Noli Me Tangere KABANATA 54: Ang Pagbubunyag

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 15 сен 2024
  • Noli Me Tangere KABANATA 54: Ang Pagbubunyag
    Talasalitaan:
    Alperes - opisyal ng militar
    Pumanhik - pumunta, sumampa
    Tumambad - bumulaga, bumalandra
    Pag-aalsa - paghihimagsik o pagtiwalag
    Nagkumpisal - pagpapatotoo, nagpahayag
    Paglusob - pagsugod
    Kumbento - simbahan
    Kwartel - tirahan ng mga sundalo
    Kasawian - kamatayan
    Orasyon. Pahangos na patungo ang kura sa bahay ng alperes. Ang mga taong gustong humalik sa kaniyang kamay ay hindi niya pinapansin. Tuloy-tuloy na pumanhik ito ng bahay at malakas na tinwag ang alperes. Lumabas agad ang alperes kasunod ang asawang si Donya Consolacion. Bago makapag salita ang kura, inireklamo agad ng alperes ang mga kambing ng kura na naninira sa kaniyang bakod. Sinabi naman ng pari na nanganganib ang buhay ng lahat. Katunayan, anya ay mayroong napipintong pag-aalsa na gagawin nang gabing iyon. Nalaman ito ng pari, anya sa pamamagitan ng isang babae na nangumpisal sa kaniya na nagsabi sa kaniya na sasalakayin ang kuwartel at kumbento. Dahil dito nagkasundo ang kura at alperes na paghandaan nila ang gagawing paglusob ng mga insurektos. Humingi ang kura ng apat na sibil na nakapaisana ang itatalaga sa kumbento. Sa kuwartel naman ay palihim ang pagkilos ng mga kawal upang mahuli nang mga buhay ang mga lulusob. Layunin nito na kanilang mapakanta ang sinumang mahuhuling buhay. Ika-walo ng gabi ang nakatakdang paglusob, kuna kaya nakini-kinita ng alperes at kura ang pag-ulan ng kurus at bituin sapagkat ganap silang nakahanda.
    Sa kabilang dako, isa naman lalaki ang mabilis na tumatakbo sa daan patungo sa tirahan ni Ibarra. Mabilis na umakyat ng bahay at hinanap sa nakitang utusan ang amo nito na kaagad naman itinuro na ito ay nasa laboratoryo. Pagkakita ni Elias kay Ibarra ipinagtapat niya kaagad ang nakatakdang paglusob at batay sa kaniyang natuklasan. Si Ibarra ang kapural at nagbayad sa mga kalahok sa paglusob. Ipinasunog ni Elias kay Ibarra ang lahat ng mga aklat at kasulatan nito sapagkat di na maiiwasan na siya ay mapasangkot at tiyak na siya ang isisigaw ng sinumang mahuhuli ng mga sibil.
    Tinulungan ni Elias si Ibarra sa pagpili ng mga kasulatan. Sa mga kasulatan, nabasa niya ang tungkol kay Don Pedro Eibarramendia at tinanong niya kay Ibarra kung ano ang relasyon nito sa kaniya. Halos nayanig ang buong pagkatao ni Elias nang sabihin ni Ibarra na iyon ang kaniyang nuno na ipinaikli lamang ang apilyido. Isa pa, ito ay isang Baskongado. Natagpuan na ng piloto ang lahing lumikha ng matinding kasawian sa kanilang buhay. Biglang bumunot ng balaraw si Elias at naisip niyang gamitin iyon kay Ibarra. Ngunit, saglit lang ang pagkadimlan ng kaisipan ng biglang siyang matauhan. Binitiwan niya ang hawak na balaraw at tulirong tumingin ng tuwid kay Ibarra at saka mabilis na pumanaog ng bahay. Nagtaka si Ibarra. Itinuloy ang pagsunog sa mga mahahaagang papeles at dokumento.
    #nolimetangerekabanata54
    #nolimetangerekabanata54buod
    angpagbubunyag
    #NoliMeTangere
    #NoliMeTangerebuod
    Ang musikang ginamit ay mula sa RUclips Audio Library at libre. Ang mga ginamit na larawan ay libreng nakuha mula sa canva. Hindi inaari ng tsanel ang mga ito. Mangyaring i-message ang tsanel na ito kung may mga katanungan.
    **Copyright Disclaimer: Under Section 107 of the Copyright Act 1976, allowance is made for "fair use" for purposes such as criticism, comment, news reporting, teaching, scholarship and research.**
    #titsermjtv
    #TitserMJTV
    Thank you for watching !
    For business inquiries and collaboration, message me on my Facebook Page: / iamtitsermjtv
    Support me and become a member:
    / @mjmejiatv

Комментарии • 3

  • @petrossalutan3408
    @petrossalutan3408 2 года назад +6

    Para sa module

  • @Cya_Y
    @Cya_Y 3 месяца назад +1

    Parang nag iiba po ng konti voice nyo hehe

  • @AJ-et3vf
    @AJ-et3vf Год назад

    great video! Thank you!