Catholic Mass Today Live at Santo Padre Pio National Shrine - Batangas. 22 Nov 2023 7a.m.

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 28 сен 2024
  • Parish and National Shrine of St. Padre Pio Live Mass
    Paggunita kay Santa Cecilia, dalaga at martir November 22, 2023
    UNANG PAGBASA
    2 Macabeo 7, 1. 20-31
    Noong mga araw na iyon, isang ina at ang kanyang pitong anak na lalaki ang ipinahuli ng hari. Sila’y pinahirapan para piliting kumain ng karneng baboy na ipinagbabawal ng Diyos.
    Ang di malilimot at higit na kahanga-hanga ay ang ina. Nasaksihan nito ang sunud-sunod na pagpaparusang ginawa sa kanyang pitong anak hanggang sa ang mga ito’y mamatay sa loob lamang ng isang oras. Ngunit hindi nasira ang kanyang loob dahil nagtitiwala siya sa Panginoon. Malakas ang kanyang loob kahit na siya’y babae; kasintapang siya ng lalaki. Sa wika ng kanyang mga ninuno, isa-isa niyang pinalakas ang loob ng kanyang mga anak. Ganito ang sabi niya, “Hindi ko alam kung paano kayo naging tao sa aking sinapupunan. Hindi ako ang naglagay ng iba’t ibang sangkap ng inyong katawan at nagbigay sa inyo ng buhay. Ang lumikha ng buong santinakpan ang siya ring lumilikha ng tao at lahat ng bagay. Dahil sa kanyang kagandahang-loob ay ibabalik niyang muli ang inyong hininga at buhay, yamang hindi ninyo inaalintana ang sariling buhay dahil sa kanyang Kautusan.”
    Sa pandinig ni Antioco, ang pangungusap na ito ng ina ay isang pag-aglahi sa kanya, kaya’t sinikap niyang mahimok ang bunsong anak ng babae na talikdan ang kanyang relihiyon. Ipinangako niya na payayamanin siya at patatanyagin; pagkakalooban pa ng mataas na tungkulin at ituturing na isang kaibigan ng hari. Subalit hindi siya inintindi ng anak, kaya’t nilapitan ng hari ang ina. Sinabi niyang payuhan nito ang anak kung gusto niyang ito’y mabuhay. Sa kahihimok ng hari, napahinunod ang ina na kausapin ang anak. Bilang pag-uyam sa malupit na hari, dumikit siya sa kanyang anak at pabulong na kinausap ito sa sariling wika, “Anak, mahabag ka sa iyong ina na siyam na buwang nagdala sa iyo sa kanyang sinapupunan. Tatlong taon kitang pinasuso. Pinalaki kita, pinapag-aral at inaruga hanggang ngayon. Masdan mo ang kalangitan at ang daigdig at lahat ng bagay na naroon. Alam mong ang lahat ng iyan ay nilikha ng Diyos, tulad din naman ng sangkatauhan. Huwag kang matakot sa berdugong ito. Ipakita mong karapat-dapat ka sa iyong mga kapatid na nagdusa hanggang kamatayan, upang sa muling pagkabuhay ay makapiling kita kasama nila.”
    Hindi pa man natatapos magsalita ang ina, sinabi ng anak, “Ano pang iyong hinihintay, Haring Antioco? Hindi ko susundin ang utos mo; ang susundin ko’y ang mga utos na ibinigay ng Diyos sa pamamagitan ni Moises! Ikaw ang may kagagawan ng lahat ng pagpapahirap na ito sa mga Judio! Ngunit tandaan mo na hindi ka makatatakas sa parusa ng Diyos!”
    MABUTING BALITA
    Lucas 19, 11-28
    Noong panahong iyon, isinaysay ni Hesus ang isang talinghaga sa mga nakarinig ng una niyang pangungusap. Ginawa niya ito sapagkat malapit na siya sa Jerusalem, at ang akala ng mga tao ay itatatag na ang kaharian ng Diyos. Sabi niya: “May isang mahal na taong nagtungo sa malayong lupain upang gawing hari at magbalik pagkatapos niyon. Bago siya umalis, tinawag niya ang sampu sa kanyang mga alipin. Binigyan niya ang mga ito ng tig-iisang salaping ginto at sinabihan sila, ‘Ipangalakal ninyo iyan hanggang sa pagbabalik ko.’ Poot na poot naman sa kanya ang kanyang mga kababayan, kaya’t pagkaalis niya, nagsugo sila ng mga kinatawan upang sabihin sa kinauukulan: ‘Ayaw naming maging hari ang taong ito!’
    “Ngunit ginawa ring hari ang taong iyon. Umuwi siya pagkatapos, at ipinatawag ang mga aliping binigyan niya ng salaping ginto, upang malaman kung gaano ang tinubo ng bawat isa. Lumapit sa kanya ang una at ang sabi, ‘Panginoon, ang salapi ninyong ginto ay nagtubo ng sampu.’ ‘Magaling,’ sagot niya. ‘Mabuting alipin! Yamang naging matapat ka sa kakaunting bagay, pamamahalain kita sa sampung bayan.’ Lumapit ang ikalawa at ang sinabi, ‘Panginoon, ang inyong salaping ginto ay nagtubo ng lima.’ At sinabi niya sa kanya, ‘Mamamahala ka sa limang bayan.’ Lumapit ang isa pang alipin at nagsabi, ‘Panginoon, heto po ang inyong salaping ginto. Binalot ko po sa panyo at itinago. Natatakot po ako sa inyo, sapagkat napakahigpit ninyo; kinukuha ninyo ang hindi sa inyo, at inaani ang hindi ninyo inihasik.’ Sinagot siya ng kanyang panginoon, ‘Masamang alipin! Sa salita mong iyan kita hahatulan. Alam mo palang ako’y mahigpit. Sinabi mo, kinukuha ko ang hindi sa akin at inaani ko ang hindi ko inihasik. Bakit hindi mo inilagay sa bangko ang aking salapi? Pagbabalik ko, sana’y may tinubo ang puhunang ito.’ At sinabi niya sa mga naroroon, ‘Kunin ninyo sa kanya ang salaping ginto, at ibigay sa may sampu.’ ‘Panginoon, siya po’y mayroon nang sampung salaping ginto!’ wika nila. ‘Sinasabi ko sa inyo: ang bawat mayroon ay bibigyan pa, ngunit ang wala, kahit ang kakaunting nasa kanya ay kukunin pa. Tungkol naman sa mga kaaway kong aayaw na ako’y maghari sa kanila - dalhin ninyo dito at patayin sa harapan ko!’”
    Pagkasabi nito, nagpauna si Hesus patungong Jerusalem.

Комментарии • 39

  • @elisagravador8722
    @elisagravador8722 10 месяцев назад

    Panginoon, Dinggin Mo Po Ang Aming Panalangin Amen.

  • @elisagravador8722
    @elisagravador8722 10 месяцев назад

    Saint Padre Pio Please Guide My Daughter, Enlighten Her Heart And Mind, Erase All Hatered And Her Mind And Heart, Thank You Mama Mary Please Heal Her Amen, Please Help Me Back My Daughter To Us, Padre Pio Please Guide Me Give Strength And Hope Amen.

  • @felybalbacal7323
    @felybalbacal7323 10 месяцев назад

    Mahal na poong Santo Padre Pio salamat po uli sa umagang ito ligtas po kami lahat salamat din po at nasa trabaho na ang akng anak pagkalooban nyo rin po lagi sya ng lakas ng katawan at ligtas lagi sa lahat ng karamdaman ilayo mo nyo rin sya sa tao na gagawa ng masama sa kapwa pagkaloob nyo rin po na matupad lahat nya ang kanya mga layunin sa buhay gabayan nyo rin po lagi sya at iligtas sa lahat ng klase ng aksidente kayo na po ang bahala sa kanya .. loobin nyo po gumaling na ng tuluyan ang akng mga nararamdaman sa katawan ..AMEN…

  • @victoriadelrosario3620
    @victoriadelrosario3620 10 месяцев назад

    Santa maria ina ng dios ipanalangin mopo kamung makasalanan ngayon at kung kamiy mamatay amen

  • @normavaleros9011
    @normavaleros9011 10 месяцев назад

    Padre pio pl pray for me. For healng for me and my chldren an siblings salamat po

  • @ClaraToquero-im9bp
    @ClaraToquero-im9bp 10 месяцев назад

    In Jesus mighty name we pray Amen!!!!!!!!!!!💖🙏

  • @elenabenito5421
    @elenabenito5421 10 месяцев назад

    Thank you LORD JESUS for the gift of life

  • @albertoalmonicar43
    @albertoalmonicar43 10 месяцев назад

    ❤salamat po ama ko amen❤❤❤❤❤❤

  • @paulynmariasangel3860
    @paulynmariasangel3860 10 месяцев назад

    Thanks be to God🙏👏❤️

  • @danieortiz1921
    @danieortiz1921 10 месяцев назад +1

    ❤❤❤❤❤❤❤❤

  • @edithnardoni6631
    @edithnardoni6631 10 месяцев назад

    St Padre Pio, samahan at patnubayan mo po ang mga anak ko na mag travel today ...si Darren at si Cindy.Salamat po St Padre Pio.Amen

  • @GerardoLlavor
    @GerardoLlavor 10 месяцев назад

    padre pio tulongang mo c roderick llavor na gumaling sa karamdaman at ganoon din po c ryan llavor na gumaling rin po sa kalagayan amen

  • @berniesevidal7450
    @berniesevidal7450 10 месяцев назад

    SAINT PADRE PIO SALAMAT PO LAGI SA BLESSINGS. PAGALINGIN NIYO PO ANG AMING MGA SAKIT. PATAWARIN NIYO PO MGA KASALANAN NAMIN.

  • @victoriadelrosario3620
    @victoriadelrosario3620 10 месяцев назад

    Pag kalooban mo po ako ng kalakasan kagalingan maraming salamat po amen

  • @aliciarosas4136
    @aliciarosas4136 10 месяцев назад

    Saint Padre Pio tulungan nyo po ako gumaling😢😢

  • @elisagravador8722
    @elisagravador8722 10 месяцев назад

    Paggising Ko, Poong Sinta Sa Piling Moy Magsasaya . Amen.

  • @elisagravador8722
    @elisagravador8722 10 месяцев назад

    Lord Jesus Christ, Padre Pio, You Are My Light, My Strength, My Hope, And My Salvation, Please Help Me And My Daughter Amen.

  • @epifaniapangilinan410
    @epifaniapangilinan410 10 месяцев назад

    Praises, Glory and wisdom and thanksgiving Honor and Power might be to our God forever and ever Amen 🙏🙏🙏 FIAT LUX ✨✨✨✨✨

  • @victoriadelrosario3620
    @victoriadelrosario3620 10 месяцев назад

    Sabta maria ina ng dios bigyan mokami ng kaka in sa arawaraw amen

  • @victoriadelrosario3620
    @victoriadelrosario3620 10 месяцев назад

    Ipanalangin mo ako mahal na sto pio at pagalingi amen

  • @elisagravador8722
    @elisagravador8722 10 месяцев назад

    Saint Padre Pio Please Pray For Me And Help Me To Heal My Skin, Touch Me With Your Hailing Hands Amen, Please Help My Son In Law To His Sickness, Please Pray And Heal My Brothers To His Sickness, Please Help My Friend To His Eyes, Please Pray And Heal Baby Faith, Gigi And Loleng, Padre Pio Please Heal All Of Us Amen.

  • @elisagravador8722
    @elisagravador8722 10 месяцев назад

    Memorial Of Saint Cecilia, Virgin And Martyr Pray For Us, And Please Help Heal Us, Be With Us Always Amen.

  • @elisagravador8722
    @elisagravador8722 10 месяцев назад

    Saint Padre Pio Thank You For Everything You Given To Us, Please Pray For Us My Children My Grandchildren Protect Guide All Of Us, Forgive Our Sins We Commit Amen, Please Pray For My Son To Rebuild His Self And Family, Guide Protect Keep Him Safety, Padre Pio Please Help Me To My Children My Family To Be Together Again, Padre Pio Please Hear My Prayers And My Intention Amen, Padre Pio Please Bless All Of Us Amen.

  • @erlaalibuga4082
    @erlaalibuga4082 10 месяцев назад

    Prayer for the soul of Sonia... Eternal rest grant unto her and let perpetual light shine upon her... May she rest in peace... Amen.

  • @erlaalibuga4082
    @erlaalibuga4082 10 месяцев назад

    St Padre Pioneer pray for us healing good health guidance and protection of my family relatives and friends especially my daughter... In Jesus name Amen.

  • @pinkydelossantos2033
    @pinkydelossantos2033 10 месяцев назад

    Salamat Po lord Amen 🙏🙏🙏

  • @elisagravador8722
    @elisagravador8722 10 месяцев назад

    Saint Padre Pio Be Centre Of Our Life Amen, Thank You For The Gift Of Our Life Amen.

  • @normavaleros9011
    @normavaleros9011 10 месяцев назад

    Padre pio pl pray for me. For healng for me and my chldren an siblings salamat po

  • @elenabenito5421
    @elenabenito5421 10 месяцев назад

    Also praying for the soul of ma.salome tan Villoria ang all my loveones

  • @elsasalcedo1389
    @elsasalcedo1389 10 месяцев назад

    Salamat sa Dios

  • @victoriadelrosario3620
    @victoriadelrosario3620 10 месяцев назад

    Salamat sa dios

  • @DillenManadero-r9d
    @DillenManadero-r9d 10 месяцев назад

    Salamat sa dios.

  • @Juan-e4p9b
    @Juan-e4p9b 10 месяцев назад

    AMEN❤️🙏❤️🙏❤️🙏❤️🙏❤️

  • @evonienarciso7150
    @evonienarciso7150 10 месяцев назад

    Amen 🙏🙏❤❤❤

  • @paulynmariasangel3860
    @paulynmariasangel3860 10 месяцев назад

    Amen🙏

  • @gerrysantelices7367
    @gerrysantelices7367 10 месяцев назад

    Amen

  • @AmeliaTan-eu9zi
    @AmeliaTan-eu9zi 10 месяцев назад

    Santo Padre Pio keep us always healthy and free from dangers and illnesses and please heal me.🙏🙏🙏

  • @fealolod7961
    @fealolod7961 10 месяцев назад +1

    Mahal na St Pio, tulungan mo gumaling ang sister c Arlene Alolod Mendia sa kanyang kalusugan tulungan nyo po bumalik sa normal nya gawa at gabayan nyo xa ngayon at hanggang nabubuhay po xa. Jesus ng Awa dinggin mo po kmi. Amen❤🙏❤

  • @DillenManadero-r9d
    @DillenManadero-r9d 10 месяцев назад

    Mahal na Padre PIO gabayan mo Ako at aking pamilya bigyan kame ng malusog na katawan Maraming maraming salamat sa biyaya na natanggap namin Amen.