Medalya sa Ama Kong Magsasaka | Kapuso Mo, Jessica Soho

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 5 сен 2024
  • Dalawang dekada nang nagsasaka ang 42-anyos na si Antonio para maitaguyod ang kanyang pamilya. Ang isa sa kanyang mga anak na si John Carlo kamakailan lang ay nakapagtapos ng Senior High School with Honors! Kaya ang binata, dali-daling pumunta sa bukid para isabit ang medalya sa kanyang amang nag-aararo.
    Maantig sa tagpo ng mag-ama sa video na ito.
    'Kapuso Mo, Jessica Soho' is GMA Network's highest-rating magazine show. Hosted by the country's most awarded broadcast journalist Jessica Soho, it features stories on food, urban legends, trends, and pop culture. 'KMJS' airs every Sunday, 8:40 PM on GMA Network.
    Subscribe to / gmapublicaffairs for our full episodes. #KMJS
    GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
    GMA Network upholds ethical standards of fairness, objectivity, accuracy, transparency, balance, and independence.
    Walang Kinikilingan, Walang Pinoprotektahan, Serbisyong totoo lamang. #GMAPublicAffairs #KapusoStream
    Subscribe to the GMA Public Affairs channel: / gmapublicaffairs
    Visit the GMA News and Public Affairs Portal: www.gmanews.tv
    Connect with us on:
    Facebook: / gmapublicaffairs
    Twitter: / gma_pa

Комментарии • 1,2 тыс.

  • @shelenapacia1543
    @shelenapacia1543 Год назад +263

    Napakabuti mong anak, marunong tumanaw sa hirap ng magulang. Malayo ang mararating mo sa buhay. Laban lang❤️

  • @RIMRCDIMNO
    @RIMRCDIMNO Год назад +77

    Basta ang anak marunong tumanaw at magpasalamat sa magulang malayo ang mararating at aasenso sa buhay 👍
    Proven and tested po yan 👏👏😍

  • @martinbamba8681
    @martinbamba8681 Год назад +423

    Mapalad ang mga anak na kumikilala sa pagsisikap ng kanilang mga magulang at sinusuklian ito ng pagiging mabuting tao at anak. Congrats sa inyo ni Tatay mo.

    • @jpcrispo560
      @jpcrispo560 Год назад +1

      Tama ka

    • @ronalddelarosalopez8483
      @ronalddelarosalopez8483 Год назад +1

      Legit yan...

    • @EvelynLugo-pr6xe
      @EvelynLugo-pr6xe Год назад +1

      masuwerte si tatay .. mabait Ang anak ❤

    • @chachatv.5773
      @chachatv.5773 Год назад +4

      😢😢😢ganda ng pakiramdm pra k tatay tumulo luha ko prang bumalik ako nong time na nagaaral pa ako…same kmi bukid ako lumaki ksaksama c erpat

    • @ashermixvlog
      @ashermixvlog Год назад +1

      Nakakadurog ng dibdib idol..gusto cuh umuwe at yakapin ang papa cuh.😭😭

  • @jesstinenilo
    @jesstinenilo Год назад +29

    Salute din kay teacher na kumupkop sa kanya while studying. Salute sa mga magulang at mga guro! 🫡

  • @wilnerl.dat-ay4775
    @wilnerl.dat-ay4775 Год назад +208

    CONGRATULATIONS!❤❤❤
    Sana mapanood to ng mga ibang kabataan na mas inuunang problemahin ang lovelife at pagpapabebe sa social media kesa pag-aaral.Yung ibang kabataan ngayon hindi alam pahalagaan ang sakripisyo ng mga magulang nila,yung iba naman waldas dito waldas doon porket may sobra,yung iba naman hindi lang napagbigyan ng magulang nila sa bagay na gusto nila nagagalit na.Sana lahat ng kabataan matutong makuntento at pahalagaan ang sakripisyo ng mga magulang.Sana magsilbi itong aral at inspirasyon sa inyo.

    • @rickycastillo744
      @rickycastillo744 Год назад +9

      ,I agree with you pre,,napansin ko lng Kung Hindi naitampok sa kmjs to wlNg tutulong sa kanila na sangay ng gobyerno,,Karamihan pag na kmjs na yan na,,

    • @ad5844
      @ad5844 Год назад +2

      Agree po!

    • @kasgarragsak9866
      @kasgarragsak9866 Год назад +2

      Korek...

    • @rukawa677
      @rukawa677 Год назад +4

      KAya nga po iba na mga kabataan ngayon mula ng mauso social media nakisabay na sa uso😁 maaarte na bata palang may mga bf gf na na uso kasi si tiktok at ibang app

    • @jayjaydeguzman2027
      @jayjaydeguzman2027 Год назад +3

      Nd naransan ng kabataan ngaun yan na inuuna lovelife at gang kuno

  • @nycasoloverez4682
    @nycasoloverez4682 Год назад +41

    Yung nakita mo ang hirap ng buhay pero hindi ka nagtanim ng sama ng loob sa magulang mo kundi ginawa mo etong inspirasyon para tuparin ang pangarap na hindi nila naabot dahil sa kahirapan!Salute sau malau mararating mo❤❤❤

  • @rv8185
    @rv8185 Год назад +79

    Yan ang Anak marunong magpasalamat sa magulang 😊

  • @juls1871
    @juls1871 Год назад +39

    One grateful kid to honor his noble father. What an overwhelming feeling for this to the family. Ito yung episode na talgang bumuhos ang ang luha ko sa episode na to. The reaction of the father is so Genuine. Grabe na touch ako.

  • @adrianfordelon7243
    @adrianfordelon7243 Год назад +98

    Sana mabigyan ng KMJS ng scholarship si John Carlo para maipagpatuloy nya kanyang pag aaral hanggang makatapos ng koleheyo congratulations sayo sir at sa pamilya mo 👍

  • @arielyumul9123
    @arielyumul9123 Год назад +9

    Ito yun mga batang umuunlad sa buhay dahil marunong sumukli ng paghihirap ng magulang. Ipagpatuloy mo ang iyong pagsisikap at wag kang sumuko sa maraming pang pagsubok. Mabuhay ka!

  • @cheray6236
    @cheray6236 Год назад +92

    I was Crying 😭😢 Congratulations John Carlo! wag sana kalimutang tumulong palagi sa pamilya!! Continue to reach Your dreams ❤

  • @adoracionjuguilon42
    @adoracionjuguilon42 Год назад +49

    Sana'y kapulutan ng aral ng mga kabataan ang kwento ng buhay ni John Carlo. Naantig ang aking puso. Mabait at masikap para makatapos ng pag aaral. Congratulations sa inyong mag ama

  • @killuablade1937
    @killuablade1937 Год назад +97

    Yung magulang na mag pasalamat sa anak nila. Napaka bihirang sandali. Nakaka touch grabe. Congrats po.

    • @tropangomart7027
      @tropangomart7027 Год назад +3

      Sarap pakinggan sa anak na ganyan kabait

    • @marthagumandam6751
      @marthagumandam6751 Год назад +3

      Nakakaiyak ui grabi sana makapagtapos sya tapos may magandang trabaho

    • @meryamviloria2379
      @meryamviloria2379 Год назад +1

      True po ako naulila ako ng maaga kaya ginawa ko dn lahat ng diskarte makapag aral ako😇

  • @mariannoriegadominguez9952
    @mariannoriegadominguez9952 Год назад +2

    Eto ung tlgang deserving na tulungan n makapag aral kc alm mo na worth it❤❤❤Godbless u at sna maachieve mo ang goals mo pra sa pamilya mo

  • @minamartinez9365
    @minamartinez9365 Год назад +53

    sana lahat ng anak marunong makiramdam sa hirap ng magulang.

  • @jodinatambong9465
    @jodinatambong9465 Год назад +10

    Relate ako sa istorya nitong bata..working student po ako and with the help of the LGU's indigent scholar po ako..kaya sinuklian ko lahat ng gastos ng LGU sa akin..ngaun isa na akong guro..kaya mo yan kuya walang imposible kung may pangarap ...and keep on praying.God bless

  • @magelamurielle7686
    @magelamurielle7686 Год назад +56

    Napakabait na anak ❤️😭 maspag na estudyante. hagulgol tuloy ako. Deserve mong tulungan, John Carlo. Sana marami ka maging blessings :) God bless

  • @theduke6951
    @theduke6951 Год назад +19

    Napaka grateful na anak.... nakakatuwa na naa-appreciate niya ang hirap at sakripisyo ng kanyang mga magulang.
    Hindi man ako ang tatay pero nararamdaman ko ang saya dahil isa din akong ama kagaya niya. Hindi mag aatubiling magsakripisyo para sa mga anak.
    Panalangin ko sa pamilyang ito ang kaginhawahan sa buhay, sana mapagtapos lahat ang mga anak niya.
    MABUHAY PO ANG LAHAT NG MGA MAGULANG NA NAGSASAKRIPISYO PARA SA KANILANG MGA ANAK!! 💪

  • @jonathanlemuelmallare9098
    @jonathanlemuelmallare9098 Год назад +10

    Kailanman ay hindi pababayaan ng Diyos ang mga taong tapat na nagsisikap. Nawa may university or college na mag-offer ng scholarship para kay Carlo. The Lord bless the whole family.

    • @zinuardique5472
      @zinuardique5472 Год назад

      If walang mag sponsor pwede sya mag take ng exam sa CHED kase may scholarship program sila.

  • @user-nj3ti8cd1f
    @user-nj3ti8cd1f Год назад +4

    NAIYAK TULOY AKO, CONGRATS JOHN CARLO AND TATAY ANTONIO

  • @razzelchua6726
    @razzelchua6726 Год назад +44

    Bad, pinaiyak nyo ko. joking aside, congratulations sa inyong magama. sana mapanuod ng mga bata to na ang daming reklamo di lng makapasok.

    • @damesadams7358
      @damesadams7358 Год назад

      HAHAHA

    • @rukawa677
      @rukawa677 Год назад

      😂😂😂 iba na kasi mga kabataan ngayon nauso social media maaarte na mga tamad na

  • @emmacanedo9600
    @emmacanedo9600 Год назад +6

    ito ung video na iniyakan ko at tagus sa Puso Ang pasasalamat Niya sa Tatay Niya...napakabait Mng anak at Mapag mahal sa magulang..Malayo mararating mo iho.

  • @claritacgetuiza4682
    @claritacgetuiza4682 Год назад +44

    Ansaya kong makita ang pagsuot mo ng medal kay tatay mo,with tears.🎉❤

  • @espana5257
    @espana5257 Год назад +23

    Sobrang walang tigil ang iyak ko sa kwento ng mag ama. Napaka swerte ng anak sa pagkakaroon ng amamng mapagmahal at masipag at napaka swerte rin ni tatay sa knyang anak na may pagpapahalaga sa sakripisyo ng ama. Maging ehemplo sana ng mga kabataan si John Carlo. Hangad ko na makapagtapos siya ng pag aaral at makamtan ang magandang buhay para sa pamilya. Ipagdasal natin si tatay na mabigyan pa ng mahabang buhay para masilayan nya ang pagtatapos ng anak sa kolehiyo. Sa inyong mag ama, mabuhay kayong mag ama at congratulations!

  • @cristymino4534
    @cristymino4534 Год назад +17

    Di ko na nmn mpigilang umiyak pg may mga ganito😭😭😭😭 di kasi ako nkauwi nung graduation ng bunso kong anak yun p nmn ang pinaka wish nya😭😭😭
    Congrats JOHN CARLO...ipgpatuloy lng ang kasipagan mo at pagiging mbuting anak at kuya sa mga kpatid mo...GOD BLESS

  • @iammaredrawing477
    @iammaredrawing477 Год назад +12

    A very grateful son to a very hardworking father. May your future be as beautiful as your soul, Dong! Good luck on your endeavors and congratulations! Your parents are so lucky and proud to have you as their son.

  • @chambee2811
    @chambee2811 Год назад +30

    Intro plng naiyak na Ako..Thank You Sa Mga Magulang Na Nagsusumikap na Mapaaral ang Kanilang mga Anak...God Bless Sa Inyo..Bigyan pa Kayo Ni Lord na Maayos na Pangangatawan hanggang sa Ma experience Nyo po ang Kaginhawaan nang Buhay..

  • @atengmisteryosa5789
    @atengmisteryosa5789 Год назад +4

    Relate much ako dito kay John Carlo. 😢 😭 I was abandoned by my parents and grew up with my Lola only (my mother's mother). Because we're very poor, from high school naging kasambahay na ako then sa college naman nag self supporting din ako. Kung ano-anong trabaho pinasok ko (waitress, cashier, gasoline girl, etc just to survived my school needs) hanggang maka graduate. Kaya sobrang iyak ko rin dito dahil naranasan ko ung sobrang hirap tulad niya. Kahit wala akong baon papasok pa rin dahil ayokong umabsent sa klase noon. Sa awa ng Diyos nakapag-abroad din ako. Kaya sau John Carlo good luck to ur new journey in college. Ipagpatuloy mo lang ung goals mo sa buhay at tiyak ko malayo pa ang mara2ting mo. Make ur Tatay proud and as ur priority and inspiration to be successful in life. Someday, u can help ur siblings too! 👍 😘 ❤️

  • @saradatumanong3721
    @saradatumanong3721 Год назад +16

    Nakakatuwa ang ganitong anak marunong tumanaw ng loob sa magulang na naghihirap magtrabaho para sa mga anak.

  • @c-jeanmaduro5151
    @c-jeanmaduro5151 Год назад +3

    Isa rin po akong anak ng isang magsasaka at proud at thankfull ako dun😊dahil sa pagsasaka ng papa ko nakagraduate kami ng aking kapatid,love you papa!
    Kaya saludo ako sa mga magsasaka!
    #prouddaughterhere
    #anakngmagsasaka

  • @markjudemaata
    @markjudemaata Год назад +36

    Congratulations po John Carlo! proud ako sa'yo at sa tatay mo din. Mabuhay po sa'yung pamilya at God Bless palagi..

  • @jirojianeb
    @jirojianeb Год назад +9

    Napaka sarap sa puso bilang ama na magkaruon ng anak na tulad niya😢😢😢.pagpalain kau ng Poong Maykapal🙏🙇‍♂️

  • @maricelosila1203
    @maricelosila1203 Год назад +36

    Congratulations john carlo at sa masipag mong Ama at Ina. God Bless sa buong pamilya mo.

  • @markzoldyck
    @markzoldyck Год назад +15

    Mabuhay ang mga amang nagsusumikap pra sa mga anak!!!

  • @dominadorericta4314
    @dominadorericta4314 Год назад +6

    Whew,nkk iyak,go jonh Carlo , achieve your dreams,God is good 🙏

  • @robertocruz8908
    @robertocruz8908 Год назад +6

    John Carlos, i dont know you personally but
    iam so proud of you. Congratulations! You are a good man,
    Sana lahat ng kabataan ay magiging katulad mo.
    Pagmamahal sa mga siblings lalo na sa mga magulang.
    Much respect from all of us.

  • @maricelteves336
    @maricelteves336 Год назад +11

    Bilang magulang may anak na ganyan talagang bubuhos ang luha

  • @margiesallao1537
    @margiesallao1537 Год назад +3

    I cried sobra..nakita ko kay tatay ung sacrifices din ng aking papa..salamat sa lahat ng ama n patuloy n ngsasakripisyo para sa mga anak...God bless you all and sana maging grateful din mga anak sa khit n anu kaya ibigay ng mga magulang..

  • @jayvancodino7245
    @jayvancodino7245 Год назад +16

    Mabuhay ka kapatid saludo lahat ng mga kabataang pareho nang pinag dadaanan sayo ❤

  • @CharieLayosa-mv1cv
    @CharieLayosa-mv1cv Год назад +4

    Naiyak ako😭😭 goo job John Carlo🥰👏👏👏

  • @ginab.1131
    @ginab.1131 Год назад +9

    Kahit pa ulit ulit ko ng pinapanuod, n iiyak parin ako, congrats john carlo👏👏👏

  • @MangBoyUngas
    @MangBoyUngas Год назад +6

    Ang galing mo repa sulit ang pagod ni Tatay. Sana dumating ang panahon umunlad ang buhay nyo. Congrats sa inyo. SALUTE!

  • @charitolabenia3362
    @charitolabenia3362 Год назад +26

    Congratulations I'm so proud of you as being a good hearted and a loving Son. Your story is so touching and a inspiration to everyone. I salute to your father as he raised you as a good Son. God bless to you and to your family ❤️🙏

  • @mariallorca9100
    @mariallorca9100 Год назад +1

    Naway maipagpatuloy mo pa ang iyong mga pangarap. Huwag ka susuko ang tagumpay ay iyong makakamit.🙏🙏

  • @resinlabrador6145
    @resinlabrador6145 Год назад +11

    Ai gravehhh nakakaiyak yong kwento 😢😢😢😢 sobra. Congratulations John Carlo at sa tatay mo .❤❤❤

  • @risktaker6459
    @risktaker6459 Год назад +4

    Ang sarap sa pakiramdam na makakita ng gantong Bata. Maniwala ka, maraming biyaya Ang darating Sayo dahil mabuti Kang anak. Bigla akong nahiya, kung sana pwede pa ibalik Ang panahon 😢

  • @ninalynsalde4117
    @ninalynsalde4117 Год назад +19

    Congrats tatay🎉👏 dahil sa sipag mo nka graduate ang anak mo,congrats john carlo deserve mo yan,sana huwag kalimutan ang magulang mo,saludo aq sayo dahil pinahalagahan mo ang pag sisikap ng ama mo,godbless

    • @ynacanon7968
      @ynacanon7968 Год назад +1

      Sana mabasa o mapanood ito ng mga batang nagsasakripisyo ang mga magulang para makapag-aral.

    • @ninalynsalde4117
      @ninalynsalde4117 Год назад

      @@ynacanon7968 sana kagaya ng mga anak ko😭 nag paka hirap sa ibang bansa halos wla ng matira skin ksi sila ang inuona ko,piro isa dalawa lang nag aral mabuti,piro iba na mga ugali nila puro luho lang😭sarap meron magulang na paaralin ka,hindi katulad ko noon ayaw ng mama ko ksi katwiran nia nabubuhay ang kalabaw na wlang pinag aralan puro pag dadamo lang pinapagawa skin,piro khit wla ako natpos ginamit ko prin utak ko,pra sa mga anak ko ksi ayaw ko matulas skin wlang natapos😭

  • @ramjazz1137
    @ramjazz1137 Год назад +3

    Pagpositibo ka sa buhay darating ang araw at magtatagumpay ka rin gawin mong laging inspirasyon ang pamilya mo.

  • @xXx-cm3co
    @xXx-cm3co Год назад +5

    Mapalad si Tatay at mapalad din si John.. ako kahit may pera magulang ko hindi ako pinag aral pero swerte padin sila saken ngayon 😢

    • @albertabgao8305
      @albertabgao8305 Год назад

      Ganun din Ako broken family kami ..Nanay ko lang may gusto makapagtapus Ako Ng pag aaral Ang masakit pagka graduate ko Ng high school namatay Naman Nanay Ko..nagpunta Ako sa Tatay ko para maki usap sana na pag aralin Ako sa college para sana makapag engineer or Police Kaso nanghinayang sa gastusin mabawasan yong Pera kaya nagpunta nalang Ako Manila para makipag sapalaran..sa Ngayon Masaya pero nanghinayang sa panahon na lumipas

  • @shirlykelley12369
    @shirlykelley12369 Год назад +5

    Napaka swerte ng magulang mo John Carlo dahil napaka bait mong anak. God bless you and your family

  • @FashionerFashionStyle
    @FashionerFashionStyle Год назад +6

    Grabehhh iyak ko, hayyy sakit sa dibdib . Pro happy ko sa pamilya ni John carlo congratulations po . Nakaka proud naman talaga. I MISSS MYFATHER. ❤

  • @ginanuqui6066
    @ginanuqui6066 Год назад +1

    Am only ofw in Dubai my youngest daughter was proud of me coz she was graduate last July 12 course Phsycology she knows my sacrifice thanks God for giving me strength we praise you Amen

  • @annann9510
    @annann9510 Год назад +7

    Congratulations 👏🏼 Sana makapagtapos ka ng college at maging engineer. God bless you, kay tatay at sa pamilya mo more.

  • @MaryelErina
    @MaryelErina Год назад +7

    Ang galing naman tumulong at ng bigay ng motor ❤

  • @erlynaunzo2393
    @erlynaunzo2393 Год назад +3

    😢😢😢 nakaka touch naman 😢😢Di ko mapigilan umiyak eh sana all lahat ng anak ay ganyan

  • @amarayter5794
    @amarayter5794 Год назад +4

    Salamat sa mga mabubuti ang puso lalo na sa mga vloggers. Mabuhay po kayo.

  • @janeking8216
    @janeking8216 Год назад +16

    I am so very proud to both of you. Well Done 🎉

  • @aldenaguinaldo-nb8oq
    @aldenaguinaldo-nb8oq 6 месяцев назад +1

    Sana All nakapagtapos Masipag rin Tatay ko Nagaaro rin.yon Aala nalang ko.Mabuhay ang mga Tatay love All❤❤❤

  • @anjo1014
    @anjo1014 Год назад +13

    Congratulations sayo at sa tatay mo John Carlo❤️❤️❤️..

  • @jhenslife
    @jhenslife Год назад +2

    isang mabuting anak ka kaya gagabayan ka ni Lord para mkatapos ka at makamit mo ang pangarap mo... godbless and keep going 🙏🙏🙏

  • @MaryGsVlog
    @MaryGsVlog Год назад +6

    Kakaiyak naman to 😢😢 congratulations sa inyo mag ama ..yong kapatid ko ganito din napag tapos ng tatay ko sa college sa pagkakarpintero niya.good job john carlo at congratulations kay tatay

  • @jenelyngimotea3511
    @jenelyngimotea3511 Год назад +1

    Proud kmi sayo Ang Galing mo..alagaan mo tatay mo...habang Buhay pa sya.... congratulations 🎉

  • @IdolJanvlogs
    @IdolJanvlogs Год назад +3

    Npaiyak ako bigla..saludo ako sayo john carlo sa pagkilala mo sa pagsasakripisyo ng tatay mo sa pag aaral mo

  • @japztv2550
    @japztv2550 Год назад +1

    siguro nung last year kung buhay pa yung papa ko proud na proud din sakin yun,kase favorite ako nun e 😅 kaya lang wala na sya.. nung nagraduate kase ako last year 5 years na syang wala, with honors din ako.. actually naiinggit nga ako sayo john carlo kase yung papa mo anjan pa.. ako both parents wala na😢,halos same din tayo kase napagtapos ko yung sarili ko sa senior high school with honors ng sa sarili ko lang din😊 pero tinutulungan din naman ako minsan ng iba.. sa pasukan 2nd year college na ko ng kursong education.. laban lang john carlo!!! maaabot din natin mga pangarap natin. 💞 aral lang tayo ng aral ng mabuti lahat ng pagod at hirap natin sa huli aanihin natin yan❤

  • @reyanetdelossantos5446
    @reyanetdelossantos5446 Год назад +4

    congrats jhon carlo pag patuloy molang mga pangarap mo at ang pagiging mabait lalu na sa magulang 😊❤❤

  • @geldinadejesus9823
    @geldinadejesus9823 Год назад +1

    Nakakaiyak sobra. Naalala ko ang lola namin na nagsikap para maitaguyod ang mga anak at katulong ang magulang namin nakapagpatayo ng factory at tinulungan lahat ang mga manugang at mga apo na makapag tapos lahat sa collage. Hindi hadlang ang kahirapan para di marating ang pangarap sa buhay lakambal ang sipag at pagtitiis at tiyaga sa buhay

  • @presiousjaguargo7355
    @presiousjaguargo7355 Год назад +4

    Wooow so very proud

  • @markjeralddanila6488
    @markjeralddanila6488 Год назад +1

    Congratulations!!
    Ganto dapat kahit madami or Isang medal lang mawawa na lahat ng hirap at pagod ng mga magulang. Ito dapat yung ginagaya ng mga bata ngayon. Hindi yung honor naman last year uh pero ngayon hindi, problem kasi doon sa iba nasagut pa sa magulang kaya pag na compared sa iba magagalit.

  • @user-rl9ut1hb9b
    @user-rl9ut1hb9b Год назад +6

    Grabeh ang tulo ng luha ko ang sarap ng may mga tatay at nanay....😢😢😢😢

  • @amaricristobal5613
    @amaricristobal5613 Год назад +6

    hindi ko napigilan ang luha ko..God bless you at sa boong pamilya mo..❤

  • @audreydelamerced9548
    @audreydelamerced9548 Год назад +5

    nkakaiyak po God bless po s inyo

  • @rizzareyes218
    @rizzareyes218 Год назад +3

    Very inspiring nakakatouch yung Ramdam mo ang pagpapahalaga ni John Carlo sa sacrifice ng kanyang tatay maitaguyod lang sila.sana lahat ng bata kagaya mo ganyan ang gawin bigyan pagpapahalaga mga bagay na ginagawa ng magulang para sa anak..napakaswerte ng magulang mo sayo..malayo mararating mo.keep it up!

  • @ma.ginapabingwit3170
    @ma.ginapabingwit3170 Год назад +6

    Salamat John Carlo... May patutunguhan/may kinabukasan ka,,, marunong kang tumingin sa iyong pinanggalingan

  • @anitatrott8993
    @anitatrott8993 Год назад +2

    Am so proud of you Brod ,, unang una mahal na mahal mo c Tatay ,,, Hindi mo ikinahiya ang kawalan nyo sa buhay ,, but guess what ? Napakaraming mayayaman na wala cilang ganitong pag mamahal sa Pamilya ,,,,
    You have a brighter future ahead ,, focus on your dream with your head high up !
    Congratulations 🎈

  • @alamedarodel7213
    @alamedarodel7213 Год назад +1

    Grabe di ko talagang maiwasang maiyak habang nanunuod sa kanilang Kwento..

  • @cha9021
    @cha9021 Год назад +3

    Isa siyang magandang role model para sa ating kabataan , tutukan ang sarili nating abilidad at hanguin,ayusin, at pabutihin natin ang ating sariling kakayahan at moral. Gawin ito para sa sarili hindi para sa iba or dahil gusto mong ma kilala ng iba. I salute him for this is one of a kind nowadays. Also some think farming is not for them because it's hard labor and works with dirt. One thing for sure “farming” is not easy at all. They are reliant on weather and eason as well as the demand and supply chain of that year. I have more respect to the farmer than the people who are working on politics or people who are in good health with complete arms and legs and yet they're begging for food instead of working.

  • @sunshineruth2622
    @sunshineruth2622 Год назад

    Sana mga ganitong bata,matulongan ng GMA hindi lang for show to gain viewers

  • @gemmapulgo1451
    @gemmapulgo1451 Год назад +3

    Nakaka proud naman ang batang ito masipag sa pag aaral kahit hirap na Hirap sa buhay ay pinili Parin ang makapag tapos ,

  • @aldenaguinaldo-nb8oq
    @aldenaguinaldo-nb8oq 6 месяцев назад +1

    Sana All may Tatay Sana Naka Graduet rin ko Magsasaka Tatay ko sa Samar rin ako Love Samar😢😢😢

  • @aillyne7754
    @aillyne7754 Год назад +6

    Congrats ❤❤❤ grabe naiyak ako.

  • @mikaylagmay9497
    @mikaylagmay9497 Год назад +1

    kung mababasa mo eto, John Carlo, laking pagpupugay ko sa iyo,ipagpatuloy mo yan,at mas higit pa wag kalimutan pagmamahal at respeto sa ating mga magulang,isa kang ulirang anak at inspirasyon sa mga kabataan,mabuhay ka John Carlo,sna matupad mga pangarap mo

  • @babyaxelchanneltv5021
    @babyaxelchanneltv5021 Год назад +3

    Napakasipag at napakabuti ng iyong Ama kaya ka naging mabuting anak para sa kanila,. pagpatuloy mo lang yan,. malayo ang mararating mo sa buhay... Godbless sa yong Family,. Go get your Dreams!!

  • @francismanio4227
    @francismanio4227 Год назад +1

    9:23 🥺 biglang tumulo luha q 😢

  • @everythingsmagic2559
    @everythingsmagic2559 Год назад +7

    Very inspiring..Magandang halimbawa para sa lahat ng mga kabataan, pahalgahan ang pag aaral at mga magulang na nagsisikap pra sil mkapg aaral..Proud of you..keep it up and Goo bless you!❤

  • @chonapanisigan4883
    @chonapanisigan4883 Год назад +2

    How I wish ganito ang anak ko.congrats John carlo.sana makamit mo ang dream Mo for your family...💖

  • @jeff033
    @jeff033 Год назад +3

    Napaka swerte ng mga may tatay na mag nag tagyyod sa kanila sa kabila ng hirap ng buhay
    Kaya lagi nyong pasalamatan ang magulang nyo ❤

  • @jenniferrobles6505
    @jenniferrobles6505 Год назад

    Ang bait mong bata pagpalain ka ng panginoon dahil mabait ka at mapagmahal sa magulang

  • @thatadizon9054
    @thatadizon9054 Год назад +7

    Naiyak ako... nakaka proud !! Congratulations 🎉

  • @user-mx9fx1gw4w
    @user-mx9fx1gw4w Год назад

    idol ko talaga ang mga taong tumotulong sa mga taong nag hihurap sa buhay.. katulad nong vloger nah nag bigay ng motor..

  • @analizacasiano4726
    @analizacasiano4726 Год назад +3

    Di q talaga maiwasan di umiyak
    Napakabait na anak at ama naman nilang 2
    Keep strong and fighting jonh carlo malayo mararating mo
    Pagpapalain ka for sure

  • @jodiefaithph
    @jodiefaithph Год назад

    Kahit hnd ako ung tatay nia..ramDam ko ung sarap ng pasasalmat ng isng anak s magulang. Napaka priceless! Congratulations po s inyo.

  • @joyce5736
    @joyce5736 Год назад +2

    Naiyak ako, salute sayo tatay.
    Relate ako sa hirap bilang isang single parent, ang hirap po talagang iraos sa pag-aaral ng mga anak pero ang isang magulang titiisin lahat para sa ikabubuti ng anak.
    Awa ng Dios ang lahat ng paghihirap ko nasuklian ng ginhawa dahil nakapagpatapos ako ng nursing at sa ngayon ay nasa UK na sya.

  • @joshuamarayag6337
    @joshuamarayag6337 Год назад +2

    Kakaiyak, very inspiring father and son!❤❤

  • @wanwancrossbow6864
    @wanwancrossbow6864 Год назад +3

    Eto na.. alam kung hindi ako basta basta umiiyak pero pag mga ganetong kwento na sooos.. basa na naman ang aking mga pilik mata.. sobraang nakaka inspired .. punong puno ng aral at dapat pamarisan ng mga kabataan.. bilib ako sai boy..❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️

  • @habibtyeliz
    @habibtyeliz Год назад +1

    Grabe ang iyak ni tatay.😭
    Sarap panooren.💖

  • @marlenenatienzo1416
    @marlenenatienzo1416 Год назад +3

    Suwerte ang mga magulang kong ang mga anak nag aaral ng mabuti❤ congrats Carlo🙏

  • @JezealemMalasaga
    @JezealemMalasaga 2 месяца назад

    Yan Yung dapat tinutulongan Ng gobyerno natin. Mga mga potential na studyante para sa ating bayan para Hindi maligaw Ng landas... Ikaw John Carlo pag makapag tapos Ka makapag trbaho Ka soon maging success tulongan mo din Yung katulad mo...

  • @claudinetubio4183
    @claudinetubio4183 Год назад +6

    Ulirang anak❤ Mabuhay po kayo, tatay ❤

  • @missanne3725
    @missanne3725 Год назад

    mapalad ka at meron kang mga magulang at pamilya na sumuporta sa pag-aaral mo. magkawig tau ng kwento, ang pakakaiba lang meron akong magulang pero di ko naramdaman yung suporta nila sa akin. simula high school hanggang university nakapagtapos ako, with honours rin. ako lang ang nag-paaral sa sarili ko. ngayon andito n ako sa ibang bansa nagwork. To God be the glory! di ako pinabayaan ng Panginoon Hesus!

  • @florencealcantara136
    @florencealcantara136 Год назад +3

    Maraming salamat sa programa ni Jessica sa husay at talino ni miss Jessica ay nabigyan niya ng daan ang pangangailangan ng mga taong salat sa pangangailangn.. salamat miss jessica