Pag-ibig sa Tinubuang Lupa

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 30 ноя 2024

Комментарии • 160

  • @royprado4540
    @royprado4540 7 лет назад +46

    Hustisya hanggang sa ngayon...para sa supremo..

  • @mcmendio
    @mcmendio 16 лет назад +2

    Nakakalungkot ang panahon natin ngayon sapagkat natakot ang Bayan sa People's Power na siya lang ang paraan upang matigil ang mga abosado at nagsasamantala sa ating Bansa.Armas at Kaban ng Bayan pa ang kanilang ginagamit upang sakalin ang kalayaan ng mamamayang Pilipino.Hanggat ang mga sakim ang namumuno sa ating Bayan patuloy parin ang paghihirap ng mga Pilipino.

  • @crisavila4740
    @crisavila4740 4 года назад +3

    Lumuluha ang mga mata ko sa mga ganitong awitin..nawala na yung mga ganitong awitin..na impluwensyahan na tayo ng mga banyaga

  • @302acr43
    @302acr43 15 лет назад +4

    Mabuhay si Andres Bonifacio!!! Mabuhay ang mga tunay na Makabayan!!!

  • @Secret12_6
    @Secret12_6 8 месяцев назад +1

    Mabuhay ang Supremo!Gat Andres Bonifacio!

  • @jesuslarrymiranda9686
    @jesuslarrymiranda9686 7 лет назад +2

    Aling pag ibig pa.. sana isa puso natin ang buhay ni gat andres bonifacio pagmamahal sa inang bayan..

  • @katerzynaroll5811
    @katerzynaroll5811 7 лет назад +3

    Ang ganda naman si Andres Bonifacio gumawa ang awit na ito kinanta lang😍😍🤗Ang ganda Andres Bonifacio tunay na bayani ng bayan at mapagmahal na kapatid para sa atin lahat

  • @cris2fear
    @cris2fear 12 лет назад +5

    sa tula/kantang ito malalaman mo kung ano talaga ang nararamdaman ni Bonifacio pagdating sa pagmamahal nya sa inang bayan, nakakainis isipin na mga ganid at dimonyong kagaya ni Aguinaldo ang nanaig at nananaig parin hanggang sa ngayon ang mga kagaya nyang trapo

  • @deserthades
    @deserthades 11 лет назад +23

    Si Gat Andres, ang aking pambansang bayani

  • @PintadoProjekt
    @PintadoProjekt 11 лет назад +24

    maraming salamat sa tulang ito. karapat-dapat ka ngang maging Unang Presidente ng Pilipinas.

  • @robertocaraballo4014
    @robertocaraballo4014 8 лет назад +44

    si Andres Bonifacio ang tunay na bayani ng ating bayan

  • @josephinebuendia709
    @josephinebuendia709 Год назад

    Salamat at nahanap ko din ang mga kantang ganito..ramdam ko ang pagmamahal sa bayan dahil sa mga kantang ganito 💗💗👍🏻🎗️

  • @iamsoboredyknow
    @iamsoboredyknow 3 года назад +12

    Nkakaiyak ung kanta, it makes me more proud being a Pinoy! Salmat po Andres Bonifacio! Mabuhay!

  • @askrodel
    @askrodel 16 лет назад +1

    isang obra na nilikha ng isang dakilang anak ng bayan...nung panahon ng kanyang pakikipagdigma sa mga dayuhang umalipin sa inang bayan...dapat na ituro sa ating kabataan...

  • @gbetreddragon3597
    @gbetreddragon3597 8 лет назад +18

    Andres bilang unang pangulo ng Republica ng Plipinas!

  • @stringattached4313
    @stringattached4313 5 лет назад +9

    Ako.... Si ANDRES BONIFACIO ang BAYANI KO!

  • @mayanggolondrina1234
    @mayanggolondrina1234 14 лет назад +2

    Pagpupugay sa kadakilaan & kagitingan na sinimulan ni Gat Andres, sa libong nag-alay & sa nagpapatuloy ng digma!

  • @robertocaraballo4014
    @robertocaraballo4014 8 лет назад +12

    Ito ang tunay na bayani ng bayang pilipinas

  • @rovenorozco
    @rovenorozco 14 лет назад

    si andres bonifacio talaga ang dapat na naging national hero kasi kahit paano ginamit nya ang tapang at talino nya sa pakikipaglaban sa mga kastila.di tulad ni rizal ang dami nyang sinulat pero ni isa wala man lang naging epekto sa kalayaan ng pinas...

  • @bbcode33
    @bbcode33 8 лет назад +2

    Mabuhay...... I love Andres Bonifacio as a National Pilipino Hero.. Indeed...

  • @narutoamongusgaming2333
    @narutoamongusgaming2333 4 года назад +2

    An dito Ako para sa modules :) hi 8-thales😁😅😆

  • @alfiemartin7103
    @alfiemartin7103 4 года назад +1

    Mabuhay ang Kalayaan. Mabuhay ang Pilipinas.

  • @saint-domme6680
    @saint-domme6680 5 лет назад +11

    Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
    sa pagkadalisay at pagkadakila
    gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa?
    Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala.
    Walang mahalagang hindi inihandog
    ng may pusong wagas sa bayang nagkupkop.
    Dugo, yaman, dunong, katiisa’t pagod,
    buhay ma'y abuting magkalagot-lagot.
    Ang nakaraang panahon ng aliw,
    ang inaasahang araw na darating
    ng pagkatimawa ng mga alipin,
    liban pa sa bayan saan tatanghalin?
    Sa aba ng abang mawalay sa bayan!
    Gunita ma'y laging sakbibi ng lumbay,
    walang alaala't inaasam-asam
    kundi ang makita'y lupang tinubuan.
    Kayong nalagasan ng bunga't bulaklak,
    kahoy niyaring buhay na nilanta't sukat
    ng bala-balaki't makapal na hirap
    muling manariwa't sa baya'y lumiyag.
    Ipakahandug-handog ang buong pag-ibig
    hanggang sa may dugo'y ubusing itigis!
    Kung sa pagtatanggol buhay ang kapalit,
    ito'y kapalaran at tunay na langit!
    Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
    sa pagkadalisay at pagkadakila
    gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa?
    Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala.

  • @mannybalitbit1359
    @mannybalitbit1359 7 лет назад +2

    walang ibang pulahan ang mas na una pa kay gat. andres bonifacio ...

  • @Felixrazon1
    @Felixrazon1 11 лет назад +4

    Mabuhay ang Supremo sa dibdib at himagsik ng sambayanang Pilipno!

  • @8-accuracy_bcnhszanderalex13
    @8-accuracy_bcnhszanderalex13 5 лет назад +1

    Si Andres Bonfacio ay isang bayani at kaibigan sa mga filipino!!

  • @o0len
    @o0len 13 лет назад +2

    go go go.......love this song.....

  • @makabayan1722
    @makabayan1722 11 лет назад +3

    mabuhay ang supremo ang tunay na lider ng bansa...

  • @kayowem
    @kayowem 7 лет назад +8

    Ang tunay na supremo

  • @mcmendio
    @mcmendio 14 лет назад +3

    Pagmamahal sa tinubuang lupa ay katumbas din ng ating pagmamahal sa pamilyang ating kinagisnan at kasama natin sa araw-araw na paglalakbay sa buhay, na saan man tayo magtungo ay atin inaasam na masulyapan at makapiling muli.

  • @JosephSalayog-hc9qz
    @JosephSalayog-hc9qz Год назад

    Mag mahalan Po Sana tayong lahat....awa Po Ng dyos...salamat Po.

  • @martelan4141
    @martelan4141 3 года назад

    Hindi pa Malaya ang lahat Ng pilipino Ito ay simula pa lang

  • @tainahollo
    @tainahollo 11 лет назад +29

    They sing so beautifully.

  • @mannybalitbit1359
    @mannybalitbit1359 7 лет назад +1

    ang tunay na bayani ay pa traydor na pinaslang ng kanyang katunggali sa pamumuno ..ang kasaysayan ng pilipinas ay muli lang nagbabalik balik ,sa tungaliang mayaman at mahirap ,kahit sa pang panguluhan .

  • @mcmendio
    @mcmendio 11 лет назад

    Sana'y magkaroon na ng kapayapaan at kaayusan sa mga patayan at kagulohan sa ating bayang mahal at nawa'y manaig parin ang maka-diyos at maka-bayan ng lahing Pilipino.

  • @marataschris1
    @marataschris1 13 лет назад

    HAPPY BIRTHDAY GAT ANDRES BONIFACIO ... YOUR MY NATIONAL HERO ...

  • @dawnalcantara3768
    @dawnalcantara3768 12 лет назад +4

    mabuhay ang rebulosyong pilipino..

  • @MrRoderick1962
    @MrRoderick1962 13 лет назад +1

    My worthy brother and hero.

  • @yzhaandasan996
    @yzhaandasan996 Год назад

    MARAMING SALAMAT SA MADAMDAMING AWIT NA KUMAKATAWAN SA PAGMAMAHAL SA INANG BAYANG MAHAL !

  • @wendellbernante1035
    @wendellbernante1035 8 лет назад +15

    kay supremo ang tula- bakit isinama ang larawan ng oportunista at taksil sa himagsikan…

  • @rcmontecalvo
    @rcmontecalvo 12 лет назад

    ito dapat ang pambansang awit

  • @zackyko
    @zackyko 15 лет назад

    so sad...heroes, some are not forgotten, some don't even know who they are..the fathers of our freedom, good values and respect to another human....they are all gone..and so their dreams.i try so hard to close my eyes and ears to what is going on in this planet..so sad!!!

  • @jalexseva4190
    @jalexseva4190 8 лет назад +5

    Bonifacio day!

  • @MinuteMindStretch2
    @MinuteMindStretch2 15 лет назад

    What a lovely song...

  • @erwinpedragorda1876
    @erwinpedragorda1876 5 лет назад +2

    Maraming salamat Andres bonofacio at sa mga kapatid mo maraming salamat po

    • @deodichoso943
      @deodichoso943 4 года назад

      Hindi pa natatapos ang makauring digmaan mananatili itong magaapoy maglalagablab para sa makauring paglaya ng sambayanang Pilipino .Mabuhay kayo mga kasama ,mabuhay ang mga taga Tondo.

  • @Huzlnut
    @Huzlnut 4 года назад +2

    History is a good stuff but 2020 is just internet I miss the old days where we play outside.

    • @Huzlnut
      @Huzlnut 4 года назад +2

      I hope there's someone Reading This.

    • @Huzlnut
      @Huzlnut 4 года назад +2

      Hey a massage from the past Hope u Having Fun in the internet World

    • @tonimcroberts8445
      @tonimcroberts8445 2 года назад

      @@Huzlnut thank you!

  • @leontuscaro1732
    @leontuscaro1732 5 лет назад +7

    This song keeps the flames of revolution alive through the heart of the Revolutionaries. Long leave the great Plebeian set the revolution of 1896, let us turn this flame into conflagration for change.Death to the Bourgeoisie ,Fascism and Imperialism!

  • @pinoynatotoo3898
    @pinoynatotoo3898 12 лет назад +2

    Mabuhay ang Supremo!

  • @gabrielangelo9937
    @gabrielangelo9937 3 года назад

    Ok na sana yung clip kung wala yung litrato ni Aguinaldo. Mabuhay ang alaala ng himagsikang 1896! Mabuhay ang alaala na iniwan ng Supremo at mga naunang kasapi ng Katipunan!

  • @rcmontecalvo
    @rcmontecalvo 12 лет назад +7

    bonifacio read 'les miserables' which was a pretty popular literature for liberals during the late nineteenth century. bonifacio was class-conscious. class-consciousness is not outside of an understanding of nationalism. it should not be. nationalism and class-consciousness should go together. in this particular song "timawa" "alipin" are socio-economic terms. they show class-consciousness.

  • @khauxxe4814
    @khauxxe4814 5 лет назад +2

    kung hindi lang nabulag ang ibang pilipino 😢

  • @danielredona
    @danielredona 17 лет назад

    Salamat kapatid at ito'y nai-post mo.

  • @skylordhan8132
    @skylordhan8132 10 лет назад +1

    MABUHAY KA SUPREMO!!!

  • @spacej0ckey
    @spacej0ckey 15 лет назад

    Alipin sa sariling bansa.......at kapwa pilipino.

  • @jiliannec
    @jiliannec 13 лет назад +2

    need to sing this in our demo in filipino:)) gudluck to me..i wish i can portrait it great :0

  • @892lgy7382
    @892lgy7382 14 лет назад

    @kalayaan777 Tama ka. Magkakampi sina Rizal at Bonifacio. Magkaiba lamang sila sa pamamaraan ng paglaban para bayan.

  • @ethanreece1452
    @ethanreece1452 4 года назад +4

    Even though i Don't understand a word its still a soothing sound to listen

  • @_aliuqet2940
    @_aliuqet2940 6 лет назад +4

    I'm actually using this song for my performance haha thank you andres bonifacio :3

  • @rosebenneths.mosura8130
    @rosebenneths.mosura8130 6 лет назад +1

    Certainly quite ironic during these times , revolution lives on !

  • @Pajojo28
    @Pajojo28 5 лет назад

    My President.

  • @annabautista4871
    @annabautista4871 3 года назад +2

    sino po ang vocalists sa version na ito? salamat

  • @royprado4540
    @royprado4540 4 года назад +2

    Why put the picture of Emilio Aguinaldo in this presentation of heroes?

  • @rovenorozco
    @rovenorozco 14 лет назад

    may kanta rin si diego...pag ibig sa tinubuang muka...

  • @sabell7677
    @sabell7677 5 лет назад

    Umiyak ako dito....

  • @sisiw5106
    @sisiw5106 4 года назад

    Sino nandito kasi pinapatula to sa school

  • @seanpauldizon6748
    @seanpauldizon6748 3 года назад

    Sharawts sa mga students dito na pinapakanta ng ganyan hahahaha

  • @philclassic
    @philclassic 15 лет назад

    Kabayan, salamat sa reply mo. I do respect your opinion. Ang akin lang, since alam na natin na mula't mula pa, ang Presidential form of government ay hindi naiahon sa hirap ang great majority mga Filipino ay bakit hindi natin subukan ang Parliamentary Government ng mga bansang mauunlad gaya ng UK? Iyon lang naman. Tulad sa pagkain, di mo malalaman kung masarap nga ito kung di mo muna titikman. Salamat po at mabuhay kayo!!

  • @jeson86
    @jeson86 15 лет назад

    I say, Trillanes at Gen. Lim ang sagot sa ating mga adhikain.. General na si Lim pero sa maliit pa rin na bahay nakatira.

  • @iKONSongYunhyung
    @iKONSongYunhyung 4 года назад

    Goodbye old five peso Bagong Lipunan Series Andres Bonifacio until December 31, 1985.
    Hello new Five Pesos Emilio Aguinaldo from paper bill 1986-1997 to coins 1998-present always remain present five peso coins from gold version 1998-2017 to silver version 2017-present remind always and brought us here always be with you Emilio Aguinaldo.

  • @batangueno14
    @batangueno14 16 лет назад

    ito ang pinakadakilang simbolo ng pagmamahal sa bayan.ito ay nasulat sa busilak na kabayanihan hindi sa pag gabay ng ideolohiyang maka kaliwa at maka kanan.

  • @beautifulgirlmage
    @beautifulgirlmage 8 лет назад +5

    GG Magdalo pak u

  • @lonelyislander8760
    @lonelyislander8760 3 года назад +1

    Aguinaldo should be stripped off from his National Hero title. Ako'y lubhang nalulungkot na ang mahal nating Supremo ay di man lang mabigyan ng hustisya. Luha ay unti-unting dumadaloy sa aking mga mata habang pinakikinggan ang napakagandang tulang ito.

  • @paturroman162
    @paturroman162 7 лет назад +2

    pahingi po ng mp3 nito...gagamitin ko po background music. salamat po.

  • @philclassic
    @philclassic 15 лет назад +1

    Kabayan. Subukan muna natin ang Parliamentary form of Government tulad ng sa UK bago nating sabihin na walang pagbabagong magaganap. Sa Parliamentary Goverment walang Senador at Congressman., kaya hindi malulustay at mapupunta sa kanilang mga bulsa ang kabang yaman ng bayan.

  • @johnzion16
    @johnzion16 14 лет назад

    bonifacio is my president...............viva supremo

  • @ChingadoShow
    @ChingadoShow 11 лет назад +1

    Maligayang Araw ng Kasarinlan!

  • @aljancagmat
    @aljancagmat 3 года назад

    This song is a historical protest song composed by Luis Salvador Jorque and sung by Inang Laya.

    • @bobbyespejo1774
      @bobbyespejo1774 Год назад

      The mother of GMA journalist is included in Inang Laya.

  • @truckinglipatbahaydoortodo1668
    @truckinglipatbahaydoortodo1668 6 лет назад

    Andress the Great

  • @tasvi
    @tasvi 15 лет назад

    Dapat wag iboto at suportahan.

  • @leoberazumbra8077
    @leoberazumbra8077 3 года назад

    Naparito dahil sabi ng aking guro ay makinig. ಠ_ʖಠ

  • @kristineoquindo6882
    @kristineoquindo6882 4 года назад

    Still the best song

  • @daverivera417
    @daverivera417 5 лет назад

    mas mainam sana kung ito ang pambansang awit ng pilipinas katulad ng hatikvah sa mga hudyo.

  • @MaricelConsolacion1623
    @MaricelConsolacion1623 12 лет назад

    download nyo po ung YTD downloader, convert nyo na lang po. Makikita nyo naman po doon.

  • @joedfuerte
    @joedfuerte 14 лет назад

    @cavalieron sana lahat nang tao mamulat sa pakiki pag laban

  • @jeson86
    @jeson86 15 лет назад

    Si Erap tatakbo ng Presidente... Anak ng pating...Ano na ang mangyayari sa ating mahal na Inang Bayan?

  • @mitsuqxo
    @mitsuqxo 8 лет назад +3

    +ProGamerYasuo Pro ako sa mini militia 2

  • @prolet0222
    @prolet0222 17 лет назад +1

    Tulad ni Andres BOnifacio, tanging sa armas at dahas lang makakamit ang ating tunay na pagalaya sa mga mang-aapi!!! Kaya marapat lang ipagpatuloy natin ang kanyang hindi natapos na rebolusyon. Maglagom tayo at magpanibagong hubog bilang mga rebolusyonaryo... Sa kamay natin nakasalalay ang bukas.

  • @sharpedge06
    @sharpedge06 14 лет назад

    the 1st president of the republic of the philippines! viva magdalo!!

  • @jeson86
    @jeson86 15 лет назад +1

    Pare, ang parliamentary form of gov't ay para sa bansa na ang mga pulitiko ay sincere at hindi corrupt. Palitan mo man ang systema ng gov't natin,lagyan mo man ng hari o reyna, pag ang mga pulitiko nito ay ganon pa rin ka-corrupt..Same old dog with diferrent collar lang iyan. Hindi tayo pwede sa parliamentary form of gov't. Buti na lang ating constitution ngayon na may limit ang term ng presidente. Kaya pilit nilang baguhin iyan.

  • @FrancisKielNLopez
    @FrancisKielNLopez 4 года назад

    HI CLASSMATES SA TAGA BALER GR 7 ST ANDREW

  • @MrOvoy
    @MrOvoy 13 лет назад

    let say sabay n clang 2

  • @grilled777cheese3
    @grilled777cheese3 3 года назад +2

    Are there any lyrics for this? The song sounds so beautiful, I would love to know what they're saying ☆

  • @darksavior1412
    @darksavior1412 12 лет назад

    sinu nag dislike sigurado hindi yan pinoy

  • @ianabernardez3352
    @ianabernardez3352 5 лет назад +1

    HI Josel!!! Sino ang singers nito? :)

  • @DealWithTheDevil.
    @DealWithTheDevil. 4 года назад

    Hi classmates 🙋🙋

  • @hazellove.1019
    @hazellove.1019 3 года назад

    nandito kase dahil sa mods

  • @jeson86
    @jeson86 15 лет назад

    BTW, walang senator o congressman sa parliamentary gov't. Pero may mga Members of Parliament din ang mga iyan, iba nga lang ang pangalan. If u want parliamentary(UK style), tanggalin na rin lahat ng governor at mayors. Mag-form na lang ng council each region or district, at mag-nominate kung sino ang maging mayor for 6 months. At dapat tatlong main political party lang, Labour, Tory, Lib Dems.

  • @catpuccino_hihi
    @catpuccino_hihi 4 года назад

    ANG PAG IBIG SA TINUBUANG LUPA
    Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
    sa pagkadalisay at magkadakila
    Gaya ng pag-ibig sa sariling lupa?
    Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala.
    Pagpupuring lubos ang palaging hangad
    Sa bayan ng taong may dangal na ingat,
    Umawit, tumula, kumata't at sumulat,
    Kalakhan din niya'y isinisiwalat.
    Walang mahalagang hindi inihandog
    Ng may pusong mahal sa Bayang nagkupkop,
    dugo, yaman, dunong, katiisa't pagod,
    Buhay ma'y abuting magkalagut-lagot.
    Bakit? Alin ito na sakdal ng laki,
    Na hinahandugan ng busong pagkasi,
    Na sa lalong mahal nakapangyayari,
    At ginugulan ng buhay na iwi?
    Ay! Ito'y ang iang bayang tinubuan:
    Siya'y iona't tangi sa kinamulatan
    Ng kawili-wiling liwanang ng araw
    Na nagbigay-init sa buong katawan.
    Kalakip din nito'y pag-ibig sa Bayan,
    Ang lahat ng lalong sa gunita'y mahal,
    Mula sa masaya'y gasong kasanggulan
    Hanggang sa katawa'y mapasa-libingan.
    Sa aba ng abang mawalay sa bayan!
    Gunita ma'y laging sakbibi ng lumbay,
    Walang alaala't inaasa-asam
    Kundi ang makita'y lupang tinubuan.
    Pati ng magdusa'y sampung kamatayan
    Wari ay masarap kung dahil sa bayan
    At lalong mahirap. Oh, himalang bagay!
    Lalong pag-irog pa ang sa kanya'y alay.
    Kung ang bayang ito'y masasa-panganib
    At siya ay dapat na ipagtangkilik,
    Ang anak, asawa, magulang, kapatid;
    Isang tawag niya'y tatalidang pilit.
    Hayo na nga, hayo, kayong nagabuhay
    Sa pag-asang lubos ng kaginhawahan
    At walang tinamo kundi kapaitan,
    Hayo na't ibangon ang naabang bayan!
    Kayong nalagasan ng bunga't bulaklak
    Ng kaho'y ng buhay na nilanta't sukat,
    Ng bala-balaki't makapal na hirap,
    muling manariaw't sa baya'y lumiyag.
    Ipahandug-handog ang busong pag-ibig
    At hanggang may dugo'y ubusing itigis;
    kung sa pagtatanggol, buhay ay mapatid,
    Ito'y kapalaran at tunay na langit!

    • @reigne7653
      @reigne7653 4 года назад

      Yo how much time did it take you to write this-

    • @catpuccino_hihi
      @catpuccino_hihi 4 года назад

      @@reigne7653 got it from my Filipino sub

    • @reigne7653
      @reigne7653 4 года назад +1

      @@catpuccino_hihi I'm looking at this because I need to write a reflection paper thingy for class wich is due 9pm 😭😭

    • @catpuccino_hihi
      @catpuccino_hihi 4 года назад

      @@reigne7653 Welp, goodluck to you.

  • @ISSAY68
    @ISSAY68 10 лет назад +2

    who sings this song....

    • @advillz
      @advillz 7 лет назад

      ISSAY68 Inang Laya

    • @nordomingo
      @nordomingo 6 лет назад

      I think this version is Patatag

  • @goodguysaladshendelzare1919
    @goodguysaladshendelzare1919 7 лет назад

    Accurate ba ang lyrics ng kanta o mali lang ang lyrics sa libro namin?