SIYAM-SIYAM Musika at Titik ni Joel Costa Malabanan Siyam-siyam inabot nang siyam siyam Nalilibang pa rin sa sayawan at tawanan Siyam-siyam nabubulag sa kamangmangan Nakangiti sa problemang ngayo'y pasan-pasan Jack and Poy Pork barrel nangangamoy! Mga nangungurakot mas masahol sa unggoy Aasenso pa ba, buhay nitong Pinoy Kung sa kahirapan sambayana’y tumataghoy Bumbero, bumbero may sunog Saan, saan sa puwit ng kalan Ang lupang sakahan golf course na ng dayuhan Mga magsasaka ay napabayaan Nanay mong maganda caregiver sa Taiwan Ate mong masungit dancer na sa Japan Batu-bato sa langit presyo ng gasolina Tumataas, tumataas parang matrikula Pen pen de sarapen bayan ko'y kapit sa patalim How how de carabao nabenta na ang lupain Gipit namimilipit, hustisya'y nasa langit Ginto't pilak ipinagkait sa mga batang yagit Mga magsasaka sa Hacienda Luisita Hnagad ay reporma ang sumalubong ay bala Mga kahoy pinutol at naningil ang kalikasan Delubyo ng baha ang bitvbit ay kamatayan Mga mamahayag minasaker sa Maguindanao Hanggang ngayon hustisya ay hindi pa matanaw Sinong dapat sisihin, anong dapat gawin? Daang tuwid ay nasaan? hinahanap pa rin! Inaagaw ng China, dagat natin at lupa Mga kabataan ay KPop ang sinasamba K-12 pinatupad na, ano ang aasahan? Kung diwa at bituka’y hawak na ng dayuhan? Kabi-kabila ang pagpatay sa aktibista Mag-ingat pag pinaratangan kang isang komunista Berdugong militar ang naghahari-harian Siyang pasimuno ng mga karahasan. Siyam-siyam inabot nang siyam-siyam Naghahanap pa rin sa tunay na kalayaan Siyam-siyam-naaliw sa kamangmangan Nakangiti sa problemang ngayo'y pasan-pasan Salot na VFA ay dapat buwagin Mga sundalong Kano ay dapat na palayasin Alam mo ba kaibigan ang tunay na terorista Ay ang gobyernong ito na tuta ng Amerika! Siyam-siyam inabot nang siyam-siyam Bansa nati’y sakal-sakal pa rin ni Uncle Sam Anong kabuluhan nitong kalayaan Ipinagdiriwang gayong hindi nakakamtan? Siyam-siyam pababayan bang ganyan? Saan na napunta ang pag-asang kabataan? Siyam-siyam ang pagbabago'y dapat simulan Kumilos at ang bayan ay siyang paglingkuran! (Mapapakinggan at maaaring i-download ang awit sa: soundcloud.com/maestro-520150922/siyam-siyam-2016)
SIYAM-SIYAM
Musika at Titik ni Joel Costa Malabanan
Siyam-siyam inabot nang siyam siyam
Nalilibang pa rin sa sayawan at tawanan
Siyam-siyam nabubulag sa kamangmangan
Nakangiti sa problemang ngayo'y pasan-pasan
Jack and Poy Pork barrel nangangamoy!
Mga nangungurakot mas masahol sa unggoy
Aasenso pa ba, buhay nitong Pinoy
Kung sa kahirapan sambayana’y tumataghoy
Bumbero, bumbero may sunog
Saan, saan sa puwit ng kalan
Ang lupang sakahan golf course na ng dayuhan
Mga magsasaka ay napabayaan
Nanay mong maganda caregiver sa Taiwan
Ate mong masungit dancer na sa Japan
Batu-bato sa langit presyo ng gasolina
Tumataas, tumataas parang matrikula
Pen pen de sarapen bayan ko'y kapit sa patalim
How how de carabao nabenta na ang lupain
Gipit namimilipit, hustisya'y nasa langit
Ginto't pilak ipinagkait sa mga batang yagit
Mga magsasaka sa Hacienda Luisita
Hnagad ay reporma ang sumalubong ay bala
Mga kahoy pinutol at naningil ang kalikasan
Delubyo ng baha ang bitvbit ay kamatayan
Mga mamahayag minasaker sa Maguindanao
Hanggang ngayon hustisya ay hindi pa matanaw
Sinong dapat sisihin, anong dapat gawin?
Daang tuwid ay nasaan? hinahanap pa rin!
Inaagaw ng China, dagat natin at lupa
Mga kabataan ay KPop ang sinasamba
K-12 pinatupad na, ano ang aasahan?
Kung diwa at bituka’y hawak na ng dayuhan?
Kabi-kabila ang pagpatay sa aktibista
Mag-ingat pag pinaratangan kang isang komunista
Berdugong militar ang naghahari-harian
Siyang pasimuno ng mga karahasan.
Siyam-siyam inabot nang siyam-siyam
Naghahanap pa rin sa tunay na kalayaan
Siyam-siyam-naaliw sa kamangmangan
Nakangiti sa problemang ngayo'y pasan-pasan
Salot na VFA ay dapat buwagin
Mga sundalong Kano ay dapat na palayasin
Alam mo ba kaibigan ang tunay na terorista
Ay ang gobyernong ito na tuta ng Amerika!
Siyam-siyam inabot nang siyam-siyam
Bansa nati’y sakal-sakal pa rin ni Uncle Sam
Anong kabuluhan nitong kalayaan
Ipinagdiriwang gayong hindi nakakamtan?
Siyam-siyam pababayan bang ganyan?
Saan na napunta ang pag-asang kabataan?
Siyam-siyam ang pagbabago'y dapat simulan
Kumilos at ang bayan ay siyang paglingkuran!
(Mapapakinggan at maaaring i-download ang awit sa: soundcloud.com/maestro-520150922/siyam-siyam-2016)