Ang Witness

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 6 сен 2024
  • May dalawang uri ng katotohanan ang nalalaman ng isang witness. Ang una ay ang tinatawag na objective truth. Ang objective truth ay yaong katotohanan na hindi na nangangailangan ng patotoo ng tao. Ang laman ng salita ng Diyos ay objective truth dahilan sa “Ito ay nakasulat.” Objective truths din ang mga pangyayari sa buhay ng nagpapatotoo na kapansin-pansin o nasasaksihan ng iba. Ang pahayag na si Jesus ay Anak ng Diyos ayon sa Bibliya ay objective truth. Ang subjective truth naman ay yaong nakabase sa karanasan ng tao. Ang declarasyon na si Jesus ang nagbabago ng aking buhay, at nagbibigay sa akin ng kapayapaan ay subjective truth; na, si Cristo nga ang gumagalaw sa aking buhay ay hindi nakikita ng sino pa man. Ang patotoo na puro subjective truths lamang ay walang bisa.

Комментарии •