08 Kwento

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 27 окт 2024

Комментарии • 17

  • @luibonza4819
    @luibonza4819 2 года назад +7

    Isang araw nagising nalang akong ganito
    Di ko namalayan kung kailan ako naging ako
    Basta sa isang kisang mata biglang may nag iba
    Ganito pala kapag ikay nakakakita na
    Madalas lumakad ang isipan sa pagtataka
    Natutong lumipad at tumahimik sa pagpapapasya
    Nakuhang mag isip kung pano ba lumaya
    Namagitan sa gitna ng mali at mga tama
    Isang araw nagising nalang ako
    ang dami ng nagbago sa sarili kong mundo
    Tignan mo kung pano ko basahin ang litrato
    Kung pano ko ipaliwanag ang mga malabo
    Natatakpan ko ng tanong ang bawat tinatago
    Nasasagot ko ng rason ang bawat kapiraso
    Nagbibigay pansin ang madamot magtiwala
    Gusto nilang subukan ang aking paniniwala
    Ang katotohanan ba ay para lang ba sakin
    Sa akin opinyon ang paliwanag ay gawain
    Akala koy malaya ang tumatakbo subalit
    Mas nakakulong sila sapat na yung tanong ay bakit
    Ang reyalidad na sinumpa nilay kanilang galit
    Yan ay ang responsibilidad ng buhay sa pag gamit
    Naniwala ka sa pera pero sakin mga sabi
    Nagawa mo pang tawagin kalokohang talumpati
    Marahil nga kaibigan ko lang ang nakikinig neto
    Sana balang araw maintindihan mo rin ako
    Hayaan mong sabihin ko ang di mo pa masabe
    Ang tama at mali naman nito ay ang balanse
    Hayaan lang sabi nga nila hayaan lang
    Di ko gagamitin ang talino sa katamaran
    Naging malikhain katibayan ang konsepto
    Wag mokong iligaw sa lalim na iyong komento
    Kailan mo matatanggap na di ako perpekto
    Ang naiibay paniguradong walang kapareho
    Ayoko na nga sanang maging tunog mayabang
    Kaso minsan ito nalang ang aking pakinabang
    Sa napili kong pag gamit ng sariling kalayaan
    Magsulat ng aking panibagong kasaysayan
    Gamit ang sarili nating wikang mahiwaga
    Kung di mo pa ramdam di kapa naniniwala
    Sapagkat iba ang dapat mong malaman sa makita
    Ibahin ang ruta sa daan ng aking mga linya
    Wala na sa eksena ng nagkadarapang pila
    Pagkat aking pagdating ang pagpalit sa mga siga
    Nandito na ang bagong alamat
    Nandito na ang bagong alamat
    Nandito na ang bagong alamat
    Bitbit ang aking mga tunay na kwento
    Nandito na ang bagong alamat
    Nandito na ang bagong alamat
    Nandito na ang bagong alamat
    Bitbit ang aking mga tunay na kwento
    Isang araw ng magising nalang akong
    Natauhan sa sagot ng aking mga tanong
    Ay natagpuan ko ang pangarap na rason ng buhay
    Na akala ng iba ay imposible ang patunay
    Silang mapangmata na parang birong nagpapasaya
    Sa di matawang pangarap na aking dinadala
    Kayo ang lapis ko at pantasa
    Salamat sa nagiging parte mo pag kasama ka
    Tandang tanda ko pa ang sabe ng aking ina
    Wala naraw akong karapatan magpahinga
    Ang pangarap daw ay para lang sa oras natira
    Kayat pasensya na kung minsan para sakin ay mali kana
    Gayon pamay mahal parin kita pati sila
    Na nasa sistema ng kapwa biktima
    Lahat kayoy ugat ng pag ibig kot pag asa
    Kadalasan man na salungat sayong mga akala
    Kaya bahala na ang katotohanan magpasya
    Tandaan na desisyon ang pagiging masaya
    Kaya sige lang subukan nyo ko hanggang san ang kaya ko
    Mainam na pagtulong ang pagsubok nyong binabato
    Nakakaganang maglaro sa seryosong mga bagay
    Na akala koy santo para sakin ay pangarap na lamang
    Ang kailangan sa walang katapusang paghahanap ng kasiyahan
    Kaya ako ang paparating na katibayan
    Hatid ang mga saksi at kasabayan
    Mula sa nakaraan at kasalukuyan
    Hanggang sa hinaharap ng aking kasagutan
    Dapat ay handa yan lamang ang kapalit
    Ng katotohanan na may masarap at masakit
    Sapagkat matamis ang kalayaan sa pait
    Kadalasan husgahan ng masama at mabait
    Ano ang kwento nito parang ikaw at ako at natural yon para balanse.

  • @sopvideos9257
    @sopvideos9257 4 года назад +5

    "tandang tanda ko pa ang sinabi ng aking ina
    wala na daw akong karapatang magpahinga
    ang pangarap daw ay para lang sa oras na tira
    kayat pasensya na kung minsan para sakin ay mali kana
    gayon mahal parin kita..."

  • @rembrandtolegario8282
    @rembrandtolegario8282 7 лет назад

    Astig! nakakaproud tuloy maging taga Cavite!

  • @christianjoseph3124
    @christianjoseph3124 Год назад

    salamat pa den kuya EJAC!

  • @quand349
    @quand349 7 месяцев назад

  • @datu8156
    @datu8156 6 лет назад

    Mula etivac represent!!!

  • @SophisticatedArcel
    @SophisticatedArcel 3 года назад

    Solid!

  • @jaylborja6013
    @jaylborja6013 4 года назад

    🔥🔥🔥👌

  • @cyrillburgundy7613
    @cyrillburgundy7613 6 лет назад

    new years eve eto sound trip

  • @jennardlucas
    @jennardlucas 3 года назад +1

    Musta na mga katoto sept 2021

  • @carl007carl
    @carl007carl 7 лет назад

    Angas

  • @argene2219
    @argene2219 5 лет назад

    Tara!!

  • @killahgvng6557
    @killahgvng6557 5 лет назад

    👐👐👐💯💯💯👁👁👁💜💜💜

  • @ollereskurtpatrick2918
    @ollereskurtpatrick2918 4 года назад

    Gandang ganda po ko sa lahat ng kanta nila pero hindi ko parin po alam yung name nila pasagot naman po ako

  • @jumelpaulomunoz813
    @jumelpaulomunoz813 4 года назад

    🧠👁️