PAANO MAG COMPUTE NG WATER SUBMETER BILL EASY, SIMPLE, ACCURATE / HOW TO COMPUTE WATER SUBMETER..
HTML-код
- Опубликовано: 5 фев 2025
- Hi everyone I woild like to share a very SIMPLE, EASY AND ACCURATE COMPUTATION OF WATER SUBMETER BILL. I hope this video can give idea to every owner as well as to every tenant..
#water #watersubmeter #owner #roomtenant
Salamat sa napakalinaw na paliwanag with visual aid pa. Napakalaking tulong sa gaya kong bago pa lamang nagpapaupa.
God bless you! Maraming salamat sa visuals at guide sa pag compute. Very well explained!😊
Thank you po laking tulong po ng video nyo po..
Your welcome po
Thank you po😊naka tulong po saamin ang info na ito.❤
Your welcome po thank you din..
ang galing mo talaga mg explain madam...maintindihan talaga...salamat po...god bless...sayo..
Welcome po thank u for watching😊
Again thank you po madam🎉🎉🎉
Thank u din po
Ty po sa informative vid mopo mam may natutunan po ako 😊
Thank u din po
hello cathy, napadaan ako d2 sa channel, mo. kapag isa lng tenant at owner ang mag hahati, totoo easy, simple. Kapag 4 or higit pa medyo kumplekado dahil lumalaki ang mga charges. Ang main meter reading nang water provider ay iba sa total consumption ng mga nag rerent, base sa experience ko, mam. Kapag ang main meter ang reading ay ex. 50 cubic. Ang actual reading ay mag total nang mas mababa sa 50cubic.. tnks sa video mo
Yes tama po masakit po tlga sa ulo kapag marami ng submeter. Thank you for watching.
Mi pano po pag ganto kadami submeter pa help naman po 6 kasi Yung saamin hirap aq pano Kunin eksakto Yung amount
Thank you mam.Dagdag kaalaman❤
Welcome po
Hello good morning 😗 beautiful sharing im interested.need ko po tlgang malaman kong pano bsajin.thnk for sharing my friend 😘
Thank you madam 😊
Maraming salamat po na tuto akong mag compute ng water bill
Your welcome po 😘
Ang galing naman...
Thank u brother.. 😊
Very helpful ❤
Thank you madam
Very clear ung computation slmt po
Maraming salamat po 😊
thank u sis. God bless
Thank u din sis
Wow thank u
Welcone po
Maganda ito content mo host pag ako niloloko ng kasamahan ko sa inuupahan kung bahay gilitan ko sa leeg dapat pantay2x walang lamangan at walang mag hari harian kung anu ang amin na gamit na consume yon lng babayaran namin
Wag naman po gilitan sir,, pwede nman po pag usapan 😊 thanks po.
Kami po hindi nmn xa owner anak lng din at kamag anak pero 70 per cubic meter ang sisingilin kakabitan na kc kmi submeter dati kc per drum ang singil kesyo madami daw umiigib kya tumataas daw ang per cubic kumita na xa sa tagal niang naghahandle ng tubig isa lng kc may linya dito samin pero grabe nmn sa 70 per cubic meter.,
opo, dito rin ho sa amin, ang cubic nila na sinisingil ay 90 cubic ngayong buwan madalas 100 cubic pa, nakakastresss. stress na stress na ho nanay ko
Ate, tenkyu dito🤗
Welcome po 😊
Salmat mam
Welcome po
Good day ma'am!. Fix lang po ba yung amount per cubic? Or tumataas po siya depende sa consumption?
hello po. ask ko lang po, ano po basehan nyo sa paghati ng 8 at 9 sa 17 per cubic consumption? sana masagot, thank you.
Pa shout out Naman po ma'am Cathy ❤️❤️❤️
😊 yes sa next vlog ko shout out kita. Thank u
Salamat po
Welcome po 😊
Tanong ko lang mam bago palang ang metro ng tubig namin huling nakita ko sa metro namin ay 22m3 2months na gamitin yan .. ting8n nio po magkano po babayaran ko jan?
ay ang galing nito madam kasi karamihan d alam yan kagaya ko 10-50 zabz pwede mo makuha kada 8 pm pinas time may paangat program po ako svhn mo lang inbayt ka ni host sere para makilala kita flex ko ytc mo makakilala ng mga bagong kaibigan
thank you madam. 😊
Maganda ang pag kakareview mo o ate yung
Lalake na nag review sinobrahan ng galing e
Nag pa bibo na e😂😂😂
Thank sir, sharing my experience lang po.
Dalawa kami renter isa naka submeter at kami ang magbabayad ng tira bill hindi po ba kami lugi dun?
Madam Tanong lang halimbawa po ng reading po Ang tenant October 26 tapos Ng Ang nilagay sa present Yung ngayun ngayun MISMO na consumed na tubig
Tnx po
Thanks din po
Tnx ...
Welcome po
Ask ko lang po saan po makikita O and 8 Nung sa tenant? Sensya na po first time po mag rent
hello po. papano po mgcompute ng water bill if madami tenant at lahat po ay naka sub meter. thanks po ng madami sa tulong
Pag naka submeter po lahat dapat po lahat yun ay makuha ang prev. At present reading ng bawat isa para malaman po ang eksaktong babayaran at cubic meter
Paano naman po kapag share sa tubig? (Share po pinagawa). Mas madami kasi yung gumagamit sa kabila kesa samin, malalakas rin gumamit. Pwede kaya kami magpakabit nalang ng sarili namin submeter? Share kasi kami sa pagbayad. Hati lagi yung nagiging bill. ang laki ng tubig sa kabilang bahay ang dami nila, sa amin 2 lang kami sa bahay. Sana masagot po
Same lang po pala sa sub meter ng kuryente ang pag compute..salamat po
Yes same procedure lang po kwh at cubic lang pinagkaiba.
Maam pano po halimbawa kapag sa 3 pwesto prehong nka sub meter ang 2 ung isa main meter pero ung isnag pwesto lng angay nakaupa. Pano hatian nun s bill? Kc masyadong malaki ang bill kung isa lng magbabayada dhil isnag pwesto lng angay nakaupa. Ung pwesto wla. Matic din ba na mag charge s 2 pwesto khit wlang nakaupa? Commercial rate po kmi.
Pano po kung unang reading pa lang nung sub meter? Walang previous reading? San magbabase?
Mam magtatanong Lang Po ..bagong lipat Lang Po kase kami sa apartment nung agust 23 at 00 pa Po ung sa submeter sa tubig tapos Sabi Po nung may ari nag reading daw Po sila Ng tubig pag ika 8 Ng month kase un daw Po ung date Ng reading Bali Po nagamit Po namin na tubig is 2 tapos binayaran Po namin is 140 kase Po ung minultiply nya Ng 2×70= 140 nakakapagtaka Lang Po na Ang laki agad Ng bill namin paano pa Po sa susunod na buwan.salamat Po .
Tama po ung consumption nyo sa submeter 2 cubic meter pero dun po magkakatalo sa rate na binigay sa inyo which is 70.. ask nyo po kung bkit ganun kalaki ang rate ng cubic meter ninyo kc po bka marami kayong tenant na gumagamit sa line ng tubig or manghinge po kayo ng copy ng computation nila base sa monthly billing..
May ask po ako, paano po kung lahat po may submeter ,kahit si owner?
Paano po mag compute kung nakalimutan makuha ang reading ng sub meter?
Ask lang po sa per cubic po ba depende po ba kung mag kano ibibigay ni owner sa inyo na per cubic po example may usapan kayo na 30 ang per cubic mo, pwedi po ba yun normal lang naman po ba.
Sa cubic meter po is meron po talaga na naka indicate sa monthly billing hindi po fix rate yun kaso may mga owner po talaga na nagbibigay sila ng sarili nilang rate depende po sa usapan ninyo yun and kung yun po ang rules nila..
Good day po. Normal lang po ba na gusto namin na tenant malaman or makita din yung main na bill ng maynilad para kami din mismo ma compute namin? at if ayaw ipakita ni owner ano possible reason ni owner bat parang galit na galit nung tinanong ko kung pwede bang makita yung main na bill. This month kasi yung bill namin malaki kesa sa ine expect ko. Last month 300+ lang then ngayon month 500+ na. At to tell you po mas nag i expect pa ako na mas mababa pa sa 300 yung magiging bill namin ngayon dahil nagtitipid ako at ni hindi ako nag wawashing kagaya dati na every week ako naglalaba. Nung nakaraan inipon ko talaga labahin namin at isang beses lang ako gumamit ng washing pero mas malaki yung naging bill namin. Hahaha sorry po dito nako naglabas ng saloobin. anyway ayun po ano kaya possible reason bat ayaw ipakita ni (nanay ng owner) yung owner kasi nasa canada bale yung nanay lang ang tumatanggap ng bayad sa mga tenant dito. At almost 3yrs na kami dito naninirahan pero ngayon ko lang nahingi or natanong na baka pwede makita, then ayaw ng nanany ng owner pakita yung bill. Sabi isesend nya daw picture, then yung sinend sobrang blurred 😂 Hindi po strikto yung matanda, sobrang bait pa nga na naabuso ng ibang tenant pero nagtataka po ako bat gigil na gigil sya nung gusto ko makita yung bill. enlighten me po, although ayoko narin i pursue sayang sa oras para magkaroon ng something sa namamahala dito. Bahala na sila kung maayos sila nag ko compute or hindi.
4yrs na po pala kami dito. at simula po nung april this year ako nalang po mag isa dito sa apartment, uuwi man po yung kasama ko dito pero 1-5 x a month lang. Then di rin nmn dito natutulog or overnight ganun. Umuuwi din sa gabi, so nakakapagtaka lang po kasi dati nag 700+ din kami pero di ko kinwestyon, kasi alam ko dati naglalaba ako every week. This month lang talaga na inipon ko pa yung mga labahin para isang labahan lang at nagtitipid din ako sa tubig at nagulat ako sa naging ugali at reaction ng matanda bat ganun nalang nya ipag pilitan na wala na dapat ako or labas na ako don sa main na bill dahil nga naka submeter nmn kami. Pero dahil ayaw nya nga ipakita sakin yung bill parang gusto ko nlg hayaan sya sa gusto nya.
Importante ba na kung kylan mag reading ng mother meter ang Maynilad dapat din ireading amg sub meter for accurate computation yung iba kse owner delayed ng 5 days mg reading ng submeter
Yes po dpt tlga within the day magreading na agad si owner.
Tenant po kasi ako, ngayon lang po kinabit yung tubig dahil matagal pong pinaputol ni owner noon kasabay po nito pagpapalagay ng bagong submeter. Tapos hindi din po 0000 yung start ng submeter nung kinabit
Pag ganun po ibig sbihin used npo ang submeter pero ok lng po yun kunin nyo ung last na numbers dun yun ang basis ninyo
Pano po nkuha ung 8cubic meters? Kung wla pa po previous o bgong kabit plng ung submeter
Present reading po yun
paano po malaman yung rate po ng na konsumo?
Hi po ask lng po kung tama po ba binibigay per cubic consumption namin sa inuupahan namin 57/cubic kasi singil
Depende po sa konsumo wla po fix rate depende nlng po kung si owner nagbgay sa inyo ng fix rate.
Good day, ask ko lng pano kung pareho kameng tenant? And yung tenant1 is 5 katao including 1 child na 1 yr old submeter sila and yung tenant2 is 2 katao lng including 5 yrs old po, mas malaki yung bill ng tenant 2 sa tenant1 ang tanong ko po accurate ba yang water submeter po? Kc lagi pong mataas ang nagiging bill ni tenant2 kc sya yung nasa mother meter?
Yes accrurate po maliban nalang po kung may defect yung mismong submeter or may leak ang linya ng tubig..
Tanong lang po maam paano nman po pag halimbawa wala pa nman yung present bill for the month tapos nagmononitor ka ng water meter mo pwede kya malaman kung magkano aabutin ng bill mo pra sa present bill na dadating plang kasi sa example mo po jan sa video may present totall bill kna po na pinagbasehan paano po pag wala pa nman yung present bill mo pero gusto mo malaman kung magkano aabutin san kapo makakakuha ng pagbabasehan na total bill?
Pwede lang kayo mag estimate pero hindi nyo mako compute yung actual billing ninyo kasi naka depende po sa cubic meter na gamit ninyo. Kung may naka submeter pa po sa inyo kailangan nyo po talaga ibased sa present reading para mkuha nyo ang actual computation.
Ano naging basehan bakit naging 8 po ang sa tenant?
Hello po tanong LNG po ang paano po Kung 50 cubic po ang consumption nmen 2 tenant po bago LNG po kabit Ng sub.nila ang reading po Ng sub.nila ang 135 ung 5 po KC un po ung red ksama po b un s pag compute??den 2nd tenant is 235 and ung 5 ulit po ung red..paano po b magcompute Ng ganito firstym LNG po KC..slamat po Kung Inyo pong masa2got
Madam wag nyo isasama ang red digit sa pag reading all black digit lang po. Pero dpt ma iless nyo po muna ang prev. Reading sa present reading ninyo para makuha nyo exact conaumption ninyo..
EXAMPLE po.
1st tenant - 13 cubic consumption times 15 cubic rate equals 195.00
2nd tenant - 23 cubic consumption times 15 cubic rate equals 345.00 po ang babayaran..
kasi may submeter po kami magmula nung march 587po ang nasa submeter namin. now gusto ko sana malaman magkno naging consumption namin for 10months ksi from march po yun til january 9 cutoff. sna matulungan mo po ako.
Madam sa case po ng bill ninyo makikita nyo lang po actual consumption nyo every month kung meron po kayo record since march until jan., kung every month may lista po ng consumption nyo iadd lng po lahat yun..
Hello, does it also apply sa Maynilad?Or Manila water lang po? Salamat po...
Yes mam same procedure lang din po..
madam pano po pag may previous reading pano po computin? salamat po
Pah may previous reading less po sa present reading then multiply sa rate po
@@cathyztipsfunandmore1566 hello saan po makikita yung rate po?
11 per cubic sa 1month sa isang linggo isang beses lang po nag lalaba tapis dalawa lang po kami . sakto lang po ba yung 11cm?
ang cubic meter po depende po un sa konsumo din po ntin ang present reading dpt nileless po yan s previous reading nyo Yun nag konsumo ninyo
Mataas po ba yung 55 per cubic.
tas 2 kaming nakasubm. ng nakikabit sa owner..?
Ang per cubic po is nakadepende po yan kung ang binigay sa inyo ni owner ay fixed rate or yung rate mismo ni manila water. At depende ang per cubic rate ninyo sa pag gamit ng mga household tenant. Kung fixed rate ni tenant yun posibleng mas mataas sya kesa sa actual cubic rate ni manila water..
tanong kulang po maam dalawa po kaming tenant pariho nag hahati ng bill namin.bakit yung per cubic namin maam iba iba ang compute niya.ganyan po ba yan?
Yes madan iba iba po kasi hindi po nka fix ang cubic meter depende sa konsumo sa isang buwan
Ask kp lng po. Kung need ba na sabay sa actual reading ng Maynilad at reading ng sub meters, may descrapancy ba kpqg late ng ilang days pag mag sub meter reading amg owner
Yes dapat sabay po.. yes magkaka discrepancy pag may na late na reading.
Pano nyo po nakuha yunh precent reading na 8 ?
Yan po yung reading sa submeter sa mismong araw ng reading din po ni provider
Hi maam ,ask ko lang po regarding sa computation ng submeter..ok lang naman cguro kahit hindi kana mag reading ng previous at present at bumase na lang agad sa resibo mismo para mabilis ang computation sa sariling sub meter? At ung pag reading ng prev. At present ay for double checking lang din naman po diba? para makasigurong tama ang reading ng taga water district?
Kung kayo po ang owner ng main meter at wla namang naka connect na submeter sa inyo, yes po no need na mag reading at mag base nalang tayo sa meter reading ni manila water, pero kung my tenant kayo na naka submeter sa inyo much better my reading tayo kc wala namang monthly billing ang submeter unlike kay manila water.. ang prev. At pres. Reading is basis po ni owner para masingil nya ang actual consumption ng tenant nya like in my case po..
Tama po ba yong compute ng owner sa water bill ko umaabot ako ng 1kplus dalawa lang kami ng anak ko maghapon pa kami wala,ako sa work anak ko sa school
Like dito sa new bill ko ngayon 13×88 diko alam saan nila nakuha ang 88
Kung 2 lang po kayo impossible po kung nkuha nyo ang prev. At pres. Reading at cubic meter at total bill makocompute po natin yan
Pano maam pag pangalawang bill maam ano ba maam minus lng bamaam?
Ibawas nyo lang po yung nkaraang reading sa present reading para makuha nyo actual cubic meter nyo
Pagbasa po b Ng submeter kasama po b ung pangatlong number ung kulay red po ..salamat po Kung inyong masagot
Madam pagmag reading po kayo ng submeter yung balck digit lang po ang kukunin ninyo hindi po included ang red digit.
Ok po salamat po sa info😊
How about naman po pag 8 or 9 na tenant pano po computation,kasi tulad po dto samin nag aabuno padaw po owner 8 ata kami dto tenant from 45 per cubic to 55cubic now kasi abunado daw owner 2 lang po kami sa bahay may work kami pariho naglalaba lang pag Sunday or Saturday bill 200 to 300 may sariling metro ng tubig
Same lang din po procedure madam un lang dapt mareading ninyo bawat tenant para malaman ang eksaktong konsumo nila..
San kumuha nang present reading sa tenant ma'am ??
Doon po kinuha ang present reading sa mismong submeter ni tenant
hi po.. newbie po ako sa chanel niyu po.. bagong kabit po kami ng submeter ng kapitbahay... tapos wla po kaming previous reading.... tapos siningil na niya kami in 1month... yung nasa submeter natin is 00057....tapos 70per. tapos yung singil niya samin is 3990? tama po ba computation na po.. salamat po sa sagot niyu po...
Madam simula po ba na lumipat kayo is cover ng 1 month ang water bill ninyo? Kc kung hindi nyo pa nman nabuo ang 1 mo. Sa cut off ng water bill ninyo para sa akin masyadong malaki ang 3990 na water consumption.. at masayadong mataas ang 70per cubic.. gawin nyo po hingin nyo ang total bill idivide nyo dun nyo makikita kung magkano ang per cubic ninyo.. usually po sa mga bagong kabit na tenat maliit plng ang bill kc kakakabit palang makikita po ninyo ang consumption by the next mo. Na mabuo ninyo ang 1 cut off pag mag water reading na ulit.. madam lagi kayo mag prev. Reading at present reading para malaman nyo tlga ang gamit ninyo..
@@cathyztipsfunandmore1566 ma'am, kami po bagong lipat lang sa inuupahan namin. Bali nakaka 10days palang po kami binigyan na agad kame ng water bill which is 800 pesos yan daw po ang nakunsumo naming tubig in 10days. 100 per cubic meter daw po dito kaso mahal daw po ang tubig dito. So yung 800 po na nakunsumo namin in 10days binayaran namin. Ngayon po september 9, may bill kame ulit at wow!!! Kasi umabot kame ng 3800 pesos. Twice a week po kame maglaba, tapos first two weeks namin dito halos matakaw ang inidoro sa tubig dahil mabagal bumaba so sinabi ko yan sa owner ng bahay. Nagtataka ako bakit umabot ng 3800 ang bill namin.
Nag ask ako sa owner kung pwede makahingi copy ng water bill, tapos ang reply nya bakit ko daw kelangan ng kopya ng bill e wala nan daw silang patong. Ang sakin lang mam gusto ko lang sana gumawa ng sariling computation pero ayaw nya mag bigay ng kopya ng water bill
@@welmahhh9132 madam in 10 days masyadong mataas ang 800 kea ganun po kc ang rate nila sa inyo is 100 per cubic so meaning ang consumo nyo lang is 8cubic x 100 per cubic na rate nila is 800 kayo lang po ba ang tenant ? Jan or may mga kashare pa kayo? Kung ayaw po ipakita ang bill wala po tayo magawa kc sila ang masusunod nasa inyo nlang po kung magtatagal po kayo jan..makikita nyo po ang consumo sa submeter ninyo kaso po ang taas ng per cubic na binibigay nila sa inyo which is hindi nyo po alam kung un tlga ang per cubic meter ninyo..kung wala sila patong dpt ipakita nila kung may patong man iexplain nila sa inyo..
Hello po..ask ko lang po..submeter user po kami.tama po ba na yung natitirang halaga ay pantay pantay po naming hatiin?tatlong bahay po kasi ang paupahan ng may ari ng bahay.lahat po nakasubmeter.bale kaming tatlo lang po ang naghahati hati.kaso palaging kulang ung kwenta at hindi accurate sa exact prize..
Yes po Kung wala po gumagamit ng tubig ng main meter paghahatian po ninyo yung 3 pero kung meron shoulder ni owner yun.. pwede din na may mali sa pag compute ng cubic meter kaya hindi accurate.
Hello po ma'am! thank you so much po sa pag reply ng aking katanungan.. ❤
Ma'am cathy bale sa kuryente po yung hinihingi ko po ng advice..lagi po kasi hindi tugma ung presyo ng pag kwenta ko sa pinaka presyo ng bill namin kada bwan..tatlong bahay po kaming naghahati hati..lahat po kami naka submeter.ung may ari po ng bahay ay hindi nmn po nakatira dito.lagi po kulang ung nakikwenta ko sa pinaka exact price.
@@caseytubig3943 madam kaya d kayo nagtutugma kasi po dapat makuha nyo din po ang exact meter reading ng main meter maliban sa submeter ninyong 3 tenant para magtugma po sa total bill ninyo.
San nyo Po nakuha ung reading Ng tenant?
Sa mismong submeter po ni tenant..
Mam, tanung lang poh..magka pareho lang din poh ba ng computaion yung sub meter ng kuryente at tubig? Parang same lang poh kasi.
Yes po almost the same po ang pagkakaiba po jan ung sa kwh ng kuryente is my provided na si meralco unlike sa water po is wala nakadepende po sa consumption ntin ang cubic meter monthly.
Ok poh mam maraming salamat poh.
Hello Maam ask ko lang po paano malalaman kung magkano ang per cubic meter na singil ng maynilad?? Thanks po
Wala po fix na rate madam nkabase po kasi yun sa konsumo.sa isang buwan
Hello po. Mag aask lng maam pano pag bago plng ung sub meter ng tubig. Pano i reading ung nakunsumo?. Nung nilagay ang metro is 0000 xa tpos naka consume nkme ng 1mos 00065 ang nasa metro. Sna po mapansin, TIA
Since zero po nung ang gawin nyo po madam ung 65 x water rate po ninyo. Example 65 x 13.40 = 936 p0 ang bayaran .
Samen prev.2430 Po TAs Ngayon Po is 2439
TAs 65 Po singil samen per cubic.magkano Po bbyaran namen ?? Naka submeter Po kams
Prev. Reading less present reading 2430 - 2430 = 9 cubic x 65 = 585.00 pesos po kung wala napo ibang additional charges sa inyo
Hindi po kami MAYNILAD, pero pwede same lang po ba yun ng computation?
Manila water po kami pero alam ko same lang din po
Paano po ba nakuha Yung 17 cubic meters Anu po ba ginamit nyo dev ide po ba
17 cubic po is yan po ang cubic consumption sa main meter nung nag reading si Manila Water nasa billing statement din po yun.
Thank you sis. Would you tell me if all the digit numbers stand for M3 or the last digit isnot included?
Hi sir m3 stand only for the black color digit. The color red digit stand for liter consumption.
Madam pwede ba ako magpaturo sa inyo
Question po? Paano po kapag late naikabit yung submeter? Example june 9 - july 9 yung covering period tapos nkapagkabit sila ng submeter june 21 na, paano po ang computation? Thanks po
June 9 to june 21 cover pa sa mother meter yung babayaran mo, from june 21 to july 9 yun nag babayaran mo base sa submeter reading mo na. Dpat mag reading ka din sa july 9. Previous reading mo sa june 21 is zero then sa july 9 present reading mo for example 20.. then multiply sa per kwh.
pwede po ba ako magpaturo po ng computation? ksi gusto ko po malaman magkano ung naging total na babayaran namin for 10months, last year.
Pwede po madam basta po complete details po nyo comment nyo lang po dito. Thank u
magkano ang mininum nyo? db 10cubic ang min.?
Madam wala po tayong minimum amout depende po sya sa magiging consumption po every month pwede mas mababa sa 10 cubic pa kung hindi naman malakas gumamit ng tubig..
Dapat ba ang main/mother meter or owner nakasubmeter din ? Kasi parang mas mabilis ang ikot kung sa main lang isang drum 1 cubic agad
Para po sa akin no need na mag submeter si owner /mother meter. Kung mabilis ang ikot ichek nyo po ang mga line baka may mga leak po..
Ilan cubic na po ba e2 00013
I month palang po xa nakakabet ung submitter..
Kung zero po bago kayo lumipat 14 cubic napo pero kung may nauna na gumamit ileless po yan.
Hello po sana mapansin tanong q lng sana kc ung samin may sobra na naiiwan 380 ano dpat gwin. Ganyan din ginawa nmin.
Ano po ung naiwan? Excess po ba sa computation? Kung excess po sa computation pwede po ibalik sa tenant depende po sa usapan ni tenant at ni landlord..
Ask ko lang po hindi po ba kasama sa reading pag pula yung number?
Hindi po madam all black digit lng po ang binabasa
Yung sa'min po 5 digit laging zero yung una then yung pang limang number color red which is hindi po sinasama sa reading tama po? Kaya 3 numbers lang lagi kong sinasama sa computation kasi zero po yung first number e
Tama po..
Hello ask k lang po pano ung cub meter po namin block lahat walang pula sa dulo bali ung una po n reading 00016 now po 00021
Pina bayad kami ng 1015 po July 6 August 30
Madam kung ang previous Reading nyo ay 00016 iless nyo sa present reading nyo na 00021 bali 5 cubic meter lng ang consumption ninyo then itimes nyo sa per cubic meter ninyo for ecample po 15 ang cubic meter ninyo so bali 5 x 15 = 75 pesos lng ang naconsumption nyo.. unless nlng po kung may additional charges pa po sa inyo pwede nyo po ask si owner kung bkit ganun kalaki ang nging bill ninyo .
pwede po ba ako mag request sa manila water ng another linya..kc yung may ari ng bahay parang nasobrahan ng pagbayad ng bills..gusto ko po sana tig isa kaming kuntador ng tubig
Sir regarding sa pag request ng another line ng water si owner lang po ang pwede mag request sa manila water, pwede nman na ganun kaso may mga babayaran para sa additional water meter.. Kung gusto nyo po makita ang consumption nyo mag request nalang po kayo na palagyan kayo ng water submeter. Thank u
Hello newbie lang po ako🙂 Ask ko po sana kung tama yung binigay na computation samin?
Ano po ung computation madam.
pano po kapag nahinto na ung submeter ng tenant nang wala pa sa end date ng period covered for the month?
Nahinto po ba na nasira ? Kung huminto at nasira kunin nyo pa ang last reading. Tapos sa bgong palit magrereading ulit kayo
Paano po ang pag reading ng submeter mam? Kasi bago lang po kami at may main po sya. Sa isang main,dalawa kami na nakasubmeter. Paaano po yun? Help po.
Gawin nyo po pareho nyo po dapat ireading ang 2 submeter ninyo. Kunin nyo po ang prev. At pres. Reading ireading nyo din po ang main meter. Sa 2 submeter yun po ang konsumo ninyo pero nees nyo din po paghahatian ang konsumo sa main meter reading ninyo.
Kapag po bagong tenant ka, 0 padin po ba ang previous reading kahit di bago yung submeter?
Hindi napo madam kung ano po ung dinatnan nyo na cubic meter nung araw na lumipat kayo yun napo ang magiging previous reading po ninyo.
Magkano singil nila.per cubic meter?
Depende po sa consumption no fix rate po
Ma'am paano naman po computin kung 3 cubic meter ang nakalagay sa main , tapos total ng submeter naming 2 ng kapatid ko sa bahay ay 25 cubic meter? Kc naka encounter ako ng ganyan. Paano po😊
Dpat po laging mataas ang reading ng main meter hindi pwede na mababa ang main at mataas ang submeter d po tugma yun..
Pano po kaya malalaman yung previous reading sa submeter? Bagong lipat kasi kami tapos di naman kami sinabihan ng may ari na kami ang magco-compute pala.. reading na ngayon buwan di nmin alam ano ung previous reading bago kami makagamit ng tubig
Mahirap po ma trace ang exact consumption ninyo kung wala po kayo basis ng prev.reading kc papasok sa inyo yung naunang gamit ng tenant na pinalitan nyo., baka may copy si owner kc sa kanya magbabayad ng bill si tenant.. kung wala po pagusapan nlng ang sharing since di nila kayo nainform.
pano po ba icompute yung waterbill per head po kami e yung 6persons eh 10days wala bali 21 days lang na consume tia
Kung 1 submeter lng kayo lahat equally devided po yun or depende din po sa pag uusap ninyo
Pwede po ma lugi yung tenent okaya yung may ari kung sino malakas ang konsumo. Lalo kung devide yung total bill kasi tumataas yung min pag mahigit na sa 10 cubic ang nakonsumo ng may ari or tenant lugi tenant kung malakas yung konsumo ng may ari.
Yes tama po kayo pwede malugi ang both sides kung idivide lang, kya mas maganda na may submeter kc pwde kontrolin ang pag gamit ng tubig 😊
Ma'am papano yan kung noong si owner palang mag-isa ang gumagamit ay laging nasa minimum lang ang binabayaran? Paano kung 3 ang makikabit kay owner po, kung ganyang computation ay malaki na ang mababayaran ni owner, magpapatong patong na imbes 100 plus lang?
Lalaki po talaga ang bill kasi may madadagdag na 3. Pero kung nakapag submeter makikita konsumo ng bawat isa
Yes ho hjur Paaniko mitar kasari reading garne herne hjur pllij ?😂😂😂🤣🤣🤣🤣🤣🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏Paaniko mitar kasari reading garne herne hjur pllij ?
San mo po nakuha yung sa main submeter reading?
Madam ung main submeter reading po is yan po ang reading ko sa mother meter ko para maipakita ko na tama po ang nareading ni manila water at nareading ko..
Maam sa main po is 55 tas 45 po sa sub meter pano po mg compute nyn?
Madam kung sa submeter po kayo naka connect lagi po sa submeter ang basehan ng computation ninyo every mo. Ng prev. At pres. Reading ninyo.. para makuha nyo ang exact consumption nyo..
Same lang po ba ang computer pag pati yung main nak submeter din po ?
Yes po same lang din po..
Saan nyo po nakuha yung 8 sa present reading?
Yan po yung present submeter reading
Pano po na reading yung sa present readin na 8
Good day madam, thank u for the question , ung 8 po na reading yan po ung actual na reading na makikita po ntin sa submeter ni tenant ung color black na digit since bagong kabit ang submeter, yan po ang magiging basis nyo as present reading, then by next month yang present reading na 8 magiging previous reading na sya ileless nyo lng po un sa another reading nyo by next month at ung total un po ang magiging actual consumption. 😊