It’s Showtime August 7, 2024 | Full Episode

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 9 сен 2024
  • Dahil bawat isa sa atin ay gold medalists in our own ways, It’s Showtime made sure na gold medal-worthy rin ang opening number for today’s episode!
    Tunay ngang nagningning ang ating Miyerkules, Agosto 7, dahil sa golden voices nina Tawag ng Tanghalan Year 5 grand champion Reiven Umali at The Clash Season 4 grand winner Mariane Osabel sa kanilang duet ng Southborder songs “May Pag-ibig Pa Kaya?” at “Ikaw Nga”, na pangatlong collab na nila sa It’s Showtime stage.
    Excitement naman ang hatid ni Bela Padilla sa lahat ng naka-miss na makita siya sa noontime show dahil siya’y muling nagbalik bilang guest co-host for the day.
    Umpisa palang ng “Showing Bulilit” ay nagpamalas na agad ng angking kakulitan si Bela. Matapos malaman mula sa hosts na never pang nanalo si Ryan Bang, na kanyang unang ka-tandem, habang si Lassy naman ang pinakamahusay sa larong ito, nakipagpalit siya kay MC na unang ka-partner ng huli.
    Subalit, hindi rin umubra ang kanyang pakikipagpalit dahil ang tambalan nina Jugs Jugueta at Cianne Dominguez ang nagwagi sa huli matapos nilang mahulaan ang dalawa sa apat na pelikulang pinahulaan sa kanila ng Showtime Kids na sina Imogen, Kulot, Kelsey, at Jaze.
    May jowa na pero mayroong ka-“I love you”-han na iba? ‘Yan ang naging lovestory ng tampok na ex-couple na sina Adam at Grace sa episode ng “Expecially For You”. Kaya naman akmang-akma talaga ang rendition ni Lyra ng Kapuso girl group na XOXO ng awiting “Halaga” ng legendary OPM band na Parokya ni Edgar.
    Sa pakikipag-usap nina Vice Ganda, Bela Padilla, Jackie Gonzaga, at Vhong Navarro sa dalawa, ating nalaman na nagsimula ang kanilang ugnayan noong nagkakilala sila sa Facebook dating app. Si Grace ang nag-first move sa pamamagitan ng pagpapadala ng direct message kay Adam matapos niyang makita ang “thirst trap” photos nito kung saan fline-flex niya ang kanyang magandang katawan.
    Magaan at naging komportable agad sila sa isa’t isa sa unang beses ng kanilang pag-uusap, kaya kinabukasan ay naging sila na agad. Ngunit, makalipas lang ng 10 buwan ay natapos na rin ang kanilang matamis na pagsasama dahil umano sa trust issues na kapwa nila naranasan.
    Inamin ni Grace na hindi naging genuine at malalim ang pagmamahal na naibigay niya kay Adam dahil sa trauma na dinanas niya sa dati niyang ka-relasyon bago si Adam na nag-cheat sa kanya. Samantala, nawala naman ang tiwala ni Adam sa ex-girlfriend matapos na mahuli niya itong nakikipag-usap at nakikipagpalitan ng “I love you” sa ibang lalaki via messaging app.
    Simula noon ay naging toxic na ang kanilang relasyon at tuluyan nang nanlamig, hanggang sa humantong sa kanilang hiwalayan. Kaya naman pinili na lang ni Grace na bumalik sa sa kanyang tunay na sarili at mag-focus muna sa kanyang personal growth.
    Sa tatlong searchees na ipinakilala kay Adam, si Jam na isang Criminology student at Karate-Do player mula sa Pandi, Bulacan ang nabigyan niya ng two green flags dahil sa kanyang top-notch answers sa mga katanungan ng male searchee.
    Dalawang mag-aaral mula sa magkaibang eskuwelahan na may pangmalakasang tinig ang muling nagtagisan ng husay sa entablado ng Tawag ng Tanghalan.
    Una na riyan si Paul Abellana, isang 3rd year college Computer Science student at scholar mula sa Cebu Institute of Technology University na laging hangad na maging proud ang kanyang mahal na ina sa lahat ng kanyang ginagawa. Hinarana tayo ng “Mama’s Boy Wonder” ng kanyang bersyon ng “Weak” ng R&B group na SWV.
    Sunod na sumalang si Lorelei Alquiza, isa ring 3rd year college student mula sa University of Northern Philippines, na bukod sa pagiging istudyante ay abala rin sa pagiging band vocalist at beauty pageant contestant. Maliban sa natural na ganda, napatunayan ng “Singing Pageantera” na siya rin ay may taglay na ginintuang tinig sa pamamagitan ng rendisyon niya ng “Hanggang Ngayon” ni Kyla
    Samantala, mas napahanga naman sila kay Lorelei na taga-Ilocos Sur dahil sa kanyang pagkapanalo sa beauty pageants na sinalihan niya noong nakaraang taon at sa pagiging advocate niya ng women empowerment.
    Nang hingin ang kanyang hatol sa naging performance ni Paul, ipinahayag ni hurado Bituin Escalante na na-enjoy niya ito at kaya niyang panoorin siyang kumanta buong araw. Gayundin si hurado Nonoy Zuniga sa pagtatanghal ni Lorelei dahil nagustuhan niya ang switching of tones na kanyang ginawa.
    Si punong hurado Marco Sison din ay namangha sa ginawang pag-awit ng dalawa. Ayon sa kanya, alam niyang magandang lalaki si Paul kahit di niya panoorin dahil sa “pogi voice” nito, habang napansin naman niya ang emosyong ipinakita ni Lorelei.
    Sa bandang huli, si Lorelei ang nagkamit ng first place matapos na makakuha ng higher score na 93.7% ang rendisyon niya ng “Hanggang Ngayon” ni Kyla mula sa mga hurado. Samantala, ang bersyon naman ni Paul ng “Weak” ng SWV ay nakakuha ng 93.3%.

Комментарии • 157