PAG ISAHIN MO - with lyrics

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 1 окт 2024
  • TANONG ? SAAN DAPAT ANG PUSO NATIN AY MAGKAISA?
    Mateo 18:19-20 RTPV05
    “Tandaan din ninyo: kung ang dalawa sa inyo ay nagkaisa dito sa lupa sa paghingi ng anuman sa pananalangin, ito'y ipagkakaloob sa inyo ng aking Ama na nasa langit. Sapagkat saanman may dalawa o tatlong nagkakatipon sa pangalan ko, naroon akong kasama nila.”
    Choose Whom You Will Serve
    Jos 24:14 Ngayon nga ay matakot kayo sa Panginoon, at paglingkuran ninyo siya sa pagtatapat at sa katotohanan: at inyong alisin ang mga dios na mga pinaglingkuran ng inyong mga magulang sa dako roon ng Ilog at sa Egipto; at inyong paglingkuran ang Panginoon.
    Jos 24:15 At kung inaakala ninyong masama na maglingkod sa Panginoon, ay piliin ninyo sa araw na ito kung sino ang inyong paglilingkuran; kung ang mga dios ng inyong mga magulang na pinaglingkuran sa dako roon ng Ilog, o ang dios ng mga Amorrheo na ang lupain nila ay inyong tinatahanan: nguni't sa ganang akin at ng aking sangbahayan ay maglilingkod kami sa Panginoon.
    Ano ang Pagkakaisa?
    Narinig na nating lahat ang pariralang hatiin at sakupin. Sa isang digmaan, ang estratehiyang ito ay pumupuwersa sa kaaway na hatiin ang kanilang depensa at maiiwan silang mahina sa laban. Ginagamit rin ni Satanas ang taktikang ito laban sa mga mananampalataya. Sinisikap niyang maghati-hati at manakop dahil batid niyang ang isang iglesiang hindi nagkakaisa ay mahina.
    Ngunit ano ba ang pagkakaisa? Sa kasamaang palad, marami ang nag-iisip na ang ibig sabihin ng pagkakaisa ay "pagkakapare-pareho." Hindi ito ang totoo. Ang pagkakaisa ay hindi pagkakapare-pareho. Sa halip, ang pagkakaisa ay maaaring ipakahulugan bilang isang grupo ng mga taong kakikitaan ng iisang layunin, pagtingin o direksyon. Hindi ito tungkol sa pagiging eksaktong magkapareho, kundi ito ay patungkol sa pagsulong tungo sa iisang layunin.

Комментарии •