IWASANG MA-SCAM: ALAMIN MUNA ANG MGA ITO BAGO BUMILI NG LUPA OR ARI-ARIAN

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 17 июл 2022
  • Alamin ang mga dapat gawin bago bumili ng lupa or ari-arian para maiwasan ma-scam or maloko.
    This video’s LEGAL MAXIM is “Functus Officio”which means “of no further legal effect.”
    Please see related videos below for further information:
    • PRACTICAL GUIDE SA PAG...
    • BUYER OR SELLER: SINO ...
    • PROOF OF OWNERSHIP BA ...
    • MAGKANO AT PARA SAAN B...
    • GAANO BA KA-IMPORTANTE...
    DISCLAIMER: Batas Pinoy - legal aid and public service only in collaboration with the Integrated Bar of the Philippines (IBP) Manila IV Chapter.
    Contents are not legal opinion - CONSULT YOUR LAWYER.
    My dear subscribers and viewers, Maraming Salamat po sa inyong support. Please bear with me, due to the THOUSANDS of questions na natatanggap daily at naghihintay ng kasagutan, it is physically impossible na masagot kayong lahat. Rest assured na I am trying my best to reply to as many as I can, pero talagang hindi po kakayanin na lahat kayo ay masasagot. For privacy and security reasons, hindi po tayo nagbibigay ng personal contact information.
    Ang Batas Pinoy ay isang legal aid, public service program ng inyong lingkod. Hindi po ito daan para makahikayat ng kliyente for gain nor profit.
    Maari po ninyong i-review ang mga past videos sa ating Batas Pinoy channel tungkol sa mga subjects na natalakay at nasagot na. Maraming Salamat po muli sa inyong suporta. It is an honour to serve our kababayans from around the world.
    Copyright Disclaimer: Under Section 107 of the Copyright Act 1976, allowance is made for “fair use” for purposes such as criticism, comment, news reporting, teaching, scholarship, education and research. Fair use is a use permitted by copyright statute that might otherwise be infringing.
    #bataspinoy #transferofownership #landtitle

Комментарии • 288

  • @nestorbuenaventura12
    @nestorbuenaventura12 2 года назад +2

    Salamat po sa mga legal tips niyo malaking tulong sa mga viewers mabuhay po kayo

  • @NellieGCabo
    @NellieGCabo 2 года назад +3

    Kaya tayo or kaya may Naloloko or nagiging victims of SCAM ay dahil sa "TIWALA or IGNORANCE " which is Right. Thank you po, Attorney for Posting this Issue . This is also an Interesting Matter.

    • @BatasPinoyOnline
      @BatasPinoyOnline  2 года назад +1

      Greetings Nellie! Thank for the inciteful comments.

  • @nancycanete6152
    @nancycanete6152 2 года назад +1

    very informative 👍thank you attorney GOD BLESS 🙏❤️

  • @klairedy3109
    @klairedy3109 Год назад

    Maraming Salamat Atty.,dami kong natutunan lalo na bibili kami ngayon ng lupa.

  • @merlindapsanjuan
    @merlindapsanjuan Год назад

    Hello Po .., nahanap ko uli Ang chanel, mo. I'm happy at salamat sa mga real advices😊

  • @Goldennature4886
    @Goldennature4886 Год назад

    Salamat sa batas payo atty. Very imformative

  • @akistoys4947
    @akistoys4947 4 месяца назад

    Salamat po. Laking tulong nito.

  • @rolyriparip4178
    @rolyriparip4178 2 года назад +2

    Atty. good afternoon maraming salamat saiyong pag mamalasakit sa ating mga kababayan mabuhay ka atty. sa iyong malasakit

    • @maryanndespa8346
      @maryanndespa8346 2 года назад

      Good day po atty.tanong lng po ang common law po ba may karapatan sa property ng asawa.but may una cia pamilya pero devorse na cla at may mga anak cla.common law kmi at may anak din kmi.ano po mangyayare halimbawa di nman ntin hinihiling kong sino ang mauna na mawala.ano po ang security ng asawa na common law.

    • @BatasPinoyOnline
      @BatasPinoyOnline  2 года назад

      Greetings Roly! Thank you for watching.

    • @BatasPinoyOnline
      @BatasPinoyOnline  2 года назад

      Kung hindi kasal ang couple na in common law relation ang mga naipundar na mga ari-aria nila is governed by the law on co-owenrship. That means , 50-50 kayo. Pero ung inyong mga anak ay ay maituturing na mga compulsory heirs ninyo. Na mentioned ninyo na divorce na ung partner mo, pero kung di naman foreigner ang partner mo at Filipino siya, ay walang divorce sa Pilipinas, at kahit nag hiwalay na ng matagal ang mag asawa at hindi pa annulled ang kasal nila, ang ang mang ari-ariang napundar ng sino man sa kanila ay maituturing na bahagi ng kanilang conjugal property or community property. Base rito, ung 50% share ng partner sa inyong co-ownership ay mapupunta sa kanyang conjugal or community property.

  • @moonflower1433
    @moonflower1433 2 года назад +1

    Hello po again, Atty Wong.... sana palagi po kayu okey...👍😊⚘

    • @BatasPinoyOnline
      @BatasPinoyOnline  2 года назад

      Greetings Moon Flower for following our channel.!!

  • @joshuaf.9111
    @joshuaf.9111 Год назад

    Thank you po Atty. God bless po.

  • @hazeldug-a
    @hazeldug-a 2 года назад

    this is very helpful po atty., I am planning to buy sana ng propery like lupa for farming.

  • @lynnbeltran8010
    @lynnbeltran8010 2 года назад

    Hello atty. Laging nag aabang ng mga topic mo. Magandang content po para aware sa mga bumibili. Thank you for sharing atty. @take care always

    • @BatasPinoyOnline
      @BatasPinoyOnline  2 года назад +1

      Greetings Lynn Beltran!! Thank you for watching and for following our channel

  • @aimielysallutan1341
    @aimielysallutan1341 2 года назад

    Magandang umaga po atty.sna po lage kau mabuting kalagayan para marami p po kmi matutuhan sa legal pgbili ng mga property po godbless always po attorney 🙏🙏🙏❤️❤️❤️

    • @BatasPinoyOnline
      @BatasPinoyOnline  2 года назад +1

      Greetings aimely! Thank you for watching and the good wishes. God Bless too!

  • @kimdez7921
    @kimdez7921 2 года назад

    Thanks for this video will watch later hehe

  • @barberongbroker2973
    @barberongbroker2973 2 года назад +1

    Thank you for sharing Atty.

    • @BatasPinoyOnline
      @BatasPinoyOnline  2 года назад +1

      Greetings Barberong Broker! Thank you for wathching and the early bird!

  • @rogeliolustivajr7410
    @rogeliolustivajr7410 2 года назад

    Atty mabuhay po kau at salamat sa palaging pag ga guide sa mga katulad ko o namin na kulang sa kalaman tungkol sa ganitong usapin.... ❤️❤️❤️

    • @BatasPinoyOnline
      @BatasPinoyOnline  2 года назад

      Greetings Tukayo! Thank for finding the video helpful.

  • @marilohifarva4432
    @marilohifarva4432 2 года назад

    Hello atty.salamat jan ka na pwd namin matanungan .ingat always god bless you.❤❤❤

  • @roaddeal3107
    @roaddeal3107 Год назад

    Good po atty. Dami ko natutunan kahit bago pa po ako sa page nyo.

    • @BatasPinoyOnline
      @BatasPinoyOnline  Год назад

      Maraming Salamat Road Deal for finding our video helpful.

  • @marebelcancino1868
    @marebelcancino1868 2 года назад

    Good evening po Atty...Mabuhay po kayo..

    • @BatasPinoyOnline
      @BatasPinoyOnline  2 года назад

      Greetings Maribel ! Likewise. Thank you for watching.

  • @carlsocong6668
    @carlsocong6668 2 года назад

    Salamat po atty. sa magandang paliwanag.. 😊👍

  • @crislynbuyayot9615
    @crislynbuyayot9615 2 года назад

    God bless you po ❤️❤️

  • @roselrustria584
    @roselrustria584 3 месяца назад

    Thank you so much po Atty.

  • @edissaborbe4310
    @edissaborbe4310 2 года назад

    Good morning po attorney,,,god bless po ,,,,marami akong na tutunan sa mga vlog mo,,,keep safe po

    • @BatasPinoyOnline
      @BatasPinoyOnline  2 года назад

      Greetings Edissa!! Thank you for finding our video informative.

  • @lolitaolpindo5127
    @lolitaolpindo5127 2 года назад +1

    Thanks for sharing Atty. God bless u always. Keep safe

  • @alexbarredo1399
    @alexbarredo1399 2 года назад

    nice 👍👍👍

  • @mayupiyu6435
    @mayupiyu6435 2 года назад

    Maraming salamat po muli Attorney sa pagbibigay kaalaman po sa amin tungkol sa pagbili po ng property

    • @BatasPinoyOnline
      @BatasPinoyOnline  2 года назад

      Greetings Mayu! Thank you for follwing and watching.

  • @zenaidachavezterrobias6116
    @zenaidachavezterrobias6116 2 года назад

    Thank you for sharing. Watching from Japan

    • @BatasPinoyOnline
      @BatasPinoyOnline  2 года назад

      Greetings Zenaida Layague from Japan! Thank you for watching.

  • @renamariea7014
    @renamariea7014 2 года назад

    Maraming salamat po Atty..... =)

  • @kaydenlopez5058
    @kaydenlopez5058 5 месяцев назад

    Thank you po 🙏

  • @marylibron1004
    @marylibron1004 2 года назад +5

    Thank you attorney for giving us this attention to be vigilant especially in buying property to avoid scam. Scary!
    Watched this video without skipping ads

  • @teresitaobra595
    @teresitaobra595 2 года назад

    hi..hello po atty. palagi po ako nanonood ..para at least may alam ka sa batas...A Law its Day makes your Trouble away..thank you for always sharing.God bless po.

    • @BatasPinoyOnline
      @BatasPinoyOnline  2 года назад

      Greetings Ms Teresita Obra! Thank you for finding our video informative.

    • @teresitaobra595
      @teresitaobra595 2 года назад

      @@BatasPinoyOnline wow!! promp response attorney... Good Luck and more Power.

  • @carol040111
    @carol040111 2 года назад +3

    Magandang gabi po Atty.
    Sana po mapansin meron po kasing bahay na ipinasalo sa lola ko yung malapit na kamaganak niya. Tapos na po bayaran sa pag-ibig at nakapagpirmahan na po ng deed of sale. Kaya lang po nawala po namin yung kopya namin ng deed of sale at hindi pa po na-ipapatransfer sa name ng lola ko yung bahay at lupa. Ayaw na po makipagusap nung nagbenta ng bahay at lupa sa amin. Ano po kaya ang pwede namin gawin para po makakuha po ulit ng kopya ng deed of sale? Maaari po ba nila angkinin ulit yung bahay at lupa kahit nasa amin po yung titulo? Maraming maraming salamat po in advance.Thank you so much po.

  • @pinaywanderer9979
    @pinaywanderer9979 2 года назад +1

    Hi po attorney your vlog is so informative and help us viewers, concern ko po attorney merong akong lot na binili at na fully paid ko na last February pa pero hindi pa ako nabigyan ng Deed of Absolute Sale, I had SPA but they said valid lng for 6months yun kaya nagpagawa ako ulit at pinadala sa Pinas ang bagong SPA, eh yung company nag request nman ng waiver of rights, ano ba difference nang both? kasi parang mas legal pa yung special power of attorney and seems there almost same nman.

  • @jazcalantas1680
    @jazcalantas1680 2 года назад +1

    Magandang araw po atty, bago nyo akong subscriber may itatanong lang ako, Yung mga byenan ko namatay, ngayon may Kapatid silang byudo at nag Asawa ulit pero Wala silang anak, Ang tanong ko MAY KARAPATAN BA ANG PANGALAWANG ASAWA NA WALANG ANAK O ANG MGA ANAK SA UNANG ASAWANG NAMATAY?
    pangalawa Po Sabi Ng mga Kapatid pag namatay daw Ang byudong Kapatid nila may KARAPATAN daw sila sa minana nito, at Sabi mg PANGALAWANG ASAWA na Walang anak gagawin nya daw Ang lahat na alisan Ng KARAPATAN Ang mga legal na mga anak makuha nya lang Ang mga Ari Arian.. sino Po Ang may mas higit na KARAPATAN, Kapatid ba, asawang walang anak, o Ang mga legal na anak salamat atty sana mapansin nyo ako.

  • @michellechristy2249
    @michellechristy2249 2 года назад

    Good morning.po Atty.

  • @jesusanthonybaldon174
    @jesusanthonybaldon174 6 месяцев назад

    Good day po atty. Salamat po sa mga informative videos. Tanong ko lang po we paid have of equity yo the broker and naremit naman. But eventually, after half of equity na nabayaaran na po, yong kasunod po d na naremit and almost 5 yrs na including yong 3 yrs pandemic at pinapaasa kami ng broker na bayaran. Pero hanggang ngayon wala pa tin. At yong may ari ng lupa wala rin pong written notice na hindi na po kami nakabayad. At sa ngayon po pwede daw namin icontinue yong purchase pero sa bagong calculation na lupa na times 2 na yong presyo

  • @marilyncordero5862
    @marilyncordero5862 2 года назад

    Good afternoon Atty. sa Dar ang galing ang notice bakit ganoon atty

  • @mylenerealtorfilipinohomes6125
    @mylenerealtorfilipinohomes6125 2 года назад

    Good morning po Atty.

    • @BatasPinoyOnline
      @BatasPinoyOnline  2 года назад

      Greetings MykeneRealtorFilipinoHomes!! Thank you for watching.

  • @marlonviter8212
    @marlonviter8212 2 года назад +1

    Magandang araw po sa iyo attorney. May tanong po ako tungkol sa lupa ng lolo ko. "Sasabihin ko lang po ang sitwasyon'.
    Patay na po ang Lolo ko at nong buhay pa sya ay mayroon syang lupa na eni-exchange sa ibang lupa na iba ang may-ari sa kalapit na barangay. Noon po ang sabi ng lolo ko ay nagkaroon po sila ng kasunduan sa pamamagitan lang po ng pag-uusap at wala pong kasulatan o anumang papel na ginawa galing sa kanila. Nagtagal ang panahon ay hindi naitransfer sa pangalan ng Lolo ko ang lupa na kanyang natanggap galing sa pag-exchange sa kanyang kasundo at hanggang ngayon po ay nakapangalan parin ito sa kanyang kasundo. Matagal pong panahon naninirahan ang lolo ko sa lupa na exchange at may bahay sila noon at pananim ng niyog at kahoy. Ngayon po ay wala ng bahay ngunit meron padin pong mga panananim at ngayon ay matagal na po kaming nanonongkulan sa lupa na iyon.
    Ang lupa naman ng lolo ko na eni-exchange ay nailipat na sa pangalan ng kanyang kasundo at meron nadin itong pananim tulad ng niyog at iba pa.
    Pareho napong patay ang lolo ko at taong kasundo nya sa lupa noon.
    Ngayon po attorney ay gusto ko pong mailipat sa aming pangalan ang lupa na exchange at Ano po ang mabuting gawin para po ito ay hindi mabawi sa ibang tao dahil nga po nakapangalan pa ito sa ibang tao na kasundo ng lolo ko. Nakausap ko na din po ang mga Apo ng kasundo sa lolo ko at alam din po nila na exchange ang lupa ng kanilang lolo.
    Ano po ang mabuting gawin ko attorney para po may patunay na sa amin ang lupa at hindi na ito mabawi sa iba? Sana naintindihan nyo po ang tanong ko at sana masagot nyo din po ito. Godbless po sa iyo attorney. Salamat po..

  • @manilahome_stylecooking
    @manilahome_stylecooking Год назад +1

    ITO YUN MLINAW NA PALIWANAG NI TATAY ATTORNEY 😆🙏👍♥️

  • @danilolayague8185
    @danilolayague8185 2 года назад

    Good morning po atty.

    • @BatasPinoyOnline
      @BatasPinoyOnline  2 года назад

      Greetings Danilo Layague! Thank you for watching.

  • @jencapulone1656
    @jencapulone1656 2 года назад

    Same din po ba ng pag I ingat if selling piece of land, kc po buyers or agents asked for copy of land titles, and other pertinent documents, need po talaga to give or show copies of the said documents esp if di kilala mga buyers. Thank you po ng madami and God bless!

  • @laniecoronel6739
    @laniecoronel6739 2 года назад

    Hello attorney magandang hapon po.

    • @BatasPinoyOnline
      @BatasPinoyOnline  2 года назад +1

      Greetings Ms Lanie Coronel! Thank you for watching.

    • @laniecoronel6739
      @laniecoronel6739 2 года назад

      @@BatasPinoyOnline your welcome po attorney

  • @inanasstories5103
    @inanasstories5103 2 года назад

    Gandang gabi po attorney. Thanks for giving us this information. Ask ko lang po if safe bumili ng lupa kahit wala pang relocation survey

    • @BatasPinoyOnline
      @BatasPinoyOnline  2 года назад

      For as long as legit at okay ang titulo, tax declaration certificate at legit ung may-ari na seller pwedeng bilhin. However, kung maraming karatig na lupa ang nasabing property, it is better na mag pa relocation survey upang ma-confirm ang lot area ng lupa at kung mayroong CONFLICTING AND OVERLAPPING of lot boundaries by the neighboring lot owners.

  • @manuelluislabio313
    @manuelluislabio313 2 года назад

    Good day po. Ako po ay magbebenta ng house & lot property na minana pa namin sa magulang namin, Hindi pa po nailipat sa pangalan namin dalawang magkapatid ang titulo.
    Question:
    1. Wala po ba magiging problema sa pagbebeta ng property gayun hindi pa nakapangalan ang titulo ng lupa sa amin magkapatid?
    2. Anu ano po ba ang proseso sa pagbebenta ng house & lot property?
    3. Anu ano po ba ang mga dokumento at bayarin (kung meron po) bago ito ibenta?
    4. Anu ano po ba ang mga dokumento o tax na dapat asikasuhin at bayaran ng seller at buyer? Sino po ba talaga ang dapat magbayad ng mga ito?
    5, Kung magka ayos na po kami ng buyer sa pagbabayad property, gaano po katagal dapat manatili pa sa pagtira sa house and lot na binebenta ng buyer?
    6. In case po na babayaran ng buyer ng 80% ang property at magiging installment ang natirang 20% na mababayaran sa loob ng 6 na buwan o sa loob ng isang taon, maaari pa rin bang manatiling tumira ang seller hangga't hindi ito nababayaran ng kumpleto?
    Salamat po sa inyong pagtugon.
    Maraming salamat at mabuhay po kayo.
    God bless us

  • @anrietan1514
    @anrietan1514 4 месяца назад

    Magandang araw po, attorney! Question: May binili po akong 11 hectares na lupa pero 7.4 hectares lang po ang nasa deed of sale. Agricultural land po ang 11 hectares at A and D po. Ano po ang maipapayo nyo?

  • @jenelledevera1309
    @jenelledevera1309 2 года назад

    Atty salamat po sa help nyo in informing the public about these laws. Atty, ask ko lang po, meron po bang batas na makakasagot sa question ko. Kasi po may umaangkin po ng fishpond namin, under appeal po ung forcible entry nila doon sa lupa namin, tama po ba atty na dapat walang tao ang ggawa nh activities doon sa lupa na may kaso? Ano pong batas yun?

    • @BatasPinoyOnline
      @BatasPinoyOnline  2 года назад

      Kung walang order ang korte laban sa pagpapagawa ng activities ang lawful owner or ung lawful possessor ay mayalang maisagawa ang normal na dapat gawin bilang may-ari and/or as ung nakapossession sa lupa ay lawful tenant/lessee o usufructuary hanggang ma-resolve ng korte by final and executory judgment ang usapin ng magkabilang panig.

  • @nalitacoyos1865
    @nalitacoyos1865 2 года назад

    Magandang araw po attorney nagtanong lang po ako kung pwede po bang gawing libingan Ang mga Lugar na gilid lang po Ng dagat or no build zone at wala rin po silang titulo declaration lang po sana masagot niyo Ang aking katanungan maraming salamat po sa inyong magiging kasagutan.God bless po

  • @322yang
    @322yang Год назад

    Atty. good evening po, pwede ko ba ipachange title ang aking condo sa bagong bibili ng condo pag ang hawak ko lang is yung deed of sale at titulo ng binilhan ko. Salamat po sana masagot

  • @ramilquintilla994
    @ramilquintilla994 2 года назад

    Good day Atty. Meron po akong tanong gaano po ka laki ng lupa ang allowed sa batas sa pilipinas na pwede bilhin ng isang filipino na ngayon ay isa ng canadian citizen.thank you in advance sa response

  • @marigraceginez8933
    @marigraceginez8933 Год назад

    Hi po Sir, ask ko lang po regarding sa mga lupa na subdivided at may mother tittle na sya, at bibilhin ko sya throughout installment ,ano po yung posible na dapat kong malaman ,thank you in advance attorney..Godbless po.

  • @jakeram2484
    @jakeram2484 Год назад

    Good day sir, paano po maitransfer ang titulo kpag lampas sa 5 hectares na nabili mong agricultural land.

  • @raymamending1833
    @raymamending1833 2 года назад

    Hello po atty. Sna pamansin nyo comment ko. Tnong k lng po kz my lupa ung lolo nmin unang panahon pero hnd nmn hwak ang lupa n un iba ung taong humahawak pero nag hinanap nmin titolo nkita nmin pero hnd p nka register s pangalan ng lolo ko mron b gnon my titolo pero hnd nka register unang panahon ano ibg sbhin un hnd b s lolo ko lupa n un??

  • @firstsecond9367
    @firstsecond9367 2 года назад +1

    magandang araw attorney.atty.pwede po bang mgtanong.tanong ko lng po.1.ano ang aming gagawin kc po ngbenta po ng lupa ung anak ng asawa ko.2.bingay po ang titolo sa bumili pero hanggang ngaun po ay hindi pa nila napapaayos ang titolo.3.halos 2years na nlia itong nabili.4.pwede npo b nila itong patayuan ng bahay o apartment kahit wala png titolo.salamat po attorney

    • @willieregala9659
      @willieregala9659 2 года назад

      magandang araw po attorny tnong k po kng pwide pong mgpgawa ng sariling totulo yng iniaward s tatay k kc po dting impliado cya ng isang kompanya imbis n pira ang ibayad s knila lupa po ang ginarantiya bali piglute lote po sa mga tauhan nya sa mdling salita my titulo po ito d po ba kya lng nsa manager nila ang gosto k mgkaroon ng sariling titulo ang lote n binigay ky tatay slmt po attorny

  • @cachoalex7492
    @cachoalex7492 Год назад

    Gd am attorney may tanong po ako ung lupa ko komplito ang papiles ang katabi kng lupa na b.o.s ngpa survey cla ky b.o.s may portion nakuha nla. Sa ngaun po may mga tanim ako na kahoy ay nkuha iwan ko lng kng may titulo na cla ngaun . Anong gagawin ko po pwd ba cla ma charge illegal entry sa area.

  • @felypabustan3949
    @felypabustan3949 2 года назад +1

    Good morning Atty. Matagal na pong patay ang byenan ko na may-ari ng lupa. Mga anak po ang nagbabayad ng Amilyar, pero matagal na hindi nagbabayad. Sino Po Ang may karapatan humawak ng Titulo?

    • @BatasPinoyOnline
      @BatasPinoyOnline  2 года назад +1

      Ang sino man sa mga anak or heirs ay maaring humawak ng titulo. Upang maiwasan ang bangayan sa pag hahawak ng titulo, ay kung tutuusin na dahil naka pangalan pa ito sa may-ari hindi naman ito maaring i-transact ng sino man sa mga heirs sa Register of deeds sa pangalan ng may-ari hanggang walang settlement of estate at partition ng mga heirs. Kung hindi nagkakasundo ang mga heirs sa partihan, ang sino man sa kanila ay maaring dumolog sa korte for Judicial settlement of estate and Partition.

  • @lhiandulguime4174
    @lhiandulguime4174 2 года назад

    Hello good morning attorney,pwede po ba na matulungan nyo po ako tungkol sa aning lupa?

  • @Novelynbanzk
    @Novelynbanzk 2 года назад +1

    Hello po Attorney. Attorney bakit kailangan po ng resolution kapag during subdivide sa sinunod na lupa ay ang titulo maging sobra 9? Gaano po katagal ma approve sa sanggunian kadalasan pag nasa probinsya po? May paraan po ba na hindi madaan sa sanggunian kapag 12 titulo na po during subdivide?Maraming Salamat po Attorney sa knowledge at walang sawa na pag reply... Wish you good health always Attorney..

    • @BatasPinoyOnline
      @BatasPinoyOnline  2 года назад

      Maaring mayroong ordinansa ng local government required ang nasabing resolution. Makipag ugnayan na lang kayo sa local governemtn with the help of your lawyer.

  • @dabstercenteno
    @dabstercenteno Год назад

    Atty. May binebenta po lupa, ang papel po nya deed of donation. Ok po ba yun?

  • @edithamenguria4939
    @edithamenguria4939 Год назад

    Maganda gabi po atty. May lupa po kmi naiwan ng aking mga magulang nagipit po ako naibinta ko ang share ko sa kapatid ko pero dpa kami nag kakaroon ng hatian hanggang ngaun po ay ako parin ang nagbabayad ng tax . Puede ko po saulian o bawiin kc sa bahay lng kmi nag permahan hinde sa harap ng abogado.

  • @staypositive5696
    @staypositive5696 2 года назад

    Hello po atty. lagi ko po inabangan mga video po nyo. Itatanong ko Lang po Sana Kung PWEDE o HINDI PWEDE hindi na Lang sa Law Firm magpapagawa ng Extra Judicial Settlement? Pwede po ba na kahit sa mga PAO? Salamat po

    • @BatasPinoyOnline
      @BatasPinoyOnline  2 года назад +1

      Hindi naman kailangang dadaan sa law firm ang pagpapagawa ng extrajudicial settlement of estate, Any lawyer at kasama na rito ang mga lawyer ng PAO ay competent enough to draft or prepare the Extrajudicial settlement of estate with Partition.

    • @staypositive5696
      @staypositive5696 Год назад

      @@BatasPinoyOnline Atty. marami ng salamat po. Marami po akong na tutu an sa Channel. Watching here in France

  • @cecileaquino6696
    @cecileaquino6696 Год назад

    Helko att. Pano PO malaman kung ang Isang developer PO ng subdivision ay Hindi scam

  • @arnismasterjm6175
    @arnismasterjm6175 2 года назад

    Sir saan po office nyo puwede ba maka hingi payo na lebre

  • @vencialynpenafiel
    @vencialynpenafiel Год назад

    Good day po sir!
    Ano po bang dapat na Isa alang-alang pag bibili ng piraso lng ng farm lot para papatayuan ng Bahay?
    Ano po ba Ang proseso nun?
    Sana po masagot nyo po!
    Maraming salamat po!

  • @MichaelMacaranas-pb2so
    @MichaelMacaranas-pb2so 3 месяца назад

    Hi sir, balak ko po bumili ng lupa may offer samen. Mother title ang meron legit po ba un na babayadan ung parte lang na 200sqm then kapag nabenta niya lahat saka papatituluhan?

  • @mjsantos3177
    @mjsantos3177 3 месяца назад

    Hello po atty saan po ang office nyo? Tnx po

  • @eddiebaytos
    @eddiebaytos 2 года назад

    Attorney...ask lng poh my karapatan poh baq mag reklamo nahire poh aq sa trabho nkapirma naq ng kontrata pero wla padin aq schedule..thanks poh electrician poh pinatulan q rate nila 460 kahit maliit pero bkit gnun pinapirma lng aq kontrata...

  • @shirleyfernandez8603
    @shirleyfernandez8603 2 года назад

    Atty tnong ko lang po kung may pag asa pang mabawi ung pabahay sa pag ibig na nd na nmin nahulugan at may nkakuha ng iba at meron ng pinadala sulat na vacate na pero dun pa dn kmi nkatira sna po ay matululungan nyo kmi kung paano po mabawi uli salamat po

  • @joancueto5768
    @joancueto5768 2 года назад

    Hi po artty alam ko po malayo ang itatanong ko dahil sa lupa at mana ang usapan
    Tanong ko lang po kung peding kasuhan ang kabit na di madadamay ang asawa

  • @emelynandoy9802
    @emelynandoy9802 2 года назад

    good morning atty ano po gagawin ko yung lupa ng lolo ko dating 700sqm simula 1970 ngayon po pagdating ng1984 naging 2500 sqm nalang may tax declaration nakapangal sa kapatid ng mama ng lolo k

  • @laguiabsan2426
    @laguiabsan2426 Год назад

    Hello Po Atty. Good day po!
    May itatanong po ako,
    Ako po ay OFW,nakabili ako ng lote pabahay bali 10*20 feet total po ng 200sqmter last 2011, nka survey ako,at naka pa deed of absolute sale yun lng may hawak ako, noong narecieved ko ang deed of absolute sale na pinagawa namin ako at ung may ari,dala niya ang title ng land,since din my nakadikit sa absolute sale ko na 6 pages n papel
    Pero my nkalista na 2017 to 2020, n taxes di nkabayad ang may ari ng lupa,
    Now pag uwi ko ng 2023, nagpunta sa bahay ko ung pamangkin ng lupa,naningil sakin ng taxes payment
    17 people kami nakabili ng lupa sa kanya owner ng lupa maghahati kmi sa total ng taxes,
    Isa png problem nito
    Yong title ng lupa wala pa sa kanya,nasa ibang tao
    Ano po dapat gagawin,kasi yong nabili ko na lote pinagawaan ko ng bahay ko!

  • @alfredojoya9666
    @alfredojoya9666 2 года назад

    Good day po Attorney!
    Mga Emancipation Patent (PE), Holder ibineta sa Westdale Villas Subdivision ang na sabing lupang pang sakahan.. upang palitan ng gamit tayuan ng bahay, gawing Residential Subdivision.
    Sabi po ng Department of Agrarian Reform.. ay illegal conversion daw po ang Peakland Properties Inc.
    Salamat po.

    • @BatasPinoyOnline
      @BatasPinoyOnline  2 года назад

      Ang EP is an agriculural land, lalo na kung ang lupa is planted with rice and corn issued pursuant to PD No. 27 . Hindi ito maaring basta basta na lang ma convert into residential land ng walang tamang proseso sa ilalim ng batas. Maari mag file kayo ng complaint or Petition to declare the sale and conversion as null and void or walang bisa.

    • @alfredojoya9666
      @alfredojoya9666 2 года назад

      @@BatasPinoyOnline salamat po..

  • @roaddeal3107
    @roaddeal3107 Год назад

    May tanong sana ako atty. regading po sa property na lupa na nabili during lifetime ng seller pero hindi pa natransfer ng buyer at namatay na po ang seller. Ang proof of transaction lng po ng seller at buyer ay ang unnotarized na deed of absolute sale at official reciept. Ano po ang dapat gawin ni buyer upang matransfer ang property gayong patay napo si seller? Salamat po

  • @silverlane8456
    @silverlane8456 Год назад

    Good evening Po Attorney,paano Po kung Hindi agad napanotaryo ang deed of sale sa lupa?

  • @ofeliovarona6722
    @ofeliovarona6722 2 года назад

    Sir good day po may katanungan po ako tungkol sa lupa namin na sinangla taon 2000 ng aking ama ngunit ito po ay napatituluhan ng taong pinagsanlaan ng taon 2006 ng hindi nalaman ng aking ama at na check ko po na ibeninta ng aking mga tyahin may habol pa ho ba kami na bawiin ang nasabing lupa salamat po

  • @myrlaurbino8656
    @myrlaurbino8656 2 года назад

    Attorney good afternoon po
    Tanong ko lang po kung ano po maging problema ang pamangkin namin na walang middle initial sa pag aaral nya o sa pag aaply ng work lalo na po sa Abroad

  • @clarkjaylusabe8004
    @clarkjaylusabe8004 4 месяца назад

    Hello atty.paano kung ang lupa nka nasa title sa ina pa ang pangalan.tpos ibenta s anak.ano ba gagawin.

  • @jesusanthonybaldon174
    @jesusanthonybaldon174 6 месяцев назад

    Pwede po ba mahingi ng advice? Salamat po

  • @ravenblack7923
    @ravenblack7923 2 года назад

    Sir ask kolang may nag benta po samin ng lupa tapos yung lupa napag alaman po namin na hindi pala sakanya yung lupa anu po dapat naming gawin

  • @elpeper940
    @elpeper940 Год назад

    Hi sir good day sir , plan q po bumili Ng lupa pero installment po.ang rules po nila. Kontrata lang daw po Muna Ang ibibigay saken . Pag fully paid ko na daw po dun po maibigay saken Ang tittle ng lupa. Tama po ba ito? Salamat

  • @jasmen1451
    @jasmen1451 2 года назад

    sana masagot niyo po ako atty.
    ang tita ko po bumili ng lupa noong 2002 ,kaya lang hand written po ang bayaran ,nakasaad po doon sa letter ,yung lupa po ay walang ibang bibili kung hindi tita kulang po nagsulat ng letter sa tita ko niing 1999 ,nakapagpartial payment po sya noong 2002 ang tumanggap po yung isang anak ng may ari ,pero yung papa nila original owner is patay n po ,,ngayon hindi pa po nakuha ng tita ko titulo kasi partial payment at nawawala daw yung titulo kaya sobrang tiwala ng tita ko na hintayin na ayusin nila yung sa lupa,,
    ang problema po namin ngyon pinabenta na po nila yung kalahati ,at may natitira pa po na 538sq. meter na sa ngayon na tinitirhan namin ,,yung natira po na tinitirhan namin may nakabili narin po pinapaalis na po kami dahil squatted daw po kami,at yung isang anak po ng may ari nag pa lost po pala ng titulo ng tatay niya noong 2010,dipo namin alam at ng ibang kapatid ,,,
    nagkausap na po kami sa barangay ,nagsasabi po sxa na may pulis sya na anak at abogado,at dati daw po sxang brngy captain ,at may lima po syang mayor na kaibigan ,,
    yung titulo po niya nabasa po namin yung sa original owner po nila millanes hindi po merabueno,at may nakalagay pa po na partially cancelled? anu dapat po namin gawin,kasi pinaghirapan po yun nang lolo ko ,naging alipin po nila si lolo lahat pati pang araw araw nila si lolo ng provide kasi naging us army si lolo sya lahat nag tanim ng mga tanim po dito ,ganito po kasi ang lolo ko inampon po ng may ari ng lupa na si elain merabueno ,ngayong may isa lang po sxang anak na si ananias merabueno ,ngayon po kasi mhirap lang kami nabigyn po ng deed of donation lolo ko yung malapit daw po sa river ,wala po kmi pera na pangpasukat kaya dipo namin alam yung sa deed of donation,at problema din po namin yung binili ni tita

  • @rickybitoonan4249
    @rickybitoonan4249 2 года назад

    Good pm Atty. May tanong sana ako na gusto ko ma sulosyunan, nakatira kc kami sa tabing dagat yung tinayuan namin ng bahay at light materials lng ang gamit, ngayon ang problima ko hinarangan ako sa may ari ng lupa at my barangay road bago pa ang lupa nila, ang tanong ko atty. My karapatan ba cla na magbawal sa akin na di itayo ang bahay ko? Meron ba sila karapatan na pumigil sa akin eh ang tinayuan ng bahay maaabutan ng dagat. Salamat po sa pagsagot Atty.

    • @BatasPinoyOnline
      @BatasPinoyOnline  2 года назад

      Kung ang inyong bahay ay literally tabi ng dagat dahil naabutan kayo sa dagat ito ay maituturing na foreshore area at ito ay pag mamay-ari ng ESTADO. Ang foreshore area kung saan na nakatayo ang mga beach resort, ay maaring sakop ito ng foreshore lease na kung saan, ay pinapayagan ang isang mamayan na upahan ito for 25 years at renewable for another 25 years. Maari na ang nagpapaalis sa inyo ay hindi may-ari an ang naglagay ng harang kung kundi Lessee or holder ng foreshore lease, kung kayo ay pinagbawalan na mag karoon kayo ng access dahil maaring bahagi ng foreshore lease ang inyong tinatayuan ng bahay. Mag kaganoon pa man, ay makipag ugnanayan kayo sa DENR at ireklamo ang ang ginawang pagpapaalis sa inyo at ma verify mo kung legit bang may-ari ung nagpapaalis sa inyo. Dahil kung hindi naman ay ang maaring magpapaalis lang sa inyo ay ung DENR and/or ung inyong local government.

  • @roseannbalbuena5803
    @roseannbalbuena5803 Год назад

    Gusto q lang po malinawan sa bibilhin namin na lupa.. Naguguluhan po kasi kami. Ang TCT po kasi ng magpapasalo samin ay hindi pa po naka-name sknya ,under developer pa po.ang name at ang nakalagay po sa patent type ay free patent.. What does it mean po? Normal.lang po ba un since hindi pa naka name sa tao ung TCT .. naka under developer pa? And once mafully paid na po ung house and lot tska lang mapapasa sa name ng tao ung Title? Wala po bang big factor ung free patent na type na nakalagay..
    Sana po maklaruhan kami bago po masalo namin ung property.. MARAMING SALAMAT PO ATTORNEY.. Godbless po

  • @merzlechido6827
    @merzlechido6827 2 года назад

    Hello.poh atty. itatanong ko lang poh sana,,pwede Po bah Namin kasuhan Ang handler Namin sa paluwagan.Bumuo Po kami Ng paluwagan ngunit Ang nangyayari di Po ito naging maganda Ang takbo Ng paluwagan namin..Ngayon Po nahinto na Ang paluwagan ngunit di pa naibalik Ang Mga Pera Namin na Nahulog ..lagi nlng pong nangangako c handler na IBABALIK nya Ang Pera Namin..lagi Po nya cnasabi bigyan pang daw Po Namin cya ng time.. January 2022 poh nagstart paluwagan namin..Ngunit sa Apat na Buwang Hulugan namin c handler lang poh nakatanggap Ng buo..10k monthly Namin 10members poh kami lahat..Ang nangyari halos NASA Kanya Po Ang Pera naming Lahat..pwede bah Namin cya kasuhan Ng stafa?Wala Po kaming Kasulatan sa pagbuo Ng paluwagan pero May mga Resibo Po kami..na nagpapatunay na Naghulog kami Ng Pera sa Kanya..Ngayon Po di na nya kami Kinausap..

  • @jonardabad3356
    @jonardabad3356 2 года назад

    atty. ask ko lng kapag nagpa due diigence ilang araw malalaman ung resulta? salamt po more powers😁

    • @BatasPinoyOnline
      @BatasPinoyOnline  2 года назад +1

      Depende na yan sa diskarte at sipag ng nag conduct ng due diligence o research work.

  • @jeniebalbuena3230
    @jeniebalbuena3230 2 года назад

    Hello atty tanong lang po,ano dapat gawin sa taong nakabili ng katabi kong lupa,pina sukat nila ang knilang na bili na lupa pagkatapos inalis ang dating mojon nasa amin,pinalitan nila ng kanila ni walang paalam sa akin,mayroon po bang parusa sa mga ganyan?
    2nd nag pabakod ng pader inalis uli ang dalawng mojon na pag mamay ari ko at nang aming katabing lupa,ano po dapat gagawin ?ayaw ng barangay sila ipatawag ,mayroon bang kaparusahan ang magtangal ng mojon at itapon?maraming salamat po

    • @BatasPinoyOnline
      @BatasPinoyOnline  2 года назад

      Ang pag tanggal o pag lipat ng mujon na ng hindi authorized ng batas ay isang criminal offense. Ayon sa Article 313 ng Revised Penal Code as amended, provides: "Art. 313. Altering boundaries or landmarks. - Any person who shall alter the boundary marks or monuments of towns, provinces, or estates, or any other marks intended to designate the boundaries of the same, shall be punished by arresto menor or a fine not exceeding Twenty thousand pesos (₱20,000), or both."

  • @luzpineda8179
    @luzpineda8179 2 года назад

    Hi po atty saanpo ofice ninyo

  • @crisostomocordelin4199
    @crisostomocordelin4199 2 года назад

    Atty good am po ano poba ang ibig sabihin o kinalaman ng isang sillhouette sa isang tax dec pag mamay ari poba ito ng tatak na ito

    • @BatasPinoyOnline
      @BatasPinoyOnline  2 года назад

      Ang tax declaration certificate is a document issued by the Assessor's office of the local government ay basis for the taxing the land, house, building owners, crops or machinery attached to the ground for the payment of real property tax or amilyar taon. Sa Tax declaration certificate ay nakalagay ung description ng property, address, name ng owners at ung assessed value ng property na binabasihan sa pag compute ng mga bayaring mga taxes taon taon sa inyong local government ng mga nasabing mga real estate property owners. I'm not really sure what do you mean by "sillouette"in the tax declaration . A tax declaration certificate is either original, photo copy or a certified true copy.

  • @lquincina09
    @lquincina09 2 года назад

    magandang araw po atty. nais ko lang itanong,at sana po ay mabigyan ninyo ng malinaw na kasagutan ang matagal ng bumabagabag na katanungan sa akin.ako po ai matagal ng hiwalay sa aking asawa(almost 15 yrs)nagsikap po ako at nakabili ng house and lot,sabi nila conjugal property daw un kahit walang naimbag ni singko ang dati kong asawa.pero ang ipinalagay ko po sa deed of contract nmin ng developer ay sole owner ako.ano po ba ang maari kong gawin upang masabi kong walang karapatan ang aking asawa sa mga naipundar ko.hindi din po kmi nag uusap atty.wala na po ba akong karapatan na magpundar dahil lang hiwalay na kami?at kung may bibilhin nmn akong property sinasabi nila conjugal un at hahabulin ng dati kong asawa.

  • @laramae72
    @laramae72 Год назад

    Attorney paano ba ang pag bayad ng state tax from my lola to sa mama nako botg patay na tapus sa mga anak

  • @abdallahiii
    @abdallahiii 2 года назад

    Sir maghingi sana ako ng advice kasi na scam po ako may nakilala ako sa maka saudi arabia isang pinay na taga tampilisan zamboanga del norte at naka kuha ng pera sa akin halaga 120k sa akin kasi ebenta daw nya sa akin ang kanyang mana na 95sqr.meter kasama daw ang building na pinatayo nya. At kumuha din sya nga mga cosmetic product sa work ko halaga 60k dahil sa subrang tiwala ko sa kanya na ibigay ko sa kanya ang pera ko. Noon pinuntahan ko ang lugar nya sa tampi zam del norte may naka tira po anak nya. At hindi ko nakuha ang benenta nya sa akin. Piano po ba kaya ang gawin ko ? Pwede ko ba sya kasuhan ? Mabalik pa kaya ang pera ko.

  • @coneliaflores3250
    @coneliaflores3250 2 года назад

    Atty pwede po bang pagawan ng Apedavite ang kasulatan ng mga mgamagulang sa kanila pagparte ng lupang. at yung kasulatan sa sanla..

    • @BatasPinoyOnline
      @BatasPinoyOnline  2 года назад

      Pwede pero dapat ang wasto at kaakibat na legal na kasulatan sang ayon sa mga legal forms na kinikilala ng ahensya ng pamahalaan lalo sa pag paparehistro nito. Kaya maa makakabuti na na sa lawyer kayo mag pagawa.

  • @sasukekim2173
    @sasukekim2173 Год назад

    Panu po kung nakalimotan ng my ari kung nasaan dating original title kasi namatay na magulang nya anak na my hawak ng lupa pero di nya alam kung nasaan na mga papeles.
    Balak nya ipasubdivide na lupa sa mga nakatira sa lupa nya

  • @johnpauloilagan1919
    @johnpauloilagan1919 2 года назад

    Atty pwd po ba mg tanong sana mapansin mo po ako kasi po ung kapatid ko pinatay ngaun hiwalay siya sa asawa pero kasal sila ung asawa ng kapatid ko my bagong karelasyon na ngaun my habol paba kami sa SSS ng kapatid ko kasi po nd tumutulong samin sa kaso ng kapatid ko ung asawa niya gusto sana nmin kmi mkpag claim ng SSS para gamitin sa mga hearing para mg ka hustisya ang kapatid ko salamat po atty sana mapansin mo ako🙏🏻🙏🏻🙏🏻

  • @rizasevido5355
    @rizasevido5355 Год назад

    Good morning po ,atty. itatanong ko lang po , ang titulo po ng lupa nmin ay nanakaw,papaano po masigurado na hindi nya maibenta.

    • @BatasPinoyOnline
      @BatasPinoyOnline  Год назад

      Without delay, makipag ugnanayan kayo sa lawyer at mag pagawa kayo ng affidavit of loss at ifile ito sa Register of deeds(RD) kung saan naka register ang lupa. Ang pag file ng affidavit of loss sa RD ay maging red flag o babala sa RD at ng buong mundo, pag ang nawawalang titulo ay ginamit, sa ano mang transaction ay hindi ito kikilalanin ng RD. Kaakibat ng file ng affidavit of loss, ay mag file din kayo sa korte through your lawyer ng Petition for the Reconstitution of the lost title, upang mabigyan uli kayo ng panibagong titulo.

  • @kristineb.1458
    @kristineb.1458 2 года назад

    Gandang tanghali po Attorney salamat sa kaalaman uli.
    Attorney tanong ko po may magsasangla po sakin ng niyugan ano po Requirements at parang di po updated ang amelyar mana lang din po niya 2 lang sila magkapatid po

    • @BatasPinoyOnline
      @BatasPinoyOnline  2 года назад

      Magpagawa kayo ng real estate mortgage sa lawyer, at tiyakin mo rin na ung nag sangla nito ay parte ng kanyang mana, at hindi nakasama ang parte ng mana ng kapwa ninya heirs sa pamamagitan ng kanilang extrajudicial settlement of estate and Partition ng mga heirs or tagapagmana. Take note ang obligasyon na mag bayad ng amilyar ay ung may-ari ng lupa at hindi sa sino pa man o sa pagsanglaan ng lupa.

    • @kristineb.1458
      @kristineb.1458 2 года назад

      @@BatasPinoyOnline ganon po ba Attorney maraming maraming salamat po

  • @evangelinederla5764
    @evangelinederla5764 2 года назад

    Hi po atty.magandang hapon po.pwede po ba na Ang mamanahin Namin na lupa sa tatay Namin ay pinalabas po ng Kapatid Namin na binili po nya at Wala daw kmi pakialam.half sister Namin eto. Sana po matulongan nyo po ako.salamat po.

  • @catherinesoriano8643
    @catherinesoriano8643 Год назад

    Attorney pwede po ba bilhin ung lupa ng EP title? Ano po ba dapat ko icheck na mga documents kung bibilhin ko sakali?

    • @BatasPinoyOnline
      @BatasPinoyOnline  Год назад

      Kung tapos na ang holding period EP, at fully paid na ang LandBank pwedeng bilhin ito ng isang qualified buyer. Pero bago ito bilhin at icheck ninyo muna sa DAR ang status ng EP, kung hindi pa cancelled ito at kumuha ng DAR clearance sa pag transfer o pag lipat nito sa buyer.

  • @bernardinopaner4554
    @bernardinopaner4554 2 года назад

    Atty my lupa po ang mga magulang ng parents ko side ng papa ko noong namatay ang ina niya ibininta sa amin ung lupa binili namin pero walang kasulatan dahil po nag tiwala po kami dahil magkakapatif naman at ama niya ang nag binta matagal po kaming mag sasaka sa lupa hanggang namatay po ang ama ng papa ko tapos po ung mga kapatid ng papa ko binawi po nila Ng lupa na nanili namin sa ama nila ngyon pp wala po kaming nagawa dahil po nabili namin dati wala naman po kcng kasulatan naininta nila ang lupa pero ang papa ko ang ka isa isang hindi pumerma ngayon po my habol pa ba kami sa lupa na un kahit sa parte lang ng papa ko

  • @joelbarrameda8157
    @joelbarrameda8157 2 года назад

    Magandang araw attorney may katanungan lang po ako, meron po kaming lupang niyugan at yung lupa na yun ay pina mamahalaan ng aking uncle. Since uncle ko naman po sya (Kuya po sya ng mother ko, pero ang lupa ay nabili ng aking mother at nasa mother ko ang title and deed of sale since sya po ang bumili ng lupa) eh sya po ang ginawa ng aking nanay na tagabantay ng aming lupa. At ang uncle ko ay kumuha ng mga farm worker na silang tinatawagan everytime na maghaharvest ng Kopra. Last January 2022 namatay po ang uncle ko, and since then yung mga tauhan sa niyugan na tinatawag lang every harvest time ay kinukuha na nila yung mga niyog dun sa aming lupa at di na ibinibigay ang proceeds sa amin kinukuha nila lahat ng bunga at yung napagbentahan ng mga kopra ay di na nila binibigay sa amin, yung bahay ng uncle ko niloot na rin nila yung mahalagang bagay gaya ng Generator, Refrigirator, makina ng bangka, gas stove and yung tanke ng gasul mga farming equipments pinagkukuha na rin nila, Attorney ano po ang pwede naming gawin dun sa mga taong kumuha ng kita ng aming lupa? ganun din dun sa mga taong kumuha ng mga gamit ng uncle ko sa bahay. identified po sila ng ibang mga kapitbahay ng uncle ko dun sa province..... Sana po attorney mabasa nyo at masagot nyo po itong aking lihan na ito sa inyo.... Salamat po and more power!

    • @BatasPinoyOnline
      @BatasPinoyOnline  2 года назад

      Doon sa mga nag kumuha ng mga gamit ng inyong uncle ng walang pahintulot ay maaring nakasuhan ninyon ng theft sa barangay at sa public prosecutor's office. Kung tenant o katiwalang maituturing ang mga nasabing tenant sa inyong lupa at hindi na rin sila nag re-remit sa inyo ng proceeds ng kopra ay maaring makasuhan ng QUALIFIED THEIF. Kaakibat nito ay maari din ninyong pag bawalan sa inyong lupain ang nasaning mga farm-workers at tuluyan ng magpaalis sa inyong lupa. Dahil hindi maituturing na mayroong employer-employee relationship kaya at nga inyong tenants, ay maaring sa Department of Agrarian Reform (DAR ) ang tamang ahensya ang mayroong jurisdiction sa inyong usapin. Makipag ugnayan kayo inyong lawyer upang maisagawa ang mga kaakibat na legal na hakbang sa lalong madaling panahon.