It’s Showtime August 3, 2024 | Full Episode

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 8 сен 2024
  • Ngayong Buwan Ng Wika, subukan natin ang pagiging makata ng 'Showtime' family, na ibinahagi ang kanilang mga gustong makamit ngayong Agosto. May humiling ng more time for family, at more money for food para happy tummy. Si Vhong Navarro, mukhang may bagong proyekto. Congrats, Kuys! Si Ryan Bang naman, Korea man ang pinagmulan pero pusong-Pinoy niya ay pangmalakasan.
    Kayo, madlang people, anong goals n’yo ngayong Agosto?
    Once a cheater, always a cheater, 'ika nga nila. At yan ang napatunayan ni Anntonette nang mahalin niya si Drey. Dahil ang dating nobyo, paulit-ulit lang siyang niloko. Alamin ang detalye sa “EXpecially For You.”
    ‘Pag basketball player, cheater - true the fire! Alam na alam ‘yan ni Anntonette dahil sa mga nagawa ni Drey. Iba’t-ibang babae at iba’t-ibang ways. Si Drey, nahuli na humaharot sa text, caught in the act sa computer shop, at nabuking ang pakikipagpalitan ng sweet messages sa isang kaklase.
    Kailan naisip ni Anntonette na oras na para mag-let go matapos ang paulit-ulit na pagpapatawad pero walang makitang pagbabago?
    Sa ika-15 ‘prelims’ ng Tawag Ng Tanghalan The School Showdown, apat na estudyante ang nag-take ng ‘exam’ para makapasa with highest honors.
    Muling nagbabalik ang pambato ng STI College Laguna, si Pierce Matimat na pinahanga ang lahat sa kanyang pag-awit ng “Demonyo.”
    “Somewhere Over The Rainbow,” sambit ni Ivy Peñano. Sa alapaap ika’y iduduyan ng kanyang tinig. Panlaban ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila ay deserve mong marinig.
    Malayo ang gustong marating ni Sean Pongos, ang future piloto ng PATTS College of Aeronautic. Pero dito muna siya sa singing magniningning.
    Ramdam naman ang puso at emosyon ni Eduard de Leon ng College of Our Lady of Mary Pulilan Foundation. Si Eduard, naluha pa matapos kantahin ang “Hatid” ng The Juans.
    Para kina hurado Nony Zuniga, Marco Sison at Dingdong Avanzado, dalawa ang umangat sa pagsusulit - sina Sean at Eduard. Pasok na sila sa ‘Midterms.’

Комментарии • 26