Catholic Mass Today Live at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas. 15 Aug 2024 7a.m.

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 10 сен 2024
  • Parish and National Shrine of St. Padre Pio Live Mass Today Begins
    Miyerkules ng Ika-19 na Linggo sa KARANIWANG PANAHON. August 15, 2024
    Dakilang Kapistahan ng Pag-aakyat sa Langit ng Mahal na Birheng Maria
    UNANG PAGBASA
    Pahayag 11, 19a; 12, 1-6. 10ab
    Nabuksan ang templo ng Diyos sa langit, at nakita ang Kaban ng Tipan.
    Kasunod nito’y lumitaw sa langit ang isang kagila-gilalas na tanda: isang babaing nararamtan ng araw at nakatuntong sa buwan; ang ulo niya’y may koronang binubuo ng labindalawang bituin. Malapit na siyang manganak kaya’t napasigaw siya sa matinding sakit at hirap.
    Isa pang tanda ang lumitaw sa langit: isang pulang dragon na napakalaki. Ito’y may pitong ulo at sampung sungay, at may korona ang bawat ulo. Sinaklot ng kanyang buntot ang ikatlong bahagi ng mga bituin sa langit at inihagis ang mga iyon sa lupa. Pagkatapos ay tumayo siya sa paanan ng babaing malapit nang manganak upang lamunin ang sanggol sa sandaling ito’y isilang. At ang babae ay nagsilang ng sanggol na lalaki, ngunit may umagaw sa bata at dinala ito sa Diyos, sa kanyang trono. Ang sanggol na ito ang itinakdang maghahari sa lahat ng bansa sa pamamagitan ng kamay na bakal. Ang babae naman ay tumakas patungo sa ilang, sa isang dakong inihanda ng Diyos para sa kanya.
    At narinig ko ang isang malakas na tinig buhat sa langit na nagsasabi, “Dumating na ang pagliligtas ng Diyos! Ipinamalas na niya ang kanyang kapangyarihan bilang Hari! Ipinamalas na ng Mesiyas ang kanyang karapatan!”
    SALMONG TUGUNAN
    Salmo 44, 10bk. 11. 12ab. 16
    Nasa kanan mo ang reyna,
    maningning sa ginto’t ganda.
    Samantalang sa kanan mo nakatayo yaong reyna,
    palamuti’y gintong lantay sa damit na suot niya.
    Nasa kanan mo ang reyna,
    maningning sa ginto’t ganda.
    O kabiyak nitong hari, ang payo ko’y ulinigin;
    ang lahat mong kamag-anak at ang madla ay limutin.
    Nasa kanan mo ang reyna,
    maningning sa ginto’t ganda.
    Sa taglay mong kagandahan ang hari ang paibigin;
    siya’y iyong Panginoon, marapat na iyong sundin.
    Nasa kanan mo ang reyna,
    maningning sa ginto’t ganda.
    Sama-samang masasaya, ang lahat ay nagagalak
    na pumasok sa palasyo at sa hari ay humarap.
    Nasa kanan mo ang reyna,
    maningning sa ginto’t ganda.
    IKALAWANG PAGBASA
    1 Corinto 15, 20-27
    Mga kapatid, si Kristo’y muling binuhay bilang katibayan na muling bubuhayin ang mga patay. Kung paanong dumating ang kamatayan sa pamamagitan ng isang tao, gayun din naman, dumating din ang muling pagkabuhay sa pamamagitan ng isang tao. Sapagkat kung paanong mamamatay ang lahat dahil sa kanilang kaugnayan kay Adan, gayun din naman, mabubuhay ang lahat dahil sa kanilang kaugnayan kay Kristo, ngunit ang bawat isa’y sa kanya-kanyang takdang panahon: Si Kristo ang pinakauna sa lahat; pagkatapos, ang mga kay Kristo sa panahon ng pagparito niya. At darating ang wakas, pagkatapos malupig ni Kristo ang lahat ng kaharian, pamahalaan at kapangyarihan; at ibibigay niya sa Diyos at Ama ang paghahari. Sapagkat si Kristo’y dapat maghari hanggang sa malupig niya at lubusang mapasuko ang kanyang mga kaaway. Ang kahuli-hulihang kaaway na kanyang pasusukuin ay ang kamatayan. Ganito ang sinasabi ng Kasulatan: “Ang lahat ng bagay ay lubusang pinasuko sa kanya ng Diyos.”
    ALELUYA
    Aleluya! Aleluya!
    Mga Anghel ay masaya
    nang iakyat si Maria
    sa langit na maligaya.
    Aleluya! Aleluya!
    MABUTING BALITA
    Lucas 1, 39-56
    Si Maria’y nagmamadaling pumunta sa isang bayan sa kaburulan ng Juda. Pagdating sa bahay ni Zacarias, binati niya si Elisabet. Nang marinig ni Elisabet ang bati ni Maria, naggagalaw ang sanggol sa kanyang tiyan. Napuspos ng Espiritu Santo si Elisabet, at buong galak na sinabi, “Pinagpala ka sa mga babae, at pinagpala rin ang dinadala mo sa iyong sinapupunan! Sino ako upang dalawin ng ina ng aking Panginoon? Sapagkat pagkarinig ko ng iyong bati ay naggagalaw sa tuwa ang sanggol sa aking tiyan. Mapalad ka sapagkat nanalig kang matutupad ang ipinasabi sa iyo ng Panginoon!”
    At sinabi ni Maria,
    “Ang puso ko’y nagpupuri sa Panginoon,
    at nagagalak ang aking Espiritu dahil sa Diyos na aking Tagapagligtas.
    Sapagkat nilingap niya ang kanyang abang alipin!
    At mula ngayon, ako’y tatawaging mapalad ng lahat ng salinlahi,
    dahil sa mga dakilang bagay na ginawa sa akin ng Makapangyarihan -
    Banal ang kanyang pangalan!
    Kinahahabagan niya ang mga may takot sa kanya, sa lahat ng sali’t saling lahi.
    Ipinakita niya ang lakas ng kanyang mga bisig,
    pinangalat niya ang mga palalo ang isipan.
    Ibinagsak niya ang mga hari mula sa kanilang trono,
    at itinaas ang mga nasa abang kalagayan.
    Binusog niya ng mabubuting bagay ang mga nagugutom,
    at pinalayas niyang wala ni anuman ang mayayaman.
    Tinulungan niya ang kanyang bayang Israel,
    bilang pagtupad sa pangako niya sa ating mga magulang,
    kay Abraham at sa kanyang lahi, magpakailanman!”
    Tumira si Maria kina Elisabet nang may tatlong buwan, at saka umuwi.
    #onlinemass #livestreammass #padrepiomass
    Roman Catholic Archdiocese of Lipa (RCAL)
    Parish and National Shrine of Saint Padre Pio - Batangas

Комментарии • 71

  • @lebasiadga7516
    @lebasiadga7516 27 дней назад +2

    thank u lord sa umagang bigay dalangin sa araw araw ay ang aking kagalingan sa sakit kung lymphoma cancer...sana po tunaw na at wala para matapos na chemo ko...maraming salamat po at patawad panginuon...st padre pio akoy iyong tulungan amen🙏🙏

  • @ImeldaErmita-ed3tg
    @ImeldaErmita-ed3tg 26 дней назад +2

    Dear St.Padre Pio please pray for my family’s, relative’s,in law’s, patient’s & friend’s ( Dixie C.) good health & safety, forgiveness of all our sins amen 🙏 Thank you for all the blessings & graces we’re receiving everyday amen 🙏

  • @oscarselda871
    @oscarselda871 27 дней назад +1

    San Padre pio pagpalain MO kami sa Lahat ng oras lalong Lalo na po ang aming mga pamilya maraming salamat po lord Jesus christ. Amen po 🙏💖🙏

  • @rosanaromasoc1411
    @rosanaromasoc1411 27 дней назад

    Mahal naming St Padre PIO muli yakapin po ninyo kami ng inyong mapagpalang panalangin at pagmamahal tungo sa aming kaligtasan, kagalingan, kapanatagan, kalakasan, Mahal naming St Padre PIO, ipamagitan Po ninyo kami sa ating Panginoong Hesukristo tungo sa kapatawaran ng aming mga kasalanan at tungo sa kaligtasan ng aming mga kaluluwa, salamat po, sa pangalan ni Jesus amen po amen 🙏❤️🙏

  • @RowenaMagnaye
    @RowenaMagnaye 27 дней назад

    Bigyan mo po kami nang kapayapaan sa araw araw. Amen

  • @user-mi7bo1ly5g
    @user-mi7bo1ly5g 27 дней назад

    San Padre Pio pagalingin nyo po kami sa aming mga karamdaman sa ngalan ng Panginoong Jesus Amen 🙏🙏♥️

  • @leahmoraldelovegrove4914
    @leahmoraldelovegrove4914 27 дней назад

    Panginoon kaawaan mo kami
    Cristo kaawaan mo kami
    Panginoon kaawaan mo kami ✝️🌹💖🙏
    Amen ✝️🌹💖🙏

  • @ampatinmelito7145
    @ampatinmelito7145 27 дней назад

    O Padre Pio idasal mo ako sa ating Panginoong Diyos Jesukristo na itong bagong natanggal na tubing sa aking baga ay i releave mo ang masakit na wound ...o Padre Pio sdasal mo ako.

  • @user-ow1bo4hr8g
    @user-ow1bo4hr8g 26 дней назад

    Santo padre Pio ipanalangin mo kami gabayan at patnubayanmo po kami bigyan mo po ako ng lakas ng katawan at ilayo mo kami anuman kapahamakan

  • @elisagravador8722
    @elisagravador8722 26 дней назад

    Saint Padre Pio Be Centre Of Our Life Amen 🙏 Thank You For The Gift Of Our Life Amen 🙏

  • @RowenaMagnaye
    @RowenaMagnaye 27 дней назад

    Magandang umaga po padre Pio. Pagalingin mo po ang mga may sakit sa awa at habag ni kristo. Hesus na ating panginoon. Amen

  • @eduardrivera1851
    @eduardrivera1851 26 дней назад

    Maraming salamat po Panginoon Hesus Cristo pinupuri ka po namin Panginoon Diyos Amen holy Mama Mary of Manaoag Mother of God, Saint Joseph, Saint Padre Pio ipanalangin nyo po kami at ilayu sa kapahamakan at mga sakit at gabayan araw araw at pagpalain nyo po kami Amen 🙏 ❤️ 💛 💛

  • @leilapena7209
    @leilapena7209 27 дней назад +1

    Praise and glory to God, and Jesus i trust in you Amen❤

  • @mjbulan2909
    @mjbulan2909 27 дней назад

    Lord thank you for everything st Pio pls heal us emotional physical financial pls help us to surpass my trials Amen 🙏🙏🙏💕❤️❤️

  • @user-qx4np9rw9k
    @user-qx4np9rw9k 25 дней назад +1

    Salamat sa dios amen ❤❤❤❤❤

  • @elisagravador8722
    @elisagravador8722 26 дней назад

    Panginoon, Dinggin Mo Po Ang Aming Panalangin Amen 🙏

  • @Jenseantravel
    @Jenseantravel 27 дней назад

    St padre pio ipanalangin mo kami. At pamilya ko at mga kapatid ko. Lalo na po nanay ko bgyan mo po sya ng madami pang kalusugan ❤🙏🙏🙏

  • @user-yw6om6sz4m
    @user-yw6om6sz4m 27 дней назад

    Lord maraming Salamat Salahat ng paggabay niyo sa pamilya ko araw-araw at gabayan niyo po kami lagi
    Amen Lord ❤️❤️❤️🙏🙏

  • @elisagravador8722
    @elisagravador8722 26 дней назад

    Lord Jesus Christ, Padre Pio, You Are My Light, My Strength, My Hope, And My Salvation, Please Help Me And My Daughter Amen 🙏

  • @elisagravador8722
    @elisagravador8722 26 дней назад

    Saint Padre Pio Thank You For Everything You Given To Us, Please Pray For Us My Children My Grandchildren Protect Guide All Of Us, Forgive Our Sins We Commit Amen 🙏 Please Pray For My Son To Rebuild His Self And Family, Guide Protect Keep Him Safety, Padre Pio Please Help Me To My Children My Family To Be Together Again, Padre Pio Please Hear My Prayers And My Intention Amen 🙏 Padre Pio Please Bless All Of Of Us Amen 🙏

  • @zendichosoalim6380
    @zendichosoalim6380 26 дней назад

    PadreJesusNazareno VIRGIN MARY PadrePio naway tulungan nyo na ibalik ang aking kalakasan.maraming salamat po naway DINGGIN nyo ang akin panalangin.Amen

  • @elisagravador8722
    @elisagravador8722 26 дней назад

    Saint Padre Pio Please Guide My Daughter Amen 🙏 Enlighten Her Heart And Mind, Erase All Hatered And Her Mind And Heart, Thank You Mama Mary Please Heal Her Amen 🙏 Please Help Me Back My Daughter To Us, Please Guide Me Give Strength And Hope Amen o

  • @elizabethsantos7452
    @elizabethsantos7452 26 дней назад

    Sto Padre Pio pray for us, for our safety, protection, guidance and good health of my husband, daughter, son, daughter in law, siblings and their whole families, relatives, friends and those who needs divine mercy🙏🙏🙏

  • @AmeliaTan-eu9zi
    @AmeliaTan-eu9zi 27 дней назад

    Santo Padre Pio thank you for everything and forgive all our sins.Thank you Mama Mary for the love of my family and bless us always.Amen 🙏🙏🙏

  • @erlaalibuga4082
    @erlaalibuga4082 26 дней назад

    St Padre Poo pray for us healing good health guidance and protection of my family relatives and friends especially my daughter and brother... In Jesus name Amen. Praying for the eternal repose of the soul Gilda and for all the faithful departed...may they rest in peace... Amen.

  • @elisagravador8722
    @elisagravador8722 26 дней назад

    Saint Padre Pio Please Pray For Me And Help Me To Heal My Whole Body, Touch Me With Your Hailing Hands Amen 🙏 Please Help My Son In Law To His Sickness Amen 🙏 Please Pray And Heal My Brother Sister To There Sickness, Please Pray And Heal Baby Faith And Gigi And Nowen, Please Help My Friend And Ray To There Eyes, Padre Pio Please Heal All Of Us Amen 🙏

  • @leahmoraldelovegrove4914
    @leahmoraldelovegrove4914 27 дней назад

    Amen ✝️🌹💖🙏
    At sumainyo Rin
    Amen ✝️🌹💖🙏

  • @EllianneHernandez
    @EllianneHernandez 26 дней назад

    Thank you po lord sana tuloy n tuloy n po paggaling nang aking anak.padre PIO stay with me lord... amen 🙏 🙏 🙏 ❤️♥️♥️

  • @leahmoraldelovegrove4914
    @leahmoraldelovegrove4914 27 дней назад

    Santo Padre Pio please hear me heal me guide me protect me bless me have mercy on me and my husband Barry all my whole family members my cousin Leticia and on the whole world Pray for us Amen ✝️🌹💖🙏

  • @elizabethsantos7452
    @elizabethsantos7452 26 дней назад

    Sto Padre Pio, please pray for me for the negative results of my chest ct scan🙏🙏🙏

  • @leahmoraldelovegrove4914
    @leahmoraldelovegrove4914 27 дней назад

    Halina at sambahin ang Hari ng mga Hari. ...✝️🌹💖🙏

  • @julitawalker5826
    @julitawalker5826 26 дней назад

    Thank you Padre Pio 🙏💕🙏Thank you Lord for all the blessings 🙏💕🙏Guide & Protect us always 🙏💕🙏Amen 🙏💕🙏

  • @manuelmalabanan9868
    @manuelmalabanan9868 26 дней назад

    God is Good grabe sobra-sobra!
    All the time God is Good!
    ❤️🙏🏻🙏🏻🙏🏻

  • @user-jt4in5gz6q
    @user-jt4in5gz6q 27 дней назад

    Dear Lord Jesus, thank you so much for all the blessings, Padre PIO pagpalain mo po ang apo ko na may exam Ngayon, help him na mkapasa. In Jesus name Amen.

  • @AllanCastro-ks9sl
    @AllanCastro-ks9sl 26 дней назад +1

    Thank you Lord Amen 🙏

  • @leahmoraldelovegrove4914
    @leahmoraldelovegrove4914 27 дней назад

    At pupurihin ka ng aking mga bibig.✝️🌹💖🙏

  • @concepcionbesana-raglon9094
    @concepcionbesana-raglon9094 26 дней назад

    For my healing and peace of mind amen thank you lord Amen God bless concepcion and Monica

  • @shienarosemendoza7968
    @shienarosemendoza7968 26 дней назад

    Salamat po Padre Pio.Amen

  • @manuelmalabanan9868
    @manuelmalabanan9868 26 дней назад

    Saint Padre Pio pray for us!
    ❤️🙏🏻🙏🏻🙏🏻

  • @manuelmalabanan9868
    @manuelmalabanan9868 26 дней назад

    Jesus Christ the son of God have mercy on us, forgive us our sins, heal and protect us!
    ❤️🙏🏻🙏🏻🙏🏻

  • @manuelmalabanan9868
    @manuelmalabanan9868 26 дней назад

    Salamat sa Diyos!
    ❤️🙏🏻🙏🏻🙏🏻

  • @concepcionbesana-raglon9094
    @concepcionbesana-raglon9094 26 дней назад

    Remove all anger from gary raglon amen thank you lord Amen God bless concepcion and gary for all your blessing lord and remove all our trials in our life amen thank you lord Amen God bless concepcion and gary 🙏

  • @RowenaMagnaye
    @RowenaMagnaye 27 дней назад

    Pinupuri. Ka namin Hesus kristo.

  • @RowenaMagnaye
    @RowenaMagnaye 27 дней назад

    Mahal na diyos peace be. With you.

  • @soledadabila7607
    @soledadabila7607 26 дней назад

    Salamat sa Diyos.

  • @concepcionbesana-raglon9094
    @concepcionbesana-raglon9094 26 дней назад

    For the good health of in tire family specifically John Avery and Clarita zapa amen thank you lord Amen God bless concepcion and Clarita

  • @RowenaMagnaye
    @RowenaMagnaye 27 дней назад

    Salamat. Po diyos. Amen

  • @elisagravador8722
    @elisagravador8722 26 дней назад

    Solemnity Of The Assumption Of The Blessed Virgin Mary Pray For Us, And Please Help Heal Us Amen 🙏 Be With Us Always Amen 🙏

  • @elisagravador8722
    @elisagravador8722 26 дней назад

    Nasa Kanan Mo Ang Reyna, Maningning Sa Gintot Ganda Amen 🙏

  • @prayingtherosaryJM
    @prayingtherosaryJM 26 дней назад

    Father, bless humanitarian efforts with unity. Help organizations and individuals to work together effectively, bringing relief to those in need. Amen.

  • @amyg882
    @amyg882 27 дней назад

    Forgive us, we thank and love you Our God, Lord, Mama Mary and Holy Spirit🙏❤️

  • @leilapena7209
    @leilapena7209 27 дней назад +1

    Thanks be to God, salamat Panginoon sa gabay at patnubay mo sakin, mga anak at apo..keep them safe from harm in all this i ask thru Jesus your Son, i pervently Pray🙏🏽😊✋❤💜💗💞

  • @litta2043
    @litta2043 27 дней назад

    magandang umaga pong muli sa inyong lahat na panginoon mahal na ina ng lgaing saklolo mahal na padre pio at lahat ng mga santo at santa narito po akong muli at humihingi ng tawad sa lahat ng aking mga kasalanan atngayon po ay muli kamingnagpapasalamat at kami ay muli ninyong ginising sa umagang ito kaya po walang hanggang pasasalamat namin at kami ay muling nagising sa arawaraw kaya po ako ay muling humihingi ng gabay at patnubay sa inyong lahat na kami ay gabayan ninyo para sa aming maganak lalo po ako na marami ng nararamdamang sakit sa aking buong katawan kaya po hiling ko sa inyong lahat na ako ay inyong lahat na ako ay inyong haplusin ng inyong mapaghimalang mga kamay ng sa gayon po ay mapalis ang lahat ng sakit sa aking buong katawan sa tulong po ninyong lahat ay mawala ang lahat ng sakit na aking nararamdaman sa aking buong katawan pati na po itong aking companyo anak manugang apo at lahat ng mahal ko sa buhay at ngayon po ay muli akong humihingi ng gabay at patnubay para dito sa dalawa kong anak na sila ay gabayan ninyong lahat sa kanilang arawaraw na pagtatrabaho at paglalakbay ng sa gayon po sila ay makauwi ng ligtas sa kanilang pamilya at ito pong isa ay muli koring inihihingi ng gabay at patnubay sa inyong lahat na siya ay gabayan ninyo dito sa kanyang masamang bisyo na ipinagbabawal na gamot para siya ay inyong mailayo ito po ay hiling at dalangin sa inyong lahat ng isang ina na nagsusumo at nagmamakaawa sa inyong lahat na ako ay inyong matulungan dito sa problemang itoaking anak na siya ay mailayo ninyo dito sa kanyang masamang bisyo na ipinagbabawal na gamot kaya po mahal na ama ako muli ring humihingi saiyo ng awa na ako ay iyo ring matulungan dito sa problemang ito sa aking anak na siya ay mailayo morin dito sa kanyang bisyong ito alam kopo naman na walang impossebli saiyo pagikaw ang maygawa kaya po wala akong sawang nàgsusumo at nagmamakaawa saiyo na sana ay iyong maipagkaloob itong aking hiling at dalangin sa inyong lahat at mailayo rin ninyo sa mga taong siyang naglululong sa kanya sa bisyong ito na ipinagbabawal na gamot alam korin po mahal na ama na lagi po kayong nasa aming tabi at laging handang tulungan sa orasoras arawaraw at hindi ninyo kami pinababayaan at laging handang tulungan sa oras ng aming panggailangan kaya po walang hanggang pasasalamat sa inyong lahat sa mga tulong na inyong ipinagkakaloob sa amin kaya po ako ay muli pong humihingi ng biyayang ipagkakaloob sa amin ang biyayang siksik liglig at umaapaw na biyaya kaya po maraming marami pong salamat sa lahat ng tulong na inyong ipinagkakaloob sa aming lahat salamat pong muli sa lahat

  • @manuelmalabanan9868
    @manuelmalabanan9868 26 дней назад

    Mary & Joseph pray for us!
    ❤️🙏🏻🙏🏻🙏🏻

  • @manuelmalabanan9868
    @manuelmalabanan9868 26 дней назад

    To God be all the Glory!
    ❤️🙏🏻🙏🏻🙏🏻

  • @leahmoraldelovegrove4914
    @leahmoraldelovegrove4914 27 дней назад

    Amen ✝️🌹💖🙏

  • @user-mx6fx5ns1y
    @user-mx6fx5ns1y 27 дней назад

    Special intention for my healing Corazon Rivera

  • @elsasalcedo1389
    @elsasalcedo1389 26 дней назад

    Amen

  • @vanessaservo5438
    @vanessaservo5438 26 дней назад

    Praying for my brother PR application

  • @user-mx6fx5ns1y
    @user-mx6fx5ns1y 27 дней назад

    Special intention for my Family Corazon Rivera

  • @shienarosemendoza7968
    @shienarosemendoza7968 26 дней назад

    🙏🙏🙏

  • @ghinaghacosta2505
    @ghinaghacosta2505 26 дней назад

    Mahal na Padre Pio ingatan mo po ang aming kalusugan at kabuhayan maraming salamat po kasi lagi andyan para sa aming lahat ❤😇🙏

  • @RowenaMagnaye
    @RowenaMagnaye 27 дней назад

    Minamahal ka namin. Kristo Hesus. Amen

  • @user-es9od6jk9q
    @user-es9od6jk9q 25 дней назад

    Thank s you Lord God . For the blessing Today Amen🙏🙏🙏❤️❤️❤️

  • @lizajoosten5165
    @lizajoosten5165 26 дней назад

    Salamat father pio.amen

  • @belenmangiliman1031
    @belenmangiliman1031 26 дней назад

    Salamat sa Dios.Amen

  • @user-mx6fx5ns1y
    @user-mx6fx5ns1y 27 дней назад

    Salamat sa Diyos 🙏🙏🙏💓

  • @user-mx6fx5ns1y
    @user-mx6fx5ns1y 27 дней назад

    Thank you Lord

  • @user-vz1gk7up1t
    @user-vz1gk7up1t 27 дней назад

    Amen

  • @manuelmalabanan9868
    @manuelmalabanan9868 26 дней назад

    🙏🏻🙏🏻🙏🏻

  • @elsasalcedo1389
    @elsasalcedo1389 26 дней назад

    Salamat sa Dios