Dapat pala i plano kasama future expansion kung baga may blue print na at umpisahan kung saan ang plano going forward. good info on what NOT to do. thx Boss!
Yes sir. Importante na magleave lagi ng space kung may plano for expansion. Sa farm po na ito, since may planong expansion, magbabaklas tayo ng ibang kulungan para maisaayos natin ang movement at flow ng baboy within the farm
Salamat Doc sa vedio building fatteners nakita ko monitor type roofing maka labas ang init na hangin produce by pigs.at weaning pen made by plastic flooring. Gestatating pen ayos. Design good drinage. Yon ang kita ko Doc salamat sinusunod ko blog.at libre man mag tanong.bye
Gud Day po Doc, pasilip naman po ng video paano mag transfer ng sow from gestating papunta sa elevated farrowing pen. Mahirap kasi mag transfer ng sow. Salamat po.
Eto rin po sana ang plano nating isama na video pero sa kasamaang palad, di natin matyempuhan. Pero di po tayo susuko. Hehe. Susubukan po natin na maipakita ito sa mga susunod nating vlogs. 😁
Pero makakatulong po ang paglagay ng sako sa ulo at hilahin paurong ang mga inahin. Tatanggalin lang ang sako kung nasa tamang direksyon na sya ng lalakaran😁
Thank you po doc, gagawa po kasi ako ng bagong farrowing pen, dahil yon po old farrowing pen ko po hindi elevated. Mahirap pi mag transfer ng sow pag elevated na. Maraming salamat po.
hello po doc allen yung problema sa mga baboy is yung Arthritis sa mga baboy yung sa mga biik at nga mga inahin sa namaga ng joints yung bacterial infection sa arthritis sa mga biik is common na streptococcus sa joint ill, mycoplasma arthritis at haemophilus sa glassers disease yung gamot na ibigay sa mga biik Alam ko na sa mycoplasma arthritiis at glassers disease vetracin ultima at avitron for streptococus arthritis sa mga biik yung avitron para sa pamamaga at anong antibiotic for infection due to streptococus can i use amovet water soluble at injectable sustalin la or bacterid para sa arthritis
Ok rin lang po lahat ng nabanggit mo na gamot, pero syempre, mas ok kung my anti-inflammatory na gamot tulad ng dexamethasone na kasama ng avitron para mas mabilis humupa ang pamamaga.
Honestly sir di po ako makakapagcomment kasi di ko pa po natatry, pero pwede nyo naman pong subukan.😁 Sa mga farm po na pinupuntahan natin, lahat po wala masyadong supplements dahil basta maganda po ang feeds, pag-aalaga at lahi, , mamiminimize din ang paggamit ng supplements😁
Kapag ang biik po ay kulang sa vitamin e at selenium ay toxic po ang pagbibigay ng kahit anong iron... Siguruhin po na maganda ang nutrisyon na nakukuha ng inahin para walang deficiency ang mga biik
Good morning po Doc. newbie lng po sa hog raising, from Southern Leyte po, ask ko lng po, pwede po kayang bumili ng biik na bagong walay, kasi wala pa po akong inahin? Salamat po ng marami sa sagot! New subscriber niyo na rin po ako!
Pwede po kayong sumali sa mga fb groups ng mga kasamahan natin na magbababoy and magpost ka po dun na naghahanap kayo ng biik. Suriin lang pong mabuti dahil meron ding mga scammers...
Yes po. Napakaimportante po ng ventilation sa buildings para hindi po maipon ang ammonia sa loob. Maje sure na sapat ang taas ng roofing para magkaroon ng magandang movement ng hangin and maglagay ng fans kung kailangan. Pwede rin po magmonitor roofing na makakatulong din sa ventilation
@@BeterinaryosaBaryo DOK PWD WALANG LANG GESTATING PEN NA NATURAL PEN LANG SILA PERU 1 WEEK BEFORE MANGANAK ILILIPAT NA PO SA FARROWING CRATES SALAMAT PO
Di naman po ito masyadong sensitive. Pero pwedeng dahan dahanin pa rin po ang pagdadagdag ng pakain at pakiramdaman ang mga baboy kung mas malakas silang kumain ng basang pakain
Good day po sir! Yung sa nursery pen po ano ang ideal na distance from floor to matting saka ano po ang magandang sukat ng height po ng fence ng nursery pen? Salamat po sir and God bless po 😊
Sir poydi po magtanong ilang minoto mamatay Ang similya Ng barako Ano Ang dapat mamatay Ang similya Ng barako Ano Ang tiknik na matagal mamatay similya Ng barako?
Saglit lang po ay pwede nang mamatay ang semilya ng barako if nasa labas ng katawan. Pwede pong iprocess, haluan ng extender and ilagay sa bioref. Parang sa AI
Babalikan ko po ang farm next week at kukunin ang eksaktong sukat ng kanilang farrowing pen para mas makatulong kung magpapagawa kayo ng farrowing pen😁
Sir ask ko lang sana masagot niyo po Una po puede po ba makabuntis ang bulog na iisa lang ang itlog niya Pangalawa po 8 months na po ung native baboy ko sabi ng iba pakainin ko daw ng feeds posible po ba na lumaki sila ng mabilis???salamat po sana masagot niyo Ung bulog ko pala siya unang kumasta sa inahin ko nabuntis nmn pero sa ngaun po ung inahin ko kasi kala ko noon buntis iniisip ko baka dahil po iisa lang ung itlog niya diko din kasi napansin na iisa lang itlog niya kaya
Kung functional po ang isang itlog ay posible pa rin naman makabuntis. Pwede pong tumaba at lumaki kung feeds ang kain. Pero hindi na po tatangkad or hahaba pa, hanggang sa limitasyon lang ng lahi nya😁
@@jadwaycarlos9638 yes po, yan po ang basic na projection na ginagamit pag nagcocompute. Kasama na po lahat ng gastos jan, pabahay, presyo ng inahin at pakain hanggang sa maibenta ang unang anak. Pwede pa rin po syempre bumaba, pero around ganyang amount po ang estimated na budget
Wala naman po talaga akong masabi sa tapunan ng dumi. Iba-iba rin po ang makikita sa mga babuyan, merong lagoon, septic tank or yung mga biodigester. Pinakamaganda po sana ang pagkakaroon ng biodigester pero masyado pong mahal magpagawa...
Di ko po maaccess yung isang question nyo, di po ako makapagreply... Pero sa pakainan po nung kulungan eto po yung ginagamit nila ruclips.net/video/zXU-Ki8aGSI/видео.html
Marami naman pong may alaga pa ring baboy sa quezon. Icheck lang po sa inyong lugar kung allowed or kung may mga pinapatupad na measures sa pag-aalaga ng baboy
More on linis lang po and mahangin na lugar. Yun pong feeds na gamit dito na pigrolac ay may c-factor na nakakabawas din ng amoy ng dumi ng baboy kaya hindi masyadong namamaho ang farm😊
Sa Cavite po ako at nasa California ang plano ko ay magtayo ng interated farm piggery at fish farm ang tae ng baboy ipakakain ko sa tilapia para double purpose pwede kaya iyong iniisip ko Pls advise mo bago ko gawin ang plano ko saan po ba kayo sa Quezon at marron din po kayong piggery
@@cirilosernat5162 wala po akong sariling piggery dahil working po ako as extension veterinarian, supporting po yung mga farm clients namin. If ever po na decided naman kayo na magpatayo ng malakihang farm, pwede po namin kayong maassist. Msg lang po kayo sa page natin na beterinaryo sa baryo para mas detailed ang discussion po
Sir open po ang gestating pen ko. Nung 5 days straight ang ulan nagkasakit inahin ko nag inject na ako ng analgin,nilagyan ko na dextrose powder inomin tubig, nag b complex na ako, nilagyan ko na starter ang pagkain pero bakit ang hina pa din niya kumain boss? Ika 7 days na niya na ganyan. Nag inject mlg ako ng antibiotic para ma save ko at least ang inahin man lang
Hindi po talaga favorable ang panahon ngaun na sobrang init then biglang umuulan. Kapag po may sakit mas magandang bigyan na rin ng antibiotic dahil normally yung lagnat pa ang cause ng abortion ng inahin kesa dun sa injection. Sa early pregnancy, pwede pong magbigay ng mga water soluble antibiotics tulad ng vetracin ultima habang sa mga 80 days ng pregnancy pwede na ang mga injectable. Iwasan po ang pagbibigay ng mga penicillin or amoxicillin sa buntis na baboy
6o days old palang po inahin ko pero no choice na talaga sir mas na isip ko na isave inahin ko kaysa sa tiyan niya. Oxtetrecycline 10ml po na inject ko sa kanya sir.
Make sure lang po na tama ang dosage ng antibiotic na binigay para siguradong mapapatay ang mga bacteria na nagcause ng sakit. Hindi nmn po necessarily na kapag tinurukan ay magaabort na
Hindi pa po maayos ang septic tank pero plano po da farm na ito na magpagawa ng biodigester and hopefully maisama po natin yun sa susunod nating videos para sa dagdag kaalaman😁
Anu po ang standard size ng gestating pen at paanu lalabas ang baboy na manganganak na kung nasa pwetan lang ng baboy ung pintuan dahil sementado ung harapan?maraming salamat po sa sagot 🙏
Ito pong farm na ito ay hindi talaga planado ang design dahil nagsimula lang sila sa fatteners, then nagdecide magexpand ng pakonte konte. Pero sa ngayon po ay nagpaplano uli magexoand ng 100 sl farm at susubukan po nating ipaayos na ang design sa mga bagong building
@@itzerisadomeeiot4980 yes sir. Importante talaga ang maayos na design, hindi lamang para sa mga alaga kundi pati sa mga nagtatrabaho para mas maging madali at efficient
Thank you sir. Ang dami tLaga nalalaman sa channel nyo. Maybe pag nag for good nako I will start a piggery business. Slamat ulit.
Thanks po sa pagappreciate ng ating channel😊
good job dok maraming salamat
Salamat po😁
Dapat pala i plano kasama future expansion kung baga may blue print na at umpisahan kung saan ang plano going forward. good info on what NOT to do. thx Boss!
Yes sir. Importante na magleave lagi ng space kung may plano for expansion. Sa farm po na ito, since may planong expansion, magbabaklas tayo ng ibang kulungan para maisaayos natin ang movement at flow ng baboy within the farm
Good job and very nice yourpig farm
Thank you sir for the compliment😍 but the farm is not mine, it is our client's piggery. i help in managing their farm's production😁
Thank u po idea update nyo palagi po ako
Thanks din po sa pagappreciate ng ating videos 😊
ang ganda sobrang dami ang pwede ilagay na baboy diyan
Yes po. And expanding pa po ang farm na ito ngayon😁
Thank you Sir...
Thank you for sharing bos
Salamat Doc sa vedio building fatteners nakita ko monitor type roofing maka labas ang init na hangin produce by pigs.at weaning pen made by plastic flooring. Gestatating pen ayos. Design good drinage. Yon ang kita ko Doc salamat sinusunod ko blog.at libre man mag tanong.bye
Thanks po sa tiwala sa ating channel 😁
Manifesting after 10 yrs ganito na Sana baboyan namin🙏
Wishing you all the best po 🙏
Ang Ganda ng farm doc
Yes po and mas dadami pa po ang magiging improvement sa farm dahil sa expansion ni ma'am helen😁
Very informative content. Thank you for sharing.
Thanks po for the compliment😁
Nice content po. May tip/s po kayo paano makakakuha ng magandang biik na gagawing inahin po? Salamat! God Bless and More Powers!
Meron na po tayong nagawang video para dito. 😁ruclips.net/video/qcgskTPvBVQ/видео.html
Ganda nman po ng farm nila sir, good job!
Yes po and may plan pa po for expansion and improvement ang kanilang farm😁
@@BeterinaryosaBaryo slamat po sir, nakakainspire po ang ganiton video sa kagaya ko ofw po gusto mag farming, sana makavisit ka rin po sa channel ko❤️
Sure po😊
@@BeterinaryosaBaryo Slamat po sa suporta❤️
3times kona po ginamit ang jectran sa mga biik ko,same po talaga ang effect,nakkakatakot.hndi naman expired ang tinurok nmin sa mga biik.
May vid ka doc ng mga kulungan na budget lang halimbawa ay 300k para sa mag sisimula palang
Wala po. Pero simulan nyo po muna sa grow-out operation kung saan magpapagawa lang po kayo ng kulungan para sa mga palakihinh baboy😁
yehey, ako ang pang 1,000 likes..
Thanks for liking po and watching😁
Doc pwede pala yun. Yung dedede yung biik kahit sa anong inahin. Thanks for the info.
Yes po, yung fostering😁
Gud Day po Doc, pasilip naman po ng video paano mag transfer ng sow from gestating papunta sa elevated farrowing pen. Mahirap kasi mag transfer ng sow. Salamat po.
Eto rin po sana ang plano nating isama na video pero sa kasamaang palad, di natin matyempuhan. Pero di po tayo susuko. Hehe. Susubukan po natin na maipakita ito sa mga susunod nating vlogs. 😁
Pero makakatulong po ang paglagay ng sako sa ulo at hilahin paurong ang mga inahin. Tatanggalin lang ang sako kung nasa tamang direksyon na sya ng lalakaran😁
Thank you po doc, gagawa po kasi ako ng bagong farrowing pen, dahil yon po old farrowing pen ko po hindi elevated. Mahirap pi mag transfer ng sow pag elevated na. Maraming salamat po.
Ok po. Susubukan po natin gawan ng video ito😊
San po nkaka bili ng plastic flooring para sa piggery?
Good morning po ka UB
Saan po nakakabili ng plastic flooring.. Salamat po
Try nyo po sa shopee or lazada. Meron ding shops na available ito sa kanila
@@BeterinaryosaBaryo salamat po nakabili na po ako sa lugar namin.. Di nakadisplay kailangan magtanong
@@bernaberna8805 mabuti po na merong available sa mas malapit😁
Sir.. pa request po, kung pwede gawa kayu ng video kung paanu ang pag gawa ng SEPTIC TANK ng babayun, yung matagal mapuno... Maraming Salamat
Sa ngayon po wala pa, pero kapag nkapagpagawa po sa farm ni ma'am helen, gagawan po natin ng video😁
@@BeterinaryosaBaryo maraming salamat po..
hello po doc allen yung problema sa mga baboy is yung Arthritis sa mga baboy yung sa mga biik at nga mga inahin sa namaga ng joints
yung bacterial infection sa arthritis sa mga biik is common na streptococcus sa joint ill, mycoplasma arthritis at haemophilus sa glassers disease
yung gamot na ibigay sa mga biik
Alam ko na sa mycoplasma arthritiis at glassers disease vetracin ultima at avitron for streptococus arthritis sa mga biik yung avitron para sa pamamaga at anong antibiotic for infection due to streptococus can i use amovet water soluble at injectable sustalin la or bacterid para sa arthritis
Ok rin lang po lahat ng nabanggit mo na gamot, pero syempre, mas ok kung my anti-inflammatory na gamot tulad ng dexamethasone na kasama ng avitron para mas mabilis humupa ang pamamaga.
Good pm po sir,sa opinyon ninyo ba,eefective ang iof na ina advertice thanks sir
Honestly sir di po ako makakapagcomment kasi di ko pa po natatry, pero pwede nyo naman pong subukan.😁
Sa mga farm po na pinupuntahan natin, lahat po wala masyadong supplements dahil basta maganda po ang feeds, pag-aalaga at lahi, , mamiminimize din ang paggamit ng supplements😁
Gud day po,bakit po ang effect ng jectran sa mga biik nmin ay hinihingal at nagse zeisure po,1ml lng nman ang tinurok nmin.
Kapag ang biik po ay kulang sa vitamin e at selenium ay toxic po ang pagbibigay ng kahit anong iron... Siguruhin po na maganda ang nutrisyon na nakukuha ng inahin para walang deficiency ang mga biik
Good morning po Doc. newbie lng po sa hog raising, from Southern Leyte po, ask ko lng po, pwede po kayang bumili ng biik na bagong walay, kasi wala pa po akong inahin? Salamat po ng marami sa sagot! New subscriber niyo na rin po ako!
Pwede po kayong sumali sa mga fb groups ng mga kasamahan natin na magbababoy and magpost ka po dun na naghahanap kayo ng biik. Suriin lang pong mabuti dahil meron ding mga scammers...
@@BeterinaryosaBaryo pasali po s gc ng mgbababoy..from northern samar mgbababoy dn
Hello po Doc ask lang po ako, kailangan po ba maganda din Ventilation Nung farm? any suggestions po regarding ventilation salamat Po God Bless!
Yes po. Napakaimportante po ng ventilation sa buildings para hindi po maipon ang ammonia sa loob. Maje sure na sapat ang taas ng roofing para magkaroon ng magandang movement ng hangin and maglagay ng fans kung kailangan. Pwede rin po magmonitor roofing na makakatulong din sa ventilation
👌
Thanks for watching po 😊
OK
Bat kaylangan pang i lipat sa getating crate kung dun nalang sila mag stay sa farrowing para save sa pag build
Mas matipid po ang space at mas mura kung may gestating pen
Good morning po doc tanong ko lang po kung puede ung isang side ng kulungan ko ng baboy.at ung isang side ay chick broiler o 45 days.thanks po
Hindi po ito advisable. Mas mabuti pong paghiwalayin ang kanilang kulungan...
Gud evening doc...kailan po ba nilalagay sa gestating pen ang mga inahin? At sa lactating pen po....salamat doc
Nililipat po sa farrowing crates ang mga inahin, 1 week before manganak then sa gestating na sila lagi. Unless po meron din silang dry pen
@@BeterinaryosaBaryo DOK PWD WALANG LANG GESTATING PEN NA NATURAL PEN LANG SILA PERU 1 WEEK BEFORE MANGANAK ILILIPAT NA PO SA FARROWING CRATES SALAMAT PO
@@jefflabor606 pwede naman po. Maninibago sila, pero makakaadjust din naman
Porque deixá-los presos nestas gaiolas ?
welcome back mga ka UB
Hi kabaryo undoy! 😁
Doc tanong ko lang po sana po masagot ung mga biik po ba pwde nang painomin ng tubig kahit kakapanganak pa lamang?
Kahit po kinabukasan
Sending full support
Thanks po for the support😁
Pwdi po bang hindi na alisin ang inahin Sa forrowing pen kung limited po area salamat po bali yung biik nalang po ang iwawalay
Pwede naman po
Hi Po sir pwed Po nang mag ast kung Anu Po Yung sukat nga paanakal
2.15m x 1.8 po Heto po yung video natin
ruclips.net/video/4mGE9vsb59c/видео.html
Good afternoon sir ask lng po saan po location ng farm thank you
Quezon province po ang farm😁
Doc paano po ang tamang shifting s pagpapakain ng ating baboy from dry feeding to wet feeding..thanks..
Di naman po ito masyadong sensitive. Pero pwedeng dahan dahanin pa rin po ang pagdadagdag ng pakain at pakiramdaman ang mga baboy kung mas malakas silang kumain ng basang pakain
New subscriber po 😍
Welcome po and sana makatulong ang ating videos😁
Good day po sir! Yung sa nursery pen po ano ang ideal na distance from floor to matting saka ano po ang magandang sukat ng height po ng fence ng nursery pen? Salamat po sir and God bless po 😊
Depende po sa inyo yung height from floor. Pero mataas na po ang 1m. Then sa sidings naman po mga 2ft or 0.6m
@@BeterinaryosaBaryo noted po sir, thank you very much po 😊
Sir san po makabili ng plastic slated floor?
Kung wala pong supplier na malapit sa inyo, pwede rin kayong magcheck sa shopee at lazada
@@BeterinaryosaBaryo yung flooring mag linis at fully disinfected ng pangakan sa mga biik sa pag dulot ng pagtatae sa mga piglets
Nice dooc lumalaki na channel mo
Malayo pa sir jerry. Hehe. Pero thanks sa support😁
Pano po b kmi makpag seminar para sa pigrolac po at mkausap Yong technician
San po ang inyong area?
Sir poydi po magtanong ilang minoto mamatay Ang similya Ng barako Ano Ang dapat mamatay Ang similya Ng barako Ano Ang tiknik na matagal mamatay similya Ng barako?
Saglit lang po ay pwede nang mamatay ang semilya ng barako if nasa labas ng katawan. Pwede pong iprocess, haluan ng extender and ilagay sa bioref. Parang sa AI
@@BeterinaryosaBaryosaan po natin mabili Ang extender paano mix sa extender sir?
Sir,ano pong standard measurement ng farrowing pen?
Salamat po
Posible pong iba-iba rin ang measurement, pero itong nasa video ay nasa 8x7ft. Meron namang iba na nasa 6x7 ft lang
@@BeterinaryosaBaryo yung laki po ng farrowing pen,may 2 inahin po ako dito
Nangank n po ang isa,12 piglets,patay po ang 4,nadaganan po
Babalikan ko po ang farm next week at kukunin ang eksaktong sukat ng kanilang farrowing pen para mas makatulong kung magpapagawa kayo ng farrowing pen😁
@@BeterinaryosaBaryo maraming salamat po
Sir sa pag alaga ng oink2 mag licensya ba.
Wala naman po. Pero may permits na required para sa mga malalaking farm...
Sir tanong ko lng..anong tanang size ng kulongan sa inahing baboy sa backyard lng po..firsttime ko po.
Para sa buntis po or nagpapasuso?
Eto po yung sukat at design ng paanakan😁ruclips.net/video/4mGE9vsb59c/видео.html
Eto naman po yung para sa buntis ruclips.net/video/6gJpwguKkcM/видео.html
Good day doc!just wanna ask the ideal design for pig pen...interested to have pig farm..
For what stage po?
Sir ask ko lang sana masagot niyo po
Una po puede po ba makabuntis ang bulog na iisa lang ang itlog niya
Pangalawa po 8 months na po ung native baboy ko sabi ng iba pakainin ko daw ng feeds posible po ba na lumaki sila ng mabilis???salamat po sana masagot niyo
Ung bulog ko pala siya unang kumasta sa inahin ko nabuntis nmn pero sa ngaun po ung inahin ko kasi kala ko noon buntis iniisip ko baka dahil po iisa lang ung itlog niya diko din kasi napansin na iisa lang itlog niya kaya
Kung functional po ang isang itlog ay posible pa rin naman makabuntis. Pwede pong tumaba at lumaki kung feeds ang kain. Pero hindi na po tatangkad or hahaba pa, hanggang sa limitasyon lang ng lahi nya😁
San po nabibili yung plastic flooring?
Meron po sa mga online shops. Or check nyo po sa jeida, schippers, etc
Pwde po kayang farrowing pen lang ang kulungan para sa dumalaga n gagawin Kong inahinin
1 lang po ang inyong inahin?
@@BeterinaryosaBaryo dalawa po
Sir/mam ask ko lang po magkano ang budget pagpapatayu ng piggery building at ilang baboy po ang capacity?
Depende po sa damj ng aalagaang baboy. Pero kung magaalaga ng inahin, magbudget po ng upto 180k/head.
180k?per head sir
@@jadwaycarlos9638 yes po, yan po ang basic na projection na ginagamit pag nagcocompute. Kasama na po lahat ng gastos jan, pabahay, presyo ng inahin at pakain hanggang sa maibenta ang unang anak. Pwede pa rin po syempre bumaba, pero around ganyang amount po ang estimated na budget
Doc hindi po pinakita yung tapunan ng dumi. Ano po ideal design ng tapunan ng dumi ng baboy? Salamat po.
Wala naman po talaga akong masabi sa tapunan ng dumi. Iba-iba rin po ang makikita sa mga babuyan, merong lagoon, septic tank or yung mga biodigester. Pinakamaganda po sana ang pagkakaroon ng biodigester pero masyado pong mahal magpagawa...
Salamat po Doc. Keep safe. God bless..
@@mawisbackyard7863 no problem po. Eto rin po yung video natin na may tapunan ng dumi.😁
ruclips.net/video/lpp1MkpDKmo/видео.html
Salamat po Doc.
@@mawisbackyard7863 wala pong anuman😁
Ok lang ba na kabilla or tubo and gamitin sa walls instead of hollow blocks?
Yes po. Mas maganda po yun para sa fatteners dahil tagusan ang hangin.😁
Check nyo po yung bldg sa video na ito😁
ruclips.net/video/lpp1MkpDKmo/видео.html
Di ko po maaccess yung isang question nyo, di po ako makapagreply... Pero sa pakainan po nung kulungan eto po yung ginagamit nila ruclips.net/video/zXU-Ki8aGSI/видео.html
And then ito pa po yung isang type na kasama na talaga sa kulungan. ruclips.net/video/nGmN9smLQIE/видео.html
Gaano po katagal maglalagi ang piglets sa nursery pen sir?
Normally 1 month po, pero merong iba na 1.5mos before ibaba sa nursery pen
So nice...🐖🐖🐷💕
Saan kakain ang mga biik sa Nursery Pen?
Meron din po silang feeding trough or pwede rin maglagay ng autofeeder😁
Saan polocation nv farm ni maam helen
Quezon province po
San po Kya nkaka bili ng plastic flooring para sa piggery
Meron din po nito sa shopee or lazada😁
@@BeterinaryosaBaryo anung tawag po?
@@littleuno6902 plastic matting po😁
Dok pwede napo kaya mag alaga ng bboy sa quezon .
Marami naman pong may alaga pa ring baboy sa quezon. Icheck lang po sa inyong lugar kung allowed or kung may mga pinapatupad na measures sa pag-aalaga ng baboy
Pano po ba ginagawa para di mangamoy mga popo nila
More on linis lang po and mahangin na lugar. Yun pong feeds na gamit dito na pigrolac ay may c-factor na nakakabawas din ng amoy ng dumi ng baboy kaya hindi masyadong namamaho ang farm😊
Sir san pwde buli ng drinker ng baboy
Check nyo po sa mga poultry supply and pwede rin po kayong magcheck sa shopee or lazada😁
@@BeterinaryosaBaryo thanks sir
@@nidadassun7559 wala pong anuman😁
Saan po ba nabibili ung plastic
Check nyo po sa lazada or shopee kung wala pong malapit sa inyong lugar😁
Sir saan po farm ninyo pwede po na mamasyal at magkaroon ng India kung paano mahalaga ng maramihang baboy
Quezon province po ako. San po ang area nyo? Pero sa ngayon po mahirap pumasok sa mga malalaking farms dahil na rin sa pag-iingat😅
Sa Cavite po ako at nasa California ang plano ko ay magtayo ng interated farm piggery at fish farm ang tae ng baboy ipakakain ko sa tilapia para double purpose pwede kaya iyong iniisip ko Pls advise mo bago ko gawin ang plano ko saan po ba kayo sa Quezon at marron din po kayong piggery
@@cirilosernat5162 wala po akong sariling piggery dahil working po ako as extension veterinarian, supporting po yung mga farm clients namin. If ever po na decided naman kayo na magpatayo ng malakihang farm, pwede po namin kayong maassist. Msg lang po kayo sa page natin na beterinaryo sa baryo para mas detailed ang discussion po
Maraming salamat po at mayroon po bang opisina ang beterinayo sa barrio sa Cavite province o kaya sa malalapit na lugar ng cavite
@@cirilosernat5162 naku wala po. Ang beterinaryo sa baryo po ay personal kong channel.😁
sir kelan dapat painumin ng tubig ang biik?!
As early as possible po. Kung kaya nang uminom ng tubig ay magoffer na po. Lalo na kapag kumakain na sila ng feeds
@@BeterinaryosaBaryo kahit haano po karami ng mainom nila wala po ung problema?!karamihan kasi nagsasabe na pag nasobrahan mag tatae po
@@annamarieangeles1444 kaya po nagtatae ay dahil sa infection. Pwede po marami ihi pero dapat di po magtatae. 😁
@@BeterinaryosaBaryo thank you sa sagot sir!..bago palang kasi aq sa pagbanabuyan!..
@@annamarieangeles1444 no problem po. Wag po mahihiyang magtanong para marami matutunan😁
10 Anahin sir ilan kulongan kailangan
Hi po, pwede nyo pong panuorin yung video natin na 10 sow level lay-out
Isang buwan lang ba sa nursery pen ang mga biik doc? Kelan pwede ilipat sa fattening pen pag starter stage na?
Yes po. Yung iba ay 1.5months po bago ibaba
@@BeterinaryosaBaryo thank you so much doc. Di ba doc 120 kilos yung ideal weight ng gagawing inahin?
Na pansir ko sir ok lang ba masyadong open ang gestating pen?
Mas ok po na mas open sa mga sows dahil mas malamig na paligid at temperatura ang kailangan nila😁
Sir open po ang gestating pen ko. Nung 5 days straight ang ulan nagkasakit inahin ko nag inject na ako ng analgin,nilagyan ko na dextrose powder inomin tubig, nag b complex na ako, nilagyan ko na starter ang pagkain pero bakit ang hina pa din niya kumain boss? Ika 7 days na niya na ganyan. Nag inject mlg ako ng antibiotic para ma save ko at least ang inahin man lang
Hindi po talaga favorable ang panahon ngaun na sobrang init then biglang umuulan. Kapag po may sakit mas magandang bigyan na rin ng antibiotic dahil normally yung lagnat pa ang cause ng abortion ng inahin kesa dun sa injection. Sa early pregnancy, pwede pong magbigay ng mga water soluble antibiotics tulad ng vetracin ultima habang sa mga 80 days ng pregnancy pwede na ang mga injectable. Iwasan po ang pagbibigay ng mga penicillin or amoxicillin sa buntis na baboy
6o days old palang po inahin ko pero no choice na talaga sir mas na isip ko na isave inahin ko kaysa sa tiyan niya. Oxtetrecycline 10ml po na inject ko sa kanya sir.
Make sure lang po na tama ang dosage ng antibiotic na binigay para siguradong mapapatay ang mga bacteria na nagcause ng sakit. Hindi nmn po necessarily na kapag tinurukan ay magaabort na
Ano po ba dahilan para mag tatae ang mga biik
Maraming factor po. Anong edad?
ruclips.net/video/ZqYTRT-TEx4/видео.html
Paano po ang design ng septic jan sir
Hindi pa po maayos ang septic tank pero plano po da farm na ito na magpagawa ng biodigester and hopefully maisama po natin yun sa susunod nating videos para sa dagdag kaalaman😁
Anu po ang standard size ng gestating pen at paanu lalabas ang baboy na manganganak na kung nasa pwetan lang ng baboy ung pintuan dahil sementado ung harapan?maraming salamat po sa sagot 🙏
W:2ft L:7ft Ht:3.5ft. Ito po yung base sa kulungan ng farm ni mam helen. Abangan nyo po yung sunod na video para makita kung paano maglipat ng inahin😁
Pedi na bang magpasok o maglabas ng baboy sa Quezon dahil sa ASF?
Maraming bayan pa rin po sa quezon ang redzone dahil sa asf. Limitado pa rin po ang movement ng baboy...
Doc San banda yan sa Quezon...ngbbinta ba cla ng biik doc?
@@elsielabadan6203 hindi po sila nagbebenta ng biik. Plano po nilang palakihin lahat at kukunan ulit ng gagawing inahin😁
Ahh ok doc tnx po.... Gusto ko sana bumili...tga quezon province po ako
sir subcriber nyo po ako,, dok patulong naman pi sa inahin ko kc po sumusuka po sya,, apo ang gmut para dito. salamt po.
May ubo rin po ba?
@@BeterinaryosaBaryo wala naman po dok,, ok naman pong kumain.
medyo dehado un design
Ito pong farm na ito ay hindi talaga planado ang design dahil nagsimula lang sila sa fatteners, then nagdecide magexpand ng pakonte konte. Pero sa ngayon po ay nagpaplano uli magexoand ng 100 sl farm at susubukan po nating ipaayos na ang design sa mga bagong building
@@BeterinaryosaBaryo okey sir maganda nmn at na correct na dapat gawin ganyan din samin dati good job po
@@itzerisadomeeiot4980 yes sir. Importante talaga ang maayos na design, hindi lamang para sa mga alaga kundi pati sa mga nagtatrabaho para mas maging madali at efficient
Rensto.mora