"Grounded" ang Strings - Maingay pag hinahawakan?
HTML-код
- Опубликовано: 8 фев 2025
- Maingay pag hinawakan ang strings?
Pwedeng ito ang dahilan kung bakit "grounded" ang strings at lahat ng metal parts pag hinahawakan.
#Grounded #Humming #GuitarElectronics
Sir Thank u so much sa help and for this video, especially ngayon limited ang galaw ntin para maka pa repair ng gitara, lalo sa amin dito sa province walang tulad nyong knowledgeable na pwede nmin puntahan, kaya mostly DIY na lng kami... Thank u so much... God bless and keep safe...
Maraming salamat din sir!
tysm idol 6months na ganyan gitara ko, napaayos na
Ayos! 👍
Marami pong salamat, God bless sumainyo po.
Salamat din po sa support at God bless din po!
Idol Kita sir galing mo. Marami kang natutulongan salamat sa pag bahagi idol salamat God bless u,
Salamat ng marami sir!
thank you idol. may natutunan talaga ako sa video
Salamat din po sa support!
Thank you Lodi sa video na to..naayos ko ung grounded strings ng electric guitar ko..masakit sa balat nagugulat nlng ako pag nadikit sa balat ko..
Salamat din ng marami!
Salamat po sir! God bless po! More videos.
Salamat at God bless din sir!
salamat sir dami kong nalalaman sayo
Salamat din sa support sir!
Gud day po sir so helpful po samin n nag di diy kc walang malapit na guitar tech.. sir sakin po ang tanong ko "BAKIT KAYA MINSAN NAKAKAKURYENTE NG KAUNTI UNG STRINGS OR UNG SA MY SADDLE?". Thank u so much sir and more powers sa channel
Welcome sir! Naku sakto meron din tayong upload ng tungkol sa kuryente. Paki search pang sa mga videos natin. Thanks
ruclips.net/video/XZnOouUE4bE/видео.html
wow sakto tnx a lot sir.. sa province p kc ako walang tech talaga
Di bale sir try natin na maka gawa pa ng ibang contents na pwedeng may mapulot 😁
@@tixcustomsph tenkyu sir nakaabang ako.. hehe more powers and godbless po
Naaaaays! Thank you boss!
Salamat din ng marami!
salamat sir
Strings should be grounded coz it sits on the bridge saddles. If your strings are not grounded ( - ) it means that your bridge saddles has no wire connected as ground.. best way to look for grounded guitar is on the jack input or the guitar chord itself
Sir, Content IDEA po hehe
Basic Tools na need ng isang Guitar Tech 💜
Thanks po !
Ok po sir. Noted!
Up dito
sir tanong ko lang po pano po sa active bass guitar 2pickup 2 vol. knob (seperate) at bass n treble pero kapag hindi level ang vol. sa isat isa ay nagkakaroon sya ng hum pero kung equal naman ang vol. ay ok naman,saan po kaya iyon pwedeng manggaling,salamat sir
Stock pickup ang gamit?
Pa notice po sir 😌 ask ko lang bakit nag iingay guitar ko pag naka single pick up lang? Halimbawa sa bridge or neck pick up gagamitin ko nag ga-ground kasi. Strat po guitar ko salamat po sana ma notice ☺️
Prone talaga sa noise ang single coil pickups lalo na at malapit sa amp pag tumutugtog. Isang solution ay proper shielding.
sana po sir may tutorial ka tungkol sa acoustic guitar. salamat be safe and more power
Noted po sir. Ano pong maisa suggest natin na topic tungkol sa acoustic guitar?
@@tixcustomsph kung paano po mag-intonate ng acoustic guitar at mag-full set up kasi sir walang luther dito sa lugar namin kaya gusto kong matuto mg-repair ng gitara.salamat ng marami
Noted po sir. Tingnan natin kung kakayanin pag medyo maluwag ang sched. Maraming salamat po sir!
@@tixcustomsph abangan ko nlang po sir, salamat in advance
Ok po sir!
Sir Magandang araw sa inyo, gtara ko po ay superstrat .Ask lang po pagnakadistortion ako, bakit sa bridge pick up may noise sound pagselect ko namn sa bridge tahimik. Sana po mapansin
Pag humbucker yung bridge ay tahimik talaga. Mga single coil medyo prone talaga sa noise pag naga drive. Shielding ang kalimitang solution.
Ganyan din po kaya kahit sa acoustic? Kasi meron akong takamine GN11MCE na humming sound pag hahawakan string lalakas lalo pag lalakasan din ang volume
More on piezo ang concern pag ganun sir. Pwedeng may leak na.
Sir new subscriber here.. ask lng po if pwede din ba mangyari sa acoustic guitar na magbaliktad ang kabit sa output jack ng wire.. sana masagot mo po sir..tahnk u in advance..
Yes sir posible din lalo na at nagpalit. Salamat ng marami sa subs sir
Sir ung e. Guitar ko kpag naka set sa guitar effects may tunog grounded
Kpag direct sa ampli wala nmn..
Ano kaya problema?
Kung single coil ang guitar pwede kailangan ng shielding or pwede rin sa quality ng cable.
Sir possible po ba na kahit hindi ginalaw yung wiring ng gitara or kahit brand new yung gitara tas malakas yung hum sound baliktad na po ba yung wiring sa jack input?
Pag hinahawakan ang metal parts at nasusupress ang noise meaning tama ang wiring pero kung umiingay pag humahawak sa metal parts, may baligtad na wiring or may connections na hindi dapat magka contact sa ground.
Goodday Sir Tix!
May problema 'uong bass ko kapag ginagamit at hindi ko alam kung bakit. 'yong ingay na parang grounded kapag hinahawaka mo 'yong dulo ng cable(hindi ko po alam kung natural 'yon) gano'n ang ang tunog n'ya kapag makasaksak sa bass. No'ng una ay mahina naman ang tunog, n'ya kaya lang ay malakas na ngayon kaya hindi ko na magamit. Ano po kaya ang problema?
Pakicheck lahat ng groung wires sir baka may loose.
@tixcustomsph sige Sir ichecheck ko, thank you Sir🤘
Sir paano po kung maingay po kapag hinahawakan ang metal parts ng guitar kagaya po ng sa video, pero wala pong output na lumalabas from the pickups. Pero nung triny ko po sa ibang jack cable, meron na po ulit output?
possible po ba na jack cable lang po ang naging problem?
Pag ganun most probably nasa cable lang ang problema.
Salamat po, Sir! 😊
Sir ung samin naman po hindi naman po sya napapa gawa or nabubuksan pa. Pero ganyan dn po problem. Minsan po ginagalaw lng namin sa mismong jack tapos kinakapa po namin para bumalik sa normal. Pero pag naglilikot minsan ung gitarista nag gaground ulit ung gitara. Same problem lng po ba jan sa vid?
Malamang eto ang problema ruclips.net/video/Qp548d1p_K4/видео.htmlsi=RXnprNrPay8bfq6d
Bro pa tanong naman, normal ba yon may crackling noise (tunog basag) if turn ko yong guitar volume knob to full pero sa neck pickup lang. Wala naman sa bridge pickup.. Yong. Guitara ko may coil split sa tone knob at high pass filter sa volume knob. Wala naman syang scratchy/ground noise
Kung may dedicated volume pots ang nrck at bridge most probably medyo madumi na yung v pot ng neck. Nalilinis naman sya ng contact cleaner.
@@tixcustomsph 1 volume(w/high pass filter) 1 tone(w/coil tap) lang sya, 2 humbucker pickup, 3 way selector switch, pagnakaneck pickup ako at full vol knob tapos malakas ang attack(strum)ko, yon may distorted sound kahit clean tone setting(no overdrive), pero kung ilipat ko sa bridge, same attack wala naman. So posible dumi lang ito sir? Sana naman.. 😊
Pwede mong ibaba ng kaunti ang pickup height. Mas ma attack talaga ang neck pickup. Ang freq response na ay ma low compared sa bridge.
@@tixcustomsph Tnx sir. Mababa na sya actually. Haay.. Sanan makahannap ng magaling na tech.
@abd-ix5qd mas ok nga kung dala8n sa tech mismo para pa diagnose ng ayos.
Salamat talaga po sir sa video, sana ma pansin nyu po tanong ko, pag naka nasa neck, middle at bridge ang switch maingay, peru kapag nasa dalawang combination (neck/middle at middle/bridge) hindi umiingay. Ano po kaya problema nito? Dami ko nang rewiring. Salamat po
Pag naka single coil, normal lang na may static. Pwedeng mabawasan ang noise na ganun pag nag proper shielding. Ang reason kung bakit tahimik sa 2 at 4 kase combined na ang 2 na pickups na nag a act as humbucker.
@@tixcustomsph aaahh. Ok2. So pwedi matanggal ang ingay kung papalitan ko nang humbucker ang pick up ko?
@@nieldavebaliling6941 sa shielding nababawasan din pero kung papalitann ng hotrails malang case closed na yan sir 😁
@@tixcustomsph hehe. Sige2 sir salamat.
ano naman po problema pag hawak yung string tahimik po walang ground noise, pero pag hindi hawak tsaka doon maririnig ang ground noise
Static or pwedeng sa quality ng jack. Usually pag single coil ay prone sa noise lalo na at malapit sa amp. Nako correct sya ng shielding depende sa system at pag shield, may nakaka meet ng totally noiseless at meron naman na nabawasan ng 50-90%.
ganda ng idiya at impormasyon idol . new . supporter po . .
pa suporta din. malaking tulong po ito
Salamat po. Matic support din sa Blackstar ph 🤘
Sir pwede po ba ako mag send ng video sa inyo, tama namn po ung sa jack ung pag kaka sulda pero grounded parin po sya
Sa fb page sige lang po.
kuya, paano naman malaman qng saan mo ikakabit ang wire ,na dapat doon??? nkakalito kasi sa dami ng wire
Pwede i check yung content natin about full rewiring. Kung sa jack lang naman, sleeve or yung bilog ang ground at tip ang hot o output.
sir yung gitara ko bago lang , wala namang humming sound kaso ang sensitive ng string ang ingay kahit madampi lang yung palad ko sa bridge parang nag i scratch hindi ako makatugtog ng maayos bawat tipa maingay napakasensitive pero walang humming sound sadyang maingay lang , pero nung tinest ko naman sa pinag bilhan ko wala namang problem , ano kayang solusyon dun sir
Pwedeng i check kung may loose grounding.
pano po ayusin yung ibang pick up selector po ahy napaka ingay? grounded po yung position 2 at 4 po
Mura lang naman ang selector. Pag napalitan at maingay pa rin, posibleng sa pickup na combined ang issue.
Boss bass ko bkt grounded ung tunog ok nmn n lht pnlitan ko ng mga bagong pots gnon pdin? Salamat po
Kung maingay pag hinahawakan ang mg metal parts malamang baligtad ang kabit ng wires ng jack. Kung hindi ganun ang case, posibleng kailangan ng shielding.
Cge boss maraming salamat...
Idol yung aking gitara kabaliktaran naman nyan, maingay din grounded, pero kapag hinawakan na ang string tahimik na. Saan kaya ang problema nun?
Normal tendency lalo na at single coil ang pickup. Naayos naman sya sa pag secure ng ground connections at proper shielding.
Paano mo malalaman sir pag baliktad? Wala po na palatandaan? Salamat po sa pagsagot.
Na mention natin sa vid na pag nakahawak sa hardwares or metal parts tsaka nagiging maingay.
@@tixcustomsph idol diko kasi alam mag solder at yung pinanood ko rin na isang video mo sa bridge part. Kasi dati hindi naman sha maingay tapos ayun lumala na rin yung sa saksakan nya at isa pa nagkaroon lang siya ng ingay nung pinababa ko bridge.
Check lang din kung malinis pa ang sleeve ng jack o kaya ay baka may wire na napuputol.
Boss Naka bili Ako ng Bass Guitar 4 string Bago palang
Pag natatamaan ko yung string sa baba, madalas na ground ako literal na ground po, ansakit sa balat ng daliri,
Dipo ako sure if sa cable ang problem nya or sa amplier na 15wats lang, pero tinry kopo i on ang amplier na naka saksak ang Cable pero di naka plug ang bass guitar parang may maingay or noise,
Yun poba ang reason kaya pati string ng bass guitar literal na nakaka Gorund po? 💕 Salamat po sana mapansin
Pwedeng nandito ang kasagutan 😉ruclips.net/video/XZnOouUE4bE/видео.html
@@tixcustomsph sir what if naka Tiles kame, Considered Ground narin poba nun?
Then may linagay po akong DoorMat na inapakan ko nun nag play po ako ng Bass pero na Kuryente padin po ako
Bali mag sisilbing Ground padin po nun mga paa ako? Kahit nasa tiles
At may Apakan na DoorMat mga paa ko pero dipo ako naka sapatos or chinelas kase ngapo nasa loob ako
Try mo mag rubber shoes then make it sure na walang dinidikitan ang skin na may link sa earth. Pag nawala ang kuryente alam mo na ibig sabihin o kaya yun mismong metal casing ng amp ang i contact sa ground ex, poso, gripo or window grill or mismong ground ng mga outlets ng bahay.
@@tixcustomsph thank you so much po 💕💕
@@tixcustomsph ah ganon poba sir, ahhaha kase po yung amplier ko linagyan korin ng Door Mat ahha
Kaya disya naka direct contact sa Earth, Mali popala Yun sir
bumili po ako guitara na bago tas ganto na ganto rin yung problema bumili ako ng ibat ibang cable kala ko dun yung problema dito pala salamat po!
Salamat din sa support sa channel sir!
sir pano mawala yong noise tuwing gagamit ako ng disturtion maingay parin kahit nag lagay na ako ng shielding
Pwedeng sa power supply din lalo na at di regulated.
@@tixcustomsph power supply po ng amp po ba?
Pwedeng sa amp or source ng kuryente at pwede rin naman na power supply ng ng effects.
Yung sakin sir sobrang ingay kapag binibitawan tas kapag nakakahawak ako ng metal or kung naka apak ako sa sahig na naka paa na miminimize po yung ingay
Kung single coil ang pickups ay prone nga sa noise, proper shielding ang typical solution.
@@tixcustomsph may topic ka ba po about single coil? And what is single coil in guitar for newbie
Pano nmn poh pag maingay yung string pah nka volume..pero pag hinawakan na wawala poh yung ingay normal poh bah yun..
Minsan pag single coil ay ganun.
sir paano naman po kapag baliktad, kapag naka max ang tone and volume tapos nag on ako ng overdrive po sa ampli ko sobrang ingay kapag dko hawak ang string, pero kapag hinawakan ko nawawala po yung ingay. sana matulugan nyo po ako hehe.
Check lang din ang ground wires baka may loose or baka kailangan ng shielding.
@ may video kayo sir kung paano po mag shielding?
naayos na din haha
👌
Yung gcraft lsx na kakadeliver lang sakin, subrang ingay pag binibitawan ang sakit sa tinga. Lalo pa pag naka ON ang tone. Ok naman ang dalawang volume. Yung sa tone talaga ang maingay. Ano kaya ang problema idol? Wala kasi akong idea lasi 1st time koto magkaron ng gitara. Salamat sa sagot idol😊
Pwedeng mag message sa seller kung abot pa ng warranty sir. Try din sa ibang jack or amp kung same issue pwedeng may defect mismo sa gitara.
boss ganun po sa akin nagpagawa ako ng cord at input jack tapos naging ground yung strings ng bass ko
Posible na nagkabaligtaf ang wiring sa jack.
idol new subscrbr mo ako.tanong ko lng bakit my humming ang guitar ko pag naka distortion pa naka switch sa 1, pag sa 2 wala,pag sa 3 meron,sa 4 wala,sa 5 meron.dala lng boss wala huming yong 3 meron.model aria pro2.naglagay n dn ako ng gronding shield sa cavity ganon parin my humming.
May humming talaga ang mga single coil. Kaya nawawala pag may ka pair ng pickup at dahil sa humbucking effect. Kung ang humming ngayon ay same lang noon meaning may dapat itama sa shielding. Nagkaka hum din pag malapit masyado sa amp o speaker.
Sir sana maka reply po kayo yung akin po ibanez rg370 yung bali 5 channel ang selector nya yung 1neck pick 5bridge pick up wala po ugong malinis pero pag dating sa 2,3,4 may ugong lalo sa mid malakas nung una shielding ang payp sakin na shielding kona nandun parin pi sana po masagot nyo po sumasakit na po kasi ulo ko heheh
Original pa ang pickups, selector at wiring sir?
Sir, nakabili po ako gitara online brand new tapos 2 humbucker pickups yung configuration nya. Yung bridge sir naghumming pero tatahimik sya paghinawakan ang string, which is okay in my experience. Pero yung Neck pickup humbucker po ay nagha-hum kahit hinawakan mo ang strings. Kahit anong gawin mo, parehong hum ang maririnig mo sa neck pickup. 5-WAY switch pala sya at di ko magagamit ang Neck humbucker, Neck single, Neck + Bridge Humbucker kasi maingay, bale yung Bridge lang talaga ang tahimik kapag hinawakan ang string. Ano kaya ang problema nun?
Check muna sa loob ng controls kung may putol na wire ganun din sa ilalim ng pickup. Pwede rin na kahit hindi putol ay may sumasayad na wire or pots sa cavity. Pag clear lahat maaaring sa pickup na mismo. Pag ganun ay i request na kang ng replacement.
@@tixcustomsph oo sir, meron po putol na wire sa volume knob, i think meron 3 black wires nakaconnect sa volume knob tapos meron 1 na putol na wire.
Pwedeng sya na ang problema.
@@tixcustomsph so kelangan po ba siyang tanggalin completely? Nakalimutan ko na layout ng Volume knob sa cavity. Meron isang medyo malaki na wire nakasolda sa likod mismo ng circle metal ng knob tas meron 3 black wires sa parang iisa lang ang kanilang location tas yung 1 putol po na black wire is parang andun sa same location ng 3 black wires.
Ok dun lang din i connect.
Paano sir kpag hindi mo hawak ung string is mainggay sya ano po solution dun? Thank you sa sagot sir?
More on static or EMI, proper shielding ang kailangan.
sir ung dsa acoustic ko naman..grounded..pero pag nilgyan mo ng ground sa input jack papunta sa katawan ko nawawala..possible din po kaya na may baliktad din na wire..?
Sa ganyang issues minsan may leak na sa piezo. Pwedenh palitan.
@@tixcustomsph natry ko na po magpalit ng piezo sir..ganun pa din po..
@@nicolasat18 kung ganun mukang kelangan ng reflow ng board.
@@tixcustomsph ano po kayang pwedeng gawin para maayos?
magandang umaga koya yuong aking guitar ay grounded pag hinawakan ang string mawawala na. ang graounded saan kaya ang problema nito?
Pakicheck kung ok lahat ang ground wires. Pwede rin na mag shielding.
Sir paano nman pag maingay ang string pag binibitawan,, at saka may kaunting kuryente po sa gitara? Pls rply
Secure ng mga ground connections sir tapos ay shielding kung single coil ang pickups.
Pano po ifix pag yung prewired pickup ay grounded?
Pag ang noise ay static na nawawala pag nakahawak sa metal parts ay kailangan ng shielding. Kung humming naman ay normal sa mga single coil pickups lalo na at malapit sa amp pero medyo nababawasan din pag naka shield. Kung humbucker naman at maingay ay pwedeng kulang sa ground connections.
@@tixcustomsph sir san p kaya i dhi shielding yon yan den po problema kongayon e
Paki clear po ng question sir para masagot natin. Thanks
@@tixcustomsph saan po mag shielding para po maayos yung pickup grounded issue at nawawala po grouded niya pag hinahawakaan ang metal parts o ang string
I see, bale sa pickup at control cavities. Ang pagshishield ay hind basta nilalagyan ng aluminium o copper lang. As few strips as possible para maganda ang continuity. Dapat lahat interconnected at naka contact sa ground.
Sir ano problem pag nag strum e may hum. Tas pag hindi nag strum ok naman walang hum. Tung hum sumasabay sa sound ng guitara
Good day, mukang need po natin na makita ang sample vid. Pwedeng i send po sa aming page same na Tix Customs Ph. Thanks
@@tixcustomsph i mean pag nag strum ako merong kasama na hum pero pag di naman ako nag strum wala naman.
May binago po ba kayo i pinalitan? Ano po ang brand ng gitara? Electric po ba o acoustic?
@@tixcustomsph electric po. Yung pickups lang po pero same lang naman ginawa ko nung original pickups nya
Meaning may nabago. Kung dati ay wala at biglang nagka ganyan ay more or less dun sa nabago magpo focus. Yan po ang kailangan nating masagot na may basehan kaya kelangan po makita at madinig.
So paano yon masolve ang ingay sir
Make it sure na tama ang grounding at walang baliktad na wiring tulad nung mga na mention natin sa vid. Thanks
Pano to dalawa lang yung wire boss?
2 lang talaga sya isang ground at isang hot sir.
Ano po yung maliit?
@magalopivanv.2982 sa ground lang din sya naka connect. Pwede na syang i disregard
Ahm ok thank you boss 😇
Sa gitara ko naman tama naman yung pakabit ng wire sa output jack pero every time ako gumagamit ng distortion doon na lumalabas yung ground pag hinahawakan ko na yung string at metal part sa gitara ko
Pweseng di lang masyadong obvious ang pagka grounded sa clean tone. Pag gumamit kase ng drive ay amplified na ang signal kaya mahahalata. Same lang din ng static sa clean at drive. May mukang kailangan na i manage ang wiriing para malaman kung may hot wire na medyo sumasayad sa body. Yung tip ng output jack hindi din dapat sumasayad sa body pag may naka jack.
same issue rin saken pero pag na sa both pickup nawawala ung ground. pano un sir
wala na talagang peace of mind hehe.
Prone sa static noise ang single coil. Kaya tumatahimik pag may ka pair na pickup ay dahil nagiging mimic sya ng humbucker. Ang isang solution ay proper shielding para ma eliminate ang static na cause ng EMI. Normal naman sa mga naka single coil ang humming kaya iwasan dapat na masyadong malapit sa amp pag tumutugtog.
pero iba talaga ung ingay sir pag sa neck and bridge pickup sobrang ingay kahit walang volume pag hinawakan ung mga metal part maingay ground. pag hawakan ang string ang ingay
Boss yung gitara ko paghinahawakan yung string nawawala yung ingay,ano kaya problema nito,lalo na pag my gain .boss patulong
Kung single coil ang pickups ay talagang prone sa hum at static noise. Ang typical na solution sa ganyang case ay proper Shielding.
Sir pano po ung acoustic ko na may et-25 n pick up kpag hinahawakan q nawawala ang ground pero pag bitaw umiingay grounded
Pag hinahawakan ang strings nawawala or nagkaka noise?
@@tixcustomsph nawawala po pag hinawakan ang strings
Nawawala yung noise pag hinahawakan yung string . double hum bucker sya boss,maingay sya lalo na pag naka gain..
grounded ung guitar boss pero dating gumagana. pano kaya ang maganda dun
Possible na madumi na ang jack sir. Pwedeng mag roll ng fine grit. Sand paper, lagyan ng kaunting wd40 tapos ay sand yung sleeve ng jack. Kung pagkalinis ay ganun pa rin, check baka may napuputol na wire sa loob ng control cavity. Napuputulan minsan oag mga loose na ang mga pots.
salamat sir pati sa mga tips. mukang tama ka nga sir kasi ung terminal ng ground walang wire. alam ko dapat may wire na maigsi un e pag pang strat e
Ok sir salamat din sa support sa channel!
last question po sir. san ko po i coconnect ung ground. wala po kasi wire ung ground terminal e. salamat po
Sa sleeve lagi ang ground at sa mga metal casings ng pots.
ay akala ko mawawala ang grounded sound pag hinawakan kasi yan usually nang yyari pero baliktad pag hahawakan mas lalong maingay . di parin nasagud tanong kong bakit di hawakan natunog
Ang malamang ay baligtad ang kabit ng wire sa jack.
paanno po kung maingay pag hindi hawakan ang strings?
Normal sa single coil ang may static noise . Hindi normal sa humbucker. Ang kauna unahang solution ay shielding.
@@tixcustomsph salamat po sa pagreply....
Welcome po!
Ganto yung aken kaso sa saksakan naman nang gitara pag hinahawakan hindi sya umiingay pag di naman hawak umiingay acoustic sya
Pwedeng may leak na ang piezo sir.
para lalo mong binaliktad hahaha..aus na ung kanina..😁😁
Simulation ang tawag dun sir. Sinadyang baliktarin para malaman ang magiging effect 😉
Kon baliktad, so it's out of phase.. like greeny LP
eh ikaw ang ngbaliktdbkc e hahaha kaaus na binaliktad mo pa 😁🤣🤣
For sure may natutunan ka sir kahit nakakatawa para syo hehe..
Yung akin pota ang ingay binasag konalang
😄