Nov. 8, 2020 Homily Rev. Fr. Douglas Badong Mateo 25:1-13 Talinhaga Tungkol sa Sampung Dalaga

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 10 ноя 2024
  • Mateo 25:1-13
    Talinhaga Tungkol sa Sampung Dalaga
    1“Ang kaharian ng langit ay maitutulad dito. May sampung dalagang lumabas upang sumalubong sa lalaking ikakasal. Bawat isa'y may dalang ilawan. 2Ang lima sa kanila'y hangal at ang lima nama'y matatalino. 3Ang mga hangal ay nagdala ng kanilang mga ilawan ngunit hindi nagbaon ng langis. 4Ang matatalino nama'y nagbaon ng langis, bukod pa sa nasa kanilang mga ilawan. 5Naantala ang pagdating ng lalaking ikakasal kaya't inantok at nakatulog sila sa paghihintay.
    6“Ngunit nang hatinggabi na'y may sumigaw, ‘Narito na ang lalaking ikakasal! Lumabas na kayo upang salubungin siya!’ 7Agad bumangon ang sampung dalaga at inayos ang kanilang ilawan. 8Sinabi ng mga hangal sa matatalino, ‘Bigyan naman ninyo kami kahit kaunting langis. Aandap-andap na ang aming mga ilawan.’
    9‘Baka hindi ito magkasya sa ating lahat. Mabuti pa'y pumunta muna kayo sa tindahan at bumili ng para sa inyo,’ tugon naman ng matatalino. 10Kaya't lumakad ang limang hangal na dalaga. Habang bumibili sila, dumating ang lalaking ikakasal. Ang limang nakahanda ay kasama niyang pumasok sa kasalan, at isinara ang pinto.
    11“Pagkatapos, dumating naman ang limang hangal na dalaga. ‘Panginoon, panginoon, papasukin po ninyo kami!’ sigaw nila.
    12“Ngunit tumugon siya, ‘Tandaan ninyo, hindi ko kayo nakikilala.’”
    13Pagkatapos nito'y sinabi ni Jesus, “Kaya't magbantay kayo, sapagkat hindi ninyo alam ang araw o ang oras man.”

Комментарии •