Other related topic: Pwede ko ba Gamitin ang Sasakyan Kahit hindi sa akin Nakapangalan ang OR at CR or Registration nito? click this link to watch -----> ruclips.net/video/w2zdkm1JyOg/видео.html
Hi maam good morning poh May porblema poh ksi ako sa nabili ko na secondhand na motor 6months ago na poh ngaun ko lng nalaman dahil pina check ko sa LTO na tamperd pala ang engine at chasis number nya Sinabi ko sa pinag bilan ang sabi nya hndi daw tamperd pero dalwang LTO na tumingin ng motor ko at na confirmed nga na tamperd Ano kaya pwede ikaso sa pinag bilan ko ksi ayaw nya na suli ang pera ko at ano magandang gawin
About po sa SPA, may expiry po ba yon? Kse meron na dati- then nag abroad na ung may ari - need pa ba gumawa si owner ng bago kung saang bansa man sya?
Valid po yung SPA hanggat buhay yung "principal" or yung nagbigay ng authority. Magiging walang bisa lang po ang SPA if 1. namatay yung Prinpal, 2. ni revoke or kinancel ng Principal ung SPA, 3. na accomplish na yung purpose ng Transaction. and 4. May expiry mismo na nakalagay sa SPA .... Take note po however, may mga agencies kasi lalo na yung mga government agencies gusto nila updated ang SPA kaya kahit valid pa rin yung SPA, wala kayong choice kundi magpagawa ulit ng updated SPA. Kaya depende po sa paggagamitan ng SPA if kelangan gumawa ulit ng bago or kahit hindi na.
Attorney meron napo ako nagawa dati na SPA.ngayon nakabile po ako ng sasakyan kaso wla ako sa pinas.pwede ko po bang ipangalan yun sa akin ang sasakyan?

ok lang po ba kung yong nabiling sasakyan ay may notarized deed of sale at may open deed of sale, hindi po ba ito bawal? purpose po sa notarized deed of sale is for security both seller and buyer incase anong mangyari sa sasakayan or previos na nagyari sa sasakayan at open dos just incase ibenta yonf sasakayan sa iba ng 2nd owner?
Atty. ask ko po saan po nagpapaclosed deed of sale? Nakabili po kse ako ng sasakyan last month, tapos yung binilhan ko second owner sya may closed deed of sale sila ng first owner. Ngayon ako naman bumili, sbi ng binilhan ko which is yung second owner, na ipaclosed deed of sale ko naman between saming dalawa. Paano po ba ang proseso nun atty? Salamat po! Sana po masagot...
@@aquilinocarandang4510 basta under notarial law po, personal appearance is required po kasi we need to verify the identity ng mga parties among others.
@@garryfrias3966 deed of waiver of rights or donation po ang ipapagawa sa abogado instead of deed of sale,, then ito po yung ipapakita sa lto para magpa transfer ownership/registration
normally yes po, pero depende na po yan sa lawyer if i-allow nila or hindi, meron kasing strict, meron din nmang hindi pagdating sa appearance ng seller at buyer
Sr paano kung may pirma na Ng 2nd owner Yung 2valid ID na 3 signature tapos nag pa close dead of sale Ako ayus lang bayon kahit Hindi Kasama Yung nag benta.
Sa valid I.D. lang po ba siya nag pirma? hindi sa Deed of Sale mismo na ready made na? If sa valid I.D. lang po pumirma, then hindi po pwede. Pero if may ready made or proforma na Deed of Sale kung saan nakapirma na yung Seller, then may ibang abogado naman na nagnonotaryo nito kahit hindi na kasama yung nagbenta, pero very few lang po so try mo lang mag inquire diyan sa area ninyo.
Depende po if may deed of sale na hinahawakan from first owner to second owner. If wala pong kasulatan, yung mga heirs po ng first owner (ex. surviving spouse at children) yung pipirma ng deed of sale sa present buyer. Usually Or/Cr lng ng sasakyan at valid I.D. ng mga heirs ng namatay na first owner at ng buyer.
pero if may notarized deed of sale po from first owner na namatay to second owner, yung second owner lng po yung hahanapin ng abogado plus yung copy ng notarized deed of sale at mga valid I.D.
Kaso ngalang po wala pang notary my pirma na si 2 owner don my close deed of sale na kasi sila pero nag open deed of sale po sa 3rd owner pero wala pong notary.
Gud pm po sir ask ko lng po..sino po ang mag babayad ng pagpa gawa ng deed of sale si buyer po or si seller?maraming salamat po sana masagot..at sino po pala ang magpapagawa si buyer or si seller?
@@ramonpulo5135 depende po palagi sa agreement ni buyer at seller kung sino ang magpapagawa at kung sino ang magbabayad. Hindi naman po ksi naka set sa batas kung kaninong obligation ang magpagawa at kung sino ang dapat magbayad. Naka depende na po ito sa result ng negotiation po ninyo.
Good day po attt. Ano po ang mga kailngan requirements na hihingiin ko sa seller, nakabili po ako ng 2nd hand na sasakyan, pero nakapangalan po sa company. TIA.
Sir good day po.. sna mapansin mu rn po aq sir😊🙏 itatanung q lang po sna qng panu ang gagawin kc po ung 1st owner is bnalik nia dw po ung motor sa casa.. tapos ung motor po n binalik my nkabili n po since po nkalagay sa or/cr is 1st owner.. ngaun nabili po sa casa ung bnalik n motor tinuloy po at tinapos din ngaun ung nkabili n un po is namatay n po then ang pumirma is ung anak na po tapos ung anak nman po ng namatay is beninta rn po ung motor.. panu po ang gagawin dun
Yung Registered owner po sa CR ang pipirma sa deed of sale if wala pong notarized deed of sale na hawak yung sumalo at nag full payment sa Casa. Pero if may notarized deed of sale naman pong hawak yung namatay na sumalo, then yung mga legal heirs nito ang pipirma sa deed of sale if gusto din nilang ibenta,,, example yung surviving spouse at mga anak nila yung pipirma as Seller
Good day Sir, Yung Deed of sale bah ay naeexpire? At ilang buwan naman ito naeexpire? Kung expire naman at hindi pa nailipat ang ownership doon sa buyer..... Ay ano na kailangan gawin po..? Thank you
Technically po wala pong expiry ang deed of sale once notarized na po ng abogado, mapa motor vehicle or lupa man. Cguro yung na mean mong nag eexpire is yung mga babayarang tax involving deed of sale ng mga lupa. Once nag expire kasi yung period sa pagbayad ng tax, may penalty na sa BIR, pero it does not mean na hindi na valid or expired na yung sale. Going back sa sale ng sasakyan, since wala namang babayarang tax sa BIR, kahit after 1 year, 2years etc. ang lumipas basta notaryado, pwede pa rin ipasa sa LTO pra mapatransfer yung registration sa buyer.
@@pinoybataschannel ,,salamat sa sagot at Good day Sir, Yung pinaka concearned ko kasi ay ito.... may Absolute Deed of Sale at Notaryado ,si papa ko don sa binilhan nyang 1st owner nang sasakyan 4wheels..... Peru hindi nya natransfer yung ownership sa pangalan nya, AT NGAYON AY NAMATAY SYA PANO KO MA PROCESS YUNG TRANSFER OF OWNERSHIP SA AKIN NA ANAK....
@@argevargevs3418 madali lang po yan, magpapagawa lang po ng deed of adjudication or deed of extrajudicial settlement sa abogado, kayong mga heirs ng papa mo yung pipirma. If solong tagapagmana kalang, deed of self-adjudication yung ipapagawa,, pero if buhay pa si mama at ibang mga kapatid mo, deed of adjudication with waiver of rights naman po yung ipapagawa kung saan pipirma sila na sayo na ililipat yung ownership or registration ng sasakyan. Ang mga hahanapin ng abogado diyan is yung OR/CR ng sasakyan, yung notarized deed of sale kung saan buyer si papa mo, valid i.d. ninyong magkakapatid at death certificate if meron. If wala, then take note nalang kung kelan at saan namatay si papa mo ksi ilalagay din yan sa dokumento.
@@pinoybataschannel ,,maraming salamat Sir Attorney, naliwanagan din ako sa sagot mo na hindi kona kilangan yung 1st owner sa transfery at yung attorney na gumawa sa DEED of Sale,,, kasi napakalayo po talaga nang binilhan nang SUV , at di namin alam pano mapuntahan yoon.... Naway Gabayan kapo palagi sa panginoon at Biyayan pa nang marami..... Done subscribe napo kita at recommended....
1-2% lang po ang usual rate kahit sa Metro Manila na siyudad na nga po. Masyado na pong mataas yung 5% if purely for notarial fee lang po ito,, or baka po may mga ahente na involve at kasama na diyan sa 5% yung agent's fee.
If pirmado naman po ni Seller or Original Owner ung open deed of sale at blank yung Buyer, then hanapan nio nalang po ng abogadong magnotaryo at ipalagay yung pangalan niyo as Buyer. Once notarized, pwede na po yan gamitin sa LTO. Pero may ibang abogado po ksi na hindi tumatanggap ng open deed of sale not unless makapunta personally si Seller.
@@princeheusen3723 does not matter po as long as nakapirma naman siya sa open deed of sale. Ang problema lang po diyan is kung may mahanap kayo na abogado na tumatanggap ng open deed of sale. Pero if notarized naman po agad yung open deed of sale na binigay sa inyo, diretso na po kayo sa LTO.
Baka po nakisuyo sa abogado ang nagpagawa na i-notaryo kaagad at bibigyan nalang sya ng kopya once may pirma na si seller at buyer. Usually nangyayari ito kapag hindi makapunta si seller at buyer sa opisina ng abogado. Baka close friend or relative po ng abogado ang nagpagawa kaya pumayag. Pero hindi po ito recommended at bawal po ang ganitong transaction dahil dapat personally appeared po ang mga parties sa ganitong klaseng transaction.
Hello po sir, sana po mapansin ang tanong ko po, sir may nabili po ako 2nd hand motor, pang 3rd owner na po ako. Ang binigay po sa kin ay xerox copy lang po ng or at cr, at wla pong dead of sale, kc nawala na po lahat ng second owner ang original papers. Gusto ko po sana i-transfer of owner, ano po ang dapat gawin? Salamat po.
patay po may ari at gustong ibenta? Deed of Adjudication with Sale of Motor Vehicle na po yung gagawin, yung mga heirs (ex. surviving wife at children) na yung mga pipirma as SELLER. As much as possible lahat ng heirs pipirma, pero may mga lawyers na ina allow naman kahit hindi lahat pumirma.
kapag third owner na po kayo, need niyo po i-present yung notarized previous deed of sale kung saan nagpapatunay na yung Current Seller na yung bagong owner ng sasakyan, if wala pong previous deed of sale na pinanghahawakan, yung original owner or yung registered owner po yung need pumirma as Seller.
@@pinoybataschannelir paano po ung ung current owner lang may hawak ng notarized Deed of sale pero nawala ung deed of sale nung nakapangalan sa CR?pd po b ipagawan ng affidavit of loss lng tas proceed na sa new deed of sale ung current owner? thank you po
@@kenken-dc1de yung hawak po ba na notarized deed of sale ni current owner is siya yung nakalagay na Buyer? ksi no need na ung previous deed of sale from original owner pag ganun, example po, Original Owner benenta to Buyer 1, then Buyer 1 benenta naman to Buyer 2,, ung deed of sale lang from Buyer 1 to Buyer 2 ung hahanapin ng abogado if ever gusto ding ibenta ni Buyer 2 yung sasakyan.
Elow po good day,. Ask ko lang po if pwdi po bang si buyer ang mag papagawa nng deed of sale nng motor or sasakyan,.? Kung bz po si saler or my work at papapirmahan nalang kay saler yung deed of sale at ibabalik sa abugado at ipa notary,.?
Sir patulong naman po kasi nabili ko motor may binigay sakin na deed of sale piro wala po pill up ang nakalagay lang po ay pangalan nya at may perma at sa id naman po ay may pag ibig id pusya binigay at may perma piro ang prolima po kasama po sa id ang perma pati perma po xerox at isang id lang po binigay problima kupa po di na macontac si seller paki sagot po salamat
sa abogado at least 1 I.D. lang po ang hahanapin pag magpagawa ng deed of sale. pero pagdating sa LTO/HPG at least 2 valid i.d. na po ang hahanapin nila if ever mag process for transfer.
Magandang Araw po ...bumili po ako ng motor pero 3rd owner na ako at walang Akong valid.i.d at tsaka Perma ng first owner ano Po ba Ang dapat Gawin para magpagawa ng deed of sale...salamat po..
Hello. Bumili po ako, tas binigay ni 2nd owner ang CR/OR tas deed of sale tapos hiningan niya ako bayad ng 3k bayad deed of sale. Tapos mag ilang taon na hindi niya oa maibigay yung deed of sale po. Nakakapagod na maningil. Ano pwedeng gawin or ikaso?
Wala naman po bayad deed of sale kasi may libre naman na napapanotaryohan.. baka na scam po kayo.. wala po bayad yung akin, ako nalang nagproceso bsta may pirma nung seller
yes po valid naman once ma notaryo ng abogado ung deed of sale na nakapirma na si Seller. Yun ngalang, expect po kayo na hindi lahat ng abogado ay willing magnotaryo kapag hindi makapunta yung Seller at ung buyer lang ang magtransact sa office nila kahit dala2x niyo pa mga I.D. ng seller. Pero may mga abogado naman po na willing magnotaryo diyan kaya patiyagaan nalang talaga sa paghahanap 😅
pero if yung na mean niyo po na pirma ng Seller is dun lang sa photocopy ng I.D., hindi na po talaga pwedeng magpagawa ng Deed of Sale, need na po ng SPA if wala yung may-ari. Yung iba pinapa scan at ini-email sa Seller pero bihira lang din pong abogado ang nag-aallow nun.
@@pinoybataschannel gnun po ba merun nmn syang deed of sale . May sign nmn po yung first .. kso nd pa nka notaryo. Bali bibilhin q sya. Sa 2nd owner peru nka open deed of sale bali pag pinermahan q .aq na mging 2nd owner ang concern q lg po is kung pd pa kaya yan e pa notaryo kht valid id at sign lg ng first owner. Kso matgaal na din po nka open ehh mga 5 yrs na po ata .sana masagot
@@aljhunoliverosoliveros1042 ah naka open deed of sale pala, may dalawang option po kayo, first, hanapin ung original owner at papirmahin ulit at gawing witness yung second owner. If malabo, Second option is ipa-notaryo ung open deed of sale, wala namang problema khit 5 years pa as long as notaryado tatanggapin naman yan sa LTO, yun ngalang tiyagaan mo lang talaga maghanap ng lawyer na willing mag take risk pumirma diyan 😅
Sir sabi ng seller sa akin nung tinanong ko bakit wala notaryo ung deed of sale ang meron lng is pirma lng ng owner, sav nia as long as may acknowledgement receipt at notarized d na kelangan ipanotarized ung deed of sale.
Atty. sir, magandang araw, need your advice, my nabili po ako sasakyan, 3rd owner po ako. 1st owner my or/cr with id and open deed of sale with one sign seller, sira po ito pati engine nito, nabili lang ng mura sa 2nd owner ni restore, at pinalitan ng engine only reciep. gumawa po kmi ng deed of sale, ng second owner with id, and 3 sign, need ko po ipa notaryo yung ginawa deed of sale? ksi po e change owner at e rehistro po ito. yung 2nd owner is hindi na po nasagut. ano po ang dapat kung gawin at e request para sa notaryo. salamat po sa tugon.
if may copy pa po kayo ng open deed of sale from 1st owner then ito nalang po ang ipanotaryo pra diretso na po sa inyo, one transfer lang ang babayaran sa LTO. Kaso baka mahirapan kayo mapa notaryo kasi 1 copy lang at open deed of sale. If yung deed of sale from 2nd owner ang gagamitin, need din po ito ipanotaryo at hahanapin pa rin ang open deed of sale from 1st owner (converted na dapat to closed deed of sale papunta sa 2nd owner as buyer)
magandang araw ulit atty. ang problema po pala sa engine na pinalit ng second owner is wla pong papel, recievo lang po sa pinag bilhan. ano po kaya dapat ko gawin nito pra ma rehistro at ma e renew for change engine at ownership. salamat s tugon po
Ok lang po ba na fully paid na pero ang nag recieved ng payment is ibang tao hindi yung may ari ng sasakyan tapos yung deed of sale is to follow nalang kasi sa second hand shop namin binili tapos yung owner ng car is taga province daw ipapa dhl nalang daw yung deed of sale ok lang ba yun?
risky po yung ganyang transaction not unless may trust and confidence kayo sa seller ninyo, although valid naman if mareceive mo na ung deed of sale from the owner, allowed naman ksi po yung unilateral sale na tinatawag, khit si Seller lng ung magpagawa at magpanotaryo sa abogado at khit di na pumirma yung buyer.
Hi sir. Ask ko lang kung paano kung yung nabili naming motor naka open DOS di pa na notarized and naka pangalan pa sa first owner tapos iba ang nakapangalan sa OR/ CR. Sana mapansin. Thank you!
Salamat sir.tanong ko lng.. nakabili po ako ng sasakyan mutor sa buy& sale at open deed of sale po sya.. pwede po ba e pa notaryo kahit wala si first owner pero may pirma napo kami parehas sa deed of sale.
depende po if may deed of sale na hawak si 2nd owner from first owner. If wala, then si first owner ang pipirma as seller. Pero if may deed of sale naman si second owner na hawak, then siya po ang pipirma as Seller papunta sayo.
@@reginaldchristianalvarez3027 pwede syang gamitin as proof, pero if for processing purposes, baka di po tanggapin pag ipanotaryo na sa abogado at bka di rin taggapin sa LTO.
need po ni Seller magpagawa ng Special Power of Attorney authorizing someone sa philippines na magprocess ng papers on his/her behalf. Normally kung sa abroad si seller, sa abroad din siya magpapagawa ng SPA. Pero try niyo lang po mag inquire sa area ninyo kasi may ibang lawyer na nag-aallow naman ng electronic signature.
notarized na po ang deed.of sale before ito namatay? if yes, then no problem po, pwede pa rin itong magamit for transfer sa LTO. Pero if namatay po ang may-ari at hindi nanotaryo ang Sale, mahihirapan po kayong ipanotaryo ito. Need na po kasing baguhin ang Deed of Sale kung saan ang mga legal heirs (ex. surviving spouse and children) na ng nmatay ang pipirma.
Good day, tanong ko lang po pde ba na photocopy lang ng OR CR ng sasakyan ang dadalhin sa abogado. Kasi nasa Mindanao sasakyan at docs at nasa Maynila naman buyer at seller, tnx..
Paano po sir ung first owner mali ung nlagyan nya ng pirma sa deed of sale nsa vendee imbis na nasa vendor 3rd owner napo aq,at nd ko po kilala yung 1st owner sana mapansin po salamat
verify ko lang po 1. sa first owner pa rin po nakapangalan ang rehistro? 2. at walang deed of sale from first owner to second buyer? if yes po sa lahat ng tanong, then malabo na pong mailipat yung registration hanggat di nakokontak amg registered owner. The least na pwedeng gawin is deed of sale na for formality purposes lang para may proof lang ng bilihan pero hindi ito magagamit for processing.
@@johnreyperezpedrajas6135 ah, naka open deed of sale naman pala, so no need na hanapin si second owner. Ang importante may I.D. po kayo ng first owner at nakapirma ito sa open deed of sale. Then if gusto niyo pong iprocess, ilagay niyo na ang pangalan niyo as Buyer sa open deed of sale para maconvert na ito into closed deed of sale.
Pano pag walang id yung first ower ang meron lang sila ay closed deed of sale binenta ng 2nd owner eh walang id ng first owner at 3signs pero may closed deed of sale sila pano kaya gagawin
notaryado po ba ang deed of sale? If notaryado naman, then magagawan naman po ng lawyer ng deed of sale from 2nd owner to 3rd owner dahil I.D. lang ni 2nd owner ang hahanapin nito. Pero para makasiguro po na malilipat, dapat po ipa inquire muna sa LTO if allowed nila iregister kahit walang mapresent na I.D. ng first owner. Usually papagawan po ksi nila yan ng affidavit of undertaking if walang i.d. na ma-ipresent.
no need po dalhin ang sasakyan pag magpanotaryo sa abogado. photocopy ng or/cr, valid i.d. at personal presence lang po ni Buyer at Seller ang kailangan.
magpagawa lang po kayo ng Affidavit of Undertaking sa abogado na 1 valid I.D. lang ang masubmit ninyo at hindi na kayo makasubmit ng another I.D. dahil wala na kayong communication sa nagbenta.
depende na po sa agreement ng seller at buyer. wala naman po sa batas kung sino ba dapat ang mag bayad. Usually ang guiding factor lang po diyan is sino ba between kay seller at buyer ang mas interesado na matuloy yung sale transaction, sino ang mas nangangailangan sa dalawa, then usually yang tao yung magshoshoulder para lang matuloy yung transaction.
pagawa po kayu sa lawyer ng deed of donation or minsan tinatawag din itong deed of waiver of rights kung saan legal ng ililipat sau ng owner ung pagmamay-ari ng sasakyan
Hello Po balak ko pong bumili Ng sasakyan sa kakilala ko Plano kc nyang ibibinta ang sasakyan Ng tiyahin nya ang kaso nito ay walang deed of sale at Yung tiyahin nya ay nasa ibang Bansa ano Po ang dapat gawin at kailang papers para ma binta ang kanyang sasakyan. Sana Po ay masagot nyo Po Ako salamat
@@bonitulod2662 if nakapangalan pa po ang rehistro ng sasakyan sa Tiyahin, at wala naman pong deed of sale na pinanghahawakan ang nagbebenta sa inyo mula sa Tiyahin niya, hindi po kayo magagawan ng Deed of Sale. Need po muna magpagawa ng Special Power of Attorney (SPA) ung tiyahin authorizing po yung kakilala mo para mabenta niya sayo ung sasakyan. At since sa abroad ang tiyahin niya, doon din dapat magpapagawa ng SPA sa abroad.
Generally kaliwaan po, sabay sa pagtanggap ng deed of sale si buyer at the same time ng kabayaran si seller,,, pero pwede din naman magpagawa agad ng deed of sale kahit di pa nababayaran, i-hohold lang muna ng Seller yung deed of sale at saka niya lang ito ibibigay sa buyer if nagkabayaran na.
Tanong ko po sir..may bibilhin ako na motor tapos ang naka pangalan sa motor sa or at cr ay babae..yung gumamit ng motor nag hiwalay sila sa babae tapos dala dala ng lalaki ang motor sin bininta niya sa akin ang motor nong lalaki na hindi naman sa kanya ang naka pangalan sa or at cr ng papel,.hindi na mahanap yung naka pangalan ng or at cr ng motor ano po dapat gagawin?
hindi niyo po malilipat sa inyong pangalan ang registration ng sasakyan, kasi pirma po ng babae yung hahanapin dahil siya po ang legal na may-ari ng motor. Hindi rin po manonotaryo yung deed of sale if ever magpagawa kau sa abogado dahil yung hahanapin yung presence ng babae.
Yes po need pa rin po mag execute ng Notarized Document. Kung anong klaseng document yung ipapagawa is depende sa kasunduan nag kaswap mo. Usually deed of exchange yung gagawing document. Pwede ring deed of sale ang gagawin if may amount na involve yung pag swap, kaso mapapamahal kayo kasi dalawang deed of Sale yung gagawin.
yes po as long as na inform naman si buyer at willing pa rin bilhin. Para wala pong sisihan sa huli if ever magkaroon ng problema sa papers dahil encumbered. Kumbaga buy at your own risk yung dating.
If hindi na po talaga mahanap yung original owner at sa kanya pa rin nakapangalan yung CR/OR, hindi niyo po mapapalipat yung registration ng sasakyan. The least you can do nalang po is i-renew ito para magamit pa rin.
usually hindi po kasi required po yung personal appearance ng nagbenta. Pero may ibang lawyers naman po na hindi strict kaso bihira. tiyagaan niyo nalang po sa paghahanap ng lawyer na papayag.
at least 3 copies minimum na po yan kasi kukuha ng 2 copies yung abogado. usually 6 copies yung pini-print sa law office para may extra copy si seller at buyer.
Good day po. Paano po ang gagawin yung 1st owner po ng nabilan ko po ng motor ay naka name ang or/cr sa company? Dahil po inissue po yun sakanya ng company nya dati. Ngayon po ay bebenta po nya sakin meron na po kami deed of sale pero pagdating po sa attorney ay need daw ng deed of sale ng nagbenta sakin ng motor at ng company. Kaso po wala po silang deed of sale ng company. Pano po kaya ang ggawin namin? Sana masagot po. Maraming salamat po
need po niya magpagawa ng deed of sale or deed of conveyance sa kanyang company otherwise hindi niya po ito malilipat sa kanyang pangalan ang registration or maibenta sa ibang tao ang sasakyan. Pwede niyang ibenta sayo at magpagawa ng Acknowledgment receipt lng sa abogado for formality lang katunayan na nakatanggap sya ng pera sayo. Pero hindi ito magagamit for processing at hindi mo malilipat ang rehistro sa inyong pangalan.
Sir sana mapansin nyo katanungan ko..sir nkabili po kmi mo2r ..3rd owner napo kmi kaso yun deed of sale nila wlang pirma ng 1st owner pero my xerox po kmi ng id at 3 signature ng ng 1st owner..ano po kya puede nmin gawin??..hndi napo tlaga mkita yun 1st owner..salamat po....
baka po matutulungan nyo ako.. taga luzon po ako.. at ang nabili kong sasakyan ay naka address taga mindanao pa, pero sa bank ko nabili ito dahil na repo na nila.. need ko pa po ba pumunta mindanao para sa mother file at RD ng mindanao... para ma transfer sa name ko .. ano po at san po ako pd humingi ng 2long salamt po
Sa bank po kayo dapat pumunta Sir. If na fully paid niyo na po, obligation po nila irelease sa inyo lahat ng papeles ng sasakyan para mapa transfer po sa pangalan ninyo yung registration nito. No need na po pumunta sa mindanao. Pwede po maprocess kung saan ka nakatira as long as narelease na sa inyo ng bank lahat ng papeles ng sasakyan.
Sir good afternoon po....pano po kung na expired na ang id ng seller sa Deed of Sale pero naka notarized naman po... valid pa kaya po ang deed of sale pag dating sa LTO...payagan po kaya ng LTO kung ipapatransfer of ownership?
Atty. Ask ko lang po kung Ako na po Yung may Ari ng motor Ngayon ok lang po ba sa check point kung Hindi nman nkapangalan sakin Yung motor, Same po kami Ng apelyido lang at rehistrado nman po . Ok lang po ba yon sa lahat Ng check point?
As long as updated po yung OR/CR ng sasakyan kahit nakaregister pa ito sa ibang tao at as long as hindi rin expired yung driver's license mo then wala po silang ground para hulihin kayo or i-impound yung sasakyan. Wala po sa batas na dapat yung driver ay dapat yung registered owner din sa OR/CR at wala rin po sa batas na kailangan niyong mag present ng proof of ownership or authorization letter if ever hanapan kayo.
pag bill of sale anytime pwede po ma notaryo sa mga law office pero di lang po ako sure if tatanggapin ito as counterpart ng Absolute Sale if gagamitin sa LTO.
Other related topic: Pwede ko ba Gamitin ang Sasakyan Kahit hindi sa akin Nakapangalan ang OR at CR or Registration nito? click this link to watch -----> ruclips.net/video/w2zdkm1JyOg/видео.html
Tanong lang po pwede po ba si buyer na mag process ng absolute sale if fully payment napo.
@@Onefilmtrailer yes po, pero minsan hinahapan ito ng Special Power of Attorney from the Seller to process.
@pinoybataschannel Hello po ask ko lang po, if patay na po yung owner ng motor tuloy pa ba yung pag hulog non monthly? Thank you po!
@@roannagarin168 depende po sa legal heirs ng namatay if willing pa rin silang ituloy ang pagbayad
Salamat
Thank you po.❤
Thank you for sharing attorney
Salamat po sa info now alam na namin ano gagawin. God Bless you po
Very clear and informative...tnx po
thank you
Salamat Atty! Sobrang helpful kahit po yung mga answers niyo sa comment section. Sana po mag grow pa yung channel niyo 🙏🏻
wow thank you sir! Nice to hear na nakakatulong kahit papano 👍
Thank you very much sir for the info
Salamat po
Salamat sir.. Laking tulong ito.
Very helpful ❤
thank you po 👍
Sir..marami pong salamat sir ...malaking tulong ito sa akin... God bless you po..m
thank you din po 👍
napakalinaw na explain
salamat sayo
👍👍👍
Thanks sa information lods.
your welcome!
Salamat po sa Info ❤
Hi maam good morning poh May porblema poh ksi ako sa nabili ko na secondhand na motor 6months ago na poh ngaun ko lng nalaman dahil pina check ko sa LTO na tamperd pala ang engine at chasis number nya
Sinabi ko sa pinag bilan ang sabi nya hndi daw tamperd pero dalwang LTO na tumingin ng motor ko at na confirmed nga na tamperd
Ano kaya pwede ikaso sa pinag bilan ko ksi ayaw nya na suli ang pera ko at ano magandang gawin
About po sa SPA, may expiry po ba yon? Kse meron na dati- then nag abroad na ung may ari - need pa ba gumawa si owner ng bago kung saang bansa man sya?
Valid po yung SPA hanggat buhay yung "principal" or yung nagbigay ng authority. Magiging walang bisa lang po ang SPA if 1. namatay yung Prinpal, 2. ni revoke or kinancel ng Principal ung SPA, 3. na accomplish na yung purpose ng Transaction. and 4. May expiry mismo na nakalagay sa SPA .... Take note po however, may mga agencies kasi lalo na yung mga government agencies gusto nila updated ang SPA kaya kahit valid pa rin yung SPA, wala kayong choice kundi magpagawa ulit ng updated SPA. Kaya depende po sa paggagamitan ng SPA if kelangan gumawa ulit ng bago or kahit hindi na.
Attorney meron napo ako nagawa dati na SPA.ngayon nakabile po ako ng sasakyan kaso wla ako sa pinas.pwede ko po bang ipangalan yun sa akin ang sasakyan?
Attorney meron napo ako nagawa dati na SPA.ngayon nakabile po ako ng sasakyan kaso wla ako sa pinas.pwede ko po bang ipangalan yun sa akin ang sasakyan?
Salamat idol
Sir mg kno bbyaran pg pa notaryo ng repo.na kotse for transfer of ownership
ok lang po ba kung yong nabiling sasakyan ay may notarized deed of sale at may open deed of sale, hindi po ba ito bawal? purpose po sa notarized deed of sale is for security both seller and buyer incase anong mangyari sa sasakayan or previos na nagyari sa sasakayan at open dos just incase ibenta yonf sasakayan sa iba ng 2nd owner?
sir pag ka po gusto ko ibenta ung car .nka pangalan na ung deed of sale sakin .ano po gagawin?
yung CR/OR sa inyo na rin po ba nakapangalan? if hindi pa, pwede naman pong ibenta basta yung deed of sale na hawak ninyo ay notaryado ng abogado.
Atty. ask ko po saan po nagpapaclosed deed of sale? Nakabili po kse ako ng sasakyan last month, tapos yung binilhan ko second owner sya may closed deed of sale sila ng first owner. Ngayon ako naman bumili, sbi ng binilhan ko which is yung second owner, na ipaclosed deed of sale ko naman between saming dalawa. Paano po ba ang proseso nun atty? Salamat po! Sana po masagot...
Paano kupo mapa-notary atty
Bkit sa labas ng City hall dame notary d nman hinhanap ang may ari basta dala lng ducoment pwde na tatakan na nila tama ba yun boss
@@aquilinocarandang4510 basta under notarial law po, personal appearance is required po kasi we need to verify the identity ng mga parties among others.
Sino po ba ang dapat sumagot sa pagbayad sa pag notarized ng deed of sale? Yun sinasabi nyo na maaring 1% or 2% based sa amount ng binentang sasakyan.
wala po sa batas kung sino ang dapat magbayad ng notarial fee, nakadepende lng po iyan sa agreement ng both parties.
Sir, magkano po tansya niyo po kung magkano yung babayaran sa Deed of Sale? Salamat po...
May Ari syempre 😂
Sir,tanong ko lang?pano po ba ang process sa pag lipat ng pangalan ng sasakyan...kasi ibinigay lang ito,di naman bininta...
@@garryfrias3966 deed of waiver of rights or donation po ang ipapagawa sa abogado instead of deed of sale,, then ito po yung ipapakita sa lto para magpa transfer ownership/registration
Bagong batas within 5 days dapat nailipat na ang ownership sa buyer 😢😢kundi huli na sa checkpoint 😢batas no gordon😢
Gapataka ra man ka
Natuloy ba yan?
Sino po dapat mag bayad ng deed of sell seller po or buyer? salamat...
Paano po kong company car bibilhin sir ano pong mga document kailangan thank you po sana ma sagot
original OR/CR po at deed of sale signed ng authorized representative ng company.
Lahat po ba kailangan appearance ng seller? Kasi meron po ako nakikita, buyer nalang nag poprocess ng notarized deed of sale.
normally yes po, pero depende na po yan sa lawyer if i-allow nila or hindi, meron kasing strict, meron din nmang hindi pagdating sa appearance ng seller at buyer
@@pinoybataschannel Alright. Thankyou po😊
Good am atty. Tanong lng po kung magkano po magagastos sa pagpapirma ng deed of sale?
nakadepende po madalas sa selling price or amount ng bentahan yung singil ng abogado usually nasa around 1-2% po
Good day po atty, photocopy po ba ng valid id ng seller po ba yung meant nyo?
yes po photocopy lang po ang need.
Sr paano kung may pirma na Ng 2nd owner Yung 2valid ID na 3 signature tapos nag pa close dead of sale Ako ayus lang bayon kahit Hindi Kasama Yung nag benta.
Sa valid I.D. lang po ba siya nag pirma? hindi sa Deed of Sale mismo na ready made na? If sa valid I.D. lang po pumirma, then hindi po pwede. Pero if may ready made or proforma na Deed of Sale kung saan nakapirma na yung Seller, then may ibang abogado naman na nagnonotaryo nito kahit hindi na kasama yung nagbenta, pero very few lang po so try mo lang mag inquire diyan sa area ninyo.
Paano kapag Patay na yung first owner sir ? Paano mga requirements nun po salamat Sana mapansin po
Depende po if may deed of sale na hinahawakan from first owner to second owner. If wala pong kasulatan, yung mga heirs po ng first owner (ex. surviving spouse at children) yung pipirma ng deed of sale sa present buyer. Usually Or/Cr lng ng sasakyan at valid I.D. ng mga heirs ng namatay na first owner at ng buyer.
pero if may notarized deed of sale po from first owner na namatay to second owner, yung second owner lng po yung hahanapin ng abogado plus yung copy ng notarized deed of sale at mga valid I.D.
Sir paano po pag nagawa na deed of sale
Kaso ngalang po wala pang notary my pirma na si 2 owner don my close deed of sale na kasi sila pero nag open deed of sale po sa 3rd owner pero wala pong notary.
Gud pm po sir ask ko lng po..sino po ang mag babayad ng pagpa gawa ng deed of sale si buyer po or si seller?maraming salamat po sana masagot..at sino po pala ang magpapagawa si buyer or si seller?
@@ramonpulo5135 depende po palagi sa agreement ni buyer at seller kung sino ang magpapagawa at kung sino ang magbabayad. Hindi naman po ksi naka set sa batas kung kaninong obligation ang magpagawa at kung sino ang dapat magbayad. Naka depende na po ito sa result ng negotiation po ninyo.
Nasa akin po sir ang original na cr or sir piro di na ok sa abogado dahil ang xerox ng id nya xerox din po ang mga perma pano po yun sir
Good day po attt. Ano po ang mga kailngan requirements na hihingiin ko sa seller, nakabili po ako ng 2nd hand na sasakyan, pero nakapangalan po sa company. TIA.
yung notarized deed of sale or deed of conveyance or any documents as proof na na-transfer na sa seller mo yung ownership ng sasakyan mula sa company.
Sir pano po kung dalawa yung pangalan sa owner tapos di makakapunta yung isang owner
@@JOHNBRAIDENDAVEJULIAN depende na po sa lawyer if papayagan niyang ipadala ang Deed of Sale para papirmhan sa co-ownet na di makapunta.
Sir good day po.. sna mapansin mu rn po aq sir😊🙏
itatanung q lang po sna qng panu ang gagawin kc po ung 1st owner is bnalik nia dw po ung motor sa casa.. tapos ung motor po n binalik my nkabili n po since po nkalagay sa or/cr is 1st owner.. ngaun nabili po sa casa ung bnalik n motor tinuloy po at tinapos din ngaun ung nkabili n un po is namatay n po then ang pumirma is ung anak na po tapos ung anak nman po ng namatay is beninta rn po ung motor.. panu po ang gagawin dun
Yung Registered owner po sa CR ang pipirma sa deed of sale if wala pong notarized deed of sale na hawak yung sumalo at nag full payment sa Casa.
Pero if may notarized deed of sale naman pong hawak yung namatay na sumalo, then yung mga legal heirs nito ang pipirma sa deed of sale if gusto din nilang ibenta,,, example yung surviving spouse at mga anak nila yung pipirma as Seller
Good day Sir,
Yung Deed of sale bah ay naeexpire? At ilang buwan naman ito naeexpire?
Kung expire naman at hindi pa nailipat ang ownership doon sa buyer..... Ay ano na kailangan gawin po..?
Thank you
Technically po wala pong expiry ang deed of sale once notarized na po ng abogado, mapa motor vehicle or lupa man. Cguro yung na mean mong nag eexpire is yung mga babayarang tax involving deed of sale ng mga lupa. Once nag expire kasi yung period sa pagbayad ng tax, may penalty na sa BIR, pero it does not mean na hindi na valid or expired na yung sale. Going back sa sale ng sasakyan, since wala namang babayarang tax sa BIR, kahit after 1 year, 2years etc. ang lumipas basta notaryado, pwede pa rin ipasa sa LTO pra mapatransfer yung registration sa buyer.
@@pinoybataschannel ,,salamat sa sagot at Good day Sir,
Yung pinaka concearned ko kasi ay ito....
may Absolute Deed of Sale at Notaryado ,si papa ko don sa binilhan nyang 1st owner nang sasakyan 4wheels..... Peru hindi nya natransfer yung ownership sa pangalan nya, AT NGAYON AY NAMATAY SYA
PANO KO MA PROCESS YUNG TRANSFER OF OWNERSHIP SA AKIN NA ANAK....
@@argevargevs3418 madali lang po yan, magpapagawa lang po ng deed of adjudication or deed of extrajudicial settlement sa abogado, kayong mga heirs ng papa mo yung pipirma. If solong tagapagmana kalang, deed of self-adjudication yung ipapagawa,, pero if buhay pa si mama at ibang mga kapatid mo, deed of adjudication with waiver of rights naman po yung ipapagawa kung saan pipirma sila na sayo na ililipat yung ownership or registration ng sasakyan.
Ang mga hahanapin ng abogado diyan is yung OR/CR ng sasakyan, yung notarized deed of sale kung saan buyer si papa mo, valid i.d. ninyong magkakapatid at death certificate if meron. If wala, then take note nalang kung kelan at saan namatay si papa mo ksi ilalagay din yan sa dokumento.
@@pinoybataschannel ,,maraming salamat Sir Attorney, naliwanagan din ako sa sagot mo na hindi kona kilangan yung 1st owner sa transfery at yung attorney na gumawa sa DEED of Sale,,, kasi napakalayo po talaga nang binilhan nang SUV , at di namin alam pano mapuntahan yoon....
Naway Gabayan kapo palagi sa panginoon at Biyayan pa nang marami.....
Done subscribe napo kita at recommended....
@@argevargevs3418 thanks din po!
bakit Po Dito samin SA Mindoro 5% Po Ang singil SA pag gawa
1-2% lang po ang usual rate kahit sa Metro Manila na siyudad na nga po. Masyado na pong mataas yung 5% if purely for notarial fee lang po ito,, or baka po may mga ahente na involve at kasama na diyan sa 5% yung agent's fee.
bakit sabi nila photocopy lang ng id ng seller na may pirma pwede na mapalipat sa name ng buyer
yung legal way po tayo dito Sir bawal yung mekus mekus hehe
done subscribe po
What sir open DOS yong ibinigay ng seller kasi hindi siya yong nakapangalan sa OR CR
If pirmado naman po ni Seller or Original Owner ung open deed of sale at blank yung Buyer, then hanapan nio nalang po ng abogadong magnotaryo at ipalagay yung pangalan niyo as Buyer. Once notarized, pwede na po yan gamitin sa LTO. Pero may ibang abogado po ksi na hindi tumatanggap ng open deed of sale not unless makapunta personally si Seller.
@@pinoybataschannel what if nasa abroad yong first owner dati
@@princeheusen3723 does not matter po as long as nakapirma naman siya sa open deed of sale. Ang problema lang po diyan is kung may mahanap kayo na abogado na tumatanggap ng open deed of sale. Pero if notarized naman po agad yung open deed of sale na binigay sa inyo, diretso na po kayo sa LTO.
Paano po kong kulang requirement sa deed of sale sa lupa?
Magpapagawa pa lang po na ng Deed of Sale sir? or meron na pong deed of sale at iproprocess na po ito.
bat yung ibang may DOS wala pang pirma ng vendor at vendee pero notarized na
Baka po nakisuyo sa abogado ang nagpagawa na i-notaryo kaagad at bibigyan nalang sya ng kopya once may pirma na si seller at buyer. Usually nangyayari ito kapag hindi makapunta si seller at buyer sa opisina ng abogado. Baka close friend or relative po ng abogado ang nagpagawa kaya pumayag.
Pero hindi po ito recommended at bawal po ang ganitong transaction dahil dapat personally appeared po ang mga parties sa ganitong klaseng transaction.
Hello po sir, sana po mapansin ang tanong ko po, sir may nabili po ako 2nd hand motor, pang 3rd owner na po ako. Ang binigay po sa kin ay xerox copy lang po ng or at cr, at wla pong dead of sale, kc nawala na po lahat ng second owner ang original papers. Gusto ko po sana i-transfer of owner, ano po ang dapat gawin? Salamat po.
Boss. Tanung kulang . PANO kapag Patay na Yung may Ari?
patay po may ari at gustong ibenta? Deed of Adjudication with Sale of Motor Vehicle na po yung gagawin, yung mga heirs (ex. surviving wife at children) na yung mga pipirma as SELLER. As much as possible lahat ng heirs pipirma, pero may mga lawyers na ina allow naman kahit hindi lahat pumirma.
Eh kung pangatlo Nako. Sa magiging owner Ng motor?. Anu dapat I provide Ng may Ari po
kapag third owner na po kayo, need niyo po i-present yung notarized previous deed of sale kung saan nagpapatunay na yung Current Seller na yung bagong owner ng sasakyan, if wala pong previous deed of sale na pinanghahawakan, yung original owner or yung registered owner po yung need pumirma as Seller.
@@pinoybataschannelir paano po ung ung current owner lang may hawak ng notarized Deed of sale pero nawala ung deed of sale nung nakapangalan sa CR?pd po b ipagawan ng affidavit of loss lng tas proceed na sa new deed of sale ung current owner? thank you po
@@kenken-dc1de yung hawak po ba na notarized deed of sale ni current owner is siya yung nakalagay na Buyer? ksi no need na ung previous deed of sale from original owner pag ganun, example po, Original Owner benenta to Buyer 1, then Buyer 1 benenta naman to Buyer 2,, ung deed of sale lang from Buyer 1 to Buyer 2 ung hahanapin ng abogado if ever gusto ding ibenta ni Buyer 2 yung sasakyan.
paano po pag patay na first owner tas ngayon binibenta na ng kapatid
Elow po good day,. Ask ko lang po if pwdi po bang si buyer ang mag papagawa nng deed of sale nng motor or sasakyan,.? Kung bz po si saler or my work at papapirmahan nalang kay saler yung deed of sale at ibabalik sa abugado at ipa notary,.?
Sir patulong naman po kasi nabili ko motor may binigay sakin na deed of sale piro wala po pill up ang nakalagay lang po ay pangalan nya at may perma at sa id naman po ay may pag ibig id pusya binigay at may perma piro ang prolima po kasama po sa id ang perma pati perma po xerox at isang id lang po binigay problima kupa po di na macontac si seller paki sagot po salamat
Good day po Atty. ilang valid i.d po ba ng seller at buyer ang dapat ipresent para sa deed of sale?Salamat po.
sa abogado at least 1 I.D. lang po ang hahanapin pag magpagawa ng deed of sale.
pero pagdating sa LTO/HPG at least 2 valid i.d. na po ang hahanapin nila if ever mag process for transfer.
@@pinoybataschannel Thanks po.
Ok lang po na xerox lang sa or at cr po..para magawa ang deed of sale
yes po kahit photocopy lang ang ipakita pag magpagawa ng Deed of Sale.
Magandang Araw po ...bumili po ako ng motor pero 3rd owner na ako at walang Akong valid.i.d at tsaka Perma ng first owner ano Po ba Ang dapat Gawin para magpagawa ng deed of sale...salamat po..
Hello. Bumili po ako, tas binigay ni 2nd owner ang CR/OR tas deed of sale tapos hiningan niya ako bayad ng 3k bayad deed of sale. Tapos mag ilang taon na hindi niya oa maibigay yung deed of sale po. Nakakapagod na maningil. Ano pwedeng gawin or ikaso?
Wala naman po bayad deed of sale kasi may libre naman na napapanotaryohan.. baka na scam po kayo.. wala po bayad yung akin, ako nalang nagproceso bsta may pirma nung seller
@@mariaschannel2571pwede po ba magpanotaryo ng DOS sa pao?
@@markvincentsalandanan5970 yes po, kasi public naman, depende din po if strict sila.. meron iba kasi need andun seller..
need ba Original OR/CR e present sa atty sir?
@@richdecierdo7899 khit photocopy lang po, para describe lang yung sasakyan like Engine No. at Chassis No.
Pag nawala ang id ng first owner pano po ang gagawin? Tapos ang nagbenta sakin ay 2nd owner
May hawak na notarized deed of sale po ba si 2nd owner galing kay 1st owner? as proof na nabili niya na ito.
Boss paano Kong walang valid at Perma ang first owner .makapagawa poba pa ako nang dead of sale?
@@bosschoy-lh6oy pang ilang owner na po kayo? 2nd?
Ilan id po ang kailangan pag mag papanotaryo
Id mo at id ni seller
at least 1 i.d. lang po
Paano po boss kung binigay lng sa akin Ang motor need poba Ng deed of sale
@@anapajaron208 no need na po. Deed of Donation or Waiver of Rights po ang ipapagawa if wala pong amount na involve.
Boss ok lg po ba yan mag pagawa ng.. notaryo kht wla ang may ari .. bsta may valid id at perma lg tnx po
yes po valid naman once ma notaryo ng abogado ung deed of sale na nakapirma na si Seller. Yun ngalang, expect po kayo na hindi lahat ng abogado ay willing magnotaryo kapag hindi makapunta yung Seller at ung buyer lang ang magtransact sa office nila kahit dala2x niyo pa mga I.D. ng seller. Pero may mga abogado naman po na willing magnotaryo diyan kaya patiyagaan nalang talaga sa paghahanap 😅
pero if yung na mean niyo po na pirma ng Seller is dun lang sa photocopy ng I.D., hindi na po talaga pwedeng magpagawa ng Deed of Sale, need na po ng SPA if wala yung may-ari. Yung iba pinapa scan at ini-email sa Seller pero bihira lang din pong abogado ang nag-aallow nun.
@@pinoybataschannel gnun po ba merun nmn syang deed of sale . May sign nmn po yung first .. kso nd pa nka notaryo. Bali bibilhin q sya. Sa 2nd owner peru nka open deed of sale bali pag pinermahan q .aq na mging 2nd owner ang concern q lg po is kung pd pa kaya yan e pa notaryo kht valid id at sign lg ng first owner. Kso matgaal na din po nka open ehh mga 5 yrs na po ata .sana masagot
@@aljhunoliverosoliveros1042 ah naka open deed of sale pala, may dalawang option po kayo, first, hanapin ung original owner at papirmahin ulit at gawing witness yung second owner. If malabo, Second option is ipa-notaryo ung open deed of sale, wala namang problema khit 5 years pa as long as notaryado tatanggapin naman yan sa LTO, yun ngalang tiyagaan mo lang talaga maghanap ng lawyer na willing mag take risk pumirma diyan 😅
Sir sabi ng seller sa akin nung tinanong ko bakit wala notaryo ung deed of sale ang meron lng is pirma lng ng owner, sav nia as long as may acknowledgement receipt at notarized d na kelangan ipanotarized ung deed of sale.
Atty. sir, magandang araw, need your advice, my nabili po ako sasakyan, 3rd owner po ako. 1st owner my or/cr with id and open deed of sale with one sign seller, sira po ito pati engine nito, nabili lang ng mura sa 2nd owner ni restore, at pinalitan ng engine only reciep. gumawa po kmi ng deed of sale, ng second owner with id, and 3 sign, need ko po ipa notaryo yung ginawa deed of sale? ksi po e change owner at e rehistro po ito. yung 2nd owner is hindi na po nasagut. ano po ang dapat kung gawin at e request para sa notaryo. salamat po sa tugon.
if may copy pa po kayo ng open deed of sale from 1st owner then ito nalang po ang ipanotaryo pra diretso na po sa inyo, one transfer lang ang babayaran sa LTO. Kaso baka mahirapan kayo mapa notaryo kasi 1 copy lang at open deed of sale.
If yung deed of sale from 2nd owner ang gagamitin, need din po ito ipanotaryo at hahanapin pa rin ang open deed of sale from 1st owner (converted na dapat to closed deed of sale papunta sa 2nd owner as buyer)
magandang araw ulit atty. ang problema po pala sa engine na pinalit ng second owner is wla pong papel, recievo lang po sa pinag bilhan. ano po kaya dapat ko gawin nito pra ma rehistro at ma e renew for change engine at ownership. salamat s tugon po
Sir may tanong lang ako ,,kapag second owner ka pwedi mo bang ma open dos para sa 3rd owner?
pwde naman boss kkuha lang ulit deed of sell
Ok lang po ba na fully paid na pero ang nag recieved ng payment is ibang tao hindi yung may ari ng sasakyan tapos yung deed of sale is to follow nalang kasi sa second hand shop namin binili tapos yung owner ng car is taga province daw ipapa dhl nalang daw yung deed of sale ok lang ba yun?
risky po yung ganyang transaction not unless may trust and confidence kayo sa seller ninyo, although valid naman if mareceive mo na ung deed of sale from the owner, allowed naman ksi po yung unilateral sale na tinatawag, khit si Seller lng ung magpagawa at magpanotaryo sa abogado at khit di na pumirma yung buyer.
regardless po kung sino tumanggap ng bayad as long as bibigyan ka ng notarized deed of sale ng seller in favor sayo, then its okay po.
Hi sir. Ask ko lang kung paano kung yung nabili naming motor naka open DOS di pa na notarized and naka pangalan pa sa first owner tapos iba ang nakapangalan sa OR/ CR.
Sana mapansin. Thank you!
Salamat sir.tanong ko lng.. nakabili po ako ng sasakyan mutor sa buy& sale at open deed of sale po sya.. pwede po ba e pa notaryo kahit wala si first owner pero may pirma napo kami parehas sa deed of sale.
di po ba talaga pwede pag walang appearance si buyer ?
pwede naman po kahit wala si Buyer. Unilateral Sale po ang gagawin ng abogado. Si Seller lang yung pipirma.
Ang hindi lang po pwede is kapag si Seller mismo ang wala.
Atty paano po pag nag perma na ung myari tapos 1 year lng at hndi nilakad nung bumili ano po mangyayari sana mapansin
if notarized naman po then okay lang kahit hindi agad malakad yung paglipat ng registration. May konting penalty fee lang po na sisingilin LTO.
Sir paano po yon kung ikatlong may ari na ako ng motor paano po ba ang pagpagawa ng deed of sale? Sana maasagot mo sir ang tanong ko.slamat poh.
depende po if may deed of sale na hawak si 2nd owner from first owner.
If wala, then si first owner ang pipirma as seller.
Pero if may deed of sale naman si second owner na hawak, then siya po ang pipirma as Seller papunta sayo.
Sir Tanong ko lang po kung pwede poba ung hand written na deed of sale ?? Sana masagot nyo po
@@reginaldchristianalvarez3027 pwede syang gamitin as proof, pero if for processing purposes, baka di po tanggapin pag ipanotaryo na sa abogado at bka di rin taggapin sa LTO.
Pwede po ba ipanotarize ang xerox papers
depende na po sa abogado pero generally hindi po pwede if photocopy or scan lang ung signature sa papel.
Paano pag nasa ibang bansa si seller ? Pano po ang processing
Salamat po
need po ni Seller magpagawa ng Special Power of Attorney authorizing someone sa philippines na magprocess ng papers on his/her behalf. Normally kung sa abroad si seller, sa abroad din siya magpapagawa ng SPA. Pero try niyo lang po mag inquire sa area ninyo kasi may ibang lawyer na nag-aallow naman ng electronic signature.
Paano naman po kung sa company nka pangalan ang OR at CR?
yung authorized representative po ng company yung pipirma
Okay lang po ba kung pipirmahan ng seller and buyer ang DOS and dadalhin nalang po yun sa notary?
may mga pumapayag naman pong lawyer pero bihira lang po.
Paano po f kung patay na po ung may ari ng motor atty. At my dead of sale na po
notarized na po ang deed.of sale before ito namatay? if yes, then no problem po, pwede pa rin itong magamit for transfer sa LTO.
Pero if namatay po ang may-ari at hindi nanotaryo ang Sale, mahihirapan po kayong ipanotaryo ito. Need na po kasing baguhin ang Deed of Sale kung saan ang mga legal heirs (ex. surviving spouse and children) na ng nmatay ang pipirma.
Good day, tanong ko lang po pde ba na photocopy lang ng OR CR ng sasakyan ang dadalhin sa abogado. Kasi nasa Mindanao sasakyan at docs at nasa Maynila naman buyer at seller, tnx..
Good day po sir.. Ask ko lng po paano po kung expired na ung id ng owner sa deed of sale pro may 3signs nmn po ng owner?
depende na po sa abogado at LTO if iaallow. Minsan nakakalusot naman minsan hindi.
Ask lang po okay po ba yung sakin 1 id lang po ni 1st owner and 3 signature
@@MariaFatimaBernardino-u5x yes po
Paano po sir ung first owner mali ung nlagyan nya ng pirma sa deed of sale nsa vendee imbis na nasa vendor 3rd owner napo aq,at nd ko po kilala yung 1st owner sana mapansin po salamat
@@cocfun959 pwede po kayong pumunta sa law office na nag notaryo ng deed of sale ni first owner para ma correctionan niya po ito at ma i-nitialan.
@pinoybataschannel thank you po
paano po sir pag hindi na mahanap ang 1st owner seller?
verify ko lang po
1. sa first owner pa rin po nakapangalan ang rehistro?
2. at walang deed of sale from first owner to second buyer?
if yes po sa lahat ng tanong, then malabo na pong mailipat yung registration hanggat di nakokontak amg registered owner. The least na pwedeng gawin is deed of sale na for formality purposes lang para may proof lang ng bilihan pero hindi ito magagamit for processing.
mayroon naman po naka open deed of sale from 1st owner to 2nd buyer kaso di na po mahanap si 2nd owner, wala din id and specimen si 2nd owner
@@johnreyperezpedrajas6135 ah, naka open deed of sale naman pala, so no need na hanapin si second owner. Ang importante may I.D. po kayo ng first owner at nakapirma ito sa open deed of sale.
Then if gusto niyo pong iprocess, ilagay niyo na ang pangalan niyo as Buyer sa open deed of sale para maconvert na ito into closed deed of sale.
Pano pag walang id yung first ower ang meron lang sila ay closed deed of sale binenta ng 2nd owner eh walang id ng first owner at 3signs pero may closed deed of sale sila pano kaya gagawin
notaryado po ba ang deed of sale?
If notaryado naman, then magagawan naman po ng lawyer ng deed of sale from 2nd owner to 3rd owner dahil I.D. lang ni 2nd owner ang hahanapin nito.
Pero para makasiguro po na malilipat, dapat po ipa inquire muna sa LTO if allowed nila iregister kahit walang mapresent na I.D. ng first owner. Usually papagawan po ksi nila yan ng affidavit of undertaking if walang i.d. na ma-ipresent.
kailangan po ba kasama motor pag nagpa notaryo o pagpagawa ng deed of sale?
no need po dalhin ang sasakyan pag magpanotaryo sa abogado.
photocopy ng or/cr, valid i.d. at personal presence lang po ni Buyer at Seller ang kailangan.
paano pag isa lang valid id ng nagbenta?
magpagawa lang po kayo ng Affidavit of Undertaking sa abogado na 1 valid I.D. lang ang masubmit ninyo at hindi na kayo makasubmit ng another I.D. dahil wala na kayong communication sa nagbenta.
Sino ba dapat magbayad sa pagdeed of sale?
depende na po sa agreement ng seller at buyer. wala naman po sa batas kung sino ba dapat ang mag bayad. Usually ang guiding factor lang po diyan is sino ba between kay seller at buyer ang mas interesado na matuloy yung sale transaction, sino ang mas nangangailangan sa dalawa, then usually yang tao yung magshoshoulder para lang matuloy yung transaction.
sir paano pag binigay ng papa ko motor nya, then gusto ko ipangalan sa akin, pano proseso po?
pagawa po kayu sa lawyer ng deed of donation or minsan tinatawag din itong deed of waiver of rights kung saan legal ng ililipat sau ng owner ung pagmamay-ari ng sasakyan
Ok lang po ba xerox copy ng OR/CR ang dala?
yes po kahit photocopy lang yung OR/CR ang importante may ma describe lang sila sa details ng sasakyan.
@@pinoybataschannel Thank you po
Hello Po balak ko pong bumili Ng sasakyan sa kakilala ko Plano kc nyang ibibinta ang sasakyan Ng tiyahin nya ang kaso nito ay walang deed of sale at Yung tiyahin nya ay nasa ibang Bansa ano Po ang dapat gawin at kailang papers para ma binta ang kanyang sasakyan. Sana Po ay masagot nyo Po Ako salamat
@@bonitulod2662 if nakapangalan pa po ang rehistro ng sasakyan sa Tiyahin, at wala naman pong deed of sale na pinanghahawakan ang nagbebenta sa inyo mula sa Tiyahin niya, hindi po kayo magagawan ng Deed of Sale.
Need po muna magpagawa ng Special Power of Attorney (SPA) ung tiyahin authorizing po yung kakilala mo para mabenta niya sayo ung sasakyan. At since sa abroad ang tiyahin niya, doon din dapat magpapagawa ng SPA sa abroad.
Sir kailangan bang mag bigay nag cash na Pera bago mag perma nang deed of sale
Generally kaliwaan po, sabay sa pagtanggap ng deed of sale si buyer at the same time ng kabayaran si seller,,, pero pwede din naman magpagawa agad ng deed of sale kahit di pa nababayaran, i-hohold lang muna ng Seller yung deed of sale at saka niya lang ito ibibigay sa buyer if nagkabayaran na.
Ilan po ba dapat ang original copy ng deed of sale pra kay buyer at seller?
dapat meron pong at least 1 copy ng original si seller at buyer. but they can always print or ask for additional copies.
Tanong ko po sir..may bibilhin ako na motor tapos ang naka pangalan sa motor sa or at cr ay babae..yung gumamit ng motor nag hiwalay sila sa babae tapos dala dala ng lalaki ang motor sin bininta niya sa akin ang motor nong lalaki na hindi naman sa kanya ang naka pangalan sa or at cr ng papel,.hindi na mahanap yung naka pangalan ng or at cr ng motor ano po dapat gagawin?
hindi niyo po malilipat sa inyong pangalan ang registration ng sasakyan, kasi pirma po ng babae yung hahanapin dahil siya po ang legal na may-ari ng motor. Hindi rin po manonotaryo yung deed of sale if ever magpagawa kau sa abogado dahil yung hahanapin yung presence ng babae.
kailangan pa po ba ng deed of sale or open deed of sale kung swap lng po?
Yes po need pa rin po mag execute ng Notarized Document. Kung anong klaseng document yung ipapagawa is depende sa kasunduan nag kaswap mo. Usually deed of exchange yung gagawing document. Pwede ring deed of sale ang gagawin if may amount na involve yung pag swap, kaso mapapamahal kayo kasi dalawang deed of Sale yung gagawin.
Goodday tanong lang po pwede na po ba ibenta or magpagawa ng Deed Of Sell kahit wala hindi pa po napapakansel ang Encumbered sa O.R..Salamat po..
yes po as long as na inform naman si buyer at willing pa rin bilhin. Para wala pong sisihan sa huli if ever magkaroon ng problema sa papers dahil encumbered. Kumbaga buy at your own risk yung dating.
Sir sana po mapansin. Pano po kung ndi na mahanap ang 1st owner pero naskn po ung orig or cr. Anu po pwed ggawin
If hindi na po talaga mahanap yung original owner at sa kanya pa rin nakapangalan yung CR/OR, hindi niyo po mapapalipat yung registration ng sasakyan. The least you can do nalang po is i-renew ito para magamit pa rin.
atty ask kolang po kung pwede ako mag pa notaryo kahit dkona makontact yung nagbenta sakin
usually hindi po kasi required po yung personal appearance ng nagbenta. Pero may ibang lawyers naman po na hindi strict kaso bihira. tiyagaan niyo nalang po sa paghahanap ng lawyer na papayag.
ilang copies ng deed of sale po needed pagpa-notarize?
at least 3 copies minimum na po yan kasi kukuha ng 2 copies yung abogado. usually 6 copies yung pini-print sa law office para may extra copy si seller at buyer.
sir sino po ba ang dapat magbayad ng panotaryo? si seller o si buyer?
@@bongskie3501 kahit sino po sa dalawa, nakadepende po ito palagi sa negotiation or agreement ng buyer at seller.
Good day po. Paano po ang gagawin yung 1st owner po ng nabilan ko po ng motor ay naka name ang or/cr sa company? Dahil po inissue po yun sakanya ng company nya dati. Ngayon po ay bebenta po nya sakin meron na po kami deed of sale pero pagdating po sa attorney ay need daw ng deed of sale ng nagbenta sakin ng motor at ng company. Kaso po wala po silang deed of sale ng company. Pano po kaya ang ggawin namin? Sana masagot po. Maraming salamat po
need po niya magpagawa ng deed of sale or deed of conveyance sa kanyang company otherwise hindi niya po ito malilipat sa kanyang pangalan ang registration or maibenta sa ibang tao ang sasakyan.
Pwede niyang ibenta sayo at magpagawa ng Acknowledgment receipt lng sa abogado for formality lang katunayan na nakatanggap sya ng pera sayo. Pero hindi ito magagamit for processing at hindi mo malilipat ang rehistro sa inyong pangalan.
Paano po expired ang driver license ok lang po ba? Para sa valid ID
@@joelgalleto4530 depende na po sa abogado if tatanggapin nya. Meron naman pong di ksi strict pagdating sa I.D.
Atty ilang copy po ang hihingin na deed of sale sa seller na may perma nya at ilang copy din ng photocopy ng i.d.? Salamat po
5-6 copies po, kasi kukuha po ng 2 copies yung lawyer na magnonotaryo
Sir sana mapansin nyo katanungan ko..sir nkabili po kmi mo2r ..3rd owner napo kmi kaso yun deed of sale nila wlang pirma ng 1st owner pero my xerox po kmi ng id at 3 signature ng ng 1st owner..ano po kya puede nmin gawin??..hndi napo tlaga mkita yun 1st owner..salamat po....
No choice po kayo, need po talaga hanapin ang first owner or any relative nito na willing magrepresent sa seller.
baka po matutulungan nyo ako.. taga luzon po ako.. at ang nabili kong sasakyan ay naka address taga mindanao pa, pero sa bank ko nabili ito dahil na repo na nila.. need ko pa po ba pumunta mindanao para sa mother file at RD ng mindanao... para ma transfer sa name ko .. ano po at san po ako pd humingi ng 2long salamt po
Sa bank po kayo dapat pumunta Sir. If na fully paid niyo na po, obligation po nila irelease sa inyo lahat ng papeles ng sasakyan para mapa transfer po sa pangalan ninyo yung registration nito. No need na po pumunta sa mindanao. Pwede po maprocess kung saan ka nakatira as long as narelease na sa inyo ng bank lahat ng papeles ng sasakyan.
Sir good afternoon po....pano po kung na expired na ang id ng seller sa Deed of Sale pero naka notarized naman po... valid pa kaya po ang deed of sale pag dating sa LTO...payagan po kaya ng LTO kung ipapatransfer of ownership?
@@leojunelgarcia9157 yes po as long as notarized po yung deed of sale.
@pinoybataschannel maraming salamat po sa reply nyo
Atty. Ask ko lang po kung Ako na po Yung may Ari ng motor Ngayon ok lang po ba sa check point kung Hindi nman nkapangalan sakin Yung motor, Same po kami Ng apelyido lang at rehistrado nman po . Ok lang po ba yon sa lahat Ng check point?
As long as updated po yung OR/CR ng sasakyan kahit nakaregister pa ito sa ibang tao at as long as hindi rin expired yung driver's license mo then wala po silang ground para hulihin kayo or i-impound yung sasakyan. Wala po sa batas na dapat yung driver ay dapat yung registered owner din sa OR/CR at wala rin po sa batas na kailangan niyong mag present ng proof of ownership or authorization letter if ever hanapan kayo.
Eh paano kung bill of sale ?