Wow Naia 2025!

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 7 фев 2025
  • Nakapila ka sa immigration. Biglang may sumingit na fixer na dala ay sampung passports ng foreigners. Ano mararamdaman mo? Kakagalit di ba?
    Sabi ng bagong operator ng NAIA, isa yan sa pinupuksa nila ngayon - fixer dito, fixer doon!
    Malayo pa pero malayo na ang narating ng bagong NAIA ayon kay Boss RSA.
    Sa exclusive tour kasama si RSA, personal niyang ibinida sa akin ang mga nagawa na ng NNIC sa airport.
    Panuorin ang aking honest review sa Tune In Kay Tunying, Live socials.
    Mapanunuod naman ang kabuuang tour sa Tune In Kay Tunying, Live sa link na ito: www.youtube.co...
    #tuneinkaytunying
    #katunying
    #katunyingvloglatest
    #katunyingvlog
    #anthonytaberna
    #RSA
    #newnaia

Комментарии • 274

  • @Whatyousay2024
    @Whatyousay2024 Месяц назад +28

    I think it’s about time na mabigyan na ng parangal si Mr. Ramon S. Ang hanggat buhay sya hindi kung kelan wala na sya saka nyo maiisip na bigyan sya ng parangal. Napaka rami na nyang nagawang kabutihan para sa Pilipinas pero mukhang dedma lang ang gobyerno natin. His achievements are countless

  • @dt1mdlara
    @dt1mdlara Месяц назад +3

    You two have the best chemistry. Para po kayong Dynamic Duo. Straight from the heart. Maraming salamat po!

  • @YouAreWhatYouFeel
    @YouAreWhatYouFeel Месяц назад +15

    maaasahan tlga yang taong yan ..🎉🎉🎉🎉.... matalino at mavocal para sa ikakaunlad🎉🎉

  • @Gurkhami
    @Gurkhami Месяц назад +15

    RSA talaga ang taong CEO/president/bigboss na may unawa, Sipag, makatotohanan at higit sa lahat po ay humble talaga yan…always my model as a leader po kayo RSA! Nice cover Ka Tunying ❤️❤️❤️

    • @senbm4095
      @senbm4095 27 дней назад

      Sana hindi sya pumapatol sa mga sipsip na empleyado para tuloy tuloy na disiplinado mga taga airport..at sana turuan mga pinoy na empleyado na maging competitive sa ibang bansa sa quality service mapapinoy man na pasheros o turistang puti, DH man o professional ofw.

  • @adorareyes5007
    @adorareyes5007 Месяц назад +1

    Salamat at may pagbabago na sa airport..every 6 months umuuwi ako ng pinas dahil senior na ..thank you Ka Tunying at Ramon Ang

  • @angelilamamaril2534
    @angelilamamaril2534 Месяц назад +5

    Bravo sir! Better tlga private sector ang humawak dyan time is gold ang service nyo! Mamamayan agad sa govt employee mmaya na! Di natuto ang mga nakaupo dyan sa NAIA!

  • @opheliamagnawa9052
    @opheliamagnawa9052 Месяц назад +6

    I've been recently at NAIA 3 and wow😲 there's really a big improvement!❤️❤️❤️ Let's make Phil. Great!👏

    • @jinkyrebuyon1657
      @jinkyrebuyon1657 Месяц назад

      Anong improvement po kulang nga sa upuan at AC dami po ngreklamo iba nakaupo nlang sa sahig at mainit po

    • @ramondelosreyes-id7su
      @ramondelosreyes-id7su Месяц назад

      ​@@jinkyrebuyon1657in transit daw po mga orders n upuan, makinig mabuti sa interview k rsa, hindi puro kuda, pakiusap nga nya maging ambassador hindi basher mentality na tayo

  • @chrisuy1973
    @chrisuy1973 Месяц назад +1

    Magaling si RSA, Alam niya importants ng good customer service and efficient service. Good job!

  • @ruthnavaja899
    @ruthnavaja899 Месяц назад +7

    Sana laging ganyan may pagbabago..

  • @alexandereisma9546
    @alexandereisma9546 Месяц назад +5

    Ka Tunying nung lunes, ang dami ng pasahero sa Naia T3, mahaba ang pila, pero nagulat ako, mabilis ang kilos, dati inaabot ng 1 hour ngayon 30 mins nasa loob na.

  • @alicem.8868
    @alicem.8868 Месяц назад +1

    WOW ! Talagang amazing na ang NAIA THRU SIR RSA.. IKAW ang TAONG MERONG "PUSO"❤️❤️❤️
    MABUHAY KA PO! INGATAN KA NAWA NG DIOS ! 🙏🙏🙏

  • @joshuaburlat6177
    @joshuaburlat6177 Месяц назад

    ito talaga ang Boss na hands on, maraming alam sa numbers at KPI to run the operations

  • @bellacandido8685
    @bellacandido8685 Месяц назад +3

    To be Honest very good ang NAIA ngayon😊🫡salut po..RSA.❤umuwi ako last month diyan,super bilis lang👍👍🇵🇭🇵🇭✈️pati pagsakay ng grab walang kahirap hirap.

  • @ceciliamanacsa9872
    @ceciliamanacsa9872 Месяц назад +4

    The best k Ramon Ang thanks for dedication for improvement of Philippines ❤🙏

  • @totskie17
    @totskie17 Месяц назад +2

    The Best talaga si RSA nakatutok sa trabaho.

  • @satoshi36100
    @satoshi36100 Месяц назад +2

    Salamat SMC & Sir RSA...

  • @ramilfsoriano
    @ramilfsoriano Месяц назад +2

    December 21 I was at departure and i personally experience ung accomodate ng personnel, even helped me nung nag excess ako ng check in baggage someone personally assist me at nagbigay ng box para macheked in pa din ung excess baggage ko, very helpful.

  • @LouieParado-d7j
    @LouieParado-d7j Месяц назад +2

    RSA for President 2028....me malasakit sa bayan, visionary

  • @Zumofun
    @Zumofun Месяц назад +4

    Meet him on LA napaka bait

  • @euv5387
    @euv5387 Месяц назад +39

    Dapat din i-orient ang mga immigration personnel how to be polite sa mga tourists. Last travel namin nakita namin kung paano bastusin ng isang lady immigration personnel ang South Korean old man kasama ang kanyang family. Sa mga Asian countries like Japan, Korea, China old people are highly respected by their citizens. Pero pag dating sa Pinas nakakahiya sa asal ng mga officers natin.

    • @wugglebuggle2592
      @wugglebuggle2592 Месяц назад +1

      Picturan para ma-social media

    • @mrm8930
      @mrm8930 Месяц назад +1

      @@wugglebuggle2592What? They are immigration officers not staff of Department of Tourism to welcome them.

    • @Siopaoko
      @Siopaoko Месяц назад

      Pinagsasabi mo.

    • @jonjap8363
      @jonjap8363 Месяц назад

      @@wugglebuggle2592baka walang naibigay na pera.

    • @meramiecordero1715
      @meramiecordero1715 Месяц назад

      true,immigration officer sa Malaysia very polite

  • @alanesguerra2551
    @alanesguerra2551 Месяц назад +2

    Congratulations RSA

  • @edstaana2433
    @edstaana2433 24 дня назад

    Two thumbs up talaga pag si RSA

  • @topeonekenobi6878
    @topeonekenobi6878 29 дней назад

    Andyan kami nung Holiday sa Pinas very impressive, super bilis talaga… at my pagbabago nga sa empleyado very magalang at cooperative ngayon nasa tao na lang yan kung nakukulangan pa pero ibang iba talaga ang galing ngayon compare sa dati naming uwi.. keep it up malaki potential ng Aiporr natin.

  • @TheTeacherbel
    @TheTeacherbel Месяц назад

    Thank you, Engr. Ang, the genius.

  • @patrickinigo3518
    @patrickinigo3518 Месяц назад +3

    RSA,MABUHAY KA!😊👍👏

    • @hannahtorres9879
      @hannahtorres9879 26 дней назад

      How about the air-conditioning inside the boarding area?

  • @DanteMosqueda-n8n
    @DanteMosqueda-n8n Месяц назад +1

    Tnx u sir Ramon ANG for REHABILITATION ng manila. International Airport

  • @arnoldelangavlog587
    @arnoldelangavlog587 Месяц назад

    Good job RSA, and Ka tunying. Sana ka tunying maitanung nyo rin next time kay RSA kung kamusta na ang Bataan airport. Salamat.

  • @Omega-ys9bi
    @Omega-ys9bi Месяц назад +1

    Great Job RSA! Keep it up

  • @archielnasamjr.6154
    @archielnasamjr.6154 Месяц назад +3

    Salut sayo RSA,nasa tao lang talaga pagme dedekasyon magagawa talaga,

  • @marloncatamora2761
    @marloncatamora2761 Месяц назад +1

    Number one ka dyan boss tunying

  • @granzwow7174
    @granzwow7174 Месяц назад

    Ikaw na talaga RSA... idol talaga kita🎉🎉🎉🎉

  • @AmieBlanco-q6e
    @AmieBlanco-q6e 28 дней назад +1

    Super nice👍 sana mas luxurious pa🇵🇭✊

  • @MahaAlAttar-v3s
    @MahaAlAttar-v3s 17 дней назад

    Wow galing❤❤❤

  • @MichaelCatral-p9v
    @MichaelCatral-p9v Месяц назад

    Kailangan matapos lahat para maraming tourist pupunta sa Pilipinas at sana malinis ang bawat paligid at walang trapict at dpat hightech na ang mga gamit sa airport ❤

  • @Toshipogi-md2id
    @Toshipogi-md2id Месяц назад

    good works RSA for President ❤❤❤!!!

  • @GoDomonero
    @GoDomonero Месяц назад

    He can Run for President

  • @jongamali3398
    @jongamali3398 28 дней назад

    Ramdam talaga ang pagbabago sa airport. Hindi na talaga magulo.maayos na talaga sistema ngayon.

  • @josieima380
    @josieima380 Месяц назад +8

    Sana tinakala din yung baggage handling, lalo na yung nawawala na baggages at yung mga binubuksan at ninanakawan.

    • @tabs-zv4ln
      @tabs-zv4ln Месяц назад

      Diyan ba sa bagong airport nangyayari un issue n sinasabi mo? Nagtatanong lang kasi pra alam ng lahat ng Pinoy n umaalis at dumarating sa Pinas

    • @josieima380
      @josieima380 Месяц назад

      @@tabs-zv4ln marami kasi akong nakikitang vlogs lately kung saan binunuksan at nananakawan mga baggage sa mga international flight to terminals sa pinas, at biktima usually OFW’s, kanya nga gusto Kong malaman kung yung issue na yon ay nilagyan na Nila ng tuldok at na solusyunan na Nila as new management kahit man lang diyan sa naia terminal 3.

    • @jenivyagosto7186
      @jenivyagosto7186 Месяц назад

      Binubuksan talaga Pag may kahihinalang laman..Pero Hindi Nila kinukuha gaya yong Kay Maninay Aileen Sa Japan nabuksan at Nahuli pa pg dating pero nag promise Ang Taga NAIA nga darating Sa Davao kung Saan Sila nag stay para hintayin Ang Malita Nila na Worried sya Kasi yong DRONE Nasa Loob pero intact Pag dating sa Davao Malita Nila nabuksan lang Kasi Daming Imported Wine nga Hindi nila na declare..

  • @josefinabaetiong409
    @josefinabaetiong409 Месяц назад +2

    Wow nice idol Ramon Ang gooods talaga kau po!🎉🎉🎉🎉🎉

  • @ruilotz
    @ruilotz Месяц назад +1

    Dapat si RSA ang maging presidente ng Pilipinas... No nonsense... You get what you pay for... 💯

  • @j0p1n0y3
    @j0p1n0y3 Месяц назад +1

    They should change the color to white with anti-dust paint so it wouldn't look too dark in that area. Make it world class please...

  • @Victorious737
    @Victorious737 Месяц назад +1

    Wooow gusto ko magtravel ulit 😍 gandaaa

  • @Narsisis
    @Narsisis Месяц назад +4

    Kindly connect all the terminals. Ang lalayo po nila, yong shuttle lalabas pa sa main road naubos na oras sa traffic naiwan na ng flight. Also, gandahan naman nila mga upuan at ayusin nila mga taxi jan. Makasingil 600-700 agad. Pangilan naman natin batas natin

    • @Siopaoko
      @Siopaoko Месяц назад

      Hindi na nga ganyan ngayon. Pabebe ka pa

    • @malonequinn826
      @malonequinn826 Месяц назад

      Grab na ngayon at may fix rate na ang iyong destination. Walang metro.About the connection to other terminals yan kailangan ang maimprove dahil traffic nga ang aabutin mo.Skyway na train would be the best.

  • @glen9146
    @glen9146 Месяц назад +3

    Please build a monorail or people mover or link bridges with walkalators between Terminals 1, 2, and 3.

    • @lolzlatoz-ih4vv
      @lolzlatoz-ih4vv Месяц назад

      DOtr said no monorail in NAIA. they will just improve teeminal BUS transfers from current 30 minutes to 15 to 20 minutes. Subway stations will be in Naia 123

    • @user-kw5qn1bg2x
      @user-kw5qn1bg2x 29 дней назад

      ​@@lolzlatoz-ih4vv parang hindi kaya based on how NAIA is set up. Dapat noon pa ginawa before building 3 and 4.

  • @LouieParado-d7j
    @LouieParado-d7j Месяц назад +2

    RSA for President 2028....subok lang

    • @alezercamillo3787
      @alezercamillo3787 Месяц назад

      Wag na isali c rsa sa maruming politiko..kahit. Gaano katino bbgyan ka parin ng butas.

    • @FrenchFili
      @FrenchFili Месяц назад

      Sinubukan mo din si BeBeEm mo, ano nangyari ngayon??

    • @logiemacasero7645
      @logiemacasero7645 Месяц назад

      chinese yan baka naman sasabihin protektor ng POGO

  • @dellcruz2818
    @dellcruz2818 Месяц назад +3

    suggestion po.. iyong CHAIRMAN ng CAAP. Airline Company.. dapat gaya ni RSA na NAG IIKOT maski man lang monthly sa airport... nag oobserve or mga TAO nya.. at ano gagawin sa day to day problem.. hirap sa mga ibang ceo.. Sa loob ng opisina aircon at pa abroad abroad lang... kaya di nya alam nangyayari sa actual... di gaya ni RSA actibo pumupunta sa field nag iikot sa naia

  • @AnalynTajura-bj4hl
    @AnalynTajura-bj4hl Месяц назад

    Sana. Boss maging presidenti ka..para dami magawa sa pilipinas

  • @frankvilla253
    @frankvilla253 Месяц назад +2

    Good jobs, rsa & adm. ... 😊🎉❤
    Ingat kayo palagi .. 😊

  • @dea3r710
    @dea3r710 25 дней назад

    Biktima kami dyan 10k ang lagay kahit kumpleto doc. Papunta Denmark talagang inabangan kmi hanggang pag upo sa eroplano - at ang word lan nila NAKA-TIMBRE NA YAN.

  • @SgtRobertLeynes
    @SgtRobertLeynes Месяц назад +1

    MY IDOL
    HAPPY NEW YEAR 2025
    GOD BLESS OUR 🙌 COUNTRY THE 🙏 PHILIPPINES 🇵🇭 🙏
    MY OTHER IDOL
    SIR RAMON S ANG
    GOD BLESS YOU GUYS 🎉

  • @jessielugatimanlugatiman2235
    @jessielugatimanlugatiman2235 Месяц назад +4

    Sana sir magbago din comfort room natin Jan.

  • @melvincristobal6994
    @melvincristobal6994 Месяц назад +1

    RSA for president 2028!!!

    • @logiemacasero7645
      @logiemacasero7645 Месяц назад

      chinese yan baka nman sasabihin ng iba protektor ng POGO at WPS

  • @EMcC-pr6zx
    @EMcC-pr6zx Месяц назад +1

    Traffic is no longer a mess

  • @minfanta
    @minfanta Месяц назад +1

    If every Filipino will think and act like him, Philippines will be on top tier country in Asia. Just think what is good for the country and everything will fall into place.

  • @wce81169
    @wce81169 Месяц назад +1

    Ka Tunying advise mo Ramong Ang na pinturahan naman ung Terminal 1 lumang luma na ang itsura.

  • @maxalexander3354
    @maxalexander3354 27 дней назад +1

    Sana po baguhin ang itsura ng corridor kung saan unang dumadaan ang mga taong bagong baba ng eroplano,
    Instead sa mga design na multicolored banig sa wall, sana maglagay ng mga floor to ceiling visuals na nagpapakita sa mga tourist attractions ng ating bansa.
    O kaya mga Flat screen TV's na nagpapakita ng mga videos ng ganda ng Pilipinas.
    So pagbaba pa lamang ng eroplano, at least maganda at interesting ang makikita ng mga travellers.

  • @anifarap
    @anifarap Месяц назад

    Problema sa NAIA ngayon yung check-in, sobrang tagal 1 hour ang pila. Yung cebupac domestic at international halo-halo isang check-in lang 😅

  • @8gamers143
    @8gamers143 Месяц назад

    Wow!❤❤❤

  • @bokbok2009
    @bokbok2009 Месяц назад +1

    saludo po sayu sir RSA

  • @mscvlogz
    @mscvlogz 26 дней назад

    sir RSA i highly appreciates your dedication and hardwork to make our airport to put on the right track ... but im not favor in terms of not screening the passenger like patting them
    down what if they concealing something dangerous on their belts , jackets ? it will surely take a risk to all , we dont have to trust anyone who is travelling in and out of our country , maigi p din ung security check pra smooth and safe ang pasahero😊

  • @asan6914
    @asan6914 28 дней назад +1

    Still does not address that we need another set of runways for better capacity.
    Or make the runways parallel.

  • @MrGreatWesternRailwayProductio
    @MrGreatWesternRailwayProductio 17 дней назад

    It’s Time For NAIA To Have Aviavox Announcements In All Terminals In American English

  • @jimmyferrer7079
    @jimmyferrer7079 Месяц назад

    Thanks ..Good job po..👍🏾👍🏾👍🏾👍🏾

  • @KaAngkasMixVlog6413
    @KaAngkasMixVlog6413 Месяц назад

    Sana magkaroon din jan ng lugar para sa mga motorcycle taxi

  • @fredalynramirez8600
    @fredalynramirez8600 Месяц назад

    RSA is right... Gusto ng magandang serbosyo.. Then pay what is right... Sa Hong Kong Airport kamahal.. Pero ganda ng service

    • @user-kw5qn1bg2x
      @user-kw5qn1bg2x 29 дней назад

      hindi rin, tagal na nagbabayad ng terminal fee ang mga pinoy. Besides, a good airport should be available by default, dahil funded naman sila dati ng taxpayers money.

    • @inZhaine-zq9fk
      @inZhaine-zq9fk 28 дней назад

      ​@@user-kw5qn1bg2x yung dating terminal fee sa gobyerno napupunta kaya dapat gets mo na. now na privatized na, yung fee straight yan sa development/upgrade.

  • @___Tteokbokki___83
    @___Tteokbokki___83 Месяц назад +4

    nung lumapag kami sa Naia T3 nung Jan 4 galing bakasyon. Mabilis ang immigration dahil dumaan kami sa electronic gates. ang naging problema ko lang ay walang internet sa loob ng baggage area. kadarating lang namin pero ang sabi you have Zero minutes. Napansin ko din na mahina ang aircon at humihinto ang baggage belt. May bagong procedure din sila na need mo pang iscan ang QR code ng etravel bago makalabas sa arrival area. Sinita pa ko ng IO kasi bakit wala daw akong QR snabi ko nalng na hindi ko maopen dahil sira ang internet ng Naia. Sana paglipad uli namin sa April ay maayos na ang mga problemang ito.

    • @mariloureyes7099
      @mariloureyes7099 Месяц назад

      Nxt time make a SS of ur etravel code...problem solved!😊

  • @evelynDeGuzman-m1m
    @evelynDeGuzman-m1m Месяц назад

    mabuhay po kayo ser Ramon S Ang

  • @AlRahaDoorsTr
    @AlRahaDoorsTr Месяц назад

    I really really wish Manila Airport Authority will grant and give slot for Air India 🇮🇳 #airindia

  • @RaymondPinote
    @RaymondPinote Месяц назад +1

    Happy new year ka tunying 🎉

  • @mariobalzote5256
    @mariobalzote5256 Месяц назад +1

    Happy new year po ka Tunying!

  • @edc.3761
    @edc.3761 Месяц назад +4

    Sa aking experience sa international arrivals sa NAIA 3, dapat may mga taga Bu. of Immigration na nag-aasist sa mga pasaherong dumarating para makapila ng maayos. Ang nangyayayari ay bara-bara ang pagpila ng mga dumadating na pasahero. Ang daming pumipila sa priority lane para sa mga PWD at Senior na hindi naman. Pati ibang foreigner doon na rin pumipila kasi nakikita nilang mas maiksi ang pinipilahan. Hindi ito mangyayari kung may mga taga BI na nagsusubaybay sa pagpila ng pasahero. Tumulad sana tayo sa ibang bansa gaya ng Japan at Hong Kong na ang mga arriving passengers ay tinutukan ng mga immigration personnel.

    • @Janet1001-X
      @Janet1001-X Месяц назад

      BI personnel are "entitled" but lazy government employees.

  • @lyndesu5096
    @lyndesu5096 Месяц назад +1

    Sana ung mga IO Bumait di at wag pahirap sa kapwa Pinoy..

  • @jovenasi7510
    @jovenasi7510 Месяц назад

    sana po mabigyan din ng pansin ang Slex at Startollway if hindi na sya under ng SMC or sino man may hawak na corporation sana magprogress din tulad ng skyway ang naia T3

  • @Emerald-l5b
    @Emerald-l5b Месяц назад

    Sana nga gnon kaganda ung service s Airport. Matulad sana s ibang bansa. Tulad ng Japan Airport ! Lalo n ung pag aayos s mga Bagahe. Mabilis ang assistance s airport ng japan.

  • @dhonbuenaventura5360
    @dhonbuenaventura5360 Месяц назад

    Lumipad kami pa-Iloilo nung 12/25 at sa T3 kami nanggaling. Mga 2 AM biglang nag-brownout.
    Tapos yung guwadrya na pinagtanungan ng misis ko kung tama yung gate na bababaan namin, nagsuplado lalo na nung pinakita ng misis ko na sa Gate 1 daw ang ang entrance namin. Galit na itinuro ang misis ko sa Gate 6 at pinilosopo pa na parang nakikipagtalo ang misis ko. Pero pag dayuhan ang kausap, malumanay makipag-usap.

  • @NickDemartino-s6v
    @NickDemartino-s6v Месяц назад

    Sana ibalik din po ang dating pangalan ng airport na manila international airport as manila is the capital of the philippines and proud to be a filipino citizen of our country.no offense po as it sounds great like the old time we call it mia as manila international airport likewise its so beautiful now of new improvement of our airport to look and see new development world class na po tayo.salute to rsa for a very well done job,goodluck po and all the best .

  • @mariaelisamaningding6070
    @mariaelisamaningding6070 Месяц назад +1

    Wow ganda ang luwag

  • @TheRivarian
    @TheRivarian Месяц назад +1

    Lord of ALL Fixers(sa NAIA): RS Ang! 😜

  • @teresamendoza-sabiran7586
    @teresamendoza-sabiran7586 Месяц назад

    Nice!

  • @sanfrancisco3533
    @sanfrancisco3533 25 дней назад

    ka tunying terminal 1 dami pa rin dorobo,bagahe ng balikbayan ninanakawan kakaawa mga balikbayan/ofw sana masawata mga empleyadong dorobo.

  • @susanbolante2346
    @susanbolante2346 Месяц назад

    RSA 👏👏👏🙏🙌🌠🌈🌠
    😍😍😍🎉🎉🎉

  • @JulastreBayani
    @JulastreBayani Месяц назад +1

    Wow naman

  • @vanity1434
    @vanity1434 Месяц назад

    Sana ayusin nila sistema ng parking entrance sa may Departure kasi last Dec 28 walang nagmamando ng traffic nagkasingitan na kasi ung isang lane ginawang Grab lane na lang. At isa lang ung cashier ang bagal pa nya. Ung guard hindi man lang nag.aassist na imanage ung traffic or if hindi man nya work yun maglagay sila ng magmamando ng traffic. May mga motor pa na singit ng singit.

  • @NoelVermillion-wi2ju
    @NoelVermillion-wi2ju Месяц назад

    Tama nga naman... satingin nyo san kukunin ang budget? Dba oh bayad nlng kau

  • @melvincarbonel964
    @melvincarbonel964 Месяц назад

    Sana magawa na din subway from NAIA 3 to PITX

  • @gregchan8533
    @gregchan8533 Месяц назад

    Last Dec 28, 2024 sa T3, naka pila ako sa X-ray machine after ng Immigration check, may taga BI na staff, bigla sumingit sa pila para sa x-ray machine, may kasamang 3 dayuhan, 2 Chinese looking and isang black guy. Sinita ko ang immigration officer, at tinanong kung bakit hindi sila pumila at sumingit sila. Ang sagot sa akin ng taga BI staff, ay pina pa deport daw sila ng Malacanang, at in less than 1 hour, mag take off na ang kanilang eroplanong sasakyan. Sinabihan ko ang BI Staff na, "hindi ba, pinagbawal na ni RSA ang pag singit sa pila ng mga dayuhan na may escort ng mga taga BI? Biglang nabulol ang staff at sinabi na utos daw ng Malacanang. Ganito ba talaga ang process sa pag deport ng mga dayuhan?

  • @jeffreymillare-w6g
    @jeffreymillare-w6g Месяц назад

    Yan ANG DAPAT SA gobyerno...nice RSA

  • @loucb8354
    @loucb8354 Месяц назад

    but on dec 31 10pm almost an hour waiting time sa bag carousel at T1

  • @tootz1872
    @tootz1872 Месяц назад

    Ok narin may konting pagbabago pero ung AC mainit pa rin atsaka ung mga baggage trolley sira na mga gulong sraggle sa pagtutulak

  • @ReyManon-og
    @ReyManon-og Месяц назад

    I trust ramong ang its ever tested but still need improvement.. give sometimes

  • @manuelreyes5357
    @manuelreyes5357 Месяц назад

    Sana ol😊

  • @masamitsokamatis2329
    @masamitsokamatis2329 Месяц назад +1

    Sana ibalik na ang Manila Intertional Airport

    • @user-kw5qn1bg2x
      @user-kw5qn1bg2x 29 дней назад

      because changing the name will magically transform NAIA? mema lang

  • @zhedric-yd7cu
    @zhedric-yd7cu Месяц назад

    Ka Tuning UNG MGA comfort rooms sana maayos din

  • @noelandjackson3719
    @noelandjackson3719 13 дней назад

    Sana matanggal na mga dorobong metered taxi jan sa buong naia na nakapila pa para makapambiktima ng mga pasahero

  • @EdisonEroles
    @EdisonEroles Месяц назад

    Sanah lng katunying kong tlgah may malasakit sila sa ofw libre nah puntah kahit san terminal kahit d connecting sanh lng poh

  • @danielito3766
    @danielito3766 Месяц назад +1

    MAKE SURE MAKULONG MGA DUTERTE

  • @maamielamagpantay5359
    @maamielamagpantay5359 Месяц назад

    Kay RSA ako!!! 😂😂😂🎉🎉🎉

  • @fedzbinggayen6856
    @fedzbinggayen6856 Месяц назад

    Sa terminal 1 ba tapos na po ba sir ganda ah

  • @archielnasamjr.6154
    @archielnasamjr.6154 Месяц назад +1

    Palitan nyu na din RSA name mang pangalan yan airport boss,

  • @nheldejesus1900
    @nheldejesus1900 22 дня назад

    Sobrang init sa terminal 3