Joel Costa Malabanan - Walang Santo sa Dilim

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 8 сен 2024
  • Walang Santo sa Dilim
    Musika at Titik ni Joel Costa Malabanan (8/29/1992 DSAC)
    Sa mga sandaling nakaw na eksena
    Bawat minuto ay mahalaga
    Sa panahong mapanukso ang kapusukan
    Damdami’y di mapigilan
    Kasalanan man ay nalilimutan
    Sa minsang pagkikitang hiram na sandali
    Huwag kang umasang di magkakamali
    Sabi nga: “ang kahoy mang babad sa tubig
    Idarang sa apoy at magniningas din”
    Kaya’t huwag mong pagtakhan
    Sapagkat walang santo sa dilim
    Sa gabing malamig at kulimlim
    Kahit pa ang estatwang bato
    Kikilos at gagawin ang gusto
    Sapagkat walang santo sa dilim
    Matino ma’y natutukso rin
    Ang pagakakatao’y di dapat sayangin
    Ang mundo’y sarilihin natin
    Kung buo ang tiwala at ang pagtingin
    Walang dahilang damdami’y pigilin
    Pangamba ay iyong alisin
    Isipan ay huwag guluhin
    At ang mga kaluluwa’y pag-isahin
    Sapagkat walang santo sa dilim
    Sa gabing malamig at kulimlim
    Kahit pa ang estatwang bato
    Kikilos at gagawin ang gusto
    Sapagkat walang santo sa dilim
    Matino ma’y natutukso rin
    Ang pagakakatao’y di dapat sayangin
    Ang mundo’y sarilihin natin

Комментарии • 3

  • @joelcostamalabanan
    @joelcostamalabanan 3 месяца назад

    Tinig, back-up vocals at gitara: Joel Costa Malabanan
    Areglo: Levy Bartolome
    Maigi ngang marinig ng marami habang ako ay BUHAY PA.

    • @danaloc
      @danaloc  3 месяца назад

      '92 mo pa pala ito sinulat sir!

    • @joelcostamalabanan
      @joelcostamalabanan 3 месяца назад

      @@danaloc Yes, may isa pa akong recording na may full music arrangement