Gloc-9, Gary Valenciano - Walang Pumapalakpak (Official Lyric Video)
HTML-код
- Опубликовано: 15 ноя 2023
- #Gloc9 #GaryValenciano #OfficialLyricVideo #WalangPumapalakpak #GaryVxGloc9
LISTEN to "Walang Pumapalakpak" gloc-9xgaryvalenciano.lnk.to/...
Don’t forget to subscribe: bit.ly/1ocCqit
We are the number one independent record label in the Philippines. Home of the best Original Pilipino Music (OPM) artists, our roster includes Gary¯ Valenciano, Parokya Ni Edgar, Ice Seguerra, Noel Cabangon, Christian Bautista, Sponge Cola, Neocolours, Gloc-9, Elmo Magalona, Julie Anne San Jose, Claudia Barretto, Donny Pangilinan, Angelina Cruz, TALA, Janina Vela, Shanti Dope, Kyle Juliano, Better Days, Mark Oblea, Paolo Sandejas, Gracenote, Coln, Hannah Pangilinan, Maine Mendoza, JKris, Dotty's World, Paolo Mallari, Imago, Kurei, Woopis, Sam Cruz, The Knobs, Kemrie, Gio Marlo and more!
Subscribe to our channel for exclusive videos including official music videos, lyric videos, album previews and album launch invitations!
Follow us on Facebook / universalrecordsph
Twitter / universalrecph
Instagram / universalrecordsph
TikTok universalrecph Видеоклипы
We Want this sa WISH BUS LIVE!!!
you guys with me???!
This is the time that we acknowledge OPM songs. Sobrang deserve ng mga artist natin ang recognition. Nakaka lungkot na mas puno pa ang concerts ng korean idol kesa sa mga small artists natin na halos di nabibigyan ng break... napaka ganda ng mga kantang gawa ng Pinoy..💖💖💖
Hindi po sila small artist , nasa top sila kung artist ang usapan hehe 💪❣️
After 2015 naguho na musika mundo dahil ilan nlmg talaga ang natirang matino. Pero kaya hindi naglaho ang hilig ko sa music ay dahil sa mga pinoy songs especially hip-hop.
Wow nakakahiya naman siyo, Small artists pala si Gary V at Gloc 9 sayo..
Grabe ka Gloc, pati si Gary V nadala mo sa mundo mo! 🔥
matagal na with francis m at garry v
Francis M already did
BWAHAHAHAHHAHHA
Sana dalhin niya rin si ate v, nora aunor at si sharon cuneta
Hahaha rapper talaga yan. Lowkey lang
Awit ka ng awit
Awit ka ng awit
Kahit walang pumapalakpak
Awit ka ng awit
Awit ka ng awit
Kahit walang pumapalakpak
Madaming ulit kang madadapa
Bumangon ka agad
Mga mata mo na luhang-luha
Sa lungkot ay nasagad
Ilang beses man na mawala
'Wag kang mapagod maghanap
Walang tigil kang tumataya
Baka sakaling maganap
Ang iyong pinakahihintay
Kahit na ikaw lang ang nakakatanaw
At ang tanging alam mo lamang ay
Walang pipigil sa 'yong lakad at galaw
Basta't awit ka ng awit
Awit ka ng awit
Kahit walang pumapalakpak
Awit ka ng awit
Awit ka ng awit
Kahit walang pumapalakpak
'Di nila kailanman mararamdaman
Kung gaano kabigat ang iyong pinapasan
Hindi sila kailanman mahahapdian
Bawat hiwang sa paa, tipo na tinungtungan
Dahil ang katunggali mo lang sa laban ay walang iba kundi ikaw
At ang puwede mong maging kasalanan ay ang bumitaw at umayaw
Kahit na walang tugtugin ay handa kang sumayaw
Alang-alang sa pangarap mo
Naalala ko pa dati, kulang ang pamasahe
Wala ka pang hapunan, busog lang sa diskarte
Basta't alam ko lang ang aking magiging imahe
Ginuguhit sa papel sa kalagitnaan ng klase
Kahit 'di na nanalo, 'di ko batid ang talo
Inipon ang lahat ng binigay sa 'king balato
Kung saan-saan dumapo, buti na lang gala 'to
Wala ka daw mararating 'pag 'di mo tsinaga 'to
Kay daling sabihin, hindi madaling gawin
Kailangan mong mahanap, pero bawal tumingin
Kilalanin ang sarili mo kahit nasa dilim
Dahil ang katotohanan ang mahirap lunukin
Itutulak ka nila madalas pababa
Papahiran ang lahat ng puwedeng dumi sa mukha
Tapos huhugasan mo ito ng kanilang dura
'Pag kumita ka, sila pa ang unang nakakura
Maniwala ka sa 'kin kahit na gusto mo nang sumuko
Lahat ng 'yong mga pinaghirapa'y gumuho
'Wag matulig sa ingay ng sigaw ng maluho
Pakinggan lamang ang binubulong ng 'yong puso
Uso daw kasi kaya 'di ka napili
Ayusin ang buhol ng mga luma mong pisi
'Pag 'di mo nagawa, iwasan mo ang manisi
Ipahinga mo lang ang likod mo sa haligi
Dahil ang katunggali mo lang sa laban ay walang iba kundi ikaw
At ang puwede mong maging kasalanan ay ang bumitaw at umayaw
Kahit na walang tugtugin ay handa kang sumayaw
Alang-alang sa pangarap mo
Basta't awit ka ng awit
Awit ka ng awit (awit ng awit)
Kahit walang pumapalakpak (walang pumapalakpak)
Awit ka ng awit (awit ng awit)
Awit ka ng awit
Kahit walang pumapalakpak (kahit walang pumapalakpak)
Awit ka ng awit (awit ng awit)
Awit ka ng awit (awit, awit ka)
Kahit walang pumapalakpak (kahit walang pumapalakpak)
Awit ka ng awit
Awit ka ng awit
Kahit walang pumapalakpak
Dahil ang katunggali mo lang sa laban ay walang iba kundi ikaw at ang pwede mong maging kasalanan ay ang bumitaw at umayaw - Gary V🔥
This song deserves million views 💯 Two of the greatest artists in the music industry.
Congrats Agad Sa Inyo Solid Walang Pumapalakpak 🔥🔥🔥
Deyymmm that why gloc is unstoppable kase di lang sya isang rapper kondi isa rin syang humuhubog ng mga bagohan at yung mga singer napapasok nya din sa mundo ng rap salute master gloc🙏🙏🙏
GLOC - 9 🙌 Di ka lang rapper, dala- dala mo rin ang mensahe sa bawat liriko na iyong inaawit.
The way Gary V said "Dahil ang katunggali mo lang sa laban ay walang iba kundi ikaw" ---penetrates
"Wala ka pang haponan , busog lang sa diskarte" makata ng pinas🔥👏
6months kona din pala pinapaulit ulit tong vid nato.
Sobrang husay.
Masaya kc dalawang legend sa musika ang nagsama.
Nakakalungkot lang dahil mas tinatangkilik ang mga walang ka kwenta kwentang lyrics na pang geng geng.
Ni wala kang mapupulot na aral kundi puro kabulastugan.
Realtalk lang. Bilang lng sa daliri ang mga tunay na artist.
Karamihan 🗑
EDIT :
DAPAT MILLIONS OF VIEWS NA TO. KUNG TALAGANG MATALINO PA MGA TAO SA PINAS PAGDATING SA TUNAY NA MUSIC.
eh ang problema hindi pre malibog lang , kaya nakakalungkot
grabe to. 💯💪🦾
yung beat, yung artists, at yung mensahe, 🙌🙌🙌
Diko masasabing hari si master gloc sa larangan na to , kundi isang Messiah sa larangan ng tagalog rap grabe walang genre kaya syang pigilan kayang kaya makipag sabayan 💯🔥 since birth idol ko to si master gloc 💯
Francis M na francis M sa lyricsm makabayan kapupulutan ng aral bawat lettra ng kanta
Ang sarap pakinggan ...sana namnamin ng mga kabataan yung mga ganitong uri ng mga kanta ndi dahil modern rap o rap sya ...kundi dahil ito ay OPM. Kudos kay sir Aris at sir Gary V.
Nakakainspire naman 'tong song na ito.. Laban lang, tuloy2 lang..💪🏼
Congrats Sir Gary at Sir Gloc! 💥
Like I said before, you can never go wrong with two legends. 👏 👏 👏
Pecado
when was that "before"?
The best panibagong akda gloc 9/pure energy grabe❤ simple yung mga kataga pero tagos❤
Busog n Busog s mga bara.. Storytelling at it's finest.. Gloc never miss.. Gary V. as always 🔥🔥.. 2 legendary lyricist in Philippine music industry.. Fire💯..
Gary: "dahil ang katunggali mo lng s laban ay walang iba kundi ikaw at ang pwede mong maging kasalanan ay ang bumitaw at umayaw"🔥🔥
Gloc: "ayusin ang buhol ng mga luma mong pisi pag Di mo nagawa iwasan mo ang manisi ipahinga mo lamang ang likod mo sa haligi"🔥🔥
More collaboration like this for the younger generation to cherish..
ang lakas ng monsahi. Subraaaaang SOLID. deserve nila sir gary v and sir gloc. na maging 100million viewa🎉
Power 😁
Ang lakas. Hindi lang sa awit ito . Tuloy lang lahat ng may pangarap kahit walang pumapalakpak 🤗
"KELANGAN MONG MAHANAP PERO BAWAL TUMINGIN"
GRABEEEEE ASTIG... TALKING ABOUT FUTURE NA DAPAT SIPAGAN PARA MAPUNTAHAN O MAKITA MO ANG HINAHANAP MONG PANGARAP AT MAATIM ITO..
Sheessshhhh grabe tlga galing sir gloc and sir gary v🎶💥💯
the best ka talaga master G9 pati si Garry V nahatak mo sa mundo mo 🔥❤️🔥
Solid. Ang ganda ng lyrics. Busog sa mensahe. 👌💯🔥
Great song with positive lyrics. Its refreshing to hear Gary V sing a new song (and not a remake) and collaborate with Gloc-9. Both are legendary in their own genres.
Legendary pure 💯 turn on 🔥❤
Ibang klase! Kahit sinong singer talaga pwede kay Sir Aris! Congrats Sir A & Sir G! 👏👌😎🔥♥️
Hindi tatanggihan ni Gary V ang Collab Gloc 9 na yan iconic Rapper ❤
Thank you for creating a masterpiece!
Salamat po sa pag inspire at pag push sa mga tao sa never give up and keep moving forward.
Very inspiring, applicable ang concept sa kahit saang larangan o pinag dadaanan ng mga tao.
Salamat po muli! Sana mas maraming makarinig!
Greatest Of All Time Aristotle Condenuevo Pollisco!!💯🔥
grabe kayung dalawa sinunog nyo talaga ung kanta umaapoy taglaga walang tapon
bkt tumutulo ang aking luha sa pakikinig sa kantang to? Sobrang tagos naman mga lods sa puso.. Salamat sa isang na namang obra idol..
Grabe goosebumps yung nag sesecond voice si Gary V. sa lines ni Gloc.
This deserves more than a million views than mumble rapper
Grabe iba talaga pag si Gloc yung nag rap samahan mo pa ng nag iisang Mr. Pure Energy. Nice!
sobrang solid mo talaga idol gloc.🔥🔥🔥kahit sino icolab mo maganda kinakalabasan,ikaw na talaga pumalit kay master rapper kiko more songs pa po idol
Grabe dalawang malupit sa kanya kanya nilang genres 🙌❤️🤙
Sobrang lakas nito, basta habang pinapakinggan ko yung kanta. Ramdam ko yung lungkot at gigil!!! Walang kupas talaga si idol garry V at sir Gloc 9! Yun nga naipasok mo sa mundo mo si sir garry V! Umaapoy to idol Gloc 9! 🔥🔥🔥🔥🔥🔥🔥🔥🔥🔥🔥🔥🔥
Ang Ganda ng areglo Refreshing.yung nagsabay na sila makatindig Balahibo.nagsama Ang dalawang legend at icon pati lyrics Ang ganda.napapanahon 🙏💙❤️👍
best rapper in the philippines!!! ganda ng mga mensahe lagi ,walang katulad gloc 9 ..best ballader gary v ang tindi lupet nito.
Kaya idol ko sila kahit Hindi ako marunong kumanta... Sa tala ng buhay ko. Kaya salamat sa Tula at awit na umaayon sa pang dining ng talinga ko!😊
Best music so far in 2024!!!
My Favorite song also nowadays!
Motivation song para sa mga taong may pangarap sa buhay!
Astig tlga. Gary V yan.. Pinoy Pride.. Dalawang Legendary.. makabuluhan pa Lyrics.. daming Talkshit. hahatak sau pababa.. laban lang. tuloy ang buhay. parang ML lang yan pag nabuhay ulit. laban hanggang sa Makamit Panalo. Lahing Noypi tau. my hugot pero di babaluktot..
Naglalagablab to! This is 🔥🔥🔥at the same time I felt the 🧊🧊🧊 sa ganda ng boses mo sir Gary V! Solid Gloc-9 di ka tlga malalaos 🙇
Shessshh both on FIRE Saludo po sainyo. May bago na naman akong kakabisaduhin. Awit lng ng Awit. Salamat Sir Gary and Sir Gloc 9
Dalawa sa mga pinakapaborito kong OPM artist!! Walang kupas sir Aris at sir Gary!! ♥️❤️🔥🔥💙💚💛💜🧡🫰🩷🩶🩵🫶
Grabe solid
Basta Gloc 9 walang tapon bawat letra🔥☠️
When legends do music iba! Ibang iba talaga! Super!
Baka idol ko yan
Isang kanta nanaman ang kakabisaduhin ko galing sa inspirasyon kong rapper
Gloc 9 super bait. suportahan ntin prti wag n ung nang gagamit s kanya hehe
First kong marinig sa Gary V mag rap, pero legit bagay din pala sa boses nya. Solid. 🔥
Nagawa na nila ni francis m dati yan
replay button mode on!
One of the Goats in Filipino rap🙌🙌🙌🔥🔥🔥
Galing, talagang mga master na singer lang makakagawa nyan tulad nila.,subrang galing👏👏👏👏👏
MUsicvideo pls sobrang solid nito ❣️💥
Solid Sir Aristotle! 👏🔥 ( Gloc - 9 ) and Sir Garry Valenciano! Ganda ng tema ng Awit, salamat sa pag inspira sa mga nagsisimula palang sa Musika 🙏🙏😇
Grabe ang goosebump ko sa kantang to🖤🔥🔥🔥
Solid to galing idol gloc 9at sir Gary v
Ito ang Tunay na OPM, busog sa musika at puno sa mensahe, nakaka angat pataas hindi nanghihila pababa👍👍👍 For our two Legend please continue to create quality music. God bless❤
Salute gary and gloc lupit ng lyrical at pati ang beats latest para sa mga veterano 🎉
para sa mga taong nangangarap tulad ko.. tuloy lang tayo sa ating pangarap..
Tumatagos sa kaluluwa. #Legends
GG. (GARY & GLOC)
Yan ang uso ngayon nasa mundo tayo ng rap Kaya bawat awitin ngayon may kalahok na rap pero ang lupit ng liriko nakaka inspira💪💪💪
Icons 👏👏👏
Maraming salamat mga idolo ko sa musika.. panibagong inspirasyon na magiging gasolina para mag patuloy sa byahe namin mga aspiring artist.. Salamat po saludo 🙏🙇♂️
Grabe tumindig balahibo ko 🔥🔥
ang astig ni Gary V. sumasabay parin talaga..IDOL!
How I wish sana marecognize din mga kanta ko.....
Shsssssolid talaga😮
Iba talaga si gloc meaningful talaga mga rap nya walang tapon
WISH BUS po please!!!!
Sarap pakingan lalo na kung andito ka sa stage nato.. OFW here.. awit lang tayo kahit walang pumapalakpak.. balang araw kukura din sila...
Grabe yon idol
Solid yung mga linya ni Gloc9 at ni mr Gary V ❤❤❤ 🔥🔥🔥🔥🔥🔥🔥solid
MABUHAY ANG OPM!! 🎉🎉
Ang galing nito
SOLID💯🔥
Lakas nito pag live😱😍
Good job talent of Mr Gary v .still versatile ,,salute sir Gloc 9
THE BEST, I hope ma Wish ito.
Grave ang lakas nito hahha
Tayo lahat ng balahibo
Grabe yung Flexibility ni Sir Gary V! G.O.A.T
d na ko updated kay gloc 9 napunta ko dito dahil sa toni talks favorite lines nya
...grabi napakalakas Neto
Sir Gary apakahusay dinala mo Ako sa Mundo na parang puno Ng enerheya sir gloc salute 🫡.
#godbless
grabe tumaas balahibo ko👍
Salamat sa mensahe nato Mga kuya kaya Hindi ako susuko lalo na Sa naniniwala sa akin na lola at mama ko na nasa Langit na tutuloy ko ang pag awit dahil mahal ko ang musika 😢😢😢
Grabiiih toh!! Gary V sa hiphop dahil kay Gloc 🔥
Ito na lumabas na ang mga totooo nga mmhal sa musika nga pinas kung sino man buma bastos sa mga dati yan ito sampal saiyong na dahit kung wala sila ano ka 🤘🤘
Wooooh lupet ng bagsakan
nkaka tindig balahibo...
napaka husay mo talaga idol gloc 9 at Mr.Gary V 🔥🔥🔥
Mamaw talaga si gloc9 , umukit na ng pangalan to sa mundo ng RAP MUSIC , Sinamahan pa ni gary V
wooooo!!!!! Garry V 🙌🙌🙌 classic Gloc 9 🔥🔥🔥
"Dahil ang katungali mo lang sa laban ay ikaw"❤❤ 100% tunay
Basta tlga c gloc gumawa mlupit ang minsahe, alalay tlga ng hari👍👍👍
"Kailangan mong mahanap pero bawal tumingin".
Sheeeesh🔥🔥🔥
Magandang concept ng MV AI versions nila nung nag uumpisa palang sila sa career nila.