🏍️ MA-CHO TEMPLE IN SAN FERNANDO, LA UNION | FIRST TAOIST TEMPLE IN THE PHILIPPINES | MAZU TEMPLE

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 10 сен 2024
  • MACHO TEMPLE IN SAN FERNANDO CITY, LA UNION | FIRST TAOIST TEMPLE IN THE PHILIPPINES
    La Union, tinaguriang Surfing Capital of the Northern Philippines. Pero alam mo ba na hindi lang iyan ang kayang ipagmalaki ng probinsiyang ito?
    Sa mga naghahanap ng lugar na maaaring magnilay-nilay, dayo na sa ipinagmamalaking templo na makikita sa San Fernando City, La Union. Ito ang Ma-cho Temple.
    Ang Ma-Cho, Mazu o Ma Cho Temple ay isang Taoist na templo ng Chinese Goddess of the Sea na si Mazu. Ito ay matatagpuan sa Quezon Avenue sa Barangay II, San Fernando, La Union. Ang templo ay idinisenyo ni Architect Tomas Diokno at itinayo noong Setyembre 11, 1975. At suportado ito ng mga grupo ng debotong Filipino-Chinese sa pamumuno ni Dy Keh Hio at sa suporta ni dating Tourism Secretary Jose D. Aspiras.
    Majestic kung ituring ito dahil sa pagkakatayo nito sa mahigit isang ektaryang lote na pitong palapag ang taas at may taas na 70 feet above sea level. Tanaw mula dito ang West Philippine Sea at ang San Fernando Seaport sa di kalayuan.
    Sa kahabaan ng entrance na may nagtataasang mga pader na gawa sa bricks at may 18 malalaking batong estatwa ng mga Chinese saints na may iba't ibang puwesto o istilo ng pagkakatayo o pagkakaupo. Mayroon ding dalawang pabilog na pond na pinalamutian ng mga water lily at Koi fish. Ngunit sa ngayon, wala na ang mg anasabing isda sa lugar na ito.
    Sa tabi ng nasabing middle pond ay may isang maliit na istraktura kung saan ang isang tao ay maaaring magsunog ng insenso at mag-iwan ng mga handog para sa mga Diyos.
    Sa kabilang panig naman ay mga estatwa ng mga hayop na pinaniniwalaan ng mga Chinese bilang mga goodluck charms o anting-anting sa suwerte.
    Sa templong ito ay makakahanap ka rin ng mga gintong emblem ng dragon, Bell Tower, Drum Bamboo Garden, at Liang Thing Pagoda Tower. Ang mga interior ng Ma-Cho Temple ay puno ng mga sinaunang ornaments ng mga Tsino at mayroong isang spider type dome ceiling na dinisenyo na may pabilog na pattern.
    Ang imahe ni Mazu ay pinalamutian ng tradisyonal na Chinese head dress at makulay na damit. Nakapikit ang kanyang magandang mga mata habang ang kanyang mga kamay ay magkadikit sa kanyang dibdib na tila ay kamukha ng Our Lady of Caysasay, ang patron ng mga Filipino-Chinese community, na naka-enshrined sa Basilica of Saint Martin sa Taal, Batangas.
    Ang Mazu (Ma-zeun) ay ang sinasambang poon ng medieval Fujian Saintly Lady, Lin Moniang. Ang Mazuism ay hindi pormal na kinikilala bilang isang organisadong relihiyon sa Mainland China o Taiwan, ngunit ito ay isang mahalagang bahagi ng relihiyong katutubong Tsino sa Fujian, Taiwan at mga komunidad ng Oversea Chinese sa buong mundo.
    Maraming mga deboto, parehong Taoist at Katoliko, ang naniniwala na si Ma-Cho at ang ating Lady of Caysasay ay iisa at pareho lamang: isang kakaibang relasyon na matatagpuan lamang sa Pilipinas.
    Ang paniniwala ay si Ma-Cho ay isang Diyosa ng Dagat at may espesyal na pagmamahal sa mga marino at sa mga taong naninirahan sa tabi ng dagat. Pareho silang nagbahagi ng malapit na kaugnayan sa "Tubig".
    Tuwing September 21-26, nagtitipon-tipon ang mga deboto para sa taunang pagdiriwang ng paglalagay ng imahen. Mula sa Basilica of St. Martin of Tours sa Taal, Batangas, ang mga deboto, kasama ang imahe ni Ma Cho, ay maglalakbay pabalik sa San Fernando City. Kapag nasa lungsod na, dinadala ito sa isang prusisyon sa palibot ng business district ng siyudad, na sinasabayan ng tradisyonal na Dragon Dance. Ito naman ay tinatapos sa isang kultural na pagtatanghal.
    Walang schedule ang pagpunta rito, kahit anong araw ay maaaring bisitahin ang Taoist temple. Para sa mga naniniwala, ang Taoismo ay nagsasaad na sinuman, anuman ang nasyonalidad, ay malugod na tinatanggap na manalangin, magnilay at mag-alay sa Templo. Malugod na tinatanggap ang lahat anuman ang relihiyon o paniniwala mo.
    Disclaimer: Source of information came from respective publishers. No copyright infringement intended in making this video.
    Sirpogi elyu
    #SirpogiElyu
    Sirpogi Elyu Vlogs
    Sirpogi Elyu Videos
    Sirpogi ng ELYU
    travel vlogs
    Sir Pogi Elyu
    sipogi elyu travel vlog
    sirpogi elyu travels
    sirpogi elyu latest videos
    sirpogi elyu latest vlog
    sir pogi elyu latest vlogs
    sirpogi elyu latest video
    sirpogi elyu uploads
    FOR SPONSORSHIP AND BUSINESS INQUIRIES, FOLLOW and/or CONTACT me at:
    ✅EMAIL: sirpogi0026@gmail.com
    ✅TEXT/CALL: 09102820549
    ✅FACEBOOK: Sirpogi ELYU
    ✅TIKTOK: Sirpogi ELYU
    ✅INSTAGRAM: Sirpogi ELYU

Комментарии • 23

  • @RoselynJhaneHagonoy
    @RoselynJhaneHagonoy Год назад +2

    Ang galing ng purpose ng templong ito. Di siya exclusive sa mga Chinese lang, kundi open siya sa lahat. Salamat sa dagdag kaalaman Sirpogi.

    • @sirpogi_elyu
      @sirpogi_elyu  Год назад

      Yes. Galing din ng pagkadesign. Thanks sa panonood.

  • @KieferAmieryDelosSantos
    @KieferAmieryDelosSantos Год назад +1

    Talagang may integration ang History sa mga videos mo Sir. Dami kong natututunan sa mga videos mo.

    • @sirpogi_elyu
      @sirpogi_elyu  Год назад

      Salamat idol. Inaapply lang natin pagka-teacher natin hahaha

  • @teachershideout555
    @teachershideout555 Год назад +1

    Great video. Educational siya.

  • @TheBrownTraveler
    @TheBrownTraveler Год назад +1

    Responsible drone owner. Shot na di kailangang masyadong mataas pero maganda ang kuha. Nice Vlog.

    • @sirpogi_elyu
      @sirpogi_elyu  Год назад

      Yes po. Natrauma na ako sa pagpapalipad ng masyadong malayo at mataas. Nagdisconnect sa RC yung drone kaya di ko alam saan na pumunta. Buti na lang naka-set ang RTH kaya kusang bumalik. Salamat po sa panonood. ❤️🏍️😇

  • @mercybelo3628
    @mercybelo3628 Год назад +1

    Boo parin Sina unang panahon na❤️❤️❤️❤️

    • @sirpogi_elyu
      @sirpogi_elyu  Год назад

      Yes po. Di po siya nasira noong 1990 killer quake. Matibay ang pagkakagawa. 😇

  • @mindorayontv
    @mindorayontv Год назад +1

    Nice shot sir

    • @sirpogi_elyu
      @sirpogi_elyu  Год назад

      Thank you sir. Ingat din sa mga travels niyo ni misis mo. 🙂

  • @LovinglyYourz
    @LovinglyYourz Год назад +2

    I think this is your best vlog! Mas nakafocus talaga sa ganda ng lugar at iyong history nito. Additional fun fact dito mismo nagshoot iyong Mano Po 1 year 2002 at iyong Fantaserye ng Abs Cbn noon na Kung Fu Kids year 2008 sa Ma Cho Temple ng San Fernando City, La Union.

    • @sirpogi_elyu
      @sirpogi_elyu  Год назад +1

      Wow, ngayon ko lang nalaman na dito pala nag shoot ang Kung Fu Kids noon. Salamat sa panonood at salamat sa additional trivia idol. 😎

    • @LovinglyYourz
      @LovinglyYourz Год назад +3

      @@sirpogi_elyu yes sir welcome po

  • @janeyyy9797
    @janeyyy9797 6 месяцев назад +1

    good afternoon po, asking permission po sana na ilagay po yung ibang clips po sa advertisment project po namin. salamat po ng marami!

    • @sirpogi_elyu
      @sirpogi_elyu  5 месяцев назад

      Yes po pwede just make sure to give due Credits and add the link of this video on your project to avoid Copyright issues. Thank you.

  • @FelinesBest
    @FelinesBest 7 месяцев назад +1

    That isn’t the oldest Taoist temple in the Philippines. The oldest Taoist Temple that still operates today is in Caloocan City. The Thai To Taoist Temple. Mas nauna pa sa La Union Macho Temple. Hope this helps you giving the correct info.

  • @FelinesBest
    @FelinesBest 7 месяцев назад +1

    They are not 18 Taoist Saints they are actually the 18 Arahats (some kind of immortals disciples) of Buddhism.

    • @sirpogi_elyu
      @sirpogi_elyu  7 месяцев назад

      Thank you for the information. I stand to be corrected. Godbless.

  • @estelitasalas1724
    @estelitasalas1724 Год назад +1

    Bkit pgka blog mo pra saan sa mga Dios ilan ba Dios nila jan hehehe nililinaw q lng po

    • @sirpogi_elyu
      @sirpogi_elyu  Год назад

      Si Mazu po ang sinasamba nilang Diyos diyan. Tapos may rebultonng 18 Chinese Saints sa labas ng templo. 😎