Nag apply kami ng aswa ko ,kasi urgent daw sa fb nya nakita . Pagpunta namin pinabyad kami ng 300/head tapos medical 1200 ... Babalikan namin bukas yung result ng medical tapos orientation na daw namin
@@AntonioRegalariojr Derechahan tayo... ganyan ang ang sinasabi ko sa video na ito, ganito kasi ang strategy or paraan ng mga scam na hiring. Dapat napanood niyo muna itong video ng asawa mo bago kayo mag-apply. Salamat sa panonood sana nakatulong sayo.
@@CristydagalaOraa Palagi niyo pong tatandaan na ang pag-aapply ng trabaho local man or abroad ay hindi para magbayad kayo ng anumang halaga o' kaya ay magpamedical agad kung hindi niyo pa alam ang katayuan niyo bilang aplikante. Ang pera kapag ibinayad niyo hindi na yan maibabalik sa inyo kahit anong gawin ninyo. Kaya mahalaga pa rin ang may alam ng hindi maguyo ng mga mapagsamantala. Salamat sa panonood ng videos, sana nakatulong sayo.
BIOMETRIC FEE **because anyone applying for a working or student visa will have to give the biometrics fee payment so now just let us know when you gonna pay the *biometric fee* so we can inform the *embassy* and all you have to pay is just the sum of * £50 pounds sterling * only .
Sakin sir nung nag ask ako through messenger about job hiring na nakita ko sa fb inischedule agad ako kinabukasan then pag dating ko may hiningi sila registration fee daw worth of 300 pesos tapos magpa medical na daw ako para ma deploy nag bayad ako 1,100 sa medical bali 1,400 po agad. Tapos nung nakuha kona yung result bumalik ako sa agency para sa deployment daw then nanghihingi nanaman sila ng another 500 para sa deployment. Dun napo ako kinutuban na scam lang yung agency na napuntahan ko 😢
Ganyan din po skin kahpon lng nangyari..yung workforces po sa kamuning station.hwag po kayo mag aapply dun..nanghihingi ng pera for deployment. Tapos hnd naman walA p talagang company p. At sa may munoz market / roosevelt station s may 2nd flr..isa din yun main branch nila...hwa na kayo tumuloy sayang pamasahe nyo. Pls..
Yun lagi ang sinasabi namin sa mga job applicants na kapag merong money involve ang inaaplayan niyong trabaho... mag-isip na kayo dahil ang naghahanap ng trabaho ay nangngailangan ng pera dahil walang pera... eh bakit pa kayo hihingian ng pera or pagbabayarin eh ikaw nga ang naghahanap ng pera kaya kailangan mo ng trabaho di ba. Kaya paki-share ang video na ito para sa kaalaman ng iba at para hindi rin sila mabiktima ng scam. Salamat sa panonood ng mga videos, sana nakatulong sayo.
Aq rin po kanina 05/25/2024 Sa cubao .E.Rodriguez (YBA .directservice Inc.) sa building FMSG room 213 . kakapaxok q lng hired n agad aq matutuwa n sna aq kaso biglng hiningian aq ng 300 pra dw sa pg gamit ng name ng agency.at pg procesa ng papel q to company n papasukan q tas medical agad agd meron clng srling clinic hindi pd na sa iba k mgpa medical Sabi q wla aq pera .ayq nila aq palabasin kya sabi q nlng babalik aq sa monday peo d n q babalik ..sa harapan sila.ng petron color blue ang building
@@winallyndevera1131 Yun ang lagi niyong tatandaan na umiwas nalang kayo kapag meron ng bayad o singilan sa pag-apply ng trabaho para hindi kayo magsisi sa bandang huli. Sana ang video na ito ay nakatulong sayo.
Sir, pano naman kung legit yung agency bound to italy as farmer, may placement fee na 300k, pero hindi ko makita yung job order nya sa dmw? Itutuloy ko pa ba?
Ano po ba ang sabi sa inyo ng agency nang mag-apply kayo sa kanila? Dapat naman talaga legit ang agency na aaplayan ninyo abroad dahil kapag hindi accredited or registered ang name ng agency sa DMW... kawawa ang job applicant. Mainam yan at nalaman mo na walang job order sa DMW dahil ang ibig sabihin noon kahit legit yung agency kung walang JO sa DMW ang aplikante ay maaring gawin lamang reserba sa job hiring nila. Ngayon, ang mangyayari sa aplikante ay mag-aantay kung kelan magkakaroon ng JO sa DMW para makalipad. Salamat sa panonood ng mga videos, sana nakatulong sayo.
Katulad sa akin sir sa Monday daw Ako deploy.nagpasa ako ngayon BioData kinabukasan nerequest agad Ng agency magmedikal ako kc daw deploy naraw ako sa Monday eh Hindi kopa kaharap Yung employer
Tama yun deployment... pero deployment pa lang yun... ibig sabihin for screening or interview ka pa lang sa employer di mo pa alam kung matatanggap ka or hindi. OK kung mataggap ka... eh paano kung hindi, ano mangyayari sa medical expenses mo? Kailangan talaga ang medical sa trabaho pero i-rerequired ka lang dapat kung 100% ka ng tanggap sa trabaho dahil yun ang last requirements dapat. Alamin mo muna kasi mahirap magsayang ng pera ngayon.
Paki-share at paki-comment na rin sa iba pa nating mga videos. Pls. subscribe para update sa mga bago pa nating videos tungkol sa trabaho. Salamat sa support sa channel na ito.
Nakapagpasa na po ako ng Passport, Cv, E-registration and COE, at sinasabi nilang may cashbond daw sila na kinucollect para sa visa application gawa ng ibang empleyado na hindi natutuloy tapos gumasto na daw ang agency nila tapos need ko na daw mag bayad ng 12k for visa cashbond para ma-schedule din daw po ako sa medical ngayong May 30, 2023
Tinanong ko din bakit hindi muna ako interviewhin ng employer, ang sabi ng agency is may employer na daw po ako kapag may visa na. nag doubts tuloy ako kasi wala akung assurance. ASMACS po pala yung inaapplyan ko
Ano po ba ang trabaho na inaplayan ninyo sa kanila at yung passport niyo po ba na pinasa sa kanila ay yung original mismo? Hindi po ako sa nagmamarunong at nanghuhusga sa inaplayan mong agency abroad, pero ang totoo po dyan ang lehitimong agency ay wala pong cashbond na kinokolekta lalo na wala ka pang medical, yung medical ba ay sagot ng agency na inaplayan mo or ikaw mismo ang magbabayad? alam mo kung bakit? Hindi ako naniniwala na marami ang umaayaw na aplikante (mali po yun, hindi empleyado) at gumastos na sila dahil kapag umayaw ka na aplikante eh hindi kana pwede makapag-apply sa iba dahil hawak na nila original passport mo, eh ano pa ang magagawa mo? How much more kung bumagsak ka sa medical sa tingin mo ba may kasiguraduhan sila sayo na mabibigyan ka nila ng trabaho or maibabalik ba nila ang pera mo na cashbond? Ang sagot dyan ay HINDI!!!
Tingnan mo kung gaano kasigurista ang mga recruitment agency natin sa Pilipinas kahit man scammer yan or legit na mga agency abroad. Kapag nag-apply ka sa kanila, kailangan mo munang magpasa sa kanila ng original passport, kapag wala kang passport ay pakukuhain ka muna nila depende sa aaplayan mong trabaho... dahil kung DH ang aaplayan mo at makita nila sayo na pwede ka, sila na ang mag-ooffer sayo sa sila ang kukuha ng passport at sila na rin ang magpro-process ng lahat ng requirements mo lahat yun pati gastos sila ang sasagot pero wala ka ng kawala doon dahil hindi kana makakapag-apply pa ulit sa iba dahil sila na ang may hawak ng papeles mo di ka na pwedi g makakuha ulit, kung gusto mo naman kunin sa kanila sa agency ay kailangan mong bayaran yung halaga na ginastos nila lahat. Sa ganitong sistema sa bansa natin, ang mga aplikante abroad ay meron bang laban? DI BA WALA? Salamat sa panonood ng mga videos sana nakatulong sayo.
Farm worker po sa Australia. kakasubmit ko lang po ng Cv ko ng morning maya-maya hiningan na po ako ng E-reg, scanned passport at COE lahat po scanned documents. doon na nila susunod yung about sa cashbond ng visa tapos ang sabi sila na daw po bahala mag schedule ng medical ko at ielts kapag nakapag bayad na po ako ng visa ko, kapag daw bumagsak ako doon rerefund daw po nila yun. tapos nanghinge ako ng account number if sakali Asmacs Agency din po pangalan ng account nila. laking tulong po yung nga videos nyo sa mga katulad ko sir❤️ Godbless po😇
Totoo naman yun na sinasabi nila na may employer kana kapag meron ka ng visa... eh common sense naman yun, paano ka magkakaroon ng visa kung wala kang employer di ba? At bakit ka nga nila kokolektahan ng 12k para visa eh hindi ka pa nga naiinterview ng employer mo lalo na hindi mo alam kung sino employer mo di ba? To make it short habang maaga pa para hindi yan lumala ay mag-apply ka sa ibang agency kunin mo sa kanila mga requirements mo na pinasa... yun nga lang di ako sure ano mangyayari sa inyo sa agency na inaplayan mo. Salamat muli & Good luck!
Sir sana masagot po ito. Plss.nag apply ako as factory worker.nag pass resume at nag bigay reffer for midical at deployment kinabukasan tps Tuesday orientation daritso nadaw po yun katapos ng orientation pasok at may stay in daw at stay out. Kc hinde daw sila basta basta tanggap kapag wala slot pag nag pinadala daw sa orientation matic daw may trabho na
Ano po ang nangyari, sinunod niyo ba kung ano ang sinabi sayo ng inaplayan mo bilang factory worker? Totoo ba ang sinabi nila sayo at nabigyan ka ba nila ng trabaho ngayon? Hindi kasi natin masasgot kung walang tanong dahil hindi natin alam kung ano ang sunod na nangyari sa pag-aapply mo? Salamat po sa panonood ng mga videos, sana'y nakatulong sayo.
Sir normal processing fee po ba yung magbabayad kmi ng 1month salary dto sa pinas ng in cash tapos 1month salary in cash din sa agency ng Singapore and another 1month salary deduction na naman?
Meron po talagang placement fee kapag nag-apply ka abroad pero nakadepende yan sa recruitement agency kung salary deduction or babayaran ng applicant bago lumipad pa-ibang bansa. Di ko lang alam kung tungkol saan yung sinasabi mong processing fee ng agency dahil di mo naman nabanggit. Mas maganda kung lilinawin mo or itatanong mo sa management nila kung tungkol saan yung mga processing fee na babayaran para mawala yung agam-agam ninyo dahil hindi biro yung halaga na babayaran ninyo at siguraduhin niyo lang na registered or accredited ng DMW ang recruitment agency na inaplayan ninyo bago kayo magbitaw ng pera para hindi kayo magsisi sa bandang huli. Salamat sa panonood ng mga videos sana ay nakatulong sa inyo.
Hello po . Yung bf ko po kase nag apply as draftsman sa saudi . Ngayon, nag interview na po siya . Then nung nakapasa , sinend na po job offer . Ang problema po sa pinakitang job order machine operator ang ilalagay nila para daw mas madali makaalis . Sa tingin nyo po ba , scam po ?
Ganun talaga sa Saudi, ang totoo kapag nandoon kana nagbabago yung kontrata mo na pinirmahan dito sa bansa natin sa Pinas at nagbabago din ang trabaho mo na inaaplayan lalo na kung di ka skilled worker. Para makasigurado ka na hindi scam ang inaplayan ng bf mo, i-check sa DMW website (dating POEA) ang company name ng recruitement agency kung nakaregistered ba or accredited sila. Salamat sa panonood ng mga videos sana nakatulong sa inyo.
Ask ko lang Po Kasi kanina Sabi sakin pa medical daw Muna ako Bali 1100 Po ung medical tapos balik daw akk kinabukasan para sa Orientation pero dapat Dala ko na daw Po ung result ng medical. Kahit to be follow nalang daw Po ung iba
Nakapagpasa na po ba kayo ng application or resume sa inaplayan ninyo? Ano po ba yan agency ba or direct hiring company? Nainterview ka na ba ng HR or personnel nila sa inaplayan mo ng trabaho?
Ito ang lagi kung sinasabi, kapag ang inyong inaplayang trabaho ay merong money involve or kahit kusing na babayaran na ikaw na nag-apply ng trabaho ay hindi alam kung ano ang iyong status bilang applicant... mag-isip naman po kayo huwag kayong masyadong pa-aakit sa magagandang alok tungkol sa trabaho para hindi ka magsayang ng pera, oras at pagod.
Kapag nerequired kayo ng medical agad-agad or hinigian ng pera kahit magkano man yan ay huwag na kayong magdalawang-isip umalis nalang kayo or tanggihan niyo na basta't magpaalam lang kayo ng maayos para at least kahit paano naging magalang pa rin kayo sa kanila. Salamat sa panonood ng mga videos sana nakatulong sa inyo.
@@jobpreneurDYJ0318thank you sir, I learned a lot on this video very helpful to others same experienced, pina medical ako agad money involved then following day briefing daw ak0 with taiwanese broker and medical refunded daw . So hindi ako tumul0y kinutuban na kasi ako.
Sir ask ko lng po,meron kasi ako inapplyan kanina sa isang consultancy manegement services ,nag bayad po kami ng 300 for processing fee po daw.tapos ngayon bngyan kmi ng referral for medical worth 1200.pero sabi ko meron na po ako medical sbi ko pwede yun lang sa akin kasi bago lang ako nag medical.pero sabi ng consultant magbayad parin daw po ako ng 750... Anu po sir legit po kaya ito or scam lang din po
Hindi po ako pweding magsabi kung ano sila dahil di ko alam kung anong klaseng agency ang inaplayan niyo basta't yung mga sinasabi dito sa video na ito ay nangyari sa inyo kapag kayo ay nag-apply ng trabaho, malamang ganun po yun. Ang palagi ko po sinasabi na kapag ang inaplayan niyo ay meron money involve... mag-isip na po kayo. Salamat sa panonood ng mga videos sana'y nakatulong sayo.
Hr ako intervierwer ako sir mga choices ako sa mga applicant kng may problem sa mong medical sabihin mo sorry nalang sa applicant sabihin mo bubo hndi ganon
@@raymondespejon8971 Sino ang sinasabihan mong bobo? Kung HR ka dapat alam mo yan kung paano at kailan ang medical? Ang choices about medical ay given na yan... ang point dito ay maraming job hiring inuuna ang medical na hindi naman sure kung hired or hindi ang applicant, saan ba ginagamit ang medical ng applicant? During application or interview ba or when hired?
Ask ko lang po kasi po meron isang tao na nakilala ako sa Facebook nagaalok or naghihikayat sila sa mga gusto daw mag trabaho mag text at message lang daw sa kanya if want.. pag tingin kopo sa profile nya and Facebook ay puro yung mga nag apply na tao sa kanila pero may takip Ang muka tska pangalan nila yung trabaho Lugar sahod at kailan na destino lng makikita mo.. legit po ba yun or scam?
Mahirap naman po maging judgemental dahil ang kalalabasan ay nagbubuhat ako ng sarili kong bangko. Ang ibig kong sabihin bilang isang aplikante or job hunter ay maging mapanuri tayo lalo na sa mga nag-aalok ng trabaho online pero hindi ko sinasabi na lahat ng online job hiring ay scam dahil marami din ang mga online job hiring na legit. Kung tutuusin nga mas magandang sistema ang online job hiring para sa mga naghahanap ng trabaho dahil bawas gastos sa pagkain, pamasahe at pagod kaya lang naging masama ang imahe ng online job hiring dahil sandamakmak din talaga ang mga scammer. Ganun pa man, ito ay nakasalalay pa rin sa isang aplikante kaya kailangan suriin niyo rin maigi lalo kung may money involve ang job hiring lalo na kung may pababayaran sayo tapos hindi mo naman pala alam kung saan ka mag-aapply ng trabaho.
Ito ang masasabi ko sayo dahil sa nabanggit mo na rin naman kung paano kayo nagkakilala at nagtataka ka sa profile picture na nakita mo. Mag-background check ka sa mga comments ng post nila lalo na ang fb profile or page kung meron man, doon mo yan malalaman kung legit ba yan or scam. Tandaan mo, iwasan magtanong ng mga technical questions doon sa nag-aalok sayo ng trabaho para malaman mo kung legit or scam ang online job hiring nila.
Kapag may pagdududa batay sa iyong background checking at merong mga inconsistent at inappropriate informations or yung hindi tama na job hiring process at may mga tinatagong impormasyon sa profile tungkol sa trabaho na inaalok sayo online... ibig sabihin scam yun pero ikaw pa rin ang nakakaalam sa trabaho na inaalok sayo kung scam or legit batay sa iyong pagsusuri. Salamat sa panonood ng videos sana nakatulong sayo.
Trabaho ang hanap ng job applicant or yung naghahanap ng trabaho. Tama naman na bigyan kayo ng reporting slip kung saan kayo at kung anong company ang pupuntahan ninyo. Sa madaling sabi sa process pa lang kayo ng job application hindi niyo pa alam kung anong company kayo makakapasok at di niyo pa rin alam kung ano ang magiging work niyo... wala pa di ba?
Bakit may ATM na di mo pa nga alam kung saan ka pupunta na kumpanya na dapat ay papasukan mo... ang ATM magkakaroon ka lang kapag hired kana. Ibig sabihin may trabaho kana, alam mo kung ano work at alam mo kung saan ka papasok. Naku po lagi kung sinasabi, kapag may money matter... atras kana katrabaho lalo na kung di ka sigurado. Maraming salamat sa panonood ng mga videos sana nakatulong sa inyo.
Kung abroad ang inaplayan mo... yes meron biometric kapag natanggap ka sa trabaho at syempre dito sa Pinas yan bago kayo umalis lumipad punta ibang bansa pero maraming prosesong pinagdaanan na yan bago ang biometric. Salamat sa panonood ng mga videos, sana nakatulong sayo.
sir legit po ba ang philcango manpower services? kc natanggap ako as cleaners tapos nadin ako ma interview pinamedical na din ako tapos fit ako pinadala ko ung passport at nbi ko kc for visa daw
Ibig mong sabihin abroad ang inaplayan mo dahil for visa na sabi ng inaplayan mo. Para makasigurado kayo na lehitimo ang recruitement agency na inaplayan niyo dapat i-verify niyo muna sa (POEA) DMW kung accredited sila or nakaregistered ang pangalan ng agency bago niyo aplayan dahil katulad niyan kapag naibigay mo na ang passport mo sa agency mahirap mo mabawi yan kapag nagbago ang isip mo sa pag-aapply abroad lalo na kung namedical kana at sila ang gumastos. Salamat sa panonood ng mga videos sana nakatulong sayo.
Maging aral sa iba ang iyong karanasan! Yun po ang sinasabi ko sa mga naghahanap ng trabaho, kailangan natin maging mapanuri sa mga job hiring na ating makikita maging sa mga nag-aalok ng magandang trabaho. Malalaman nyo yun sa kanilang proseso pero hindi ko sinasabi na maging sigurista ang isang aplikante dahil kapag ganun wala rin mapapala ang aplikante. Ang ibig kong sabihin yung paraan ng kanilang hiring process na di tama magtaka kana lalo na doon sa mga magandang offer malaki sahod, magaan na trabaho at sobrang ganda ng offer mag-isip kana. Minsan tayo din ang nagkakamali dahil kinakagat natin yung gusto natin na madali lang, wala po ganun. Ingat sa mga scammer dahil sa atin pa rin nakasalalay ang ikabubuti natin, ikauunlad at ikatatagumpay natin sa larangan ng paghanap ng trabaho. Salamat sa panonood ng videos. Sana nakatulong sayo.
Tandaan niyo po kapag may money involve or any collection fees sa pag-aapply ng trabaho, huwag na po kayo magdalawang-isip at magbaka-sakali baka mapasubo lang kayo at umasa sa wala masasayang pa ang pera niyo. Salamat po sa panonood ng mga videos sana nakatulong sa inyo.
Sir ask ko lang po nagpasa po ako ng resume sa hr kahapon tapos knina po binigyan ako ng intro for interview pumunta po ako sa store akala ko interviewhin ako kaso tinignan lang po ung resume tas binigay n intro then sabi po ok na kunin mo nalang ung mga requirements tas bumalik k dito start kana legit po ba o hindi ito ?
Ano ba ang pagkaka-intindi mo sa salitang legit or scam? Simple lang, kapag nag-apply ka ng trabaho at dumaan sa proseso at walang siningil sayo lalo na kung nabigyan ka ng trabaho at pinasweldo ka ng maayos... eh di wala ka ng pweding itanong kung legit or scam... tama ba? Salamat sa panonood ng mga videos ana nakatulong sayo.
Yes, lahat naman ng aaplayan na trabaho ay may proseso ng interview at kasama yun. Ang dapat niyo lang pagtakhan kapag may babayaran ka sa pag-aapply ng trabaho dyan na kayo umiwas. Salamat po sa panonood ng mga videos, sana ay nakatulong sayo.
Lagi niyo lang tatandaan, kapag may money involve or collection fees during job application... huwag na kayong magdalawang-isip na magback-out sa inaplayan ninyong trabaho baka mapasubo lang kayo. Salamat sa panonood ng mga videos, sana'y nakatulong sayo.
@@jobpreneurDYJ0318 pano PO SIR KUNG medical muna bago dw Ang interview, legit po ba ito??? Sana po masagot nio ako please,bukas n po kc Ang medical ko to London
Paano kung legit naman yung agency na pang japan peru wala namang job order sa dmw paano ba yun? Kase schexule kami sa interview daw peru tignan ko joborder ng agency wala naman oaano ba yun sir?
Pwede magkaroon ng job recruitement ang isang international agency kahit walang job order baka reserve nila adavance lang sila maghire para pagdating ng job order meron na silang madeploy agad. Ganun pa man, suriin niyo lang mabuti ang aaplayan niyo at ang papasukin niyong trabaho dahil kayo mismo ang nakaka-alam basta't pagdating sa money matter critical na po na usapan yan. Pakishare ng mga videos natin para sa kaalaman ng iba at para hindi rin sila mabiktima ng scam. Salamat sa panonood ng mga videos san nakatulong sayo.
@@RyanGuzman-yh3zp Ikaw mismo makikita mo yung proseso nila ng recruitment kung tama, basta wala naman kayong nilalabas na pera kailangan lang maging mapanuri kayo dahil yung mga requirements niyo lalo na yung passport kapag naibigay niyo na yan sa recruitment agency tapos di pala legit... naku problemang malaki yan.
@@RyanGuzman-yh3zp Ang masasabi ko nalang sayo para makasigurado ka, magpunta ka sa DMW i-verify mo kung accredited ang recruitment agency na inaplayan mo pati job order i verify mo na rin. Ok!
Sir legit po kaya itong inapplayan ko ?? nakita kolang sa fb yung post nya tas sabi po send lang ako email.. nakatanggap ako message bukas pinapapunta ako sa cubao.... para sa interview
Try mo puntahan dahil di mo masasabi kung legit yan or hindi as long na hindi mo nakikita kung ano ang proseso nila ng job hiring... basta't ito lang ang tandaan mo, kapag meron ng pera na kasama or paniningil bilang bayad at medical kaagad na hindi mo naman alam kung tanggap ka or hindi... Isa lang ang masasabi ko sayo huwag ka ng magtagal umalis ka kaagad dahil yan ay scam. Salamat sa panonood ng mga videos sana'y nakatulong sayo.
Good day sir, panu po un ung sa website nila marami negative comment , nkapag medical n po tpos mmr, saka nkpag pdos npo , late kuna po nabasa sa website nila, pag nkapag pdos po ba legit po ba agency nun, sana masagot po salamat
Ang ibig sabihin ng PDOS ay Pre-Departure Orientation Seminar, kapag nagpdos ka sa madaling sabi ay paalis kana. Subalit maraming Recruitment Agency may PDOS pero hindi legit kasi madali lang magconduct ng PDOS, para makasigurado ka, itanong mo sa POEA libre naman at i-aassist nila kayo at ikaw mismo nagsabi nabasa mo mga negative comment sa website nila. Sana nakatulong sayo. Salamat po!
Salamat po sa pag sagot, nbabahala lang po kasi ako lalo n po pag pera pinang uusapan mhirap lng din po kc ako kya nga po ng babasakali n rin para sa pamliya,,🥰🙏🙏
Tama! kaya nararapat lang na maging maingat ka. Salamat din po sa support nyo sa channel na ito. Sana po nakatulong sayo. Good luck sa iyong journey abroad!
Hindi na po legit maliban kung on process ang renewal ng license nila, pero matanong ko sayo kung paano mo nalaman na expired na ang license kung nasa website pa rin ng POEA ang name ng agency? Wala bang remarks na nakasulat kung bakit expired na ang license pero andun pa rin?
Kapag ang pangalan ng recruitement agency ay naka-registered or accredited ng POEA na ngayon ay DMW na at hindi expired ang kanilang registration, ibig sabihin ay lehitimo ang kanilang recruitement agency. Pero kung iba ang address ng kanilang contact representative... iba rin ang ibig sabihin ng ganun dahil baka ginamit niya lang ang pangalan ng recruitement agency para maka-scam sya or talagang may problema ang recruitement agency kaya magkaiba ang address. Salamat sa panonood ng mga videos sana ay nakatulong sa inyo.
Di naman sa nilalahat pero lagi ninyong tandaan sa paghahanap ng trabaho, kapag nag-apply kayo at hiningian ng pera, medical or siningil at pinangakohan ng magandang trabaho huwag niyo ng ituloy baka mapasubo lang kayo at magsisi bandang huli... sayang lang ang gastos niyo at pagod sa mga scammer na yan. Salamat sa panonood ng mga videos. Sana nakatulong sa inyo.
ask ku lng po pwedi po bng singilin aku ng agency ng 40k eh wla pa akong pinirmahan na contrata..nagastos lng po nila saakin ay ung pag papassport ku lng atsaka premid?
Yung nangyari sayo ay nangyari na rin yan sa ibang applicants abroad. Yun ang malaking problema sa mga ina-alok or nag-aaply na walang gastos at libre lahat sabi nga ng mga recruitment agency sila lahat ang magproprocess pati passport, premed, training mo etc. hanggang sa maka-alis ka. Well, maganda yan pakinggan sa part ng aplikante pero ito ang malaking problema, kapag umayaw kana sa alok nila sayo at nakuhaan kana nila ng passport etc. o anuman ang ginawa nila sayo ay pagsasama-samahin nila kung magkano lahat ang nagastos nila at sisingilin nila sayo yun at kailangan mong bayaran yun dahil walang kinalaman kung wala ka pang pinirmahan na kontrata dahil ang sinisingil ng agency sayo ay processing fee at hindi placement fee kaya kailangan mong bayaran talaga yan para maibigay sayo passport mo, di ka na rin pwede makakuha ng panibagong passport dahil may record kana sa DFA. Maraming salamat sa panonood ng videos sana nakatulong sayo.
goodnoon Sir ask ko po sana kung legit po ang Agency na magkaiba ang address na nakalagay sa dmw at facebook page nila?baka po kasi ihold nila mga papers namin kapag nagreport na po kami bale cleaners po paDubai ang inaaplayan namin Sir.sana mapansin salamat po ng marami
Alamin niyo muna kung bakit magkaiba ang address nila? Tama ka! Dapat maging sigurado kayo dahil wala na kayong magagawa kapag naipasa niyo ang mga dokumento niyo mahihirapan lang kayo bawiin yan. Ang legit na agency kung ano ang address na nakaregistered dapat yun na ang address nila hindi pwede yun na magkaiba ang address na nakasulat sa registration nila at ang address sa kanilang opisina. Bagamat facebook yan, siguraduhin niyo pa rin dahil bandang huli kayo rin makikinabang kung tama ang hakbang na inyong gagawin. Maraming salamat sa panonood ng mga videos. Sana nakatulong sayo.
Paano Naman Po Kung direct hiring daw PO . Saka nag hihingi po Sila ng 5k para mag ka visa Yung aplikante .Saka pinag process ng madical passport. Saka Hindi po nila sinasabi Kung ano po Yung agency nila dito sa pinas..
Kapag working abroad naman, ito ang isa kung sasabihin sayo kung yan man ay totoo... delikado pa rin dahil kung direct hiring ang papsukan mong trabaho anuman ang mangyari sayo sa ibang bansa wala kang pupuntahan at malalapitan. Saan ka pupunta kapag nagkaroon ka ng problema sa trabaho?
Ito ang pangalawa, alamin mong maigi kung sinong tao ang kausap mo at kung ano ang pangalan ng international agency at hanapin mo sa POEA Website kung sila ba ay registered and accredited ng POEA, kapag hindi sila registered... wag ka ng tumuloy magsasayang ka lang ng gastos at pagod.
Ang pangatlo, sa tingin ko online ang inaplayan mo...tama ba? Ang legit na job hiring abroad, magsasabi sayo kaagad kung ano ang pangalan ng agency at parereportin sa kanilang agency para dumaan sa unang proseso ng kanilang job hiring. Sasabihin nila lahat sayo kung ano ang gagawin mo sa pag-apply abroad, mga requirements na dapat mong ipasa muna sa kanila kasama na ang passport mo. Ang agency na naglalakad ng passport ay Domestic Helper ang inaaplayan wala ng iba.
Pang-apat, Ang totoong job hiring hindi agad nanghihingi ng bayad kahit piso kapag di ka pa nakapagpasa ng mga requirements sa kanila lalo na kung wala ka pang passport na ipinasa sa agency na papasukan mo.
Ang medical naman, agency talaga ang magsasabi sayo kung saan ka magpapamedical pero gagawin nila ito kapag may mga requirements ka na na ipinasa sa agency mo.
Merong website ang DOLE about sa mga local agencies pero dapat alam mo ang tamang registered name at maging ang address. Pero marami pa rin ang registered agencies na mas malala pa ang ginagawa kaysa sa mga hindi legit na agencies sobrang higpit pa. Kaya ang masasabi ko lang tungkol sa usapang legit na local agency ay kapag nagbibigay ng maayos na trabaho, ok ang pasweldo, benepisyo at walang pinababayaran or sinisingil ng kung anu-ano sa mga aplikante... that's a simple definition of a legit agency. Maraming salamat sa panonood ng mga videos, sana nakatulong sayo.
Grabe po Yung pangaabuso samin Ng company at agency namin imagine 8yrs nakong trabahante nila pero walanG pagreregular, at Hindi pagbabayad Nang Holiday, walanG night differential. Ask kuna din Kung miron bang private company or my company bang pede nilang sabihin na Hindi sila nagreregular? Ang Inyo pong sagot ay tatanawin po naming utanG na loob more than 200+ production worker Hindi pa kamasa packaging grabe ang panglalabis Ng company namin 😥
Good evening sir,Legit po ba ung CSHRS agency nasa monumento po office niya sa second floor po before kuhaan ng NBI clearance..nag bayad po kasi ako 250 refundable daw po un,tapos pina medical na din po ako nag bayad po ako 1300 pero diko po nakuha ung result sabi po ng Dr.ung agency na daw po ung kukuha e,tapos ngayong nkaanuwi na ako ngayon kolang po naisip un parang minamadali po kasi kami tapos sabi kahit 800 lang pera namin siya na daw mag shoulder ng kulang..sana ma sagot po.
@@jimmilynbombales1952 Hindi po ako makakapagsabi kung legit or hindi ang agency na yan as long na napanood mo itong video na ito, naintindihan mo at sinunod yun na po yun. Maraming salamat sa panonood. Sana nakatulong sayo ang video na ito.
Naku! Wag kang maniwala sa ganun mapapahamak ka lang dyan. Kung yung mga nag-abroad nga na may recruitement agency dito sa Pilipinas ay naloloko pa, gaano pa kaya yung wala sa bansa natin eh di mas lalong maloloko ka. Umiwas ka nalang para di ka magka-problema. Salamat sa panonood ng mga videos sana nakatulong sayo.
@@jobpreneurDYJ0318 iba pa nga po sir ung sa country code nya eh sinearch ko nigeria.tpis keiwet corporation company sa canada ppde bo b mngyari un nsa ibang Bansa ang nag hihire
Syempre naman lahat ay meron interview. Paano ka tatangapin ng inaplayan mo kung hindi ka nakausap. Ang purpose kasi ng interview ay para ipaalam sayo ng papasukan mo kung ano ang scope ng magiging trabaho mo at the same time alamin nila kung ano ang background mo or pagkatao para malaman ng papasukan mo na karapat-dapat ka. Salamat sa panonood ng mga videos sana nakatulong sayo.
Pumunta po ako sa isang agency sir. Pinapabalik nila ako mag medical daw po ako pero sa clinic medyo malapit sakanila mga isang sakay po scam po ba yun pero magaganda ang job offer nila
Huwag po tayo papasilaw sa magandang offer dahil walang kumpanya na magpapasweldo sa tauhan na walang ginagawa at kung maganda sweldo sure yan maraming challenges yan at risk sa trabaho. Lagi kong sinasabi na medical ay requirement yan sa trabaho pero dapat ay alam mo na kung saan ka papasok na trabaho, tanggap kana ba sa trabaho at alam kung ano ang trabaho mo hindi yung saka mo na malalaman kapag tapps na ang medical mo.
Tandaan po ninyo na ang job hunter ay walang pera yan, madalas inuutang pa ang pinanggagastos sa pag-apply ng trabaho tapos mapupunta lang sa wala di ba. Kaya kapag may money matters sa job application, ingat na po kayo. Salamat sa panonood ng mga videos sana ay nakatulong sayo.
Sir paano mlaman po nmin ung agency ng nanay kpo NSA damam Saudi sya ngaun hindi po nmin mtawagan ung nanay k hangang ngayun po sir pangalan ng nanay k RHEALYN BAGNATE PEÑAFLOR PO TGA ILOILO PO SYA SIR 2022 sya omalis punta ng damam sir sana po mtolongan po nyo kmi sir
Kailan nyo ba huling naka-usap ang nanay nyo sa telepono nitong sa Dammam na siya? Wala ba siyang nabanggit sa inyo tungkol sa agency na may hawak sa kanya dito sa Pilipinas bago sya umalis?
Dahil kung may problema ang nanay nyo sa Dammam na naging dahilan kaya di niyo sya makontak, kailangan legal ang kanyang pag-alis dito sa Pilipinas ibig sabihin accredited or rehistrado sa POEA ang kanyang agency na nagpa-alis sa kanya puntang Dammam dahil nakarecord yan sa POEA.
Kung sakali man rehistrado sa POEA ang kanyang agency na napasukan ay madali lang malaman sa POEA ang kanyang agency hahanapin lang ang kanyang pangalan, ito lang kung may problema ang nanay mo sa Dammam.
Malalaman mo ang isang agency kung legit or scam kapag hindi ka maglalabas ng pera kung wala pang kasiguraduhan na natanggap kana sa trabaho. Ang medical at vaccine ay binabayaran talaga yan ng aplikante pero siguraduhin mo na tanggap kana sa trabaho bago ka gumastos yan ang tamang proseso.
Para makasigurado ka kung legit ang agency na inaplayan mo i-verify mo muna sa POEA kung nasa listahan sila ng accredited recruitment agency dahil doon mo malalaman kung ang agency ay licensed ng POEA or hindi at kapag wala sa list of accredited agency ng POEA, it means scam yan, wag ka ng tumuloy para di ka madismaya. Sana nakatulong sayo. Salamat sa inyong support sa channel na ito. Good luck!
Madali lang naman po dumulog at magreklamo sa POEA or OWWA anytime dahil sila ang may hawak ng mga international recruitment agency ng bansa, kaya lang po yung abala sa parte ng nagreklamo ay perwisyo lahat pati pamilya mo magsasakripisyo dahil sa napakaraming proseso na hindi maintindihan ng isang ordinaryong mamamayan dahil sa batas natin na walang pangil, kapangyarihan ng salapi at bahid ng kurapsyon ng mga nasa posisyon. Nasa inyo na po yun, kahit ako man gusto kung maalis mga yan dahil kawawa yung mga nabibiktima nating kababayan. Kaya lang yun po ang realidad sa ating bansa pinoy kapwa pinoy naghihilahan pero nakatingala sa mga dayuhan. Ang sa akin lang po, mag-ingat nalang po tayo upang hindi tayo mapasubo at magkaroon ng sapat na kaalaman para hindi po tayo malinlang ng mga taong mapagsamantala sa kapwa. Salamat po sa panonood ng mga videos, sana nakatulong sayo. Good luck!
Ang dapat naman talaga kung pagbabayarin na kayo ng Placement Fee ay kung may Visa na kayo yun ang tama dahil ang ibig sabihin noon ay may assurance na ang recruitement agency na meron ka ng papasukang kumpanya abroad. Kaya lang, ang nangyayari sa ibang mga recruitement agency di mo pa nga alam kung pasado ka sa medical ay hinihingian kana kaagad ng placement fee, ikaw naman dahil gusto mo ng trabaho lalo na kung maganda ang offer ay nagbigay ka kaagad, ngayon bumagsak ka sa medical... dyan na nagsisimula ang problema dahil kung anong paliwanag nalang ang ginawa ng mga agency dahil di nila maibalika ang placement fee na ibinayad ng applicant. Salamat sa panonood ng mga videos, sana nakatulong sayo.
@@melchormariscal2780Kapag ang pag-aaply ng trabaho ay meron money involve or mga bayad na hindi pa kayo dumaan sa tamang proseso ng pag-aapply ay dapat maging maingat kayo.
@@JanethGomez-v2c Hindi namin alam kung legit or hindi dahil kayo mismo na mga nag-aapply ng trabaho ang makapagsasabi sa mga agency. Palagi ko lang sinasabi na kapag meron money matter or collection kapag kayo nag-apply ng trabaho ay dapat mag-isip na kayo. Pwede niyo panoorin ang video na ito ng paulit-ulit para hindi kayo malinlang ng mga scammer. Salamat sa panonood ng mga videos sana nakatulong sayo.
@@jobpreneurDYJ0318 yes may processing po na 60k Taz Hindi cla dumadaan sa owwa at mgbayad din po kmi ng 190k placement fee pro Marami ng nkapunta doon at nkpagsabi na ok tlga ang trbho mlaki ang sahod umaabot 180k
@@JanethGomez-v2c Ito sabi ni Ms. Janeth sa comment niya, ok daw naman ang agency na yan. Pero kung gusto mo talagang malaman kung legit sila eh di mas mainam na i-verify niyo sa OWWA or DMW Dept. of Migrant Workers sa Ortigas para masigurado niyo na accredited sila ng DMW. Salamat sa panonood ng mga videos sana nakatulong sa inyo.
Ano po ba ang sinasabi niyo na biometric, ito po ba yung upgraded ng time card? Kung ito yung binabanggit niyo, kayo po ay ire-register sa biometric ng company kapag kayo ay nakapasok na dahil yun yung attendance everytime na pumapasok kayo trabaho. Madali lang po yan minuto lang ay tapos na. Salamat po, sana ay nakatulong sayo.
Hindi ko pweding sagutin ang tanong mo, basta ang lagi niyong tandaan kapag may pera na sa pag-apply niyo ng trabaho... mag-isip na kayo. Suriin niyo rin mabuti kung ano ba talaga ang proseso nila dahil kayo mismo na job applicant ay makikita niyo yun. Iwasan niyo magpadala o kaya ay masilaw sa magagandang trabaho na inaalok sa inyo. Salamat po sa panonood ng mga videos sana nakatulong sa inyo.
Totoo yan sa Monumento marami talaga dyan may tawaran pa nga para maperahan ka lang, pipigain ka nila bago ka palabasin sa kanilang office tapos kapag wala kang binigay sa kanila galit pa sila sayo. Kaya kailangan talaga maging mapanuri ang isang job applicant, suriin niyo mabuti ang mga nag-aalok ng trabaho huwag kayong easy to get para di kayo ma-scam. Maraming salamat sa panonood ng mga videos, sana nakatulong sa inyo.
Ano klase ka bang HR na hindi marunong maka-intindi paano ka nag-iinterview ng aplikante... dapat sarili mo muna ang iniinterview mo para matuto kang umitindi dahil ikaw ang BOBO! Malamang scammer ka kasi masyado kang apektado sa video na 'to! Kung HR ka na matino at nakakaintindi sa video vlog na 'to dapat di ganun ang reaksyon mo dahil sa reaksyon mo ay nagsasabi na TANGA ka! Alam mo ba kung Bakit? Hindi ko naman sinabi sayo panoorin mo ang video na ito at di rin pinipilit na may matutunan ka dahil wala akong paki-alam sayo at di kailangan panoorin ng TANGA AT BOBO ang mga videos na 'to dahil yung marunong lang ang makakaintindi nito at hindi ang mga HANGAL. Huwag kang mandamay ng iba at huwag mong pagbuntungan ang video na ito sa KABOBOHAN AT KATANGAHAN MO! di ka pweding mag-HR BOBO ka na TANGA ka pa... hindi ka marunong umintindi!
Malamang marami ka ng na-scam na mga aplikante sa medical... kailangan mong gumamit ng sabon panlaba para malinisan yang konsensya mo sa mga naghahanap ng trabaho. HR daw ito si pogi RAYMOND ESPEJON... "The HR scammer" mag-ingat kayong mga naghahanap ng trabaho baka ma-encounter niyo ang HR na ito...kawawa lang kayo. Mantakin mo ang mga komento niya sa video na to... ang ibig niyang sabihin kailangan magpamedical agad ang aplikante kapag nag-apply ng trabaho... Kung di ba naman ito BOBO na TANGA ng HR kuno siya. Ipapa-medical mo yung aplikante, paano kung di natanggap sa trabaho ano mangyayari... eh di kumita ka HR na SCAMMER!
NAKAKABWESIT ITONG HR NA SCAMMER NA'TO BOBO AT TANGA! Sa video na ito, hindi sinabi na huwag magpamedical or hindi kailangan magpamedical ng aplikante. Ang medical need yan ng kumpanya at isa mahalagang requirement na kailangan i-comply ng NEWLY HIRED EMPLOYEE AT HINDI JOB APPLICANT... Ibig sabihin saka ka lang magrerequired ng medical kung 100% tanggap na ang aplikante at ganun lang ka-simple! Yung sinasabi sa video na ito... sana maka-intindi ka HR na BOBO salapi lang ang kailangan sa aplikante. MAAWA KA UY! Ang aplikante ay walang pera yan nagtitiis sa gutom, pagod at nakikipagsapalaran lang yan para magkatrabaho at makatulong sa pamilya tapos mai-scam lang... ang iba nga dyan inutang pa ang pamasahe para lang makapag-apply ng trabaho.
Hindi po namin masasabi kung legit sila or hindi dahil kayo mismo ang makaka-alam at malalaman niyo yan kung yung mga sinasabi namin dito sa video na ito ay kung yun ang nangyayari sa job hiring nila. Lagi lang namin pinapaalala sa mga applicants na ang pag-aapply ng trabaho ay wala po bayad at dapat meron proseso kaya kailangan alam niyo po yun bilang job applicant. Maraming salamat sa panonood ng mga videos sana nakatulong sa inyo.
Thank you sir may natutunan ako sa vlog nyo.
Nag apply kami ng aswa ko ,kasi urgent daw sa fb nya nakita . Pagpunta namin pinabyad kami ng 300/head tapos medical 1200 ... Babalikan namin bukas yung result ng medical tapos orientation na daw namin
@@AntonioRegalariojr Derechahan tayo... ganyan ang ang sinasabi ko sa video na ito, ganito kasi ang strategy or paraan ng mga scam na hiring. Dapat napanood niyo muna itong video ng asawa mo bago kayo mag-apply. Salamat sa panonood sana nakatulong sayo.
@@CristydagalaOraa Palagi niyo pong tatandaan na ang pag-aapply ng trabaho local man or abroad ay hindi para magbayad kayo ng anumang halaga o' kaya ay magpamedical agad kung hindi niyo pa alam ang katayuan niyo bilang aplikante. Ang pera kapag ibinayad niyo hindi na yan maibabalik sa inyo kahit anong gawin ninyo. Kaya mahalaga pa rin ang may alam ng hindi maguyo ng mga mapagsamantala. Salamat sa panonood ng videos, sana nakatulong sayo.
BIOMETRIC FEE **because anyone applying for a working or student visa will have to give the biometrics fee payment so now just let us know when you gonna pay the *biometric fee* so we can inform the *embassy* and all you have to pay is just the sum of * £50 pounds sterling * only .
Sakin sir nung nag ask ako through messenger about job hiring na nakita ko sa fb inischedule agad ako kinabukasan then pag dating ko may hiningi sila registration fee daw worth of 300 pesos tapos magpa medical na daw ako para ma deploy nag bayad ako 1,100 sa medical bali 1,400 po agad. Tapos nung nakuha kona yung result bumalik ako sa agency para sa deployment daw then nanghihingi nanaman sila ng another 500 para sa deployment. Dun napo ako kinutuban na scam lang yung agency na napuntahan ko 😢
Ganyan din po skin kahpon lng nangyari..yung workforces po sa kamuning station.hwag po kayo mag aapply dun..nanghihingi ng pera for deployment. Tapos hnd naman walA p talagang company p. At sa may munoz market / roosevelt station s may 2nd flr..isa din yun main branch nila...hwa na kayo tumuloy sayang pamasahe nyo. Pls..
yung sa redoorz ba? nag punta ako don nag aapply ako sa J&T tapos na niningil ng 180
Yun lagi ang sinasabi namin sa mga job applicants na kapag merong money involve ang inaaplayan niyong trabaho... mag-isip na kayo dahil ang naghahanap ng trabaho ay nangngailangan ng pera dahil walang pera... eh bakit pa kayo hihingian ng pera or pagbabayarin eh ikaw nga ang naghahanap ng pera kaya kailangan mo ng trabaho di ba. Kaya paki-share ang video na ito para sa kaalaman ng iba at para hindi rin sila mabiktima ng scam. Salamat sa panonood ng mga videos, sana nakatulong sayo.
Aq rin po kanina 05/25/2024
Sa cubao .E.Rodriguez (YBA .directservice Inc.) sa building FMSG room 213 . kakapaxok q lng hired n agad aq matutuwa n sna aq kaso biglng hiningian aq ng 300 pra dw sa pg gamit ng name ng agency.at pg procesa ng papel q to company n papasukan q tas medical agad agd meron clng srling clinic hindi pd na sa iba k mgpa medical Sabi q wla aq pera .ayq nila aq palabasin kya sabi q nlng babalik aq sa monday peo d n q babalik ..sa harapan sila.ng petron color blue ang building
@@winallyndevera1131 Yun ang lagi niyong tatandaan na umiwas nalang kayo kapag meron ng bayad o singilan sa pag-apply ng trabaho para hindi kayo magsisi sa bandang huli. Sana ang video na ito ay nakatulong sayo.
Sir, pano naman kung legit yung agency bound to italy as farmer, may placement fee na 300k, pero hindi ko makita yung job order nya sa dmw? Itutuloy ko pa ba?
Ano po ba ang sabi sa inyo ng agency nang mag-apply kayo sa kanila? Dapat naman talaga legit ang agency na aaplayan ninyo abroad dahil kapag hindi accredited or registered ang name ng agency sa DMW... kawawa ang job applicant. Mainam yan at nalaman mo na walang job order sa DMW dahil ang ibig sabihin noon kahit legit yung agency kung walang JO sa DMW ang aplikante ay maaring gawin lamang reserba sa job hiring nila. Ngayon, ang mangyayari sa aplikante ay mag-aantay kung kelan magkakaroon ng JO sa DMW para makalipad. Salamat sa panonood ng mga videos, sana nakatulong sayo.
Nice explanation!!! Well said Sir ❤️.
Maraming salamat sa panonood ng mga videos. Sana nakatulong sa inyo.
Sakin maganda kumpanya label pero gusto bigay agad yung security bond kuno para sa mga laptop na gagamitin, ingat mga kapatid
Basta't lagi niyong tandaan, kapag may money involve during job application... huwag nyo na po ituloy. Salamat po!
Katulad sa akin sir sa Monday daw Ako deploy.nagpasa ako ngayon BioData kinabukasan nerequest agad Ng agency magmedikal ako kc daw deploy naraw ako sa Monday eh Hindi kopa kaharap Yung employer
Tama yun deployment... pero deployment pa lang yun... ibig sabihin for screening or interview ka pa lang sa employer di mo pa alam kung matatanggap ka or hindi. OK kung mataggap ka... eh paano kung hindi, ano mangyayari sa medical expenses mo? Kailangan talaga ang medical sa trabaho pero i-rerequired ka lang dapat kung 100% ka ng tanggap sa trabaho dahil yun ang last requirements dapat. Alamin mo muna kasi mahirap magsayang ng pera ngayon.
Paki-share at paki-comment na rin sa iba pa nating mga videos. Pls. subscribe para update sa mga bago pa nating videos tungkol sa trabaho. Salamat sa support sa channel na ito.
Set hiningi po sa akin Ang buong pagalan TAs hinihingi po Ang email dapat ko po bang ibigay sa messager
Nag aplay po Ako sa messager ser
Nakapagpasa na po ako ng Passport, Cv, E-registration and COE, at sinasabi nilang may cashbond daw sila na kinucollect para sa visa application gawa ng ibang empleyado na hindi natutuloy tapos gumasto na daw ang agency nila tapos need ko na daw mag bayad ng 12k for visa cashbond para ma-schedule din daw po ako sa medical ngayong May 30, 2023
Tinanong ko din bakit hindi muna ako interviewhin ng employer, ang sabi ng agency is may employer na daw po ako kapag may visa na. nag doubts tuloy ako kasi wala akung assurance. ASMACS po pala yung inaapplyan ko
Ano po ba ang trabaho na inaplayan ninyo sa kanila at yung passport niyo po ba na pinasa sa kanila ay yung original mismo? Hindi po ako sa nagmamarunong at nanghuhusga sa inaplayan mong agency abroad, pero ang totoo po dyan ang lehitimong agency ay wala pong cashbond na kinokolekta lalo na wala ka pang medical, yung medical ba ay sagot ng agency na inaplayan mo or ikaw mismo ang magbabayad? alam mo kung bakit? Hindi ako naniniwala na marami ang umaayaw na aplikante (mali po yun, hindi empleyado) at gumastos na sila dahil kapag umayaw ka na aplikante eh hindi kana pwede makapag-apply sa iba dahil hawak na nila original passport mo, eh ano pa ang magagawa mo? How much more kung bumagsak ka sa medical sa tingin mo ba may kasiguraduhan sila sayo na mabibigyan ka nila ng trabaho or maibabalik ba nila ang pera mo na cashbond? Ang sagot dyan ay HINDI!!!
Tingnan mo kung gaano kasigurista ang mga recruitment agency natin sa Pilipinas kahit man scammer yan or legit na mga agency abroad. Kapag nag-apply ka sa kanila, kailangan mo munang magpasa sa kanila ng original passport, kapag wala kang passport ay pakukuhain ka muna nila depende sa aaplayan mong trabaho... dahil kung DH ang aaplayan mo at makita nila sayo na pwede ka, sila na ang mag-ooffer sayo sa sila ang kukuha ng passport at sila na rin ang magpro-process ng lahat ng requirements mo lahat yun pati gastos sila ang sasagot pero wala ka ng kawala doon dahil hindi kana makakapag-apply pa ulit sa iba dahil sila na ang may hawak ng papeles mo di ka na pwedi g makakuha ulit, kung gusto mo naman kunin sa kanila sa agency ay kailangan mong bayaran yung halaga na ginastos nila lahat. Sa ganitong sistema sa bansa natin, ang mga aplikante abroad ay meron bang laban? DI BA WALA? Salamat sa panonood ng mga videos sana nakatulong sayo.
Farm worker po sa Australia. kakasubmit ko lang po ng Cv ko ng morning maya-maya hiningan na po ako ng E-reg, scanned passport at COE lahat po scanned documents. doon na nila susunod yung about sa cashbond ng visa tapos ang sabi sila na daw po bahala mag schedule ng medical ko at ielts kapag nakapag bayad na po ako ng visa ko, kapag daw bumagsak ako doon rerefund daw po nila yun. tapos nanghinge ako ng account number if sakali Asmacs Agency din po pangalan ng account nila.
laking tulong po yung nga videos nyo sa mga katulad ko sir❤️ Godbless po😇
Totoo naman yun na sinasabi nila na may employer kana kapag meron ka ng visa... eh common sense naman yun, paano ka magkakaroon ng visa kung wala kang employer di ba? At bakit ka nga nila kokolektahan ng 12k para visa eh hindi ka pa nga naiinterview ng employer mo lalo na hindi mo alam kung sino employer mo di ba? To make it short habang maaga pa para hindi yan lumala ay mag-apply ka sa ibang agency kunin mo sa kanila mga requirements mo na pinasa... yun nga lang di ako sure ano mangyayari sa inyo sa agency na inaplayan mo. Salamat muli & Good luck!
Sir sana masagot po ito.
Plss.nag apply ako as factory worker.nag pass resume at nag bigay reffer for midical at deployment kinabukasan tps Tuesday orientation daritso nadaw po yun katapos ng orientation pasok at may stay in daw at stay out. Kc hinde daw sila basta basta tanggap kapag wala slot pag nag pinadala daw sa orientation matic daw may trabho na
Ano po ang nangyari, sinunod niyo ba kung ano ang sinabi sayo ng inaplayan mo bilang factory worker? Totoo ba ang sinabi nila sayo at nabigyan ka ba nila ng trabaho ngayon? Hindi kasi natin masasgot kung walang tanong dahil hindi natin alam kung ano ang sunod na nangyari sa pag-aapply mo? Salamat po sa panonood ng mga videos, sana'y nakatulong sayo.
Sir normal processing fee po ba yung magbabayad kmi ng 1month salary dto sa pinas ng in cash tapos 1month salary in cash din sa agency ng Singapore and another 1month salary deduction na naman?
Meron po talagang placement fee kapag nag-apply ka abroad pero nakadepende yan sa recruitement agency kung salary deduction or babayaran ng applicant bago lumipad pa-ibang bansa. Di ko lang alam kung tungkol saan yung sinasabi mong processing fee ng agency dahil di mo naman nabanggit. Mas maganda kung lilinawin mo or itatanong mo sa management nila kung tungkol saan yung mga processing fee na babayaran para mawala yung agam-agam ninyo dahil hindi biro yung halaga na babayaran ninyo at siguraduhin niyo lang na registered or accredited ng DMW ang recruitment agency na inaplayan ninyo bago kayo magbitaw ng pera para hindi kayo magsisi sa bandang huli. Salamat sa panonood ng mga videos sana ay nakatulong sa inyo.
@@jobpreneurDYJ0318 thank you po sir🤍 much appreciated po
Hello po . Yung bf ko po kase nag apply as draftsman sa saudi . Ngayon, nag interview na po siya . Then nung nakapasa , sinend na po job offer . Ang problema po sa pinakitang job order machine operator ang ilalagay nila para daw mas madali makaalis .
Sa tingin nyo po ba , scam po ?
Ganun talaga sa Saudi, ang totoo kapag nandoon kana nagbabago yung kontrata mo na pinirmahan dito sa bansa natin sa Pinas at nagbabago din ang trabaho mo na inaaplayan lalo na kung di ka skilled worker. Para makasigurado ka na hindi scam ang inaplayan ng bf mo, i-check sa DMW website (dating POEA) ang company name ng recruitement agency kung nakaregistered ba or accredited sila. Salamat sa panonood ng mga videos sana nakatulong sa inyo.
Ask ko lang Po Kasi kanina Sabi sakin pa medical daw Muna ako Bali 1100 Po ung medical tapos balik daw akk kinabukasan para sa Orientation pero dapat Dala ko na daw Po ung result ng medical. Kahit to be follow nalang daw Po ung iba
Nakapagpasa na po ba kayo ng application or resume sa inaplayan ninyo? Ano po ba yan agency ba or direct hiring company? Nainterview ka na ba ng HR or personnel nila sa inaplayan mo ng trabaho?
Ito ang lagi kung sinasabi, kapag ang inyong inaplayang trabaho ay merong money involve or kahit kusing na babayaran na ikaw na nag-apply ng trabaho ay hindi alam kung ano ang iyong status bilang applicant... mag-isip naman po kayo huwag kayong masyadong pa-aakit sa magagandang alok tungkol sa trabaho para hindi ka magsayang ng pera, oras at pagod.
Kapag nerequired kayo ng medical agad-agad or hinigian ng pera kahit magkano man yan ay huwag na kayong magdalawang-isip umalis nalang kayo or tanggihan niyo na basta't magpaalam lang kayo ng maayos para at least kahit paano naging magalang pa rin kayo sa kanila. Salamat sa panonood ng mga videos sana nakatulong sa inyo.
@@jobpreneurDYJ0318thank you sir, I learned a lot on this video very helpful to others same experienced, pina medical ako agad money involved then following day briefing daw ak0 with taiwanese broker and medical refunded daw . So hindi ako tumul0y kinutuban na kasi ako.
Sir ask ko lng po,meron kasi ako inapplyan kanina sa isang consultancy manegement services ,nag bayad po kami ng 300 for processing fee po daw.tapos ngayon bngyan kmi ng referral for medical worth 1200.pero sabi ko meron na po ako medical sbi ko pwede yun lang sa akin kasi bago lang ako nag medical.pero sabi ng consultant magbayad parin daw po ako ng 750... Anu po sir legit po kaya ito or scam lang din po
Hindi po ako pweding magsabi kung ano sila dahil di ko alam kung anong klaseng agency ang inaplayan niyo basta't yung mga sinasabi dito sa video na ito ay nangyari sa inyo kapag kayo ay nag-apply ng trabaho, malamang ganun po yun. Ang palagi ko po sinasabi na kapag ang inaplayan niyo ay meron money involve... mag-isip na po kayo. Salamat sa panonood ng mga videos sana'y nakatulong sayo.
Salamat ser❤
Salamat din sa panonood ng mga videos, sana nakatulong sayo.
Hr ako intervierwer ako sir mga choices ako sa mga applicant kng may problem sa mong medical sabihin mo sorry nalang sa applicant sabihin mo bubo hndi ganon
@@raymondespejon8971 Sino ang sinasabihan mong bobo? Kung HR ka dapat alam mo yan kung paano at kailan ang medical? Ang choices about medical ay given na yan... ang point dito ay maraming job hiring inuuna ang medical na hindi naman sure kung hired or hindi ang applicant, saan ba ginagamit ang medical ng applicant? During application or interview ba or when hired?
Na scam ako sir 😢 pina medical ako agad need daw muna mag pa medical bago ma deploy FRS job assistance
Paano ka na-scam? Ano ginawa mo?
Ask ko lang po kasi po meron isang tao na nakilala ako sa Facebook nagaalok or naghihikayat sila sa mga gusto daw mag trabaho mag text at message lang daw sa kanya if want.. pag tingin kopo sa profile nya and Facebook ay puro yung mga nag apply na tao sa kanila pero may takip Ang muka tska pangalan nila yung trabaho Lugar sahod at kailan na destino lng makikita mo.. legit po ba yun or scam?
Mahirap naman po maging judgemental dahil ang kalalabasan ay nagbubuhat ako ng sarili kong bangko. Ang ibig kong sabihin bilang isang aplikante or job hunter ay maging mapanuri tayo lalo na sa mga nag-aalok ng trabaho online pero hindi ko sinasabi na lahat ng online job hiring ay scam dahil marami din ang mga online job hiring na legit. Kung tutuusin nga mas magandang sistema ang online job hiring para sa mga naghahanap ng trabaho dahil bawas gastos sa pagkain, pamasahe at pagod kaya lang naging masama ang imahe ng online job hiring dahil sandamakmak din talaga ang mga scammer. Ganun pa man, ito ay nakasalalay pa rin sa isang aplikante kaya kailangan suriin niyo rin maigi lalo kung may money involve ang job hiring lalo na kung may pababayaran sayo tapos hindi mo naman pala alam kung saan ka mag-aapply ng trabaho.
Ito ang masasabi ko sayo dahil sa nabanggit mo na rin naman kung paano kayo nagkakilala at nagtataka ka sa profile picture na nakita mo. Mag-background check ka sa mga comments ng post nila lalo na ang fb profile or page kung meron man, doon mo yan malalaman kung legit ba yan or scam. Tandaan mo, iwasan magtanong ng mga technical questions doon sa nag-aalok sayo ng trabaho para malaman mo kung legit or scam ang online job hiring nila.
Kapag may pagdududa batay sa iyong background checking at merong mga inconsistent at inappropriate informations or yung hindi tama na job hiring process at may mga tinatagong impormasyon sa profile tungkol sa trabaho na inaalok sayo online... ibig sabihin scam yun pero ikaw pa rin ang nakakaalam sa trabaho na inaalok sayo kung scam or legit batay sa iyong pagsusuri. Salamat sa panonood ng videos sana nakatulong sayo.
Reporting slip binigay kami tapus nag bayd daw kami Para sa ATM
Trabaho ang hanap ng job applicant or yung naghahanap ng trabaho. Tama naman na bigyan kayo ng reporting slip kung saan kayo at kung anong company ang pupuntahan ninyo. Sa madaling sabi sa process pa lang kayo ng job application hindi niyo pa alam kung anong company kayo makakapasok at di niyo pa rin alam kung ano ang magiging work niyo... wala pa di ba?
Bakit may ATM na di mo pa nga alam kung saan ka pupunta na kumpanya na dapat ay papasukan mo... ang ATM magkakaroon ka lang kapag hired kana. Ibig sabihin may trabaho kana, alam mo kung ano work at alam mo kung saan ka papasok. Naku po lagi kung sinasabi, kapag may money matter... atras kana katrabaho lalo na kung di ka sigurado. Maraming salamat sa panonood ng mga videos sana nakatulong sa inyo.
Sir lahat na papuntang ibang bansa my intervie
Sir..god day..kalangan bang mag biometric agad sa company hire..pag tanggap ka..at saan mag biometric sa pinas..o sa ibang bansa. Tbk u..
Kung abroad ang inaplayan mo... yes meron biometric kapag natanggap ka sa trabaho at syempre dito sa Pinas yan bago kayo umalis lumipad punta ibang bansa pero maraming prosesong pinagdaanan na yan bago ang biometric. Salamat sa panonood ng mga videos, sana nakatulong sayo.
sir legit po ba ang philcango manpower services? kc natanggap ako as cleaners tapos nadin ako ma interview pinamedical na din ako tapos fit ako pinadala ko ung passport at nbi ko kc for visa daw
Ibig mong sabihin abroad ang inaplayan mo dahil for visa na sabi ng inaplayan mo. Para makasigurado kayo na lehitimo ang recruitement agency na inaplayan niyo dapat i-verify niyo muna sa (POEA) DMW kung accredited sila or nakaregistered ang pangalan ng agency bago niyo aplayan dahil katulad niyan kapag naibigay mo na ang passport mo sa agency mahirap mo mabawi yan kapag nagbago ang isip mo sa pag-aapply abroad lalo na kung namedical kana at sila ang gumastos. Salamat sa panonood ng mga videos sana nakatulong sayo.
Sir bakit sakjn sir may maraming processo tas pinapunta Pa ako bg robinsons tas wala pala😭
Maging aral sa iba ang iyong karanasan! Yun po ang sinasabi ko sa mga naghahanap ng trabaho, kailangan natin maging mapanuri sa mga job hiring na ating makikita maging sa mga nag-aalok ng magandang trabaho. Malalaman nyo yun sa kanilang proseso pero hindi ko sinasabi na maging sigurista ang isang aplikante dahil kapag ganun wala rin mapapala ang aplikante. Ang ibig kong sabihin yung paraan ng kanilang hiring process na di tama magtaka kana lalo na doon sa mga magandang offer malaki sahod, magaan na trabaho at sobrang ganda ng offer mag-isip kana. Minsan tayo din ang nagkakamali dahil kinakagat natin yung gusto natin na madali lang, wala po ganun. Ingat sa mga scammer dahil sa atin pa rin nakasalalay ang ikabubuti natin, ikauunlad at ikatatagumpay natin sa larangan ng paghanap ng trabaho. Salamat sa panonood ng videos. Sana nakatulong sayo.
ganyan nangyare sakin s baclarsn hiningian ako 300 for processing fee
Tandaan niyo po kapag may money involve or any collection fees sa pag-aapply ng trabaho, huwag na po kayo magdalawang-isip at magbaka-sakali baka mapasubo lang kayo at umasa sa wala masasayang pa ang pera niyo. Salamat po sa panonood ng mga videos sana nakatulong sa inyo.
Sir ask ko lang po nagpasa po ako ng resume sa hr kahapon tapos knina po binigyan ako ng intro for interview pumunta po ako sa store akala ko interviewhin ako kaso tinignan lang po ung resume tas binigay n intro then sabi po ok na kunin mo nalang ung mga requirements tas bumalik k dito start kana legit po ba o hindi ito ?
Ano ba ang pagkaka-intindi mo sa salitang legit or scam? Simple lang, kapag nag-apply ka ng trabaho at dumaan sa proseso at walang siningil sayo lalo na kung nabigyan ka ng trabaho at pinasweldo ka ng maayos... eh di wala ka ng pweding itanong kung legit or scam... tama ba? Salamat sa panonood ng mga videos ana nakatulong sayo.
Initial interview daw po
Yes, lahat naman ng aaplayan na trabaho ay may proseso ng interview at kasama yun. Ang dapat niyo lang pagtakhan kapag may babayaran ka sa pag-aapply ng trabaho dyan na kayo umiwas. Salamat po sa panonood ng mga videos, sana ay nakatulong sayo.
. sir pano po yung walang medical dto cebysa manila na daw at saka walang hiningi nbi .psa lng at national id...
Lagi niyo lang tatandaan, kapag may money involve or collection fees during job application... huwag na kayong magdalawang-isip na magback-out sa inaplayan ninyong trabaho baka mapasubo lang kayo. Salamat sa panonood ng mga videos, sana'y nakatulong sayo.
@@jobpreneurDYJ0318 pano PO SIR KUNG medical muna bago dw Ang interview, legit po ba ito??? Sana po masagot nio ako please,bukas n po kc Ang medical ko to London
Paano kung legit naman yung agency na pang japan peru wala namang job order sa dmw paano ba yun? Kase schexule kami sa interview daw peru tignan ko joborder ng agency wala naman oaano ba yun sir?
Pwede magkaroon ng job recruitement ang isang international agency kahit walang job order baka reserve nila adavance lang sila maghire para pagdating ng job order meron na silang madeploy agad. Ganun pa man, suriin niyo lang mabuti ang aaplayan niyo at ang papasukin niyong trabaho dahil kayo mismo ang nakaka-alam basta't pagdating sa money matter critical na po na usapan yan. Pakishare ng mga videos natin para sa kaalaman ng iba at para hindi rin sila mabiktima ng scam. Salamat sa panonood ng mga videos san nakatulong sayo.
E paano kung senabe na may employer na kaagad e sa alm ko dadaan mo na sa dmw saka nila eundergo sa agency?
@@RyanGuzman-yh3zp Ikaw mismo makikita mo yung proseso nila ng recruitment kung tama, basta wala naman kayong nilalabas na pera kailangan lang maging mapanuri kayo dahil yung mga requirements niyo lalo na yung passport kapag naibigay niyo na yan sa recruitment agency tapos di pala legit... naku problemang malaki yan.
E paano kung may approved job daw sa dmw ligit ba yon e kung walang approved job sa dmw baka sakaling canceled or nagbackout ang employer?
@@RyanGuzman-yh3zp Ang masasabi ko nalang sayo para makasigurado ka, magpunta ka sa DMW i-verify mo kung accredited ang recruitment agency na inaplayan mo pati job order i verify mo na rin. Ok!
Sir legit po kaya itong inapplayan ko ?? nakita kolang sa fb yung post nya tas sabi po send lang ako email.. nakatanggap ako message bukas pinapapunta ako sa cubao.... para sa interview
Try mo puntahan dahil di mo masasabi kung legit yan or hindi as long na hindi mo nakikita kung ano ang proseso nila ng job hiring... basta't ito lang ang tandaan mo, kapag meron ng pera na kasama or paniningil bilang bayad at medical kaagad na hindi mo naman alam kung tanggap ka or hindi... Isa lang ang masasabi ko sayo huwag ka ng magtagal umalis ka kaagad dahil yan ay scam. Salamat sa panonood ng mga videos sana'y nakatulong sayo.
salamat po
Good day sir, panu po un ung sa website nila marami negative comment , nkapag medical n po tpos mmr, saka nkpag pdos npo , late kuna po nabasa sa website nila, pag nkapag pdos po ba legit po ba agency nun, sana masagot po salamat
Ang ibig sabihin ng PDOS ay Pre-Departure Orientation Seminar, kapag nagpdos ka sa madaling sabi ay paalis kana. Subalit maraming Recruitment Agency may PDOS pero hindi legit kasi madali lang magconduct ng PDOS, para makasigurado ka, itanong mo sa POEA libre naman at i-aassist nila kayo at ikaw mismo nagsabi nabasa mo mga negative comment sa website nila. Sana nakatulong sayo. Salamat po!
@@jobpreneurDYJ0318 tiningnan k po sa poea website valid nman po ung license nila saka my job order din po,
@@manilynmuyco7285 Nice! It means legit recruitment agency.
Salamat po sa pag sagot, nbabahala lang po kasi ako lalo n po pag pera pinang uusapan mhirap lng din po kc ako kya nga po ng babasakali n rin para sa pamliya,,🥰🙏🙏
Tama! kaya nararapat lang na maging maingat ka. Salamat din po sa support nyo sa channel na ito. Sana po nakatulong sayo. Good luck sa iyong journey abroad!
Good p.m sir
Pano naman po kung expired na ang license ng agency pero andon yong name ng agency sa website ng POEA
Legit pa ba sya
Hindi na po legit maliban kung on process ang renewal ng license nila, pero matanong ko sayo kung paano mo nalaman na expired na ang license kung nasa website pa rin ng POEA ang name ng agency? Wala bang remarks na nakasulat kung bakit expired na ang license pero andun pa rin?
tapos s fb page same addrez s poea pero ung cntct reprsentative ay iba. scam po kya un?
Kapag ang pangalan ng recruitement agency ay naka-registered or accredited ng POEA na ngayon ay DMW na at hindi expired ang kanilang registration, ibig sabihin ay lehitimo ang kanilang recruitement agency. Pero kung iba ang address ng kanilang contact representative... iba rin ang ibig sabihin ng ganun dahil baka ginamit niya lang ang pangalan ng recruitement agency para maka-scam sya or talagang may problema ang recruitement agency kaya magkaiba ang address. Salamat sa panonood ng mga videos sana ay nakatulong sa inyo.
Kapag napapamigay ng pamphlet sa daan 90% chance scammer.
Hihingan ka lng ng processing fee then di ka na tatawagan
Di naman sa nilalahat pero lagi ninyong tandaan sa paghahanap ng trabaho, kapag nag-apply kayo at hiningian ng pera, medical or siningil at pinangakohan ng magandang trabaho huwag niyo ng ituloy baka mapasubo lang kayo at magsisi bandang huli... sayang lang ang gastos niyo at pagod sa mga scammer na yan. Salamat sa panonood ng mga videos. Sana nakatulong sa inyo.
ganyan nangyare skn ser sa baclaran
ask ku lng po pwedi po bng singilin aku ng agency ng 40k eh wla pa akong pinirmahan na contrata..nagastos lng po nila saakin ay ung pag papassport ku lng atsaka premid?
Yung nangyari sayo ay nangyari na rin yan sa ibang applicants abroad. Yun ang malaking problema sa mga ina-alok or nag-aaply na walang gastos at libre lahat sabi nga ng mga recruitment agency sila lahat ang magproprocess pati passport, premed, training mo etc. hanggang sa maka-alis ka. Well, maganda yan pakinggan sa part ng aplikante pero ito ang malaking problema, kapag umayaw kana sa alok nila sayo at nakuhaan kana nila ng passport etc. o anuman ang ginawa nila sayo ay pagsasama-samahin nila kung magkano lahat ang nagastos nila at sisingilin nila sayo yun at kailangan mong bayaran yun dahil walang kinalaman kung wala ka pang pinirmahan na kontrata dahil ang sinisingil ng agency sayo ay processing fee at hindi placement fee kaya kailangan mong bayaran talaga yan para maibigay sayo passport mo, di ka na rin pwede makakuha ng panibagong passport dahil may record kana sa DFA. Maraming salamat sa panonood ng videos sana nakatulong sayo.
goodnoon Sir ask ko po sana kung legit po ang Agency na magkaiba ang address na nakalagay sa dmw at facebook page nila?baka po kasi ihold nila mga papers namin kapag nagreport na po kami bale cleaners po paDubai ang inaaplayan namin Sir.sana mapansin salamat po ng marami
pero same naman po ang pangalan sa dmw po magkaiba nga lang ng address.
Alamin niyo muna kung bakit magkaiba ang address nila? Tama ka! Dapat maging sigurado kayo dahil wala na kayong magagawa kapag naipasa niyo ang mga dokumento niyo mahihirapan lang kayo bawiin yan. Ang legit na agency kung ano ang address na nakaregistered dapat yun na ang address nila hindi pwede yun na magkaiba ang address na nakasulat sa registration nila at ang address sa kanilang opisina. Bagamat facebook yan, siguraduhin niyo pa rin dahil bandang huli kayo rin makikinabang kung tama ang hakbang na inyong gagawin. Maraming salamat sa panonood ng mga videos. Sana nakatulong sayo.
Paano Naman Po Kung direct hiring daw PO . Saka nag hihingi po Sila ng 5k para mag ka visa Yung aplikante .Saka pinag process ng madical passport. Saka Hindi po nila sinasabi Kung ano po Yung agency nila dito sa pinas..
Kapag working abroad naman, ito ang isa kung sasabihin sayo kung yan man ay totoo... delikado pa rin dahil kung direct hiring ang papsukan mong trabaho anuman ang mangyari sayo sa ibang bansa wala kang pupuntahan at malalapitan. Saan ka pupunta kapag nagkaroon ka ng problema sa trabaho?
Ito ang pangalawa, alamin mong maigi kung sinong tao ang kausap mo at kung ano ang pangalan ng international agency at hanapin mo sa POEA Website kung sila ba ay registered and accredited ng POEA, kapag hindi sila registered... wag ka ng tumuloy magsasayang ka lang ng gastos at pagod.
Ang pangatlo, sa tingin ko online ang inaplayan mo...tama ba? Ang legit na job hiring abroad, magsasabi sayo kaagad kung ano ang pangalan ng agency at parereportin sa kanilang agency para dumaan sa unang proseso ng kanilang job hiring. Sasabihin nila lahat sayo kung ano ang gagawin mo sa pag-apply abroad, mga requirements na dapat mong ipasa muna sa kanila kasama na ang passport mo. Ang agency na naglalakad ng passport ay Domestic Helper ang inaaplayan wala ng iba.
Pang-apat, Ang totoong job hiring hindi agad nanghihingi ng bayad kahit piso kapag di ka pa nakapagpasa ng mga requirements sa kanila lalo na kung wala ka pang passport na ipinasa sa agency na papasukan mo.
Ang medical naman, agency talaga ang magsasabi sayo kung saan ka magpapamedical pero gagawin nila ito kapag may mga requirements ka na na ipinasa sa agency mo.
Hi sir asking Lang po San Pede malaman Kung legit ang local agencies? Any website na pede macheck sir Kung legit ang isang agency? God bless you po🥰❤️
Merong website ang DOLE about sa mga local agencies pero dapat alam mo ang tamang registered name at maging ang address. Pero marami pa rin ang registered agencies na mas malala pa ang ginagawa kaysa sa mga hindi legit na agencies sobrang higpit pa. Kaya ang masasabi ko lang tungkol sa usapang legit na local agency ay kapag nagbibigay ng maayos na trabaho, ok ang pasweldo, benepisyo at walang pinababayaran or sinisingil ng kung anu-ano sa mga aplikante... that's a simple definition of a legit agency. Maraming salamat sa panonood ng mga videos, sana nakatulong sayo.
Grabe po Yung pangaabuso samin Ng company at agency namin imagine 8yrs nakong trabahante nila pero walanG pagreregular, at Hindi pagbabayad Nang Holiday, walanG night differential. Ask kuna din Kung miron bang private company or my company bang pede nilang sabihin na Hindi sila nagreregular? Ang Inyo pong sagot ay tatanawin po naming utanG na loob more than 200+ production worker Hindi pa kamasa packaging grabe ang panglalabis Ng company namin 😥
Nakita kuna Kung San makikita Yung Mga agencies sir thanks. LIST OF REGISTERED PRIVATE EMPLOYMENT AGENCIES IN NCR SIR THANKS ☺️
Good evening sir,Legit po ba ung CSHRS agency nasa monumento po office niya sa second floor po before kuhaan ng NBI clearance..nag bayad po kasi ako 250 refundable daw po un,tapos pina medical na din po ako nag bayad po ako 1300 pero diko po nakuha ung result sabi po ng Dr.ung agency na daw po ung kukuha e,tapos ngayong nkaanuwi na ako ngayon kolang po naisip un parang minamadali po kasi kami tapos sabi kahit 800 lang pera namin siya na daw mag shoulder ng kulang..sana ma sagot po.
@@jimmilynbombales1952 Hindi po ako makakapagsabi kung legit or hindi ang agency na yan as long na napanood mo itong video na ito, naintindihan mo at sinunod yun na po yun. Maraming salamat sa panonood. Sana nakatulong sayo ang video na ito.
Paano mlalaman sir ung lumalabas sa fb na hiring abroad.tpos wala sa pilipinas ung kausap ko.sa watsapp lng.
Naku! Wag kang maniwala sa ganun mapapahamak ka lang dyan. Kung yung mga nag-abroad nga na may recruitement agency dito sa Pilipinas ay naloloko pa, gaano pa kaya yung wala sa bansa natin eh di mas lalong maloloko ka. Umiwas ka nalang para di ka magka-problema. Salamat sa panonood ng mga videos sana nakatulong sayo.
@@jobpreneurDYJ0318 iba pa nga po sir ung sa country code nya eh sinearch ko nigeria.tpis keiwet corporation company sa canada ppde bo b mngyari un nsa ibang Bansa ang nag hihire
@@jobpreneurDYJ0318 di ko po kasi masend ung conv nmin ganda sna ng offer kaso ntatkot ako kya ng sesearch muna ako bka mapasubo ako 😂😂
Sir lahat na papuntang ibang bansa my interview
Syempre naman lahat ay meron interview. Paano ka tatangapin ng inaplayan mo kung hindi ka nakausap. Ang purpose kasi ng interview ay para ipaalam sayo ng papasukan mo kung ano ang scope ng magiging trabaho mo at the same time alamin nila kung ano ang background mo or pagkatao para malaman ng papasukan mo na karapat-dapat ka. Salamat sa panonood ng mga videos sana nakatulong sayo.
Pumunta po ako sa isang agency sir. Pinapabalik nila ako mag medical daw po ako pero sa clinic medyo malapit sakanila mga isang sakay po scam po ba yun pero magaganda ang job offer nila
Huwag po tayo papasilaw sa magandang offer dahil walang kumpanya na magpapasweldo sa tauhan na walang ginagawa at kung maganda sweldo sure yan maraming challenges yan at risk sa trabaho. Lagi kong sinasabi na medical ay requirement yan sa trabaho pero dapat ay alam mo na kung saan ka papasok na trabaho, tanggap kana ba sa trabaho at alam kung ano ang trabaho mo hindi yung saka mo na malalaman kapag tapps na ang medical mo.
Tandaan po ninyo na ang job hunter ay walang pera yan, madalas inuutang pa ang pinanggagastos sa pag-apply ng trabaho tapos mapupunta lang sa wala di ba. Kaya kapag may money matters sa job application, ingat na po kayo. Salamat sa panonood ng mga videos sana ay nakatulong sayo.
Sir paano mlaman po nmin ung agency ng nanay kpo NSA damam Saudi sya ngaun hindi po nmin mtawagan ung nanay k hangang ngayun po sir pangalan ng nanay k RHEALYN BAGNATE PEÑAFLOR PO TGA ILOILO PO SYA SIR 2022 sya omalis punta ng damam sir sana po mtolongan po nyo kmi sir
Kailan nyo ba huling naka-usap ang nanay nyo sa telepono nitong sa Dammam na siya? Wala ba siyang nabanggit sa inyo tungkol sa agency na may hawak sa kanya dito sa Pilipinas bago sya umalis?
Dahil kung may problema ang nanay nyo sa Dammam na naging dahilan kaya di niyo sya makontak, kailangan legal ang kanyang pag-alis dito sa Pilipinas ibig sabihin accredited or rehistrado sa POEA ang kanyang agency na nagpa-alis sa kanya puntang Dammam dahil nakarecord yan sa POEA.
Kung sakali man rehistrado sa POEA ang kanyang agency na napasukan ay madali lang malaman sa POEA ang kanyang agency hahanapin lang ang kanyang pangalan, ito lang kung may problema ang nanay mo sa Dammam.
Sana masagot nyo muna yung ilang mga katanungan ko para malaman natin.
December 31 2022 po wla naman po sya nabanggit n KHIT n ano po sir
Ramasia agency sa ermita legit ba 3500 dw medical 2500 dw vaccine300 dw vaccine
Malalaman mo ang isang agency kung legit or scam kapag hindi ka maglalabas ng pera kung wala pang kasiguraduhan na natanggap kana sa trabaho. Ang medical at vaccine ay binabayaran talaga yan ng aplikante pero siguraduhin mo na tanggap kana sa trabaho bago ka gumastos yan ang tamang proseso.
Para makasigurado ka kung legit ang agency na inaplayan mo i-verify mo muna sa POEA kung nasa listahan sila ng accredited recruitment agency dahil doon mo malalaman kung ang agency ay licensed ng POEA or hindi at kapag wala sa list of accredited agency ng POEA, it means scam yan, wag ka ng tumuloy para di ka madismaya. Sana nakatulong sayo. Salamat sa inyong support sa channel na ito. Good luck!
Boss paanu ba sila e rereklamo pra mawala na sila..
Madali lang naman po dumulog at magreklamo sa POEA or OWWA anytime dahil sila ang may hawak ng mga international recruitment agency ng bansa, kaya lang po yung abala sa parte ng nagreklamo ay perwisyo lahat pati pamilya mo magsasakripisyo dahil sa napakaraming proseso na hindi maintindihan ng isang ordinaryong mamamayan dahil sa batas natin na walang pangil, kapangyarihan ng salapi at bahid ng kurapsyon ng mga nasa posisyon. Nasa inyo na po yun, kahit ako man gusto kung maalis mga yan dahil kawawa yung mga nabibiktima nating kababayan. Kaya lang yun po ang realidad sa ating bansa pinoy kapwa pinoy naghihilahan pero nakatingala sa mga dayuhan. Ang sa akin lang po, mag-ingat nalang po tayo upang hindi tayo mapasubo at magkaroon ng sapat na kaalaman para hindi po tayo malinlang ng mga taong mapagsamantala sa kapwa. Salamat po sa panonood ng mga videos, sana nakatulong sayo. Good luck!
Tnk po malaking tulong kayu...
Boss sarap talaga nila sapakin
Kaylan po ba kailangan mag bayad ng placement fee?
Ang dapat naman talaga kung pagbabayarin na kayo ng Placement Fee ay kung may Visa na kayo yun ang tama dahil ang ibig sabihin noon ay may assurance na ang recruitement agency na meron ka ng papasukang kumpanya abroad. Kaya lang, ang nangyayari sa ibang mga recruitement agency di mo pa nga alam kung pasado ka sa medical ay hinihingian kana kaagad ng placement fee, ikaw naman dahil gusto mo ng trabaho lalo na kung maganda ang offer ay nagbigay ka kaagad, ngayon bumagsak ka sa medical... dyan na nagsisimula ang problema dahil kung anong paliwanag nalang ang ginawa ng mga agency dahil di nila maibalika ang placement fee na ibinayad ng applicant. Salamat sa panonood ng mga videos, sana nakatulong sayo.
Yan..ang sabi ng copany..
@@melchormariscal2780Kapag ang pag-aaply ng trabaho ay meron money involve or mga bayad na hindi pa kayo dumaan sa tamang proseso ng pag-aapply ay dapat maging maingat kayo.
Ask lng po legit po ba ang earned agency sa malate?
@@JanethGomez-v2c Hindi namin alam kung legit or hindi dahil kayo mismo na mga nag-aapply ng trabaho ang makapagsasabi sa mga agency. Palagi ko lang sinasabi na kapag meron money matter or collection kapag kayo nag-apply ng trabaho ay dapat mag-isip na kayo. Pwede niyo panoorin ang video na ito ng paulit-ulit para hindi kayo malinlang ng mga scammer. Salamat sa panonood ng mga videos sana nakatulong sayo.
@@jobpreneurDYJ0318 yes may processing po na 60k Taz Hindi cla dumadaan sa owwa at mgbayad din po kmi ng 190k placement fee pro Marami ng nkapunta doon at nkpagsabi na ok tlga ang trbho mlaki ang sahod umaabot 180k
@@JanethGomez-v2c Ito sabi ni Ms. Janeth sa comment niya, ok daw naman ang agency na yan. Pero kung gusto mo talagang malaman kung legit sila eh di mas mainam na i-verify niyo sa OWWA or DMW Dept. of Migrant Workers sa Ortigas para masigurado niyo na accredited sila ng DMW. Salamat sa panonood ng mga videos sana nakatulong sa inyo.
Gaanu poba ktagal ung appointment sa biometric
Ano po ba ang sinasabi niyo na biometric, ito po ba yung upgraded ng time card? Kung ito yung binabanggit niyo, kayo po ay ire-register sa biometric ng company kapag kayo ay nakapasok na dahil yun yung attendance everytime na pumapasok kayo trabaho. Madali lang po yan minuto lang ay tapos na. Salamat po, sana ay nakatulong sayo.
For visa application po
Kapag may visa na po kayo madali na po yan.
Sir legit po ba ang w-forces employment services inc
I'm sorry di ko pweding sagutin ang tanong mo, alamin niyo nalang po. Salamat
MCA cubao legit agency po ba sila
Hindi ko pweding sagutin ang tanong mo, basta ang lagi niyong tandaan kapag may pera na sa pag-apply niyo ng trabaho... mag-isip na kayo. Suriin niyo rin mabuti kung ano ba talaga ang proseso nila dahil kayo mismo na job applicant ay makikita niyo yun. Iwasan niyo magpadala o kaya ay masilaw sa magagandang trabaho na inaalok sa inyo. Salamat po sa panonood ng mga videos sana nakatulong sa inyo.
Sa monumento marami scam.. nanghihingi tapos pg wala k png byad papautngin k nila pra mkbyad k.. d pla sila mismo agency recruitment lng pla.
Totoo yan sa Monumento marami talaga dyan may tawaran pa nga para maperahan ka lang, pipigain ka nila bago ka palabasin sa kanilang office tapos kapag wala kang binigay sa kanila galit pa sila sayo. Kaya kailangan talaga maging mapanuri ang isang job applicant, suriin niyo mabuti ang mga nag-aalok ng trabaho huwag kayong easy to get para di kayo ma-scam. Maraming salamat sa panonood ng mga videos, sana nakatulong sa inyo.
Sakin sir pinabayd kami ng ATM daw
Wala kami mattunan sau
Ano klase ka bang HR na hindi marunong maka-intindi paano ka nag-iinterview ng aplikante... dapat sarili mo muna ang iniinterview mo para matuto kang umitindi dahil ikaw ang BOBO! Malamang scammer ka kasi masyado kang apektado sa video na 'to! Kung HR ka na matino at nakakaintindi sa video vlog na 'to dapat di ganun ang reaksyon mo dahil sa reaksyon mo ay nagsasabi na TANGA ka! Alam mo ba kung Bakit? Hindi ko naman sinabi sayo panoorin mo ang video na ito at di rin pinipilit na may matutunan ka dahil wala akong paki-alam sayo at di kailangan panoorin ng TANGA AT BOBO ang mga videos na 'to dahil yung marunong lang ang makakaintindi nito at hindi ang mga HANGAL. Huwag kang mandamay ng iba at huwag mong pagbuntungan ang video na ito sa KABOBOHAN AT KATANGAHAN MO! di ka pweding mag-HR BOBO ka na TANGA ka pa... hindi ka marunong umintindi!
Malamang marami ka ng na-scam na mga aplikante sa medical... kailangan mong gumamit ng sabon panlaba para malinisan yang konsensya mo sa mga naghahanap ng trabaho. HR daw ito si pogi RAYMOND ESPEJON... "The HR scammer" mag-ingat kayong mga naghahanap ng trabaho baka ma-encounter niyo ang HR na ito...kawawa lang kayo. Mantakin mo ang mga komento niya sa video na to... ang ibig niyang sabihin kailangan magpamedical agad ang aplikante kapag nag-apply ng trabaho... Kung di ba naman ito BOBO na TANGA ng HR kuno siya. Ipapa-medical mo yung aplikante, paano kung di natanggap sa trabaho ano mangyayari... eh di kumita ka HR na SCAMMER!
NAKAKABWESIT ITONG HR NA SCAMMER NA'TO BOBO AT TANGA! Sa video na ito, hindi sinabi na huwag magpamedical or hindi kailangan magpamedical ng aplikante. Ang medical need yan ng kumpanya at isa mahalagang requirement na kailangan i-comply ng NEWLY HIRED EMPLOYEE AT HINDI JOB APPLICANT... Ibig sabihin saka ka lang magrerequired ng medical kung 100% tanggap na ang aplikante at ganun lang ka-simple! Yung sinasabi sa video na ito... sana maka-intindi ka HR na BOBO salapi lang ang kailangan sa aplikante. MAAWA KA UY! Ang aplikante ay walang pera yan nagtitiis sa gutom, pagod at nakikipagsapalaran lang yan para magkatrabaho at makatulong sa pamilya tapos mai-scam lang... ang iba nga dyan inutang pa ang pamasahe para lang makapag-apply ng trabaho.
Sir legit ba Ang jobrapido