan. Sobrang natuwa ako sa scenery, nakakabawas ng pagod 😁 Salamat lods sa panunuod 👍👍
balang araw makakarating din ako dyan magpapalakas lang muna ako. awesome vid lods and ride safe palagi.
kaya mo rin yan lods, dati nangarap lng ako maka long ride pero dahil na rin sa praktis at experience eventually nakayanan ko rin hehe. basta lagi ka lng mag ingat sa ride, yun ang pinaka importante :)
nice lakas, reresbakan ko yan kapag normal na lahat.hehe, maganda dyan loop sa tagaytay labas.
Ako rin lods. Gaya ng sinabi mo, isasama ko na yung tagaytay pag resbak ko dyan 👌 Ride safe 🙏🚴♂️
@@DREWTV8 nice ridesafe din idol
Grabe sobrang Solid ng ride na yan. Mamaw ka na talaga Bro. Ang lalayo na ng nararating mo. Ride Safe palagi
Salamat lods. Sinusulit ko lng hehe, matagal tagal din ako di makakapag ride after kong maupload mga pending ko.. Basta, tuloy tuloy lang panunuod ko sa inyo tulad ng dati hanggang sa makapagbike na ulit ako 😁😁
RS lagi idol
SARAP dyan sa kaybiang
Di lng ako nkapag vlog dyan
Salamat lods 😁 sayang di nyo navlog. Ibig sabihin nyan, may rason para rumesbak haha. RS din palagi
Nice Lodi. Full watch sa vlog mo, para pag nag bike din kami sa kaybiang, Alam na namin Ang nice spot at mga daan na ahon at sulong. Followed ko din Strava mo Lodi. Merry Christmas..
Thanks lods sa panunuod 😁😁 Nga pala, may mga nagsabi sakin na pag lagpas ng kaybiang may dagat na mappuntahan, yun nga lng mahabang lusong yun hehe. Ride safe na lng lods.. kung kakayanin, iabot mo na ng tagaytay para Cavite loop na 😁😁
@@DREWTV8 taal loop Ang pinaka long ride ko, ,2018 pa.. Nahinto Lang ako mag bike. Magbalik loob ako ngayon ulit sa pag bike at balak ko din gumawa Ng channel. Stay safe Lodi.
@@mikerobotgaming9687 kung nakapag taal loop ka na, yakang yaka mo na to, onting conditioning na lng hehe. Abangan ko bago mong channel. Comment ka na lng ulit lods dito 😁
Salamat sa memorable na long ride kuya lods🤟 sa pagdating mo ulit. ingat dyan
Salamat din sa pagsama lods. Kahit mahirap yung ride, di ka umatras o nagdahilan at nakita mo naman na worth it nung natapos natin.. Sure yan pag balik ko, sa ngayon ingat ka muna sa mga rides mo lods 🙏🙏
Congrats Lods for your another achievement... and salamat ssa pa-shoutout, nagulat ako dun ah! hehe. Ride safe always!
salamat lods, tulad ng nasabi ko, way ng pasasalamat ko yun hehe. Ride safe din sayo :)
ingat kayo dyan bro, may mga nagpapakita daw dyan🙏🙏🙏
Hahaha. Swerte di ko nakita yung sinasabi mo idol. RS hehe
Eyy manonood na nmn ako😊😍
Salamat lods sa walang sawang panunuod 😁😁
@@DREWTV8 aabang abangan Kotoh Kuya😊
Nice Ride Idol. Hindi pa ako nakapunta Ng kaybiang. Nagpapalakas muna ako. Hehe.. bili din ako Ng spare Ng battery Ng GoPro para mkapag record..
Mas maganda talaga lods may practice hehe, bago ako mag kaybiang nagpraktis ako sa timberland at tukadon at worth it yun lods hehe. Pag long ride kailangan mo talaga ng spare na battery hehe, may extra din ako 😁
Salamat sa shout out sir 24:55 ...Kaybiang Tunnel unlocked! Nice! , sana all sir hehe, ride safe always! God bless.
Welcome lods, lagi kang sumusuporta sa kin so way ng pasasalamat ko yun. Kaya mo rin to lods, praktis lng hehe. Ride safe din sayo and God Bless :)
lods keep safe ah! waiting lang ako sa upload mo ulet pagbalik eheh
salamat lods. keep safe din.. Sure po hehe
Niceone lods nsilayan mo bayan nmin sa cavite tga tanza ako pero dto ako ngaun s riyadh isa dn ako siklista kya napanuod ko vlog mo to kaybiang tunnel from marikina salute s inyo ni ryan lalakas nyo hanga ako kya rs always s mga rides nyo and god bless 🤘
Nice ride 👏🏻 na-unlocked ko n din ang Kaybiang Tunnel last March 14 at isa sa mga pinanuod ko ang video mo para makakuha ng idea. Nakakapagod pero worth it pagdating dun dahil din sa magagandang tanawin. From Santa Cruz, Laguna to Kaybiang Tunnel 237.42km laspag na laspag ako at mag isa na lang ako pumapadyak mula Calamba hanggang makauwe. Sarap magbike eh hehe! Ride Safe 🚵🏽♂️👏🏻💪🏼
Grabe lodss, antindi mo 👏👏👏 200 km pa lng pinakamalayo ko, di ko maimagine yung distance mo pero congrats at na-unlocked mo tong kaybiang. Good to know at kahit papano nakatulong tong vlog ko sayo 😁 ridesafe lagi 🚴♂️🚴♂️
@@DREWTV8 maganda kasi sa videos mo detalyado kaya makakakuha tlg ng tips and ideas. Salamat lods! Sa ngayon ECQ ang Laguna kaya di muna makapag long rides, paikot ikot lang muna sa malapit. Hehe.
@@mikeubaldo6644 Ngayon ko na lng ulit nabasa tong reply mo lods. Kamusta na? Ano ng mga na long ride mo?
Saferide always mga idol, sana soon makapunta din ako dyan
Salamat lods 👍 rs din sayo. Yakang yaka mo tong loop na to 🚴♂️🚴♂️
No skip ads ako idol💜✋🏻💙😎
Thanks lods.. pag mone ka na rin, ni skip ads din ako 👌
sana marating ko din yan....keep safe
Mararating nyo din po ito. Sa ngayon palipasin muna natin yung ecq 😅😅
@@DREWTV8 extended na naman po sir up to april 11..keep safe
Naku, kayo po doble ingat. Ngayon MECQ pwede na ulit mag long ride?
nice vlog, dapat dineretso nyo pa yung lagpas tunnel maganda view don pang picture taking tlga
Naku lods, plano ko talaga irekta tagaytay kaso nagkaaberya kami tpos nadelay kasi di kami lumiko agad sa sm bacoor 😅 pag resbak ko siguro dyan hehe. Salamat sa panunuod. Ride safe sayo palagi
Safe ride lage ka bikers.nice video idol may mapulot akong tiknik sau.pa angkas naman.
Salamat lods 😁 oks na 🤝
Congrats bro kaybiang unlocked! 💪🏼 Lakas!
Salamat lods 😁 Naku, mas marami pang malalakas. Yung iba Cavite loop ginagawa nila dyan hehe. Ride safe lagi
Lakas lods grabe, kami nag Kaybiang eh nabutasan sa gitna pa ng Kaybiang, ride safe always paps
Naku lods, mas marami pang malalakas 😅Basta may tools lods ayos lng yan hehe. Saan pala pinanggalingan nyo lods?
Sarap talaga pumunta Jan🚴
Oo lods. Naresbakan ko na sana yan yung paderetso tagaytay kung di lng ako ng abroad. Thanks for watching lodi
Ingat sa mga byahe mo
Idol lakas mo hehe sana maka rides kita soon.Isa rin ako na vlogger na biker sana maka collab kita soon God Bless always sa mga rides mo idol so see yah
Sayang lods wala na ko sa pinas, siguro pag bakasyon ko na lng hehe. God Bless sayo and continue vlogging lng, support kita lods 🤝🤝🚴♂️
@@DREWTV8 awwwww sige idol See You Soon pag balik mo sa pinas idol ingat kajan lodi ride tayo soon
Salamat po sa mention kuya. Highly appreciated. 😁
Ang layo po nang inikot niyo kuya Sa dasma po. Hihi. Natawa ako sa sinabi niyo. Yung may mga bus na dumaan. Temptasyon. 😅 Ingat po kayo lagi kuya.
Xmpre lagi kang sumusubaybay lods 😁 Kaya nga eh, at least alam ko na next time pag rumesbak lods, try ko yung cavite loop pero mukhang matagal pa yun hehe. Sobrang daming bus buti na lang talaga nalabanan temp haha. Ingat din sayo lods, pangmalakasan na yung mga rides mo eh 😅
@@DREWTV8 viewers niyo po ako kuya. Hihi. Kayang kaya niyo na po yung Cavite loop kuya.
Naramdam ko din po yan, yung tipong pagod na pagod kana. Tapos isa pa may mga ibang cyclists na nakikita mong sumakay na. 😅 Buti nlng di ako na temp. Natapos talaga yung goal. 😁 ☝️☝️
see you soon again, kaybiang tunnel. for this time padyak PATATAS😄🚴♂️🚵♂️ not on a mc.
More power to your yt channel bro.
Thanks idol for watching 🤟🤟😁 Ride safe 🚴♂️
14:00 haha ako yata yung nasa harap nyan! Ang init nga nung araw. Nakakalaspag! Ride safe!
Haha. Nice lods 😁 Kakalaspag nga yung init nyan pero at least napuntahan natin yang kaybiang tunnel 👍🚴♂️🚴♂️
Ayos blog mo paps nakapunta na ko kaybiang pero pinanood ko pa rin kasi gusto ko maaalala yung sarap at hirap na narasanan ko dyan hahaha anyways okay yung vlog mo talagang napakita yung sa mga ahon kasi sa ibang vlog yung patag at lusong napapakita di masyado nakikita yung mga ahon kaya nagmumukang madali ayun budol hahaha. Ridesafe always paps keep pursuing your dream as a vlogger
Katulad mo rin akong nanunuod ng mga vlogs dati at talagang nabudol na ko ng maraming beses haha. Either malakas na yung mga siklista or di nga nila npkita yung uphill kaya budol sa mga newbie 😅
Salamat lods sa pag appreciate 😁😁 kaya nkakamotivate din mag vlog dahil sa mga tulad nyo 🤝 God Bless and ride safe din palagi 🙏🚴♂️🚴♂️
Layo idol. Ride safe.
Oo nga idol isa to sa pinakamalayo kong ride 😅 ingat din sa ride mo palagi.
Ride safe lagi idol. GODbless
Sorry lods late reply, Ikaw rin keep safe and God Bless
Tol suggestion. Since sa Don Gallo Pque rin pala ikaw dumaan, sana pala hjd na kayo nag ROXAS BLVD, tpos nag coastal pa kayo eh maramintlga truck dun. Sana bro nag diretso na lang kayo ng TAFT and BACLARAN and thats it Don Gallo na rin yan. Mas napa ikli pa sana ng konti ang byahe nyo. Nakatipid din sana kayo mg 4kms by that.
Wow lods, maraming salamat sa advice. Pag nakaresbak ako, sundin ko to
congrat lods!
😎🤙
regards from bacoor cavite
ride safe always!
Nice video idol ganda dyan nagride na kami dyan.umangkas ako sa bike mo.baka pwede angkasan mo din bike ko.god bless
Salamat lods. Nakadalaw na ko sa bahay mo 🤝🤝
@@DREWTV8 idol salamat.god bless.
Layo ng inikot 😂 sa welcome general trias cavite lang ako lakas mo lodicakes. 🤘🤘🤘🤘
Oo lods, nagkamali kami haha. Dapat pala sa sm baccor nakami lumiko 😅 Naku, mas marami pa mas malakas yung iba, kaybiang loop ginagawa, labas na pa tagaytay haha.
Nakailang bisis kona din na loop yan reverse dikopa nagagawa un oh super linaw naman talaga ride safe master lakas nyo bagong kaibigan master sana maslilip mo din munting channel ko JRB Oragon Bikers yan oh nakitambay na din at nakipindot na din more power and godbless
Salamat lods sa Panunuod grabe lakas mo hehe. Nadalaw ko na yung channel mo at nakasuporta.
Solid idol ganda ng rides mo
Tol in general maganda nman ang Blog mo. Napa subscribe nga ako eh. Ang kulang lang is, dapat nag TITIME CHECK UPDATE ka. Syempre sa mga tulad namin na KUMUKUHA ng IDEA or HINTS sa mga blogs on specific destination or rides. Isa sa mga importanteng hints ay KUNG ILANG ORAS namin yan titirahin at ilamg oras kami makakarating form cities to cities. Napaka importante po ng TIME UPDATES pag nagbablog kayo ng mga LONGRIDES.
Oo lods, agree ako sayo. Crucial yung time check. Pag nag long ride siguro ulit ako, gagawin ko yang sinabi mo. Thanks lods
Idol! Sulit yung panonood! Salamat Sir!
Maraming salamat lods 😁😁 napunod ko rin bike vlog mo, mas idol kita hehe. Keep safe palagi
Sana tinuloy nyo na hanggang PICO DE LORO at PUNTA FUEGO
Need na kasi namin umuwi, pero sayang nga lodi
Congratulations DrewTV! Ride safe parati.
Salamat lods sa panunuod 😁 Ride safe din sayo 🚴♂️🙏
Ayos very informative ang vlog mo lodi! Ride safe!
Salamat lods sa pag appreciate 😁😁 Ride safe din sayo 🙏🚴♂️
Ride safe pre! Lakas!
Salamat lods 😁😁 mas marami pang malalakas hehe.
Anjan ako kahapon.. Bike ride.. Super ahon.. 😊
Nice Lods, mahabang ahon nga ito pero sulit na sulit hehe
@@DREWTV8 yes sir. Sulit.. Buti hindi masyadong mainit sir nung nagpunta kami. Godbless
nice ride bro. the usual route tlaga ung pa kawit hehe. nag governor's drive din ako nong first time ko mag kaybiang. but i started sa dasma kc nag visit muna ko sa relative ko don. then ksama ko nag kaybiang pinsan ko. second time ko was reversed loop. qc to tagaytay to nasugbu to kaybiang. at least may loop ung strava mo hehe.
Wow lods, tama pala talaga yung sinabi ni domsky sa mga vlogs nya na beterano na kayo sa pagbabike 🦵🦵 yep extra challenge nga yung dasma hehe, pero goal ko yung ginawa mo na qc to tagaytay to kaybiang. Baka pag uwi ko ulit ng pinas 😅
@@DREWTV8 di nman betetano haha. sabay kmi nag bike nyan. mas madami lng ako na ride sa kanya. wow nsa ibang bansa k n pla. ingatz.
@@thmsdz oo lods, yung mga mapapanood mo pending ko na lng sa pinas haha. Halos lahat ng vlog ni domsky napanuod ko na, binibida ka nya dun. Inaasar ka nga lng nya minsan tungkol sa edad hehe. Salamat lods, sana makabike ko kayo pero pagnakabakasyon na siguro ako 😁
Wort it view dyan pag baba mo nang tunnel kita yung dagat
Totoo yan lods, napanuod ko sa mga vlog ng ibang siklista. dederetsuhin sana namin kaso marami ng nasayang na time nung nag dasma kami instead na kawit.. Keep safe palagi lodi.
Naaliw ako s pannood mg ride.
Salamat po at nasiyahan kayo sa vlog ko 😁😁
Drew: minsan napapatanong ako sa sarili ko bat ko ba ginagawa to? HAHAHA same kala ko ako lang nag tatanong sa sarili ko neto :D CONGRATS Drew RS always! nice earing din .
hahaha. struggling na kasi ako nung time na yan, mema na lng haha.. Salamat po. RS din sayo. Yung earring cool lng tignan kaya sinuot ko na rin sa ride na yan hehehe.
Great sir, loaded with useful info
next on the list ko Yan. Nakalaguna loop na ako. If I may respectfully suggest, additional info Sana kung may signal ng celfone sa ilang areas para sa mga solo riders. Thanks
Salamat lods. Good luck po sa kaybiang tunnel nyo.. Hindi ko na nacheck signal sa phone ko dahil focus ako sa ride pero noted po sir. Next na maglolongride ako, sasabihin ko kung may signal or wala.
proud ako sayo lodi❤️mamaw ka hahahaha shout out po sana mapansin🤗
Salamat lods sa pag appreciate 😁😁 sure lods kung may pagkakataon hehe.
Cute nyong dalawa mag vlog hahaha
Hahah, nabudol ka din ni Kuya?? Hehe. Anyways, congrats Lods, sa panibagong achievement mo at ng mga kasama mo. Ride safe always! 🙏🏻💪🚴🥰
PS: Uyy nga pala Lods, salamat sa pa-shoutout., ayiieeee! I love 24:51 💕
hahaha. medyo lng naman, yung init ng araw lng naging prob.. salamat lods, yung shout out way ng pasasalamat ko sa patuloy na panunuod mo ng vids ko :)
buti idol tumagal ilaw mo? Ride safe idol
May dala akong power banks lods 😅 di talaga aabot yan..
Napalayo kayo sa governorsdrive anyways maganda rin long ride mas madali kong sa dinaanan nyo kayo dumaan kaya inabot kayo ng gabi nag enjoy ako sa ride mo
Late ko lng boss narealize na mas malayo daan namin. Sabi kasi ng kakilala ko sa rob dasma pa kami kakanan, yun pala pwede na sa sm bacoor 😅 Atleast alam ko na ggawin sa susunod kung reresbak kami or gagawin namin yung kaybiang loop
@@DREWTV8 yes po sa thursday mag kaybiang si (buildbyali) makikipag collab ako
Lakas lods!!! 🤘🏿🤘🏿🤘🏿
Medyo napraktis na rin kasi ako lods pero mabagal ko pa natapos yan kumpara sa iba 😅 salamat lods 🤝
Malupet na ride din yn boss 🚵♂️At saka boss medio malayo yng Ruta mo,hindi kba na Goggle?😁at ska I'm your new fan boss 😁Natawa ako dun sa tanong na,"Bat Ba Ginagawa Kotò?😂Ganyan din ang tanong ko boss,kapag pagod na,"Masarap ba talaga ang magbike?😂
Salamat lods 😁 Di na ako nag google maps nung una lods, medyo familiar ako sa daan. Nagbase lng ako dun sa sinabi ng kkilala kong siklista na sa rob dasma mg right turn, late ko ng nalaman na mas mabilis pala sa kawit haha. Ang init na kasi nyan tpos kapagod na rin pero once na mapuntahan mo yung mga lugar na yan gamit lng ng pagpadyak, yun yung worth it na experience, kaya masarap mag bike 😁
hanga ako sau lodi, siklista rin ako pero bilib ako sa kakayahan mo🚵🏿🙏
Padjak lang idol hanggang may lupa
Tama ka dyan lods 🤟🤟 sarap magbike eh 🚴♂️
Please follow my Facebook Page: drewtv8
Aside from this youtube channel, I am also sharing my travel experiences there 😁
New subs here, that was a good ride, congrats boss 🙂🙂🙂
Thanks idol for appreciating my video 😁😁 Keep safe and God Bless.
Kung tutumbukin ang sm bacoor,dun mismo sa sm my pakanan dun diritso kunti tas kaliwa,pakawit cavite na po un,,,,,
idol drew ranger ahaha
Salamat lods hehe 😅😁😁
Lods ikaw pala yan. Hahaha. Dyan sa profile pic lng kita nakilala..
@@DREWTV8 oo paps hahahaha
HAHAHA putek napapaisip din ako minsan bat ako nagbabike 😂 pero pag mainit lang
Yeah hahaha, iba talaga epekto pag sobrang init.. para sakin mas oks parin yung may onting ambon or ulan 😅😁
Bagong kapadyak lods... 😊
Salamat lods. Nakasuporta na rin ako sa channel mo 👍
@@DREWTV8 ❤️❤️❤️
San kayo dumaan from cubao to san juan? gagayahin ko sana ang route.
diretso lng lods to ng Aurora boulevard. Sundin nyo lng yung lrt2 hehe
SALUTE LODI ❤️🙌🏻
Maraming salamat sa suporta lodi 😄 keep safe palagi
)akas mo idol ride safe lang" shout out fr qc.
Naku lods mas malakas ka sakin. Ride safe sayo 👍👍
Nice move 👍
pumunta ako jan,, nag mountainbike lng ako malayo pala ilang bayan pa ang dinadaan ko bago makarating sa ternate cavite,,, umalis ako 9 ng umaga nakarating ako sa ternate cavite 4 ng hapon,,, quizon city via ternate ,,,,pag uwe ko naabotan ako ng gabi sa bundok wala pang ilaw ,,, mahirap pala subrang pagod ,,,
Watching idol 👌👌 ang lupet nio..sana ma try ko rin yan..need ko lng na kasama n malupet.,.🚴🚴✅ na...kaw n bahala dumaan sa bahay ko 👍
Yakang yaka mo yan lods 🤟 salamat pala sa panunuod 😁 dalaw ako mmya sa bahay mo. Rs 🚴♂️
Nice lupet
Salamat po 😁😁 keep safe and God Bless!
Naol may bike
Naku lods, pinag ipunan ko lng din yan hehe. Hilig ko talaga kasi pagbbike 😁
uy si idol :)
Salamat lods 🤟😁
Un oh galing ride safe God bless wat ch like comment and sub na rin po sir..support na rin sir..
Salamat lods 😁 done na po 🤝
Ano mas matarik yung ahon pa bitbit o dyan sa pa kaybiang
Pareho lng sila ng tarik ang pinagkaiba is parang x2 ata layo ng ahon sa kaybiang kumpara sa bitbit hehe
Pa shout out po BikeBrothers & KapPedal 😎👌
Sure lods, sa mga ssunod na vlog ko abangan mo 🤟🤟
Pre Pde Sumama kpag Kaybiang tunnel again to free ride?
Sayang idol, nasa abroad na ako ngayon.. pwedeng pwede sana kahit saang ride pa yan hehe
layo ng inikot mo sir
Sasakyan nga hirap ako magmaniho bike pa kaya😂😂😂😂
Oo pero iba kasi fulfilment pag bisikleta. Kung tutuusin pwede ako mag kotse dito pero ayun, gusto ko ma experience yung sariling padyak ko lng at bike papunta sa ganyan kalayo haha
IDOWL! LAKAS 🚴
Salamat lods sa panunuod :) Naku, masmalakas ka pa rin sa akin hahaha
Naka relate ako sa bat ginagawa to? Hahahaha.. nung nag kaybiang kami kung anu ano na pumapasok sa isip ko. Hahahhaa..
Lakas🔥🔥
Salamat lods 😅 nakuha lng yan sa practice hehe
Lods anu malayo. Tagaytay o kebiang tunnel? Kakayanin ko ba yan pag bike lang. Newbie here
Para sakin lods kaybiang tunnel 😁 Mag warm up ka muna before mo puntahan isa sa mga yan. Pwede din pala icombo yang dalawa para mabuo yung cavite loop.
boss ilan km ang ahon papunta kaybiang tunnel
Mula sa patag na part sa ternate, mga 20-25 km lods..
salamat.last question what tym kayo umalis ng marikina at naka uwi?at may iba bang daan papunta dun yung konti ang ahon
@@joseph_sugapong76 Mga 4am rideout namin lods kaso naflatan isa kong kasama, di kami marunong magayos so inabot kami 1 hour haha.. Tip ko lng lods, sa sm bacoor kayo kumanan, mas malapit dun. Mga 10pm na kami ng gabi nakauwi marikina, tumambay din kami sa kaybiang mga 1.5 hours hehe.. Yung way yan na pinakamadali lods, di maiiwasan ahon papunta dyan..
@@DREWTV8 salamat sa tip chief
Wat tym ka daw po naka uwi? sabi ni mama ko😅
ride safe
Dpt pti time nababanggit mo pra alm nla anng oras mka pag adjust ng time.
Oo lods, newbie vlogger lng ako hehe. Sa mga ssunod na bike vlogs 😄
Low gear dapat kpag ahon baliktad po dapat kpag patag malaki Ang Plato.
Idol naka 1 x 12 set up ako so baliktad hehe. Kapag nasa mas malaking plato dun magaan
Lakas! 💪
Salamat po sa walang sawang panunuod :D
Lods ung helmet mo medyo maluwag, higpitan mo next time. Ride safe
Aww, maluwag nga. Salamat lods sa paalala. Rs din 🙏🚴♂️🚴♂️
Ilang ahon po dyan sa kaybiang
Isang mahabang banayad na ahon yan lodi.. Parang nag masinag to boso boso ka mula ternate hanggang kaybiang..
May strava po ba kayo sir?
Meron lods. Search nyo "Peter Andrew Falales"
Congrats! Tough padyak ride. Kami ng Anak ko (MOTO VENTURE DUO) from Paranaque City nakapunta din ng KAYBIANG TUNNEL in Two Wheel Motor Byke last January 1, 2021 started at 11:45AM. It took us aroung 196 Kilometers round trip. Pero dinanas ko din hirap sa ride but what more kayo na gamit ang Man Power .... WOW! Subscriber mo narin me sa Paghangga ko sa inyo ng Friend Mo na makarating sa KAYBIANG TUNNEL and back sa Marikina na safe.
Tanong ko lang Sir ... Ano yung ibig sabihin mo doon sa ..... dika gumagamit ng pinagbabawal na tech? Thanks. Inggat sa mga susunod na rides. MABUHAY!
Salamat lods sa panunuod 😁😁 napanuod ko nga vid mo and subscriber na rin ako 👍 Yung pinagbabawal na teknik, pinauso yun ng sikat na bike vlogger si Ianhow haha. Kapag napagod ka na sa ride at sinakay mo sa bus or kotse yung bike mo pauwi, yun ang pinagbabawal na teknik 🤣🤣
nice sir! naghahanap ako ng blog ng Kaybiang and back to Manila, sakto ito, baka i bike ko ito soon, makakatulong ito sa pagtry ko din! Follow me - You na rin sir, ride safe lagi!!
time check idol nun nakarating ka ng bahay?
10 or 11 pm lods.. mga newbies lng kami hehe
Anong ginagamit mo app sa map pre?
Google maps/ waze para sa direction tpos strava naman lods para marecord ko yung ruta ko sa ride na to 😁
@@DREWTV8 salamat idol ❤️❤️
Idol baka pede pa drop san mo nabili yang Jersey mo hahaha solid design eh
Natawa ako sa 15mins later.. Nanghihina e
Oo lods, technically newbie lang ako. Wala pang 1 year nyan na nag lolong rides ako hehe. Need pa talaga magpractice hehe
@@DREWTV8 ❤️ ayos lods. Parehas tayo