Quiapo Church Live Mass Today - 15 August 2024 (Thursday) HEALING MASS

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 10 сен 2024
  • Live Online Streaming of the Quiapo Church Official Daily Mass
    August 15, 2024 - Huwebes
    Dakilang Kapistahan ng Pag-aakyat sa Langit ng Mahal na Birheng Maria
    MGA PAGBASA NGAYONG ARAW
    Unang Pagbasa:
    Pahayag 11, 19a; 12, 1-6. 10ab
    Salmo 44, 10bk. 11. 12ab. 16
    Nasa kanan mo ang reyna,
    maningning sa ginto’t ganda
    Ikalawang Pagbasa:
    1 Corinto 15, 20-27
    Mabuting Balita:
    Lucas 1, 39-56
    ____
    PAGNINILAY:
    Isa sa mga natatanging lugar sa Banal na Lupain ay ang Church of the Dormition sa Jerusalem. Dito ay pinaniniwalaan na dito nilibing ng mga apostol ang Mahal na Birheng Maria. Ayon sa isang tradisyon, nilibing nila siya (hindi ito nasaksihan ni Apostol Santo Tomas). Pagkatapos ng ilang araw, nakita nila na wala ang katawan ni Maria sa libingan, kaya tumakbo si Tomas na pauna at nakita niya na walang laman ang kahon. Ito ay talagang papatunay sa Pag-akyat ng Mahal na Birheng Maria sa Langit, at mismo si Apostol San Juan ay nakasaksi ito kasama ang Pagka-Reyna ng ating Mahal na Ina (Unang Pagbasa). Ngunit hindi maaaring sabihin ng Simbahan na si Maria ay nakatulog o kaya namatay bago maiakyat sa langit, pero naniniwala na ang kanyang buong katawan at kaluluwa ay iniakyat sa langit. Kaya ito ay isa sa mga apat na mahahalagang doktrina ukol sa Mahal na Birheng Maria, na idineklara ni Venerable Papa Pio XII noong Nobyembre 1, 1950. Ano ba ang nagpatungo sa ganitong dakilang pangyayari? Sa simula, pinili ng Diyos si Maria bilang Ina ng Tagapagligtas, na siya rin ay naging Ina niya. Kaya sa loob ng sinapupunan ni Santa Ana, naging malinis at malaya mula sa kasalanan si Maria dahil siya ang tinataguriang bilang Immaculada Konsepsiyon. Sinundan din niya ang Salita ng Diyos mula sa Misteryo ng Pagkatawang-tao, sa Pagpapasakit, at sa mga huling pagkakataon ng kanyang buhay. Tinuring niya ang kanyang sarili bilang mababang alipin ng Diyos, kaya’t nagpakumbaba siya bilang isang ordinaryong birhen (Ebanghelyo). At sa huling araw, siya’y dinakila ng Diyos at ginawang Reyna ng Langit ang Lupa. Sa ating paglakbay sa daang ito, nawa’y tularan natin ang ating Mahal na Birhen na maging magpakumbaba, matatag ang pananampalataya, at masunurin sa Salita ng Diyos.
    Nuestro Padre Hesus Nazareno
    Devotional Healing Mass
    Filipino Live Online Mass Today
    Ina ng Laging Saklolo Baclaran Church
    Catholic Filipino Mass
    Misa Nazareno

Комментарии • 613