The KKK and The Kartilya ng Katipunan | Content and Contextual Analysis | GE2
HTML-код
- Опубликовано: 13 дек 2024
- #Readings_in_the_Philippine_History
Objectives;
-To familiarize oneself with the primary documents in different historical periods of the Philippines.
-To learn history through primary sources.
-To properly interpret primary sources through examining the content and context of the document
-To understand the context behind each selected document.
In this chapter, we are going to look at a number of primary sources from different historical periods and evaluate these documents content in terms of historical value, and examine the context of their production.
The Tagalog version of the Kartilya ng Katipunan..
Mga Aral nang Katipunan ng mga A.N.B.
1. Ang kabuhayang hindi ginugugol sa isang malaki at banal na kadahilanan ay kahoy na walang lilim, kundi damong makamandag
2. Ang gawang magaling na nagbubuhat sa pagpipita sa sarili, at hindi sa talagang nasang gumawa ng kagalingan, ay di kabaitan.
3. Ang tunay na kabanalan ay ang pagkakawang gawa, ang pagibig sa kapua at ang isukat ang bawat kilos, gawa’t pangungusap sa talagang Katuiran.
4. Maitim man at maputi ang kulay ng balat, lahat ng tao’y magkakapantay; mangyayaring ang isa’y higtan sa dunong, sa yaman, sa ganda…; ngunit di mahihigtan sa pagkatao.
5. Ang may mataas na kalooban inuuna ang puri sa pagpipita sa sarili; ang may hamak na kalooban inuuna ang pagpipita sa sarili sa puri.
6. Sa taong may hiya, salita’y panunumpa.
7. Huag mong sasayangin ang panahun; ang yamang nawala’y magyayaring magbalik; nguni’t panahong nagdaan na’y di na muli pang magdadaan.
8. Ipagtanggol mo ang inaapi, at kabakahin ang umaapi.
9. Ang taong matalino’y ang may pagiingat sa bawat sasabihin, at matutong ipaglihim ang dapat ipaglihim.
10. Sa daang matinik ng kabuhayan, lalaki ay siyang patnugot ng asawa’t mga anak; kung ang umaakay ay tungo sa sama, ang patutunguhan ng iaakay ay kasamaan din.
11. Ang babai ay huag mong tignang isang bagay na libangan lamang, kundi isang katuang at karamay sa mga kahirapan nitong kabuhayan; gamitan mo ng buong pagpipitagan ang kaniyang kahinaan, at alalahanin ang inang pinagbuhata’t nagiwi sa iyong kasangulan.
12. Ang di mo ibig na gawin sa asawa mo, anak at kapatid, ay huag mong gagawin sa asawa, anak, at kapatid ng iba.
13. Ang kamahalan ng tao’y wala sa pagkahari, wala sa tangus ng ilong at puti ng mukha, wala sa pagkaparing kahalili ng Dios wala sa mataas na kalagayan sa balat ng lupa; wagas at tunay na mahal na tao, kahit laking gubat at walang nababatid kundi ang sariling wika, yaong may magandang asal, may isang pangungusap, may dangal at puri; yaong di napaaapi’t di nakikiapi; yaong marunong magdamdam at marunong lumingap sa bayang tinubuan.
14. Paglaganap ng mga aral na ito at maningning na sumikat ang araw ng mahal na Kalayaan dito sa kaabaabang Sangkalupuan, at sabugan ng matamis niyang liwanag ang nangagkaisang magkalahi’t magkakapatid ng ligaya ng walang katapusan, ang mga ginugol na buhay, pagud, at mga tiniis na kahirapa’y labis nang natumbasan.
**********************************************
*************************************************