Sukdulang Biyaya - Paul Armesin (+ story behind the song)

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 16 май 2020
  • Isang dekada na ang nagdaan mula ng isinulat ko 'to pero noon ko pa iniisip na parang may kulang. Matagal ko nang napapansin na kulang ng second verse ang lyrics. Para kasing hindi ko masyadong nadiin yung original na konsepto/idea.
    Salamat sa Diyos at 10 years later ay nagawa ko itong version na 'to. Marami din kasi ang "negrereklamo" sa akin na mahirap tugtugin yung original na version. Kumplikado yung akorde at bagsakan para sa ordinaryong church musician.
    Ang goal ko po dito ay pasimplehin ang musika at i-highlight ang mensahe ng biyaya ng kaligtasan na dulot ng pagkamatay ng ating Panginoong Hesus.
    SUKDULANG BIYAYA
    Lyrics and music by Paul Armesin
    Habang hindi karapat dapat
    Pag-ukulan ng habag at wagas Mong pagsinta
    Habang walang kakayanan
    na suklian Ka ng mabuti sa lahat Mong ginawa
    Niyakap Mo ako sa aking karumihan
    Inibig Mo ako ng ‘di kayang tumbasan
    O Diyos ng katarungan at katuwiran
    na kahit minsa’y ‘di nabahiran
    ang kabanala’t kaluwalhatian
    Salamat sa sukdulang biyaya Mo
    O Diyos ng pag-ibig na mas malawak pa
    Kaysa aking mga pagkakasala
    Higit pa sa buhay ko
    Salamat sa sukdulang biyaya Mo
    Ang walang salang Manunubos
    ang umako ng parusang nararapat sa 'kin
    Anong habag sa tulad ko'y igawad ang Iyong katuwiran
    at ako'y patawarin
    Niyakap Mo ako sa aking karumihan
    Inibig Mo ako ng ‘di kayang tumbasan...
    #Musikatha #classic #original
    = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = =
    Like and follow Psalmo Music
    psalmomusicph​
    / psalmomusic​
    / psalmomusic
    Listen on Spotify
    Tuloy Ang Awit - Paul Armesin
    open.spotify.com/album/6nCLRK...
    LYRICS w/CHORDS-drive.google.com/file/d/1dvkA...
    CHORDS - drive.google.com/file/d/1C8QG...
  • ВидеоклипыВидеоклипы

Комментарии • 302

  • @janellereloj
    @janellereloj 4 года назад +8

    paborito na kantahin sa mga bata sa tribo. nung unang dinig ko palang di ko makanta. puro iyak. galing ni Lord

  • @edisonvistamanuel9402
    @edisonvistamanuel9402 Год назад +4

    Salamat Hesus sa Sukdulang Biyaya mo, Salamat Sir Paul Armesin sa Awiting ito! Pagpalain ka pa po ng Ating Diyos ng mahabang buhay at maraming awiting napapanahon!

  • @rhyancruz9184
    @rhyancruz9184 2 года назад +8

    Thank you sir Paul for this very sound gospel na worship song, one of the best tagalog worship song na napakinggan ko at pinakikinggan ko ngayon kahit sa car. Ganda ng basis for composing this song. I can imagine how many lives have been touched and ministered by this message of the song, and i believe God is glorified as the gospel is being preached in this song. Praise God for your life and music. God bless you more.

    • @paularmesin
      @paularmesin  Год назад +1

      Glory to our good and gracious God. 😊🙏

  • @marfaustorilla6923
    @marfaustorilla6923 4 года назад +41

    For me this is "exact" tagalog version of Amazing Grace by John Newton…Amazing Grace, how sweet the sound, That saved a “wretch” like me… I’m so BLESSED with your composition, the lyrics itself share biblical truth accurately which for me is FIRST AND FOREMOST important for we are worshipping a HOLY and JUST GOD. A lot of “worship songs” nowadays got “half-truth or bad theology”, with vague lyrical content, confused doctrinal perspective and emphasis on style over substance. Sa dinagdag mong explanations about how you come up with the song, it is obvious that you’ve got a full grasp of the truth about the wretchedness (total depravity) of man (..habang walang kakayanan na suklian Ka ng mabuti) and the amazing grace of God. At dahit dyan mas pinahanga mo ako at napagpala, because I believe the deeper your understanding of the truth of God, and of God Himself, the higher your worship goes. So I pray that God will continually use you and bless you, keep you humble with your God-given talent, and inspire you to create more songs that bring people closer to our most Gracious God. Salamat sa awitin mo at sa Sukdulang Biyaya ng Diyos!!!

  • @daveramos1755
    @daveramos1755 2 года назад +4

    Ito ang kantang nagpatanggap sakin sa Panginoon evrytime naririnig ko to nakikita ko yung dati kong karumihan na nilinis na ng Diyos through our Lord Jesus our Christ salamat sa Diyos at sa inyo sir kayo pala ang sumulat nito ,marami ng napaiyak tong kantang to haha

  • @jlcanetemusic
    @jlcanetemusic Год назад +2

    Isang malaking karangalan na nameet ko in person yung sumulat ng Sukdulang Biyaya.. Ito ung pinaka paborito kong kanta sa lahat ng kanta.. Hindi ako magsasawang ulit uliting pakinggan at kantahin to ❤ Thank you sir Paul Armesin 😊
    "Nang pagibig na mas malawak pa kaysa aking mga pagkakasala"

  • @ericsontolentino3079
    @ericsontolentino3079 2 года назад +3

    Anointed. Kantang galing sa langit, walang duda. Salamat meron tayong kantang katulad nito. Simple pero malalim.

  • @nellyrosearanton6457
    @nellyrosearanton6457 3 года назад +33

    salamat po sa kanta niyong ito grabe nakakablessed.. I was a bit sad yesterday, As a single parent parang di ko ramdam yung mother's day pero nung narinig ko ito kahapon sa sunday service ng church na kinabibilangan ko grabe na realise ko How blessed I am. I raise my child single handedly pero never kaming naguto, hindi man ka well off, pero I believe sukdulang biyaya ang natatamo ko at ng aking anak dahil walang pagkakataon na pinabayaan kami ng Panginoon

    • @paularmesin
      @paularmesin  3 года назад +3

      We can never earn or deserve His grace. Higit sa kaya nating isalarawan, napakabuti tagala ng Panginoon. Siya ang ating kalakasan, ligaya at pag-asa.

    • @treblac9168
      @treblac9168 8 месяцев назад +1

      Sa Diyos ang lahat ng papuri❤

    • @nellyrosearanton6457
      @nellyrosearanton6457 8 месяцев назад

      @@treblac9168 Amen

  • @reysiepenson6018
    @reysiepenson6018 2 года назад +1

    First time ko po marinig Song na ito ibang version po at talaga inuulit ulit ko na po pakinggan but first hinanap ko po talaga original na kumanta at nakita ko nga po video na ito. Thanks po sa song na ito sobra touch po sa akin. God bless po

    • @paularmesin
      @paularmesin  2 года назад

      Biyaya Niya lahat. God bless, kapatid. 😊

  • @denzcruz8778
    @denzcruz8778 4 месяца назад

    I heard this song from other people. It was my ex-gf who introduced this song to me and now I'm always singing this song to reach out people's heart. Thank you po sa pagpapagamit sa Panginoon. Now lang ako nagka interest na hanapin sino tlga kumanta hehe. Finally, kudos sir. Glory to God 🙏✨

  • @hudgesamonte3703
    @hudgesamonte3703 3 года назад +5

    First time ko marinig itong song last sunday, our worship leader chose this for our sunday lineup. I easily got lost in the message melody of the song. naka repeat lang siya. thank you for sharing, thank you for that rich explanation ng lyrics. God be glorified!

    • @paularmesin
      @paularmesin  3 года назад

      Glory be to God for his Amazing Grace.

  • @chloesnethouse
    @chloesnethouse Год назад

    I was here because of a special no. kagabi ng isang Pastor sa aming fellowship. I heard this song before pero bata pa ako yata. It captures my thought of the title especially "sukdulan" (sagad). Theologically speaking, the nature of God as Righteous and Just is well portrayed dahil itong dalawang katangian nya ang dahilan kung bakit kailangan ng tao ng Tagapagligtas. At hindi nya lang pweding sabihin na " OKAY dahil mahal ko kayo, cge na nga patawarin ko na kayo". God is Just and Righteous and Jesus satisfies the requirement of the justice of God. God bless Paul!

    • @paularmesin
      @paularmesin  Год назад

      Thank you bro Mark. God bless. 😌🙏

  • @oliverdichoso9016
    @oliverdichoso9016 3 года назад +5

    Ito yung mismong meaning ng kanta compare noong live 'tong kinanta ng interpreter noon... KUDOS bro. Paul, praise God for his amazing Grace!

  • @MrXTakato
    @MrXTakato 4 года назад +6

    Halos lahat po ng favorite kong worship song kayo po pala sunulat ❤️

  • @ameliabarbado9887
    @ameliabarbado9887 3 года назад +2

    kayo po pala songwriter ng mga favorite tagalog worship songs na pinapakinggan ko. Nawa'y patuloy po kayong gamitin ng Panginoon para sa kanyang kalwalhatian!

  • @paultomothymillano9777
    @paultomothymillano9777 Год назад +1

    Salamat sa Panginoon sa kanta n to, binalik ni Lord ang unang pagibig ko sakanya🙂, nagpapaalala na minahal ako ni Lord ung panahon hnd pa ako nag lilingkod at puro pagsuway palang ang alam,❤️❤️❤️❤️

  • @allennatividad-limitless7100
    @allennatividad-limitless7100 2 года назад +1

    Una ming napakingan ito wayback 2013 nung nag pa practice kami for sunday service ito ang line up ng associate pastor namen sa practice palang amazing napapa iyak nalang sa grabeng biyaya ng Diyos.
    So blessed

  • @wanderingjust2284
    @wanderingjust2284 Год назад +2

    Salamat sa Diyos sa buhay po ninyo. Thanks sa second verse. Isa po ito sa mga favorite kong worship songs.

  • @grahamgumilet01
    @grahamgumilet01 4 года назад +21

    Galing! Nagpatingkad yung 2nd verse and ofcourse di masyado kumplikado ang areglo simple pero malupet. Salamat Panginoon sa Sukdulang Biyaya Mo.

  • @anabellegavena1852
    @anabellegavena1852 2 года назад

    Hi Kuya Paul may 10months old baby girl loves your songs lalo na ung sukdulang baiyaya mo 💖 ❤ 💕
    Sobrang tuwang tuwa siya pag napapanood niya nawawala topak niya pag naririnig niya hehehe

    • @paularmesin
      @paularmesin  Год назад +1

      Praise God. Blessings to your baby and your family. 😁🙏

  • @jeffreyfernandez6705
    @jeffreyfernandez6705 2 года назад +1

    Nang dahil sa PAG-IBIG NIYA ☝️😍 Tayo ay natagpuan, dahil sa BiYAYA NIYA ☝️😍 tayo ay naligtas. 😍 Salamat sa ating Panginoon sa napakagandang awit na ito na naglalarawan ng KANYANG WAGAS NA PAG-IBIG at SUKDULANG BIYAYA sa atin 😍

  • @roceanog
    @roceanog 6 месяцев назад

    Two Sundays ago, we were singing this song in church. I was translating the lyrics for my husband. When we reached the 2nd verse, the love of God hit me anew and I couldn't continue translating. Tears of gratitude were pouring out instead, choking out my words. It was a memorable and sweet time of worship. Praising God for your gift of music and song, Bro Paul. May the Lord continue to inspire you for His glory!

  • @calijammadrid5141
    @calijammadrid5141 3 года назад +5

    Finally found a male version of this song! Thank you po for sharing and thank you for the new version! This definitely help male worship leaders! 😊

    • @paularmesin
      @paularmesin  3 года назад +1

      There's also a minus one available here, in case you need it. Have a blessed day. 😊

  • @markoheir1111
    @markoheir1111 3 года назад

    Relate sa mahirap na Areglo...Salamat po sa Panginoon sa mga Lyrics na ipinagkatiwala po sayo...Purihin po ang DIos

  • @mauricesupetran5069
    @mauricesupetran5069 3 года назад +2

    Salamat po sa wisdom na binigay sayo ni Jesus to make this song.
    Glory to God. Picture of the prodigal son. Perfect

  • @theresatibayan9740
    @theresatibayan9740 3 года назад +2

    I really love this song.

    • @paularmesin
      @paularmesin  2 года назад

      Thank you Theresa, for watching the video and for dropping by this YT channel. God bless. 😊

  • @gilbertcyrusnapila6139
    @gilbertcyrusnapila6139 3 года назад +1

    Praise the sa awiting ito. Nakailang ulit na po akong play/watch sa video na ito... May 2nd stanza pala... "Sukdulan" ay "immeasurable". Wow! Pagpalain po kayo ni YAHWEH!

  • @xaileeningua
    @xaileeningua 2 года назад

    Niyakap mo ako saking karumihan salamat sa sukdulang biyaya mo 😭😭

  • @despacaul9266
    @despacaul9266 2 года назад

    maraming salamat. mas naappreciate ko yung meaning ng kanta because of the back story. tunay nga Sukdulan ang Biyaya ng ating Diyos! just W.O.W!

    • @paularmesin
      @paularmesin  2 года назад +1

      Salamat Des, God bless you. 😊

  • @MgaKaSisBro
    @MgaKaSisBro Месяц назад

    Salamat sir magandang lyrics na biblically founded po. Lagi ko na ngang kinakanta ehh..

  • @vidadiocson2151
    @vidadiocson2151 3 года назад

    Naluluha ako sa sukdulang biyaya na binigay sa akin ni Hesus....

    • @paularmesin
      @paularmesin  3 года назад

      Sobra po talaga ang kabutihan at biyaya ng Panginoon sa atin. 😊🙏

  • @jenniferarao2502
    @jenniferarao2502 6 месяцев назад

    Maraming salamat sir sa kantang ito. Alam ko na maraming bumalik ang pananampalAtaya sa ating Panginoon nang marinig ang kantang ito. Totoo, walang hanggang pasasalamat sa sukdulang biyaya ng ating mkalangit na ama dahil niyakap nya tayo kahit gano tayo kadumi. God bless us all and all our praises and glory to God❤🙏

  • @melmembrebe8600
    @melmembrebe8600 4 года назад +3

    Mas church-friendly tong version na to :) kudos sa orig version pero kung ako tutugtog itong version na to gagamitin ko. God bless po

  • @djoy7339
    @djoy7339 3 года назад +1

    Salamat po Paul Armesin at sa inyong mga kasama sa magandang awitin na ito.Pagpalain po kayo lalo ng Panginoong Hesus. 😊👍

  • @markm1042
    @markm1042 Год назад +1

    I love this song! Just recently discovered this. Precisely kaya nagustuhan ko itong kantang ito, dahil yung mention ng justice ng Dios, yung perfect holiness Nya, gives much-needed context for His love, grace and mercy for us, mas tumingkad lalo yung ginawa ng Dios para sa atin. 😭 sumakit ng slight ung ulo ko kakaiyak sa kantang ito today. Napakabuti ng Dios! Thank you for sharing this song to us.

  • @kuyajcep
    @kuyajcep 4 года назад +1

    God is JUST:RIGHTEOUS: only JUSTIFIER! Godbless po....👍👍👍
    Thank you!

  • @ericmenkmorales5976
    @ericmenkmorales5976 2 года назад +1

    Ang galing naman, may mga ganitong Christian content sa RUclips! Galing! Galing! clap clap.

    • @paularmesin
      @paularmesin  2 года назад

      Glory be to God.☺️
      Thanks for dropping by. God bless

  • @rolinbalinas8255
    @rolinbalinas8255 3 года назад

    Thansk Paul...
    i was really blessed singing with you...
    Praise God worshipping God through this Sukdulang Biyaya

  • @jjbergado4679
    @jjbergado4679 7 месяцев назад

    Salamat sa buhay nyo Sir Paul salamat din po sa kanta nato.
    Inoffer ko sa church namin di ko nakanta yung second part masyado kakaiyak ko.
    Sino ba namang di maiiyak sa pagnaisip mo yung " Ang walang sala na manunubos ang umako ng parusang, nararapat sakin, anong habag sa tulad kong igawad ang Iyong katwiran at ako'y patawarin ? "

  • @jazmee4259
    @jazmee4259 3 года назад

    WOW! PRAISE GOD! Hello sir Paul! c Jazelle Corsiga po to one of the 7 finalist po ng UCAP Songwriting contest. Kakameet lng po natin sa google ngayong gabi. Nakakatuwa po malaman na ikaw po pala nagcompose ng napakapowerful song na to! Matagal ko nadin po ito narinig eh. Napaiyak po talaga ako first time na narinig ko song na to. Nakakabless po sobra. I really thank God for your life sir! Marami din talaga akong natutunan sa Workshop natin. God bless you sir and sa ministries niyo po para kay Lord. 😇😊

    • @paularmesin
      @paularmesin  3 года назад

      Hi Jaz. 😁 Thanks for dropping by Psalmo Music YT channel.
      See you around. God bless!

  • @josephcasa9308
    @josephcasa9308 4 года назад +1

    Best version plus 2nd verse! Thank You Lord for the life of Sir Paul. Godbless sir. 💪☝

  • @jahzeelmanuelgacote3455
    @jahzeelmanuelgacote3455 Год назад

    Thank you sir for this song.. I've been a missionary for 8 years now up to present here in Cambodia with my wife. And this song exactly translate why I/we are here as a missionary.. keep inspiring sir.. God bless.

  • @lightescal4475
    @lightescal4475 2 года назад

    I praise the Lord for this song and reflect on Romans 5:8 in that "While we were yet sinners, Christ died for us." Thank you, Jesus! Thanks, Bro. Paul for this extended version, To God be the glory!

  • @kathleenserilo7422
    @kathleenserilo7422 9 месяцев назад

    Salamat po sa kantang ito. Praise God!

  • @treblac9168
    @treblac9168 8 месяцев назад

    Ang ating sukdulang biyaya ay ang Panginoong Hesus mismo! 👆🏻👆🏻👆🏻

  • @paleesfamily6802
    @paleesfamily6802 3 года назад

    Ang kantang lagi nagpapaiyak sakin

  • @markdarreltorres7301
    @markdarreltorres7301 Год назад

    the song is so ANOINTED !😭

  • @mendozajordanj.5956
    @mendozajordanj.5956 3 года назад

    Purihin ang PANGINOON❤️❤️☝️🙏🙏 more worship song to come idol. GOD BLESS u po.

    • @paularmesin
      @paularmesin  3 года назад +1

      Amen. Salamat, Jordan.

    • @mendozajordanj.5956
      @mendozajordanj.5956 3 года назад

      Madalas po namin awitin ang inyong composition dito po sa aming simbahan. Prayer and praise po kami rito sa aming distrito. o kay sarap pp talagang umawit ng papuri sa LORD na buhay🙏🙏❤️❤️😇

  • @madelcruz559
    @madelcruz559 11 месяцев назад

    l love the song sinasabayan nga kitang umaawit meaningful song to me

  • @jepsten4320
    @jepsten4320 4 года назад +2

    Wow! May 2nd verse! God bless you more po, sir paul!

  • @junrvictoria
    @junrvictoria 3 года назад

    Galing ng sulat mo bro. Sarap talaga mag meditate sa dakilang biyaya ng Panginoon.

    • @paularmesin
      @paularmesin  3 года назад

      Glory be to God. 👐
      Thanks for dropping by Psalmo Music channel. God bless

  • @RobertCasareno
    @RobertCasareno 2 года назад

    Salamat po, gusto ko po sanang sabayan yung song kaso hindi po ako makahinga sa kakaiyak..Salamat po sa Panginoong Hesus

  • @jimpatrickyacas4297
    @jimpatrickyacas4297 3 года назад +1

    Astig kuya! Kakakilabot! Naaalala ko si mayor Joni dito 😌 sa Diyos pa din po ang papuri ❤ Godbless po!!

  • @johnnyandrade4638
    @johnnyandrade4638 10 месяцев назад

    SHSLOM!
    Salamat sa Sukdulang BIYAYAng kanta mo. LUBOS akong napagpala sa awit na ipinalikha sa iyo ng Ating PANGINOON.

  • @vannym.3541
    @vannym.3541 4 года назад +1

    ❣️ grace of God
    biyaya sa kaligtasan sa kamatay sa crus 💙 romans 3:23-26
    amen po

  • @MelodyRoseArieta
    @MelodyRoseArieta 2 года назад

    Only by His grace. Song, prayer and worship all in one. Praise the Lord ❤️👆

  • @CarmelaLaoMusic
    @CarmelaLaoMusic 4 года назад +1

    Thank you for sharing, Sir Paul! Gusto ko din po yung pagiging simple ng arrangement nito. Mas litaw ang mensahe. God bless you, Sir! 🙏

  • @gunita7864
    @gunita7864 2 года назад

    Lagi ko 'to pinapatugtog as opening song ng online bible study namin. Praise God💯❤️

  • @virgeltesiorna1786
    @virgeltesiorna1786 3 года назад

    Super Blessed Ganda ng Version na 2... Hallelujah! Amen... More composition and songs for the LORD!

  • @rodelbuban
    @rodelbuban 4 года назад +1

    Sobrang nakaka bless and nakaka inspire. Glory to God. Salamat kuya Paul for sharing. :)

  • @lynlane2520
    @lynlane2520 Год назад

    One of the best worship songs! Salamat sa talento ng lumikha nito.Gawa pa po kayo.Napaganda ng message.Purihin ang Panginoon!

  • @rickysarmiento6559
    @rickysarmiento6559 3 года назад

    Grabe! Ang lalim ng mensahe, tagos lagpas ang sukdulang biyaya ng Dios, themesong ng buhay ko to ngayon. Naiiyak ako sa tindi at wagas na pag ibig nya sa kabila ng mga kasalanan ko..

  • @maccastillo6446
    @maccastillo6446 Год назад

    Grabe naman yung areglo kuya Paul! 🥹

  • @madelcruz559
    @madelcruz559 11 месяцев назад

    grabe super ganda ung version mo bro glory to"GOD" pgpalain k oky, Gb!

  • @joshuatuazon15
    @joshuatuazon15 3 года назад

    Amen! Lalo pong nagkaroon ng emphasis sa Gospel ang song na ito. Favorite Tagalog Worship song ko to, ngayon mas naging favorite ko dahil sa 2nd verse. Tunay ngang sukdulan ang biyaya ng ating Soberanong Diyos, na sa kabila ng ating mga kasalanan, binihisan Niya tayo ng katuwiran ni Cristo at pinatawad ang mga sala natin. Purihin ang Diyos! Maraming salamat po sir Paul Armesin! Pagpalain po kayo ng Panginoon! 🙏💙😊🎶

    • @homework5846
      @homework5846 Год назад

      yes Gospel song nga po ito tinuturo din po sa atin ang Gospel, salamat po, Lord Jesus

  • @rickdelaserna
    @rickdelaserna 3 года назад

    Salamat Sir Paul for the inspiration of this song. God bless you with more songs.

    • @paularmesin
      @paularmesin  3 года назад

      All glory be to God. Purihin siya sa kanyang Sukdulang Biyaya.

  • @albertobutacan1765
    @albertobutacan1765 3 года назад

    Kuya salamat sa komposisyon mo Ito. Blessed ako sa song na Ito dahil theologically true Yun pala nagrhema muna sa yo Ang God's word and became the foundation of the song. Kuya gawa ka pa at sulat pa Ng many tagalog Christian song , Ang sarap Kasi awitin sa Dyos Mula sa wika na bigay nya sa atin

  • @jazerealaustria6503
    @jazerealaustria6503 Год назад

    Salamat Lord bisan dili ko angayan apan ang imuhang grasya ug gugma grabe ka dako...

  • @brayse-kun
    @brayse-kun 3 года назад

    Salamat Lord dahil ginawa mo kaming karapat-dapat. Kami ay buhay,umaawit,tumutugtog dahil sa iyong biyaya lamang. Not by might,,but by your GRACE!🙏 Thank you Sir for sharing God's love thru your music💯🙏

  • @DhanHallDelovino09
    @DhanHallDelovino09 4 года назад +1

    Now officially a subscriber Sir, I heard this song singing in a service I attended, and It strucked me agad so I eagerly searched it. Very meaningful ang kanta, noble at hindi mababaw yung mga lyrics which is I think suited for a worship song, very emotional ang tone ng kanta, this version can also be suited sa mga ibang listeners na medyo alternative ang dating because of the band accompaniments, but distinguishable sya sa secular. God bless you Sir. I always pray to God that He continues to produce people like you who can influence Gospel through music. And this is a composition that comes from the heart through the grace of the Lord.

  • @jirehjezreelpiscozo4254
    @jirehjezreelpiscozo4254 4 года назад +1

    Ang galing, ang lamig ng boses. Best male version of this song. Thank you for this, Kudos!

  • @hamaglibar881
    @hamaglibar881 2 года назад

    I'll be singing this song on Sunday, please pray that us that we, in worship team may be able to convey the message of this powerful song at Diyos ang madakila🔥🔥🔥🔥

    • @paularmesin
      @paularmesin  2 года назад

      Sorry late reply, but I pray you did more than fine. God bless you bro. 😊

  • @tirsojune
    @tirsojune 10 месяцев назад

    I'm in tears😢

  • @matthewayroso229
    @matthewayroso229 2 года назад

    Thank you kuyaa for this song, Feel blessed for this version, and now we are using it to our ministry! Praise the Lord.

  • @Mhadzeliteful
    @Mhadzeliteful 4 года назад

    Wow! 🤧🤧 Grabe po biyaya ng Lord sa buhay nyo Sir Paul. Napasubscribe po after ng Cresendo Session kanina. Grabe mga songs na nilagay ng Lord sa inyo magminister sakin sa iba’t ibang seasons. Isa pa pong paborito ko ung ‘Makilala ka’ kaya napacover din ako sa channel ko. 🙌🏻🙌🏻 Praise God! Godbless po

  • @parzival1058
    @parzival1058 4 года назад +1

    what i really like about this is yun end part after the song, ito yun what makes it different sa ibang uploader... the deep of the song with the sharing of the word of God.. more power to ya sir paul

  • @julycacunanan8218
    @julycacunanan8218 3 года назад

    Thank You, Lord Jesus! I praise Jesus for your life po, sir. Keep the fire burning! 😭

  • @vina7488
    @vina7488 2 года назад

    Glory to God Alone po.
    Full Grace song/lyrics
    Salamat po sa buhay nyo,po God's instrument...indeed AMAZING GRACE OF GOD! ❤️❤️❤️

  • @efalfonso
    @efalfonso 4 года назад

    Grabe ang pag-ibig na Panginoon, para sa atin sarap awitin ng await na ito, salamat po Sir Paul!

  • @jhaztermonzon3544
    @jhaztermonzon3544 2 года назад

    bakit po ganun? kuhang kuha nyo po yung puso ng mga Kristiano? para bagang your speaking our hearts.. T_T Praise God... T_T

  • @JanleeEsconili
    @JanleeEsconili Год назад

    wow kayo po pala writer nito...wow... thanks and all glory to God..grrabe yung songs na ito

  • @gunita7864
    @gunita7864 2 года назад

    NAPAKAGANDAAAAAAA♥️♥️♥️

  • @zados3511
    @zados3511 Год назад

    Hindi ko nagustuhan ang version na ito. Gustong Gustong Gusto ko!!!! Praise the Lord. Grabe ang 2nd verse

    • @paularmesin
      @paularmesin  Год назад

      Praise God kapatid. Salamat sa pakikinig.

  • @jepatawaran
    @jepatawaran 4 года назад

    Kinanta namin to kanina sa church. Napakaganda ng lyrics. Blessed na blessed po ako sa kanta na ito. God bless you!

    • @paularmesin
      @paularmesin  4 года назад +1

      BIyaya po ng Panginoon. Glory to God.

  • @cjoyferrer4747
    @cjoyferrer4747 3 года назад

    Amen. Praise God nakita ko po ang page nyo na ito😊😊 maraming salamat po sa pagbabahagi ng mga awitin na ito 😊 lalo na po itong "sukdulang biyaya" isa sa mga kanta na lagi ko pong inaawit pra papurihan ang ating Diyos😊 pagpalain po kayong patuloy ng ating Panginoon Jesus🙏🙏

  • @waynejg.marcelino6237
    @waynejg.marcelino6237 3 года назад

    Ang Galing talaga ng Lord.
    nabigyan conclusion ang awit.
    Sir Paul
    GOD Bless You
    More & More

  • @satchifigueroa
    @satchifigueroa 4 года назад

    Salamat Kuya Paul sa mga musika.

  • @paulbenjaminsibug8
    @paulbenjaminsibug8 3 года назад

    Salamat sa Diyos!

  • @SaxyFlute
    @SaxyFlute 2 года назад

    Hinanap ko kung sino ang orihinal na may akda ng napagandang awiting ito para sa ating Panginoon...si Kuya Paul pala 😊🎸❤ 🎶 Salamat kapatid sa patuloy sa paggawa ng mga awit at salmo sa ating Diyos salamat din sa mga turo mo nung nasa youth camp pa tayo 👍Sa Diyos ang lahat ng papuri't pagsamba ❤

    • @homework5846
      @homework5846 Год назад

      same hinanap ko rin composer ksi naiyak ako sa song

  • @ronneltorres355
    @ronneltorres355 3 года назад

    Very moving worship! Biblicaly sound and selfless song. All glory to God

  • @zivstick
    @zivstick 2 года назад

    Nakakabless po ito😌😇 Thank you po for this song😌😊 I listen to your songs everyday po:) God bless po ... Thank you Lord❤️

  • @jericdiaz3495
    @jericdiaz3495 4 года назад

    Praise the LORD sa buhay mo Kuya Paul.. Godbless you more 😍

  • @dalaygonmusic4686
    @dalaygonmusic4686 2 года назад

    Yung Sukdulang hirap is 🤣🤣🤣🤣🤣
    God Bless you Sir Paul😀

  • @clairepiops
    @clairepiops 4 года назад

    Natutunan ko 'tong kantang to 2013 and it hit me so hard!!! Memorable din sakin tong kanta na 'to kasi ito yung kanta na na-assign sakin ipawit nung unang beses akong mabigyan ng oportunidad mag lead ng worship sa youth camp. Praise God sa talent mo, sir Paul! Ang ganda na ng kantang 'to at mas lalong gumanda. Praise God sa biyaya Niya!

    • @paularmesin
      @paularmesin  4 года назад

      Glory to God. salamat sa biyaya Niya.

  • @haille1615
    @haille1615 3 года назад +1

    I felt the Love of God 🥰🥰🥰🥰

  • @OswaldPH
    @OswaldPH 4 года назад +1

    Ang sarap!!! 🥰🥰🥰🥰

  • @bhellemorales1535
    @bhellemorales1535 4 года назад

    salamat sa Lord sa buhay nyo po kuya paul. God bless your team ang more new songs for the Lord po. ☺️

  • @lheicabral1905
    @lheicabral1905 4 года назад

    Praise God po Sir Paul, sobrang pinagpala po ang inyong buhay ng ating Diyos sa mga komposisyon na walang ibang mensahe kundi ang tinapos na gawa ni Kristo sa Krus ng Kalbaryo (SUKDULANG BIYAYA) 😇😇😇 Si KRISTO ANG BIYAYA
    mapalad po ako bilang isang manggagawa at musician na aralin ang bawat kanta na inyo pong naisulat (lalo po yung original version)
    at ako po ay lubos na nagagalak na may pagka acoustic version na kaming matutugtog 😇😇
    Praise God
    In CHRIST Alone
    To GOD be the GLORY Alone
    GRACE ALONE 😇😇😇
    Maraming Salamat po at more tagalog worship songs pa po😇😇😇

  • @darwinbigcas6136
    @darwinbigcas6136 4 года назад

    Salamat po sa napaka meaningful na awitin..purihin ang Panginoon sa buhay niu po🙂

  • @socrates9176
    @socrates9176 3 года назад

    Love it... ❤️🙏