🏍️ THE INSTAGRAMMABLE VIEW OF CAMP PUOR IN BOLINAO | CAPE BOLINAO LIGHTHOUSE | PATAR WHITE BEACH

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 28 авг 2024
  • 🏍️ THE INSTAGRAMMABLE VIEW OF CAMP PUOR IN BOLINAO | CAPE BOLINAO LIGHTHOUSE | PATAR WHITE SAND BEACH
    Sa nakaraang episode ng ating Bolinao Escapade ay napasyalan at naipakita natin kung gaano kaganda ang ilang mga tanawin sa ating paglalakbay papunta sa bayang ito ng Pangasinan.
    Namangha tayo sa isang kalsada sa bayan ng Bani o ang zigzag road ng Bani na mas kilala sa Regional Highway 5.
    Sa pagpapatuloy ng ating paglalakbay, atin namang bibisitahin ang ilan pang mga pasyalan sa bayang ito na tiyak na hindi lamang mata ang mabubusog kundi pati na rin ang ating mga isipan.
    Sa paglalakbay naming ito, samahan niyo kaming muli sa episode 2 ng aming Bolinao Escapade, the paradise of northwestern Luzon! Let’s go!
    Ang Camp Puor ay ang pinakabagong tourist attraction sa Bolinao Pangasinan. Ang pangalan na "Camp Puor" ay nagmula sa Bolinao dialect na "Puor" na nangangahulugang sunog o apoy. Ito ay isa ding camping site kaya pinaghalo nila ito at tinawag na ‘camp pour’. Mas sumikat ito dahil sa kakaiba at instagrammable nitong lokasyon at trending na hugot signages na perfect for picture taking. Ang pangunahing atraksyon ng campsite na ito ay ang magandang tanawin ng Balingasay River na karugtong ng Bolinao River na tinaguriang pinakamalinis at luntiang ilog sa buong Region 1.
    Maraming activities ang pweding maranasan dito gaya ng kamping, pamamangka, Kayaking, at paglangoy sa ilog o mas kilala sa tawag na flowing swimming pool. May mga puno ng niyog dito na nakadaragdag sa ganda ng lugar ngunit mag-ingat lang dahil baka may mahulog sayon a di mo naman kayang saluhin.
    Pagkatapos namin dito ay dumeretso na kami sa Patar at ilang sandali pa ay narating na natin ang Cape Bolinao Light house.
    Ang Cape Bolinao Lighthouse sa Patar ay isa sa pinakamahalagang landmark sa Bolinao, Pangasinan. Isa ito sa pinakamatandang parola sa Pilipinas at matatagpuan sa Punta Piedra Point, isang matayog na burol ng solidong bato, na siyang strategic na bahagi ng Cape Bolinao mismo. Ito ang pangalawa sa pinakamataas sa limang light houses sa bansa, na may taas na humigit-kumulang 107 metro above sea level, kabilang ang taas ng burol na kinalalagyan nito.
    Bagama't hindi pinapayagan ang mga turista na umakyat sa 140 steps spiral staircase at pumasok sa tore, hinihikayat na lamang silang tingnan ang parola mula sa labas. Sa tabi ng parola ay ang Cape Bolinao ruins, na dating administratibong gusali ng parola na naging sikat na lugar para kumuha ng litrato. Hindi kalayuan sa tourist attraction na ito ay ang Patar Beach, isang white sand beach na may malinaw na asul na tubig.
    Pinakamainam na bisitahin ang Cape Bolinao Lighthouse sa umaga o huli ng hapon para sa pagsikat o paglubog ng araw. Nagbibigay ito ng magandang tanawin ng asul na karagatan at mga white sand beaches, offshore reef, rock formations, at nakapalibot na burol.
    Dahil nga medyo ramdam na namin ang pagod, naghanap muna kami ng maaaring pahingaan ngunit sa kasamaang palad ay puro fully-booked na ang mga resort and hotels dito. Kaya minabuti namin na umuwi na lamang sana. Pagkatapos namin kumain ay deretso na sana kaming umuwi Mabuti na lamang at may nakita kaming beach resort na walang katao-tao. Nag-inquire kami at ready for occupancy naman na ang mga nipa rooms nila dito kaya dito na kami nagpahinga. Lampas lang ito ng Arko ng Brgy. Patar at white sand din ang beach nila dito.
    Abangan ang huling episode ng ating paglalakbay dito sa bayan ng Bolinao, Pangasinan kung saan, ating susubukan ang maligo dito sa beach,at makakita ng mga hindi ordinaryong lamang-dagat. Atin ding dadaanan ang Old Rock Resort sa bayan ding ito at atin ding dadalawin ang maksaysayang Bolinao Church.
    Hanggang dito na lamang ang videong ito, maraming salamat sa panonood, see yu sa next episode ng ating Bolinao Escapade. Paalam!
    🔊 MUSIC IN THIS VIDEO:
    Music from #Uppbeat (free for Creators!):
    uppbeat.io/t/j...
    License code: KH1AEQZHT8QGAQSQ
    Music from #Uppbeat (free for Creators!):
    uppbeat.io/t/p...
    License code: GTTTT8S60TFL6QKA
    MUSIC: Pacific by Luke Beling
    Music from #Uppbeat (free for Creators!):
    uppbeat.io/t/l...
    License code: IXK63MK35DNJXQ8R
    🔊 MUSIC IN THIS VIDEO: inaudio.org/
    RIDING & VLOGGING EQUIPMENTS:
    ✅Redmi Note 10 Pro (for video recording)
    ✅Oppo Reno 7z 5G (for voice-over recording)
    ✅DJI Mini SE Drone
    ✅SJ Cam C200 Action Cam
    ✅Telesin Mini Tripod
    ✅Insta 360 One X2
    ✅Xiaokoa Lavelier Microphones
    ✅Yamaha Aerox 155
    ✅Motowolf CP Holder/Bracket
    ✅Evo Helmets
    #SirpogiElyu
    FOR SPONSORSHIP AND INQUIRIES, FOLLOW and/or CONTACT me at:
    ✅EMAIL: sirpogi0026@gmail.com
    ✅TEXT/CALL: +639102820549
    ✅FACEBOOK: Sirpogi ELYU
    ✅TIKTOK: Sirpogi ELYU
    ✅INSTAGRAM: Sirpogi ELYU

Комментарии • 6

  • @TheBrownTraveler
    @TheBrownTraveler Месяц назад +3

    Ganda ng ilog ng balingasay. Perfect match yung bangka. Ingat!

  • @user-om4od4bu4p
    @user-om4od4bu4p 23 дня назад +1

    Thank you po sa update

  • @GoodboyMoto
    @GoodboyMoto Месяц назад +1

    Upload mo na bukas yung kasunod idol. Bitin hahaha

    • @sirpogi_elyu
      @sirpogi_elyu  Месяц назад

      Hahaha grabe. Ang dali mag edit 😆😆😆🤙