TAONG PUTIK FESTIVAL 2023 Bibiclat Aliaga Nueva Ecija! History of Taong Putik

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 22 июн 2023
  • “Taong Putik”
    Aliaga, Nueva Ecija - Tuwing ika- 24 ng Hunyo, ipinagdiriwang ang kapistahan ni San Juan Bautista at di tulad sa ibang bayan na kung saan ay nagbabasaan ng tubig ang pagdiriwang, dito ay pagpapahid putik sa katawan.
    Sa tahimik na barangay Bibiclat kung saan, karamihan ng residente ay magsasaka, isang kakaibang pagdiriwang ang kanilang ginagawa tuwing kapistahan at ito’y binansagan “Taong Putik”.
    Kilala sa tawag na “pagsa-San Juan,” ang mga katolikong deboto ay maagang tumutungo sa maputik na kabukiran at duo’y binabalot nila ang kanilang mga sarili ng makakapal na putik.
    Gamit ang pinagbungkos na tuyong dahon ng saging bilang mga balabal na pinupuno ng putik. Pagkatapos ay sabay-sabay nilang tatahakin ang kalsada patungo sa simbahan ng St. John the Baptist habang nagbubukang liwayway.
    Ang tradisyong ito ay minana pa nila sa matatandang residente na nuong panahon ng pananakop ng mga Imperyalistang Hapones ay pinaniwalaan na isang “milagro”.
    Ayon sa mga nakasaksi, nuong panahon ng ikalawang digmaan pandaigdig, tinipon ng mga sundalong Hapones ang isang grupo ng kalalakihan mula sa Bibiclat at sila’y hinatulan ng parusang kamatayan, sa bintang na sila’y mga rebelde o gerilya.
    Sa katirikan ng araw ng tanghaling tapat, habang nakatutok na ang mga ripleng kikitil ng kanilang buhay, biglang bumuhos ang napakalakas na ulan.
    Para mga opisyal ng mga Hapon na sumasamba sa ‘Araw’ bilang diyos, ito’y isang masamang pangitain kung itutuloy ang pagpaparusa sa mga kalalakihang bilanggo. At dahil dito, ang buhay ng mga kalalakihan ay naligtas.
    Subalit para sa mga deboto Katoliko, ito’y isang paghihimala ni San Juan Bautista para sa kanilang bayan.
    Magmula nuon, ang ‘Pagsa-San Juan’ ay naging tradisyon hanggang maging pamoso ito sa katawagang “Taong Putik
    #taongputik
    #aliaganuevaecija
  • РазвлеченияРазвлечения

Комментарии •