Sa bawat panahon Sa bawat kasaysayan Sa bawat henerasyon May palawakan ng isip May palitan ng paniniwala May tagisan ng matwid Maging ito’y magbunga ng tuwa, ng lungkot, ng galit Sila-sila’y nagtatagpo, kayu-kayo’y nagpapangkat Isang diwa ang nagpasya, isang wika ang ginamit Wikang Pilipino! Wikang maka-Diyos, makabayan, makatao Wikang naglalagos sa isipang makabansa Wikang nanunuot sa damdaming makalupa At paisa-isang dila, parami-raming labi, sama-samang tinig Bumubulong, sumasatsat, humihiyaw, nagngangalit Hinihingi’y Kalayaan! Katarungan! Kalayaan! Katarungan! Hanggang saan susukatin? Hanggang kailan bubuhayin? Hanggang kailan maaangkin? Layang mangusap, layang sumulat Layang mamuhay, layang manalig Layang humahalakhak, layang mangarap, Layang maghimagsik Maghimagsik! Maghimagsik! Maghimagsik! A, parang isang pangarap, parang isang panaginip Kasaysayan pala’y mababago isang saglit Sa dakong silangan … doon sa silangan Ang sikat ng araw … sumilip, sumikat, uminit Sari-saring mukha, magkakabalat, magkakadugo, magkakapatid Sama-samang gumising, magkakapit-bisig, nag-alsa’t tumindig Lakas ng tao! Lakas ng bayan! Lakas ng daigdig! Laban sa tirano, sa gahaman, sa mapanupil, sa mapan-lupig Bata’t matanda, propesyonal at di propesyonal Manggagawa, kawani, guro, mangangalakal Mangigisda’t magbubukid, pari, madre, iskolar Sundalo, pulis, drayber, estudyante, istambay A, lahat-lahat na Sa sama-samang tinig, sa sama-samang lakas Nagkakaisa, nagkasama Nagkasama, nagkaisa Mga bagong bayani ng Bagong Republika At … Wala nang dapithapon Wala nang takipsilim Wala nang lungkot, takot, luha, dusa’t hinagpis Wala nang tanda, ng dustang pagkalupig Bagwis ng ibong dati’y pinuyian sa tinid ng galit Ngayo’y nakalipad na … umaawit, humuhuni, umaawit Dahil malaya Dahil sa wika Dahil sa lakas Bagong kalayaa’y naririto ngayon At nakamit natin nang buong hinahon Ni walang digmaa’t pinapanginoon May mabuting nasang taga sa panahon At kung sakaling magbalik muli Ang kasaysayang hininog ng isang madilim na kahapon Muli, ang paisa-isang dila, ang parami-raming labi Ang sama-samang tinig Ang sari-saring mukha, magkakabalat, magkakadugo’t magkakapatid Sama-samang gigising, magkakapit-bisig aalsa’t titindig Lakas ng tao! Lakas ng bayan! Lakas ng daigdig!
Sir Pat, maari po ba naming magamit ang inyong piyesa para sa pagtatanghal ng Sabayang Pagbigkas sa darating na selebrasyon ng Buwan ng Wika? Maraming salamat po.
salamat sa pagkakapili ng aking tula upang magamit sa inyong pagtatanghal ng SABAYANG PAGBIGKAS.
ganda naman nito!
Sa bawat panahon Sa bawat kasaysayan Sa bawat henerasyon May palawakan ng isip May palitan ng paniniwala May tagisan ng matwid Maging ito’y magbunga ng tuwa, ng lungkot, ng galit Sila-sila’y nagtatagpo, kayu-kayo’y nagpapangkat
Isang diwa ang nagpasya, isang wika ang ginamit Wikang Pilipino! Wikang maka-Diyos, makabayan, makatao Wikang naglalagos sa isipang makabansa Wikang nanunuot sa damdaming makalupa At paisa-isang dila, parami-raming labi, sama-samang tinig Bumubulong, sumasatsat, humihiyaw, nagngangalit Hinihingi’y Kalayaan! Katarungan! Kalayaan! Katarungan!
Hanggang saan susukatin? Hanggang kailan bubuhayin? Hanggang kailan maaangkin? Layang mangusap, layang sumulat Layang mamuhay, layang manalig Layang humahalakhak, layang mangarap, Layang maghimagsik Maghimagsik! Maghimagsik! Maghimagsik!
A, parang isang pangarap, parang isang panaginip Kasaysayan pala’y mababago isang saglit Sa dakong silangan … doon sa silangan Ang sikat ng araw … sumilip, sumikat, uminit Sari-saring mukha, magkakabalat, magkakadugo, magkakapatid Sama-samang gumising, magkakapit-bisig, nag-alsa’t tumindig Lakas ng tao! Lakas ng bayan! Lakas ng daigdig! Laban sa tirano, sa gahaman, sa mapanupil, sa mapan-lupig
Bata’t matanda, propesyonal at di propesyonal Manggagawa, kawani, guro, mangangalakal Mangigisda’t magbubukid, pari, madre, iskolar Sundalo, pulis, drayber, estudyante, istambay A, lahat-lahat na Sa sama-samang tinig, sa sama-samang lakas Nagkakaisa, nagkasama Nagkasama, nagkaisa Mga bagong bayani ng Bagong Republika
At … Wala nang dapithapon Wala nang takipsilim Wala nang lungkot, takot, luha, dusa’t hinagpis Wala nang tanda, ng dustang pagkalupig Bagwis ng ibong dati’y pinuyian sa tinid ng galit Ngayo’y nakalipad na … umaawit, humuhuni, umaawit Dahil malaya Dahil sa wika Dahil sa lakas
Bagong kalayaa’y naririto ngayon At nakamit natin nang buong hinahon Ni walang digmaa’t pinapanginoon May mabuting nasang taga sa panahon
At kung sakaling magbalik muli Ang kasaysayang hininog ng isang madilim na kahapon Muli, ang paisa-isang dila, ang parami-raming labi Ang sama-samang tinig Ang sari-saring mukha, magkakabalat, magkakadugo’t magkakapatid Sama-samang gigising, magkakapit-bisig aalsa’t titindig Lakas ng tao! Lakas ng bayan! Lakas ng daigdig!
Sir Pat, maari po ba naming magamit ang inyong piyesa para sa pagtatanghal ng Sabayang Pagbigkas sa darating na selebrasyon ng Buwan ng Wika? Maraming salamat po.
sir, pwede pahingi ng kopya?
Pahingi po ng copy ng tula .
Thank you po sa turo ng inyong pagtatanghal memorya ko na
Pa subscribe po,Thank you all❤
Sir,pwede makahingi ng kopya?
san po pwede mahabap yung background music?
Hello everyone i just want to ask lang po sana if sino nakakaalam if ano title nung unang music na calm lang siya
Suzume
This is... Epic
Maam pwede ga pangayo sang Copy sang Inyong pagbigkas
0:45 po ang start ng tula
HI PWEDE PO MAKAHINGI COPY NG BACKGROUND MUSIC
Hello po, pwd makahingi ng kopya ng piesa salamat po
Pasend naman po ung piece niyo please
pahingi nmn po ng script, hinde ko kasi madinig ng maayos
Sa school ito
Paano kaya Ang makakuha ng copy po puweding makahingi?
Sa owner
Ano name sang background music po
Suzume po
@@Rei-reii0 alam Kona suzume toaka
Ito ba ay champion
0:45