Sana Bukas | Spoken Word Poetry

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 21 окт 2024
  • Para sa mga taong nagmahal, pero hindi minahal..
    SANA BUKAS
    Paps Rey TV
    Isang libong beses na ‘ata kitang pinagmasdan
    Bakit nga kaya mahal na mahal kita?
    Kahit isang libong beses mo na rin akong sinaktan
    Ewan.. hindi ko alam!
    Ilang ulit mo na rin akong nilunod sa katotohanan
    Na hindi pwede - hindi pwedeng maging tayo
    Mabigat sa dibdib tanggapin ang katotohanang s’ya at hindi ako
    Mahirap intindihin kung bakit s’ya ang panalo at ako yung talo
    Sabi ko - okay lang ako
    Pero hanggang kailan ako magtatago sa kasinungalingan
    Na masaya ako na masaya ka na sa piling n’ya?
    Hanggang kailan ako magkukunwari na hindi nasasaktan?
    Pinipilit kong takasan ang sakit
    Pero sa isang hakbang palayo, dalawang hakbang naman pabalik
    Pinipilit kong ngumiti
    Pero pilit namang bumabalik ang hapdi
    Sa t’wing ipipikit ko ang aking mga mata
    Ang tamis ng iyong ngiti ang aking nakikita
    Mga sandali na masayang kasama ka,
    Kasalo sa mundo na iisa
    Noon kasi pakiramdam ko, walang hangganan ang saya
    Susunduin kita, kakain sa labas at ihahatid ka
    Yung tipong ang bilis ng oras ‘pag kasama ka
    Yung feeling na nag-assume ako na may salitang “TAYO”
    Paggising sa umaga, agad iche-check ang inbox kung may text ka
    Kikiligin, nanamnamin bawat laman ng chat mo
    Walang araw na hindi ka kausap
    Walang araw na hindi ka pangarap
    Naalala ko pa nga, na sa t’wing aasarin kita
    Biglang tataas ‘yung kilay mo
    Pati noo mo, nakakunot na
    Tapos biglang yayakapin kita at biglang ok na
    Pero ang mundo na unti-unti na sanang nabubuo
    Sa isang iglap biglang nawasak, nawala, naglaho
    Ang daya mo lang kasi, binigla mo ako
    Sa katotohanang hindi pala ako ang pangarap mo
    Sobrang sakit nung araw na biglang kang umiwas
    Na halos ayaw mo na akong makita o makausap
    Lahat ‘yata ng masasakit na salita nasabi mo na
    Habang ako, durog na durog, hindi makakibo
    Pero mas masakit yung araw na ipinakita mong s’ya na ang kasama mo
    ‘Yung pakiramdam na ‘tila sinadya mo akong saktan
    Habang ako, natulala habang tinitignan lang kayo
    ‘Yung pakiramdam na bigla akong nag-yelo, hindi makagalaw
    Palagi ko na lang itinatanong sa sarili ko kung naiisip mo rin ba ko?
    Kung naiisip mo pa rin ba ang mga pinagsamahan natin?
    Kung naiisip mo pa rin ba na ginawa ko naman ang lahat para sayo?
    At kung naiisip mo pa rin ba na dati araw-araw kung sinasabi sa’yo na mahal na mahal kita?
    Siguro nga tama ka-
    Na irespeto ko na lang ang desisyon mo
    Na lumisan ka at di na bumalik pa
    Na hayaan ka na at wag nang maging pabigat pa
    Siguro nga tama sila-
    Na ang pagmamahal ay walang dapat na hinihintay na kapalit
    Na balang araw, lilipas din ang sakit
    Na ‘pag nasasaktan na, tama na, move on na!
    Siguro nga kailangan na kitang bitawan
    Siguro nga kailangan ko na ring palayin ang sarili ko
    Sa pag-asang maging tayo sa huli
    Eh kasi wala, wala naman talaga simula pa nung una
    Ang totoo, minsan iniisip ko
    Sana hindi na lang kita nakilala
    Para sana hindi ako nahihirapan ng ganito
    Ah! Pusang-gala namang pag-ibig ‘to!
    Ngayon, heto ako sa isang sulok
    Pilit binubuo ang pirapirasong utak
    Sinusubukang gamutin ang damdaming nagpupuyos
    Para paunti -unting makalimutan na kita
    Makikisabay na lang ako sa pag-iyak ng langit
    Para kunwari hindi ako umiiyak
    Muling ipipikit ang aking mga mata
    At sana bukas pag-gising, wala na ang sakit!
    SANA BUKAS
    Paps Rey TV
    All Rights Reserved
    February 2020
    #spokenword #spokenpoetry

Комментарии • 100