Pinakabatang Ina sa Kasaysayan | Lina Medina Story | Vale TV

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 6 янв 2025
  • Please Like, Comment and Subscribe to my Channel
    Lina Marcela Medina de Jurado.
    Born: September 23, 1933
    Nakatira sa: Ticrapo, Castrovirreyna Province, Peru
    Si Lina Marcela Midena ay kompermadong pinaka batang ina sa kasaysayan, nanganak sya sa edad na 5 Years and 7 months old.
    Si Lina ay nagmula sa isang napakabuti at mabait na pamilya, ang kanyang ina na si Victoria Losea ay dating isang housemaker at ang kanyang ama na si Tiburelo Medina na isang silversmith.
    Sa edad na 5 years old and 6 months ay napansin ng kanyang mga magulang na may abnormal abdominal swelling ito, sabihin nalang natin na lumaki ang tiyan nito na inakala nilang tumor lamang subalit ay wala namang nakita na tumor noong dinayanose si Lina ni Dr. Gerardo Lozada.
    Si Lina talaga ay 7 months nang buntis . Sa una ay di naniwala ang kanyang mga magulang dahil sa edad nito at inakala nila na si Dr. Gerardeno ay baliw. Kung kaya dinala nila si Lina sa ibang Espesyalista kung saan nakonperma nga na buntis ito.
    Ang tanong, sino kaya ang nakabuntis kay Lina? Ginahasa ba sya? Alamin natin.
    Noong malaman ang sitwasyun ay tunawag agad ng mga pulis ang doktor at inaristo ang kanyang ama bilang isang Unang Suspect .
    Pagkatapos ng isang linggong interrogation ay pinalaya din nila si Tiburelo dahil wala silang ebedensya na magpapatunay na sya nga ang gumalaw sa kay Lina.
    Ang pangalawang Suspect ay ang pinsan ni Lina na may problema sa pag-iisip na sa tingin ng mga pulis ay maaari nga ito ang gumawa ng kasuklam-suklam na pag galaw sa batang babae. Tulad din sa ama ni Lina na si Tiburelo ay hindi rin nila mapagbintangan ang pinsan nito dahil sa kawalan ng ebedensya.
    Sinubukang kuhanan ng mga utoridad ng sagot si Lina sa pamamagitan ng patatanong ng kanyang ina sa kanya kung may naaalala ba syang gumalaw sa kanya at kung sino, ulit, wala paring nakuhang lead ang mga pulis sa kung sino ang suspect. Dahil sa kakulangan ng ebedensya at leads sa pangyayari ay binasura nalang nilanang kaso.
    Sa isang artikulo patungkol sa kaso na ito noong 1955. Sinabi ng isang manunulat na si Luis Leon na "MARAMING MGA REMOTE VILLAGES SA PERU NA TAON-TAON AY NAGDIRIWANG NG MGA RELIGIOUS FESTIVALS NA HUMAHNATONG SA PAGKAKAROON NG GROUP SEX O DI KAYA AY RAPE kung saan kasama na doon ang mga minors at mga bata na kasing edad lang ni Lina. Pinaniniwalaan nga nila na si Lina ay biktima ng panghahalay noong isa sa mga padiriwang na na naganap.
    Giving Birth At Age 5
    Dahil sa kanyang batang edad at ang katawan ni Lina ay hindi pa angkop sa panganganak, ang tanging paraan para maipanganak nya ang sanggol ay sa pamamagitan ng Cesarean Section.
    Noong buntis pa si Lina ng 8 months habang ang kanyang mga magulang ay napepressure sa mga media, ang kanyang ina ay umamin na nagsimula na syang magka regla nuong 3 years old pa lamang.
    Kalaunan ay nalaman ng mga specialists na si Lina ay may kondesyong tinatawag na PRECOCIOUS PUBERTY, ibigsabihin ay ang kanyang sexual organs ay nagdidevelop kahit sya ay bata pa, ang Gland na nag sesecrete ng Growth at sex Hormones ay nag umpisa ng mag function na syang nagdulot ng kanyang kondisyon.
    Alam ng mga doctor na malaki ang chansa na maraming komplekasyon ang anak ni Lina dahil undevelop pa ang kanyang mga organismo dahil diyan hindi nito kayang maibigay ang sapat na nutrisyon na kailangan para sa pag develop ng bata ng 9 na buwan sa kayang sinapupunan.
    Himalang naisilang ang bata na malusog at may saktong timbang na 2.7 kilograms at sa iksaktong Mother's Day pa nito ipinanganak ang sanggol noong May 14, 1939
    Ang bata ay pinangalanang Gerardo Medina, ang pangalan ay inspired mula sa isang doctor na na tumulong sa panganganak ni Lina.
    Hindi parin matukoy ang pagkakakilanlan ng ama ng bata hanggang ngayun.
    Binigyan ng mga magulang ni Lina ang kanyang anak ng normal na buhay at pinapaliwag nila ang relasyon nila ni Lina habang sila ay lumalaki.
    Kahanga-hanga dahil ang mga magulang ni Lina ay pinoprotektahan ang kanilang privacy at hindi ginamit ang kondesyon ni Lina para makalikom ng pera.
    Maraming mga researchers ang gustong pag-aralan si Lina at kanyang anak dahil sankanyang kondisyon, subalit ay hindi pumayag ang kanyang mga magulang dahil gusto nila itong bigyan ng normal na pamumuhay tulad ng ibang irdinaryong bata.
    #LinaMedina
    #Yungestmotherinhistory
    #kaalaman
    #subscribe

Комментарии •