Lahat ng DIY ko sa sniper 155r ko idol win, sau ko pinapanood Para sure hehehe. Dahil tamad akong mag basa ng manual Nia hehehe Thanks idol and more job to come👏👏👏
Idol talaga win na win! Dami ko na natutunan sa iyo paps kahit kokoha palang ako ng S155 kahit repo lang sana matulongan mo ako paps kung anong tips kokoha ng repo. Godbless paps more power sa channel mo😄
Hindi ko mare recommend kumuha ng repo kadalasan Kasi sa ganyan kinahuyan na marami akong tropa sa casa mismo work ganun ginagawa nila pag may unit na kulang pyesa sa mga repo na unit Sila kumukuha ng pyesa kaya napupunta sa mga repo yong sira na or hindi na magtatagal. Tips pag kukuha ng 2nd hand na unit mas maganda may Kasama kayong mekaniko na expert sa unit na kukunin niyo yong pinaka the best.
Depende po Kong ilang odo kayo mag change oil Kong every 1k at orig ang oil filter pwede pero Kong Tig 50 pesos wag nyo na tipirin makina kasi yan pag nalusaw yong rubber at papel nyan at bumara sa daanan ng oil papuntang head pitpit lang Naman valve nyan pwede rin masira rocker arm yong tinipid nyong 50 pesos labor palang 2k na pero kayo pa rin Naman po ang masusunod dahil unit nyo po yan Basta gumagawa kami ng mga nasisira.😁✌️
Pops gandang Gabi lagi ako nka subay2x sa mga vlog mo.tanong lang ako pops kung mag palit ng tambutso ng uma racing mag papalit poe ba ng ECU..pa advice Naman poe LEYTE poe ako pops
Yes need po talaga magpalit or magpa remap ECU dahil naka Tono ang stock pipe sa stock ECU possible mag lean yan at in the long run pwede masira ang block ng unit nyo.
Yong shell kaya Hanggang 2k odo maganda pa pero wag na paabutin ng 3k odo Bago palitan. Yong motul Hanggang 1,500 goods pa pero every 700 odo to 1k odo lang kasi Ako mag change oil motul lang gamit ko simula mabilis Ang sniper 155 ko.
Good day hindi po dahil hindi ako sampalataya dun marami na akong nabuksan na makina na naglalagay daw ng carbon cleaner pero may carbon pa rin Naman sa valve dagdag gastos lang yon pero useless Naman talaga.😬
@@winmotovlogs3291 salamat idol sayo Ko din natutunan Ang rediator fan na ang Gamitin Sa Sniper 150 hanggang ngayun ok pa araw2 ko ginagamit dahil angkas biker ako salamat Po ng marami sa mga tips sana Di ka mag sasawang mag bigay ng idea about sa Ating mga Motor salamat
Good day new subscriber po ba kayo sir? Siguro mga sampo na din ang video ko Kong paano magsalin ng coolant Pa subscribe po para updated po kayo sa mga new upload natin Salamat.👇👇👇 ruclips.net/video/_VybCUws6tg/видео.htmlsi=vAymmEqTRe02-1W3
Boss okay lang ba after change oil pinaandar kaagad motor tapos diretso sibat kahit di na napainit makina? Nakalimutan ko kasi painitin nagmamadali kasi ako
Idol winwin Bumili ako ng MOTUL HTECH 100 (4T) 10w40 Sabi ng supplier safe daw yun hanggang 3,000 km. Ano ang opinion mo master? Hanggang ilang kilometer lang sa tingin mo dapat? Sniper 155r po ako 1,100 odo pa lang. Sana mapansin mo ❤🎉
Sobra po yon 1500 odo po sagad sa langis pwede yon kong sa malalaking motor dahil mas marami nilalagay na langis sa kanila. Kami Dito every 1k odo palit langis filter tipirin nyo na po lahat sa motor wag lang Ang langis para iwas kamot ulo later.
Motul oil shell ultra uma top 1 maraming magandang oil sir pero naka Depende sa pag gamit mo Kong every 1k to 2k ka mag change oil goods pa yon dahil kahit pinaka maganda pinaka mahal na oil ilagay mo Kong every 5k ka Naman mag change oil sira talaga yang motor natin.
Good day hindi po advisable papalit palit ng oil simula binili ko ang Sniper 155 ko 2021 model motul po ginamit ko walang pinaka the best na oil. Dahil kahit pinaka mahal pa bilhin nyo Kong every 3k odo to 5k odo kayo mag change oil useless po yang mamahaling oil nyo.
Every 1k odo po Kong bagong bili ang unit sa Ika 500 dapat ipa change oil niyo na po Yan. Wala po bang briefing sa casa na pinag bilhan niyo ng unit about sa pagpalit ng oil?
Good day Hindi po ako gumagamit ng Yamalube na oil kaya Wala po akong idea pasensya na po Hindi po ako expert sa langis. Pero pagka labas ng unit ko sa casa pinalitan ko agad ng motul oil dahil yon Ang subok ko ng langis simula sniper 150 V1 pa po Ang unit ko.
Yan daw meaning Sabi ni google sir. WHAT DOES TECHNOSYNTHESE® MEAN? Technosynthese® is an ingenious combination of synthetic and best mineral base stocks for optimal performance and price competitiveness.
Hindi pa po ako nakagamit nyan paps goods naman yan Basta pang underbone Yung iba Kasi nagkakamali ng lagay pang scooter Minsan Basta alaga sa langis Ang unit goods yan.
Sir, ask ko lang po. Unang beses ko pa lang po kasi magpapachange oil ng motor, 500 ODO po. Kapag po ba nagpachange oil, kailangan din po ba magpalit ng Oil Filter?
Yes po every change oil palit din po talaga dapat ng oil filter para malinis. Dahil ang oil filter nagsasala ng dumi sa langis useless po yong pag palit ng oil Kong Hindi pinalitan yong oil filter.
@@andengmhsy Depende sa oil filter yong genuine original from casa 160 pesos Depende sa casa may casa na 250 ang oil filter lang. Class a lang gamit Namin 70 pesos pero hindi yon pweding patagalin Bago palitan dahil pweding malusaw ang papel kaya every 1k odo to 1,500 odo dapat palit oil at oil filter.
@@TejadaMarkAnthonyD Good day hindi ko po sure dahil sniper 150 at 155 lang po ang ginagawa Naming unit dito sa shop kaya pasensya na wala po akong idea sa ibang unit o brand.
Brgy 7 morning glory street Lipa City Batangas tapat po ng Lipa City district hospital search niyo lang po sa google map ARCM MOTOR SHOP salamat RS po.
Pwede sir lalo na kong Hindi palagi ginagamit Ang unit pag nasa motor na kasi Ang oil parang napapanis din sya kahit di gamitin lagi nadumi din Ang oil.
Hindi Naman po talaga kailangan na eksaktong 850ml Ang ilagay dahil pagka change oil natin Wala Namang QC/QA inspector na magdo double check pa nyan pagka tapos natin isalin Ang oil wag niyo lang po ubosin yong 1L yon lang po Ang gusto Kong iparating sa video. Dahil Ang oil capacity ng makina natin 1L and 10ml ngayon Pag sinalin natin lahat yong 1L na laman Minsan nahihigop yon ng breather at nakaka rating sa air box at air filter.
Hindi po yan pwede mabaliktad kong stock Ang inyong oil filter cover dahil may alloy yan na pinaka sumasalo sa oil filter pag nabaliktad Ang salpak niyo tatama yon kaya hindi niyo po maisasara yong oil filter cover.
Yes paps dati po binili Kasi yon ng tropa na makulit Araw Araw na akong binalikan Dito sa shop that time Kasi Wala makunan ng uma 5 spring kaya binigay ko na tapos noong naglabas na Ang uma sobrang mahal na kaya hindi na po ako nag lagay sa unit ko Saka Wala na din ako makunan nong red na washer at titanium bolt kong ilalagay ko yong 5 spring masisira Ang kulay.
idol normal lang ba na may kunti kunting lumalabas na oil pag umiinit sa may paglagyan ng oil filter kakachange oil lang kasi kahapon salamat sa sagot idol
boss wins..ask lang po..pag nalowbat ang battery ng sniper155..palitan na ba agad ng battery yan.?wala kasing knowledge pa boss..new rider lang po.thankyou.sana mapansin
Pag nalowbat po paandarin nyo lang pag kumarga pa pwede pa yan or gamit kayo tester para sure Makita kong nakarga pa po pag hindi na nagkarga or below 10v nalang sira na po yan palitan na. Para maiwasan malowbat lagi ichech Ang susi or remote at bumili ng volt meter mura lang po yon sa shopee koso Ang brand.
Wala yan nakalagay paps kong fully synthetic or semi pero noong natry ko gumamit nyan ramdam ko smooth sa makina kaya Yan na lagi ko gamit kaso Ngayon Wala na makunan kaya balik ako sa motul 3000 plus pag Wala uma oil medyo mahal lang pero solid.
Pwede yan sir sa karera Nga 500ml lang kasi pagkatapos ibaba ulit makina nun Saka bawas bigat na din Hindi naman kailangan saktong 800 850 900 ang importante wag lang ubosin ang 1L Wala Naman QC Inspector na mag checheck nyan kong sakto talaga nilagay natin.
@@winmotovlogs3291 minsan lang kase magamit..minsan nagagamit lang 2-3 a month..so kunti lang odo. So kahit 2months na basta di pa umabot 1k odo di pa magchange oil?
@@squarep4nts889 mas maganda Tama yong maintenance kesa matuyuan pa po ng oil pwede na Yan every month kong Hindi palagi nagagamit parang napapanis din kasi oil natin kahit di gamitin nangingitim din po.
paps. may mga tanong ako. ilan ang bolts sa fairings?ano size?ilan ang bolts sa crankcase at ano rin mga size. sana masagot. ganda kasi tignan. balak ko rin palitan mga bolts😁tia
Yong sa fairings 20 sa crank case naman po 23 kabilaan na set yon pag nabibili kaya no need ng size sa fairings mas maganda magdala kayo ng stock bolt pag bibili kayo tapos yon Ang ipakita nyo sa tindahan para sure na same Ang thread.
Good day sa loob ng 3 years na Pag gamit ko nyan wala pa Naman po ako na encounter o nabiling fake siguro Doon nalang po kayo bumili sa shop na trusted wag sa mga online dahil Dyan nagkalat ang fake.
Bossing ako nilalahat ko pong nilalagay ang oil Kasi sabi nang casa okay lang namn daw ubosin Ang 1L lalo na kapag nag palit din oil filter okay lang ba yon na ubosin? Salamat po RS always.
Ok lang naman paps dati rin naman ganun ginagawa sa mga unang vlog ko po nandon dahil Ang oil capacity naman ng 155 is 1L and 10ml pero sa experience ko habang tumatagal ramdam ko mabigat Ang hatak kaya 850ml to 900ml lang nilalagay ko.
Sir may tanong lg ako sir, patulong ako kung ano solusyon sa maingay na front fairings ng sniper 155. Grabe ksi alog minsan sa malulubak na daan. Patulog po sir!
Putol na po ba mga lock sa fairings nyo Kasi kong putol na need na nyan ng bolt pero kong hindi pa naman medyo mahirap sulosyon Dyan dahil Kasi yan sa Daan need mo lagyan ng Guma kada part na dumidikit para maiwasan yong ingay medyo maraming Oras need nyo Dyan hahanapin nyo pa po yon.
Indi pa putol ang lock ng fairings nya sir. Baka pwede ka makagawa ng vid na solusyon na bolt or lagyan ng guma sir. Para matutunan ko sir hirap ksi gumawa kun walang kasamang vid mo sir. Salamat sir!
Naka Depende yon sir sa owner ng unit dahil kahit mag suggest Ako ng mag suggest ng magandang klase ng oil kong hindi naman susunod yong owner ng motor Wala din mangyayari.
@@vincentrenesarlatan8785 pasensya na sir Hindi naman kasi Ako expert sa langis kaya naka base lang Ako sa experience ko sa mga nagamit ko na kaya sa motul lang Ako marami nagsasabi mainit sa makina. Para sa akin wag buhayin Ang motor kong ayaw uminit makina Diba basic lang Saka manipis radiator ng sniper 155 kaya normal lang na masyado sya mainit kaya nga madalas nasisira Ang fan radiator dahil mahina Ang cooling system ng sniper 155.
Good day Boss Win.. Mag 3 months palang Snipey ko.. 500 odo nung 1st change oil ko, nilagay ng casa is 3k odo pa sa next change oil ko base dun sa voucher.. ngayon nasa 2800+ na odo ko.. safe paba yung makina ko? ramdam ko kasi parang may mali..
2k odo lang po Ang sagad namin paps hindi na maganda langis nyan mabilis magdumi loob ng makina pag matagal mag change oil. At pwede lumiit yong mga oil tube o dinadaanan ng langis magpa change oil kana po sa iba kong ayaw pa I change oil sa casa yong warranty Hindi rin yan nagagamit last time yong sniper 150 ko hiniram ng tropa naaksidente binayaran ko insurance ng unit ko para sure pag naaksidente Wala ako babayaran sa casa pero noong dinala ko na humihinge Sila ng nasa 30k tapos 3months ko pa iiwanan Ang unit ko sa casa hindi ako pumayag ako nalang nag ayos ng unit ko mahigit 20k lang nagastos ko kalokohan lang yang warranty nila bulok talaga yang casa.
Tulad kahapon Meron nasiraan ng pyesa pumunta sa casa 1 month daw Bago makuha yong pyesa na kailangan pero pumunta Dito sa shop yung owner ng unit ilang minuto lang nabentahan ko na siya ng pyesa na kailangan Niya ganun kabulok yan casa. Casa Sila pero walang pyesa Anong klasing company yan.
salamat paps 😃 ang gagawin ko nalang is susundin pa din c Voucher pero bibili ako extra Oil para ako na mag change oil every 1k odo tapos pag umabot sa required na odo nila, dun naman sa kanila 😅.. ok cguro ganun paps no?
yun lang.. ewan ko ba bakit 1 month pa bago mabigay ang item.. eh alam naman na nila sana na mabenta talaga yan at kelangan yan ng mga unit na binebenta din nila
@@aljhunsabate7509 yes paps ganun nalang po Gawin niyo Wala talaga ako tiwala sa casa dahil Yung mga classmate ko sa tesda sa casa Sila Ngayon nagwowork kaya alam ko galawan diyan. May offer nga sa akin Dito yong pinaka malaking casa kinukuha nila akong mekaniko maganda offer pero imbes na tanggapin ko yong offer nag Tayo ako ng Sarili kong shop.
magandang araw paps, okay lang ba diesel ang panglinis ko sa chain set ko at sa mga gilid ng makina? sana po masagot 🙏, more power sa yt. channel mo , godbless
Kerosene gamit ng iba pero para sa akin goods yong mototek set na yon pang linis ng chain at pang lubricant sa shopee po marami mura lang yon paps matagal mo na din gagamitin. Sa gilid naman ng makina degreaser Ang gamit ko marami din sa shopee hanapin niyo lang lagi yong may goods review.
Sir nag change oil po ako may nakita po akung rubber parang oring or gasket na kulay gray. parang rubber sya mga 1 inch ang haba.Saan po kaya galing yun. Thanks in advance sa sagot sir.
Okay namn yung po cover ng oil filter. Hindi sya typical na oring eh. Kasi yung mga oring na nakikita ko sa vlog mo puro itim. Yun grey ang kulay. Salamat paps sa sagot. More power
Hindi naman po Bawal dati naman lagi 1L nilalagay ko goods naman yong iba daw Kasi napupunta sa airbox so far Wala naman ganun nangyari sa unit ko pero sinunod ko nalang din yong 900ml para walang problema.
Wala sir dahil naka Depende yan sa owner kong ano talaga ang gusto nya dahil kahit mag suggest Ako ng brand tapos di Naman marunong mag change oil ang alam lang sumakay masisira pa rin ang unit tapos bandang huli sa akin pa ang sisi kesyo yon daw nirecommend ko hindi Naman daw maganda kasi mabilis natuyo. Kahit pinaka mahal na oil ilagay natin sa unit natin Kong Hindi marunong mag alaga sa oil sira talaga yan sir.
Hindi po Ako masyado marunong sa electrical check nyo yong fuse sir pag putol palitan nyo lang po malapit sa may battery yon nandon din mga reserba nya pag Wala pa rin after palitan ng fuse dalhin nyo na sa casa o mekaniko na marunong sa electrical.
boss 500 km palang sobra na itim ng langis ko, bakit kaya? nung nakaraan din nagpapalit ako clutch lining ung lumabas na langis ay sobra agad itim, Shell ultra pa naman un wala pang 300km tinakbo. Salamat sir
@@edsn0124 sorry sir sa actual kasi malalaman Kong mataas ang clutch dapat mahawakan ko ang lever para makita Kong mataas o Tama lang adjustment Hindi rin ako nagtuturo ng adjustment nyan sa comment section or video dahil magkakaiba Tayo ng size ng daliri pweding yong mataas sa akin sakto sa iba. Pweding yong mababa na sa akin mataas na sa iba Kong madadala nyo sa mekaniko na marunong talaga sa sniper 150 155 mas mainam po.
Wala po ako idea sa remap paps pasensya na po kaya mas inaadvice ko talaga palit ECU kesa remap. Yung mga gusto talaga ng remap Isa lang advice ko dapat pag magpa remap kayo make sure gumagamit ng dyno yong nagreremap pag diagnostic tools lang ginamit mahirap yan may tropa Dito nagpa remap 3k ata binayad Niya nag install Sila MDL need mag lagay ng positive wire sa battery na corrupt ECU Niya bumalik sa dati sayang lang 3k kong dinagdagan Niya ng kunti ECU na yon iwas kamot ulo sana.

Thank you sir malapit na 1k yung sniper 155 ko need na i change oil atleast may natutunan din ako
Soon magkaka sniper 155 din ako, marami akong nalalaman dahil sa mga vlogs mo. God bless you paps!
Salamat po tiwala lang ☝️ ride safe po lagi.
Update? May sniper ka na boss?
sa manual po pag magpapalit ng oil filter 950 ml po ang dapat ilagay pag hindi magpapalit ng oil filter 850 ml lang po.
Pano po malalaman pag kailangan na palitan ang oil filter?
Dapat sabay lagi yan. Para good. Useless palit mo ng langis pag hnd saby ang oilfilter.
@@eironstech0610every other change oil.
950 ml sana nilagay boss kase nag palit ka oil filter
Boss pano yung sakin 3months na 400 odo palang ok lng ba hntay ko mag 500 odo? Di kc gaano nggmit
Thank you boss.. Ako na mg change oil ng snipy ko ang Mahal ng labor 😊
Salamat sa tutorial boss newbie here sniper 155 standard version :)
You're welcome sir ride safe po lagi.
Baguhan lang boss sa motor, sniper 155! Laking tulong Po ng mga video tutorial niyo!
Salamat sa panonood sir ingat po lagi sa byahe.🙏☝️
Salamat boss first change oil ko kasi ngayon 508 odo na. Ganun pala magreset
You're welcome sir sana nakatulong salamat din sa panonood malaking tulong din yan sa amin pambayad ilaw tubig sa shop.🙏☝️
sir sa First 500 kailangan ba palitan ang oil filter?
Lahat ng DIY ko sa sniper 155r ko idol win, sau ko pinapanood Para sure hehehe. Dahil tamad akong mag basa ng manual Nia hehehe
Thanks idol and more job to come👏👏👏
Salamat sir ingat po lagi sa byahe.🙏☝️
Nice one idol,sarap mag diy,
#Ridesafealwaysidol.
Tamang nood.lang habang waiting sa pnp clearance ng sniper ko. HAHAHA
Salamat.may alam Nako. Bagong sniper unit ko ngaun
You're welcome sir ride safe po lagi.🙏☝️
Bili na kayo number baka sainyo na yan ma punta.. ganda ng sniper mu boss.👍👍👍
Salamat sa suporta paps ride po lagi
Idol talaga win na win!
Dami ko na natutunan sa iyo paps kahit kokoha palang ako ng S155 kahit repo lang sana matulongan mo ako paps kung anong tips kokoha ng repo.
Godbless paps more power sa channel mo😄
Hindi ko mare recommend kumuha ng repo kadalasan Kasi sa ganyan kinahuyan na marami akong tropa sa casa mismo work ganun ginagawa nila pag may unit na kulang pyesa sa mga repo na unit Sila kumukuha ng pyesa kaya napupunta sa mga repo yong sira na or hindi na magtatagal. Tips pag kukuha ng 2nd hand na unit mas maganda may Kasama kayong mekaniko na expert sa unit na kukunin niyo yong pinaka the best.
Tnx Lods mlaking help ang tutorial mo.
Maraming salamat po sa panonood at suporta ride safe po lagi.🙏☝️
Thank you for sharing boss
Idol paano kung nabaliktad ang paglagay ng oil strainer ano epekto po? Salamat idol God Bless and ride safe!!!
Nice sharing po idol magandang hapon po
Salamat paps magandang hapon din po ride safe po lagi.
oh ito na libreng tutorial mga bashers! 🤣
mga walang pantaya 🤣
Hehe salamat paps ingat lagi.☝️😁
pagmaglalagay na po ba ng oil filter, no need na ba syang basain ng langis?
Para sa akin hindi na kailangan dahil pag buhay mo ng makina matic mababasa din yan ginagawa lang yan sa mga 4 wheels at big bike.
Sabay2 taung bumili ng Sniper hehe
Okay lang ba na hindi papalitan muna yung filter niya?? Kakapalit ko kasi ng unang change oil ko hehe
Depende po Kong ilang odo kayo mag change oil Kong every 1k at orig ang oil filter pwede pero Kong Tig 50 pesos wag nyo na tipirin makina kasi yan pag nalusaw yong rubber at papel nyan at bumara sa daanan ng oil papuntang head pitpit lang Naman valve nyan pwede rin masira rocker arm yong tinipid nyong 50 pesos labor palang 2k na pero kayo pa rin Naman po ang masusunod dahil unit nyo po yan Basta gumagawa kami ng mga nasisira.😁✌️
Sana magkaroon ka ng branch dito manila Boss hehe..from Mandaluyong po
Malabo Yan sir sa upa palang mamumulubi na kami Saka masyado ng Maraming mas magagaling Dyan baka naman magalit Sila kong mag open pa Ako Dyan.
Sir win pwede ba sprayhan yung loob nung oil filter gamit yang koby?
Wag po tutulo yon sa crank case sira pintura nyan punas lang ng basahan kailangan Dyan.
Pops gandang Gabi lagi ako nka subay2x sa mga vlog mo.tanong lang ako pops kung mag palit ng tambutso ng uma racing mag papalit poe ba ng ECU..pa advice Naman poe LEYTE poe ako pops
Yes need po talaga magpalit or magpa remap ECU dahil naka Tono ang stock pipe sa stock ECU possible mag lean yan at in the long run pwede masira ang block ng unit nyo.
Ahh salamat poe kua win sa advice palagi ako nka subay2x sa mga vlog mo.maraming salamat.
sir ano tawag sa ganyang turnilyo at ano tawag sa transparent na cover na yan?
Paps UK ba gamitin ang washable oil filter sa sniper 155r
Para sa akin Hindi po advisable.
🎉🎉 good bless idol nice
Salamat po ride safe po lagi.☝️🙏
salamat tip LOD.👌
You're welcome ride safe po lagi.
Detalyado, ayos boss👌
Salamat sir ride safe po lagi.☝️🙏
Ilang odo po yan bago palitan idol? Ride safe lagi!
Every 1k odo po palit oil and oil filter sa unit ko Minsan nga Wala pa 1k palit na agad.
Boss anong mas magandang langis Motul or shell advance ultra
Yong shell kaya Hanggang 2k odo maganda pa pero wag na paabutin ng 3k odo Bago palitan. Yong motul Hanggang 1,500 goods pa pero every 700 odo to 1k odo lang kasi Ako mag change oil motul lang gamit ko simula mabilis Ang sniper 155 ko.
@@winmotovlogs3291 thank you sa info boss God Bless
Idol nag lagay din Po ba kayo ng nilalagay sa tangke ng gasolina ? Tanong Lang lods kung goods ba yun?
Good day hindi po dahil hindi ako sampalataya dun marami na akong nabuksan na makina na naglalagay daw ng carbon cleaner pero may carbon pa rin Naman sa valve dagdag gastos lang yon pero useless Naman talaga.😬
@@winmotovlogs3291 salamat idol sayo Ko din natutunan Ang rediator fan na ang Gamitin Sa Sniper 150 hanggang ngayun ok pa araw2 ko ginagamit dahil angkas biker ako salamat Po ng marami sa mga tips sana Di ka mag sasawang mag bigay ng idea about sa Ating mga Motor salamat
Sir win pag18k odo na, ilang km na ba dapat palitan ang langis? Every 1k na po ba? Thanks sa response
Simula po dapat pagka bili nyo ng unit every 1k odo na po dapat Kong magpapalit ng langis.
boss paano po maglagay ng coolant at kelan dapat dagdagan b o palitan nalang
Good day new subscriber po ba kayo sir? Siguro mga sampo na din ang video ko Kong paano magsalin ng coolant Pa subscribe po para updated po kayo sa mga new upload natin Salamat.👇👇👇
ruclips.net/video/_VybCUws6tg/видео.htmlsi=vAymmEqTRe02-1W3
boss win, anu pla complete address mu balak q din kc magpa lagay ng mini driving light
Brgy 7 morning glory street tapat po ng lipa district hospital search niyo Lang po sa google map arcm motor shop salamat ride safe po.
Idol Win, tanong ko lang po kun anong oil bagay po sa sniper 150 v2? Salamat po sa pag sagot.
Marami po magandang oil shell ultra ax7 motul GP POWER uma oil Basta Tama pagkaka change oil hindi magkaka problema Ang unit niyo sa makina.
Boss win gawa ka ng video about sa ecu kapag nagpalit ng pipe
Napaka dami ko na pong video about Doon paps siguro anim na paps.
Boss okay lang ba after change oil pinaandar kaagad motor tapos diretso sibat kahit di na napainit makina? Nakalimutan ko kasi painitin nagmamadali kasi ako
sir tanong lang,baliktad kasi pag lagay ko,nauna ko nailagay yong spring kesa sa basket nya,magkaka problima po ba.salamat boss
Hindi Naman po magkaka problema pag change oil nyo nalang ulit ayusin.
Idol winwin
Bumili ako ng MOTUL HTECH 100 (4T) 10w40
Sabi ng supplier safe daw yun hanggang 3,000 km.
Ano ang opinion mo master? Hanggang ilang kilometer lang sa tingin mo dapat?
Sniper 155r po ako
1,100 odo pa lang.
Sana mapansin mo ❤🎉
Sobra po yon 1500 odo po sagad sa langis pwede yon kong sa malalaking motor dahil mas marami nilalagay na langis sa kanila. Kami Dito every 1k odo palit langis filter tipirin nyo na po lahat sa motor wag lang Ang langis para iwas kamot ulo later.
Salamat sir Win!!
sige isagad ko lang ng 1,200 km...
Kahit ako alanganin sa sinabing 3,000 km mileage ng oil.
More powers ka-Panalo!!
@@MaasimMotovlog you're welcome paps ride safe po lagi.☝️💪
dpende yun sa kulay ng oil kpg malinis parin kulay ng oil tuloy mo pa pag gamit kc motul yan eh subok na yan
Anong best recommended mong oil para sa sniper 155 idol?
Motul oil shell ultra uma top 1 maraming magandang oil sir pero naka Depende sa pag gamit mo Kong every 1k to 2k ka mag change oil goods pa yon dahil kahit pinaka maganda pinaka mahal na oil ilagay mo Kong every 5k ka Naman mag change oil sira talaga yang motor natin.
Boss okay lang papalit palit ng langis?
Sa experience mo sir, anong langis ang da best?
Salamat sir! Newbie here haha
Good day hindi po advisable papalit palit ng oil simula binili ko ang Sniper 155 ko 2021 model motul po ginamit ko walang pinaka the best na oil. Dahil kahit pinaka mahal pa bilhin nyo Kong every 3k odo to 5k odo kayo mag change oil useless po yang mamahaling oil nyo.
@@winmotovlogs3291 maraming salamat sir!
Boss ano tawag jan sa trangparent n circle ang angas kaso gusto korin yan
Ducati edition luxury crank case marami po ako available Pag gusto niyo pm lang po sa fb page natin Salamat.👇
Win moto garage
Idol win,change oil ako today. Ok lang yung motul hc-tech ipang change oil?10w-40
Ok lang yan paps medyo mahal lang kaya yong ordinary lang tinda ko or motul GP POWER.
Ty idol. RS lage
Salamat sa pagdinig sir ❤️
You're welcome ride safe po lagi.
Paps maganda din ba ENEOS 10W-40 pang change oil ng sniper 155R? Salamat
Hindi ko pa po natry kaya no comment po Ako Dyan.
Galing idol
Salamat sir ingat po lagi.☝️🙏
Normal lg po ba umuusok yung elbow ng pipe pag natapunan ng oil sir?
Normal po.
Hello po sir ka win, ilang odo po bago mag change oil?
Every 1k odo po Kong bagong bili ang unit sa Ika 500 dapat ipa change oil niyo na po Yan. Wala po bang briefing sa casa na pinag bilhan niyo ng unit about sa pagpalit ng oil?
Sana isa sa mapalad mabunot sa s155 n yan 🙏🙏😊
Swertihan lang po talaga sa raffle sana ingatan ng bagong magiging owner kinukumutan ko pa po yan sa garahe pag Gabi.
@@winmotovlogs3291 kaya nga idol kaya sana swertihin 🙏
Paps fully synthetic ba yang motul gp power?
Wala pong nakalagay pero noong ginamit ko ito para sa akin mas smooth siya.
oks lang ba boss ang yamalube na B business para sa sniper 155
Good day Hindi po ako gumagamit ng Yamalube na oil kaya Wala po akong idea pasensya na po Hindi po ako expert sa langis. Pero pagka labas ng unit ko sa casa pinalitan ko agad ng motul oil dahil yon Ang subok ko ng langis simula sniper 150 V1 pa po Ang unit ko.
Thank you boss💚💯
Your welcome sir.
Paps tanong lang ano ibig sabihin ng technosynthese?sa mga oil nakalagay salamat sa sagot paps ❤️
Hindi ko rin alam sir Hindi naman Ako expert sa oil.
Yan daw meaning Sabi ni google sir.
WHAT DOES TECHNOSYNTHESE® MEAN? Technosynthese® is an ingenious combination of synthetic and best mineral base stocks for optimal performance and price competitiveness.
Paps win ok lang ba zic m9 10w-40 na oil sa sniper 155 natin
Hindi pa po ako nakagamit nyan paps goods naman yan Basta pang underbone Yung iba Kasi nagkakamali ng lagay pang scooter Minsan Basta alaga sa langis Ang unit goods yan.
Sir, ask ko lang po. Unang beses ko pa lang po kasi magpapachange oil ng motor, 500 ODO po. Kapag po ba nagpachange oil, kailangan din po ba magpalit ng Oil Filter?
Yes po every change oil palit din po talaga dapat ng oil filter para malinis. Dahil ang oil filter nagsasala ng dumi sa langis useless po yong pag palit ng oil Kong Hindi pinalitan yong oil filter.
@@winmotovlogs3291 sa pagpapalit po ba ng oil filter magkano po?
@@andengmhsy Depende sa oil filter yong genuine original from casa 160 pesos Depende sa casa may casa na 250 ang oil filter lang. Class a lang gamit Namin 70 pesos pero hindi yon pweding patagalin Bago palitan dahil pweding malusaw ang papel kaya every 1k odo to 1,500 odo dapat palit oil at oil filter.
@@winmotovlogs3291 thank you po sir, sobrang nakakatulong po kayo 💗
Bossing Yung oil filter bakit po Yung butas Yung nasa outer part? Thanks po
Hindi mo po kasi mailalagay yong oil filter cover pag nasa loob ang butas kahit i-try nyo po nasa vlog ko po yan na bago.
@@winmotovlogs3291 oo nga thanks bossing. Pag sa raider Naman bossing bakit Yung walang butas Naman Ang nasa outer part pag nilalagay? Thanks bossing
@@TejadaMarkAnthonyD Good day hindi ko po sure dahil sniper 150 at 155 lang po ang ginagawa Naming unit dito sa shop kaya pasensya na wala po akong idea sa ibang unit o brand.
Idol saan po ang shop niyo para Jan na ako mag pa maintenance ng sniper ko po
Brgy 7 morning glory street Lipa City Batangas tapat po ng Lipa City district hospital search niyo lang po sa google map ARCM MOTOR SHOP salamat RS po.
idol pwede ba stock rim ng sniper155 sa sniper 150 thnks
Pweding pwede sir same size po yan.
Good ba ang mutol 20w50 sa sniper
Goods Yan sir Kong tag init dahil ang reklamo nila Pag masyado malapot ang oil mahirap mag start Pag cold Start kaya dapat sa tag init gamitin.
Boss same lang ba ng oil filter ang sniper 135 at 155 ?
Yes po.
Pwede ba ichange oil kahit wala pang 500 odo sabi ng casa sa akin kahit wala pang 500 Odo matik pag naka 1month na change oil na
Pwede sir lalo na kong Hindi palagi ginagamit Ang unit pag nasa motor na kasi Ang oil parang napapanis din sya kahit di gamitin lagi nadumi din Ang oil.
Boss ok lng ba na 850 ml lng kahit bagong oil filter?
Hindi Naman po talaga kailangan na eksaktong 850ml Ang ilagay dahil pagka change oil natin Wala Namang QC/QA inspector na magdo double check pa nyan pagka tapos natin isalin Ang oil wag niyo lang po ubosin yong 1L yon lang po Ang gusto Kong iparating sa video. Dahil Ang oil capacity ng makina natin 1L and 10ml ngayon Pag sinalin natin lahat yong 1L na laman Minsan nahihigop yon ng breather at nakaka rating sa air box at air filter.
Mas ok po na 950ml lng dba?
@@winmotovlogs3291 boss san kau sa lipa
@@rjayexplorermakabuhay3329 goo.gl/maps/nrvevPKVF5WQzrtE6

Idol pag nabaliktad ba ang oil filter ok lng ba? Kasi hndi ako gaano ka sure na yung butas yung nakaharap sa unahan
Hindi po yan pwede mabaliktad kong stock Ang inyong oil filter cover dahil may alloy yan na pinaka sumasalo sa oil filter pag nabaliktad Ang salpak niyo tatama yon kaya hindi niyo po maisasara yong oil filter cover.
Sir Diba Naka Uma sliper clutch 5spring ka? Bakit mo bibalik mo SA 3spring
Yes paps dati po binili Kasi yon ng tropa na makulit Araw Araw na akong binalikan Dito sa shop that time Kasi Wala makunan ng uma 5 spring kaya binigay ko na tapos noong naglabas na Ang uma sobrang mahal na kaya hindi na po ako nag lagay sa unit ko Saka Wala na din ako makunan nong red na washer at titanium bolt kong ilalagay ko yong 5 spring masisira Ang kulay.
idol normal lang ba na may kunti kunting lumalabas na oil pag umiinit sa may paglagyan ng oil filter kakachange oil lang kasi kahapon salamat sa sagot idol
Normal po yan Kong kaka change oil lang kahapon pero Kong matagal ng napalitan ng oil luwag ang bolt nyan or naipit ang o'ring.
boss wins..ask lang po..pag nalowbat ang battery ng sniper155..palitan na ba agad ng battery yan.?wala kasing knowledge pa boss..new rider lang po.thankyou.sana mapansin
Pag nalowbat po paandarin nyo lang pag kumarga pa pwede pa yan or gamit kayo tester para sure Makita kong nakarga pa po pag hindi na nagkarga or below 10v nalang sira na po yan palitan na. Para maiwasan malowbat lagi ichech Ang susi or remote at bumili ng volt meter mura lang po yon sa shopee koso Ang brand.
@@winmotovlogs3291 thank you boss wins
Nice boss
Salamat paps ride safe po lagi.
Same lng ba ang oli filter ng 150 at 155
Yes po same ang oil filter same ang air filter same ang fuel filter.
Boss Win semi synthetic po ba yung oil na gamit nyo jan?
Wala yan nakalagay paps kong fully synthetic or semi pero noong natry ko gumamit nyan ramdam ko smooth sa makina kaya Yan na lagi ko gamit kaso Ngayon Wala na makunan kaya balik ako sa motul 3000 plus pag Wala uma oil medyo mahal lang pero solid.
Sir hindi poba na iistock sa loob ng makina yan strayner?
Minsan naiiwan yan hilahin nyo lang po.
paps? nauna kong lagyan ng oil yung makina tapos pinalitan ko oil filter. ok lang ba yun?
Ok lang po.
950ml lng po ba sa sniper 150 kahit nag palit ng oil filter?
Hindi kailangan na saktong 950ml ang importante wag ubosin yong 1L.
idol kaylangan paba adjust odo pagtapos mag change oil
Hindi po na aadjust Ang odo paps yong trip 1 trip2 lang po nirereset namin.
idol 850ml pero pwde kaya sa 800ml?not daily use
Pwede yan sir sa karera Nga 500ml lang kasi pagkatapos ibaba ulit makina nun Saka bawas bigat na din Hindi naman kailangan saktong 800 850 900 ang importante wag lang ubosin ang 1L Wala Naman QC Inspector na mag checheck nyan kong sakto talaga nilagay natin.
tanong lang if di msyadong nagagamit yung motor..1month lang ba change oil na?
Saan po ba ginagamit ang unit sir? Dahil kami nagagamit man o Hindi Basta naka 1k odo na ang natakbo palit oil and oil filter na agad.
@@winmotovlogs3291 minsan lang kase magamit..minsan nagagamit lang 2-3 a month..so kunti lang odo. So kahit 2months na basta di pa umabot 1k odo di pa magchange oil?
@@squarep4nts889 mas maganda Tama yong maintenance kesa matuyuan pa po ng oil pwede na Yan every month kong Hindi palagi nagagamit parang napapanis din kasi oil natin kahit di gamitin nangingitim din po.
@@winmotovlogs3291 copy, thanks
Bakit yun sakin pops 1.100ml yun 2023 model po 155 standard
1L and 10ml po talaga ang oil capacity ng sniper 155 1L and 15ml Naman sa sniper 150 V1 V2. Nasa manual at nasa google po yon.
paps. may mga tanong ako. ilan ang bolts sa fairings?ano size?ilan ang bolts sa crankcase at ano rin mga size. sana masagot. ganda kasi tignan. balak ko rin palitan mga bolts😁tia
Yong sa fairings 20 sa crank case naman po 23 kabilaan na set yon pag nabibili kaya no need ng size sa fairings mas maganda magdala kayo ng stock bolt pag bibili kayo tapos yon Ang ipakita nyo sa tindahan para sure na same Ang thread.
Bossing? Pano malalaman bossing kung original o fake yung motul?
..
Sana mapansin Po
Good day sa loob ng 3 years na Pag gamit ko nyan wala pa Naman po ako na encounter o nabiling fake siguro Doon nalang po kayo bumili sa shop na trusted wag sa mga online dahil Dyan nagkalat ang fake.
Sir Tanong ko lng po,bakit yong first change oil Ng sniper ko parang namumuti yong langis na tinanggal.
Pa send po ng picture sa fb page po namin win moto garage salamat.
Bossing ako nilalahat ko pong nilalagay ang oil Kasi sabi nang casa okay lang namn daw ubosin Ang 1L lalo na kapag nag palit din oil filter okay lang ba yon na ubosin? Salamat po RS always.
Ok lang naman paps dati rin naman ganun ginagawa sa mga unang vlog ko po nandon dahil Ang oil capacity naman ng 155 is 1L and 10ml pero sa experience ko habang tumatagal ramdam ko mabigat Ang hatak kaya 850ml to 900ml lang nilalagay ko.
@@winmotovlogs3291 ahh salamat pong madami sa advice Ride safe po.pa shout out namn po next vlog
CLUB I
YAMAHA SNIPER MX
TEAM PAMPANGA
# TEAM POGI
@@ricovonjungpinastv2833 Sige paps next upload po ride safe din po lagi.
New subscriber paps❤️
@@winmotovlogs3291 thank you po
Sir may tanong lg ako sir, patulong ako kung ano solusyon sa maingay na front fairings ng sniper 155. Grabe ksi alog minsan sa malulubak na daan. Patulog po sir!
Putol na po ba mga lock sa fairings nyo Kasi kong putol na need na nyan ng bolt pero kong hindi pa naman medyo mahirap sulosyon Dyan dahil Kasi yan sa Daan need mo lagyan ng Guma kada part na dumidikit para maiwasan yong ingay medyo maraming Oras need nyo Dyan hahanapin nyo pa po yon.
Indi pa putol ang lock ng fairings nya sir. Baka pwede ka makagawa ng vid na solusyon na bolt or lagyan ng guma sir. Para matutunan ko sir hirap ksi gumawa kun walang kasamang vid mo sir. Salamat sir!
2 years ko ng gamit yung sniper 155 ko ngayon ko lang nalaman kung paano gamitin yung trip 1 at trip 2 hahahaha😂
Ok lang yan sir yong iba ngang function Dyan Hindi ko pa rin alam Kong para Saan yon.😁 ok na sa akin yong trip 1 trip 2.
Paps tanong lang ano ba mas ok para sa sniper natin Semi synthetic or fully synthetic? Salamat paps sa sagot ride safe 😊
Naka Depende yon sir sa owner ng unit dahil kahit mag suggest Ako ng mag suggest ng magandang klase ng oil kong hindi naman susunod yong owner ng motor Wala din mangyayari.
opinyon mo sana paps hinge-in ko? 😊
@@vincentrenesarlatan8785 pasensya na sir Hindi naman kasi Ako expert sa langis kaya naka base lang Ako sa experience ko sa mga nagamit ko na kaya sa motul lang Ako marami nagsasabi mainit sa makina. Para sa akin wag buhayin Ang motor kong ayaw uminit makina Diba basic lang Saka manipis radiator ng sniper 155 kaya normal lang na masyado sya mainit kaya nga madalas nasisira Ang fan radiator dahil mahina Ang cooling system ng sniper 155.
Ask lang po paps, ok lang ba kong papalipat ng medyo malaki ang radiator ng sniper 155? Tnx
Good day Boss Win.. Mag 3 months palang Snipey ko.. 500 odo nung 1st change oil ko, nilagay ng casa is 3k odo pa sa next change oil ko base dun sa voucher.. ngayon nasa 2800+ na odo ko.. safe paba yung makina ko? ramdam ko kasi parang may mali..
2k odo lang po Ang sagad namin paps hindi na maganda langis nyan mabilis magdumi loob ng makina pag matagal mag change oil. At pwede lumiit yong mga oil tube o dinadaanan ng langis magpa change oil kana po sa iba kong ayaw pa I change oil sa casa yong warranty Hindi rin yan nagagamit last time yong sniper 150 ko hiniram ng tropa naaksidente binayaran ko insurance ng unit ko para sure pag naaksidente Wala ako babayaran sa casa pero noong dinala ko na humihinge Sila ng nasa 30k tapos 3months ko pa iiwanan Ang unit ko sa casa hindi ako pumayag ako nalang nag ayos ng unit ko mahigit 20k lang nagastos ko kalokohan lang yang warranty nila bulok talaga yang casa.
Tulad kahapon Meron nasiraan ng pyesa pumunta sa casa 1 month daw Bago makuha yong pyesa na kailangan pero pumunta Dito sa shop yung owner ng unit ilang minuto lang nabentahan ko na siya ng pyesa na kailangan Niya ganun kabulok yan casa. Casa Sila pero walang pyesa Anong klasing company yan.
salamat paps 😃 ang gagawin ko nalang is susundin pa din c Voucher pero bibili ako extra Oil para ako na mag change oil every 1k odo tapos pag umabot sa required na odo nila, dun naman sa kanila 😅.. ok cguro ganun paps no?
yun lang.. ewan ko ba bakit 1 month pa bago mabigay ang item.. eh alam naman na nila sana na mabenta talaga yan at kelangan yan ng mga unit na binebenta din nila
@@aljhunsabate7509 yes paps ganun nalang po Gawin niyo Wala talaga ako tiwala sa casa dahil Yung mga classmate ko sa tesda sa casa Sila Ngayon nagwowork kaya alam ko galawan diyan. May offer nga sa akin Dito yong pinaka malaking casa kinukuha nila akong mekaniko maganda offer pero imbes na tanggapin ko yong offer nag Tayo ako ng Sarili kong shop.
magandang araw paps, okay lang ba diesel ang panglinis ko sa chain set ko at sa mga gilid ng makina? sana po masagot 🙏, more power sa yt. channel mo , godbless
Kerosene gamit ng iba pero para sa akin goods yong mototek set na yon pang linis ng chain at pang lubricant sa shopee po marami mura lang yon paps matagal mo na din gagamitin. Sa gilid naman ng makina degreaser Ang gamit ko marami din sa shopee hanapin niyo lang lagi yong may goods review.
Salamat ng marami paps, godbless
Sir nag change oil po ako may nakita po akung rubber parang oring or gasket na kulay gray. parang rubber sya mga 1 inch ang haba.Saan po kaya galing yun. Thanks in advance sa sagot sir.
Hindi pa ako naka experience na makakuha niyan paps yong sa oil filter cover po ba nandon pa?
Okay namn yung po cover ng oil filter. Hindi sya typical na oring eh. Kasi yung mga oring na nakikita ko sa vlog mo puro itim. Yun grey ang kulay. Salamat paps sa sagot. More power
Okay lng ba mag change oil habang maiinit pa makina?
Syempre kailangan nyo po palamigin muna yan possible po kasi na mabilog yong drain plug nyo or masira.
Idol ok lang po ba ung 1L na langis sa sniper??
Pwede naman paps dati 1L din sinasalin ko kaso napupunta po sa airbox kaya dapat 850ml to 900ml para sure na di tatagas sa airbox.
boss bawal po ba tlga 1L ang e.change oil sa sniper 155 ? at ano ang mangyayari nito ??
Hindi naman po Bawal dati naman lagi 1L nilalagay ko goods naman yong iba daw Kasi napupunta sa airbox so far Wala naman ganun nangyari sa unit ko pero sinunod ko nalang din yong 900ml para walang problema.
Recommended oil niyo po?
Wala sir dahil naka Depende yan sa owner kong ano talaga ang gusto nya dahil kahit mag suggest Ako ng brand tapos di Naman marunong mag change oil ang alam lang sumakay masisira pa rin ang unit tapos bandang huli sa akin pa ang sisi kesyo yon daw nirecommend ko hindi Naman daw maganda kasi mabilis natuyo. Kahit pinaka mahal na oil ilagay natin sa unit natin Kong Hindi marunong mag alaga sa oil sira talaga yan sir.
tipid sa oil ang sniper 155 ang rfi 150 kasi 1300 ang ilalagay,
Kaya nga sir kailangan dalawang litro agad bilhin dahil kulang Pag Isa lang.
Boss paanu kung inubus Yung oil d ba masisira inubus lahat
Hindi Naman po masisira pero mapupunta po sa air box try nyo po icheck sa air box nyo Kong Duda po kayo.
sir san po pwede bumili ng oil filter
Pwede po pm niyo lang po ako sa fb page ko Pag may need kayong bilhin na pyesa sa akin salamat.
Win moto garage
Kuya pwede ba na gnawing 950 ang oil dahil Pati oil filter papalitan kasi?
950 naman talaga dapat, as per manual.
sir giod day patul9ng naman kasi sniper 155 ko binalik ko battery nya ay baliktad bali ayaw na umandar ano kaya nasira sir thnk you
Hindi po Ako masyado marunong sa electrical check nyo yong fuse sir pag putol palitan nyo lang po malapit sa may battery yon nandon din mga reserba nya pag Wala pa rin after palitan ng fuse dalhin nyo na sa casa o mekaniko na marunong sa electrical.
@@winmotovlogs3291 thank yuo idol
boss 500 km palang sobra na itim ng langis ko, bakit kaya? nung nakaraan din nagpapalit ako clutch lining ung lumabas na langis ay sobra agad itim, Shell ultra pa naman un wala pang 300km tinakbo. Salamat sir
Saan po location nyo sir? Baka Naman po sobrang taas nyo mag clutch.
@@winmotovlogs3291 marilao bulacan sir. Pano ba malaman if mataas sir.
@@edsn0124 sorry sir sa actual kasi malalaman Kong mataas ang clutch dapat mahawakan ko ang lever para makita Kong mataas o Tama lang adjustment Hindi rin ako nagtuturo ng adjustment nyan sa comment section or video dahil magkakaiba Tayo ng size ng daliri pweding yong mataas sa akin sakto sa iba. Pweding yong mababa na sa akin mataas na sa iba Kong madadala nyo sa mekaniko na marunong talaga sa sniper 150 155 mas mainam po.
@@winmotovlogs3291 may kinalaman kaya ung coolant ko na nagbabawas sir? Puno ang reserve pero bawas sa radiator mismo sir
Lods ano dapat gawin kapag naka remap ecu tas naka kalkal pero hindi dumulo ang rpm tas bitin sa dulo
Wala po ako idea sa remap paps pasensya na po kaya mas inaadvice ko talaga palit ECU kesa remap. Yung mga gusto talaga ng remap Isa lang advice ko dapat pag magpa remap kayo make sure gumagamit ng dyno yong nagreremap pag diagnostic tools lang ginamit mahirap yan may tropa Dito nagpa remap 3k ata binayad Niya nag install Sila MDL need mag lagay ng positive wire sa battery na corrupt ECU Niya bumalik sa dati sayang lang 3k kong dinagdagan Niya ng kunti ECU na yon iwas kamot ulo sana.
@@winmotovlogs3291 sge lods salamat
Ngayun Ko lang alam pano e reset ang mga trip ahh ahahahh
Salamat po sa panonood.
Bos pwede kuba ipa check sau ang sniper ko.
Brgy 7 morning glory street Lipa City Batangas tapat po ng Lipa City district hospital search niyo lang po sa google map ARCM MOTOR SHOP salamat RS po.
Dalhin nyo lang po sa address na yan pag need nyo po ipa check salamat ide safe po.