Tamang Pag Papaikot Nang Pera Sa Negosyo - Cash Flow Management

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 27 авг 2024
  • Maling pag papaikot nang pera sa negosyo ang madalas na dahilan bakit nalulugi. May Tamang Pag Papaikot Nang Pera Sa Negosyo at yon ang gusto ko ibahagi sa iyo kasosyo! Ang Cash Flow Management.
    TO WATCH ALL MY VLOGS FROM START TO FINISH
    click here bit.ly/AllMyVlogs
    FACEBOOK / arvinorubiapage
    INSTAGRAM / arvin.orubia
    WEBSITE arvinorubia.com/
    Ako si Arvin Orubia isang business man and Startup Founder dito sa Philippines.
    Negosyo Tips ang handong ko sa mga kapwa ko pinoy na may mga negosyong pinapatakbo din o mag papatakbo palang.
    Thank you for watching my vlog. GOdbless your business! :-)
    Nag hahanap ka ba nang Negosyong Maliit Ang Puhunan pero Malaki agad Ang Kita.
    Negosyo na gusto mong umpisahan dito sa Philippines.
    Eto tips for Business para sayo na may pangarap :-)
    Ano ang negosyo at anong gawin natin sa negosyo na pinapatakbo mo?
    Ang mga vlogs natin at business in the philippines setting. Isa kang founder at may ideas ka ba na gusto business?
    Eto mga tips para sayong plano. Maliit na negosyo man yan o negosyong malake, negosyo sa bahay o kahit na
    negosyo sa maliit na puhunan.
    Negosyo sa pinas ang bagay ay mga ganitong negosyo tips.
    Pang philippines business talaga.
    Negosyong maliit ang puhunan malaki ang kita the best para sa atin.
    Paano mag business at paano mag negosyo? Paano mag simula ng negosyo ang lagi mong tanong. Patok na negosyo sa pilipinas
    matututunan mo din dito.
    Investment Tips ay meron din dito sa mga vlogs ko.
    Stock Market Tips Meron ka din mapupulot sa channel na ito.
    Ofw is people I really want to help and guide.
    You will see right Ofw Business that is profitable for them.
    For startup this vlogs is for you.

Комментарии • 3,2 тыс.

  • @ArvinOrubia
    @ArvinOrubia  5 лет назад +743

    KASOSYO, May Tatlong salita akong ginamit sa vlog na ito na parang magkakatunog sa pag kakasabi ko sa vlog na ito pero mag kakaiba sila nang ibig sabihin :-) Pero sila at ang mga ibig nilang sabihin.
    1) CASH FLOW - Ung pag papaikot nang pera
    2) CASH FLOAT - Ung perang nalikom na resulta nang tamang pagpapaikot nang pera
    3) CASH HOARD- Ung pag hawak mo sa pera na hindi mo gagastusin pwera na lang sa kinakailangan talaga na mag papagulong nang negosyo mo.
    Eto na din ung ibang definition na ginamit kong salita
    INCOME - perang pumapasok resulta nang benta
    EXPENSE - perang lumalabas resulta nang pag gastos
    KITA/PROFIT- ung profit nang negosyo pero hindi mo sahod yon.
    RECIEVABLES - Ung mga pautang mo sa iba na inaasahan mong papasok sayo in future.
    PAYABLES - mga utang mo sa iba na need mo bayaran sa future pa
    AIRCON - ung bagay na mahal pero pwede mo utangin ang pag bili para magamit mo pa ang pera sa iba
    Salamat sa tiwala..
    A lab you!

    • @cyrilderueda3541
      @cyrilderueda3541 5 лет назад +5

      Ung aircon hahaha

    • @RuMiJP
      @RuMiJP 5 лет назад +7

      Arvin Orubia idol arvin, typo po yung spelling ng receivable :) thanks po lagi sa mga magagandang informative videos never ka nagclickbait :) salamat!

    • @03bdr
      @03bdr 5 лет назад +1

      Arvin Orubia ito nag kinkhrap kong problema.

    • @annabelledelacruz8416
      @annabelledelacruz8416 5 лет назад

      Oic kaya Pala..salamat

    • @fernantv8167
      @fernantv8167 5 лет назад

      Galing

  • @streetbumps7458
    @streetbumps7458 Год назад +10

    Grabe kinilabutan ako dito. Before may business din kame. Gaya ng sinabi mo kasosyo sa "Cashflow" at kung ano yung "Receivable" at "Payable" realtalk eto yung pumatay sa business ko. Grabe sobrang nakalampag yung utak at puso ko nung narinig ko yung video nato. 😭 Maraming salamat bro! Sobrang natutulungan mo kaming magising sa entrepreneur world. Totoo yun malalaman mo yung kahalagahan ng "Cashflow" sa isang business pag naranasan mo na. Sadly nagsara yung business nmin na mga frozen goods pero dahil sa ganito nlalaman ko at nagagabayan ako sa mga susunod kong hakbang pag mag business na ulit ako. More videos and more lessons pa bro! This kind of talks is what we need. Keep it up! 💯🙌🏼 4 years ago na tong video na to pero sobrang makabuluhan parin sa sobrang GOLD nung information.

  • @emyamat0s560
    @emyamat0s560 4 года назад +1

    tagal kuna gusto magnegosyo, pero ngun kulang ito narinig, salamat sa paliwanag ❤❤

  • @CrappyAnimationPH
    @CrappyAnimationPH 3 месяца назад +1

    salamat kasosyong Arvin. Lahat ng mga tinuturo mo Inaapply ko sa Small business ko. Kahit Unti unti lumalago sya. Lumalaki ung 5k na puhunan ko. 😊

  • @fronter2695
    @fronter2695 5 лет назад +26

    dangg... im 15 yrs old but i totally understand whats going on. im going to tell my mom about this :)

  • @akosijoms.official
    @akosijoms.official Год назад +3

    dahil napa nuod ko to sisimulan kuna kaagad aralin sa aking sarili ..mas gagalingan kopa boss para maka bawe silence viewers po ako

  • @akosijoms.official
    @akosijoms.official Год назад +1

    dami kuna nasayang pera bosss gang ngayon parin..nag sisikap minsan na lo low moral na ako..pero ng napa nuod kita nawawala na yung pag ka low moral ko sa aking sarili..mas lalo kopa gagalingan ngayon salamat bosss maraming aral ako nakuha❤❤❤❤🎉🎉🎉

  • @lutoniindaybells2522
    @lutoniindaybells2522 Месяц назад

    Watching from kuwait, Salamat sa mga advice po...
    May sari sari store din kami, kahit malayo ako pero araw araw ako nag monitor sa cashflow sa tindahan namin tiyagaan lang talaga at salamat kay God naging 2yrs na ang store namin by Gods Grace... MAY natutunan ako sa mga toturial niyo po at salmat po at sana marami pang mga pilipino na matoto sa negosyo... Godbless us all❤

  • @BossBabyTrader
    @BossBabyTrader 5 лет назад +6

    I FINISHED THIS WHOLE VIDEO, AT NAINTINDIHAN KO NA RIN SA WAKAS ANG KONSEPTO NG PAYABLES, RECEIVABLES, AT CASH FLOAT. MORE POWER TO YOUR CHANNELMR.ARVIN. BUKOD SA MAGANDA ANG CONTENT AT MAGANDA ANG IYONG UGALI BLANG ISANG SPEAKER/MENTOR, TALAGANG SUSUBAYBAYAN KO ANG CHANNELNA ITO AT TATAPUSIN KO ANG MGA TRAININGS.MORE POWER!

  • @jervypolistico3377
    @jervypolistico3377 3 года назад +4

    "Discipline is first in Everything", I totaly Agree kasosyo

  • @baevieeofficial5755
    @baevieeofficial5755 Год назад +1

    Nung ofw plang Ako palagi kitang pinapanuod mga advices mo about business , and now nakakatulong na sakin sobra idol.. now na Isa na Kong entrepreneur sobrang thank u idol🫰

  • @angelomolina6827
    @angelomolina6827 4 года назад

    Salamat kasosyo unti unti ko nang natututunan ang pag gamit ng CASHFLOW, 2months nung huli kong napanood tong vlog nato at masasabi kong sa loob ng tatlong taon na pagnenegosyo ko ngayon palang ako nakakakaipon ng dahil sa tulong ng vlog na to !

  • @cherrymiedauray3324
    @cherrymiedauray3324 5 лет назад +3

    Idol na kita.. nung college ako wala akong naintindihan sa payable tyaka recievable.. sayo ko lang na intindihan lahat, galing!

  • @TheLowLandGardener
    @TheLowLandGardener 5 лет назад +85

    Sir share ko lang din ang number 1 rule ko is hiwalay ang pera sa negosyo ko at sa personal kong pangangailangan. Araw araw ko po kinokompute yung kita at naglilista ng personal expenses saka ko ikaltas sa daily income ko yung total expenses para at the end of the day namomonitor ko kung positive cashflow ako. Try nyo po ito its hard sa umpisa pero its fun. Makatulog kayo ng mahimbing.

    • @ArvinOrubia
      @ArvinOrubia  5 лет назад +4

      Salamat sa pag share mo nyn kasosyo! :-)

    • @markfernandez8494
      @markfernandez8494 5 лет назад +13

      share kolang din sa amin ng wife ko since pareho kmi nag handle ng busniness namin pareho dapat kaming sasahod, from 100% income we divided it to 3 parts pero net income na ito, 50% sa savings at tig 25% sa wifey 25% sa akin... happy ang bank book happy din kmi... =))

    • @TheLowLandGardener
      @TheLowLandGardener 5 лет назад +1

      @@markfernandez8494 maganda yan bro kasi sure na may ipon kayo. Ask ko lang po kung naglalaan ba kayo ng percentage para sa expansion ng business? Saan kayo kumukuha?

    • @markfernandez8494
      @markfernandez8494 5 лет назад +7

      hindi sa pagyayabang kwento kalang history ng sari-sari store namin yan ang business nmin ni wifey... 4 na store namin 24 hrs operation lahat yun... yung 2 store walang pera namin sa savings ang nabawas kasi galing lang yun sa points ng puregold... ito real talk yearly kaya na namin mag bukas ng tindahan ni singko wala mababawas sa savings... thru points system lang ng puregold... thats why wala kaming alloted money sa expansion kasi nga provided na ng points ng puregold... heheheh =))@@TheLowLandGardener

    • @TheLowLandGardener
      @TheLowLandGardener 5 лет назад

      @@markfernandez8494 ayos yan bro thanks for the info.

  • @akosijoms.official
    @akosijoms.official Год назад +1

    lupet mo mag paliwanag bosss sobra naintindihan ko lahat..puro palpak den kasi business ko

  • @HEAVENANDEARTH2023
    @HEAVENANDEARTH2023 3 года назад

    Mas naging mlinaw s akin sir ang kahalagahan ng cash flow... Now q lng nrinig ang CASH FLOAT AT PSYCHOLOGICAL WALLET... U gave me a tip n pde tlgang magcmula ng business khit wlang pera... Keep up your good vlogs! GOD BLESS YOU MORE!

  • @marianneomale1950
    @marianneomale1950 5 лет назад +20

    as a business owner, i really do find this video entertaining. another knowledge and wisdom gain. thanks

  • @alexievenidek3725
    @alexievenidek3725 5 лет назад +43

    my favorite motto: "Money Doesn't Grow on Trees "..
    my favorite rules: "Earn it, Save it, and Multiply it"..
    don't forget also I say: "the money is like a woman, it keep coming if you are attractive"..
    #capitalism
    #freemarket

  • @markkennethranario9794
    @markkennethranario9794 4 года назад +7

    "psychological wallet" Solid idol. Thank you!

  • @fredilybismonte22
    @fredilybismonte22 6 месяцев назад

    Dami kong natutunan sa video na to boss. Silent reader nyo po ako 3 years ago pa. Andito ako sa abroad, habang andito ako lagi kitang sinusubaybayan at pinapanood lahat ng videos mo. Tgal na itong videos na ito, pero grabe tlga impact nya sa akin. Daming learnings literal. Uuwi na ako sa pinas by April at sisimulan ko ng mag execute. Nanggigil tlga ako na maging negosyante at ayaw ko ng maging employee forever. Sabi mo nga magkamali man, bangon ulit un ang mahala. Ready na ako sa susunod na kabanata ng buhay ko 🙏❤️ Uuwi na pra magpatayo ng kahit maliit man na stall sa Pinas 🙏 Salamat sa lahat ng learnings. God bless you more Sir 🎉❤

  • @mariajacquelyncruz6649
    @mariajacquelyncruz6649 5 лет назад +52

    Mahusay kang magpa liwanag anak.. God bless and keep you healthy and safe always..

  • @jhenmerbalderama2675
    @jhenmerbalderama2675 2 года назад +3

    This is my 7th time establishing a business and matagal na akong nasa Facebook group ni sir Arvin tapos tamang basa lang. And now, i'm trying to start another business kaya pinanood ko to. Sobrang laki ng impact hahaha. Salamat sir Arvin!
    EDIT: Lahat ng business ko nag end up sa closing. Hopefully maging successful this time

  • @ycnanasinap4625
    @ycnanasinap4625 6 месяцев назад

    Thank you for sharing..isa rin po ako nagnenegosyo maliit lng na nag umpisa ngayon by Gods grace lumago na siya

  • @melsondionaldo5968
    @melsondionaldo5968 4 года назад

    4years na akung succesful entreprenuer
    Pero dami ko natutunanan na malupet
    Lahat tayo dito gagaling sa negosyo
    Try to apply
    Yayaman tayong lahat
    God bless sir Arvin

  • @shae8123
    @shae8123 5 лет назад +16

    I'm beyond grateful seeing this in the recommendations. The way you explained things made me not noticed that this is a 19 minute video. You managed to explain receivable and payable in a way that people would easily understand. Gotta go and watch your other vids!

  • @rovinpaultuico
    @rovinpaultuico 5 лет назад +3

    Nice nice sir! Actually wala nman nagturo sakin pero nung napanood ko to, ayun pla yung gngwa ko, kaya lang sabi nyo nga PILIPINO tayo, kaya minsan yung cash flow ko nagagalaw, pero hindi nman sobra, kaya minsan wala ng ipon, pero ngayon narinig ko na yung PSYCHOLOGICAL WALLET, pota hahahahaha proper mindset and focus dapat sa goals para lumago yung pera, tapos most important is laging magpepray kasi nagugulat din ako sa mga blessings sa business ko na di ko ineexpect, kaya napapathank you lord ako lagi and dapat lagi syang kasama sa mga ups and downs sa business, sureball kahit gano pa kahirap yan, boom na boom lahat ng balik sayo ☺️ ayun po, keep it up sa channel nyo sir, madami kayo natutulungan sana dumi pa SUBSCRIBERS nyo para palong palo! Salamat po ulit sa advice 👌🏻 Godbless po!

  • @ejamztv9502
    @ejamztv9502 3 года назад

    Gets ko boss..isa din ako sa nag failed sa business at laki ng natutunan ko at ngayon nasa abroad ako at pauwi na at balak mag negosyo ulit at alam ko na ano dapat Ang gagawin..salamat sa lahat ng blog Dami natutunan.

  • @lowieren
    @lowieren Год назад

    Thanks for this. Magagamit ko ito sa pagpapatakbo ng bussines ko. Mas madali ko naiindihanan ko paano ko papaikutin ng maayos ang pera ng bussines ko. 😍

  • @billyilagan2004
    @billyilagan2004 5 лет назад +20

    Yes I agree pero minsan dapat check mo din ang interest rate ng payable mo and sometimes mas recommended ang cash buying instead of installment sa mga payables mo. But definitely agree sa cash float mo, ganon talaga ang negosyo. Thanks for sharing.

    • @cruno0449
      @cruno0449 Год назад +1

      Balak ko din sana sa refrigerator sa business ko i installment kaso 14k yun sa cash pag installment one year aabot 20k . Laki din bagay 6k na difference

    • @delilahvicente9228
      @delilahvicente9228 Год назад

      ​@@cruno0449naisip ko din yan.pero nacompute ko sa 1yr na 6k interest,nsa 16pesos lang sya daily.samantala kung may ref.kana at mag operate na sya daily hindi lang 16pesos ang kikitain mo

  • @Kk-sm6rf
    @Kk-sm6rf 5 лет назад +9

    Thanks for sharing. Very honest and real talk talaga 😀

  • @annesplantworld1609
    @annesplantworld1609 Год назад

    Mahirap 7nawain sir kung Hindi pa nakaranas ng negosyo na walang kapital..may maliit po Akong negosyo na halos Wala Akong kapital pero Hanggang ngayun tuloy tuloy pa rin ako ..kaya dinanas ko yang cash flow kc Wala ako puhunan ..but effort po at diskarte tinatrabaho ko kaya na gets ko po Ang in9g Sabihin ng paliwanag mo you are really true thanks sir marami ka pong matutulungan

  • @boogieboy9769
    @boogieboy9769 2 года назад

    Lodi ang tagal ng video ngayon ko lang na panood pero kahit luma may na totohan ako maraming salamat lodi god bless lodi 🙏🙏🙏

  • @cleotayag619
    @cleotayag619 5 лет назад +3

    Thank you arvin! super thank you.
    tama ang sinabi mo. kung di mo naranasan ung kapalpakan sa financial di mo pa sya maapreciate. 1 year ako nakita ko na tong vlog mo na to. pero di ko tinapos. ngayon ko lang talaga sya naintindihan. sobrang naappreciate ko po sya sir. God bless!!!

  • @ej_l2525
    @ej_l2525 5 лет назад +3

    21 yrs old here and super interestes in planning my first business. I want din to be financially literate kaya thank you ng marami sa vid na to. With the help of books and knowledge about marketing,feasib and research and vids like these...it gives us confidence din. More power to your channel.

  • @CeciliaMedrano
    @CeciliaMedrano Год назад

    Ikaw lang ang pinapanood. Ko ifol Arvin dahilarami akong natututunan sa oyo.Di sayang ang binabayaran kong data.Ang galing talaga Sir Alvin!

  • @kulitaresare-nr4rd
    @kulitaresare-nr4rd 11 месяцев назад

    Maraming maraming salamat po sa video mo na to kasosyong malupit Sir Arvin. hinanap ko po talaga ang video na to at inintindi ko po ng maigi, at malaking tulong po eto sa pag uumpisa ng negosyo namin ng best friend ko. ka ka execute lang po namin nong Aug. 26 lang po home service massage po Sir, parehas po kaming over 20 yrs. na sa paging empliyado ng trabaho namin. ngayon po nag umpisa po kami sa zero capital. skills lang po saka oil pang massage capital namin. palage po ako nanunuod at nakikinig sa. mga video nyo Sir. marami po akong natutunan sa mga Video mo. Idol ko po kayo na malupit. God bless po. ❤️🇵🇭

  • @pauljalon7788
    @pauljalon7788 5 лет назад +3

    Ayos. Dagdag kaalaman. Isa ako sa mga nangangarap na maging successful entrepreneur..

  • @tllynne6337
    @tllynne6337 5 лет назад +4

    that's what i always tell my people. disiplina sa paghawak ng pera. set aside a percent of their salary for rainy days. for entrepreneur like me, i perfectly understand ur standpoint. salute bro! sana madami magising ako marealize ung mga sinabi mo. good luck sau. God speed!

  • @k0nik22
    @k0nik22 Год назад

    Sir arvin. Maraming salamat talaga sayo! Dinadanas ko ngayon ang problema sa cashflow. Buti napanood ko to at dahil dito maagapan ko ang problema ko..

  • @benithaguilar5141
    @benithaguilar5141 2 года назад

    Ang galing kaya pala nag nenegosyo din ako parang wala ako kinikita.. kasi nagagastos ko agad ung pera ko.. ang galing mo lodi thank u sa advise

  • @leobarrun4563
    @leobarrun4563 5 лет назад +3

    dito ako ibinagsak "SANAY AKO SA 500 ANG NASA WALLET KO " good Job boss real talk at natamaan talaga ako haha. Thanks for sharing :)

  • @christophercabalang8285
    @christophercabalang8285 5 лет назад +6

    lumitaw lang tong video dahil nanonood ako kay dan lok, immediately subscribed. highly recommended, sir pwede ba kita maging mentor, seryoso sana gusto ko magstart ng negosyo dahil matagal tagal n rin ako nag aabroad

  • @dominice.carulla5369
    @dominice.carulla5369 4 года назад

    Na gets ko PO Yung mga explaination mo .. Kasi mahilig po ok mag basa Ng book tulad Ng rich dad poor Dad.. thank you

  • @raybencaluag5945
    @raybencaluag5945 2 года назад

    Ayus,ngayon nagkaroon ako Ng idea sa negosyo.kapag nakabayad na ako Ng utang namin sa mga Tao dahil sa naloko din kami.magsisimula na ako.lesson din sa akin ang nabaon kami sa utang dahil nagkaroon ako Ng idea na magnegosyo sa bandang huli,Dati Kasi kontento na ako sa pagiging trabahador lng.salamat sa iyo.bago mo akong subscriber...

  • @jessabeaalcantara7509
    @jessabeaalcantara7509 5 лет назад +3

    I am a BSA graduate and I know those technical terms but not appreciating them in business picture until this day. This is so informative! Thank you!

  • @johnrafael2895
    @johnrafael2895 5 лет назад +9

    sir arvin this is my first time watching your vlog and i am 23 years old. dahil sa vid na to is mas lalo akong nangigil na ayaw ko maging employee habang buhay. sir arvin kapag nagka business ako and naging successful gusto ko po sana kayo mapasalamat ng personal. God bless sir sa fam mo and to your businesses! sana mas marami ka pang matulungan.

    • @jomarijamito6399
      @jomarijamito6399 9 дней назад

      may business ka na po ba ngayon?

    • @johnrafael2895
      @johnrafael2895 9 дней назад

      ​@@jomarijamito6399 we had bro, transportation but sadly it didn't go well and dami ko din napabayaan especially myself. I am 28 yrs old now and I am starting from scratch again. Pero laban lang! 🫶🏻

    • @johnrafael2895
      @johnrafael2895 9 дней назад

      ​@@jomarijamito6399 ❤

  • @warnetbalanjr9656
    @warnetbalanjr9656 2 года назад

    Boss arvin marami rami na din akong videos na napanood ko. Lahat po ay mga ''no non sense''. Ang pinaka tumatak sa akin ang lupitan at focus. God bless you more boss.

  • @laymarimmapi8257
    @laymarimmapi8257 8 месяцев назад

    I came here, I just started my small business. At ang instinct q exactly what explained here🥹 need parin talaga na may cash ka pang support sa needs ng business mo, khit maliit kita at least may progress. Hnd talaga araw araw maganda benta. Medyo kabado na ako kase malaki na nagastos q. Siguro its a lesson especially if you're starting your own business, nung time na inuunti unti q bilhin mga gamit may mga gamit pala na not necessarily para sa business, but its ok kase sabi q gamit naman niyan, maaraing magaganit q pa sa ibang bagay.
    I quit my job to try naman ang business, so iniiwasan na gumastos sa mga hnd kailngan. Thank you sir for making it clear.

  • @arturoespinosa7806
    @arturoespinosa7806 5 лет назад +8

    It's nice to know there is someone who openly share his personal experience in managing his own business. It's great. I'm learning a lot. Thank you for sharing your knowledge and experience in business management. More power to you.

    • @zailabarde8253
      @zailabarde8253 2 года назад +1

      @arturo Espinosa. Si Marvin ay isang klase ng taong gustong makatulong sa iba para umangat sa buhay dahil walang mahirap sa buhay kung may tiyaga at sikap, walang tamad, may financial literacy, may skills at bukas ang isip sa mga makabagong pamamaraan ng hanapbuhay.

  • @ricsejemplar374
    @ricsejemplar374 5 лет назад +5

    Ang galing!!! Thank you tlga. Kc may school supplies aq n store retailer lng nmn pro atleast may natutunan ako don sa payables at receivables...

  • @ferdie4527
    @ferdie4527 4 года назад +1

    key word sa pagnenegosyo DISIPLINA sa pag gasta at pag hawak ng pera. galing sir kahit pano may nadagdag sa kaalaman ko pagdating sa pagnenegosyo. thanks!!!

  • @amyscorner4056
    @amyscorner4056 Год назад

    Thanks a lot Tulad mo maraming pinasok na negosuo pero puro nalugi lahat kc Wala pa akong Masyadong alam.. Kaya inuulit ulit ko itong vlog mo.. Tama ka cash flow ay napakahalaga kaya pala sa mga negosyanteng malalaki Lagi Kong naririnig Ang cash flow at accounts receivable at accounts payable.. Nakaka tulong talaga Ang Tulad mo na vlogs.. Thank you sa experienced mo... Ay least na shareo sa akin...

  • @jjpolicher
    @jjpolicher 5 лет назад +8

    Sir, I'm sold at the first 5 mins of your video. New subscriber here. Quality content Sir. Keep it up

  • @sha3859
    @sha3859 4 года назад +10

    I clearly understand man. Thanks. I worked as a finance manager in a company before. I encountered these things. hahaha. But I still learned a lot from this video. I am starting small businesses right now. I am getting inspiration from your vlogs. More powers. God bless.

  • @leilagarces1878
    @leilagarces1878 Год назад

    Pang alalay na pondo...un pala ang ibig sabihin sir...slamat naging malinaw na sakin❤❤salamat sir

  • @WonderJohny
    @WonderJohny 3 месяца назад

    salamat po sa guide. Naiintindihan ko kahit plano ko palang mag negosyo. Experience ko ang cash flow nayan sa ibang bagay ngayon aware na ako kase dapat may disiplina sa pag gastos ng pera or kinikita.

  • @dreamconnect8928
    @dreamconnect8928 5 лет назад +5

    matindi. simple pero rock na paliwanag 👌

  • @MargeTayamora
    @MargeTayamora 5 лет назад +5

    Galing mo bro! I am sure maraming nakaintindi ng mga sinabi mo lalo na ung mga seryoso talagang magnegosyo. And I just realized after hitting the subscribe button na this video was last year pa pala. hehehe. Your video appeared after binge-watching Robert Kiyosaki's videos. Agree ako sa lahat ng sinabi mo and I hope marami ka pang mareach out na mga pinoy at mabago ang mindset tungkol sa pagnenegosyo. God bless!

  • @sheilabutron364
    @sheilabutron364 Год назад

    Salamat sir marami akong natutunan.. ngsisinmula palang talaga ako garments ang negosyo.. pero nhihirapan talaga ako sa capital.. gaya nga sinabi mo,bumili ako ng mga makina na cash,kaya naubos kapital ko pangbili ng materials kaya tuloy ngayon nahihirapan makabangon..

  • @travel426
    @travel426 4 года назад

    salamat sa video mo.. ngyari din sa akin ang lumalapit na umiiyak at need ng tulong... at ikaw naman na may pera kang hawak sa bzness mo, bigay ka rin ng bigay.... tapos pag may pera kang malaki sa kamay mo. atat ka na igasto sa kung anu lamang..... so ending ng NGa. KUNG NOON KALIWAT KANAN ANG KAIBIGAN MO, ng nag kaproblema ka. kasabay ng nawala ang negosyo mo ay pagkawala din nila....now i leaned

  • @bordz68
    @bordz68 5 лет назад +11

    broooo? please! keep making video like this! you are an angel to me! im about to start a business and this is a huge help! appreciate this!

  • @michelleorubia6975
    @michelleorubia6975 5 лет назад +6

    Medyo ilang linggo ko na to pinapanuod boss arvin at sobrang napapaisip ako. Salamat sa vlog nato para mas maorganize ko ang finances ng small business ko. Thank you 😗 Keep it up. Dami mo naiinspire gaya ko. God bless you.

    • @ArvinOrubia
      @ArvinOrubia  5 лет назад +1

      Michelle Aldave WOW nag comment ang pinaka magandang babae sa buhay ko! salamat sa panonood mo lagi misis ko!!! tsup tsup!!!

    • @michelleorubia6975
      @michelleorubia6975 5 лет назад

      Mga more than 100x ko na ata to pinanuod dad at binabalik balikan ko parin. 😊

  • @rhizapalaboy2141
    @rhizapalaboy2141 4 года назад

    Very clear yong explanation nyo po sir. Totoo po ang negosyo hindi po madali.Kaya nga ngayon pangalawang bagsak ko na po peru babangon ulit ako sa pangalawang pagbangon..Salamat po sa video po..God Bless.

  • @Teammimo25
    @Teammimo25 2 года назад

    Ang dami ko natutunan po sa vlog nyo sir ..eto yung hinahanap ko vlog na maiintindihan mo tlga..ilan vdio nyo palang napapanood ko pro kapag natatapos ko yung isa gusto ko manood pa ulet ng iba haha pinagpuyatan ko talaga..balik balikan kita sir! God Bless you po salamat po sir ginawa kau instrumento ni Lord para makatulong sa mga katulad namin.. isa po ako sa nangangarap na maging successful someday ..dahil sa mga vlog nyo naiinspire at nammotivate po ako ...thank you sir arvin for sharing❤️

  • @mariaalyssabaranco5073
    @mariaalyssabaranco5073 5 лет назад +6

    Bagay po kayung prof. Sa review school ng accountancy. Sa theory of accounts😅

  • @jonathansumagui1837
    @jonathansumagui1837 5 лет назад +3

    thanks Sir Arvin Orubia from now on i will follow your blogs. well done Sir salute ako syo sir have a nice day god bless you n your whole family.

  • @mikelnadroj3379
    @mikelnadroj3379 3 года назад

    Dami kung natutunan dito. Salamat sa payo. Sana maka survive kame sa aming negosyo. Unt unti ng nalulugi dahil sa mga babayarin sa indianong 5-6.

  • @untoldtruthtv1688
    @untoldtruthtv1688 Год назад

    Maraming salamat sir Arvin. Sayo ko lang nalaman na may Pre-Sell palang concept sa negosyo. Subrang napakalaking tulong nito sa naumpisahan kong negosyo. At isa pa yung cash flow na kailangan talagang hindi tayo mawawalan ng cash sa negosyo dahil ito lng ang nagpapatakbo nito. Kung wala ng papasok na cash sa negosyo mo, malapit ka na sa salitang bankruptcy.

  • @mr.al45walker64
    @mr.al45walker64 5 лет назад +6

    psychological wallet nice naisip ko din yan noon galing naman.

  • @ronicasmith1416
    @ronicasmith1416 5 лет назад +3

    galing mo bro..lahat ng vlog mo sa pagnenegosyo papanoorin ko, dami natutunan.

  • @zailabarde8253
    @zailabarde8253 2 года назад

    Ngayon ko lang naview itong CASH FLOW mo. It helps a lot. CASH is POWER.

  • @jonalynrosatazo3300
    @jonalynrosatazo3300 4 года назад

    God bless sir arvin... Korek k po jan sa diyos lahat ng kapurihan.... Sobrang natutuwa aq sau simply k lng mag explain at maktutuhanan... Keep it up

  • @randiegomez9883
    @randiegomez9883 5 лет назад +11

    looks like I'm attending a seminar.... nice speaker.

    • @BARAKOJOSEPH
      @BARAKOJOSEPH 5 лет назад

      PA SUBSCRBIBE NAMN NG CHANNEL KO IDOL :-)
      THANK YOU GOD BLESS!

  • @doloresgonzales1877
    @doloresgonzales1877 5 лет назад +3

    Okey yung explanation mo, naintindihan ko, salamat ha....

  • @joelmalabon553
    @joelmalabon553 2 месяца назад

    Salamat sa edeya ng cash flow. Sa wakas may nkapag explain na malinaw! ❤

  • @baialitatak1771
    @baialitatak1771 Год назад

    relate ako cash Flow.. Nagkaroon ako ng Negosyo dhil sa Cash Flow! Hinihiram ko ung product sa direct selling Business at ang lahat ng advance payments nila or cash payment ng buyer ko ay kinompra ko nmn sa ibang product na demand .Hanggang sa dumami ang laman ng tindahan ko.. ♥️ at best feeling dun is nkaka advance Payments ako kht matagal pa due date ko.🙏🏼

  • @SimplyJessy041782
    @SimplyJessy041782 5 лет назад +3

    I start 5000 for my beauty product until now my capital is there gngastos ko lang un tubo takot kasi ko mawala un puhunan.sa maniwala kayo o hindi ginamit KO pang puhunan eh yung naloan ko sa pag ibig at sss loan.until now un loan na un nagagamit ko sa business ko na beauty products.unlike before pgkuha loans bili dun bili dito as in ubos agad. Kaya natuto nako un loan na gnamit ko sa BUSINESS unti unti nalago at the same time ndagdagan un products KO.salamat sa pagiging business minded ko.😇kaya sir arvin super relate ako sayo hehhehe.

  • @summerrainfontejon1971
    @summerrainfontejon1971 5 лет назад +3

    new subbie here and my business is just two weeks old and your vlog is kinda useful. nakakatuwa ka thank you

  • @ajpimentel6553
    @ajpimentel6553 Год назад

    Grabe salamat bro... Ngaun naitindihan kona talaga kung ano nga ba ang cashflow sa pagnenegosyo

  • @gildabigcas3724
    @gildabigcas3724 3 года назад

    Better idea sa pag start ng business.buti napanood ko..balak ko kc kumuha ng kasosyo, naliwanagan ako sa hatian ng kita...good job☺️😉

  • @RMEPrintshoppe
    @RMEPrintshoppe 5 лет назад +6

    wahahah.. NAK NG TETENG!!! relate na relate ako lodi! hahahaha... i will hear this from time to time to remind me kasosyo! salamat ng marami dito lodi!

  • @russelfernando7674
    @russelfernando7674 5 лет назад +4

    thank you s nkapa humble mong info GODbless malaking tulong to.. subscribe

  • @jolin1041
    @jolin1041 2 года назад

    Salamat sa advice mu sir vin holog is talaga ng langur sa mga taong nangangailangan ng ganitong blog at sa mga first time po nag business.Katulad ko dati nag start ako fruit stand ano Makikita ko gagayahin ko tapos Hindi pala ako Marunong magpaikot,yon nawala nabancrupt agad tapos mahirap den magtiwala sa mga relatives or kapatid inaahas nya pera ko kaya Salamat sa mga tips marami akung natutunan pati anak ko alam na may blog mu nag start na say nag ipon god bless you sans ipagpatuloy mu pa nag vlog mu para marami pang mga Tao matutulogan mu at ma open pa mga mindset nila ano nag cash flow engat po🥰🥰🥰

  • @andrewcatibog4035
    @andrewcatibog4035 2 года назад

    malaki ang connection ng psycological wallet sa pag oofw ulit ng ating mga kababayan...sana lahat ng ofw mapanuod to para di na sila babalik ulit😊

  • @dion777zgajud3
    @dion777zgajud3 5 лет назад +3

    Eversince, only God can able to prosper us. Isa lang hihingiin ko sa Diyos na bigyan Niya ako ng WISDOM gaya Kay King Solomon and yet the blessings ay kusa na Yan darating basta may karunungan lang tayo.

  • @ralfdelapenacriste181
    @ralfdelapenacriste181 5 лет назад +20

    Galing ng pag explain ng psychological wallet. 😂 great advice sir.

  • @kimkestervalledor655
    @kimkestervalledor655 Год назад

    salamat po kasosyo.. na intindehan ko nang maigi kung ano ang Cash Flow..
    parang time na para sa execution.. salamat ng marami..

  • @argelynalano667
    @argelynalano667 3 года назад

    Pra sakin po malinaw na malinaw, wow thank you so much po...akmang akma ang lhat ng vlogs nyo pra sakin na nag babalak mag simula ng negosyo.pg uwi ng pinas, dami ko pong matotonan bgo ako mag simula thank you po, god bless you

  • @MarudsTV
    @MarudsTV 5 лет назад +6

    Thanks sir Arvin for sharing this valuable information, bilang OFW this is indeed helpful.

  • @teejaytorres9468
    @teejaytorres9468 5 лет назад +4

    Salamat Idol! Well said! Keep it up and you already build a solid community that relies on both your business failures (and how you got your self back again) and your business success (which you are willingly sharing)! May the good Lord always bless you and your family so you can also bless us with your inspiring tips and tricks on becoming not only good entrepreneurs but also smart entrepreneurs! Kudos!

    • @ailse8025
      @ailse8025 2 года назад

      kapatid yun pong negosyo ko ay nalugi na noong Pandimic sari sari store yong ginawa kong pubunan ngayun ay galing sa utang sakit nga po sa ulo dahil may kataasan ang interest panu po kaya secreto na kahit sa utang ko kinuha ang oang additonal na puhanan anu po kaya magandang gawin kokasi bayad utang olit lang din ako minsan parang ayaw kuna kaso may babayara. pa akong utang. ganon po sang sisti. baka may mai sugest po kayo.

    • @ailse8025
      @ailse8025 2 года назад

      sory po sa abal ko sa inyo pero nanunuod po ako ng mga vedio nyo dati po nag lilista sa tindihan pero nitong huli hindi na kasi nakaka kalimutan kuna.

  • @rainerossdelacruz9994
    @rainerossdelacruz9994 4 года назад

    Pinanood ko to ngayon kase gusto ko malaman pano mag manage ng pera lalo na ENTREPRENEURSHIP course Ko tas may business din ako hehe, gusto ko po malaman pano MALAMAN OR MONITOR ANG PROFIT NG BUSINESS

  • @user-xb7et8kd9h
    @user-xb7et8kd9h Месяц назад

    Bago nga to sa narinig ko may payable at receivable pa Pala d lng income at expenses salamat po .. gusto q rin mag negusyo balang Araw...Marami n din aq napanuod na vlog nyo at salamat sa kaalaman narinig at napanuod q sa inyo sir.

  • @harryxxzone5949
    @harryxxzone5949 5 лет назад +15

    nice vlog.. now i clearly understand what is payable and receivable ... your right the key is on pre selling...... Goodluck and GODBLESS.....

  • @markeugenepatrolla2993
    @markeugenepatrolla2993 5 лет назад +3

    KUDOS to you boss arvin! Im about to start my own business and im currently formulating a business plan for it. This vlog of yours is a great guide for a "newbie" like me =). Once again, thank you for sharing, God Bless =)

  • @lenardlorilla4160
    @lenardlorilla4160 3 года назад

    Galing. Kapag ganitong training sa iba may bayad to at mahal pero sayo boss lahat ng kailangan malaman sa business natalakay mo. Dito nako nag aaral sa vlog mo paulit ulit ko pinapanood dahil hindi ako akny at be empty cup lang ako kung gusto kopa mahasa sa business.

  • @kneilandrew
    @kneilandrew 4 года назад

    Tatlong taon na po akong nag ma manage ng laundry shop, ngayon ko lang naintindihan ang receivable at payables. haha. DAti ko na palang ginagawa to. New subscriber here po.

  • @jcthegreat.8932
    @jcthegreat.8932 5 лет назад +3

    Thankyou Sa Tips boss. Nakarelate ako sa mga sinabi nyong aral. 😊
    Bilang isang PLDT Sales Agent , Malaking tulong saakin yung mga tips nyo.
    May inutang din akong Cellphone , 3months sya babayaran. 20% yung tubo. Yung Income ko or Commision is mga 8k pataas baba.. nag-iiba .. nakakasya at minsan nakukulangan ako , dahil mahilig din ako gumastos pag nakikita kong madaming laman yung wallet ko. pero sa mabuting paraan naman yung pag gastos ko ng pera , ginagastusan ko naman para sa pang sarili ko like mga pagkain .. at yung mga bisyo ko like pang Online Games na DOTA ay tinanggal ko na sa habbit ko. mas pinopokus ko ngayong itong trabaho ko bilang isang Freelance Agent .. at ngayon din nagsimula na akong Sumali sa Networking Bussiness , dahil alam kong dito na ako aasenso ngayong taon na to.. Hopefully malaki ung tiwala ko sa sarili ko na magagawa ko ito ng tama. lahat ng mga Videos na pinapanuod ko sa RUclips ay tungkol lahat sa Pag Succes ng career ko.
    Thankyou sayo boss at ipinamahagi nyo tong nalalaman nyo po. 😊
    #GodblessYou.

  • @lowkey1389
    @lowkey1389 5 лет назад +3

    Brother, lodi na kita! Keep it up! God Bless 🙏

  • @mildreddancel5002
    @mildreddancel5002 6 месяцев назад +1

    Thank you laking tulong sa plano korin pagbubukas ng negosyo

  • @jilltiples6082
    @jilltiples6082 4 года назад +2

    Grabe sapul na sapul ako sa sanay sa maliit na physiological wallet or minsan simot. Thanks for sharing your business ideas bro. I find it very helpful lalo na sa katotohanan sa likod ng pagiipon mo na vlog it enlightened me a lot. Buti nalang I found this video for me to start a small yet sure and stable business. ♥️