Tanging Kailangan - Official Lyric Video
HTML-код
- Опубликовано: 20 май 2024
- This is the official lyric video of Tanging Kailangan from our 'Homecoming' album
Words and Music by: Charles Bautista, Keiko Necesario Cubil, EJ De Perio
Produced by: Charles Bautista, Erle Refuerzo, Aaron Aguila
Lyric Video by Nukie Timtiman
© 2024 VICTORY
[Verse 1]
Kaya ko bang ibigay ang lahat
Kung sa sarili'y hindi na sapat
Kay raming kulang, 'di kayang punan
Laging sinusubok ang pusong pagal
Ngunit umaapaw 'Yong pagmamahal
Kay raming kulang ang 'Yong pinunan
[Pre-Chorus]
Ngayon pa ba magdududa?
Katapatan Mo ay subok na
[Chorus]
Ramdam Ka sa ihip ng hangin
Tanaw Ka sa bilyong mga tala
Liwanag ng buwan at araw
Ay patunay na Ika'y dakila
Gaya ng ibon sa kalangitan
Bawat kailanga'y tutugunan
[Verse 2]
Sabihin Mo lang ang Iyong salita
Handang makinig at sa 'Yo ay magtiwala
O, aking ama sa 'Yo lang aasa
[Pre-Chorus]
Hilumin Mo ang pagdududa
Katapatan Mo ay sapat na
[Chorus]
Ramdam Ka sa ihip ng hangin
Tanaw Ka sa bilyong mga tala
Liwanag ng buwan at araw
Ay patunay na Ika'y dakila
Gaya ng ibon sa kalangitan
Ikaw ang tanging kailangan
[Bridge]
Panginoon, Ikaw ang
Aming tanging kailangan
Walang hanggan at tunay
Ang Iyong katapatan
Panginoon, Ikaw ang
Aming tanging kailangan
Walang hanggan at tunay
Ang Iyong katapatan
[Outro]
Gaya ng ibon sa kalangitan
Ikaw ang tanging kailangan
Aking Hesus, binigay Mo'ng lahat
Krus ng pag-ibig na higit sa sapat
STAY CONNECTED + GET RESOURCES:
Facebook: victoryworshipph
Twitter: / victory_worship
Instagram: victoryworshipph
TikTok: / victoryworshipph
Website: www.victoryworship.ph Видеоклипы
I just passed my board examination and this song reminds me or it may also remind others na hindi natin kailangan magduda dahil tapat ang Diyos magpakailanman. Siya ang magpupuno sa mga kulang dahil siya lamang ang ating Tanging Kailangan.
“Ngayon pa ba magdududa? Katapatan ng Diyos ay subok na.” 🎶
Indeed, in all kinds of battles ng buhay natin Siya ang tanging kailangan para makalaban at magpatuloy. Papuri kay Yahweh na hindi nagbabago!
If there's someone who is worthy of our trust, it is God alone. He alone knows perfectly what we need and what's best for us. He is in control and is forever able. We just need to trust in His method and timing.
I am learning about how to play piano🎹 and how to play worship music in piano🎹🎵🎶
Comment by EG
Praise the LORD! 🙏
Maganda ang mga kanta nila dahil ang lola ko mahilig na sa ganyan e, so gusto ko rin ang song.
Praise the LORD! 🙏
"GAYA NG IBON SA KALANGITAN BAWAT KAILANGA'Y TUTUGUNAN"
my song of deliverance (Psalm 32:7)
Victory member po keiko? Anyone po?
Pagod na ako, pagod na pagod ba. I'm a Christian, yet, dahil sa sitwasyon ko ngayon, hindi ko na alam kung paano ko bibigyang kaluguran ang Panginoon.
It's a good thing that this song exists. Nakakagaan, at dito ko naririnig na nangungusap Siya sa akin.
Pray
🙌🙏💙
❤
🥺🙌🏻
My current fave song.
Yeey, may lyrics na huhu
I love this song ✨
powerful song :)
i'll be taking lecpa tom, 'NGAYON PA BA MAGDUDUDA, KATAPATAN MO AY SAPAT NA?'
Walang imposible sa ngalan mo Ama🥺🙌🤍. Lahat ng kaalaman ko man ay walang wala sa kaya mong gawin. Kinakabahan ako ngunit alam kong lalaban akong Ikaw ang kasama ko. I am victorious by Your grace! All praises to King🙌
day 1 - ang galing ng Panginoon🥹. nilaban, kinaya😭🤍 kakayanin pa sa mga susunod na dalawang araw. All praises to the King. He, again, made it possible!🥺
day 2 - ang lakas ng gabay ko🥺 mahirap pero magaan 😭🤍 papuri at pasasalamat sa Panginoon! FAITH LIKE NO OTHER🙌🤍
day 3-🥺 ang lakas ng gabay ko, sobrang nahirapan akoo marami akong unsure answers pero ang galing parin ng Panginoon, hindi ako pinabayaan. Hindi ako nawalan ng pag-asa, nilaban parin hanggang sa huli. Lumabas ako ng room na sobrang haggard, sobrang pagod at nanghihina PERO magaan🥺😭. I am blessed.🤍 I still feel VICTORIOUS! Lahat ng papuri sa Ama🤍💯
Been days since narelease ang results. I'm still in ecstacy🥺 kinaya ko😭 grabeng assurance ng Panginoon sa akin. After that 3-day exam ang saya-saya ko, sobra. Naghihintay ako ng resulta na hindi kinakabahan kundi naeexcite kasi alam ko kasama ko Siya. I feel victorious sa salita palang ng Panginoon ko🥺. Isa po ako sa 30.28% na pumasa😭 CPA na po ako😭 Napakasaya ko🤍 Salamat Panginoon binuhat mo ako🥺 Lahat mg papuri at pasasalamat sa Ngalan Mo.🥺🤍
congrats!
May karaoke po ba neto? Or minus1
❤