Paglilibing (Pasiong Mahal)

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 9 сен 2024
  • Visit: / buenviajeph
    My take on the 𝘱𝘢𝘨𝘭𝘪𝘭𝘪𝘣𝘪𝘯𝘨 part of the Casaysayan ng Pasiong Mahal ni Jesucristong Panginoon Natin as sung in the town of Morong in the province of Rizal. Photos are from the 𝘱𝘢𝘣𝘢𝘴𝘢 𝘺 𝘤𝘢𝘳𝘪𝘥𝘢𝘥 at the Chapel of the Bleeding Christ in Bo. Sn. Jose, Quezon City.
    9 February 2024
    _______
    Lyrics:
    Halos di ibig bitiuan
    nang Inang may hapis lumbay
    ang sa Anac niyang bangcay
    ninonoynoy nininilay
    yaong madlang cahirapan
    ¡Laquing saquit hirap baga
    nang Inang nañguñgulila
    bununto-buntong hiniñga
    at gayon din ang dalaua
    si Juan at si Magdalena
    Lumuhod na capagcouan
    ang dalauang mañga banal
    inabot nila ang bangcay
    saca naman pinagdalhan
    sa cabaong inilagay
    Tinacpan namang totoo
    ang bangcay ni Jesucristo
    nang sábanas at sudario
    bañgong hindi mamagcano
    saan man sila patuñgo
    Angeles sa calañgitan
    nanaog at pumatnubay
    sa daang nilalacaran
    canilang tinatangisan
    itong Dios na maalam
    Marami nama,t, madla pa
    babaying nañgagsisama
    pauang may luha sa mata
    lumbay na ualang capara
    sa puso at ala-ala
    Doon din sa halamanan
    Getsemani ang pañgalan
    itong si Joséf na banal,
    ay may nabiling baunan
    di pa pinaglilibiñgan
    At ang boo niyang nasa
    caya binili ng una,
    ay doon ilibing baga
    na cun siya,i, mamatay na
    ang catauat,t, bangcay niya
    Sa malaquing sintang tañgan
    niya sa Poong maycapal
    ay iyong sadyang libiñgan
    inihandog, ini-alay,
    dito sa mahal na bangcay
    Nang sila ñga ay dumating
    dito sa mahal na libing
    ay ibinaba nang tambing
    ang catauang maloningning
    nitong sumacop sa atin
    Binuhat at sinahucay,
    at saca nila tinacpan
    nang taquip na nalalaan
    batong mármol ang pañgalan
    sadyang calinis-linisan

Комментарии • 2

  • @TheRoamingHistoryador
    @TheRoamingHistoryador 7 месяцев назад

    Hello. Hoping na may compilation ng mga iba't-ibang tono ng Pasyon mula sa iba't-ibang lugar sa Pilipinas. Kailangan natin ito upang maituro sa mga nagnanais matuto at makasama sa pagbabasa ng Pasyon ngayong Kuwaresma.

    • @buenviajeph
      @buenviajeph  7 месяцев назад

      You may want to check the album "Krus at Muling Pagkabuhay"