Crusoe Cabins at CaSoBe (Calatagan South Beach) - A very relaxing vacation in Calatagan, Batangas
HTML-код
- Опубликовано: 9 фев 2025
- Crusoe Cabins at CaSoBe (Calatagan South Beach) - A very relaxing vacation in Calatagan, Batangas
Marami sa atin ang naghahanap ng mga resorts na kung saan makakapag-relax at mag-i-enjoy tayo. Kung isa ka sa naghahanap ng ganitong resort, panoorin ang video na to. Sa mga napuntahan namin, isa ang CaSoBe (Calatagan South Beach) sa mga resorts na talagang tahimik, nakaka-relax at maraming pwedeng gawing activities.
Napakatahimik ng lugar at ramdam mo talaga na malayo ka sa syudad. Sa dulo ng video na 'to na kinunan sa gabi, pakinggan ang hampas ng mga alon sa dalampasigan habang walang ingay kang maririnig sa mismong resort.
Ang accommodation na kinuha namin ay ang Crusoe Cabins. Maganda ang Crusoe Cabins, talagang pinag-isipan at may privacy talaga dahil may distansya sa iba pang cabins.
Bawat Crusoe Cabin ay nanggaling sa container vans. Kaya para sa min, para na rin naming nasubukan ang mag-stay sa isang tiny house. Pero sa ganda ng design ng Crusoe Cabin at sa ayos ng mga gamit, maluwag pa rin 'to.
May complimentary breakfast po?