INGCO 900W GENSET AFTER A YEAR, OKAY PA DIN BA?
HTML-код
- Опубликовано: 26 июл 2024
- After a year ginawan ko ulit ng video ung Ingco 900w genset ko. Kung ano ung mga ginagawa ko para i-maintain at mga simpleng tanong na sinagot ko sa video.
#diy #ingco #genset #homeimprovement #generator
Ayos! May other recommendations po kau na other brands na mas okay? Thanks
Wala pa po ako natry na ibang brand. Kpag nakatry po ako gawan ko din ng video. Thanks din po.
sir ano solution sa ingay. pede po ba lagyan ng muffler? un sa exhaust pede din ba lagyan ng hose para un usok ma direct ang takbo nasa looban kc kmi. meron ba nabibilin na tank indicator kung ano na status ng laman ng tank? thank you.
@@diegodelossantos9244 hindi ko pa natatry sir. Pero tingin ko pwede yan lagyan sa muffler at pwede din madirect yung usok, basta wag lang tatakpan. Kung meron ka pwede ikabit na muffler try mo sir para mabawasan yung ingay. Tsaka kelangan ilayo mo yung usok ksi hindi pwede mainhale yung usok kung nasa looban kayo.
Ilang letro ang full tank idol.. Respect poh idol
apat na litro and full tank nito idol.
sir matipid po ba ito sa gas balak ko kasi bumili gagamitin lang pag brownout wifi, charge ng phone, ilaw at electricfan
@@delacruzjohnricharda.8124 yes sir, matipid po ito sa gas. Maliit lang ksi kaya matipid sa gasolina.
Sir pwede ba to for laptop plus 1 monitor. Tapos 2 electric fan?
pwede po sir
Kaya ba boss nito ang 2 laptop.. 2 fan at 1 wifi router..?
Ganu ka lakas ung ingay nya boss?
Yes, boss kaya nyan ang 2 laptop, 2 electric fan at wifi router. Maingay ito boss, parang tunog ng motorsiklo na umaandar ng tuloy2. kung maselan ung kapitbahay nyo, maiingayan sila.
ilan oras tatagal pag isang fan lng gagamitin minsa kasi 12 hours b out dito saamin
8 hours po, tapos refill na lng po kayo kapag naubos na gasolina. Grabe naman ang brownout sa inyo na 12 hours. Kelangan nyo po tlga ng gen set.
Ano po kaya solution kapag ayaw mag start ? Di po kasi pinaandar ng 2 Months after mawalan ng gasolina
Ganyan din po nangyari sakin. Nagkaron po yan ng stuckup sa karburador. Kung alam nyo po kung paano baklasin ung karburador, tapos linisin nyo para mawala yung bara. Pero kung hindi nyo alam, dalhin nyo sa mga nagaayos ng motorcycle, alam nila kung paano ayusin.
Yung sa amin po hindi pino ang andar.
Maririnig mo tlaga na parang nag wa wild.
Tataas bababa. Tataas bababa.
Ano kaya problema
Baka boss overload? ksi kapag overload nahihirapan yung makina. Or kpag hindi naman, pihitin nyo po yung choke hanggang makuha nyo ung consistent na rpm yung hindi nagbabago yung bilis ng makina.
Boss ano kaya reason after 2hours of use..bigla nalang namatay and nung tntry ko buksan ulit hindi ko mapaandar. Ang load lng ns 200watts
Boss ito ung mga possible na reason:
1. Naubos na ung gasolina
2. Nawalan hangin yung choke, baka pwede iadjust ung choke habang umaandar.
3. Nasira ung sparkplug at kelangan palitan.
4. Na-stuck ng matagal at nagkaron build-up sa karburador, kaya nung bumara na ung oil nagstop na at ayaw na magstart.
kung ayaw pa din magstart, ipacheck nyo po sa pinagbilhan ninyo para ma-ayos nila.
Anung recommended AVR since prone sa power surge si ingco?
Wala nman po ako ginagamit na AVR, wala naman po nagiging problema sa mga pinaplug ko. Try nyo din po itanong sa pagbibilhan nyo kung ano recommend nila na AVR.
Malakas.po sa gas..2 litro 2 0ras lang..electricfan,cp,wifi router lang nakasaksak
@@jeffreytirados6355 baka po mabilis yung rpm kaya mabilis maubos ung gas, try nyo po iadjust sa choke. Ksi yung sakin po hanggang ngaun matipid pa din sa gas.
Hello sir. Okay po ba siya sa pc set po? 1 desktop lang po then monitor. Yan lang po. Wala na po ibang naka saksak.
@@criszelcristobal9398 hello po, hindi po pwede pc, laptop po ang pwede.
Good afternoon sir, ilang electric fans na 65watts ang kayang paandarin nyan? 😊😊
4 na Asahi 65 watts na electric fan ang pinaka-madaming electric fan na nagamit ko ng sabay-sabay :) di ko lang sure kung may nakagamit na ng masmadami pa.
Salamat sir. Buy din ako nyan sa future. 😊😊😊
@@corleonemichael21 walang anuman sir
Ganan.din samin.idol inco 900w..hindi namn 4.kiters ung laman ng tangke..2 liters lang puno na ahad siya..bakit ganun sa.manual 4 liters capacity nung tangke..ang liit pala ng tangke
@@jeffreytirados6355 4 liters po yung tangke nyan, imposible pong 2 liters lang idol.
mapapagana po ba nyan twintub washing machine?
Hindi po boss, maliit po ito para sa washing machine. Dapat po masmalaking genset.
Boss yung ganyan ko walang kuryente papunta spark plug ano kaya problem?
Hindi ko pa na-encounter yung ganyan problema boss. Pinalitan mo na ba spark plug?
kaya po ba sya 2 monitor 1 cpu at wifi router?
Hindi po, baka masira pc nyo. Bili po kayo masmalaking genset yung 4000 pataas. Laptop lang po ang kaya ng genset na ito.
Buss paano malagyan ng asiti sa makina ng jenerayor
Yung oil po ay hinahalo sa gasolina, panuodin nyo po yung isang video ko na tungkol sa pagmix ng oil at gasolina.
Hi po, kabibili ko lang po ng ganyang unit sa lazada last June 2024, and weekly ko po sya pinapaandar. Then, kahapon nagbrown out gang 6am kinabukasan, gamit ko yung generator from like 12hrs(nahihinto din po kasi nauubusan po ng gas every 5hrs). Nung nahkaroon ng po ng kuryente, at itatabi ko na po ang generator, napansin ko lang po na may oil leak sa sahig sa magdamag ko syang gamit gamit. I think mga 1 tablespoon ang dami ng oil leak nya at sinundan ko kung saan nangagaling, sa may bandang part sya ng spark plug which is yung may cover. Ask ko lang po kung normal lang po ba yun? Salamat po.
@@rjsioson9106 ganyan din po yung sakin, parang kulay black na langis pero konti lang. Hindi naman po yun oil leak ksi nakahalo naman yung oil sa gasolina. Discharge lang po yun galing sa tambucho. Okay lang po yan.
@@Kent_Vlogs i see. Nakakabother lang po, baka po kasi bigla magkaproblema sa mga susunod na pag gamit ko sa unit. Maraming salamat po sir Kent sa quick response nyo! Malaking tulong po itong video nyo at kaya ko po naconsider bilin si Ingco Generator dahil sa inyo. Hehe. Mabuhay po kayo! Ingat po lagi, salamat po ulet!
matipid po ba sa gasolina?
Ilang electric fan at cellphon at ilaw isama na ang wifi kaya ba sir?
Kaya yan sir basta hindi ka lalagpas sa 800w para safe.
Eelctric fan 65w
Ilaw 20w
Cp charger 18w
Wifi router 10-20w
@@Kent_Vlogs sir kahit ilang extension po ba pweding gamitin sir kc up and down bahay nmin ..balik ko po kcng bumili nyan enggco 900w
Sorry late reply, di ko nabasa agad. Hanggang 2 extension lang po ang natry ko at wala naman naging problema. Hindi din ksi advisable na gamitan ito ng dugtong dugtong na extension. Bili na lng po kayo ng mahabang extension mga 20ft pataas para abot hanggang sa taas ng bahay.
Master kaya ba Yan Ng 8 to 12 hours?
Kaya yan boss pero bigyan mo 30min break every 4 hours. Tapos refill ka kapag konti na gasolina. Pero kung tinatanong mo kung kaya ng 8 hours ung 4 liters? Oo kaya pero yung 12 baka hindi.
Ang ingay pala nyan boss 😂😂. Hindi pwedeng gamitin sa gabi, baka mabarangay tayo nyan. 😂😂. ✌️✌️❤️❤️
Oo boss maingay din yan. Parang tunog ng motorsiklo. Kapag malapit yung kapitbahay maiingayan.
Brownout nga db pake nila inggit sila may ilaw kayo😅
My indicator poba if malapit na maubos Gasolina?
Wala po, kelangan tanggalin yung cap para makita kung konti o madami pa yung gasolina.
Boss, magkano ho Price nang Ingco 900 W na generator.
Nung nabili ko po ito one year ago 5K pero ngaun 6K na po ata ito.
@@Kent_Vlogspwede sa aircon yan
Kaya po ba 2 monitor 1 pc tas wifi at 1 electric fan?
Hindi po. Bili po kayo masmalaking genset mga 4000w pataas para kaya yung monitor at PC.
mga ilang oras/liter ng gasolina konsumo neto, boss?
mga 2 hours per liter boss
@@Kent_Vlogs salamat boss
Boss un akin bigla nlng humihinto kahit kalahati pa laman? Ano kaya problema nun
sorry boss late reply. Baka boss nagoverload, ksi kapag nagoverload yan bigla magooff.
Sir ilang litro kunsomo neto per hr of use
cguro mga 0.5L per hour
@@Kent_Vlogs salamat po sir :)
may change oil ba to sir?
Wala pong change oil ito sir. Hinahalo ksi yung oil sa gasolina
boss ilang oras yan pwede paganahin?
yung 4 liters kaya nyan 8 hours, pero break lang every 4 hours para may pahinga.
@@Kent_Vlogs maraming salamat boss. unit on hand na. malaking tulong mga tips mo dito
pwede po ba sa tv at amplifier sir?
ginagamit ko po yan sa 32inches na LED TV, hindi po yan pwede sa amplifier. Bili po kayo masmalakas na gen set para sa amplifier.
@@Kent_Vlogs salamat po sir sa info!
Wala ba talaga engine oil yqn ?
Meron po, hinahalo sa gasolina.
meron oil sa loob yan boss di pwdi wala engine oil yan kc my gearings yan.. parang ung air compressor ko na vespa sabi no need i change oil pero buti kinalkal ko kc ung engine oil nya marumi na
wala kasi sa manual boss na meron syang separate oil. binaklas na namin ito dati ksi nagkaron ng blockage sa karburador. Wala naman kami nakitang lagayan ng oil. Tlgang nakahalo lang sa gasolina ung oil.
@@Kent_Vlogs ganon po ba balak ko rin po sana bumili nyan halimbwa po naubos ung full tank nya pwdi nba ulit salinan ng gas at gamitin agad khit d n pag pahingahin?? tnx sa sagot
hinahalo po ang oil sa gas.
@@leonardtungol5446 mas-okay boss kung bibigyan mo ng 30min break every 4 hours. tapos habang naka-break saka mo salinan ng gasolina. Maliit lang ksi ito at baka masira kung hindi pagpapahingahin. Yung malalaking genset pwede yun kahit tuloy2 ng walang pahinga.
Walang engine oil tlga yan kasi 2 stroke..pero meron yan 2t oil na hinahalo sa fuel as lubrication
Magandang araw po, pwede ko ba hindi isara ng tuluyan ung choke habang umaandar?
Magandang araw din po, opo pwede kahit hindi nakasagad yung choke basta normal yung andar ng makina, hindi mabilis at hindi din mabagal.
Salamat Po
@@Demsie54 wala pong ano man
Bossing bakit kaya after 2hours. namamatay ng kusa ung generator?
@@Demsie54 baka boss masyado mabagal ung makina, ksi kpag inaadjust ung choke kelangan marinig mo kung bumabagal ung rpm. Kapag overload pwede din mamatay bigla. Try mo boss na wag gamitan ng madaming appliances.
Kaya ba nia aircon
Hindi po, pang electric fan lang po yan.
Pwede po ba di na aalisin ang oil sa generator?
Yung gasolina po ba? Ksi yung oil po nakahalo sa gasolina. Okay lng po na hindi na alisin ang gasolina sa loob ng generator. Basta po papaandarin nyo every month or twice a month para hindi bumara sa karburador.
@@Kent_Vlogs salamat po.
@@liveloveandhope wala pong anuman
nakabili na ako boss@@Kent_Vlogs . nakakatawa lng kasi di ko kaya i-on. mahina ata hatak ko po
@@liveloveandhope dpat po pwersado tlga ung hatak. Kasi kapag mahina hindi po yan magsstart. Sa una lang po yan, pero kapag napulsuhan nyo na yan, alam nyo na kung gaaano kalakas yung hatak :) ganyan din ako nung una, natatakot ksi ako baka maputol. Pero ngaun isang hatak lang napapastart ko na agad.
Sobrang ingay ba boss?
Maingay po parang motorsiklo na tuloy tuloy. Kpag malapit po sa kapitbahay maiingayan po sila at mangangamoy gas. Try nyo po yung mga silent type na genset.
@@Kent_Vlogs thank you, apartment kasi dito sa amin, so need ko sana ng generator na hindi maingay dahil laging brown out at papalapit na naman ang tag ulan for sure madami na naman brown out.
@@Kent_Vlogs meron po ba kayo marerecommend na generator na silent type na budget friendly din po?
Sorry po late reply. Kapag silent type po ksi na genset mahal po tlaga. Lalo na ung mga inverter na silent type. Wala po ako marerecommend ksi hindi pa po ako nakakagamit ng ganun. Search po kayo sa ibang yt video cgurado may makikita po kayo dyan.
Bakit po yung sa amin mausok? Any reason po dun?
Mausok din po yung sa akin, hindi lang kita sa video. Mausok po ito at malakas din ang amoy ng gas, kaya dpat po malayo pa din sa tao. Pero kpag black po yung usok baka po sa mixture nyo ng gas at oil.
Ilang oras po tinatagal ng 4 liters?
Ang 4 liters po ay tumatagal sakin ng 5 hours. Matipid po ito sa gasolina
Ano ung mga gamit mo na appliances sa 5hrs na yan?..max load mo ba unf 800w cap?..
@@BOUNTYEATER 3 electric fan, wifi router, laptop tapos minsan 32 inch na led tv ang usually na load nyan. Hindi ko po nasasagad sa 800w.
Mga boss, pwede ba ito i Tap sa buong bahay. Like limang ilaw dalawang electricfan lang naman ang gagamitin ?
Hindi po boss, masyado po ito maliit para i-tap sa bahay. Baka magcause ito ng sunog. Magconsult po kayo sa electrician para sigurado.
Magkano po
Nabili ko po ito last year ng P5,000 sa ingco hardware.