Wag Ako - Crystel Bars

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 14 окт 2024
  • Wag ako
    Mahal naaalala mo pa ba kung pano tayo nagsimula
    Sa kung paanong ang ngiti sa ating mga labi ay di mabura bastat tayoy magkasama
    Sa kung paanong ang yapos mo at halik ang gamot sa lahat ng sakit
    Nagpapagaan sa lahat ng bigat na aking pasan
    At bumubuo sa araw kong kulang kulang
    Mahal naaalala mo pa ba ang bawat saya
    Bawat away na ating nalampasan dahil mahal natin ang isat isa
    Bawat luha na pareho nating pinunasan dahil di kita kayang mawala at ganon ka din diba?
    Kaya nga tayo nagtagal
    Kaya nga tayo nagtagal ng pansamantala
    Pero mahal naaalala mo din ba nung una mo syang nakilala
    Nung unang beses kayong nagkasama
    Noong nag uusap kayo ng masaya na parang kayo lang dalawa
    Na parang walang ako, walang tayo sa mundo nyo
    Mahal naaalala mo pa ba ang una kong pag iyak nang dahil sa kanya
    Malamang hindi
    Malamang hindi, hindi dahil sa nakalimutan mo na o meron kang amnesia
    Malamang hindi dahil pinilit kong ilihim ang sakit
    Pinilit kong sarilihin ang pait ng selos at pagkainggit dahil mukang meron ng papalit
    Mali mali, dahil mukang meron ng pumalit sa pwesto ko sayo
    Hanggang sa hindi ko napigilan
    Tinanong kita " may gusto ka ba sa kanya?"
    Pero sabi mo, "ano ba? Kaibigan ko lang sya"
    Mahal naman, hindi ako tanga
    Hindi ako tanga para hindi malaman ang espesyal sa kaibigan lang
    Hindi ako bulag para hindi makita ang saya sa iyong mga mata
    Dahil tila may kakaiba pagdating sa kanya
    Pero naniwala pa rin ako
    Naniwala pa rin ako na wala lang lahat sa inyo
    Ang pagtiis mo sakin na hindi ako kausapin habang kausap mo sya
    Oo wala lang yon
    Ang pagpupuyat mo gabi-gabi at pag abot nyo ng umaga sa pagkukulitan sa mga bagay bagay na pagkakapareho nyo pala
    Oo wala lang yon
    Ang pagbabahagi mo sa kanya ng paborito mong kanta habang sabay kayong nag aaliw sa musika
    Oo wala lang yon
    Wala lang lahat ng yon dahil gaya ng sabi mo
    Kaibigan mo lang sya at ako ay hindi dapat mangamba
    Siguro nga masyado lang akong malisyosa
    Para pag isipan kayo ng hindi maganda
    Kaya nais kong humingi ng tawad sayo at sa kanya
    Patawad kung nasaktan ako noong nakita ko na mas kaya nya ang pasayahin ka
    Patawad kung nagalit ako at nagselos noong nabubuo nya ang araw mo kahit magulo tayo
    At patawad kung kinailangan ko nang sumuko sa laban ng pag ibig nato dahil alam kong ako na ang talo
    At ngayon kung magbabago man ang ikot ng mundo
    At isasabihin mong mahal mo pa ako
    At itatanong mo sa akin kung pwede pa ba tayo
    At hihilingin mong bumalik ako sayo
    Pakiusap lang wag na ako
    Kung pipili ka sa pagitan namin ng kaibigan mo
    Wag ako
    Wag ako hindi dahil sa mas kaya nyang pasayahin ka
    Hindi dahil sa mas maganda sya
    Hindi dahil sa mas matalino sya
    O mas magaling sa larangan ng musika
    Kung sa tingin mo na ang isa sa nakaraan mo ang bubuo sayo
    Wag ako
    Wag ako hindi dahil sa hindi kita kayang panindigan
    Wag ako kahit sobra kitang pinaglaban
    Wag ako hindi dahil sa hindi ko sya kayang tapatan
    Wag ako hindi dahil sa hindi ko sya kayang higitan
    Kung sa tingin mo meron kang isang taong kailangan pang ipaglaban
    Pakiusap lang wag ako
    Wag ako hindi dahil sa hindi ako si Basha sa second chance
    O dahil sa hindi na kita gusto at ayoko na sayo
    Wag ako
    dahil hindi mo naman kailangan mamili sa'ming dalawa
    Dahil kung ako talaga
    Sa umpisa palang, ako lang sana
    Wag ako
    Dahil di mo naman ako dapat balikan
    Dahil ako ang sumuko at nag iwan
    Pero sana hindi mo ko binigyan ng dahilan
    Wag ako
    Dahil ayokong maging nakaraan muli sa iyong kinabukasan
    Wag ako
    Dahil ayoko nang mawasak muli sa parehong paraan
    Ayoko nang umiyak sa paulit ulit na dahilan
    Dahil kinaya ko na
    Kinaya ko na ang mabuong muli ng sarili ko lang
    Kaya mahal pakiusap ko sayo, wag ako.

Комментарии • 115

  • @mautolentino3515
    @mautolentino3515 6 лет назад +29

    Peyburit ko parin to😢😭

  • @mariannejackyloubaysa3174
    @mariannejackyloubaysa3174 3 месяца назад +7

    Grabi. Feel na feel ko parin ito 2024

  • @ragieangeloros9747
    @ragieangeloros9747 5 лет назад +15

    Hinanap ko talaga to😭

  • @DivinaAbing-mr8qv
    @DivinaAbing-mr8qv 11 месяцев назад +7

    Grabe since elemtary days pinapakinggan ko na to until now im graduating g12,sakit pa din ng mga words biggg clapp po sau ate crytals

  • @jlpecino7692
    @jlpecino7692 Месяц назад +1

    Palagi ko tong pinapakinggan everytime na mag wowork ako, and this hurts a lot. I'm this kind of guy noong college palang ako. And pinag sisisihan kong nasaktan ko ng sobra ang jowa ko. But pinaglaban niya ako, hindi niya ako sinukuan despite of my imperfections. 6 years and going na kami ngayon. and pinangako ko sa sarili ko, na hinding hindi ko na siya sasaktan.

  • @janerosereyes699
    @janerosereyes699 Год назад +13

    Ilang beses ko na tong binalikan, pero sa tuwing pinapakinggan ko paulit-ulit pa rin akong umiiyak, nasasaktan at nadudurog. Unang beses na napakinggan ko to college ako, ngayon 4 years na kong working at eto umiiyak pa rin.

  • @gentletouch2587
    @gentletouch2587 10 месяцев назад +2

    5 yrs ago during my break up, iniyakan ko tlga to, thanks for ur inspiring message thats really help me to cope up, now i'm happily married to a man who really see my worth. ❤😊
    I hope kung my pinag daanan ka din ng time n yn, sna masaya ka na din ngaun, 😊😊

  • @crystel4259
    @crystel4259  5 лет назад +12

    Hi, everyone!!! Will upload a video about the stories behind every spoken word pieces na pinerform ko. You can comment your questions here kung meron man kayo then i will answer that with all honesty 💕 Let this channel be active again!

  • @mickovillanueva8260
    @mickovillanueva8260 5 месяцев назад +4

    2018 ko toh unang napakinggan , and ngaung gabi napanood ko ulit siya. Actually lagi ko tong binabalik balikan sinasariwa ung broken days ko and it hits different pag malungkot ka. Naalala ko ung mga iyak ko those days. Legendary tong piece mo ms.Crys ang sarap maging inspirasyon nung "HUWAG AKO" 💯❣️ ⭐⭐⭐⭐⭐

    • @SapphiredeLeon-fo8ev
      @SapphiredeLeon-fo8ev Месяц назад

      @@mickovillanueva8260 sana nkatagpo k n ng totoo meron ako nung 2021 gnyan hindi kmi ngtagal ilang buwan lang pingpalit ako sa iba na mas mpera raw sakin at Hindi sila ngtagal. May krma mga gumgawa ng msama sa kpwa.

  • @Otsotd906
    @Otsotd906 6 месяцев назад

    So proud to myself at nasabi ko to sa knya nong mga panahon n gusto nya mkipag balikan

  • @chenalindelossantos967
    @chenalindelossantos967 5 лет назад +6

    THE BEST! 😭😭😭 yung damang dama ko kahit di ko naman naranasan maloko. pero naiimagine ko kung ako ang nasa situation na katulad ng piece na to, wag ako din sasabihin ko. no one deserves to be an option.

  • @mikedavemaraya5007
    @mikedavemaraya5007 Месяц назад

    Isa ito sa mga paulit ulit kong pinapanood 6 years ago pag pumupunta ako sa mga comshop grabe ang sakit nito Yung tipong kahit Hindi Naman Ikaw Yung nasa sitwasyon niya pero mararamdaman mo talaga.

  • @ampsteevee6902
    @ampsteevee6902 Год назад +1

    August 2023. Still watching this. ♥️

  • @arianneevangelista2373
    @arianneevangelista2373 3 года назад +3

    First spoken poetry na iniyakan ko 3 years ago and till now nakakaiyak parin xD

  • @AdrianChristianEscamos
    @AdrianChristianEscamos Месяц назад

    6 years ago na ito pero kahit matagal na ramdam na ramdam ko yung bawat salita tagos na tagos sa puso oo lalaki Ako pero tagos talaga sa puso promise dahil parang nakikita ko yung nakaraan namin ng ex ko sa bawat salita na binitawan ni ate nag reflect lahat lahat sakin ng alaala namin ng ex ko🥺

  • @chrishlynacotanza9453
    @chrishlynacotanza9453 5 лет назад +3

    Ilang ulit ko na po itong pinapanuod pero Ang ganda po sobra😍

  • @baguindalibalina1038
    @baguindalibalina1038 4 месяца назад

    Tuwing pinapakinggan ko to paulit ulit diko namamalayan umiiyak npla ako salamat ,

  • @aishaddle8135
    @aishaddle8135 6 лет назад +6

    This is my favorite so far...

  • @roseannaquino3162
    @roseannaquino3162 Год назад

    nandto aq uli hehe antagal na

  • @ArchieBadudels
    @ArchieBadudels 8 месяцев назад

    bakit eksatong eksato ang lahat sa ngayon, ramdam na ramdam ko yung sakit, kasi nagawa nya sakin to

  • @itsmebiancatorres2220
    @itsmebiancatorres2220 3 года назад +6

    Still my favorite(2) 🙂

  • @Angel-ge5dz
    @Angel-ge5dz 3 года назад +3

    Bringing back this poetryy

  • @kylaebero6608
    @kylaebero6608 Месяц назад

    2024 na pag pinapakinggan ko to feeling ko broken hearted pa rin ako😭

  • @reinz_abella894
    @reinz_abella894 6 лет назад +11

    Queen of spoken poetries👑 You're the best ate

  • @gecielbethjoytamparong4302
    @gecielbethjoytamparong4302 3 года назад +1

    Pang ilang bises ko na tong pinanood pero sobrang sakit parin😭

  • @maknaewifey3538
    @maknaewifey3538 4 года назад +1

    ito yung first spoken poetry na iniyakan ko

  • @ChristianJeffreyFMercene-gy6vt

    Galing lakas ng dating

  • @ramegnitomsol8458
    @ramegnitomsol8458 4 года назад +2

    Paborito ko pa din bawat liriko mo ☺ ang bigat bawat linya 😭

  • @ktin2608
    @ktin2608 5 лет назад +3

    pag nalulungkot ako bumabalik ako dito :

  • @MiyaBaby-tb2qv
    @MiyaBaby-tb2qv 10 месяцев назад

    nakakaiyak parin takte ..

  • @supremojp-5687
    @supremojp-5687 6 месяцев назад

    6 years na, pero nandito paden yung sakit na ginawa mo gar!

  • @jemikaylube7171
    @jemikaylube7171 Год назад

    Hanggang ngaun tagus padin sa dibdib ..kahit di naman talaga broken .

  • @fayevenus8557
    @fayevenus8557 3 года назад +3

    My fave spoken poetry!!!❤️😩

  • @mamwen1552
    @mamwen1552 5 лет назад +1

    Ang ganda talaga nito promise

  • @KING-jo3mm
    @KING-jo3mm 11 дней назад

    Mulo noon Hanggang Ngayon gzto k prin tong wag ako

  • @ma.vanessaandaya92
    @ma.vanessaandaya92 Год назад

    It's 2023, and I'm still here.

  • @jhunaldlovedorial2166
    @jhunaldlovedorial2166 11 месяцев назад

    Okay Lang kahit mawalan ng boses basta nai parinig mo ang gani tong tula 😢😢

  • @francialauriobuen02
    @francialauriobuen02 Год назад +1

    Nandito ulit ako hindi dahil broken ako kundi naka move on na ako. Ang sakit sakit sakin nung marinig ko ito nong mga panahon na broken ako pero ngayon.......hmmmmmm

  • @SandraPardoncillo-en7ez
    @SandraPardoncillo-en7ez Год назад

    Naalala ko ito ang poerty since senior high kami,@charity

  • @iamnobody5160
    @iamnobody5160 3 года назад

    Binanalikan ko padin tu. Since HS fav ko na tu ih🥺

  • @mariaeenaparrilla3542
    @mariaeenaparrilla3542 Год назад

    ni balik na pud ko ari, for how many years

  • @Miss_unknown05
    @Miss_unknown05 Год назад +1

    2023 na pinapakinggan ko pa din to 😭

  • @taniegraortiz
    @taniegraortiz 6 лет назад +6

    Crystel Bars Salamat sa pagshare ng talent mo. Ang ganda ng mga salita na na ginamit mo dito sahil sa bawat sambit ng letra tumatagos sa taong nakakarelate.

  • @LesterAbellada
    @LesterAbellada 2 месяца назад

    Grabi naman august 7 2024 grabi 😢

  • @HanahDatu
    @HanahDatu Год назад

    bigat ng bawat linya nakaka relate ako

  • @beechardtv3021
    @beechardtv3021 19 дней назад

    2024 gravi napabalik ako dito

  • @crizziamaepabelonia6641
    @crizziamaepabelonia6641 4 года назад +2

    Alam mo ba ramdam na ramdam ko yun mga binitawan mo salita saktong sakto sa nararamdamn ko

  • @stellamaevilla31
    @stellamaevilla31 3 месяца назад

    It was still the best for me🥰😭

  • @mjtizondomingo5860
    @mjtizondomingo5860 Год назад

    Wow, galing

  • @ellensc8242
    @ellensc8242 3 года назад

    Binabalik balikan ko talaga 'to simula noong 2018. Ang galing.

  • @sweetjalepoliran9427
    @sweetjalepoliran9427 5 месяцев назад

    Still one of my fav. poetry

  • @asai2016
    @asai2016 Год назад

    Kwento namin, pero tawagan nila 😢 (mahal)

  • @romonaomi52
    @romonaomi52 4 года назад +1

    All time fav ❤️

  • @tillogaming3943
    @tillogaming3943 5 лет назад +3

    Still my favorite.

  • @yhamabels6707
    @yhamabels6707 3 месяца назад

    Tagosss po sa Pusoo😢

  • @princessfaisah4390
    @princessfaisah4390 11 месяцев назад

    ETO PINAKA GUSTO KONG SPOKEN POETRY AND KAY BEVERLY CUMLA NA “ANG BOYFRIEND KONG WRITER”😭🩵🩵🩵🩵🩵

  • @alexandrajanecatap1353
    @alexandrajanecatap1353 3 года назад +1

    2021 na pero favorite kopa den to🤧

  • @angelcuela-ij8pt
    @angelcuela-ij8pt Год назад

    I watched it when I was in highschool. Nostalgic!

  • @chantellefranceslei734
    @chantellefranceslei734 3 года назад +1

    still my favorite. (2)

  • @wxyz_dyn4721
    @wxyz_dyn4721 3 года назад

    iniyakan ko nung 2017, mare 2021 na masakit pa din

  • @michellepascualcoronel6390
    @michellepascualcoronel6390 3 года назад

    Fave. 💔 HS DAYSSSSSS

  • @antoniolunabulhar7673
    @antoniolunabulhar7673 4 года назад

    Ako to eh 😰😰😰😰 bat ngaun ko lang to napanood 😢😢😢😢

  • @zaidogatis3721
    @zaidogatis3721 2 года назад

    Yong broken ka tapos napunta ka dito😭😭

  • @anonymous-d6w
    @anonymous-d6w Месяц назад

    Sino po nakakaalam ng background song?Salamat po.

  • @lanielyn-be8eb
    @lanielyn-be8eb Год назад +1

    Hello po gusto ko po sana malaman kung ano yong ginamit nyong background music

  • @jaxprecisioner
    @jaxprecisioner 4 месяца назад

    More pleaseeeee

  • @ktin2608
    @ktin2608 5 лет назад +13

    Sana po meron ulit about sa "Hindi kasi ako ang nauna"

  • @cjmejos2829
    @cjmejos2829 Год назад

    waggg akkoooo

  • @radelcapistrano3292
    @radelcapistrano3292 Год назад

    Skit tagos sa puso q

  • @Angelika-l3u
    @Angelika-l3u 4 года назад

    To Jara
    Gantong ganto nangyari satin. Mahalnamahalparinkita . Sorry nasaktan ako sa ginawa niyo.

  • @maicakim6605
    @maicakim6605 6 лет назад +1

    My favoriteeee

  • @Yourgirlash14
    @Yourgirlash14 2 месяца назад

    2024 anyone?

  • @clairdonato
    @clairdonato 3 года назад

    Still my favorite (3)

  • @starlalopez2128
    @starlalopez2128 2 года назад

    Pinakinggan ko n nman

  • @ivyagbalog4484
    @ivyagbalog4484 11 месяцев назад

    ano po background music?

  • @fayevenus8557
    @fayevenus8557 3 года назад

    Still here!!!

  • @justicelove09
    @justicelove09 4 года назад +2

    I remember this killing me when my ex cheated on me with “jst someone he knew from college” 🙄 this was my anthem lol

  • @JorenalynJudilla
    @JorenalynJudilla 4 месяца назад

    Kamusta kana Maam

  • @rheamaevillanueva2741
    @rheamaevillanueva2741 3 года назад

    Still my favorite

  • @tula-la
    @tula-la 11 месяцев назад

    TAGOS NA TAGOS! 🥹

  • @christianemaemelendres7700
    @christianemaemelendres7700 3 года назад +1

    Its been 3 years

  • @ivyfrancisco3863
    @ivyfrancisco3863 6 лет назад +1

    Ano po yung Background music?

  • @kayemariecapuyan7914
    @kayemariecapuyan7914 3 года назад +1

    ang sakit

  • @bernardlansang4799
    @bernardlansang4799 5 лет назад +1

    relate tagos

  • @jirotayao4046
    @jirotayao4046 Месяц назад +1

    0:23 September 01, 2024???

  • @MaricarJoyMMunar
    @MaricarJoyMMunar Месяц назад

    AUGUST 2024 💔

  • @BarcodeGP
    @BarcodeGP 7 лет назад +2

    Wag ikaw :)

  • @cjmejos2829
    @cjmejos2829 Год назад

    sakit mo naman 2023

  • @roseannaquino3162
    @roseannaquino3162 Год назад

    napanood nyo ba yung kasalungat nito? yung sa guy?

  • @syrieyutina7273
    @syrieyutina7273 8 месяцев назад

    💔💔💔

  • @kareana4206
    @kareana4206 3 года назад +2

    Putanginaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa natamaan akoooooooo😭😭😭😭

  • @marisolacuram1889
    @marisolacuram1889 7 лет назад +2

    Love

  • @jesmyrbatao743
    @jesmyrbatao743 5 лет назад +2

    May tula ako tungkol sa "pagsuko" o "paglaban" sana ikaw magdeliver magaling ka dun eh. Hahaha

  • @ninoytv9739
    @ninoytv9739 Год назад

    😭😭😭💔💔💔

  • @tisoypasinay4068
    @tisoypasinay4068 Год назад

    wow

  • @Otsotd906
    @Otsotd906 6 месяцев назад

    🤣🤣🤣🤣🤣

  • @aanjopunzalan7200
    @aanjopunzalan7200 5 лет назад +1

    Sana girlfriend na kita.

  • @anthonylaguidao1931
    @anthonylaguidao1931 Год назад

    Cowboys

  • @celsocabalhin6037
    @celsocabalhin6037 4 года назад

    :((

  • @zeusv6433
    @zeusv6433 Год назад

    cringe2 yah

    • @Idkzzqwerty
      @Idkzzqwerty Год назад

      Di nyo lang maintindihan 😂