Behind the Song: 'Kelan' ft. Josue
HTML-код
- Опубликовано: 9 фев 2025
- Behind the Song: 'Kelan' ft. Josue
Stream it here:
⬜️ distrokid.com/...
V. Kelan ft. Josue
LYRICS
Kelan ba ‘ko magiging payapa
‘Di na nga yata
Ako ang taya simula pagkabata
Habulan sa utak ko na mahilig gumala
Kahapon ay hindi na lumipas
‘Di ko rin alam kung meron bang bukas
Pilit nga na nangangapa sa alam na ngang wala naman nang lunas
Naging matalik na kaibigan ng dilim
Liwanag ang kanyang lihim
Sinubukang alamin saloobin
Tumingin sa salamin
Ngayon ano’ng aking gagawin?
Ito ay kapit sa patalim
Paano mo haharapin ang takot mo
Kung pagtingin sa salamin
Nakangiting
Ikaw pa rin
‘Di mo na kailangan na
Magkunyaring iba
Alam naman natin na mas komportable ka
Sa walang sana, walang dismaya
Makatotohanan lang, walang iba
Buksan mo ang iyong isipan
Kakitira’y gawing kalawakan
Ang katotohana’y ‘yong nahahawakan
Tuparin ang napanaginipan
That’s right!
Play, hanggang sa dulo
Ah, mayday!
Panay peligro
But someday,
Maitotono ko rin ang buhay ko
Na desintunado, sing!
Kelan ba tunay na sasaya
Maging malaya sa takot at pangamba
Ah na~ yeah yeah
Dami nang pinagdaanan na
‘Di ko inaasahan na malalagpasan
Ah na~ yeah yeah
Ipipikit ko ang aking mata’t
mananalangin sa
Mahabaging ama
Ah na~ yeah yeah
Kelan ba tunay na sasaya
Maging malaya sa takot at pangamba
Ah na~ yeah yeah
Yeah yeah
Ako’y nagising na sa malalim na pagtulog
Teka lang, ba’t parang ‘to’y bangungot
‘Di ‘ko magalaw aking tuhod, bukod pa dun ay ‘di ako makahugot ng hininga
at parang nalulunod
Ang pakiramdam ko ay nanlulumo
Bawat sigaw ay parang lang bumubulong,
tila ba walang makarinig sa aking mga ungol
hindi ako marunong humingi ng tulong
ako lang ang guro sa bawat pagsubok
kahit na lumulubog kahit na nalulugmok
Sugod ng sugod kahit hindi matumbok ang puno at dulo ng aking mga gusto
Lahat ng ito’y hindi magkakatuldok
hilig ng tadhana ma’y ako’y mabugbog, hahabulin ang pangarap kahit pa malumpo
kinalaban ang nasa salamin
kinontra kanyang mga gawain
‘lam naman natin na s’yang salarin sa lahat ng naging pangyayari samin
sa kabila ng lahat ng aking inakala’t pagsisisi, siya lang rin pala ang sasagip at tanging kakampi
at pagkalabog ng beat, mga mata’y namulat sa pagkapikit
unti-unting gumagalaw ang mga binti
‘di ko na pinansin aking paghikbi
kelan ba makakatakas dito sa kulungang ginawa sa’king bumbuna’ng takot ang naging puhunan
nanlalamong kalungkutan - minsan nang napalibutan
diyos ko po pakitulungan, gusto lang makalimutan ang nakaraan
Kelan ba tunay na sasaya
Maging malaya sa takot at pangamba
Ah na~ yeah yeah
Dami nang pinagdaanan na
‘Di ko inaasahan na malalagpasan
Ah na~ yeah yeah
Ipipikit ko ang aking mata’t
mananalangin sa
Mahabaging ama
Ah na~ yeah yeah
Kelan ba tunay na sasaya
Maging malaya sa takot at pangamba
Ah na~ yeah yeah
Yeah yeah
Kelan ba ako tunay na sasaya
Tuluyan nang nawawala’ng aking pag-asa
Ipipikit ko ang aking mga mata
Mahabaging ama kelan ba
oh kelan ba, kelan ba, kelan ba
Kelan?!
Kelan ba tunay na sasaya
Maging malaya sa takot at pangamba
Ah na~ yeah yeah
Dami nang pinagdaanan na
‘Di ko inaasahan na malalagpasan
Ah na~ yeah yeah
Ipipikit ko aking mata’t
mananalangin sa
Mahabaging ama
Ah na~ yeah yeah
Kelan ba tunay na sasaya
Maging malaya sa takot at pangamba
Ah na~ yeah yeah
Yeah yeah
Facebook: / popowpablo
Instagram: / imszmc_
X: / imszmc
TikTok: / truiszmc
#PABLO #PabloKELAN #PABLOAlonAlbum #KELAN
Worth it talaga ang lahat ng pinaghirapan nyo there's always a perfect time in every season given by God! 😊
I can really relate to this ❤You are God’s gift to us. Thank you for sharing your faith. I pray na marami pang tao mka rinig ng mga songs mo. You have touched so many lives ❤Mahal na mahal ka namin 💯🙏
Maganda ang kantang ito. Parang underrated lang siya for me. Hoping na magkaroon pa ito ng acknowledgement.
I agree.. ang ganda ng message ng song
Agree.
Actually, top 1 fave ko toh sa album ni pablo
isa to sa mga paborito kong kanta sa ALON. pinerform nyo pa lang to sa isang festival early this year, sobrang gusto ko na sya. lalo na nung mas naging pulido nung narelease na sya. di ko alam kung bakit pero sobrang kakaiba ng kantang to. ang galing at ang ganda!
Super naka relate ako "kelan ba ako tunay na sasaya." I also always ask that to my self kelan nga ba??
Grabe ang talent NYONG dalawang magkapatid PINUNO❤
Sobrang Ganda din ng mensahe Pau.. salamat sa musika ❤
❤❤❤❤ love this song and its message
sobrang relate ako Pau, thank you for composing such beautiful song!
Kailangan mong daanan yung mga yun para mabigyan mo kami ng mga masterpiece! Grateful to have discovered your music & your brothers'.. 🙂💙
The testing of your faith, worketh patience❤
You & JOSUE are filled wisdom & anointing from ABBA, no wonder bakit tagos sa puso ang lahat ng nakakarinig ng mga songs na kayo ang gumawa. GOD'S goodness and mercy shall follow you all the days of your life.
And I love you
Tapos ngayon, isa ka na sa dahilan kung bakit marami parin kaming nagpapatuloy sa buhay Pau ❤ Thank you!
Kelan is my 2nd fave next to Kumunoy and then TBWCW next.. itong tatlong kantang to na grabe sobrang lakas ng impact sa pagkatao ko.. never have i imagined na may isang Pablo pala na sasaling sa pinakatago tago kong part ng sarili ko.thank you Pablo for your music and words of encouragement and motivation.sobrang lucky ako na nabuhay ako sa era nyong lima(SB19)
Thank you for saving us through your music. I love you always, kuya Pablo🫶🏼
Greater things are yet to come.
Thank you ! We're blessed to have you!!!
Ang ganda ng mensahe salamat Pablo
Alam mo Pablo eto yung theme song ng bubay ko, ito yung story ng buhay ko, salamat sa musika mo! 🥹💜
I hope tumaas ang subscribers si pins pablo.. he deserve it
We love you Pablo salamat sa mga musika mo ❤❤❤
Tama lahat ng sinabi mo Pau🥹🙏 Have faith talaga kay Lord..
Pau yan ang totoo may tunay na relasyon sa Diyos. Kahit may problema at pagsubok sa buhay d tayo bibigay kc alam natin na pinahintulutan ng Diyos na pagdadaanan natin lahat yan to test our faith to Him .
Favourite ko to. Grabe lyrics 😭
Pag pinapakinggan ko ang Kelan
Nakaka relate ako sa bawat lyric
Basta sakto sya sa nararamdaman ko😢🙏
Relate na relate since 2021🤧 salamat sa kelan natagpuan kita at ang musika mo.
d kumpleto araw ko kung wala ang musika ninyo SB19💙💙💙💙💙
Love this song
Yay! This is actually my top fave from ALON. Eventhough di siya ganun kasikat kesa sa ibang kanta on this album. I was drawn to the message/lyrics of this song. ❤
Praise God for running the race with perseverance.
I love the song Pau .
Sobrang Ganda xa nga una kong nagustuhan s track mo eh! Everyday talaga itetest ang faith natin kaya naman thank you pinuno sobrang nakaka inspired ung mga songs mo good luck and God Bless always
Lalo ko na appreciate boses ni Josue dito.. he's so underrated..sana makilala din sya like PAU
Love Kelan! It’s getting to be one of my favorites. Thank you so much PABLO!
Ito yung nakakatuwa kay pablo at nakakabless kasi kahit sikat na sila hindi siya nagbago, naging fan niya ako nong napanood ko yung interview ng The Juan sa kanila. Hindi nya nakakalimutan na ishare sa mga fans nya na yung faith na meron siya, at hindi mawawala yung isama si Lord sa mga music na ginagawa nila
Thank you for sharing your God-given talent to us, God bless you Pablo and kuya Josue ♥️
Kelan is my hype song from the LAON album.
PABLOOOOO!!!!
Nagustuhan ko na ito ever since napanood kong iperform niyo ito ni Josue sa Earth Hour sa Manynila. Ang ganda at napakaganda rin ng message, very relatable and I love that it gives hope to anyone who hears it.Thank you so much, PABLO!
Lumalaban ang KELAN, sobrang ganda din ng message ng song na 'to.
Pablo talking about elevating one's faith is one of the best way that we can do when we are at the lowest point in life.
I pray for more generations of young artists who are not afraid of talking about their faith in God, the source of everything.
God uses Pablo to reach others through his God-given gifts and talents.
Congratulations and keep the fire burning! We'll support you all the way.
Congratulations
Pau, im ecstatic that youve released these songs! Your music has and continue to help people. You are heaven-sent.
Without faith it is impossible to please God so Pablo keep your faith on God
True enough Pau, look where you and your brothers are now.. Thanks for sharing this. Let us all keep the good fight of faith in our Lord Jesus Christ. That verse "kelan ba ako sasaya?" resonates much with me. 🙏❤️
I love the song, I don't know parang hopeful yung dating ng song sa Ken!
i may not be religious pero sobrang gandang lyrics neto talaga
❤❤❤❤
Thank you ading ko Pablo.as believer,dumadating talaga tyo sa punto na ganito kc daming di makita ng ating mata.❤
This is Awesome And Amazing Song Of Yours "Kelan" PABLO Of SB19 The Ppop King's And Josue Nase Grabe Sheesh 2018-2019 This is Nice,Cool Song And Congratulations To All Of You Po idols God Bless You All Po idols We Love You All Po idols More Power More Years More Blessings To All Of You Po idols John Paulo B. Nase,Josue B. Nase,RADKIDZ PABLO & JOSUÉ,1Z/One Zone Entertainment,Sony Music Entertainment Teams Familys Productions And Ey Let's Go idols And We All Here To Support You Po idols And We're So Happy And Proud Of You Po idols!👑🥰👏💙🇵🇭
Ganda ng kanta na to.. Thank you for holding on to your faith , Pau❤
Pablo, sandali lang tawang tawa pa ako sa blessed lyric vid mo. "Move on" muna kami maawa ka haha
Thank you for holding on to your faith! God works in a very mysterious ways! He can turn things around by giving them not only second chance, but a fresh start. Thank you for being a blessing as well!🙏🏼
I love this song ever since I heard it the first time nung unreleased sya. It's so good and finally I get to hear the full instrumentation properly on top of understanding the message. Galing nyo talaga Nase brothers.
P. S. Pansin ko may eng subs. Thank you po
Your unwavering faith in God resonates well with your fans, supporters and whoever listens to your music. Keep on walking and sharing your faith through your music as many get inspired and enlightened.
My favorite song mo Pab next ang WALA tapos PUYAT
Full support iho
Experience is the best teacher. Don't take it for granted. Thanks for the lesson Prof. PINS! 💙
Gusto Kong mag live ka papa Pablo dahil parang Ang lungkot ko Ngayon parang gusto Kong Makita na may isa na members sa sb19 na mag live ngayon😢😬
Gustong gusto ko ang lyrics nito pau 😢. This also my question every time. “Kelan ba tunay na sasaya malaya sa takot at pangamba”
and that KELAN is NOW.. rak n rol idol🤘
Awesome! Your perseverance paid off! You know “faith is the assurance that things we hope for will happen…”
Ei.... Nauna sa comment...
I love the album pins.. grabe parang di ko pakawalan ang alon at laon tracks . Sobrang genius talaga ng areglo..
Pablo 💙
Lezzzgaww 🔥🔥🔥
Hala yan din yung topic ni Pastor earlier. We have to admit that we can't do it alone, we need our Lord sa life natin to move forward and to face challenges much easier.🥰😇
Nice, may eng sub ❤
Remember, sa tuwing madadapa, sa bawat pagsubok, sa lahat ng problema si LORD lang ang malalapitan natin na di tayo tatalikuran o itatatwa. Always willing to take the burden from us no matter what. Imbis na lumayo tuwing may problema, lapit lang lagi sa KANYA! ☝️🙏😊
My second favorite from Alon.
I'm waiting for correct English lyrics for "Wala" and the whole of Laon
I have long since discovered that Pablo's songs have a profound emotional impact on me. In this particular track, however, Josue's voice truly connects with me on a whole other level. "KELAN" will remain one of my most cherished songs.
nase brother 🙌🔥
Thank you for your music. May i suggest in the future, wag sabay sabay release ng songs. Ang nangyayari kase lahat kayo mag release ng song kaya hati ang listener. Nagiging dahilan ng mababang points sa pakikinig sa music ninyo. Unlike pag isa lang ang nilabas nyo, lahat nktuon ang pakikinig sa isang kanta na yon. Sk almost everyday nakikita kayo, bk kase magsawa mga fans. Dapat mag pa miss kayo paminsan- minsan.
🎉
yownnn
🏍️
❤ La risa de Pablo Luna
Yes po lahat na mga nangyayari ay may dahilan...
Eyyy
You're really blessed Olbap 🔥🌭💙
Bless 🙏 morning sa iyo iho alam mo napanood kita sa voice kids hindi ako nanood nya pero pag bukas ko ng tv kayo ang bumungad para kang manika kaya lagi ko na ito sinubaybayan humanga ako dahil sa lahat ng pagsubok na naranasan mo at kay God ka lumapit yan lang ang hinihintay ng Diyos sa buhay natin dapat lagi papurihan at pasalamatan ang Diyos ngaun matagumpay ka na kasama ng mga bros mo (SB19) wish ko na lumawig pa ang pagsasama sama nyo Good Luck God Bless🙏🙏🙏 Bible Verse Kawikaan 3:5-6 Kay Yahweh ka magtiwala buong puso at lubusan at wag kang mananangan sa sariling karunungan. Sa lahat ng iyong gawain siya nga ay alalahanin upang ika'y patnubayan sa iyong mga tatahakin.
Kelan mo Kaya ako mapapansin😅
♥️♥️♥️♥️♥️🐺🐺🐺🌭🌭🌭💙💙💙💙💙
🫶🏻
❤❤❤