Itanong Mo kay Nurse Graham Vol.1 - HIV

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 22 окт 2024

Комментарии • 259

  • @KUYAFAITH
    @KUYAFAITH 5 лет назад +2

    Nurse Graham kung natatandaan nyo po. Ako po yung isa sa nag comment sa first vlog nyo about kung paano makakaiwas sa HIV. Thank God, Non Reactive po ang result. 😇👍 Nagpa test po ako last August 2 (Friday). Masaya po ako at laking pasasalamat ko sa Panginoon. Mas lalo ko pang pahahalagahan ang sarili ko.

    • @grahaminguito
      @grahaminguito  5 лет назад +2

      Hello po Mr. Sagittarius Official Channel! Nice to know po na negative po kayo. 😊 opo, mas maging maingat po. Spread the words and awareness po about HIV 😊

    • @KUYAFAITH
      @KUYAFAITH 5 лет назад +1

      @@grahaminguito Magpapa test po ulit ako sa September. Sa ika 3rd month ko po. Last na sex contact ko po kc is June 24 po.

    • @grahaminguito
      @grahaminguito  5 лет назад +2

      Mr. Sagittarius Official Channel ok po, ingat po lagi

  • @jamorantmemphis3422
    @jamorantmemphis3422 3 года назад +1

    Guys support niyo to napaka matulongin nento naka message ko na to and sobrang mabait more power to come nurse graham! ❤️🇵🇭

  • @jigz4526
    @jigz4526 5 лет назад +3

    kung wala pong symptoms yung hiv, bakit po ang daming videos ng early signs at na i-air pa like sa tv or radios.

    • @grahaminguito
      @grahaminguito  5 лет назад +1

      Hi ako si Jigz walang specific signs or symptoms ang HIV, general symptoms lang po. May mga tao na namumuhay ng normal in years na hindi nila alam na nagtataglay sila ng virus.. Pero may mga sign/symptoms halimbawa ay biglang pagbaba ng timbang - simptomas na hindi lang pang HIV, pupwedeng TB, pupwedeng Diabetes at marami pang iba - na nagiging rason kung bakit ang isang tao ay kumukunsulta sa doctor na kalaunan ay lalabas na HIV positive pala..

  • @markjasonabejar418
    @markjasonabejar418 3 года назад +1

    This video is very informative.

  • @binibini2834
    @binibini2834 5 лет назад +3

    Ask ko Lang po, never pa ako nakipagtalik at sa family namin walang record na may std o kung ano man so does that mean na wala ako HIV?

    • @grahaminguito
      @grahaminguito  5 лет назад +1

      Hi Sean Howard ang HiV ay hindi lang sa pakikipagsex nakukuha.. Pwede din po sya maipasa kapag nasalinan ka ng dugo na may infection, accidental needle prick o sharing ng needles, pwede din sa nanay papunta sa kanyang sanggol kung sya ay nagpasuso dahil nakikita din ang virus sa gatas ng Ina.. Kung wala ka ng mga ito possible na wala ka nga pero blood test pa din po ang magcoconfirm nito.

  • @aljohngutierrez1118
    @aljohngutierrez1118 Год назад +1

    Doc.. Anu po ba Ang basal pneumonia ?
    Delikado po ba un ?

    • @grahaminguito
      @grahaminguito  Год назад

      Hi aljon, infection po sya caused by bacteria sa ating baga (lungs) kailangan itong magamot ng antibiotics na ipeprescribe ng doctor. Nurse po ako. Pag napabayaan pwede itong maging sanhi ng mas malalang karamdam na pwedeng mauwi sa kapahamakan

  • @kano1122
    @kano1122 2 года назад +2

    Doc. May amoy po ba ang ari ng taong may hiv

    • @grahaminguito
      @grahaminguito  2 года назад

      Nurse po ako 😊
      Ang ari po ng babae at lalaki ay may natural na amoy. Normal flora sa ibang salita. Pero kapag po parang nabubulok po ang amoy ay may problema po dun. Baka po may sexual transmitted infection gaya po ng tulo. Pero pag sa hiv po wala naman pong ganun na symptoms

  • @chelailifestyle9588
    @chelailifestyle9588 4 года назад +1

    accurate po ba ang self hiv test sir? my last exposure was 2019 October 31 i test my self using hiv self test last January and March 15 and I was negative sir.

    • @grahaminguito
      @grahaminguito  4 года назад +1

      Di ko pa natry ang test kit sa lazada.. pero usually yung mga nababasa ko medtech ang seller at inassist naman sila mabuti kaya tingin ko ay ok naman yun.. Pero mas ok pa din po para sakin if may makausap po kayo na counsellor at matest sa facility para may official result 😊

  • @dominicmendoza6662
    @dominicmendoza6662 3 года назад +1

    na papasa po ba Ang HIV kapag yung HIV positive ay hinalikan nya po yung HIV negative na may sugat po pero yung hiv positive po ay wala pong sugat

    • @grahaminguito
      @grahaminguito  3 года назад +1

      Hindi po napapasa ang hiv sa laway at pakikipaghalikan lalo na po kung wala naman sugat 😊

    • @dominicmendoza6662
      @dominicmendoza6662 3 года назад

      @@grahaminguito thank you po

  • @jesmielzaplan6827
    @jesmielzaplan6827 10 месяцев назад +1

    Doc sa mga pupunta ng saudi reyad..at mag medical ka don.madedetect ba na may HIV ka kah8 yong Medical mo is pang requirements lang na magkaron ka ng I.D

    • @grahaminguito
      @grahaminguito  10 месяцев назад

      Hi po nurse po ako. Si po ako familiar sa requirements sa Saudi. Peo depende po sa kung anong medical/laboratories na pinagagawa nyo po.

  • @aeronoxaeronox1075
    @aeronoxaeronox1075 Год назад +1

    Doc I wanna ask lang po, If a person is hiv positive can they still take vitamin c?

    • @grahaminguito
      @grahaminguito  Год назад +1

      Hi po Nurse po ako. Yes po pwedeng pwede po

  • @josealejo9101
    @josealejo9101 4 года назад +1

    sir ...dahan2 kadin daw mamamatay sa GAMOT NA ..ARV NA gamot totoo po ba??
    kahit nag tatake kana nito? ??

    • @grahaminguito
      @grahaminguito  4 года назад

      Hi Enzomarieryan Millante sa pagkakaalam ko po base sa mga seminars at lectures na napakinggan ko ang ARVs po ang gamot na magpapabalik sa normal na depensa ng ating katawan (immune system) para di lumala ang HIV at mapigilan itong maging full blown AIDS..

  • @cuatrogooden7365
    @cuatrogooden7365 5 лет назад +1

    sir pwede po bang magtanong? meron po ba kayong facebook acc or other social media accounts

  • @jesmielzaplan6827
    @jesmielzaplan6827 10 месяцев назад

    Doc..pag nagaabroad at sympre nagmemedical muna d2 sa pinas b4 mag abroad..pwd poba makita na may HIV ka sa mga TEST or MEDICAL sa pag Abroad mo..or may medical lang para sa HIV

    • @grahaminguito
      @grahaminguito  10 месяцев назад

      Hi po, depende po ah check mo po yung list ng requirements ng lab test dun sa medical nyo kung may hiv test po.

  • @jeffreysasuy8385
    @jeffreysasuy8385 5 лет назад +1

    Kahit sir pahihas kayong walang sakit pero nag tatalik ang same gender...sir pa sagot po

    • @grahaminguito
      @grahaminguito  5 лет назад

      Hi jeffrey navarro kahit same gender basta sigurado kayong pareho kayong wala hindi po kayo magkakaroon..

    • @rhaycenlegaspi2946
      @rhaycenlegaspi2946 4 года назад +1

      @@grahaminguito pano po kapag walang condom pero wala syang HIV may chance po ba bang mag ka HIV kami parehas?

  • @mohidintoma5241
    @mohidintoma5241 3 года назад +1

    Ser may tanong ako pwd ba mahawaan ng HIV ang babae na hnd na galaw

    • @grahaminguito
      @grahaminguito  3 года назад +1

      Pwede po. Hindi lang sa pakikipagtalik naipapasa ang HIV. Pwede syang mapasa sa pagsasalin ng dugo na may impeksyon. Pwede din sya maipasa kapag natusok siya ng hiringgilya (Syringe) na gamit na.

  • @jimmontecina9442
    @jimmontecina9442 Год назад +1

    Sir ask kulang po nagpa test ako after 3moths after exposure the result is non reactive safe naba ako sa hiv sir?thanks po

    • @grahaminguito
      @grahaminguito  Год назад +1

      Hi Jim. If yung tinutukoy mo ay kung accurate yung result, i would say yes po. Yan po ang karaniwang advise pag magundergo ng hiv testing, na magpalipas ng 3 months from huling exposure bago magtest para magbigay po ng mas accurate na resulta.
      Non reactive po kayo ngayon, next goal po ay manatiling negative kayo kaya maging responsable po hane. Keep safe and enjoy 😊

  • @danmarkalvarezpaculaba7455
    @danmarkalvarezpaculaba7455 5 лет назад +1

    Sir..
    Halimbawa nakipag talik ka sa HIV+ ng dimo alam sa Loob ba ng Windowing Period na tinatawag may lalabas nabang sintomas?

    • @grahaminguito
      @grahaminguito  5 лет назад +1

      Hi Danmark Alvarez Paculaba walang sintomas na lumalabas sa window period at kahit pagkalagpas ng window period wala din pong sintomas. Ang isang taong may HiV ay mukhang normal hanggang 10-15 years at pwede syang makahawa sa mga panahon na yun ng hindi nya alam

  • @clarklouislimpiada4891
    @clarklouislimpiada4891 Год назад +1

    Posible ba agad na my HIV ang my Tb sa baga? Mahirap po ba ang gamutan ng TB pag may HIV na.

    • @grahaminguito
      @grahaminguito  Год назад +1

      Hindi naman po. Though pag may tb po kasi sila po yung mababa ang resistensya. Pag may hiv mababa resistensya. Kaya po karaniwan ang taong may hiv ay prone sa tb. Kaya inooffer na po ang testing ng hiv sa taong may tb. Pero di po yun matic na meron both 😊 sana maliwanag paliwanag ko kasi medyo naguluhan ako ng konti haha

  • @dominicmendoza6662
    @dominicmendoza6662 3 года назад +1

    My tanong pa po pala ako pano po kung yung hiv positive po ay hinalikan nya po yung hiv negative na may sugat po sa gums pero yung HIV positive po wala pong sugat sa gums o sa kahit anong parte ng bibig po hindi parin po ba mapapasa

    • @grahaminguito
      @grahaminguito  2 года назад

      Nasagot na po kita dito tama? 😊

    • @grahaminguito
      @grahaminguito  2 года назад

      Sorry nagcheck kasi ako parang may nasagot na kong question ko pag wala pa mamaya sagutin kita haha! Salamat po

    • @dominicmendoza6662
      @dominicmendoza6662 2 года назад

      Opo hehe pero kapag French kiss o deep kiss po ganoon hindi po pamapapasa yung virus yung positive po wala pong nag dudugo o sugat sa kahit anong parte ng bibig pero yung negative po ay may sugat lang po sa gums lang po pero hindi po nag dudugo

  • @opticalphysics5622
    @opticalphysics5622 5 лет назад +2

    Hi doc tanong kulang po sana kung pag parehas kayu may sira ang ngipin then nag halikan kayu ng matagal may possible ba na mahawaka ka sa HIV? btw po kiss lang po talaga ginagawa namin Maraming salamat po and GODBLESS

    • @opticalphysics5622
      @opticalphysics5622 5 лет назад +1

      Pasagot po plsss thanks and GODBLESS

    • @grahaminguito
      @grahaminguito  5 лет назад

      Sobrang mababa po ang risk na makuha ang hiv thru kissing po 😊

    • @grahaminguito
      @grahaminguito  4 года назад +1

      Hi Louie Nurse po ako. Base sa mga pag-aaral mababa din ang chance na mapasa ang HIV thru oral sex.. Pero nababago yun at tumataas kapag may mga singaw o sugar sa gilagid

  • @josealejo9101
    @josealejo9101 4 года назад +1

    Sir nakaka bili naba sa drugstore Ng HIV TEST KIT??? ty PO salamt

    • @grahaminguito
      @grahaminguito  4 года назад

      Wala po.. Pero meron akong nakikita online sa Lazada pero di ko pa po natry 😅

  • @laytonalcalde3081
    @laytonalcalde3081 5 лет назад +1

    sir, just asking lang po for my friend, possible po ba na wala kang nararamdaman na symptoms or kahit na anong sakit as in normal ka lang pero positive ka na pala?

    • @grahaminguito
      @grahaminguito  5 лет назад

      Marc Joemoon Urbano yep ang hiv ay walang sumptoms.. Mukhang normal at walang nararamdaman ng 10-15years pero infected at nakakahawa..

  • @itsmemario1636
    @itsmemario1636 5 лет назад +1

    Sir , if ever ung isang tao positive sa ganyang sakit , magkano den po kaya ung gamot para i take niya po ?

    • @grahaminguito
      @grahaminguito  5 лет назад

      Hi Its me Mario Hindi po ako sure sa cost ng gamot pagka sa private.. Pero sa mga government facilities po ay libre po ang gamot

  • @mickhoaquino
    @mickhoaquino 4 года назад +2

    Doc, Im Positive neto lng January 2020.... My Chance pa po ba ako ma built katawan ko kasi im taking my arv medicines na yung side effect sakin is sadyang pangingilo and panliliit ng muscles( binti at braso) ehh napunta ako sa gym at taking my dance workout such as yung "Just Dance" (yung sa mga sm quantum amusement arcades if nakikita niyo) tapos wala pa akong isang oras pagod na ako kaagad pati habang nag sesession sa gym at sa bahay ko...pero pag na take ko na yng arv meds ko...mararamdaman ko parin po ba ito? Kasi gusto ko mgpalaki ng katawan ehhh i just wondered na yung situation ko is too at risk na....pero alam ko namang makakaya ko toh...salamat po sa advice

    • @grahaminguito
      @grahaminguito  4 года назад +1

      Ang alam ko po pwede naman, pero dahan dahan lang po.. Syempre nagpapalakas pa po ulit ang katawan nyo kaya wag nyo po bibiglain.. 😊 Continue lang po sa paginom ng gamot, tamang pahinga at pagkain ng sapat.. Unti unti makakabalik ka na po sa mga ginagawa mo dati 😊

    • @mickhoaquino
      @mickhoaquino 4 года назад +1

      Graham Inguito I knew it....salamat po doc 🙂🙂

    • @grahaminguito
      @grahaminguito  4 года назад +1

      Mickho Aquino Nurse po ako Sir 😊

    • @mickhoaquino
      @mickhoaquino 4 года назад +1

      Ay hahaha! My bad....one last question pwede kpang mkapagswim sa mga beaches and pools pag meron kng STD/STI such as warts? Kc cousin ko ngkameron ehh...masyado syang curious...hindi ba nakakahawa yan? Or yung tulo ng bleeding nun? Thank you again 🙂🙂

    • @grahaminguito
      @grahaminguito  4 года назад +1

      Mickho Aquino yung warts po ay thru skin contact pag nagdikit ang balat pwede mahawa.. yung tulo naman unprotected sexual contact.. Pag may nangyari sa inyo lalo na vaginal or anal intercourse ng walang proteksyon pwede po mahawa.. Kadalasan nana ang lumalabas pero mayron din dugo

  • @japable5383
    @japable5383 3 года назад +1

    What if nagdental floss, then nakipagoral sex possible ba na mainfect sa HIV???

    • @grahaminguito
      @grahaminguito  3 года назад +1

      Hi Japable. If hindi tama ang paggamit ng floss, halimbawa, masyadong madiin ang pagfloss mo to the point na may pagdudugo na sa gilagid. Pupwedeng nagkaroon ng maliit na sugat na maaari ding pasukan ng virus if nagoral sex kayo...

  • @cleopatraitsmeh1935
    @cleopatraitsmeh1935 5 лет назад +2

    One question po
    Kung ang bakla po ay may HIV and ang boy po ay not? And they had sex. Paano po magkakaruon ung boy ng HIV...
    Thnx po pag nasagot nyo

    • @grahaminguito
      @grahaminguito  5 лет назад +2

      Cleopatra Its Meh kapag nagtalik sila ng walang proteksyon lalo na kung yung anal sex mataas ang tyansa na mahawahan yung boy na tinutukoy mo

    • @cleopatraitsmeh1935
      @cleopatraitsmeh1935 5 лет назад +1

      Thanks po nurse graham

    • @ericavlogerica1713
      @ericavlogerica1713 5 лет назад +2

      Agad agad hawa bayan sir graham??

    • @grahaminguito
      @grahaminguito  5 лет назад

      erica VLOG Erica opo, mahahawahan na po pero di pa po agad madedetect thru testing.. Yun po yung tinatawag na window period, 3months after ng huling contact ay pwede po magnegative ang resulta pero nainfect na po ng virus

  • @acezhuizhru7655
    @acezhuizhru7655 5 лет назад +1

    Pre, posible din ba magka hiv galing sa laway? My time kasi na nhalikan ako ng lokong tago. Kala ko lalaking tunay. Lasing ako nun eh! Nagising ako nahalikan nya bibig koh putik! 🙄😕😕

    • @grahaminguito
      @grahaminguito  5 лет назад

      Ace Zhu Izhru wala po sa laway yung virus Sir.. 👌🏼

    • @acezhuizhru7655
      @acezhuizhru7655 5 лет назад +1

      @@grahaminguito thank you bro 😍

  • @renzjosephparaiso1629
    @renzjosephparaiso1629 3 года назад +1

    maaari po bang magkaroon ng hiv ang parehong negative ?

    • @grahaminguito
      @grahaminguito  3 года назад

      Kung loyal po ang magpartner sa isat isa at nagpatest sila at pareho silang negative. Hindi po.
      Pero hindi lang sa pakikipagtalik nakukuha ang HIV ha? Hmmmmm gahawa nga ako ng video yan ang topic 😊👌🏼

    • @erickrafaelmino8074
      @erickrafaelmino8074 3 года назад +1

      Hi sir I'm also a nurse, please be informed na walang test na perfect, at may window period tayo sa hiv na hindi na detect c HIV antibodies at depende sa hiv test kits... There are advance kits na Naka detect both antigen at antibody... Please be guided... I still suggest na MA counsel ka prior through a reliable testing center.

  • @jaysonmendoza1671
    @jaysonmendoza1671 5 лет назад +1

    Nurse graham tanong lang poh, pwede rin poh bah mahawa ng hiv pag my sugat yung kamay na ipinasok sa masilang parte ng katawan ng babae,salamat poh

    • @grahaminguito
      @grahaminguito  5 лет назад

      jayson mendoza may posibilidad po kasi ang sugat ay pwedeng daanan nung virus na nasa liquid discharge ng mga babae

    • @jaysonmendoza1671
      @jaysonmendoza1671 5 лет назад

      @@grahaminguito pano poh kung hindi nilabasan ung babae

    • @grahaminguito
      @grahaminguito  5 лет назад

      jayson mendoza mahirap sabihin po ah... Basta yung fluids na lumalabas sa knila andun po yung virus

  • @jralfmr
    @jralfmr 5 лет назад +1

    Iba ka lodi!

    • @grahaminguito
      @grahaminguito  5 лет назад +1

      Tinapos mo? Haha!

    • @jralfmr
      @jralfmr 5 лет назад

      @@grahaminguito hindi.. Joke lang! Natawa ako dun sa para-paraan! Hahahaha!

  • @lmao19
    @lmao19 Год назад +1

    Hello po nurse graham ask ko lng po kapag ba yung partner mo is HIV positive hmmm halimbawa na magkahati kayo sa food then naghalo yung laway nyo possible po ba na mahawa ako kasi magkahati kami sa food and inumin thanks po sana masagot hihiz

  • @amarafayegonzales5903
    @amarafayegonzales5903 5 лет назад +1

    Ask lng po.. Gaano po b katgal ang gMutan kpg na detect na ma STD ka?

    • @grahaminguito
      @grahaminguito  5 лет назад

      Morning Amara, depende po sa kung anong klaseng infection at sa reaction ng katawan ng tao sa gamot. Meron pong 1week ok na pero may ibang mas matagal. Depende po sa ioorder ng doctor. Pinakamaganda po ay magpacheck up para mas maipaliwanag po sa inyo ang gagawin 😊

  • @kristinejoyitang723
    @kristinejoyitang723 4 года назад +1

    sir diba po home treatment naman po yan

    • @grahaminguito
      @grahaminguito  4 года назад

      Yes po. Kung susundin nya ang doctor iinom sya ng gamot ng regular at magiging makakas katawan nya pwede ayang mamuhay ng normal 😊

    • @kristinejoyitang723
      @kristinejoyitang723 4 года назад +1

      pag magpascreening po ba para malaman kung possitive madali lang makuha resulta?

    • @grahaminguito
      @grahaminguito  4 года назад

      Yes po

  • @richardalestre520
    @richardalestre520 4 года назад +2

    San ako pwedi mag pa test nurse Graham from makati ako. Thank you po

    • @grahaminguito
      @grahaminguito  4 года назад

      Richard Alestre hello po.. Hindi ako familiar sa mga testing centers sa Makati pero meron din sa mga private clinics, hospitals, diagnostic centers na pwede po kayong maginquire

    • @Jhay-sg6ei
      @Jhay-sg6ei 3 года назад +1

      Sa project red ribbon po alam ko free cla,search muna lng sa google address nila

    • @grahaminguito
      @grahaminguito  3 года назад

      Salamat po

  • @ronagrimano6082
    @ronagrimano6082 3 года назад +1

    I'm just curious po, how many negative result do you need para masabing safe ka na at wala kang HIV??

    • @grahaminguito
      @grahaminguito  3 года назад +2

      I would say 2 po. Dalawang beses.
      Halimbawa nagpatest ka po ngayon at negative result mo. After 3 months - walang exposure/risk - isa pa po ulit. Pag negative po yun, safe na po sabihin na wala ka po nung virus.
      Pero pwede din naman po isa. Kung sigurado ka sa sarili mo na wala kang exposure nitong nakaraang tatlong buwan. Ok na din po yun 👍🏻😊

    • @ronagrimano6082
      @ronagrimano6082 3 года назад +1

      Thankyou sir😊

    • @grahaminguito
      @grahaminguito  3 года назад

      Welcome po 😊

  • @harurutzabini1933
    @harurutzabini1933 2 года назад +1

    Hello po nurse sana masagot niyo po to last July 7 po kasi nagkita kami ng jowa ko eh late ko po nalaman na may tulo siya and nag halikan po kami yung matagal and parang may sugat sugat po ako sa bibig that time mahahawa po ba ako kasi parang may nararamdaman po kasi ako sa private part ko and medyo makati ang lalamunan at pwet ko wala naman po akong discharge as in wala po talaga sadyang parang namamaga lang po yung ari ko possible po ba yun?

  • @loisasoberano8281
    @loisasoberano8281 3 года назад +1

    gay po ako paano po kung first time po namin ang isat isa nung boyfriend ko never po ako at sya nakipag sa sex iba, May chance padin po ba na magka HIV kami? If oo po sa mga anong paraan po?

    • @erickrafaelmino8074
      @erickrafaelmino8074 2 года назад

      Hi sir I'm nurse din po, kung both po kayo ay first time ang tanong po is sure kayo na wala kayong exposure before or akala nyo safe pero hindi Pala, if both po kayo ay HIV negative thru testing sa tamang panahon, then continue to practice safe sex, paalala po kahit oral sex ay may risk Kaya we encourage condom use at mas tumataas if may anal sex, keep safe

  • @edbryanserrano9990
    @edbryanserrano9990 2 года назад +2

    Hi Doc. Im new here. How about sa BJ po oral sex? di ko naman nilunok semen ng partner ko. wala naman akong sugat sa bibig, nag babalat lang po yung lips ko in case na positive yung partner ko pero wag naman sana, may chance ba na ma transmit ko yung disease? Thanks po and God Bless ☺️

    • @grahaminguito
      @grahaminguito  2 года назад

      Hi nurse po ako. 😊
      Kung nagbabalat ang labi lalo na po kung may crack pwede po syang daanan ng virus.

    • @erickrafaelmino8074
      @erickrafaelmino8074 2 года назад

      Hi sir nurse din po ako, palagi po namin sinasabi, oral sex ay hindi zero risk for HIV, tumataas po ang chance if may sugat sa ari or bibig at na expose ang sugat sa semilya or secretions galing sa ari ng lalaki, still we encourage condom use kahit oral sex lang at hindi nyo Alam hiv status ng partner ninyo... Please be safe and be tested if may history ng unsafe sex or multiple sex partners

  • @louieramos1265
    @louieramos1265 4 года назад +1

    Advisable din po ba yun rimming when it comes to sex ?

    • @grahaminguito
      @grahaminguito  4 года назад +1

      Kung naeenjoy nyo ng partner mo go lang.. Basta malinis 👌🏼

  • @johnbhrixemaquiling314
    @johnbhrixemaquiling314 Год назад +1

    Doc pano po kapag sa labas nya po pinalabas yung sperm nya, pwede pa din po magka hiv ung pinasukan?

    • @grahaminguito
      @grahaminguito  Год назад

      Hello john. If yung pumasok ay positive pero sa labas sya nagpaputok, still possible pa din po na mahawahan yung pinasukan, may pre cum po kasi tayo, at yung pre cum na yun ay nagtataglay din ng virus. Panuorin mo itong isa kong video tungkol jan

    • @grahaminguito
      @grahaminguito  Год назад

      ruclips.net/video/HZH6PwTBRVY/видео.html

  • @andreypilarca52
    @andreypilarca52 3 года назад +1

    Sir can I ask? If may risk ba sa insertive fellatio kasi nung nag oral kami ng isang gay ay nasugatan po yung ari ko pero sa skin lang. May risk po ba yun sa akin? Na negative ako tapos sya oo?

    • @grahaminguito
      @grahaminguito  3 года назад +1

      Base sa mga stidies and articles na nabasa ko maliit ang chance o risk na maipasa ang hiv thru oral sex pero low risk is still risk. Saka ireremind din kita na hindi lang hiv ang sexually transmitted infection na available. Merong syphilis, herpes at gonorrhoea na madaling ipasa kahit oral sex lang. kaya best pa din ay may regular check up ka at regular partner 😊

  • @johnricksamonte5358
    @johnricksamonte5358 2 года назад +1

    Ang aking labi ay nagustan during oral sex po. . High risk po ba un kahit di nagrelease si partner sa bibig ko po

    • @grahaminguito
      @grahaminguito  2 года назад

      Mayroon po kasing precum na tinatawag. Yun po ay likido na lumalabas bago magorgasm o labasan. Nagtataglay din po yung ng virus kung sakaling infected po ang inyong partner. Kaya may risk pa din po

  • @cabornayjhonroxela3535
    @cabornayjhonroxela3535 3 года назад +1

    Hello po ask ko lang sir kasi may nakasex ako nito August 1 then nagtest po ako after 6days ng last exposure ko at negative nmn po accurate po yun result na yun may condom nmn po ako pero gusto ko lang po makasure na negative talaga po ako ?at may isa pa po ako tanong mahahawa po ba ako ng hiv kapag nakipag oral sex ako ng unprotected?

    • @grahaminguito
      @grahaminguito  3 года назад

      Hi Jhon, sabi sa studies maliit lang chance na mahawa ng hiv thru oral sex. Pero tumataas ang risk kapag may sugat o singaw sa gilagid ang taong gumagawa nun.
      99% effective daw po ang condom basta tama at palagi itong ginagamit 😊

  • @ayancanlas4786
    @ayancanlas4786 3 года назад +2

    Sir may tanong lang po ako nag pa test po ako after 34 days NR nmn po yung resulta ko po tpos sinabihan ako ng med tech at doctor na ok na daw po yung resulta ko po no need na daw po 2nd test ang ang unprotected ko ay inoral ako ng babae tpos po nung mag sesex n po kami ay mag condom nmn po ako last jan 16 nag pa test po ko feb 20 2020 po ko nag pa test ginamit po sakin ay hiv 1/2 3.0 tpos may nag post pa po na sabi 3 weeks nga lang daw na dedetect na daw po

    • @grahaminguito
      @grahaminguito  3 года назад +2

      Hi ayan canlas. Sa sobrang busy namin sa covid ngayon wala na akong update sa testing. Pero kung yun sabi ng doctor sayo, tingin ko po ay ok na yun. Last year pa naman sya nangyari tama? Basta lagi kang magiingat. Always use protection 😊

    • @ayancanlas4786
      @ayancanlas4786 3 года назад +2

      @@grahaminguito maraming slamat po sa inyo

    • @erickrafaelmino8074
      @erickrafaelmino8074 3 года назад +2

      Hi sir I'm also a practicing nurse, I think the Medtech and the doctor is referring to the 4th generation hiv test, it detects the antibody and the P24 antigen, that's why as early as 1 month it can test reactive, In Comparison to the 3rd generation tests, the usual kits, we need about 3 months because it only detects the antibodies and not the p24 antigen.

    • @grahaminguito
      @grahaminguito  3 года назад +1

      Thank you Sir Erick! Keep safe po always

    • @erickrafaelmino8074
      @erickrafaelmino8074 3 года назад +2

      @@grahaminguito hi sir, I'm very willing to answer questions and enlighten our fellow Filipinos on this topic of hiv, thank you for having this RUclips channel... Kulang pa rin po talaga sa information ang ating mga kababayan.. And I think this covid pandemic, I expect the rise of Hiv, Kasi na wala na sa monitoring and testing... Thank sir sa inyo... And will be willing to help answer questions. GOD BLESS

  • @maricelmontoya6557
    @maricelmontoya6557 3 года назад +1

    san po pwede mag patest sa muntinlupa area po, thank you.

  • @ceasarcaneba5750
    @ceasarcaneba5750 5 лет назад +1

    👏👏👏👏👏👏👏

    • @grahaminguito
      @grahaminguito  5 лет назад

      Yown! Salamat Sir ceasar caneba 😊🤟🏻

  • @nexplays787
    @nexplays787 5 лет назад +1

    hello sir sana po matolungan niyo po ako . way back 2014 nag karoon po ako kaiban na gay and diko naman po alam if may sakit siya na hiv or what so meron pong nangyare samen but diko naman matawag na sex talaga siya or what dahil hindi totaly nakapasok ang ari ko sa anus niya and the after nun nag karoon po ako ng GF and parehas po kaming first time na mag do . and then ilang years nakalipas walapaakong kalaaman tungkol dito sa sakit nayun . sa 4 year namin na pag sasama nag kakaroon po kami ng sexual intercourse minsan may condom minsan unprotected but i loyal na siya lang naka sex ko ng ganun po after nuung 2018 is nag ksakit po ako nag karoon po ako ng singaw sa bibig madami pong singaw yun and may record nadin po ako ng pag ka denque and now na na educate ako tungkol sa HIV . and last july 2019 nag do po kami ni gf na matagal naman po namin gingawa iyon and ngayong sept lng po ako nag pa test and ang result is NONREACTIVE (NR) .pero still worry padin po ako parang hindi po ako panatag salamat po . sana makakuha ako ng opinyion niyo tungkol po dito

    • @erickrafaelmino8074
      @erickrafaelmino8074 3 года назад

      Hi sir I'm a nurse also, if the last exposure was more than 6 months, and you did a test from a reliable laboratory, and it was non reactive, then that is most likely negative.

  • @jonasmorgan898
    @jonasmorgan898 3 года назад +1

    1 year and 8 months na last sex ko
    Pwede na po ba ako mag pa test doc magiging accurate po ba ang test ko??

    • @grahaminguito
      @grahaminguito  3 года назад

      Yes po pwede na magpatest. Pero maliban po sa sexual contact wala po ba kayong history na nasalinan ng dugo, naoperahan i kaya po ay natusok ng gamit na karayom? Kung wala po ay sa tingin ko ay ayos na po iyon

    • @jonasmorgan898
      @jonasmorgan898 3 года назад

      @@grahaminguito doc may symptoms pero mild lang siya ubo sipon lang and parang my infection ako sa mouth medyo paranoid lang oral sex lang yon and kissing ngayon wala na naman serious na symptoms talaga nag hiv self test ako galing sa lazada recare ang tatak niya negative naman ang sabi kasi doon ung ang maganda pag matagal na ang exposure kasi rapid test yon ano po masasabi niyo doc salamat po

    • @jonasmorgan898
      @jonasmorgan898 3 года назад

      @@grahaminguito magiging accurate po ba test ko doc di na kailangan ng conformation test? Wala na po ako sex activities after that

    • @erickrafaelmino8074
      @erickrafaelmino8074 3 года назад +1

      @@jonasmorgan898 hi sir I'm also a practicing nurse, the 1 year and 8 months last exposure is very long already, to produce sufficient amount of antibodies, Kaya if negative, that is most likely negative. We wait for 3 months and we can do after 6 months just to be sure but yours is 1 year already. The questing here is if legit ba ang test kit na ginamit, otherwise a laboratory based 4th generation test or elisa can be done.

  • @jeffreysasuy8385
    @jeffreysasuy8385 5 лет назад +1

    Hellow po napanuod ko po yung batang poz hehehe napaisip lang po ako pasagut po agad sir....
    Mag kakaruon din po ba ng HIV ang isang tao kung nakikipag talik sya sa kapwa nya lalaki pero parishas po kayong negative may tendency pobang mag karuon kung di gumagamit ng condom

    • @grahaminguito
      @grahaminguito  5 лет назад +2

      jeffrey navarro Kung pareho kayong negative wala naman po dapat ikaworry.. Pero pano nyo malalaman kung megative kayo pareho? Magpatest 😊

  • @dumplingniniislife3014
    @dumplingniniislife3014 5 лет назад +1

    Hi po pwede poba mag tanong?

  • @villanuevamikkoroycea.6945
    @villanuevamikkoroycea.6945 3 года назад +1

    Ask ko lang po if ever nakipagoral sex, yung nagpapasubo po ba pwede magkaroon ng hiv?

    • @grahaminguito
      @grahaminguito  3 года назад

      Hi Mikko. Sabi po sa mga studies napakababa ng risk na maipasa ang hiv thru oral sex kumpara sa anal at vaginal sex. Sobrang baba pero meron pa din. Keep safe po 😊

    • @teddybare4419
      @teddybare4419 3 года назад +1

      Same question

    • @grahaminguito
      @grahaminguito  3 года назад

      Sobrang baba lang po ng risk na makuha ang infection (HIV) sa oral sex. Pero nataas po yung risk kapag may sugat o gasgas sa ari ng nagpapasubo at singaw o mga sugat sa sumusubo

    • @teddybare4419
      @teddybare4419 3 года назад +1

      @@grahaminguito sa butas po ng ari hindi pwedeng pumasok yung virus?

    • @grahaminguito
      @grahaminguito  3 года назад

      Yes po

  • @johnandreypilarca884
    @johnandreypilarca884 3 года назад +1

    Ser mahahawaan ba ako kahit wala ako insertive fellatio pero medyo nasugat ang ari ko pagkatapos ng oral sex ko po.Posible po bang matransmit thru mouth to genital?

    • @grahaminguito
      @grahaminguito  3 года назад

      Hi Andrey! Kung iaanalisa nateng mabuti ang nangyari. DISCLAIMER: this is not an expert opinion ha? 'Coz im not an expert. Kung nasugat ang ari mo tas positive pala yung gumawa ng oral sayo. Mababa ang risk. Tataas ang risk kung may sugat si "nag-oral" lalo na kung may bleeding sya sa bibig. Pero kung nasugat ka at si nag-oral ay wala naman sugat at bleeding sa bibig low risk lang sya..
      Ang hiv ay nasa apat na likido ng katawan ng tao.
      Dugo
      Tamod
      Hima
      Gatas ng nanay
      Sa nangyari sa inyo wala naman ako nakikitang matinding exposure.
      Kung babaliktarin naman natin ang sitwasyon.. yung nag oral ay may sugat sa bibig. Tapos sa bibig nya ikaw nilabasan. Mas mataas ang risk nya na mahawa sya kung yung taong naioral ang positive.

    • @grahaminguito
      @grahaminguito  3 года назад

      Ang hirap magexplain dito haha pero sana nagets mo kahit papano. Nung binasa ko kasi medyo naguluhan ako da sarili kong sagot haha!

    • @johnandreypilarca884
      @johnandreypilarca884 3 года назад

      Salamat po ser sa information maraming salamat po talagaaa

    • @grahaminguito
      @grahaminguito  3 года назад

      Walang anuman 😊

  • @firstvlogenemydubblekill5067
    @firstvlogenemydubblekill5067 3 года назад +1

    sir gay sex malala po ba ang hiv sa gay sex??

    • @grahaminguito
      @grahaminguito  3 года назад

      Yung mga reported cases naten dito sa pinas 90%+ ay male having sex with male o m2m. Mataas yun.

    • @erickrafaelmino8074
      @erickrafaelmino8074 3 года назад

      Hi sir I'm also a nurse, gay sex that you mean is mostly associated with anal sex... It is very high risk Kasi hindi designed talaga ang anus na e penetrate, also walang natural lubrication ang anus compared sa vaginal sex, dahil dito pwede mag bleed during anal sex, and blood has higher viral load kumpara sa ibang body fluids... Please do practice safe sex.

  • @danyeongtomonyt7537
    @danyeongtomonyt7537 4 года назад +1

    ang pogi naman ni doc pa test nga ako sayo..

    • @grahaminguito
      @grahaminguito  4 года назад

      Haha! Thank you po.. Nurse po ako.. Parina po kayo at ng macheck up na

  • @cjlionganadzal2332
    @cjlionganadzal2332 4 года назад +1

    Sir sana masagut mo ang tanong ko nong october 4 nakipag sex ako ako sa kapwa lalake tapus pag ka hapun nun inubo ako at parang nilalagnat tapus hangang ngayun pabalik balik yung lagnat ko at ubo posible ba na positive ko sa HIV, kasi puma payat na ako.

    • @grahaminguito
      @grahaminguito  4 года назад

      Morning Cjliongan Adzal Ang tanging paraan lang po para malaman kung kayo ay nainfect ng virus ng HIV ay ang pagpapatest ng dugo.. Tungkol naman sa lagnat, ubo at pagbaba ng timbang maipapayo ko sa'yo na magpacheck up ka o bumisita sa health center sa inyong lugar para marequestan ka po ng mga laboratory para malaman natin kung san nanggagaling yung mga natarmdaman mo ngayon

    • @cjlionganadzal2332
      @cjlionganadzal2332 4 года назад +1

      @@grahaminguito salamat po mag papa check ap po ako mamaya, baka kulang po ako sa protin, kasi palagi kong nilalamig

    • @cjlionganadzal2332
      @cjlionganadzal2332 4 года назад

      Diba po 3month pa pwding mag pa test bago mo malalaman kong may HIV ka, kasi po last month nag pa check up ako ang sabi ng doctor 2 years pa daw bago mo malalaman kong may HIV or lalabas yubg mga sintomas ng HIV

    • @grahaminguito
      @grahaminguito  4 года назад

      Cjliongan Adzal yes po mas maganda kung 3months after ng laat unprotrected contact mo po para masure naten yung result..
      Pacheck up ka ha para malaman kung bakit ganyan nararamdaman mo.. para mabigyan ka ng gamot kung kailangan.. Tapos HIv test sa Jan2020 👍🏻

    • @cjlionganadzal2332
      @cjlionganadzal2332 4 года назад +1

      Salamat po wala po bang gamot ang HIV?

  • @angelicaborito488
    @angelicaborito488 4 года назад +1

    Pano ho yun kakaihi mo plang tpos mamaya iihi ka nnmn pasagot ho.

    • @grahaminguito
      @grahaminguito  4 года назад

      Hi angelica, sorry ngayon lang nakasagot medyo nabusy kasi.. Kapag ihi ka ng ihi pero dahil yun sa inom ka ng inom ng tubig normal lang po yun.. Pero kung ihi ka ng ihi tapos parang may natitira o may iba ka pang nararamdaman mas ok na magpacheck ka na po kahit sa pinakamalapit na health center sa lugar nyo para mapaliwanagan po kayo ng maayos

    • @angelicaborito488
      @angelicaborito488 4 года назад +1

      @@grahaminguito pano po yun. Isa namamayat ako mahina po kasi ako kumain or laging puyat . Madalas simula po ng uminom ako ng enervon lagi akung antok sa pagkain minsan malakas minsan hindi. Kpag trip ko yun ulam tpos parang lagi akung busog . Medyo bumabalik nmn daw katawan ko. Sabi ng iba sabi non iba ganon parin. Nkakatakot kasi minsan magpacheck up. Bka meron or wala ako. Alam ko nmn wala ako . Ihh kaso katakot magka ganon

    • @grahaminguito
      @grahaminguito  4 года назад +1

      angelica borito ang pinakamaganda mo pong gawin ay harapin ang takot mo na magpacheck up. Dun po kasi masasagot lahat ng tanong at agam agam na gumugulo sayo.. Lagi mo pong iisipin na mabuti ang maagang konsultasyon para maging palagay ka kung sakaling malaman mo na wala kang sakit o kaya naman ay mabigyan ka agad ng lunas kung sakaling mayroon.. 😊

  • @rosiebal
    @rosiebal 5 лет назад +2

    🤣🤣🤣🤣🤣pakita na yan🤣🤣🤣🤣🤣style bulok🤣🤣🤣🤣naaliw aq kay kuya pararaan😹

    • @grahaminguito
      @grahaminguito  5 лет назад

      Oo nga po haha! Paraparaan yung mokong na yun ah 😊

  • @drewwie0304
    @drewwie0304 4 года назад +1

    Hello po Nurse Graham, ask ko lang po kung possibility po na may hiv po ako if nakipag oral sex po ako sa 7 na lalaki then nakipag anal sex po ako sa lalaki pero ako ung isertive, may chance ba na mahawa po? thank u po :)

    • @grahaminguito
      @grahaminguito  4 года назад

      Hi Drewwie, kung yung mga encounter mo po ay unprotected sexual intercourse pupwede po kayong mahawahan..

  • @markcobarrubias2792
    @markcobarrubias2792 3 года назад +1

    Pano po ba malalaman kung mag HIV ka

    • @grahaminguito
      @grahaminguito  3 года назад

      Morning Mark. Ang tanging paraan lang po para malaman kung may HIV ka ay sa pamamagitan ng blood test. HIV test.

    • @ronilochavez9753
      @ronilochavez9753 3 года назад +1

      @@grahaminguito Hi Doc, namatay po kc yung nkaSex ko nun 2019.. Huli ko n nalaman n HIV pla Ang cause of death nya. Natakot po ako mgPatest. Posible b n nahawa n ako s knyan this year 2021? Natatakot ako malaman Ang result once n mgpatest ako

    • @grahaminguito
      @grahaminguito  3 года назад +1

      Possible po lalo na kung hindi protektado ang pagtatalik. Yung walang condom. Ang tangi lang pong paraan para malaman yun ay magpatest. Yun lang po kasi ang makapagsasabi kung nahawaan ka po nya o hindi. Kaya mo iyan. Kailangan mo harapin ang testing para
      1. Mapalagay ka at mawala ang isipin mo kung magnegative ka.
      2. Magamot agad kung positive. Pwede kasi yun lumala pag napabayaan.
      Nurse po ako ha 😊

    • @erickrafaelmino8074
      @erickrafaelmino8074 3 года назад

      @@ronilochavez9753 hi sir I'm also a nurse, I would really encourage you na magpatest Kasi your last exposure was 2019, and full blown aids ang Naka sex mu... Please be tested Kasi the earlier ma detect, at Maka start ng treatment, mas better ang outcome at hindi pa bagsak ang immune system sir.

  • @memphis6117
    @memphis6117 2 года назад +2

    3 years ago po(2019) chinupa ako ng bakla at nilabasan po ako sa loob ng bibig nya, mahahawa po ba ako ng HIV if positive sya?
    (Di ko po alam ang HIV status nya)
    nag aalala po ako kasi tunubuan po ako ng kulugo/wart(isa lng naman) mga last year siguro. At ngayon naman tunubuan ako ng mga nunal. ( Di ko alam kung cause lng to ng stress or dahil kung ano-ano lng ang iniisip ko/nag ooverthink. Di kasi ako pala labas ng bahay simula nung nag lockdown or kung lumabas man ako bihira lng (kung may ipapasa lng na requirements sa school)
    sana masagot nyo po.

    • @grahaminguito
      @grahaminguito  2 года назад +1

      Sabi po sa mga studies sobrang baba ng risk na maipasa ang hiv thru oral sex. Regarding po sa warts at nunal mas ok po kung mapacheck nyo yun sa derma para makasure kung ano po yun 😊

    • @memphis6117
      @memphis6117 2 года назад +2

      @@grahaminguito salamat po sa reply❤️❤️❤️

    • @grahaminguito
      @grahaminguito  2 года назад +1

      Wala pong anuman. Ingat po palagi

  • @teddybare4419
    @teddybare4419 3 года назад +1

    Tanong kolang po pwede pubang mahawa ung nagpapasubo if positive ung nagsusubo? Mga ilang percent po ung possibility?

    • @erickrafaelmino8074
      @erickrafaelmino8074 2 года назад

      Hi sir, una oral sex is not zero risk for HIV, pwede pero mababa, ito ay tumataas kung may sugat sa bibig at may sugat sa ari din ang sinusubo. We still suggest condom use if casual sex or multiple sex partners kahit oral sex lang.. Keep safe

  • @ericavlogerica1713
    @ericavlogerica1713 5 лет назад +4

    Sir tanong po pag nag talik wlang condom..then winidraw nman nya hindi pinasok ang tamod maka hiv pi vah...din..

    • @grahaminguito
      @grahaminguito  5 лет назад

      Posible pa din po Sir.. Kasi meron pong pre cum na tinatawag onpre ejaculatory semen na lumalabas bago po yung orgasm.. Present din po kasi ang virus doon..

    • @ericavlogerica1713
      @ericavlogerica1713 5 лет назад

      Dok..salamat poh..tanong ulit poh..pag wla kayong sakit dalawa nag talik kayo anal pah..wla bang problema..kahit may kunting hapdi ohh gas gas sa pwet???

    • @grahaminguito
      @grahaminguito  5 лет назад +1

      erica VLOG Erica kung wala pong sakit wala naman po dapat ikaworry.. Ang tanging way po para malman kung free kayo sa virus ay thru blood test po.. Saka Nurse po ako Sir 😊

    • @ericavlogerica1713
      @ericavlogerica1713 5 лет назад

      Jejeje salamat pohh nurse handsome...sa knowledge...

    • @ericavlogerica1713
      @ericavlogerica1713 5 лет назад

      Sir paano po ba ma kukuha ang STD..wla kayong sakit pariho tapos nag sex kayo na walang comdom sa pwede kuha agad ang STD??kahit malinis na yong pwet mo???poh...

  • @PeterPan-ku7tg
    @PeterPan-ku7tg 5 лет назад +1

    Sir gaano kalaki risk kapag pinasok ko lang for 3 secs ang aking alaga sa pwet nung guy ng walang condom. Walang motion na naganap, insertion lang. Salamat sir. 😀

    • @grahaminguito
      @grahaminguito  5 лет назад

      Hi Peter Pan ang HIV ay matatagpuan sa apat na likido ng katawan ng isang tao. Sa tamod, sa hima, sa gatas ng nanay at sa dugo. Nung naipasok mo ang iyong alaga sa pwet ng 3 sec bagaman walang motion at insertion lang sabi mo, pwedeng nagcause yun ng pagkapunit sa anus ng iyong partner at gasgas sa iyong alaga kaya ang risk ay andodoon pa din..

    • @acezhuizhru7655
      @acezhuizhru7655 5 лет назад +1

      @@grahaminguito ano yung hima pre?

    • @grahaminguito
      @grahaminguito  5 лет назад

      Ace Zhu Izhru hima po yung lumalabas sa ari ng babae.. counter part po ng tamod ng mga lalaki..

    • @rayofamin7413
      @rayofamin7413 2 года назад +1

      Peter pan 📩📩

    • @grahaminguito
      @grahaminguito  2 года назад

      O my gulay ngayon ko lang to nakita. Hima po yung counter part ng semen sa lalaki. Yung kikido na nilalabas ng babae yun po yung hima

  • @bukstv2038
    @bukstv2038 5 лет назад +1

    Ser pagnakipag talik kaba sa kapwa lalaki (anal sex) tapos pareho kayong negativemay tendency pu ba na magkaroon kayo pareho o isa sakanila ng hiv?

    • @grahaminguito
      @grahaminguito  5 лет назад

      Hi Critics channel kung sigurado kayong pareho kayong clear sa hiv hindi kayo pwede magkaroon nun thru sexual contact.. Naipapasa kasi yung virus from person to person po..

    • @bukstv2038
      @bukstv2038 5 лет назад +1

      Hindi po ba sya na gagawa or develope ?

    • @grahaminguito
      @grahaminguito  5 лет назад

      Critics channel hindi po. Kailangan syang maipasa ng isang infected na tao papunta sa isang taong walang impeksyon. Hindi lang thru sexual contact naipapasa ang hiv po ah kasi pwede din sya sa blood transfusion, use of injecteble drugs at sa gatas ng nanay..

    • @bukstv2038
      @bukstv2038 5 лет назад +1

      San po ba nanggaling yung virus

    • @grahaminguito
      @grahaminguito  5 лет назад

      Critics channel yung hiv po ay infection na kapag pumasok sa katawan ng isang tao siya ay magiging carrier na ng virus na maari nyang maipasa sa pamamagitan ng pakikipagtalik ng walang proteksyon, o kapag sya ay nagdonate ng dugo at yung dugo na may virus ay naisalin sa ibang tao.. yun po ang ilan sa pwedeng panggalingan ng HIV

  • @reyvecina5075
    @reyvecina5075 3 года назад +1

    Anu po synmtoms nang hiv po

    • @grahaminguito
      @grahaminguito  3 года назад +1

      Wala syang specific na symptoms na pagnagkaroon ka ay masasabi mo na agad na hiv itong sakit na ito. Kadalasan pa nga po walang symptoms ang taong may hiv ng ilang taon bago nya madiskubre na may sakit po pala sya.
      Base dun sa mga nattendan ko na lectures, sa mga studies na nabasa ko po at sa mga trained health personnel na nakakausap ko mga general symptoms po gaya ng lagnat, ubo na matagal, bawas ng timbang. Yan po mga naeexperience. Kaya nagpapacheck up sila.

    • @reyvecina5075
      @reyvecina5075 3 года назад +1

      If may nana ang ari it can cause po ba nang hiv po?

    • @reyvecina5075
      @reyvecina5075 3 года назад

      My free medication po ba

    • @grahaminguito
      @grahaminguito  3 года назад

      Yung nana sa ari pwede pong gonorrhea o tulo. Isa pang klase ng sexually transmitted infection.
      Iba ang sanhi ng tulo, iba din ang sanhi ng hiv. Pero pwede silang makuha pareho ng tao kapag nakikipagtalik ng walang proteksyon at iba ibang kapareha

    • @reyvecina5075
      @reyvecina5075 3 года назад +1

      @@grahaminguito slaamt po ma sakit po kasi pag na iihi po.. Pero ung nana kasi hindi sagabal sa pag ihi po❤️sana matulongan mopo barkada po.

  • @_vince
    @_vince 5 лет назад +1

    "... hindi virus, baby!" 😂😂

  • @angelieamar1846
    @angelieamar1846 4 года назад +1

    Pgngcondom di n mhhawa ??

    • @grahaminguito
      @grahaminguito  4 года назад

      Angelie Amar basta tama at palagian ang paggamit yes po... 😊

  • @opticalphysics5622
    @opticalphysics5622 5 лет назад

    Hi doc tanong kulang po sana kung pag parehas kayu may sira ang ngipin then nag halikan kayu ng matagal may possible ba na mahawaka ka sa HIV? btw po kiss lang po talaga ginagawa namin Maraming salamat po and GODBLESS

    • @grahaminguito
      @grahaminguito  5 лет назад

      Optical Physics mababa naman po chance nun Sir