'Mga Selda ni Sita,' dokumentaryo ni Atom Araullo | I-Witness

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 11 дек 2024

Комментарии • 1,7 тыс.

  • @marysansidro6859
    @marysansidro6859 11 месяцев назад +1072

    Nakakalungkot, nakakapanlumo at nakakagalit na kailangan pang ma i TV bago kumilos ang LGU. Napaka hirap magkaroon ng sakit sa isip sa bansa natin. Nakakaawa rin si Nanay dahil mahina na siya. Nawa'y makuha nila ang tulong na kailangan nila bago pumanaw si Nanay. Salamat iWitness! Isang napaka makabuluhang episode po.

  • @darwincombate6402
    @darwincombate6402 11 месяцев назад +97

    Ang bait ni Tatay Marcelo at pamilya nito, handang tumulong kay Nanay Sita sa pag alaga ng mga anak ni Nay Sita na may sakit sa pag iisip.Mabuhay po kayo Tatay Marcelo and God bless u more .

  • @levibodota4865
    @levibodota4865 11 месяцев назад +389

    saludo sa pamilya/kapitbahay na tumutulong kay Nanay na hindi man lang humihingi ng anomang kapalit o appreciation. Kusang tumutulong at nagbibigay.
    saludo rin kay Sir Atom sa pagbabahagi sa publiko ng kwento ni Nanay naway magsilbi itong panawagan upang lumaganap ang humanitarian spirit.

    • @MyrnaYabut-d9t
      @MyrnaYabut-d9t 11 месяцев назад +1

      Suklian po kayo Ng Ama mabuhay po kyo

  • @abbyferrera
    @abbyferrera 11 месяцев назад +19

    Sobrang bait nung kapitbahay. Sila yung instrumento ni God para kay nanay. Sana siksik liglig at umaapaw ang balik para sknya.

  • @ellagada820
    @ellagada820 11 месяцев назад +53

    This kind of documentary will make you realized na kung pagod kana may mas pagod pa .kung nahihirapan kna mas may nahihirapan pa. 😪😭😭😭

    • @merjannesepe8876
      @merjannesepe8876 8 месяцев назад

      B

    • @getblacked1351
      @getblacked1351 7 месяцев назад

      sila yung mga hindi makaboses sa gobyerno, kaya sana ikaw yung maging boses nila. Kung may nakikitang korapsyon sana ikaw ang sumigaw para sa kanila.

  • @teresapacon1095
    @teresapacon1095 11 месяцев назад +40

    Kahit hindi sila nagsabi sa akin na mahal nila ako mamahalin ko pa din sila kasi anak ko sila 😭 grabe ang pagmamahal ni nanay.

  • @adrianpayag7846
    @adrianpayag7846 11 месяцев назад +151

    Ang sama ko na anak ..nung napanood ko ito ..bigla akong napaluha ..ang salbahe ko pala sa nanay ko .. pero ganun pa man sisikapin kong maging mabuting anak ..salamat ma ❤❤

    • @gobasplaymlbb
      @gobasplaymlbb 11 месяцев назад +8

      May pagkakataon pa par bumawi ka at paramdam at pakita mo sa magulang mo godbless

    • @L_Leocel
      @L_Leocel 11 месяцев назад +5

      Npaluha nmn ako sa comment na to

    • @jhunmercurio4125
      @jhunmercurio4125 11 месяцев назад +3

      Habang nbubuhay p po mga magulang ipadama ntin Ang pgmamahal sakanila..nmimis ko na mama ko in heaven..3yrs na pero masakit p rin..

    • @johnpolcaestilloso1989
      @johnpolcaestilloso1989 10 месяцев назад

      tani makita sng kilala q bha..

    • @blessedentity8672
      @blessedentity8672 10 месяцев назад +1

      Habang buhay p nanay mo mkkbawi ka pa..ang magulang di mttwaran ang pgmmhal sa anak

  • @nelsongregoriojr.3388
    @nelsongregoriojr.3388 11 месяцев назад +53

    Sa daming problema na iniisip nanliit ako sa stwasyon nila nanay at mga anak. May Diyos talagang nagmamahal sa pamamagitan nila kuya na tumutulong kay nanay at mga anak. Salamat atom. Sana mamulat ang ating pamahalaan sa pangangailan ng mental health facilities sa ating bansa❤️

  • @AlliauneThiamFrozen
    @AlliauneThiamFrozen 11 месяцев назад +114

    Biggest respect sayo kuya marcelo at sa iyong asawa… wala po talaga akong masabi sa inyo… sana po more blessing dumating sa pamilya niyo…
    Sana i-witness, mamonitor niyo po na continues ang marereceive na tulong nina nanay…. Kasi nakakalungkot na saka lang may action ang LGU ngayong maipapalabas na sa national tv ang kwento nina nanay

  • @markanthonygimeni9705
    @markanthonygimeni9705 11 месяцев назад +48

    Grabe talaga ang pagmamahal ng isang ina sa mga anak niya. Salute sa mag-asawang umaagapay kay nanay. ❤

  • @babycoy7930
    @babycoy7930 11 месяцев назад +166

    Salute kay Kuya Marcelo(caretaker). Grabe po yung sakripisyo niyo para sa mag iina. Hindi natutulog amg Diyos magkakaroon kayo ng blessings. And to Nanay Sita, hindi po matatawaran yung pagmamahal at sakripisyo niyo para sa anak niyo. Sana bigyan pa kayo ni Lord ng malakas na pangangatawan para maalagaan niyo sila. As a first time mom, lagi kong aalalahanin kung paano niyo mahalin ang mga anak niyo. Wonder mom ka Nanay Sita napakatatag mo. Walang katumbas ang lahat ng sakripisyo mo. May God bless you po 😇

  • @JohnDuyag
    @JohnDuyag 10 месяцев назад +5

    Im sure na proud na proud ang mga anak ni Tatay Marcelo. Thank you po sa inyo.

  • @wildrabbit5817
    @wildrabbit5817 11 месяцев назад +57

    Kung sino man ang researcher nito Kudos 👏🏼👏🏼👏🏼. Sana ganito ang pinapalabas na documentary para nmn nalalaman ang mga sitwasyon ng mga kababayan natin sa liblib na lugar . Sana mga vlogger ganito ang gawin nyong content , hindi ako mag skip ng ads.

  • @litobacuetes
    @litobacuetes 11 месяцев назад +31

    May liwanag din na dumating kay Nanay, Diyos ko po ilan taon nya po yan pinagdarasal at sa wakas nadinig ang kanyang panalangin. Iba talaga ang pagmamahal ng isang Ina, walang salita ang makakatumbas sa kanyang sakripisyo para mga anak. Napakabuti ng Panginoon. Sir Atom mabuhay po kayo sampu ng mga kasamahan nyo sa GMA.
    Iba din nagagawa ng Camera kapag naitutok na sa mga walang silbing namumuno. Nakakalungkot sa parte ng mga manunuod dahil iyon ang katotohanan. 😢

  • @maeroma9419
    @maeroma9419 11 месяцев назад +23

    Mas naiyak ako kila tatay, sobrang pure ng puso nyo po. Bago pa man sila ma TV anjan napo kayo tumutulong na walang hinihintay na kapalit. Lahat ng kabutihan na itinanim nyopo ay babalik sanyo ng siksik liglig at umaapaw 🙏
    Godbless po sainyo.

  • @aryastark4724
    @aryastark4724 11 месяцев назад +14

    grabe luha ko 😭😭😭 It is indeed a mother's love..and salute to tatay Marcelo's family ❤️🙏

  • @gregoriobernarte4054
    @gregoriobernarte4054 11 месяцев назад +40

    napakabait ni kuya at ng asawa nya sana ibless po kayo ni lord at bigyan ng mahabang buhay ganun rin kay nanay 😭😭😭😭

  • @HazelKayeZamudio
    @HazelKayeZamudio 11 месяцев назад +20

    God bless you tatay Marcelo & Nanay Miriam. Yung hirap din sila sa buhay pero nakuha nila tumulong sa kapwa nila. Bahala na Diyos magbalik sa kabutihan niyo kay Nanay Sita.

    • @lethalmediainc.2747
      @lethalmediainc.2747 9 месяцев назад

      NASAAN ANG DIYOS MO!?!? BAKIT HINDI NIYA TULUNGAN SILA??!?

  • @GJAManas
    @GJAManas 11 месяцев назад +88

    Salamat sa mga pamilyang tumutulong sa kanila. Sa panahon ngayon, madami pa din talagang mabubuting kalooban na tumutulong. Saludo kme sainyo!

    • @casseygarcia5902
      @casseygarcia5902 11 месяцев назад +2

      Sa kabila ng katandaan at hirap ni nanay hindi parin sinukuan ang mga anak sa kabila ng kalagayan ng mga eto..salute kay nanay godbless❤
      Sa 11 years wala man lang LGU na tumulong para mailagay sa tamang pasilidad ang magkapatid, bukod sa pag ere ng ng dukomentaryong eto mabigyan sana ng sapat at tulong pinansyal si nanay..

    • @romella_karmey
      @romella_karmey 11 месяцев назад +1

      @@casseygarcia5902ayun mas tinutulungan ng LGU yung mga pamilya na may kakayahan naman kaso pag binigyan ng pera pinang susugal or bisyo 😤

    • @casseygarcia5902
      @casseygarcia5902 11 месяцев назад

      @@romella_karmey kaya nga ehh, 😢

  • @JustinCyrussVillarin
    @JustinCyrussVillarin 11 месяцев назад +29

    salamat Atom, hindi lang na nakapag bigay ka ng tulong kela lola Sita at sa magkapatid, nakapag bigay ka rin ng kaalaman sa mga pinoy patungkol sa sakit sa pag-iisip at ipinaalam mo rin na may mabubuting pang tao tulad ni kuya Marcelo.

  • @vanillaice168
    @vanillaice168 11 месяцев назад +33

    Ipagdasal po natin sila na bumuhos ang tulong sa kanila deserve nila gumaling at guminhawa, pati sa mag asawa na tumutulong kay nanay. 🙏🌿

  • @ohvimon6003
    @ohvimon6003 11 месяцев назад +7

    Saludo kay Kuya Marcelo at Nanay Miriam, wala sa dugo ang kanilang pagtulong, meron o wala handa silang tumulong. Sana may magawa LGU nila para matulungan si Nanay Sita saka mga anak niya, nakakapanlumo na yung matandang hirap pa ang nag-aalaga sa kanila. Sana hindi matapos ang pagtulong sa kanila.

  • @Sweet16574
    @Sweet16574 11 месяцев назад +82

    Grabe luha ko. Saludo ako sa lahat ng nanay na gagawin lahat para sa mga anak grabe yung love and sakripisyo 🤧

  • @boggiemen2804
    @boggiemen2804 10 месяцев назад +1

    totoong may anghel sa lupa .. salamat tatay marcelo .. naway pag palaain ang pamily mo ni papa god

  • @ArjaySabandal
    @ArjaySabandal 11 месяцев назад +24

    Ang bait ni kuya kahit di ka ano ano may mabuting puso Godbless sayo kuya .nakaka lungkot ang buhay ni nanay pero Ang mahal na mahal niya din Ang mga anak niya😔❤️🙏

  • @jermz6561
    @jermz6561 11 месяцев назад +5

    Ang bait naman ni kuya. Salute sayo kuya sa pagtulong kina nanay. Si Lord na po ang handang magbalik ng blessing sa'yo.

  • @user-nn6is4gu9p
    @user-nn6is4gu9p 11 месяцев назад +7

    Imagine if hindi ito na i-broadcast, edi walang local government na makakatugon sa problema ni Nanay. YUNG MGA KAGAYA SANA NILA ANG DAPAT AT KARAPAT-DAPAT NA TINUTULUNGAN MAPA MAY CAMERA MAN O WALA!!! And sad to say, marami pa ring tao ang sarado ang isipan patungkol sa mental health. MENTAL HEALTH IS JUST AS IMPORTANT AS OUR PHYSICAL HEALTH. Big salute to Tatay Marcelo and family, gaya ng sabi niya, dadaan tayo sa pagtanda kaya hangga't kayang tumulong... tumulong nang walang inaasam na kapalit. Dahil balang araw, kapag tayo naman ang nangangailangan, may taong handa namang tumulong sa atin.

  • @enzopulido7382
    @enzopulido7382 11 месяцев назад +3

    Heto akin lang, sarili kong pananaw... ganitong klase ang dapat na tinutulungan ng mga may kakayahang tumulong..Ung mga ganitong klaseng magulang na handang isakripisyo ang lahat, matulungan at maalagaan lang ang kanilang mga anak.... kahit pa sa kabila ng kanilang edad... Sana, kahit isang vlogger o kahit sino mang makanood at may kakayanang makatulong sa kanila, si Lord na ang bahala magbalik ng gagawin mong tulong para sa kanilang mag-iina....

  • @MARINELSANTOS
    @MARINELSANTOS 11 месяцев назад +28

    Sana mabigyan ng tulong yung pamilya nina kuya na tumutulong kay Nanay. Grabe ang buti ng puso nilang mag-asawa at mga anak nya. Yung pagmamahal ng isang ina na kay Nanay na lahat. Sana mapaginhawa yung buhay nya

  • @myangsu1407
    @myangsu1407 11 месяцев назад +5

    Nakaka inspired ang mga ganitong mga tao..hindi hadlang ang kahirapan para makatulong sa kapwa..Saludo po ako kuya at ate sa inyong kabutihan..sana lahat ng tao ay ganito..😍

  • @gilbertjasmin1794
    @gilbertjasmin1794 11 месяцев назад +30

    Sobrang namangha ako sa pagmamahal ni nanay Sita sa kanyang mga anak. Nakakaiyak na dokyumentaryo maraming salamat Sir Atom for this. Sana may way na makaextend ng tulong both kay nanay Sita at sa pamilya na tumutulong na walang kapalit. God bless po sa lahat. Truly God is good all the time.

  • @_beabooo
    @_beabooo 10 месяцев назад +7

    Shame on the LGU. Walang aksyong ibibigay kung di na call out ng media. They’re aware naman pala about Nanay’s situation but they never seemed to care in the first place. Sana talag tuloy tuloy na ang tulong ng LGU. And big salute kay tatay kapitbahay for helping nanay. ❤ Apaka bait ng mag asawa. They are indeed God’s angels.

  • @NewBeeFx_Trader
    @NewBeeFx_Trader 11 месяцев назад +11

    Sobrang nakakaiyak.. 😭 Kaya tayo wala tayong karapatan magreklamo kung anu ang estado natin sa buhay kumpara sa buhay at kalagayahan ni nanay at mga anak niya.. Ang Hirap sa sitwasyon ni nanay habang akoy nanunuod nito.. Deserving talaga ni nanay tulungan.. Sa Pamilya na kapitbahay ni nanay Salamat po sa inyo malasakit at pagtulong sa kanila.. Maraming Salamat po sa mag.asawa. I salute po! 🫡❤️

  • @pammymerc84
    @pammymerc84 11 месяцев назад +8

    Una sa lahat, maraming salamat sir Atom sa documentary na ito. As usual pumapel ang LGU na kumilos lamang dahil nailagay sa himpapawid ang buhay ni nanay Sita. Hindi pala kalayuan ang institution para sa may disability sa bahay ni nanay Sita - parang hindi na sila binisita ng mga namamahala. Mabuti pa ang mag asawa neighbour taos pusong tumutulong sa magkapatid na may disability at kay nanay Sita. Napakaraming nanay Sita at katulad ng magkapatid sa Philippines. Sana man lang pansinin ng present administration ang mga kalagayan ng madaming nanay Sita at mga may disability. Salamat sa lahat ng gumagawa ng documentary - napapanood ito ng marami - around the world. Nakikita nila ang nangyayari sa mga Pilipino - poor and the poorest people of the Philippines need attention and assistance from the Philippine government.

    • @stephaniebello1813
      @stephaniebello1813 11 месяцев назад

      Agree. I do hope that people will be more considerate sa real description ng kanilang trabaho especially sa mga under ng LGU/Government. Explore sa real problem ng community and create a step by step solution. Sana naman hindi puro pera ang nasa isip natin. Let's be more passionate about our job that can uplift our society.

  • @ma.herzellumanogsalvador8171
    @ma.herzellumanogsalvador8171 11 месяцев назад +2

    Narealized ko na napakaswerte ko pa din talaga. Thank you Lord. And get well soon sa family nyo. Kaiyak!🤧🤧

  • @odessa_japan
    @odessa_japan 11 месяцев назад +68

    Hindi matatawaran ang pagmamahal ng isang ina. At napakabuti ng puso ng mag-asawang napakalaki ng pagmamalasakit para kay Nanay Sita at sa mga anak nya.
    Kudos Atom! You just did another stellar documentary. Nakakaiyak!
    To any of the staff of iWitness is there any way to extend help for Nanay Sita and Kuya Marcelo (the carer)?

  • @louieespano8704
    @louieespano8704 11 месяцев назад +2

    Especially thank you kay kuya Marcelo. Goodbless po.

  • @ibgdaragon8941
    @ibgdaragon8941 11 месяцев назад +23

    May mga taong mabubuti pa rin pala ang puso katulad ng kapitbahay ni nanay ❤ Bumuhos nawa ang biyaya sainyong pamilya ❤

  • @joybhum5337
    @joybhum5337 10 месяцев назад +1

    Sana matulungan din sila na mapa gamot sa psychiatrist at tuloy tuloy ang gamutan sana mailabas din sila sa kulungan para malinisan sila for hair cut, nails etc silang magkapatid, at matulungan din sila Kuya ung tumutulong sa kanila para mabigyan din ng dagdag na kabuhayan para din sa magkapatid and i wish to see the continuation of this episode from Atom Araulio . To God be the glory having mental illness is not a joke laban lang Nay, hangagmg kaya pa at andyan na ang tulong dumating na kung di pa kayo na kita ni Atom ewan ko lang? Praying for your son and daughters recovery although its a lifetime gamutan God will provide for them saka sayo Nay, keep praying, God will provide and help you.

    • @dexterdimson
      @dexterdimson 10 месяцев назад

      automatic naman yan may kanya kanya naman silang foundation kada anchor ng i witness.. baka nga i apply pa ni sir atom sa scholarship ang mga anak ni tatay marcelo..😊

  • @FatimaDeVera-c5n
    @FatimaDeVera-c5n 11 месяцев назад +8

    😇 salute ni kuya sa kapit bahay ni nanay kailan pa kaya kame mag kakaroon ng ganon na kapit bahay😭

  • @nehjjalocon5616
    @nehjjalocon5616 8 месяцев назад +1

    Itong mga ganitong story yung sasampal syo sa katotohanan na maging grateful ka sa kung ano man meron ka ngayon dhl kung hirap ka mas may mahirap pa ang sitwasyon na kinakaharap.
    God is always good. Kuya Marcelo & family naging instrument pra may masandalan si nanay Sita. Sana marami makapansin pra mas matulongan both Nanay at kuya Marcelo. They deserve your blessings!❤

  • @zonetoktv2125
    @zonetoktv2125 11 месяцев назад +39

    Kudos sa kapitbahay nyang sumugal kahit di nila ka Ano ano sila nanay! Bilib ako sayo at sa asawa mo! Ang Diyos na ang magsusukli sa kabutihan nyo sa kapwa!

  • @villepere640
    @villepere640 11 месяцев назад +2

    Sana yung tulong na ibibigay ng government is maging consistent para sa magkapatid lalo na sa medication nila. Hindi yung pagkatapos maifeature, wla na...hay.. Nanay is such a loving mother. Talagang, she'll do everything para sa mga anak...Shout out rin kay Manong na tumutulong kay Nanay. You will be blessed more Manong. Sure ako dyan. Thank you for featuring the story of this family. Kudos Atom and GMA 7! May through this platform, mas marami ang tutulong sa pamilya. You're the best!God bless you all❤

  • @maricelteves336
    @maricelteves336 11 месяцев назад +8

    Sobrang pinahanga aq n tatay marcelo. Maraming blessings sainyo mgpamilya. Ramdam ko ang bigat bilang isang ina

  • @rubyvillasis6802
    @rubyvillasis6802 11 месяцев назад +8

    Wlang tigil ang aking luha😭 sana bigyan pa ni Lord ng lakas at mahabang buhay c nanay…at sana din gumaling na ang dalwang anak nya🙏 salute sa kapit bahay ni nanay na napakabusilak ng puso❤️ maramdaman mo tlga ang sincerity the way xa magsalita…si Lord na ang bahala na mag bless sa inyong pamilya❤️ ang galing ng episode mo ngayon sir Atom❤️🙏

  • @jovenpalomo4862
    @jovenpalomo4862 11 месяцев назад +10

    hindi talaga mapapantayan ang pag mamahal ng isang INA sa kanyang mga ANAK saludo sa lahat ng mga INA at ganun din sa mga AMA

  • @mitch9366
    @mitch9366 11 месяцев назад +2

    Isa ito sa mga dahilan kung bakit gusto kong yumaman. Naway makatulong sa mga nangangailangan ng tulong. Someday.
    Salute po sa tumutulong kay nanay at sa mga anak nito. God bless po. At sana matulongan cla nanay.

  • @CarloSoStrong
    @CarloSoStrong 11 месяцев назад +4

    Nice ng LGU nila. Nagkaroon lang ng paki nung na TV. Big salute ako kay Kuya na kapit bahay. Kahit di kadugo, wagas tumulong. God bless you po🙏🏻

  • @rodrigoperante6222
    @rodrigoperante6222 11 месяцев назад +2

    Sa lahat ng dokumentaryo ni Sir atom dito tumulo ang luha ko at napatingin ako sa langit at hiniling ko sa dios na gabayan ang lahat na may dalahin gaya ng kay nanay sita,nakakahabag na kalagayan sa buhay,maswerte parin tayong mga may normal na pamumuhay kumpara sa kalagayan nila nanay sita😭ganun pa man marami parin satin ang nagrereklamo sa konting problema o dalahin sa buhay kumpara sa dinadala ni nanay sita😭para kay nanay sita dipo kayo pababayaan ng dios ama dinadalangin ko po na bigyan pa po kayo ng mahabang buhay at kay mang marcelo dios na po ang bahaha na inyo at buong sambahayan nyo👍🙏💓💓❤️

  • @MakaTol
    @MakaTol 11 месяцев назад +9

    Diyos ko nakakaiyak...nakakaawa si nanay pati kalagayan Ng mga anak niya😢

  • @jeffmendoza3666
    @jeffmendoza3666 11 месяцев назад +2

    kung hinde pa pinalabas sa i witness hinde pa maaaksyunan. Good job po sa lahat, lalo na sa tumulong ng walang kapalit, at sayo po sir. ikaw ang naging daan para sa kanila.

  • @darielbasilio1280
    @darielbasilio1280 11 месяцев назад +10

    Salamat sa episode na to . Saludo sa mga nanay na katulad ni nanay sita at lalo na sa mag asawa , grabe si lord na bahala magbalik ng kabutihan nyo .

  • @poginggamer799
    @poginggamer799 11 месяцев назад +6

    Grabe yun pagmamahal ni nanay sa mga anak niya. Sana may tumulong kay nanay. Sana mapagamot yun dalawang anak para pag gumaling na, si nanay naman ang aalagaan nila. Kawawa si nanay, matanda na siya. Tulungan sana ng mga Charity Vloggers. 🙏

  • @bhiesantos9806
    @bhiesantos9806 11 месяцев назад +13

    Ang hirap talagang maging ina lahat ng sakripisyo at sakit na nararamdaman mo di mo iiindahin basta para sa anak
    Saludo ako kay nanay grabe dakilang ina

  • @bigatla237
    @bigatla237 11 месяцев назад +2

    Ah baka typoid fever or tipos ang dumapo sa anak ni nanay. But grabe nkaka iyak and saludo sa pag mamahal ni nanay sa mga anak nya. Sayo kuya na kapit bahay, God bless syo, saludo din ako sa pagtulong mo kay nanay❤

  • @christopherferrertv8700
    @christopherferrertv8700 11 месяцев назад +9

    iba talaga ang pagmamahal ng isang ina sa kaniyang anak..saludo ako sayo nanay kahit sa hirap na nararanasan mo ngayon kahit hirap na hirap ka di ka paren sumusuko hangad ko ang pag galing ng iyong mga anak at biyayaan ka pa sana ng malakas at malusog na pangangatawan..saludo din ako sa kapitbahay na di iniiwan si nanay sa kabila ng kahirapan...❤❤❤

  • @arveeticzon
    @arveeticzon 10 месяцев назад +2

    Wala talagang makakapantay sa pagmamahal ng isang Ina! 🤍 Sana maraming tao pa ang kagaya ni Tatay Marcelo at nang pamilya niya na bukas ang palad sa pag-tulong. At sana maraming tao pa ang tumulong kay Nanay Sita at sa mga anak niya. 🙏🏻

  • @LordwellJolo
    @LordwellJolo 11 месяцев назад +11

    A mother’s love is unconditional .Kahit anong Gawain ng mga anak na Mali mahal na mahal parin ng magulang(ng isang nanay)

  • @LAJOTBOBJIE
    @LAJOTBOBJIE 11 месяцев назад +4

    Grabe lang kung hindi pa siguro to natampok sa Iwitness wala pa ring tulong ang makakarating kay nanay, Salamat Atom dahil sayo naabutan ng tulong si nanay at salamat din sa kapitbahay niya ❤

  • @jaysonbarcos6409
    @jaysonbarcos6409 11 месяцев назад +7

    Saludo ako kay Lola pati na sa mag asawa good job kuya driver ibang klase ka, kakataba ka ng puso❤

  • @kevinjames1908
    @kevinjames1908 10 месяцев назад +4

    yung mga vlogger na mayayaman dyan dapat ito yung mga tinutulungan nyo!!!!!!

  • @auzyn935
    @auzyn935 11 месяцев назад +9

    belated happy birthday nay! 💓, one of a kind talaga si kuya, and napakabuti ng puso nilang pamilya, may God bless them and long life nanay!

  • @HappyDalmatian-jq1ly
    @HappyDalmatian-jq1ly 10 месяцев назад +2

    Nkka iyak SI nanay kinakaya para lng maalagaan Ang mga mahal nia sa buhay nakaka iyak subrang n dapat n mg pahinga n cia .asan ba mga kamag anak nila maawa nman kYu sa mg iina😭😭😭

  • @Relentrence
    @Relentrence 11 месяцев назад +6

    The true definition of a mother's love. One of the best episode ng iWitness with sir Atom. Pinipigilan kong wag maiyak habang pinapanood pero wala e, tutulo talaga luha mo.

  • @junematta6923
    @junematta6923 11 месяцев назад +1

    ang kasabihan nga....HINDI KAYANG TIISIN NG MAGULANG ANG ANAK....God Bless you Nanay Sita and Tatay Marcelo & Family.

  • @kabagiskakangsblog1340
    @kabagiskakangsblog1340 11 месяцев назад +10

    Nakakadurog ng puso ang kalagayan ni nanay..Salute kay kuya na kahit hindi nya kadugo tumutulong sya

    • @mr.denniscastillo3397
      @mr.denniscastillo3397 11 месяцев назад

      kung hindi pa na docu,hindi pa magkukusang tumulong samantalang tungkulin nyu sana yun.bigla kayung naghugas kamay.
      anyway maraming salamat sa inyong pagtulong..
      mabuti nalang may mga taong handa silang ipagmalasakit katulad ni kuya at asawa nia.kahit walang kapalit..

  • @rowenacasantusan978
    @rowenacasantusan978 11 месяцев назад +3

    Grabe! Doble emotion ng pag-iyak ko dito sobra ako naiiyak sa storya ng buhay ni nanay Sita, naiiyak ako dahil sa sitwasyon ni nanay tapos naiiyak ako lalu dahil ang bait ni kuya na tinutulungan si nanay. Iba dalaga ang dugong Pilipino talagang nagtutulungan, maawain sa kapwa. God bless you po sa iyong lahat lalu na kay kuya dios na po bahala magbalik sa inyo ❤❤❤

  • @Anj-m3g
    @Anj-m3g 11 месяцев назад +11

    salamat kay kuya at sa asawa nya na nagmamalasakit . God bless po sa inyong pamilya.

  • @babylove-bu7ne
    @babylove-bu7ne 10 месяцев назад +1

    sa mga taong nagrereklamo sa buhay sino ka?o tayo para mahirapan sa takbo ng buhay 😢si nanay paghaba lang ng buhay nya hinihiling nya sa dyos ni walang galit o rangya hinihingi sa buhay😢thanks GOD sa kung anoman po meron ako kahinaan at kalungkutan man alam kong kasama kita ❤

  • @ljvida17
    @ljvida17 11 месяцев назад +6

    Ang galing ni sir atom
    Salute
    At sa pmilya ni kuya marcelo naway ibless pa po kayo ng panginoon napakabuti po ninyo..

  • @imoksdvibes2875
    @imoksdvibes2875 11 месяцев назад +1

    Sana sa MGA taong nakakaluwag sa buhay tulungan NYO po' Sila...
    Maraming salamat po'
    Panginoon na po' Ang bahala sa kabutihan NYO...

  • @Flickr-xm4jm
    @Flickr-xm4jm 11 месяцев назад +6

    Unconditional love ng mga ina.. yan ang indi matatawaran ng kahit anong bagay s mundo.. lahat titiisin para s mga anak.. si Mama ang super hero ko!!!.. ❤😢

  • @vannaescultos9161
    @vannaescultos9161 11 месяцев назад +3

    Salute po sa tumutulong kay nanay sana pagpalain pa kayo ❤ at sana palakasin pa si nanay ni lord 🙏🏻

  • @yayeltv
    @yayeltv 10 месяцев назад +1

    Meron talagang Panginoon nagpapadala siya ng mga anghel salamat sa Panginoon at sa mag asawang tumutulong sa dalawang may kapansanan at sa matanda sana pag palain kayo ng Diyos.

  • @cardingpicardo4645
    @cardingpicardo4645 11 месяцев назад +12

    God bless kua Marcelo sa pag tulong Kay Nanay at sa dalawa Nyang anak na may problema sa pag iisip. ❤

  • @miamarie756
    @miamarie756 11 месяцев назад +2

    Ang bait ng mag asawa...nkakaawa si Lola....God Bless all of them...

  • @rhealampit3291
    @rhealampit3291 11 месяцев назад +5

    Ito yung hindi ko tinapos panuodin kagabi dahil tulo talaga ang luha ko. Maraming salamat sa mga taong nagmalasakit kay Nanay Sita, talagang napakahirap kalaban ang isip. Sana hindi lang sa una ang tulong ng LGU, sana ay tuloy tuloy.

  • @arseniamarzo6103
    @arseniamarzo6103 11 месяцев назад +1

    Iba tlaga pagmmhal ng isang ina sa Kanyang anak na khit anong hirap kkayanin naway dumating ang araw na maayos ang mga anak mo nanay

  • @mariavasquez4755
    @mariavasquez4755 11 месяцев назад +4

    Ito ang mga taong dapat talagang tulungan at salamat s mag asawang tumutulong Kay nanay tunay n may pusong mapagmahal s kapwa god bless s inyo❤

  • @ahn88
    @ahn88 11 месяцев назад +2

    Thank you to kuya Marcelo for helping nanay and her mga anak. God bless!

  • @cpu_boybakal2220
    @cpu_boybakal2220 11 месяцев назад +17

    Ito yong nakaka lungkot, pag my camera lg nagkakaroon ng humanitarian work.

    • @salynver11
      @salynver11 9 месяцев назад

      😢😢😢😢

  • @coleensays4683
    @coleensays4683 11 месяцев назад +2

    Naiyak naman ako habang pinapanood ko eto. Ang isang ina kayang alagaan ang kanyang mga anak pero kadalasan ang mga anak ang nakakalimot na alagaan ang magulang. Nay, dasal ko po na humaba ang inyong buhay. Salamat sayo sir atom at binigyan nyo ng pagkakataon na makita ng mga tao ang kanilang sitwasyon. God bless din sa mabuting kapit bahay nila

  • @itsamhadsworld
    @itsamhadsworld 11 месяцев назад +5

    God Bless kay tatay Marcelo at sa asawa nya. May mabubuti p rin tlgang tao sa mundo. Kay nanay Sita theres no greater love than a mother's love.

  • @saifajardo5665
    @saifajardo5665 11 месяцев назад +2

    After watching,i realized how blessed i am 🙏 sana gumaling sila at sana humaba pa buhay ni nanay sita😔salamat sa pamilya na tumutulong sa kanila Godbless po🙏🙏

  • @illencanaman7046
    @illencanaman7046 11 месяцев назад +3

    Sobrang nakakataba ng puso si Nanay Sita at sa pamilya ni Kuya Marcelo. Napakabuti niyo po. 🥺❤️ Sana balang araw maging mabuti na ang kalagayan ni Nanay Sita. Makaramdam man lang siya ng ginahawa sa buhay.
    Kaya sobrang hilig ko sa documentaries dahil napapamulat sakin na napakaswerte ko pa. Thank you GMA and Sir Atom Araullo for another eye opener documentary! Great job! ❤

  • @ron8893
    @ron8893 11 месяцев назад +3

    Sana bigyan ng maganda at maayos na buhay ng panginoon sila Tatay Marcelo at ang pamilya nya. Napakabuti ng puso nyo tulungan si Nanay kahit hindi nyo sya kamag anak. 😭

  • @weikean8990
    @weikean8990 11 месяцев назад +1

    God...i cant help but to cry...does anybody deserve this kind of living😢😢
    Tatay Erning & his wife..though are angels sent😊

  • @melbamariaangelicasahagun6026
    @melbamariaangelicasahagun6026 11 месяцев назад +3

    God bless the caring mother and the kind couple who is helping them. Kudos Atom for this documentary🙏

  • @RosemarieCamansiQuimbo
    @RosemarieCamansiQuimbo 10 месяцев назад +1

    Hindi ku mapigilan Ang maiyak 😢😢😢dahil sa kanilang kalagayan,😢nanay SITA paka tatag po kayo kaya niyo Yan nalaban lang po kayo sa Buhay god is all and all the time,,,og sa manag asawang Marcelo e salute u po sa inyo mag asawa dahil Wala po kayong sawang pag aalaga Kay nanay SITA at sa mga anak niya ,;biyayaan po kayo ng Marami ,diyos lang Ang bahala sa inyo Kong anuman Ang kapalit sa inyong kabutihan ,,,godbless u po Tay Marcelo and goodluck❤❤❤

  • @adrianledesma2659
    @adrianledesma2659 2 месяца назад

    This kind of documentary must touch the heart of all the politicians to adhere this kind of situation. Create more facilities to help and raise the level of awareness. Salute Sir Atom!

  • @floridafelisarta6476
    @floridafelisarta6476 11 месяцев назад +9

    Grabe yung naging trauma kay nanay dahil sa isang empleyado.
    Kaya dapat po maging mindful sa mga sasabihin natin lalo na sa mga government employees.

    • @Sarah-oj4kx
      @Sarah-oj4kx 11 месяцев назад +3

      it's because for sure hindi yun psychologist or psychiatrist's. I wonder bakit nurses ang on duty.

    • @laurensmith3218
      @laurensmith3218 11 месяцев назад

      ​@@Sarah-oj4kxi agree

    • @kfzzz2
      @kfzzz2 11 месяцев назад

      Sino kaya un nuu? Tsk

    • @kfzzz2
      @kfzzz2 11 месяцев назад

      Sana mapanood nia to

    • @Sarah-oj4kx
      @Sarah-oj4kx 11 месяцев назад +1

      @@kfzzz2 dapat tanggalin sa serbisyo yun

  • @ma.helengraceriano2620
    @ma.helengraceriano2620 11 месяцев назад +1

    Saludo kay Kuya Na kapitbahay na may tunay na Malasakit sa kapwa. Sana madami pa ang mga ganitong tao sa Mundo. ❤😊😍😍😍😍😘😊

  • @carlossunga2271
    @carlossunga2271 11 месяцев назад +4

    Ang bait ni Tatay Marcelo at nang kanyang pamilya, pagpalain pa po kau❤

  • @travelandlifeblog6784
    @travelandlifeblog6784 11 месяцев назад +2

    Naiyak ako sobra 😢😢😢 nawa magtuloy tuloy ang pagtulong ng LGU kay nanay , s pamilya n kapitbahay ni nanay saludo po ako sainu .. May god bless you all 🙏
    Nanay nawa ay pagingatan ka ng poong maykapaL ..

  • @annereginalarrubis8794
    @annereginalarrubis8794 11 месяцев назад +5

    God bless you nanay 😢 grabe naiyak ako sa situation nila, we are complaining of the small things but we dont know there's someone worst than our situation rn 😭, well pray for you nay and to your mga anak 🙏🙏 more help po sana sa kanila 🙏 salute to you Sir atom and the team sa pag bahagi nang storya ni nanay. Moreee power pa po sa inyu.

  • @maricrisdelafuente482
    @maricrisdelafuente482 11 месяцев назад

    ..Isa lng ang mppatunayan s video n to hnd tlg mapapantayan ang unconditional love ng isang ina sa mga ank nya....naway bgyan ka nnay ng malakas n ktawan at mhbang buhay pra ma witness mo p ang pggaling ng mga ank mo..at sna pg galing nl cla nmn ang mag aalaga sayo..saludo ko sa mga taong tumutulonh sayo totoo nga nmn n hnd lht ng taong pdeng karamay mo ay kadugo mo..mnsan kng cnu p ung hnd mo kaanu anu cla p unh may totoong malasakit sayo...

  • @WANGBU-fs7eo
    @WANGBU-fs7eo 11 месяцев назад +3

    Saludo sa pamilyang tumutulong kay nanay❤❤ sa lahat ng documentary napanood ko dito tumulo luha ko😢 🙏🙏

  • @KheiAnn-z1u
    @KheiAnn-z1u 10 месяцев назад

    Hindi po maiwasang hindi luluha sa klgayan ni nanay at knya anak....napaisip aq Kung bkt kmi iniintindi ng aking Ina khit naging pasaway kmi...ang pagmamahal tlga ng magulang ay walang kpantay...salute kua marcelo...sa mbuting puso....naging aral po ito Para sa akin...God bless❤❤❤

  • @ElynMendoza-lq8dp
    @ElynMendoza-lq8dp 11 месяцев назад +5

    Masyado naman na kung di naipalabas sa Tv, cguro di sila mapapansin...Salamat sa mag asawang kapitbahay ni nanay...at sa iyo din Sir Atom...

  • @cyndyclutario7424
    @cyndyclutario7424 11 месяцев назад +1

    Nakakatuwa na may mga tao talagang handang tumulong kahit hindi nila kadugo. Mabuhay kayo Kuya Marcelo at sa Ate Meriam. Pagpalain pa sana kayo.🥹💞