Basta first world country ganiyan talaga, busy mga tao sa trabaho at pag weekend, usually pahinga. Time is gold. Masaya sa Pinas kapag may pera ka, kapag wala, malungkot din. Maraming Pinoy sa Pinas, 2-3 jobs meron sila pero kulang pa rin sahod nila, hindi sila masaya. Maraming tao dahil maraming tambay at Maritess, nagtatawanan pero deep inside malungkot sila dahil walang pambili ng sapat na pagkain, basic needs at pambayad ng kuryente. Tumambay din ako sa Pinas, masaya kapag may inuman at kuwentuhan pero temporary lang at wala ring katuturan dahil walang patutunguhan. Marami na akong kakilalang nag-retire sa Pinas pero bumalik din sa US dahil naging takbuhan sila ng mga mangungutang na kamag-anak, kapag may laging may emergency kuno at mga kaibigan na kapag hindi pinautang, galit pa sa kanila.Naubos din pasensiya nila sa inefficiencies at corruption at all levels ng gobyerno sa Pinas, brownouts at over 20 typhoons a year, at sobrang init naman kapag summer. Mga anak nila at apo ay nasa US, mga kasambahay lang kasama nila sa Pinas kaya bumalik sila sa US. Magre-retire sana kami sa Pinas pero na-realize ko mas OK lang magbakasiyon doon at hindi mag-retire doon sa Pinas kasi halos lahat ng relatives namin ay nasa US na. Living in US has more positives than negatives while in Pinas, it is the other way around. Just my opinion. Pero kung MOST of your relatives are in Pinas and won't be relying on you like an ATM, then it is OK to retire sa Pinas. Depende sa kaniya-kaniyang sitwasiyon.
@@JoyofRVing Good point. As we get older, huge consideration ang Healthcare. Sa US, paramedics(sa ambulance pa lang) and doctors(ER) will try everything to save your life in an emergency regardless of your status or capacity to pay. Sa Pinas, deposito muna ng kuwarta bago asikaso kahit naghihingalo ka na. 🤨
Your right! Iyon iba kasi naiingit sa kalagayan ng atin bayan sa pinas na happy daw, but deep inside namomoblema sa pan araw araw, pakisama at healthcare. Ang laki ng pagkakaiba! At least dito sa ibang bansa no stress, maritess at inggit dito, inggit doon. Di mo kailangan ng maraming friends or kamaganakan kung sakit lg. Oo, malungkot pero may peace of mind ka and sanayan lg.
@@nenitawillkom1913 Korekek! Never ako nagkaroon ng peace of mind sa Pinas dahil maingay, magulo at kulang ako lagi sa Pera. Hindi ko makain at mabili gusto ko. Sa US ko lang na-achieve lahat, paid off cars, paid off house at walang utang. Meron ding emergency funds and retirement/investment accounts for life. Kung nag-stay ako sa Pinas, baka matagal na akong patay dahil puro tambay, barkada at inom/yosi lang ang ginawa ko noon sa Pinas. Buti na lang nakaalis ako sa Pinas at nahinto lahat ng bisyo dahil nag-focus ako sa trabaho at sariling pamilya. Sarap buhay sa US kapag bayad na bahay/kotse at walang utang. Patravel-travel na lang sa Pinas at ibang bansa.
dipende naman yan sa tao mga sir.. pag introverted ka.. heaven ang america sayo.. gusto mo walang ingay masiado..walang martites.. etc. so tingin ko ang life style sa US.. magiging masaya ka dipende sa pag katao mo
Maganda ung comment ko kasi feeling ko palaging unrepresented ang mga introverts palaging narrative masaya pag maingay eh pano kung naiirita ka nga sa ingay tapos sanay ka na sa tahimik kasi miski naman sa Pinas pagka sa exclusive subdivision ka lumaki tahimik din.
Unang lapag ko dito halos 20yrs ago ay excited after 3 mos ay “Ibalik nyo ako sa Pilipinas!”. Nung nagkatrabaho ako ay medyo nalibang na ako at nagustuhan ko na dito nung nakabili na kami ng bahay ay lalo akong ginanahan. Ngayong halos dalawang dekada na ako dito ay gusto ko na ulit umuwi lalo na at hindi na maganda ang estado ng ekonomiya dito at nawawala na din ang paniniwala sa Diyos ng karamihan ng mga kabataan dito. May kaibigan ako na umuwi sa pinas mga 5 yrs ago ayun click lahat ng tinayo niyang negosyo kaya pumirmi na sila doon. Naguguluhan din ako sa ngayon pero since may kapatid pa ako sa pinas na maayos naman ang buhay ay gusto ko na din umuwi at magsimula ulit sa bayan na pinanggalingan ko.
@@PinoyPewAtbp hinde ka nakapag asawa ? yes sarap na masaya mamuhay sa ating bayan sinilangan meron ka nang Pension sariling bahay tara uwi na tayo at magmeet to enjoy life with a peaceful mind having a lifetime partner👍🤣🤣🤣❤️❤️ may channel ka pala at videos mo panuorin ko nga !
Ewan ko lang pero nung migrate ako ng America, and dami ko agad nakilalang mga kaibigan at iba ibang lahi sa Nursing Home na pinag trabahuan ko. Nag ka gf din ako ng blondie at itim. Every week may party (food n karaoke with some White and Asian friends. Nag join ako ng military marami na naman akong naging friends. Nung nag asawa lang ako nalayo sa mga kaibigan ko. Pero masaya parin at may mga anak na ako. Sila ang mga best friends ko.
I agree. I used to have many friends and acquaintances pero ngayon konti na lang pero quality and lifetime friends dahil mas focused ako sa pamilya ko which is the way it should be. Lahat ng good time at inuman/party pinagdaanan ko na, wala ring saysay at waste of money, pero magandang experience to reminisce. 😊
Maraming salamat po for sharing your life experiences. Pinakamahirap pag wala kang pamilya at kaibigan dito talaga. Kaya andaming depressed na mga puti kasi wala silang masyadong support system unlike sa atin mas stronger ang family ties dahil sa kultura natin. Always tinatanong pag may naadmit kaming pasyente ay yung Suicide Severity Scale para malaman kung suicidal ang pasyente, kasi mataas ang cases ng suicide dito Napansin ko din na halos lahat ng mga middle aged patients namin babae o lalaki ay may maintenance na antianxiety, antidepressants at sleeping pills na prescription. Hindi ko ito madalas makita na binibigay sa mga pasyente sa pinas maliban nalang sa psyche unit. So mapapaisip ka talaga.
Ito ang pag susuri ko. Pag ang Pinoy ay laki sa Pinas at tumira sa ibang bansa, mas matibay sila kesa sa mga naturally born sa bansa tulad ng America. Mas ma tyaga at mahusay dumiskarte. Matibay din sa pag laban sa stress ng buhay at lungkot.
@@anastaciolopez6259 Tama ka diyan bro. Mas resilient ang pinoy dahil nasubok ang tatag natin sa Pinas kaya karamihan ng Pinoy successful sa US at bihirang-bihira ang homeless na Pinoy. Kung meron mang homeless na Pinoy, usually may bisyo o born dito sa US.
@@PinoyNomads Totoo, kasi sa Pinas kulang sa psychiatrist at mahal ang meds so people with mental problems end up in mental hospitals or on the streets when they could have been taken care of before getting worse. Nothing wrong with seeking help and taking antidepressants kung kailangan nila. Pero ngayon medyo iba na sa Pinas, naaalis na ang stigma patungkol sa mental health issues and more are seeking help and taking meds bago pa lumala ang kondisyon nila. Pero bilib pa rin ako sa Pinoy as immigrants, dahil mas matatag, matibay at madiskarte. I do not worry about things I cannot control. When I was working, I just focused on improving my life and my family's life kaya siguro hindi ko na-feel ang stress and loneliness. I also enjoyed company of co-workers and friends outside of work once in a while. I spent more time with family which is more important anyway. I worked doubly hard, saved and invested for 20 years kaya nakapag-retire ako ng maaga ng debt-free. I worked hard for my freedom from ball and chain of work. Mas lalo ng stress-free ngayon, chill na lang kami ni misis at pasyal-pasyal. We focus more on our health as we are in our early 50s now. Boredom or loneliness is just a state of mind so I do not focus or dwell on it. My wife and I have many hobbies, we go to different places, meet people/friends, shop, eat out and I also learned to cook lately so I am enjoying retired life in US worry-free. If you continue to be sad or lonely all the time, seek help, nothing wrong with that. It is OK not to be OK.
Well malungkot kc puro goal ang pinagbchan at mas malungkot kung lagi2 kayo lang kelangan din natin mg mingle sa kapwa natin para may challenge tayo sa buhay natin , when I first step down in Europe 🇪🇺 alam ko agad2 ang buhay d2 pero d ako nkfocus of being homesick kc God make a way for us na mkrating d2 yong iba nga wala pa rin at yong iba naman nabaon na sa utang para lang mkpg abroad 😢 Let's be realistic sa buhay at sa kung ano man ang gusto mong mrrting d yong gus2 ng iba para sau , Hardwork, good health and contentment in life 👌👍🙏 til now d2 me and married to a kind and generous Belgian man ,Thank you Lord ❤🙏
Wow thank you Willa for sharing. Tama ka we're so blessed nagkaroon tayo ng opportunity na magkaroon ng buhay na pangarap lang ng iba. Naniniwala na ako nasa afam ang poreber, Belgian pa✌️. God bless po kabayan!
nandiyan na nga lahat sa inyo malungkot ka padin..masagana na ang buhay nyo dyan..alam mu pre dapat magpasalamat ka sa taas kasi binigyan ka ng magandang kapalaran..dahil sa dami ng gusto pumunta dyan sa ibang bansa isa ka sa pinagpala..dapat minsan makuntento tayo sa ibinigay sa atin ng dios..kami nga dito salat sa buhay..pero masaya..tapos ikaw may kulang pa sayo
@@iamthanatos1986 Tama naman Sinabi nya eh…..count your blessings before you complain, isip in mo na maraming Filipino na willing ipagpalit ang “ malungkot ” mong buhay sa miserable life nila. With Due respect po….ganyan din ako dati……but being disabled now and not working with all the blessing s me and my husband (no family here and no real friends to consider) receiving everyday comparing to other people, We are no position to be miserable and ungrateful. --“The happiness of your life depends upon the quality of your thoughts: therefore, guard accordingly, and take care that you entertain no notions unsuitable to virtue and reasonable nature.-by MARCUS AURILIUS……….and of course by our ALMIGHTY GOD! THEYRE goes hand in hand.
Easy to say actually unless you’ve experienced living in the USA, living in the Philippines is still much better. That’s why it’s very important to be financially stable by the time you get back.
That depends on your mind set. Kahit saan masaya basta may work ka. Andito rin ako sa States with my family at enjoy din kami dahil equal opportunity dito basta masipag ka. Ang Christmas namin Filipino way ang celebration namin. May mga parol pa ako nakasabit galing Phils. Picnic with our Filipino friends tuwing summer. Kahit yong mga anak ko masaya with their friends kahit sa mga classmates nila hanggang maka graduate sila ng college. Pilipino ang usapan namin sa loob ng bahay. Just be positive kahit saan kang panig ng mundo. Make sure lang na alamin muna kung safe neighborhood ang titirhan.
I’m 81 years old started here in So. California, Kailan mo bro di ka tatagal dito pag iniisip mo ay buhay easy easy. This is the place to stay but never depend from others and be positive, work hard. Stop thinking of easy life and barkada system.
Nakakawala kasi ng sakit ang communication sa mga tao dapat masigla ang tao sa kanyang ginagawa , useful pa rin kahit sa pinas marami kang makakakwentuhan tawanan pa.. maparaan ang pinoy kahit mahirap dito sa social experiment po kasi yan kailangan natin pampalakas ng puso mo ❤
Kahit saan ka pang sulok ng mundo, nandyan lagi si God. Happiness is a state of mind and most importantly your attitude of gratitude. May chance din kayong bumalik ng Pilipinas bakit nandito pa rin kayo sa America?
2 years nko dito pro ang utak ko nasa pinas p rin di kc ako sinuswerte dito pro kinakaya ko n lng mabuhay pr s sarili ko at suporthan ang pamilya ko s pinas. S pinas p rin ako magretiro
Each to their own I think. I’ve been living here in Ireland for 5 years now and mind you mas boring dito kesa sa ibang lugar. As in. But everytime I would go back to the Philippines. Parang ang tagal na sakin ng 1 month na bakasyon. Here in the west, I’m more free and more independent. I think it’s a generation thing. Mga seniors ko din are aiming to retire in the Philippines. Pero sa mga friends ko na ka henerasyon ko, they don’t think they would retire in the Philippines. Happiness is a state of mind ika nga. and Pacorrupt ng pacorrupt sa Pilipinas. 😅
Tama po kayo, to each his own talaga. Nakakalungkot makita ang kahirapan sa pinas at pag nasanay ka sa masagana at komportableng buhay sa Western countries ang hirap magadjust sa Pilipinas. Pero sabi mo nga baka sa generation malamang kasi bata pa tayo🤣. Pero baka pag retired at malapit ng matigok hahanapin na natin ang Pilipinas para doon tumanda at doon na bawian ng buhay. Nagtrabaho kami ni misis sa long term care facility sa Canada, nakakaawa mga matatanda na namamatay doon, lungkot ng buhay nila.
@@evilgel666 I've been living here in US for 19 years now. I have to admit it was boring and lonely too when I arrived and why? Because I have no job yet and no car. But once I got a job and a car, my life changed. I can do anything I want. Been working in the same company for almost 18 years, met some Filipino friends and we get together every occasion , birthdays, thanksgiving, July 4th, Christmas and eat Filipino foods( potluck). We go out shopping, and go to festivals, and road trips and vacations. You have to get out of your shell and enjoy life.
Idol kung kalungkutan at masasabi kong sobra sobra sa ika limang taon ko sa south carolina bahay trabaho food court lang ako at wala ako naging kasamahang pinoy na makakatropa sa trabaho man lang wala kasi gaano pinoy dito kaya tiis talaga naging bisyo ko mangolekta ng sapatos kakapanuod ng vlog ng mga pinoy sneakerhead tsaka action figure GIJOE up to now nag cocollect ako para makulay sa kwarto gawa ng sobrang lungkot nga kasi . Pero kung nasa pinas ako di ko mabibili mga toh kahit madaming tao sa paligid . Kaya naman nagtitiis na dito isa pa madami pa din gusto makarating dito kaya sinasamantala na natin dahil andito na tayo.
True po ang sinabi mo. Dahil sa opportunity dito sa U.S. maging thankful and grateful everyday habang may trabaho. Pwede po magbakasyon sa mga friends or relatives in other States o kaya sa Pinas. Thanks for sharing po. God bless❤
Masagana po in English? Maganda Malaki Ang bahay magarang kotse, madalas nasa work nag OT Minsan 2 pa trabaho para sa mga bills, uuwi ng bahay matutulog pasok ulit the next day. During day nasa magandang bahay mag lilinis mag groceries mag lalaba mag luluto ng food para meron baon sa work. Hindi din na enjoy Ang mala mansion na bahay at magarang kotse, naubos na Ang Oras sa trabaho at gawaing bahay😒
Wow, agree po 100% ako sa observation nyo Sir Willie. Realidad talaga ng buhay dito sa US yan. We're blessed were in the US, ayun nga lang may kapalit din po talaga ang manirahan dito. We'll be tangled up sa neverending bills. Maraming salamat po for sharing your thoughts.
ano naman ang malungkot doon.. kung may nag babantay naman sayo at nag aalaga.. mas ok na un kesa mamatay at tumanda sa pinas na punong puno ng chismosa.. at mga taong wala namang paki alam sayo pag namatay ka.. mas masaya mamatay ng tahimik.. kesa mamatay ng napapaligiran ka ng madaming tao na wala naman paki alam sayo
Pero maaalagaan ka pa rin nila hanggang sa huli, Kesa sa pilipinas, kapag namatay doon........pagpapasa-pasahan ka at ultimo lugar na kinalilibingan ng yumao ay pwede alisin pag natapos na ang kontrata nya
Bawat individual ay may kaniyang opinion base sa experience. Ang buhay ay may trade off. Hindi lahat pabor sa iyo. Assimilation Para Hindi ka malungkot. Blessed ako dahil nakarating ako dito.
Malungkot talaga sa america isang bwan lng ako naiyak sa lungkot tapos malamug pa wala ka man lng mkitang taong ngllkad kung hindi lng korap mga politiko masaya sa pinas msayahin mga tao sobrang saya cguro kyng myman bansa natin
Dito sa Amerika malungkot pero masagana. Naghahanap nlng ako ng mga pede kong pagka abalahan. Basketball, golf, fishing. Wala ditong tambay at tagay. 😂 kahit papaano mawawala ang lungkot
Mas masaya dito sa pilipinas. May makakausap ka pag may problema. May panahon magsimba at mamasyal. Sa US ang lalaki ng kalsada at sidewalks na walang kataotao. Mas maraming nakakausap dito. Okay nmn ang kabuhayan namin at nakakapasyal pag weekends at pag may occasion kakain sa hotel. May time to relax with my chikdren & grandchildren. Close kami at may family messenger so laging updated sa pangyayari sa buhay.
halos ganyan din buhay sa Australia, at Singapore (although madaming pinoy sa SG at madali makauwi ng pinas). Yan tlaga kakaiba sa pinas, daming activities at tambay. di ka mauubusan ng kausap at gimik sa labas, experience ko 6 yrs sa SG at 8 yrs sa Aussie
Maraming salamat po for sharing your experiences in SG and Aussie. Innate yata sa isang tao na hanapin kung anong kinalakihan nya at kinasanayang lugar. May kasama ako ngayong Thai na CNA namin, asawa nya puti. American citizen na din sya. Pero uuwi na sila ng Thailand March next year kasi iba daw ang buhay sa kanila kesa dito. Yung itim din na kasama ko uuwi din daw sya sa Africa pag retire nya. So, ewan ko, kung practical/ logical reasons bakit ka nga ba uuwi ng pinas e ang ganda ng buhay dito? Hehe
@@PinoyNomads depende sa kalagayan sa pinas pero mas masaya pa rin, cguro lalo kung matanda na. sa pinas kasi pwede ka nlang mag travel2 kung may budget, may mga apo at relatives, palagi may kausap, dito baka mapunta ka sa aged care hehe
Ok lang din naman po pumunta ng amerika kung may chance o oportunidad..kung gusto talagang hindi tuluyang maranasan habang buhay ang kalungkutan..mag plano na mag ipon lang ng sapat at kung nayron na pambili bahay ,pangnegosyo at mayenough na pera sa banko..then uwi na ng pinas. Kaysa gugolin ng husto ang buongpanahon mo sa malungkot na lugar. Mahirap din kc dito sa pinas lalo.kung wala ka manlamang sariling bahay at income na tulpy tuloy...
Tama po kayo Mam Lyzel. Magandang plano nga na magtrabaho, ipon, invest habang maynopportunity sa abroad para pag may enough na pwede ng pauwi uwi nalang sa pinas. Salamat po ng marami sa insights nyo.
Tama po kayo dyan. Depressing ang almost 6 mos na taglamig sa Canada. Pero other than the cold the best country to live ang Canada talaga wala akong masabi. Salamat po sa comment nyo.
Ako sa bukid po ako sa America walang mga Tao ang layo ng kapitbahay. Nasanay ko na wala akong kausap. Puro mga punuan ng kahoy. Mga hayop pero peaceful naman fresh air.
I want to work there, and soon sana matupad na pangarap ko. Plan of saving for the future and babalik sa pinas for good once nakapagpundar na nang basic needs at negosyo. Sana if its God's will, I can make it there by next year
Hi po, para rin palang sa Europe like dito sa Finland malungkot din kahit ito ang happiest country in the world malungkot at puro trabaho at malamig sobra ☹️
Kung feeling homesick ka sa America just go back to the Philippines… daming gustong tao makapunta dto so disappointed them because you just feeling lonely here just go back to the Philippines… 😅
Always remember……..” GRASS is GREENER ON THE OTHER SIDE”… The grass is greener on the other side” is a well-known proverb.is a phrase that means we perceive what others have as better than what we have.
Nagustuhan ko lang nman dito sa America 🇺🇸 dahil walang age discrimination sa trababo at walang sandamakmak na requirements kapag mag aaply ka ng trabaho not like sa pilipinas tsaka kahit mga fast food or grocery workers dito nakaka afford ng kotse sa pilipinas kapag ganun lang trabaho mo hindi mo ma afford ang kotse tsaka Maganda lang mag stay sa pilipinas kung vacation or kung mag stay ka na ng permanent dapat may pension at may business ka para may pera kapa din tsaka kung ayaw mong may mga lapit ng lapit at utang ng utang sayo bumili ka ng property na malayo sa kanila at iwasan na yang mga inuman na yan at kung gusto mong mag enjoy mag solo kana lang wag kanang mag sama ng kahit na sino.
So you live in Cal. That state is far from 4 season … I think you guys are pretty much in the Philippines except it a bit better as far as comfort and living condition… everything that sold in PI is there.. I live in the Midwest temp going down to -20-30 degrees that’s cold . Winter here is big snow and beautiful weather… Your dilemma of being malungkot is very sad. I have been here 50yrs +++. I was never sad. Plenty of things to do. CORRECTION I NEVER PLAN TO RETURN TO PHILIPPINES I HATE IT. I DONT ENJOY MARITES.. I HAVE A 4500 SQ. FOOTAGE HOUSE. BUT NEVER DID I GO ON DEPRESSION WINTER IS A LOT OF FUN GO SKI SPEND MORE TIME OUTSIDE… SUMMER TIME GO FISHING BOATING SPEND TIME TO GO TO CONCERT AND SHOWS… PLEASE DO NOT GENERALIZE YOUR BEING MALUNGKOT. YOU GUYS CHOOSE YOUR LIFE STATUS. MAYBE YOU DONT WANT TO SHARE WITH OTHER MEANING SPENDING. MONEY AND HAVE FUN. NEVER DID I MISS PHILIPPINES IT SO BORING . … YOU GUYS ARE PROBABLY NOT SOCIALIZING WITH OTHER . I ONLY HAVE FEW SELECTED FILIPINO FRENDS… I HAVE ABIG HOUSE BUT I OFTEN HAVE PARTY INVITING OTHERS . AND HAVE FUN. MEANING I SPEND MONEY TO ENTERTAIN WHICH I LOVE VERY MUCH…… IM FEEL SO BAD SA SITUATION NINYO FEELING SAD BEING HERE.. PLEASE STOP MAKING STATEMENTS FOR EVERYONE. LIKE INSULTING OTHERS ABOUT SPIRITUALITY. I DONATE SA CHURCH AND CARE FOR OTHERS WHY BECAUSE I HAVE MORE THAN ENOUGH FOR ME SO STOP SAYING MALAYO SA DIOS. YOU DONT KNOW EVERYONE . I CONSIDER MY SELF WELL OFF OWN MY HOUSE 5000 SQ FOOTAGE . I OWN MULTIPLE SPORTS CARS I CAN AFFORD TO GO GAMBLING AS I PLEASED AND I ENJOY LIFE I SUPPORT FAMILIES WHO ARE IN NEED IM BUSY SHOPINNG AND ENJOY SHOPPING FOR THEM ONA CHRISTMAS TIME I SUPPORT OUR CHURCH DONATE TO THE POOR. I GIVE GIVE GIVE AND I AM VERY BLESS I LIVE A VERY GOOD LIFE …I OWN MY HOUSE IHAVE ONLY ONE CHILD SINGLE HE OWN HIS HI RISE DOWNTOWN CHICAGO HE DRIVES HIS OWN CARS GOOD JOB IN ONE OF THE FORTUNE 500 COMPANY IN AMERICA RANKING #63… went to a private university does not owe any student loan living his life …. How can anyone be sad in America… it’s actually the way one live their daily lives.. wWe dine out 90% of the time.. or we order or pick up food if we decide to eat at home. So I love our life in the USA… will never retire in the Philippines. My son went to Philippines to attend a wedding stayed at the Pininsula for few days just a side trip while in Japan touring Asia. .. Good life right we thank Our Lord for great blessing four family…. We love our Country the great old USA…. Philippines is backward poor health preservation and management they only serve the those who have, if you are poor you dead for sure..very sad… in America you get top quality treat with money or not that’s taking care of humanity. Talk about being with God. In PI money first before they treat you. That’s exactly who you are trying to discribe as they adore money… that is Philippines for you…
Subukan nyong maging involve sa mga activities sa simbahan upang magkaroon kayo ng mga bagong kakilala at kaibigan. Dyan sa Chino hindi ganon karami ang mga pinoy, hindi gaya sa SF, LA at SD kaya medyo mahirap talaga mka hanap ng mga kababayang maka-kaibigan. Malungkot sa simula, nakaka homesick talaga, pero pagtagal-tagal masasanay at magiging maayos din ang lahat para sa inyo. Ingat lagi and stay positive.
Totally agree. We have almost 3 million pilipino here and only few is going back sa Pinas. My wife is an RN, and everyone knows that is a stressful job, pero masaya sila sa work and the money also. Galing siya sa Saudi at she really appreciates being in the US. This system is good for right minded people.
Mahirap na masarap po brother ang buhay dito. Katulad din sa pinas o saan mang lugar may maganda at pangit din. Wala po talagang perpektong lugar. Sabi nga ng ibang comments po dito, loneliness/happiness is a state of mind. Pero malaking factor po kasi ang environment, like culture at support system sa overall well being ng isang tao. Ang totoo po ang video na shinare ko ay observation ko lang din po yan base sa mga nakikita ko sa buhay ng mga tao dito, personal ko po ito at iba din ang experience ng iba at maari ding mali ako. Nababasa ko din at napapanuod sa pagaaral ng mga paychologists na may loneliness epidemic talaga sa mga Western countries like: Sweden, Poland, US, UK, Canada, etc, lalo na nung pandemic. Nakakatuwa Philippines is one of the happiest countries and one of the lowest suicide rates in the world.
This was almost a yr ago and you probably just got to california that time. Maganda yung area where you are at meron kayong magandang trabaho. Pero maraming areas in california alone na kaawa-awa ang pamumuhay ng ilang mga tao, pangit ang surroundings dahil sa kahirapan. Marami nga homeless na nkatira lang sa tabing daan, sa ilalim ng tulay, bakanteng lupa na parang dump site. Sinasabi k ang mga ito dahil nakikita k sa ibang comments na akala nila paraiso ang US para sa lahat ng tao dyan.
Para sakin bilang senior citizen Hindi na advisable mag retire sa Pilipinas gawa ng health care na Wala unlike dito Meron mga Medicare o health insurance libre lahat tungkol sa hospital , doctor and medicines bills sa Pilipinas super mahal at madugo ang gastusin Kapag nag ka Sakit
Malungkot at mahal ang buhay sa America. Naalala ko nung buhay pa tatay ko… kailangan ng pustiso… nung panahon na yon ay $1000 lang coverage ng insurance namin per year… dito maxed out na insurance namin tapos may co pay pa na $3000. Sa pinas $500 lahat pang artista pa ang resulta at komportable daw sa bibig.
Tama po kayo sobrang mahal ang health care dito kaya madami nagpapagawa ng ngipin at salamin sa Mexico. Nung nasa Texas kami madaming tumatawid sa El Paso- Ciudad Juarez para doon magpacheck up kasi mura. Pag mahina ang insurance dito pag nagkasakit bangkarote ang aabutin po talaga.
@@PinoyNomads actually pre, yung $1000 per year for dental ay pinaka magandang option nung panahon na yon. Dami dito akala mura healthcare… maganda kung sa maganda dahil quality naman talaga pero hindi mura. Aasa ka dito sa medicaid? Reresitahan ka lang ng pain meds hanggang sa maadik ka.
Lahat ng nag abroad naranasan yan. Yung iba may pamilyang kasama kaya nakapag adjust agad. Totoong madaming malungkot at depressed sa CA at US. Ang taas ng suicide rate.
Totoo d sila nag o open ng window kami lang naka bukas kasi Filipino tayo ayaw natin parang naka kulong. Unless summer talagang sinasara bintana dahil tataas electric bill.
Yes,, Ok dito sa US🇺🇸 Mabibili mo lahat ng Yummy na PAGKAIN,, at FRUITS🍉 🍇 kaya mong bilhin mga SHOES na Gusto mo, Shirts, Gadgets,, & other material things,, PERO SOBRANG LONELY😢lang ang Life dito,, Walang Pansinan mga Neighbors,, Kanya kanyang Biyahe,, Hindi ka papansinin ng mga Kapitbahay mo,, FOR ME, THE BEST PA RIN ANG FILIPINAS,,
Maraming salamat po sa insights nyo sir. Totoo po ang mga observations nyo. Ang kagandahan lang pag US o Canadian citizen ka you have now in a good position to choose. Pwedeng pinas o dito.
@@PinoyNomads your 🙏 welcome kuya, that’s right advantage talaga pag US citizen or Canadian citizen ka… kasi pwede ka pumili // filiipinas or US// Canada
Sad Kung mag isa ka Lang. But also if you’re busy working everyday, d mo na maiisip ma sad and also , of course, busy mga tao kaya mukhang ma lungkot. Sa pinas, ma saya , madaming tao but Kung Wala kang pera then it doesn’t make sense.
Sana po lahat ng pinagtatanggap ng US Embassy at Immigration na Pilipino at naging disable O inutil ay wag na wag idedeport sa Pilipinas, sila na ang may Obligasyon at Responsibilidad sa problema na yan! ASI sa Pilipinas.
Find a church fellowship that your family can be a part of. You will have instant family and friends. There is Sonrise Christian Center and Neighborhood Church of Chico among others.
Di na cguro ako uuwi..America gave me a good life,ngayun na May sakit na ako, may gobyernong tumutulong..mga Doctor,gamot..alaga ka dito..nasa sayo din namn kung nalulungkot k..so..I’ll stay here..America is my comfort zone..
It may be difficult for some Filipinos to live and enjoy life here in the U.S. because they do not fully embrace the American way of life. It could be they left their hearts in the Philippines. I’ve been living here in the U.S. for more than two decades now and I have no desire to move back to the Philippines. I have fully embraced the way of life here. I do not limit myself in meeting and making friends only with Filipinos. America is a melting pot of different cultures. There are so many things to do and experience here in the U.S. If you’re the type of Filipino who can’t adapt to the American culture, this country is not for you then. Youd be better off moving back to the Philippines.
And also, I am able to earn 50 times more here in the U.S. than I can earn in the Philippines. Having said that, it also has upgraded the quality of life, that is, own a home, car, enjoy travels, nice dinner, etc. I don’t think I’ll be able to afford all these things if I’d be working/doing the same job in the Philippines.
Halos karamihan kung hindi man lahat na nakakausap kong pinoy dito at sa Canada ay gusto, nagbabalak o sumagi na sa isip ang option na umuwi sa pinas for retirement o pag nakaipon na. Ewan ko lang po kung may natuloy na at naging successful sa pagbalik nila. Yung kapatid ng lola ko ilang dekada dito sa US, naging asawa Amerikano din pero patay na, nasa Pinas na sya ngayon at nagaalaga ay mga pinsan ko kasi ulyanin na din, almost 100 years old na.
Di ninyo obligasyon magbigay ng pera sa mga kamag-anak dito sa Pinas. Kung manghingi man di huwag ninyong bigyan wag magreply para di kana estorbuhin ulit. Ganon talaga ang tao tinesting ka kung hanggang saan ka magbibigay.
Malungkot pero mabili natin mga trip natin kaya ok lang masarap sa pinas kaso kapag wala masyado diskarte doon tingin tingin na lang sa kapwa sa america dami racist minsan kahit kababayan mo mayabang pa din mag Asta pero ok lang mabibili mo naman din ano man meron sila kaya ok pa din sa america 🇺🇸 kapag andito ka na padalawdalaw na lang sa pinas pero kailangan tulungan yun mga naiwan pinsan doon dahil nakaka awa tsaka mga pamangkin bastat kaya tulungan masarap sa atin kasi andon yun mabilisan mong makita pagkain gusto mo pero kailangan pambile hehe dito naman kayod lang tiis lang makakabili ng pangangailangan.
Tumpak. Malungkot din sa Pinas kung walang pera. Marami ka ring kaibigan sa Pinas kung mapera ka. Lol. Kapag hindi mo pinautang, kaaway mo na sila, galit-galit na. Lol.
Tama ka po dyan idol. Masagana talaga ang buhay sa Amerika basta may trabaho, masipag, at tamang diskarte. Mabibili, makakain, at maafford ang needs, wants at sometimes luho pa. Unlike sa pinas taghirap po talaga kahit anong kayod lalo na pag ordinaryong tao lang tayo. Pero siguro katulad tayo ng mga jewish people, scattered sila around the world pero nung nagkaroon sila ng opportunity na makabalik sa Israel bumalik ang karamihan sa kanila. I really don't know.
@@PinoyNomads modern famine ngayon ang pinas at ang ibang 3rd world country kaya tayo andito sa u.s ito ang modern Egypt kung saan nakaka kuha ng pagkain ang mga Israelite noong panahon na yon sa panahon naman natin US na ang pinaka Egypt kasi andito lahat ng pangangailangan .
Pwede nga ano idol? Good point po. Maaring modern Egypt nga ang US at hindi Promise Land ng mga pinoy. O baka ito ang wilderness natin at magtitiis pa tayo ng 40 yrs bago marating ang Lupang Pangako.✌️ Kuro kuro lang po, baka mabanatan tayo ng mga bible scholars dito.🤣
Mahirap mag retire sa Philippines kapag nag ka sakit mahal. I spent $1,400 sa hospital d pa ma reimburse sa U.S. kesyo wala daw diagnosis ang bill sa Philippines.
that’s why majority ng mga nag retire sa pinas umuuwi pa dito sa US for medical exams etc. kasi mas ok ang insurance dito. Lalo na pag inatake ka u can easily call 911 di gaya sa pinas
Sabihin nalang natin na malungkot ang buhay sa america.. pero mas malungkot ang buhay sa pilipinas kung ang sahod mo kulang pa panapat sa sarili mo, minimum wage earner ka na tapos benefits mo hinuhudas pa ng employer mo
Nakasanayan lang ninyo sa pinas ang makipag kwento sa mga kapitbahay at sa mga tao sa daan dahil karamihan sa pinas mga walang trabaho dito sa U.S. lahat ng tao halos nag tratrabaho kaya pag weekdays mga pahinga at gumigising ng tanghali yun lang ang panahon para gawin ang kani kanilang obligasyon para sa pamilya nila dahil dito sa U.S. wala tayong katulong sa pinas kahit bayaran mo lang ng kahit mag kano may makatulong ka na masasanay ka rin dito mas gusto ko ang buhay dito sa U.S. maraming benefit kang nakukuha sa gobyerno pati medical/medicare hindi tulad sa pinas napakamahal ng ma ospital. Marami kang makikitang mga pilipino sa Daly City, SF, SD, Union City, LA.
ano ba yan walang ka tao2x dito satin pag umaga ang ingay na ng mga bata at mga marites hahaha nakaka binging katahimikan naman dyan kuya . Kaya pala masakitin mga tao dyan kasi sa depression, pag depressed kasi mas nakaka atract ng sakit yan
Hindi na po nakakapagtaka na ang mga tao ay mas nagiging maibigin sa salapi..makasanlibutan... nakasulat na po sa bibliya Kaya patunay lang yan na natutupad ang mga hula sa bibliya at patunay na nalalapit na tayo sa kapighatian na sabi sa bibliya ay hindi pa nangyari mula nang pasimula.
Depende naman..I know a lot of Filipinos who are overworked just to pay mortgage, rent, tax etc etc. USA is not all gold and honey. Don't sugar coat the real state of life there.
Para iwas sakit kayo jan gaya ng cancer, try to eat organic foods and avoid processed foods foods. Ang meat jan sa US are feed with grains na gmo with lots of growth hormones kaya para normal lang magka cancer jan. Dito sa Pinas dami pa organic beef or kanding o free range chicken. Yan ang kaibahan ng pagkain ng third world vs. developed countries like US. Parang takot yata kayo dito sa Pinas magkasakit kasi akala niyo mahal talaga magpa ospital. Ok naman dito ang health care system ng Pinas basta normal lang ang sakit pero takot kayo diyan sa US nakatira kasi dali lang kayo magka cancer kasi nga sa klase ng pagkain ninyo.
Di ko po talaga maintindihan ang buhay...... Buong buhay ko po kc, naiinggit ako sa mga nasa ibang bansa, lalu na ung mga nasa US, Canada, Australia, Europe, New Zealand, Japan, South Korea, Singapore, Kc pakiramdam ko at tingin ko, CLA UNG MAY PINAKA MATAAS, PINAKA KOMPORTABLE AT PINAKA MAGANDANG ANTAS AT MASAGANANG PAMUMUHAY SA LAHAT..........at para sa akin, mas mayaman at mas maswerte pa cla kesa sa mga milyonaryo, bilyonaryo, mga elite at business tycoons na sa pilipinas lamang nagstay at yumaman...... Parang pakiramdam ko, MAS GUSTO KO PA PO MAGING TULAD NINYO KESA ANG MAGING TUNAY NA SELF MADE NA MAYAMAN SA PILIPINAS, kahit may mga nagpapa alala na sa akin na hindi lahat ng nasa abroad ay mayaman, hindi lahat ay masagana at hindi rin lahat ay masaya, Ano po ba ang totoo Sir?
Be grateful in Canada and in USA if you like masaya DADALHIN kita sa Bangkusay Tondo Manila Philippines 🇵🇭 let us stay in Tondo in 1 year u try ok God bless
Wow ang tagal nyo na po pala dyan sa Saudi Sir Ferdinand. Mabuhay po kayo! Sobrang nakakabilib ang sakripisyo nyo para sa inyong pamilya. Hold on lang po tayo makakaraos din sa banda banda riyan.
Same sa kwento father ko malungkot daw dyan sa Amerika wala sya gaano makasama mother kolang pero ng namatay mother ko ayaw nya na kaya mas gusto nya dito sa pinas kaya lng need nyapadin bumalik para sa mga kapatid
Basta first world country ganiyan talaga, busy mga tao sa trabaho at pag weekend, usually pahinga. Time is gold. Masaya sa Pinas kapag may pera ka, kapag wala, malungkot din. Maraming Pinoy sa Pinas, 2-3 jobs meron sila pero kulang pa rin sahod nila, hindi sila masaya. Maraming tao dahil maraming tambay at Maritess, nagtatawanan pero deep inside malungkot sila dahil walang pambili ng sapat na pagkain, basic needs at pambayad ng kuryente. Tumambay din ako sa Pinas, masaya kapag may inuman at kuwentuhan pero temporary lang at wala ring katuturan dahil walang patutunguhan. Marami na akong kakilalang nag-retire sa Pinas pero bumalik din sa US dahil naging takbuhan sila ng mga mangungutang na kamag-anak, kapag may laging may emergency kuno at mga kaibigan na kapag hindi pinautang, galit pa sa kanila.Naubos din pasensiya nila sa inefficiencies at corruption at all levels ng gobyerno sa Pinas, brownouts at over 20 typhoons a year, at sobrang init naman kapag summer. Mga anak nila at apo ay nasa US, mga kasambahay lang kasama nila sa Pinas kaya bumalik sila sa US. Magre-retire sana kami sa Pinas pero na-realize ko mas OK lang magbakasiyon doon at hindi mag-retire doon sa Pinas kasi halos lahat ng relatives namin ay nasa US na. Living in US has more positives than negatives while in Pinas, it is the other way around. Just my opinion. Pero kung MOST of your relatives are in Pinas and won't be relying on you like an ATM, then it is OK to retire sa Pinas. Depende sa kaniya-kaniyang sitwasiyon.
Correct! At ang healthcare doon is really expensive. You can’t use your Medicare there.
@@JoyofRVing Good point. As we get older, huge consideration ang Healthcare. Sa US, paramedics(sa ambulance pa lang) and doctors(ER) will try everything to save your life in an emergency regardless of your status or capacity to pay. Sa Pinas, deposito muna ng kuwarta bago asikaso kahit naghihingalo ka na. 🤨
Your right! Iyon iba kasi naiingit sa kalagayan ng atin bayan sa pinas na happy daw, but deep inside namomoblema sa pan araw araw, pakisama at healthcare. Ang laki ng pagkakaiba! At least dito sa ibang bansa no stress, maritess at inggit dito, inggit doon. Di mo kailangan ng maraming friends or kamaganakan kung sakit lg. Oo, malungkot pero may peace of mind ka and sanayan lg.
@@nenitawillkom1913 Korekek! Never ako nagkaroon ng peace of mind sa Pinas dahil maingay, magulo at kulang ako lagi sa Pera. Hindi ko makain at mabili gusto ko. Sa US ko lang na-achieve lahat, paid off cars, paid off house at walang utang. Meron ding emergency funds and retirement/investment accounts for life. Kung nag-stay ako sa Pinas, baka matagal na akong patay dahil puro tambay, barkada at inom/yosi lang ang ginawa ko noon sa Pinas. Buti na lang nakaalis ako sa Pinas at nahinto lahat ng bisyo dahil nag-focus ako sa trabaho at sariling pamilya. Sarap buhay sa US kapag bayad na bahay/kotse at walang utang. Patravel-travel na lang sa Pinas at ibang bansa.
Spot on. Real Talk.
dipende naman yan sa tao mga sir.. pag introverted ka.. heaven ang america sayo.. gusto mo walang ingay masiado..walang martites.. etc. so tingin ko ang life style sa US.. magiging masaya ka dipende sa pag katao mo
Maganda ung comment ko kasi feeling ko palaging unrepresented ang mga introverts palaging narrative masaya pag maingay eh pano kung naiirita ka nga sa ingay tapos sanay ka na sa tahimik kasi miski naman sa Pinas pagka sa exclusive subdivision ka lumaki tahimik din.
Sa tingin mo walang maritess Ang America? Mas matindi kaya.😊
Unang lapag ko dito halos 20yrs ago ay excited after 3 mos ay “Ibalik nyo ako sa Pilipinas!”. Nung nagkatrabaho ako ay medyo nalibang na ako at nagustuhan ko na dito nung nakabili na kami ng bahay ay lalo akong ginanahan. Ngayong halos dalawang dekada na ako dito ay gusto ko na ulit umuwi lalo na at hindi na maganda ang estado ng ekonomiya dito at nawawala na din ang paniniwala sa Diyos ng karamihan ng mga kabataan dito. May kaibigan ako na umuwi sa pinas mga 5 yrs ago ayun click lahat ng tinayo niyang negosyo kaya pumirmi na sila doon. Naguguluhan din ako sa ngayon pero since may kapatid pa ako sa pinas na maayos naman ang buhay ay gusto ko na din umuwi at magsimula ulit sa bayan na pinanggalingan ko.
Wow, salamat po for sharing your experiences po. Appreciate your positive input sa topic na ito.
@@PinoyPewAtbp hinde ka nakapag asawa ? yes sarap na masaya mamuhay sa ating bayan sinilangan meron ka nang Pension sariling bahay tara uwi na tayo at magmeet to enjoy life with a peaceful mind having a lifetime partner👍🤣🤣🤣❤️❤️ may channel ka pala at videos mo panuorin ko nga !
Ewan ko lang pero nung migrate ako ng America, and dami ko agad nakilalang mga kaibigan at iba ibang lahi sa Nursing Home na pinag trabahuan ko. Nag ka gf din ako ng blondie at itim. Every week may party (food n karaoke with some White and Asian friends. Nag join ako ng military marami na naman akong naging friends. Nung nag asawa lang ako nalayo sa mga kaibigan ko. Pero masaya parin at may mga anak na ako. Sila ang mga best friends ko.
I agree. I used to have many friends and acquaintances pero ngayon konti na lang pero quality and lifetime friends dahil mas focused ako sa pamilya ko which is the way it should be. Lahat ng good time at inuman/party pinagdaanan ko na, wala ring saysay at waste of money, pero magandang experience to reminisce. 😊
Maraming salamat po for sharing your life experiences. Pinakamahirap pag wala kang pamilya at kaibigan dito talaga. Kaya andaming depressed na mga puti kasi wala silang masyadong support system unlike sa atin mas stronger ang family ties dahil sa kultura natin. Always tinatanong pag may naadmit kaming pasyente ay yung Suicide Severity Scale para malaman kung suicidal ang pasyente, kasi mataas ang cases ng suicide dito
Napansin ko din na halos lahat ng mga middle aged patients namin babae o lalaki ay may maintenance na antianxiety, antidepressants at sleeping pills na prescription. Hindi ko ito madalas makita na binibigay sa mga pasyente sa pinas maliban nalang sa psyche unit.
So mapapaisip ka talaga.
Ito ang pag susuri ko. Pag ang Pinoy ay laki sa Pinas at tumira sa ibang bansa, mas matibay sila kesa sa mga naturally born sa bansa tulad ng America. Mas ma tyaga at mahusay dumiskarte. Matibay din sa pag laban sa stress ng buhay at lungkot.
@@anastaciolopez6259 Tama ka diyan bro. Mas resilient ang pinoy dahil nasubok ang tatag natin sa Pinas kaya karamihan ng Pinoy successful sa US at bihirang-bihira ang homeless na Pinoy. Kung meron mang homeless na Pinoy, usually may bisyo o born dito sa US.
@@PinoyNomads Totoo, kasi sa Pinas kulang sa psychiatrist at mahal ang meds so people with mental problems end up in mental hospitals or on the streets when they could have been taken care of before getting worse. Nothing wrong with seeking help and taking antidepressants kung kailangan nila. Pero ngayon medyo iba na sa Pinas, naaalis na ang stigma patungkol sa mental health issues and more are seeking help and taking meds bago pa lumala ang kondisyon nila. Pero bilib pa rin ako sa Pinoy as immigrants, dahil mas matatag, matibay at madiskarte. I do not worry about things I cannot control. When I was working, I just focused on improving my life and my family's life kaya siguro hindi ko na-feel ang stress and loneliness. I also enjoyed company of co-workers and friends outside of work once in a while. I spent more time with family which is more important anyway. I worked doubly hard, saved and invested for 20 years kaya nakapag-retire ako ng maaga ng debt-free. I worked hard for my freedom from ball and chain of work. Mas lalo ng stress-free ngayon, chill na lang kami ni misis at pasyal-pasyal. We focus more on our health as we are in our early 50s now. Boredom or loneliness is just a state of mind so I do not focus or dwell on it. My wife and I have many hobbies, we go to different places, meet people/friends, shop, eat out and I also learned to cook lately so I am enjoying retired life in US worry-free. If you continue to be sad or lonely all the time, seek help, nothing wrong with that. It is OK not to be OK.
Well malungkot kc puro goal ang pinagbchan at mas malungkot kung lagi2 kayo lang kelangan din natin mg mingle sa kapwa natin para may challenge tayo sa buhay natin , when I first step down in Europe 🇪🇺 alam ko agad2 ang buhay d2 pero d ako nkfocus of being homesick kc God make a way for us na mkrating d2 yong iba nga wala pa rin at yong iba naman nabaon na sa utang para lang mkpg abroad 😢 Let's be realistic sa buhay at sa kung ano man ang gusto mong mrrting d yong gus2 ng iba para sau , Hardwork, good health and contentment in life 👌👍🙏 til now d2 me and married to a kind and generous Belgian man ,Thank you Lord ❤🙏
Wow thank you Willa for sharing. Tama ka we're so blessed nagkaroon tayo ng opportunity na magkaroon ng buhay na pangarap lang ng iba. Naniniwala na ako nasa afam ang poreber, Belgian pa✌️. God bless po kabayan!
nandiyan na nga lahat sa inyo malungkot ka padin..masagana na ang buhay nyo dyan..alam mu pre dapat magpasalamat ka sa taas kasi binigyan ka ng magandang kapalaran..dahil sa dami ng gusto pumunta dyan sa ibang bansa isa ka sa pinagpala..dapat minsan makuntento tayo sa ibinigay sa atin ng dios..kami nga dito salat sa buhay..pero masaya..tapos ikaw may kulang pa sayo
typical trait ng pinoy. shame! lakas mang gaslight no?
@@iamthanatos1986 Tama naman Sinabi nya eh…..count your blessings before you complain, isip in mo na maraming Filipino na willing ipagpalit ang “ malungkot ” mong buhay sa miserable life nila. With Due respect po….ganyan din ako dati……but being disabled now and not working with all the blessing s me and my husband (no family here and no real friends to consider) receiving everyday comparing to other people, We are no position to be miserable and ungrateful. --“The happiness of your life depends upon the quality of your thoughts: therefore, guard accordingly, and take care that you entertain no notions unsuitable to virtue and reasonable nature.-by MARCUS AURILIUS……….and of course by our ALMIGHTY GOD!
THEYRE goes hand in hand.
Easy to say actually unless you’ve experienced living in the USA, living in the Philippines is still much better. That’s why it’s very important to be financially stable by the time you get back.
That depends on your mind set. Kahit saan masaya basta may work ka. Andito rin ako sa States with my family at enjoy din kami dahil equal opportunity dito basta masipag ka. Ang Christmas namin Filipino way ang celebration namin. May mga parol pa ako nakasabit galing Phils. Picnic with our Filipino friends tuwing summer. Kahit yong mga anak ko masaya with their friends kahit sa mga classmates nila hanggang maka graduate sila ng college. Pilipino ang usapan namin sa loob ng bahay. Just be positive kahit saan kang panig ng mundo. Make sure lang na alamin muna kung safe neighborhood ang titirhan.
Wow, very nice comment po. Thank you for sharing your positive experience as Filipino immigrant here in the US.
I’m 81 years old started here in So. California, Kailan mo bro di ka tatagal dito pag iniisip mo ay buhay easy easy. This is the place to stay but never depend from others and be positive, work hard. Stop thinking of easy life and barkada system.
Pag US citizen na kayo pwede na kayo mag experimento kung sa pinas o usa kayo mag retire. Pabakasyon bakasyon muna bago ang huling desisyon.
Nakakawala kasi ng sakit ang communication sa mga tao dapat masigla ang tao sa kanyang ginagawa , useful pa rin kahit sa pinas marami kang makakakwentuhan tawanan pa.. maparaan ang pinoy kahit mahirap dito sa social experiment po kasi yan kailangan natin pampalakas ng puso mo ❤
Kahit saan ka pang sulok ng mundo, nandyan lagi si God. Happiness is a state of mind and most importantly your attitude of gratitude. May chance din kayong bumalik ng Pilipinas bakit nandito pa rin kayo sa America?
Correct!
Tama po kayo. Maraming salamat sa insights po ninyo.
Masasanay ka rin dyan. Kaysa yong iba pumunta mag trabaho na may amo. You will be fine and your wife. Count your blessings.🌷
2 years nko dito pro ang utak ko nasa pinas p rin di kc ako sinuswerte dito pro kinakaya ko n lng mabuhay pr s sarili ko at suporthan ang pamilya ko s pinas. S pinas p rin ako magretiro
Each to their own I think. I’ve been living here in Ireland for 5 years now and mind you mas boring dito kesa sa ibang lugar. As in. But everytime I would go back to the Philippines. Parang ang tagal na sakin ng 1 month na bakasyon. Here in the west, I’m more free and more independent. I think it’s a generation thing. Mga seniors ko din are aiming to retire in the Philippines. Pero sa mga friends ko na ka henerasyon ko, they don’t think they would retire in the Philippines. Happiness is a state of mind ika nga. and Pacorrupt ng pacorrupt sa Pilipinas. 😅
Tama po kayo, to each his own talaga. Nakakalungkot makita ang kahirapan sa pinas at pag nasanay ka sa masagana at komportableng buhay sa Western countries ang hirap magadjust sa Pilipinas. Pero sabi mo nga baka sa generation malamang kasi bata pa tayo🤣. Pero baka pag retired at malapit ng matigok hahanapin na natin ang Pilipinas para doon tumanda at doon na bawian ng buhay. Nagtrabaho kami ni misis sa long term care facility sa Canada, nakakaawa mga matatanda na namamatay doon, lungkot ng buhay nila.
Same Boat here!
Malungkot pag Wala kang friends and you don't go out and have fun. Lol.
@@josephineratliff8067 me, i have friends but im a super introvert
@@evilgel666 I've been living here in US for 19 years now. I have to admit it was boring and lonely too when I arrived and why? Because I have no job yet and no car. But once I got a job and a car, my life changed. I can do anything I want. Been working in the same company for almost 18 years, met some Filipino friends and we get together every occasion , birthdays, thanksgiving, July 4th, Christmas and eat Filipino foods( potluck). We go out shopping, and go to festivals, and road trips and vacations. You have to get out of your shell and enjoy life.
Idol kung kalungkutan at masasabi kong sobra sobra sa ika limang taon ko sa south carolina bahay trabaho food court lang ako at wala ako naging kasamahang pinoy na makakatropa sa trabaho man lang wala kasi gaano pinoy dito kaya tiis talaga naging bisyo ko mangolekta ng sapatos kakapanuod ng vlog ng mga pinoy sneakerhead tsaka action figure GIJOE up to now nag cocollect ako para makulay sa kwarto gawa ng sobrang lungkot nga kasi . Pero kung nasa pinas ako di ko mabibili mga toh kahit madaming tao sa paligid . Kaya naman nagtitiis na dito isa pa madami pa din gusto makarating dito kaya sinasamantala na natin dahil andito na tayo.
Tama at puwede namang makipagkaibigan sa ibang lahi basta good friends at hindi sila puro bisyo.
True po ang sinabi mo. Dahil sa opportunity dito sa U.S. maging thankful and grateful everyday habang may trabaho. Pwede po magbakasyon sa mga friends or relatives in other States o kaya sa Pinas. Thanks for sharing po. God bless❤
@@batangpxtoitz8252 may kababayan jan sa South Carolina nakipagasawa ng puti pero wala silang anak anjan pa sya namimuhay silang mag partner na masaya
Masagana po in English? Maganda Malaki Ang bahay magarang kotse, madalas nasa work nag OT Minsan 2 pa trabaho para sa mga bills, uuwi ng bahay matutulog pasok ulit the next day. During day nasa magandang bahay mag lilinis mag groceries mag lalaba mag luluto ng food para meron baon sa work. Hindi din na enjoy Ang mala mansion na bahay at magarang kotse, naubos na Ang Oras sa trabaho at gawaing bahay😒
Wow, agree po 100% ako sa observation nyo Sir Willie. Realidad talaga ng buhay dito sa US yan. We're blessed were in the US, ayun nga lang may kapalit din po talaga ang manirahan dito. We'll be tangled up sa neverending bills. Maraming salamat po for sharing your thoughts.
Tama sya talagang malungkot sa amerika lalo pag tumanda ka na sa carehome bagsak mo. Nakakalungkot kung mamamatay ka sa ibang bansa.
ano naman ang malungkot doon.. kung may nag babantay naman sayo at nag aalaga.. mas ok na un kesa mamatay at tumanda sa pinas na punong puno ng chismosa.. at mga taong wala namang paki alam sayo pag namatay ka.. mas masaya mamatay ng tahimik.. kesa mamatay ng napapaligiran ka ng madaming tao na wala naman paki alam sayo
Pero maaalagaan ka pa rin nila hanggang sa huli,
Kesa sa pilipinas, kapag namatay doon........pagpapasa-pasahan ka at ultimo lugar na kinalilibingan ng yumao ay pwede alisin pag natapos na ang kontrata nya
Bawat individual ay may kaniyang opinion base sa experience. Ang buhay ay may trade off. Hindi lahat pabor sa iyo. Assimilation Para Hindi ka malungkot. Blessed ako dahil nakarating ako dito.
Malungkot talaga sa america isang bwan lng ako naiyak sa lungkot tapos malamug pa wala ka man lng mkitang taong ngllkad kung hindi lng korap mga politiko masaya sa pinas msayahin mga tao sobrang saya cguro kyng myman bansa natin
Dito sa Amerika malungkot pero masagana. Naghahanap nlng ako ng mga pede kong pagka abalahan. Basketball, golf, fishing. Wala ditong tambay at tagay. 😂 kahit papaano mawawala ang lungkot
malungkot talaga home work... minsan ma magyyaya meet friends... aaan po kyo dto sa California ...nasa Stockton California kmi...❤❤❤
Mas masaya dito sa pilipinas. May makakausap ka pag may problema. May panahon magsimba at mamasyal. Sa US ang lalaki ng kalsada at sidewalks na walang kataotao. Mas maraming nakakausap dito. Okay nmn ang kabuhayan namin at nakakapasyal pag weekends at pag may occasion kakain sa hotel. May time to relax with my chikdren & grandchildren. Close kami at may family messenger so laging updated sa pangyayari sa buhay.
halos ganyan din buhay sa Australia, at Singapore (although madaming pinoy sa SG at madali makauwi ng pinas). Yan tlaga kakaiba sa pinas, daming activities at tambay. di ka mauubusan ng kausap at gimik sa labas, experience ko 6 yrs sa SG at 8 yrs sa Aussie
Maraming salamat po for sharing your experiences in SG and Aussie. Innate yata sa isang tao na hanapin kung anong kinalakihan nya at kinasanayang lugar. May kasama ako ngayong Thai na CNA namin, asawa nya puti. American citizen na din sya. Pero uuwi na sila ng Thailand March next year kasi iba daw ang buhay sa kanila kesa dito.
Yung itim din na kasama ko uuwi din daw sya sa Africa pag retire nya. So, ewan ko, kung practical/ logical reasons bakit ka nga ba uuwi ng pinas e ang ganda ng buhay dito? Hehe
@@PinoyNomads depende sa kalagayan sa pinas pero mas masaya pa rin, cguro lalo kung matanda na. sa pinas kasi pwede ka nlang mag travel2 kung may budget, may mga apo at relatives, palagi may kausap, dito baka mapunta ka sa aged care hehe
Ok lang din naman po pumunta ng amerika kung may chance o oportunidad..kung gusto talagang hindi tuluyang maranasan habang buhay ang kalungkutan..mag plano na mag ipon lang ng sapat at kung nayron na pambili bahay ,pangnegosyo at mayenough na pera sa banko..then uwi na ng pinas. Kaysa gugolin ng husto ang buongpanahon mo sa malungkot na lugar. Mahirap din kc dito sa pinas lalo.kung wala ka manlamang sariling bahay at income na tulpy tuloy...
Tama po kayo Mam Lyzel. Magandang plano nga na magtrabaho, ipon, invest habang maynopportunity sa abroad para pag may enough na pwede ng pauwi uwi nalang sa pinas. Salamat po ng marami sa insights nyo.
Kahit sa canada malungkot din. Kailangan ng mga kaibigan para magkaroon ng social life.
Tama po kayo dyan. Depressing ang almost 6 mos na taglamig sa Canada. Pero other than the cold the best country to live ang Canada talaga wala akong masabi. Salamat po sa comment nyo.
Ako sa bukid po ako sa America walang mga Tao ang layo ng kapitbahay. Nasanay ko na wala akong kausap. Puro mga punuan ng kahoy. Mga hayop pero peaceful naman fresh air.
I want to work there, and soon sana matupad na pangarap ko. Plan of saving for the future and babalik sa pinas for good once nakapagpundar na nang basic needs at negosyo. Sana if its God's will, I can make it there by next year
Hi po, para rin palang sa Europe like dito sa Finland malungkot din kahit ito ang happiest country in the world malungkot at puro trabaho at malamig sobra ☹️
Kung feeling homesick ka sa America just go back to the Philippines… daming gustong tao makapunta dto so disappointed them because you just feeling lonely here just go back to the Philippines… 😅
❤️Nakaka-bilib lang ang mga ayos ng kalsada at sidewalk jan. Pero pag nasanay ka na, parang ordinaryo na lang.
Lambengan po tayo lahat mga kapatid 😊. Thanks po ❤
It's good to be true 👍. A person love her fellow men, love God. Teaching of our Lord Jesus
Thanks be to God
Thank you very much brother. Blessings!
Always remember……..” GRASS is GREENER ON THE OTHER SIDE”…
The grass is greener on the other side” is a well-known proverb.is a phrase that means we perceive what others have as better than what we have.
😢 🙏😇 I had been to Australia. I know the feeling of living abroad. Relate to your story. God bless 🙏
Nagustuhan ko lang nman dito sa America 🇺🇸 dahil walang age discrimination sa trababo at walang sandamakmak na requirements kapag mag aaply ka ng trabaho not like sa pilipinas tsaka kahit mga fast food or grocery workers dito nakaka afford ng kotse sa pilipinas kapag ganun lang trabaho mo hindi mo ma afford ang kotse tsaka Maganda lang mag stay sa pilipinas kung vacation or kung mag stay ka na ng permanent dapat may pension at may business ka para may pera kapa din tsaka kung ayaw mong may mga lapit ng lapit at utang ng utang sayo bumili ka ng property na malayo sa kanila at iwasan na yang mga inuman na yan at kung gusto mong mag enjoy mag solo kana lang wag kanang mag sama ng kahit na sino.
So you live in Cal. That state is far from 4 season … I think you guys are pretty much in the Philippines except it a bit better as far as comfort and living condition… everything that sold in PI is there.. I live in the Midwest temp going down to -20-30 degrees that’s cold . Winter here is big snow and beautiful weather… Your dilemma of being malungkot is very sad. I have been here 50yrs +++. I was never sad. Plenty of things to do. CORRECTION I NEVER PLAN TO RETURN TO PHILIPPINES I HATE IT. I DONT ENJOY MARITES.. I HAVE A 4500 SQ. FOOTAGE HOUSE. BUT NEVER DID I GO ON DEPRESSION WINTER IS A LOT OF FUN GO SKI SPEND MORE TIME OUTSIDE… SUMMER TIME GO FISHING BOATING SPEND TIME TO GO TO CONCERT AND SHOWS… PLEASE DO NOT GENERALIZE YOUR BEING MALUNGKOT. YOU GUYS CHOOSE YOUR LIFE STATUS. MAYBE YOU DONT WANT TO SHARE WITH OTHER MEANING SPENDING. MONEY AND HAVE FUN. NEVER DID I MISS PHILIPPINES IT SO BORING . … YOU GUYS ARE PROBABLY NOT SOCIALIZING WITH OTHER . I ONLY HAVE FEW SELECTED FILIPINO FRENDS… I HAVE ABIG HOUSE BUT I OFTEN HAVE PARTY INVITING OTHERS . AND HAVE FUN. MEANING I SPEND MONEY TO ENTERTAIN WHICH I LOVE VERY MUCH…… IM FEEL SO BAD SA SITUATION NINYO FEELING SAD BEING HERE.. PLEASE STOP MAKING STATEMENTS FOR EVERYONE. LIKE INSULTING OTHERS ABOUT SPIRITUALITY. I DONATE SA CHURCH AND CARE FOR OTHERS WHY BECAUSE I HAVE MORE THAN ENOUGH FOR ME SO STOP SAYING MALAYO SA DIOS. YOU DONT KNOW EVERYONE . I CONSIDER MY SELF WELL OFF OWN MY HOUSE 5000 SQ FOOTAGE . I OWN MULTIPLE SPORTS CARS I CAN AFFORD TO GO GAMBLING AS I PLEASED AND I ENJOY LIFE I SUPPORT FAMILIES WHO ARE IN NEED IM BUSY SHOPINNG AND ENJOY SHOPPING FOR THEM ONA CHRISTMAS TIME I SUPPORT OUR CHURCH DONATE TO THE POOR. I GIVE GIVE GIVE AND I AM VERY BLESS I LIVE A VERY GOOD LIFE …I OWN MY HOUSE IHAVE ONLY ONE CHILD SINGLE HE OWN HIS HI RISE DOWNTOWN CHICAGO HE DRIVES HIS OWN CARS GOOD JOB IN ONE OF THE FORTUNE 500 COMPANY IN AMERICA RANKING #63… went to a private university does not owe any student loan living his life …. How can anyone be sad in America… it’s actually the way one live their daily lives.. wWe dine out 90% of the time.. or we order or pick up food if we decide to eat at home. So I love our life in the USA… will never retire in the Philippines. My son went to Philippines to attend a wedding stayed at the Pininsula for few days just a side trip while in Japan touring Asia. .. Good life right we thank Our Lord for great blessing four family…. We love our Country the great old USA…. Philippines is backward poor health preservation and management they only serve the those who have, if you are poor you dead for sure..very sad… in America you get top quality treat with money or not that’s taking care of humanity. Talk about being with God. In PI money first before they treat you. That’s exactly who you are trying to discribe as they adore money… that is Philippines for you…
Totally agree it’s malungkot only work work work if you need money to send to , you can buy all you want but that’s only temporary happiness
malungkot tlga 6 mos p lang namin dito parang gusto na namin bumalik ng hongkong hehehe🥲
A talaga po? Masasanay din kayo mam/sir, tayo pala. Hehehe
Subukan nyong maging involve sa mga activities sa simbahan upang magkaroon kayo ng mga bagong kakilala at kaibigan. Dyan sa Chino hindi ganon karami ang mga pinoy, hindi gaya sa SF, LA at SD kaya medyo mahirap talaga mka hanap ng mga kababayang maka-kaibigan. Malungkot sa simula, nakaka homesick talaga, pero pagtagal-tagal masasanay at magiging maayos din ang lahat para sa inyo. Ingat lagi and stay positive.
Maraming salamat po sa mga payo ninyo. Appreciate it a lot. Hindi nga po masyadong maraming pinoy dito sa Chico o baka hindi pa namin sila nakikilala.
Totally agree. We have almost 3 million pilipino here and only few is going back sa Pinas. My wife is an RN, and everyone knows that is a stressful job, pero masaya sila sa work and the money also. Galing siya sa Saudi at she really appreciates being in the US. This system is good for right minded people.
BRO. AKALA KO MASAYA DIYAN, PERO SA PAGLALARAWAN MO NAPAKA LUNGKOT PALA.
MAPALAD PA PALA DITO SA PINAS, MASAYA KAHIT MAHIRAP ANG BUHAY.
Mahirap na masarap po brother ang buhay dito. Katulad din sa pinas o saan mang lugar may maganda at pangit din. Wala po talagang perpektong lugar. Sabi nga ng ibang comments po dito, loneliness/happiness is a state of mind. Pero malaking factor po kasi ang environment, like culture at support system sa overall well being ng isang tao.
Ang totoo po ang video na shinare ko ay observation ko lang din po yan base sa mga nakikita ko sa buhay ng mga tao dito, personal ko po ito at iba din ang experience ng iba at maari ding mali ako.
Nababasa ko din at napapanuod sa pagaaral ng mga paychologists na may loneliness epidemic talaga sa mga Western countries like: Sweden, Poland, US, UK, Canada, etc, lalo na nung pandemic.
Nakakatuwa Philippines is one of the happiest countries and one of the lowest suicide rates in the world.
This was almost a yr ago and you probably just got to california that time. Maganda yung area where you are at meron kayong magandang trabaho. Pero maraming areas in california alone na kaawa-awa ang pamumuhay ng ilang mga tao, pangit ang surroundings dahil sa kahirapan. Marami nga homeless na nkatira lang sa tabing daan, sa ilalim ng tulay, bakanteng lupa na parang dump site. Sinasabi k ang mga ito dahil nakikita k sa ibang comments na akala nila paraiso ang US para sa lahat ng tao dyan.
Para sakin bilang senior citizen Hindi na advisable mag retire sa Pilipinas gawa ng health care na Wala unlike dito Meron mga Medicare o health insurance libre lahat tungkol sa hospital , doctor and medicines bills sa Pilipinas super mahal at madugo ang gastusin Kapag nag ka Sakit
Malungkot at mahal ang buhay sa America. Naalala ko nung buhay pa tatay ko… kailangan ng pustiso… nung panahon na yon ay $1000 lang coverage ng insurance namin per year… dito maxed out na insurance namin tapos may co pay pa na $3000. Sa pinas $500 lahat pang artista pa ang resulta at komportable daw sa bibig.
Tama po kayo sobrang mahal ang health care dito kaya madami nagpapagawa ng ngipin at salamin sa Mexico. Nung nasa Texas kami madaming tumatawid sa El Paso- Ciudad Juarez para doon magpacheck up kasi mura. Pag mahina ang insurance dito pag nagkasakit bangkarote ang aabutin po talaga.
@@PinoyNomads actually pre, yung $1000 per year for dental ay pinaka magandang option nung panahon na yon. Dami dito akala mura healthcare… maganda kung sa maganda dahil quality naman talaga pero hindi mura. Aasa ka dito sa medicaid? Reresitahan ka lang ng pain meds hanggang sa maadik ka.
@@PinoyNomadsdito po sa Kuwait free operation free dental
Grabi sir natapos ko video mo ...pangarap ko sir makapunta jn
Lahat ng nag abroad naranasan yan. Yung iba may pamilyang kasama kaya nakapag adjust agad. Totoong madaming malungkot at depressed sa CA at US. Ang taas ng suicide rate.
❤❤❤pag nalulungkot hary uwi muna s san vicente palawan at ng marelax. Godbless and ingat kayo palagi.🙏😇❤️
Totoo d sila nag o open ng window kami lang naka bukas kasi Filipino tayo ayaw natin parang naka kulong. Unless summer talagang sinasara bintana dahil tataas electric bill.
Yes,, Ok dito sa US🇺🇸 Mabibili mo lahat ng Yummy na PAGKAIN,, at FRUITS🍉 🍇 kaya mong bilhin mga SHOES na Gusto mo, Shirts, Gadgets,, & other material things,, PERO SOBRANG LONELY😢lang ang Life dito,, Walang Pansinan mga Neighbors,, Kanya kanyang Biyahe,, Hindi ka papansinin ng mga Kapitbahay mo,, FOR ME, THE BEST PA RIN ANG FILIPINAS,,
Maraming salamat po sa insights nyo sir. Totoo po ang mga observations nyo. Ang kagandahan lang pag US o Canadian citizen ka you have now in a good position to choose. Pwedeng pinas o dito.
@@PinoyNomads your 🙏 welcome kuya, that’s right advantage talaga pag US citizen or Canadian citizen ka… kasi pwede ka pumili // filiipinas or US// Canada
Sad Kung mag isa ka Lang. But also if you’re busy working everyday, d mo na maiisip ma sad and also , of course, busy mga tao kaya mukhang ma lungkot. Sa pinas, ma saya , madaming tao but Kung Wala kang pera then it doesn’t make sense.
@@bluestar1740 say hi and hello lang kapitbahay mo dto 👍🤣🤣🤣
Try to learn how to fish and that will keep you busy and relax.
Magpayaman at manirahan sa ibang bansa.
Magbakasyon at magsaya sa Pinas.
Rinse and repeat.
Iyan ang magandang sagot 👍
Sana po lahat ng pinagtatanggap ng US Embassy at Immigration na Pilipino
at naging disable O inutil ay wag na wag idedeport sa Pilipinas, sila na ang may Obligasyon at Responsibilidad sa problema na yan! ASI sa Pilipinas.
Ganyan tlga kahit SA Japan trabaho Bahay nakaka stress pero isipin mo na Lang na para sa pamilya tiis tiis .
Find a church fellowship that your family can be a part of. You will have instant family and friends. There is Sonrise Christian Center and Neighborhood Church of Chico among others.
Thank you po madam sa advice nyo.
Di na cguro ako uuwi..America gave me a good life,ngayun na May sakit na ako, may gobyernong tumutulong..mga Doctor,gamot..alaga ka dito..nasa sayo din namn kung nalulungkot k..so..I’ll stay here..America is my comfort zone..
Malungkot kung hindi mo kasama ang buong angkan mo. Pero Masaya kung kasama mo lahat ng kamag-anak mo.
KUYA MALUNGKOT DIN ANG BUHAY DITO SA PINAS ANG MASAYA LANG DITO MGA PULITIKO
😂😂😂😂
It may be difficult for some Filipinos to live and enjoy life here in the U.S. because they do not fully embrace the American way of life. It could be they left their hearts in the Philippines. I’ve been living here in the U.S. for more than two decades now and I have no desire to move back to the Philippines. I have fully embraced the way of life here. I do not limit myself in meeting and making friends only with Filipinos. America is a melting pot of different cultures. There are so many things to do and experience here in the U.S. If you’re the type of Filipino who can’t adapt to the American culture, this country is not for you then. Youd be better off moving back to the Philippines.
And also, I am able to earn 50 times more here in the U.S. than I can earn in the Philippines. Having said that, it also has upgraded the quality of life, that is, own a home, car, enjoy travels, nice dinner, etc. I don’t think I’ll be able to afford all these things if I’d be working/doing the same job in the Philippines.
Sobrang totoo po ang sinabi nyo. lahat din ng kamag anak ko ang goal lng nila maka ipon at makauwi ng pinas..
Halos karamihan kung hindi man lahat na nakakausap kong pinoy dito at sa Canada ay gusto, nagbabalak o sumagi na sa isip ang option na umuwi sa pinas for retirement o pag nakaipon na. Ewan ko lang po kung may natuloy na at naging successful sa pagbalik nila.
Yung kapatid ng lola ko ilang dekada dito sa US, naging asawa Amerikano din pero patay na, nasa Pinas na sya ngayon at nagaalaga ay mga pinsan ko kasi ulyanin na din, almost 100 years old na.
Simple po uwi na lang....punta ka ng club sir para sumaya..paaliw ka sa mga pampam
Kaya every year akong nagbabakasyon sa Pinas kahit mahal Ang pamasahe.
Di ninyo obligasyon magbigay ng pera sa mga kamag-anak dito sa Pinas. Kung manghingi man di huwag ninyong bigyan wag magreply para di kana estorbuhin ulit. Ganon talaga ang tao tinesting ka kung hanggang saan ka magbibigay.
Malungkot pero mabili natin mga trip natin kaya ok lang masarap sa pinas kaso kapag wala masyado diskarte doon tingin tingin na lang sa kapwa sa america dami racist minsan kahit kababayan mo mayabang pa din mag Asta pero ok lang mabibili mo naman din ano man meron sila kaya ok pa din sa america 🇺🇸 kapag andito ka na padalawdalaw na lang sa pinas pero kailangan tulungan yun mga naiwan pinsan doon dahil nakaka awa tsaka mga pamangkin bastat kaya tulungan masarap sa atin kasi andon yun mabilisan mong makita pagkain gusto mo pero kailangan pambile hehe dito naman kayod lang tiis lang makakabili ng pangangailangan.
Tumpak. Malungkot din sa Pinas kung walang pera. Marami ka ring kaibigan sa Pinas kung mapera ka. Lol. Kapag hindi mo pinautang, kaaway mo na sila, galit-galit na. Lol.
Tama ka po dyan idol. Masagana talaga ang buhay sa Amerika basta may trabaho, masipag, at tamang diskarte. Mabibili, makakain, at maafford ang needs, wants at sometimes luho pa. Unlike sa pinas taghirap po talaga kahit anong kayod lalo na pag ordinaryong tao lang tayo.
Pero siguro katulad tayo ng mga jewish people, scattered sila around the world pero nung nagkaroon sila ng opportunity na makabalik sa Israel bumalik ang karamihan sa kanila. I really don't know.
@@PinoyNomads modern famine ngayon ang pinas at ang ibang 3rd world country kaya tayo andito sa u.s ito ang modern Egypt kung saan nakaka kuha ng pagkain ang mga Israelite noong panahon na yon sa panahon naman natin US na ang pinaka Egypt kasi andito lahat ng pangangailangan .
Pwede nga ano idol? Good point po. Maaring modern Egypt nga ang US at hindi Promise Land ng mga pinoy. O baka ito ang wilderness natin at magtitiis pa tayo ng 40 yrs bago marating ang Lupang Pangako.✌️ Kuro kuro lang po, baka mabanatan tayo ng mga bible scholars dito.🤣
Mahirap mag retire sa Philippines kapag nag ka sakit mahal. I spent $1,400 sa hospital d pa ma reimburse sa U.S. kesyo wala daw diagnosis ang bill sa Philippines.
that’s why majority ng mga nag retire sa pinas umuuwi pa dito sa US for medical exams etc. kasi mas ok ang insurance dito. Lalo na pag inatake ka u can easily call 911 di gaya sa pinas
@@adrian3747_ Tama ka diyan.
kung malakas loob mo at di sakitin puede ka sa Philippines
Boss saan ka po sa California ?
Ganyan tlaga Ang Buhay...mahirap mag isa......tiis tiis lang...ingat ka dyan kabayan from Ms Rivera malate mla
I think depends kung saang state ka nakatira. 50 states with diferrent identity, laws, and may sarili din culture.
Agree, malungkot….
Hi sir, wala na po kayong plans to go back to Canada? Mas okay po ba jan then in Canada po?
Very true lahat sinabi mo kuya kailangan strong Ang mind set dito sa Amerika.
Mahirap ba sa American? I'm just curious, Kasi ayaw nang Mr ko pumunta kami mag pamilya Dyan kaya hindi kuna tinuloy application ko kahit approved na😂
@@amorapatino4951sayang naman po, blessing na pinakawalan pa😢
Hello lodz watching from Holyland
Wag po keong malungkot,sana nanjn dn aq,ang ganda nmn,pblk po tnx
true👍👍👍
Kuya, tagal ng WALA ka upload, siguro adjusted na kayo sa buhay nyo ngayon 💖 anyways INGAT po kayo lagi dyan 🙏
Yup. True.
Sabihin nalang natin na malungkot ang buhay sa america.. pero mas malungkot ang buhay sa pilipinas kung ang sahod mo kulang pa panapat sa sarili mo, minimum wage earner ka na tapos benefits mo hinuhudas pa ng employer mo
Nakasanayan lang ninyo sa pinas ang makipag kwento sa mga kapitbahay at sa mga tao sa daan dahil karamihan sa pinas mga walang trabaho dito sa U.S. lahat ng tao halos nag tratrabaho kaya pag weekdays mga pahinga at gumigising ng tanghali yun lang ang panahon para gawin ang kani kanilang obligasyon para sa pamilya nila dahil dito sa U.S. wala tayong katulong sa pinas kahit bayaran mo lang ng kahit mag kano may makatulong ka na masasanay ka rin dito mas gusto ko ang buhay dito sa U.S. maraming benefit kang nakukuha sa gobyerno pati medical/medicare hindi tulad sa pinas napakamahal ng ma ospital. Marami kang makikitang mga pilipino sa Daly City, SF, SD, Union City, LA.
ano ba yan walang ka tao2x dito satin pag umaga ang ingay na ng mga bata at mga marites hahaha nakaka binging katahimikan naman dyan kuya . Kaya pala masakitin mga tao dyan kasi sa depression, pag depressed kasi mas nakaka atract ng sakit yan
Hindi na po nakakapagtaka na ang mga tao ay mas nagiging maibigin sa salapi..makasanlibutan... nakasulat na po sa bibliya
Kaya patunay lang yan na natutupad ang mga hula sa bibliya at patunay na nalalapit na tayo sa kapighatian na sabi sa bibliya ay hindi pa nangyari mula nang pasimula.
Dati humihingi ako ngayon dna pagalitanka muna bago mag bigay at may paborito nila kpatid
❤❤❤
Depende naman..I know a lot of Filipinos who are overworked just to pay mortgage, rent, tax etc etc. USA is not all gold and honey. Don't sugar coat the real state of life there.
God Bless po always
Thank you very much po. God bless!
HAHAHA PAANO NAGING MALUNGKOT DIKO NGA ALAM KUNG ANU UNAHIN KO,SUPER DAMI PWEDING GAWIN
Punta Ka sa seventh day Adventist church hinde Ka malulukot
Kung kilala mo anb tunay na KRIsto,hinde Ka makakaramdam nG kalungkutan
Saan, saan malungkot sa US!? Weh, di nga! NASA Tao iyan kahit saan ka pumunta, Dala mo ang isip at pakiramdam mo. Ganern!
Para iwas sakit kayo jan gaya ng cancer, try to eat organic foods and avoid processed foods foods. Ang meat jan sa US are feed with grains na gmo with lots of growth hormones kaya para normal lang magka cancer jan. Dito sa Pinas dami pa organic beef or kanding o free range chicken. Yan ang kaibahan ng pagkain ng third world vs. developed countries like US. Parang takot yata kayo dito sa Pinas magkasakit kasi akala niyo mahal talaga magpa ospital. Ok naman dito ang health care system ng Pinas basta normal lang ang sakit pero takot kayo diyan sa US nakatira kasi dali lang kayo magka cancer kasi nga sa klase ng pagkain ninyo.
Di ko po talaga maintindihan ang buhay......
Buong buhay ko po kc, naiinggit ako sa mga nasa ibang bansa, lalu na ung mga nasa US, Canada, Australia, Europe, New Zealand, Japan, South Korea, Singapore,
Kc pakiramdam ko at tingin ko, CLA UNG MAY PINAKA MATAAS, PINAKA KOMPORTABLE AT PINAKA MAGANDANG ANTAS AT MASAGANANG PAMUMUHAY SA LAHAT..........at para sa akin, mas mayaman at mas maswerte pa cla kesa sa mga milyonaryo, bilyonaryo, mga elite at business tycoons na sa pilipinas lamang nagstay at yumaman......
Parang pakiramdam ko, MAS GUSTO KO PA PO MAGING TULAD NINYO KESA ANG MAGING TUNAY NA SELF MADE NA MAYAMAN SA PILIPINAS,
kahit may mga nagpapa alala na sa akin na hindi lahat ng nasa abroad ay mayaman, hindi lahat ay masagana at hindi rin lahat ay masaya,
Ano po ba ang totoo Sir?
malamig kasi dyan, yan ang nakakapag palungkot
Minimalist living at single life the best🙏
Hahaha...I somehow agree with you....
This guy is Low life and Fresh of the boat. He need to join the USArmy
That's true ll about money work home eat back to work
Be grateful in Canada and in USA if you like masaya DADALHIN kita sa Bangkusay Tondo Manila Philippines 🇵🇭 let us stay in Tondo in 1 year u try ok God bless
Ako din po malungkot dito sa Saudi, tarabaho bahay lagi in 16 yrs onward.liit pa ng sahod
Wow ang tagal nyo na po pala dyan sa Saudi Sir Ferdinand. Mabuhay po kayo! Sobrang nakakabilib ang sakripisyo nyo para sa inyong pamilya. Hold on lang po tayo makakaraos din sa banda banda riyan.
🤦♂️😔
Sir san po state ka jan sa US?
Good. Day. SI. Francisco. Antonio. Ramirez. Garcia. Gusto. Ko. Sanang. Maging. American. Citizen. Sa. United. States. Of. America. Pero. Hindi. Natupad. Kaya. Yung. Mga. Pamangkin. Ko. Ang. Naging. American. Citizen. Pero. Mayroon. Akong. Philippine. Passport. At. Mayroon. Akong. Alagang. Aso. 🎉. Thanks. So. Much. 🎉
Same sa kwento father ko malungkot daw dyan sa Amerika wala sya gaano makasama mother kolang pero ng namatay mother ko ayaw nya na kaya mas gusto nya dito sa pinas kaya lng need nyapadin bumalik para sa mga kapatid
Ok n ok
Thank you po.
Same here ganda diyan
7 years and you’re still renting?
Siguro kung virtual work ka sa US at sa Pinas ka nakatira makakaipon ka ng pera kasi mababa cost of living dito