Anyone saying that OPM is dying obviously wasnt listening. This is the new age of OPM. Instrumentally driven, organic vocals, hypnotic, ambiance. Perfect therapy for the chaos in this country.
Kailanman ay hindi tayo binigo ng Munimuni sa pagbibigay ng isang tunay na mahusay na obra. Hindi lang nila tayo binibigyan ng isang musikang mapakikinggan, bagkus isa ring musikang nagpapaalalang may bagong simula sa lahat ng pagwawakas, may bagong pag-asa sa lahat ng pagbagsak, at may bagong kulay sa lahat ng kadiliman. Mahal ko kayo, Munimuni! 💛
This is timeless Pagkatapos ng sampung taon, kakantahin ko ito sa mga anak ko. Pagkatapos naman ng limampung taon, siguro paparinig ko pa ito sa mga apo ko. At patuloy lang sa mga susunod pang henerasyon. Kulayan natin.
Wow. This song was written by all Munimuni members. Ang husay; ang ganda. Salamat sa inyo, Munimuni, dahil nakulayan ninyo ang samu't saring damdamin, pangangailangan, at hangarin ng isang tao. Sa bawat tengang mahahagingan ng musika ng Munimuni ay may mararandaman at maghahangad pang makarinig mula sa inyo. Walang tapon sa album na ito. Damang dama po namin ang silakbo ninyo para sa musika at sa mga buhay na mababago nito. Pagpalain pa nawa kayo ng Maykapal.
AHHH NAIYAK AKO SA MGA SCENES SA LAST PART,, SANA SOON ISA NA RIN AKO SA MGA NAKIKISABAY, NAKIKITALON AT NAKIKIIYAK SA MGA KANTA NIYO!! SEE YOU SOONEST, MUNIMUNI! MAHAL KO KAYO & SALAMAT!
Nakakaiyak marinig boses ni ma’am sunshine as a supporting vocals, she’s the one who introduced me to your music. And from there you never disappoint me. Nakakapanibago lang, last time you released kalachuchi she spoiled us with the details haha, so yun, Keep it up muni-muni. Keep creating this one of a kind art. I’m a fan - Jared.
Nakikinig ako dito habang gumagawa ng project, tas nung patapos nako nag climax yung kanta tas natapos nako noong matahimik na ulit yung kanta ang saya HAHAHAH
Mah heart restored again.. My bad i did not discover this band when i'm in the worst situation of my life. To all of people out there, i want to tell y'all that you can find someone that wants you to grow, and make peace with you. Again, thankyou MUNIMUNI!! Thankyou den dun sa babaeng minahal ko ng sobra pero kaylangan umalis. Mahal kita, pangako mamahalin kita kahit malabo na.
i've been with munimuni since "simula" ep and them releasing this debut album and stealing the spotlight. i'm so proud as a fan that my favorite opm band has been recognized by many, now. munimuni never failed me, they'be been releasing tracks that my soul will feel home. thank u munimuni😭💖
These days, nawawalan na ako ng ganang mabuhay. Pati pagkain, hindi ko na rin mapansin. Mas lalong tumagal sa isipan ko yung suicidal thoughts. Tapos, tapos... nakita ko 'to, pinindot ko kaagad. Tapos ewan ko na lang, pagkatapos kong pakinggan, buwiset napasabi na lang ako sa sarili ko, "Kahit papano suwerte ako dahil napakinggan ko ang mga kanta niyo." Kaya, salamat talaga. Salamat po!!!
To the person I met in omegle who recommended this band to me, i love you. This band changed my life because of you. If you're reading this, Thank you so much!!
literally, napamuni-muni ako habang pinapakinggan ito. 10 minuto pero nakarating mula nakaraan hanggang sa hinaharap ang naabot ng pagrereflect ko. salamat sa pagbibigay kulay sa buhay ko
Munimuni, ito 'yong banda na pinakapaborito ng paborito kong tao, ayaw niyang ipagsigawan sa lahat, gusto niyang kahit saglit lang sakanya muna, he is selfish when it comes to something he dearly loves, he will hold onto it and cherish it all alone pero hindi ko inasahan na ibabahagi niya sakin. 'Yong sandaling yan ramdam ko na espesyal ako sakanya. Pero haha syempre may dulo, may tuldok, may limitasyon. Kaibigan lang kami at hanggang dyan lang ako. Di na kami naguusap pero salamat kasi nakilala ko ang Munimuni ng dahil sayo.
bakit ipagdadamot? baka mapakinggan ng mga normie na kpop song lang alam? bka mag mainstream ang muni muni? yan ang pumapatay sa orihinal na musikang Pilipino. kalma
Magiging maayos pa kaya ang lahat? Matututo ba akong salubungin ang alon ng buhay? Makukulayan pa ba ng ngiti at tawa ang mga araw na makulimlim? Babalik ka pa ba sa akin?
Grabe tong kantang to!! Ang dami mong mararamdaman, madadala ka ulit sa pagkabata mo, maalala mo lahat ng masasaya at malulungkot nangyari sa buhay mo, maiisip mo yung batang ikaw nuon at matatanong mong proud ba siya sa ngayon sa lahat ng mga desisyon at pangyayari sa buhay mo at higit sa lahat masaya ba siya na ganito ka na ngayon. Babalik-balikan ang kantang to palagi hangga't sa huli, ito'y nakatatak na sa aking puso at isipan. Salamat sa inspirasyon munimuni, at pagpapaalala na magpatuloy lang tayo sa buhay ano man ang balakid, tatandaan na ang bawat pahina ng buhay ay siyang dapat kulayan natin. Mabuhay ang kantang OPM!!Solid mga brotherr!💯
hindi ako gaanong fan ng munimuni noon, pero nung napakinggan ko 'yung Marilag.. idk what happened, palagi na akong nakikinig sa songs nila. tapos nalaman ko na fave band niya ang munimuni.. mas lalo akong naging fan❤️🩹❤️🩹❤️🩹
Ngayon lang ako ulit nagka-access sa phone ko and it's a great start of the year! Sinalubong ko ang bagong taon habang nakikinig sa kanta ng munimuni kasabay ng mga ingay sa paligid. Paputok, usok, busina, turotot, sigawan at hiyawan na may kasamang paglundag. Naging music video yung scenario, ang galing! Mula Bukang Liwayway hanggang Kulayan Natin. Ang ganda, ngayo'y magpapahinga na mula sa mahabang araw :> Babalik ako ulit, wag kayong mag-alala, mahal ko kayo! -Sye
Natuto na akong Pakinggan Ang ihip ng hanging Dati'y hindi kakilala Sa bawat bugso Ating natutuklasan Ang awit sa 'tin Ng tadhana Kulayan natin (kulayan ) Ng awit o tula (ng awit) Ang mga araw (ang mga) Na makulimlim (na makulimlim) Natuto na akong Salubungin Alon ng buhay ay Dati kinatatakutan Sa bawat hampas Ating natutuklasan Iisa ang langit Na natatanaw Kulayan natin (kulayan) Ng ngiti at tawa (ng ngiti) Ang mga araw (ang mga) Na makulimlim (na makulimlim) Kulayan natin (kulayan) Ng awit o tula (ng ngiti) Ang mga araw (ang mga) Na makulimlim (na makulimlim) Kulayan natin (kulayan) Ng ngiti at tawa (ng ngiti) Ang mga araw (ang mga) Na makulimlim (na makulimlim) Oh Oh Oh Oh Oh Oh Oh Oh Oh (oh) Oh (oh) Oh (oh) Oh (oh) Oh Oh Oh
Ang bigat neto. Parang sasabog puso ko. Gusto ko sumigaw. Gusto ko umiyak nalang hangang sa wala ng lumabas na luha. Pinag mamasdan ko ang makukulay nating larawan. Sabi mo masaya ka pero bakit mo ako iniwan. Para bang nag dilim ang mundo ko. Hinahanap kita ng matagal, nagkita tayo muli sa mga huling sandali na akoy lalayo para sa pangarap na dati kabilang kapa. Sapat nga ba ang iyong patawad at pasensya sa mga gabi kong puro bakit at sana. Nilaban kita hangang sa huli pero hindi parin ako ang iyong pinili. Para bang bawat bigkas mo na "mahal kita" awa nalang..
First time ko ata tong narinig e nung nagerupt yung taal, bale pumunta kami nun sa tagaytay at ito yung tugtog ko habang nabyahe. Feeling ko nagtravel ako lol. Sobramg sarap sa tenga ng kanta ng munimuni pag kakasinag pa lang ng araw para walang sisira sa mood mo buong araw haha salamat munimuni.
Eto yung mga awiting bigla kang nagiging totoo- lumalabas yung kailaliman ng pagkatao mo. Kung gaano talaga tayo kavulnerable. Sino ba talaga tayo? Bakit ba tayo naparito? Anong iniisip mo? Pero sa kabila ng lahat ng ito ay makikita natin ang ating mga sarili; payapang nakikinig sa musika.
Yung gabi kung binabalot ng takot dahil sa sakit na lumalaganap tila nawala dahil ako ay na akit sa bawat piyesa ng musika na akin pinakikingan ang sarap kulayan ng akin mga imahinasyon gamit ang piyesa ng musika 😊
*sending all the love and support munimuni!!* Love all your works and inspired me specially in my hell weeks of studying 💞💞 would buy a physical copy if i had the chance!! 10/10 would!! Mahal namin kayo!! 😢😢😆 solid :")
Nasa sitwasyon ulit ako ng buhay ko na hindi ko alam ang gagawin ko, lalo na ngayon, habang isinusulat ko (typing) ito --- hindi ko alam ang dapat kong gawin bukas o sa susunod na araw. Siguro, gagawin ko ulit yung mga bagay na ginagawa talaga ng isang indibidwal --- pero ewan ko, hindi ako masaya. Madaling araw na ngayon, nakahiga ako sa sofa at nakapatay ang ilaw. Iniisip ko ngayon kung bakit ang bigat ng nararamdaman ko kahit na hindi ko alam ang pinaghuhugutan. Dahil ba sa pagiging marami ng naiisip o dahil nag-da-drama lang? Hindi ko alam. Salamat pala dito sa kantang ito, nagpapasalamat ako sa liriko nitong napakaganda, napakalalim, at nagbibigay ng pag-asa (sa akin) na bigyang kulay ang lahat ng gagawin ko sa aking buhay. Kung hindi dahil sa kantang 'to, hindi ako makakagawa ng halos 200 na tula noong kasisimula pa lang ng pandemya (2020), salamat talaga nang marami. Hindi ko masabi nang mas maayos, pero mahal na mahal ko kayong lahat --- sobra.
kalachuchi: i'm the longest song by munimuni
kulayan natin: hold my beer
Anyone saying that OPM is dying obviously wasnt listening. This is the new age of OPM. Instrumentally driven, organic vocals, hypnotic, ambiance. Perfect therapy for the chaos in this country.
SANG-AYON AKO DITO!
the only thing that makes this country more chaotic is too much liberty
Couldn't agree more! 💖
Jeff Snag ikaw pala yan jeoff hahaha lodi
@@jobtuares2358 so true
Kailanman ay hindi tayo binigo ng Munimuni sa pagbibigay ng isang tunay na mahusay na obra. Hindi lang nila tayo binibigyan ng isang musikang mapakikinggan, bagkus isa ring musikang nagpapaalalang may bagong simula sa lahat ng pagwawakas, may bagong pag-asa sa lahat ng pagbagsak, at may bagong kulay sa lahat ng kadiliman. Mahal ko kayo, Munimuni! 💛
hindi ko man kayo nasamahan mula umpisa, sasamahan ko kayo hanggang dulo
Yesssss
🥺 grabee :
same ❤️
gago ang ganda nito
Nag-aaway na pamilya
Lalabas ng bahay
ilalabas ang cellphone mula sa bulsa
Bubuksan ang spotify at ipe-play ang kanta
payapa.
We hope you're fine now, man.
Ingat, par
ganyan talaga ang buhay pare, minsan masarap, minsan naman sobrang pait.
Papaya basa ko jusq self
this is my scenario everyday
This is timeless
Pagkatapos ng sampung taon, kakantahin ko ito sa mga anak ko. Pagkatapos naman ng limampung taon, siguro paparinig ko pa ito sa mga apo ko. At patuloy lang sa mga susunod pang henerasyon. Kulayan natin.
earphones, yakap ng unan, sabay punas ng luha. kape lang, walang yosi.
“How long do you want this song to be?”
Munimuni: Yes
Wow. This song was written by all Munimuni members. Ang husay; ang ganda. Salamat sa inyo, Munimuni, dahil nakulayan ninyo ang samu't saring damdamin, pangangailangan, at hangarin ng isang tao.
Sa bawat tengang mahahagingan ng musika ng Munimuni ay may mararandaman at maghahangad pang makarinig mula sa inyo.
Walang tapon sa album na ito. Damang dama po namin ang silakbo ninyo para sa musika at sa mga buhay na mababago nito. Pagpalain pa nawa kayo ng Maykapal.
Best 10 minutes and 27 seconds of my life
SAME PO 😭
Masarap talaga kapag naliligaw ka sa youtube makakakita ka ng matinong kanta
Sakit sa loob balikan tong kantang to lalo na umalis si TJ.... yung flashback clips... 😢
AHHH NAIYAK AKO SA MGA SCENES SA LAST PART,, SANA SOON ISA NA RIN AKO SA MGA NAKIKISABAY, NAKIKITALON AT NAKIKIIYAK SA MGA KANTA NIYO!! SEE YOU SOONEST, MUNIMUNI! MAHAL KO KAYO & SALAMAT!
July 26, 2019. 1am. kalmadong hangin, tamang yosi. 🎵
July 26, 2019. 2:40 AM. nakapatay ang ilaw sa kwarto at naka dungaw sa bintana. tamang yosi rin 💛
jan 26, 2019, 6:30 am, katamtamang sinag ng araw sa bintana, init ng kape, usok ng sigarilyo.
july 26, 2019 maaliwalas na umaga, mainit init na taho tamang yosi bago pumasok
Hulyo 26, 2019. 2:30 PM. katanghaliang tapat’ sinag ng araw lang ang liwanag sa kwarto, tulala at inaalala siya- wala ng yosi.
July 26 2019.. 4:56pm, tumatae habang yosi at ekoms
Nakakaiyak marinig boses ni ma’am sunshine as a supporting vocals, she’s the one who introduced me to your music. And from there you never disappoint me. Nakakapanibago lang, last time you released kalachuchi she spoiled us with the details haha, so yun, Keep it up muni-muni. Keep creating this one of a kind art. I’m a fan - Jared.
Nakikinig ako dito habang gumagawa ng project, tas nung patapos nako nag climax yung kanta tas natapos nako noong matahimik na ulit yung kanta ang saya HAHAHAH
Mah heart restored again..
My bad i did not discover this band when i'm in the worst situation of my life.
To all of people out there, i want to tell y'all that you can find someone that wants you to grow, and make peace with you.
Again, thankyou MUNIMUNI!!
Thankyou den dun sa babaeng minahal ko ng sobra pero kaylangan umalis. Mahal kita, pangako mamahalin kita kahit malabo na.
i've been with munimuni since "simula" ep and them releasing this debut album and stealing the spotlight. i'm so proud as a fan that my favorite opm band has been recognized by many, now. munimuni never failed me, they'be been releasing tracks that my soul will feel home. thank u munimuni😭💖
These days, nawawalan na ako ng ganang mabuhay. Pati pagkain, hindi ko na rin mapansin. Mas lalong tumagal sa isipan ko yung suicidal thoughts. Tapos, tapos... nakita ko 'to, pinindot ko kaagad. Tapos ewan ko na lang, pagkatapos kong pakinggan, buwiset napasabi na lang ako sa sarili ko, "Kahit papano suwerte ako dahil napakinggan ko ang mga kanta niyo." Kaya, salamat talaga. Salamat po!!!
Shiela Taupa 💛💛💛
ayun may benefits din pala ang spotify free gawat noon ko nalaman sa random ang munimuni hahahaha
To the person I met in omegle who recommended this band to me, i love you. This band changed my life because of you. If you're reading this, Thank you so much!!
someone from omegle also recommended me this song omjee
@@vheaasesor6812 a great impact in our lives indeed
Munimuni songs are not just songs, they are arts.
sarap umiyak at mag yosi habang nakikinig sa bagong album ng munimuni
Tumaas balahibo ko nung nakita ko yung ibang scenes sa mga dating MVs
literally, napamuni-muni ako habang pinapakinggan ito. 10 minuto pero nakarating mula nakaraan hanggang sa hinaharap ang naabot ng pagrereflect ko. salamat sa pagbibigay kulay sa buhay ko
Naiyak ako. Salamat, munimuni sa mga awiting handa niyong ibahagi para sa aming uhaw sa mga makakahulugang awitin.
Maraming salamat, munimuni. Tunay kayong alagad ng sining. ❤️ Mahal ko kayo. Padayon!
sa isa't kalahating taon, nakinig ako ng mga kanta ninyo na hindi talaga ako binigo. one of my faves, munimuni! let me support u til the end.
dati inis na inis ako sa mga kantang matagal matapos, pero ngayon, dahil dito, todo hanap na ko ng iba pang kantang ganito. hay, I love opm.
pag sumikat pa kayo, wag sana kayo mag kahiwa hiwalay. :(
Munimuni, ito 'yong banda na pinakapaborito ng paborito kong tao, ayaw niyang ipagsigawan sa lahat, gusto niyang kahit saglit lang sakanya muna, he is selfish when it comes to something he dearly loves, he will hold onto it and cherish it all alone pero hindi ko inasahan na ibabahagi niya sakin. 'Yong sandaling yan ramdam ko na espesyal ako sakanya.
Pero haha syempre may dulo, may tuldok, may limitasyon. Kaibigan lang kami at hanggang dyan lang ako.
Di na kami naguusap pero salamat kasi nakilala ko ang Munimuni ng dahil sayo.
GOOSEBUMPS SA MAY BRIDGE PART LUUUHHH
VISUALS + INSTRUMENTAL AMBIENT SOUNDS + VOCAL HARMONIES
Sarap ipagdamot! Thankyou munimuni sa isang napakagandang musika!! Buhay na buhay ang OPM!!!
bawal ipagdamot ang obrang para sa sangkatauhan hihihi
Gatekeeping
bakit ipagdadamot? baka mapakinggan ng mga normie na kpop song lang alam? bka mag mainstream ang muni muni? yan ang pumapatay sa orihinal na musikang Pilipino. kalma
@@oxxxx8245 agreed, bawal ang elitista, berirong
Masarap lang ipagdamot, pero hindi naman dapat.
Magiging maayos pa kaya ang lahat? Matututo ba akong salubungin ang alon ng buhay? Makukulayan pa ba ng ngiti at tawa ang mga araw na makulimlim? Babalik ka pa ba sa akin?
Nawa'y maging mapayapa na at bumalik na sa normal ang lahat ngayong Hunyo
#KulayanNatinAngHunyo
🎶❤🧡💛💚💙💜🖤
Long road drive + munimuni.... HAYYY SARAP MABUHAY KAHIT MAPANG-API ANG MUNDO.
I hope more people will come here and recognize and support you. Munimuni deserves all the love! ❤
Munimuni never fails to showcase their uniqueness and musicality.
The vintage science video part reminded me of Sineskwela
Never has a band made me stan so goddamn hard.
Great album, Munimuni. Daan kayo minsan sa CLSU hehe
parang makatunog sila ng isa pa nilang song na “kalachuchi” hahaha pero focc I ❤️ diiis song a truely obra maestra.
Its nice to start a new day after listening to a song like this.. I really love munimuni!
kape + malamig na panahon = munimuni
Grabe tong kantang to!! Ang dami mong mararamdaman, madadala ka ulit sa pagkabata mo, maalala mo lahat ng masasaya at malulungkot nangyari sa buhay mo, maiisip mo yung batang ikaw nuon at matatanong mong proud ba siya sa ngayon sa lahat ng mga desisyon at pangyayari sa buhay mo at higit sa lahat masaya ba siya na ganito ka na ngayon. Babalik-balikan ang kantang to palagi hangga't sa huli, ito'y nakatatak na sa aking puso at isipan. Salamat sa inspirasyon munimuni, at pagpapaalala na magpatuloy lang tayo sa buhay ano man ang balakid, tatandaan na ang bawat pahina ng buhay ay siyang dapat kulayan natin.
Mabuhay ang kantang OPM!!Solid mga brotherr!💯
Imagine a collab between this album and Rice Lucido's Hele ng Maharlika. I might die.
Oh yes to that. Can we also have Johnoy Danao? He's really good as well. Palawigin ang Makata Pop!
hindi ako gaanong fan ng munimuni noon, pero nung napakinggan ko 'yung Marilag.. idk what happened, palagi na akong nakikinig sa songs nila. tapos nalaman ko na fave band niya ang munimuni.. mas lalo akong naging fan❤️🩹❤️🩹❤️🩹
🤍 Thanks be to God. To God be the Glory forever and ever. Praise God. Amen. 🤍
Salamat
Munimuni
sa pagbibigay ng walang kamatayang pag-asa. Grabe. Salamat.
Coffee & cigar while listening to this song,,, u guys never fail to amaze me!!! 😩😩
Hindi ko talaga mapigilan ang hindi makinig dito habang nagbabasa ng comments. Ang solid nyo talaga munimuni!
Ngayon lang ako ulit nagka-access sa phone ko and it's a great start of the year! Sinalubong ko ang bagong taon habang nakikinig sa kanta ng munimuni kasabay ng mga ingay sa paligid. Paputok, usok, busina, turotot, sigawan at hiyawan na may kasamang paglundag. Naging music video yung scenario, ang galing! Mula Bukang Liwayway hanggang Kulayan Natin. Ang ganda, ngayo'y magpapahinga na mula sa mahabang araw :> Babalik ako ulit, wag kayong mag-alala, mahal ko kayo! -Sye
Natuto na akong
Pakinggan
Ang ihip ng hanging
Dati'y hindi kakilala
Sa bawat bugso
Ating natutuklasan
Ang awit sa 'tin
Ng tadhana
Kulayan natin (kulayan )
Ng awit o tula (ng awit)
Ang mga araw (ang mga)
Na makulimlim (na makulimlim)
Natuto na akong
Salubungin
Alon ng buhay ay
Dati kinatatakutan
Sa bawat hampas
Ating natutuklasan
Iisa ang langit
Na natatanaw
Kulayan natin (kulayan)
Ng ngiti at tawa (ng ngiti)
Ang mga araw (ang mga)
Na makulimlim (na makulimlim)
Kulayan natin (kulayan)
Ng awit o tula (ng ngiti)
Ang mga araw (ang mga)
Na makulimlim (na makulimlim)
Kulayan natin (kulayan)
Ng ngiti at tawa (ng ngiti)
Ang mga araw (ang mga)
Na makulimlim (na makulimlim)
Oh
Oh
Oh
Oh
Oh
Oh
Oh
Oh
Oh (oh)
Oh (oh)
Oh (oh)
Oh (oh)
Oh
Oh
Oh
Maraming salamat sa mga makukulay na alaala TJ!! Hanggang sa muli!!💕🎶
Ang bigat neto. Parang sasabog puso ko. Gusto ko sumigaw. Gusto ko umiyak nalang hangang sa wala ng lumabas na luha. Pinag mamasdan ko ang makukulay nating larawan. Sabi mo masaya ka pero bakit mo ako iniwan. Para bang nag dilim ang mundo ko. Hinahanap kita ng matagal, nagkita tayo muli sa mga huling sandali na akoy lalayo para sa pangarap na dati kabilang kapa. Sapat nga ba ang iyong patawad at pasensya sa mga gabi kong puro bakit at sana. Nilaban kita hangang sa huli pero hindi parin ako ang iyong pinili. Para bang bawat bigkas mo na "mahal kita" awa nalang..
dinaladala ako ng mga awit n'yo sa ibang bahagi ng sarili ko
Totoo ba 'to??! Sampung minuto?!!!! Gagawin niyo kaming emosyonal nang sampung minuto?!!! T^T
sa hindi pag alala introduced me to u and now i'm here being in love with every song made by u guys
And sarap pakinggan neto habang nagbabyahe tapos pasalubong yung sikat ng araw 🌞
Been here since Red calayan was still in munimuni tapos Simula yung unang Ep nila ayyyrttttt
Who's still here in 2024?
I JUST RECENTLY DISCOVERED THIS UNDERRATED AND AMAZING GROUP. HATS OFF. I'M A NEW FAN.
Kulayan ang drawing ng magtotropa❤💙💚💛💜
3 am nakahiga ka sa duyan sabay kape at yosi while listening to this song. Feel nyo?
First time ko ata tong narinig e nung nagerupt yung taal, bale pumunta kami nun sa tagaytay at ito yung tugtog ko habang nabyahe. Feeling ko nagtravel ako lol. Sobramg sarap sa tenga ng kanta ng munimuni pag kakasinag pa lang ng araw para walang sisira sa mood mo buong araw haha salamat munimuni.
bruh i came back because i'm suffocated and want to release stress. i miss munimuni and their talent.
Ang ganda ng album niyo Munimuni! Halo-halong damdamin ang umuusbong!
Eto yung mga awiting bigla kang nagiging totoo- lumalabas yung kailaliman ng pagkatao mo. Kung gaano talaga tayo kavulnerable. Sino ba talaga tayo? Bakit ba tayo naparito? Anong iniisip mo? Pero sa kabila ng lahat ng ito ay makikita natin ang ating mga sarili; payapang nakikinig sa musika.
If I were to be married to my special someone one day. I'm glad that munimuni will be the band who will sing along the way
Kape/Yosi tayo?
Me: Munimuni lang sapat na.
munimuni sa tag-ulan.
YES. A 10-MINUTE SONG FROM MUNIMUNI. JUST WHAT I NEED
Sobrang nostalgic and giving emotional vibes talaga ng munimuni
Wooowww, grabe nagsurprise talaga kayo. Grabe kayooooo! Ganda! 😍
Never disappoint us grabe kayo muni muni! Here before it hits thousands or millions :)
Dedicated for my friends na puro drawing
Yung gabi kung binabalot ng takot dahil sa sakit na lumalaganap tila nawala dahil ako ay na akit sa bawat piyesa ng musika na akin pinakikingan ang sarap kulayan ng akin mga imahinasyon gamit ang piyesa ng musika 😊
*sending all the love and support munimuni!!*
Love all your works and inspired me specially in my hell weeks of studying 💞💞 would buy a physical copy if i had the chance!! 10/10 would!! Mahal namin kayo!! 😢😢😆 solid :")
Ang husay niyooooooooooooo. Mahal ko kayo Munimuni 😭❤️
munimuni drops a lot of good s**t again. grats on your new album.
August 27, 2019. 12am. Listening to the whole album and reminiscing sad and happy memories
Happy Anniversary Kulayan Natin Album! Your music helped me a lot emotionally, Thank you
All the songs of munimuni is really the best if want to be alone or gusto lang talaga mag muni muni 🔥🔥
Ang iyong musika
Pinapagling ang Puso kong
Sugat at pagod na.
Your song is my pain healer.
Maraming salamat Munimuni.
naiiyak ako, napakaganda. maraming salamat munimuni
wait this is probably the best song to listen to pag tinatamaan ka ng kalungkutan mo+u need inspiration!
Miss ko na ang mga likha niyong masarap sa tenga kapag pinapakinggan. Munimuni, mahal ko kayooo!!!
Dadalhin ka talaga netong kantang to sa ibang mundo eh kumbaga icocomfort ka neto sa kabila ng mga pangyayari sa buhay mo
Nasa sitwasyon ulit ako ng buhay ko na hindi ko alam ang gagawin ko, lalo na ngayon, habang isinusulat ko (typing) ito --- hindi ko alam ang dapat kong gawin bukas o sa susunod na araw.
Siguro, gagawin ko ulit yung mga bagay na ginagawa talaga ng isang indibidwal --- pero ewan ko, hindi ako masaya.
Madaling araw na ngayon, nakahiga ako sa sofa at nakapatay ang ilaw. Iniisip ko ngayon kung bakit ang bigat ng nararamdaman ko kahit na hindi ko alam ang pinaghuhugutan.
Dahil ba sa pagiging marami ng naiisip o dahil nag-da-drama lang?
Hindi ko alam.
Salamat pala dito sa kantang ito, nagpapasalamat ako sa liriko nitong napakaganda, napakalalim, at nagbibigay ng pag-asa (sa akin) na bigyang kulay ang lahat ng gagawin ko sa aking buhay.
Kung hindi dahil sa kantang 'to, hindi ako makakagawa ng halos 200 na tula noong kasisimula pa lang ng pandemya (2020), salamat talaga nang marami.
Hindi ko masabi nang mas maayos, pero mahal na mahal ko kayong lahat --- sobra.
Mahal ko ang mga pakiramdam na pinapakilala niyo sa akin 'pag nakikinig ako sa inyo pero mas mahal na mahal ko kayo Munimuni! 😭❤
salamat sa kuya ko na inintroduce sa 'kin itong munimuni.
Naniniwala ako na sa sikretong mundo ng mga musika ay kilalang-kilala kayo.
I'm crying. This is a masterpiece!
Salamat Munimuni! Maraming Salamat! 😊
cute na silang lahat nagsulat nito aww 🙌
Shet ang gandaaa
Dapat ito ang bibigyan pansin kapwa Pilipino support OPM
ito na lang ang tanging nagbibigay kulay sa blanko kong buhay
HAY MUNIMUNI ily thank you for keeping me sane
It's so beautiful ending this whole album by this song. What a beautiful morning to us!
This song can give you inspiration 🔥🔥🔥