ANG TUNAY NA HANDANG HANDA NA SA PAGBABALIK NI JESUS/ Mateo 25: 1-13/ Devotional/ Day 18

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 20 сен 2024
  • 𝗬𝗢𝗨𝗧𝗨𝗕𝗘 𝗖𝗛𝗔𝗡𝗡𝗘𝗟: Arcillas Bonie
    𝗙𝗔𝗖𝗘𝗕𝗢𝗢𝗞 : Bonie Arcillas
    𝗧𝗶𝗸𝘁𝗼𝗸: @arcillas90
    𝗔𝗨𝗧𝗛𝗢𝗥: 𝗔𝗿𝗰𝗶𝗹𝗹𝗮𝘀 𝗕𝗼𝗻𝗶𝗲
    𝗣𝗨𝗥𝗣𝗢𝗦𝗘: Pamamahayag ng mabuting balita ng kaligtasan, matulungan at maabot ng salita ng Diyos ang mga naligaw at walang pag asa..
    Magabayan ang mga bagong mananampalatayang mas lalong lumago sa pagkakilala sa ating Panginoing Jesus..
    𝗩𝗜𝗗𝗘𝗢: Laging may upload everyweek..
    𝗙𝗼𝗿 𝗺𝘆 𝗰𝗵𝗮𝗻𝗻𝗲𝗹'𝘀 𝘀𝗽𝗼𝗻𝘀𝗼𝗿
    𝗚𝗖𝗔𝗦𝗛 # : 09813884421
    My wife's channel:
    Grace Arcillas TV
    DEVOTIONAL BIBLE STUDY
    Day 18
    Text: Mateo 25: 1-13
    Intro:
    1. Ang textong ito ay pumapatungkol sa 10 virgens na may mga dalang ilawan, na tinatawag ng bible na wise and foolish...
    2. Ang handa sa kasalan ay tinatawag na wise, sapagkat may reserve... Ang hindi tunay na handa ay tinatawag namang Hangal sapagkat walang reserve...
    3. Ito ay parable sa lalaking ikakasal, na kumakatawan sa nalalapit na pagbabalik ni Jesus... Ang wise, ay kumakatawan sa mga tunay na handa sa pagbabalik ni Jesus.... Ngunit ang foolish ay kumakatawan sa hindi tunay na christiano kaya hindi tunay na handa...
    4. Ngayon ay tatalakayin natin ang parable na ito...
    TOPIC: ANG TUNAY NA HANDANG HANDA NA SA PAGBABALIK NI JESUS
    Paano natin malalaman? ANG TUNAY NA HANDANG HANDA NA SA PAGBABALIK NI JESUS
    ( 2 ) DALAWANG BAGAY ANG DAPAT MONG MALAMAN:
    1. WISE CHRISTIAN NOT FOOLISH..
    Mateo 25:1-2
    [1]“Ang kaharian ng langit ay maitutulad dito. May sampung dalagang lumabas upang sumalubong sa lalaking ikakasal. Bawat isa'y may dalang ilawan.
    [2]Ang lima sa kanila'y hangal at ang lima nama'y matatalino.
    BAKIT SINASASABI SA PARABLE NA ANG LIMANG BABAE SA SAMPONG DALAGA AY MATATALINO?
    1. Dahil advance silang mag isip...
    Iniisip ang advantage at dis advantage, baka matagalan ang groom, baka maubusan sila ng langis..
    Bilang mga anak ng Diyos, advance ka rin ba mag isip para sa buhay mo? Naisip mo na bang, puwede kang ibagsak ng Diyablo? Naisip mo na bang puwede kang ma backslide? Naisip mo na bang matukso? Ngayon kung naisip mo na iyan, dapat kang maging wise at maghanda, na maging matibay ka....
    ANG WISE NA LIMANG DALAGA SA SAMPO AY ADVANCE MAG ISIP)
    2. May dala silang reserba..
    Parang car, na maglalakbay ka sa malayo, kailangan, may dala kang reservang gulong...
    ( Ito ang dapat mong tandaan.... )
    Pag bago kang christiano, ang init init mo, ang saya saya mo, napaka active mo, ibinuhos mo ang buhay mo sa Church at sa gawain, mga positibong bagay lamang ang nakikita mo, mga blessings lamang ang nakikita mo sa Bibliya..... Dapat nating tandaan na long distance ang christian living, baka bigla kang panghinaan ng lakas, at dumating na ang discouragement ng buhay...
    Ganon din sa pagpapastor..... Ang mga bagong pastor, ang init init sa gawain, gusto agad e apply ang kayang talino at natutunan sa Bible school, feeling niya siya ang pinaka magaling na pastor, siya ang may magandang idea, strategy.... Piro hindi niya alam na pinagdaanan na iyan lahat ng matagal nang pastor, at marunong nang mag adjust.... (Kaya maraming pastor ang nag quit, ayaw ng magpatuloy, dahil sa dami ng challenges or mga pagsubok...
    Ang nais kung ipahiwatig, na ang pagliligkod sa Diyos ay hindi pang isang araw o buwan lamang, hindi rin pang isang lugar, hindi rin dahil sa masaya ka at may blessing ka, kundi itoy pangmatagalan, long distance journey, hanggang sa dumating si Jesus.... Kaya ngayon palang dapat maging wise na tayo, sa ating paglilingkod sa Diyos...
    Mateo 25:3-4
    [3]Ang mga hangal ay nagdala ng kanilang mga ilawan ngunit hindi nagbaon ng langis.
    [4]Ang matatalino nama'y nagbaon ng langis, bukod pa sa nasa kanilang mga ilawan.
    May reserba kaba lagi bilang anak ng Diyos?
    Bilang christianong may negusyo at trabaho? May reserba ka bang oras, araw, o panahon para sa Diyos?
    Bilang studiyanteng christiano!!! May reserba ka bang panahon para sa Diyos o para sa pagaaral lahat?
    Sa mga may love life na unbelievers, may reserba ba kayong lakas para madala niyo sila sa Panginoon, o baka kayo na ang nadala nila? Dapat kang maging wise sa pinasok mong buhay...
    ANO ANG ADVANTAGE SA MGA NAGHAHANDA NGUNIT WISE, KAYSA NAGHANDA NGUNIT HINDI WISE?

Комментарии • 10