Eto, eto ang pinakahihintay kong content, matagal na akong gustong mag assemble ng ampli kaso wala akong idea kung papaano ang sistema para maganda ang tunog. Thank you so much po sir at natagpuan ko itong channel mo.
husay nyo sir new subscriber here,,sir tnong q lng ok lng ba yung ks630v q sa 502konzert 600 watrs max ng speaker e yung 502. =500x2..ito ksi pinaris sa konzert 502 q....ng salessman.
gud pm sir salamat pala sa advice mo nung nag comment ako sa isa mung vlog mas gumanda ang setup ng aking sound nung sinabi mo na gagamit ako ng crossover maraming salamat god bless..
boss tanong po uli , 3 speakers subwoofer ,instrumental at tweeter sa isang box. bawat isa ay 350WATTS. ilang WATTS po ang bagay na 3 WAY dividing network ? thanks and more power
Good evening brod gusto kung mag DIY ng speaker para sa pioneer home theater ko 120 watts per chanel ng power nya halimbawa 100 watts ang woofer at 80 watts ang mid at 60 watts ang tweeter ilan watts kaya ang pwede na dividing network 3 ways salamat
Ang dividing ay dapat kasing power ng amplifier o mas mataas ng kaunti. Kng ang amp nyo ay 100watts , ang dividing ay 100watts or 120watts , plus 20% allowance.
Idol, qustion lang. About dito sa part 11:50 kung ganito po ang mga wattages ng speaker na pwedeng gamitin, paano naman kung 300w ampli ang gamit ko? At tama din ba kung kakabitan ko ng 300w crossover? Salamat talaga idol sa sagot, hays sa wakas bumawas din sakit ng ulo ko sa kaka research hahahaha. Many thanks po!!!
Sa crossover, mabuti po na magbigay kayo ng kaunting allowancega 20% base sa watts ng amp. Lalabas 300watts x 1.2 = 360 watts ~ 350watts . Sa kanya lasi dadaan ang power na hihigupin ng woofer, mid at tweeter. Para hindi kayo masyado mahirapan ipareho nyo ang mid at tweeter. Tapos kunin nyo lng ang 60% o 70% ng watts ng amp. Lalabas 300watts x 0.6 = 180watts o 300watts x 0.7 = 210watts. Ibig sabihin ang mid at tweeter ay puwede maglaro sa 180watts ~ 210watts , mga 200watts puwede na.
Sir, meron akong umak 1522 amplifier ang speaker crown 600w 3way. Nag dadag po ako ng 300w sub woofer na tosura at 150w na crown twitter. Bale apat na box po sila. 8ohms kaya 4ohms silang apat. Ok lang poba sa speaker at ampli yung ganyang set up. Salamat po sa magiging tugon.
@@dantebunagan4497 sir, pasensya hindi ko masasagot tanong nyo. Dahil 2000watts PMPO ang specs nya. Hindi pwedeng pagbasehan ang watts nya. Dapat naka RMS o MAX ang watts nya.
Boss, kng pambahay, matibay at mababa halaga, puwede na po ang brand na Crown. Dahil pambahay at ayaw natin makabulabog ng kapitbahay, 60 watts to 100watts lng na ampli sapat na po.
Sir, tungkol naman sa isa nyong tanòng, ang kasama ng midrange at tweeter ay woofer at kailangan dumaan ng crossover. Ang subwoofer ay may sariling ampli.
Boss s 1500 n dividing network 2 way Tapos sub mo 600w at tweeter 200w .. Pwde b magdalawa ng connect ng speaker s sub ng dividing network n mgiging 800w ?
Sa multimidea speaker na 3.1 chanel sir ilang rms po ba yon? Merun po kasi naka sulat sa likod ng unit max power output 80 watts yong subwoofer nya po ay naka sulat 50 watts balak ko po sana palitan ng sub na 80 watts ok po ba yon sir? Thanks po
Sir magandang araw,hingi po Ako ng advice.mayron po Ako Sakura av9000 amp 1800wattsx2 pmpo.maganda kaya itutunog nya sa lightning lab d8"dual 4 ohms,1000maximum.mid jack hammer 700watts at tweeter na 500watts?
BOSS pinoy audiotech.. Ask ko lang po kung 3way ang dividing network ko pwede ko bang gamitin ung dalawa lang which is mid ay high lang.. Dalawa kc amp gamit ko.. Give me an advice poh salamat boss
Sir, base po sa binigay nyong impormasyon dapat walang problema kng ang gamit nyo ay Coral o ung 300watts na speaker. Paki check na lng po kng ung 80 watts ay 4 ohms at kng ung 300watts ay 8 ohms. Maaaring mas mainit kasi ang ampli pag 4 ohms ang speaker na nakakabit. Bagamat normal lng po un sa ampli na kaya ang speaker na 4 ohms hanggang 8 ohms.
Oo nga pala 6 ohm yon 80w at 8 ohms yon 300w. Diba dapat mas mag iinit sa 300w dahil madaling I drive yon 80w. Edi ang basehan ay ohms hindi yon watts ng speaker kasi mas malakas at matindi bumayo si 80w
Sir, woofer 200 watts , midrange 150watts , tweeter 150 watts. Kng di nyo masyado kabisado ang ang mga ito puwede kayo maghanap ng car speaker na may tweeter 2-way or 3-way na 200wats ang rating .
Good day sir may tanong lang po ako.may nabili po kasi ako na bluetooth amplifier na 120watts bali 60watts each.gusto ko kasi lagyan ng 3 way speacker each side.ano ba magandang wattage para sa woofer midrange at tweeter
Sir, kng talagang 60watts x 2 sya, hanap kayo ng 60watts din na 3-way. Pwde malaman kng anong tatak ng amp at model number ? China amp po ba yan ? Imported brand po ba ?
@@JemuelJacinto puwede po malaman ang nakasulat na title ng amp sa shopee para makita natin ung pinaka unit para malaman kng talagang 60watts x 2 at magkano. Para masagot ko kayo ng malinaw. May nabili po kasi ako nakalagay 200watts x 2 amplifier. Pagbasa ko sa manual 8watts x 2 lng. Ung pala 200watts PMPO x 2 at hindi 200watts RMS x 2.
Gudnun boss ok lng po bng magtanong kailangan p po ba crissover kung nka dividing network n ung midrange at tweeter mas mainam b yan s amplifier n joson jupiter max. Pakisagot nman po idol maliwanag akyong magpaliwanag kesas ibang vlogger
Boss, kng naka dividing network na kayo hindi na kailangan ang crossover dahil parehas lng sila. Kng match naman ang watts ng ampli mo at speaker walang problema yan sa kait anong ampli.
@@pinoyaudiotech salamat po boss. Baguhan lng po kasi ako jupiter max po gamit q balak q 600 watts midhigh qt 500 watts n tweeter ano pong watts po n dividing network ang match duon kasi 1000watts speaker hiniwalay q po xa.
Sir, gud day syo, new subs lng at newbee lng s larangan ng sounds, meron nko mixer, ampli at midhigh (crown jh125 500w at driving network 300w) wla pko pambili ng subwooper, ok lng b samahan ko ng crossover khit wla pko pang sub, salamat s reply🙋♂️👍
good day sir may mini amp ako na 50watts per channel tapos lalagyan ko nang 400watts na crossover ilang watts kaya pwede ilagay sa tweeter, midrange at bass? pwede ba e 3 way o 2 way lang pwede base sa output nang amp
Sir, palitan nyo ung crossover nyo masyado mataas. Hanap kayo ng mga 50watts to 100watts lng. Tapos ang bass ay 50watts at mid at tweeter kahit 25watts to 50watts.
Gudevening po...Pwede ko po ba at match po ba eh kabit ang subwoofer Speaker na 650 watts 8 ohms sa AMPLI ko na 500 watts per channel 8 ohms? DALAWA po ang subwoofer ko,kabit ko sana sa bawat channel.SALAMAT PO
Sir papaano po ba magset-up ng 5.1 surround receiver sa speaker Ang problema ko po ay ang muti soure pre out.Saan po manggagaling ang rca na isasak ko pre out ? Maraming salamat po
Sir, sa 5.1 surround, ang kailangan lng ay stereo signal tapos papasok sa 5.1 ampli paglabas ay 5 channel amp na , left , right , center , rear left and rear right na speaker at yng " .1 " ay para sa sub out na kailangan nyo ng active sub.
Para po sa crossover kaparehas o mas mataas ng kaunti sa power ng ampli, kaya po kng 100watts ang ampli ang crossover ay mga 100watts o 120 watts po. Parang nag compute din tayo ng speaker, plus 20% sa power.
Boss platinum sultan MA350R output power 246watts 123watts x2 channel/ 4 ohm RMS 85dD ilang watts ang wooper na ilalagay ko at ilang ohm 4 or 8 salamat ppo sa pagsagot
Boss, kng 4 ohms mga 120watts to 150watts woofer , kng 8 ohms mga 60watts to 75watts woofer. Pero mas maganda po kng idaan nyo sa dividing network na 75watts to 150watts mga ang woofer para mas maganda tunog.
Gud pm Sir Ask po Nag Lagay po ako Ng Dividing Network Crown Subwoofer 500 watts sa Pro Staxx na CoLumn Speaker, Pedi po bang 4 ohms, at 400 watts na Targa Subwoofer Ang ilagay ku, Sana masagot nio Po Tanung k? Salamat po
Good afternoon po sir @pinoyaudiotech ang amplifier ko po ay sakura 550 watts x2 at ang speaker box ko po ay dalawa pero bawat speaker box ay dalawang speaker ang mailagay na d15 po at isang tweeter so ang bilhin ko na speaker ay dalawang instrumental, dalawang woofer at dalawang tweeter,magkano po ba ang watts sa speaker at tweeter na pwede kong bilhin na match sa sakura 550 watts X2 na amplifier?
Instrumental at woofer 350watts . Tweeter 300watts to 500watts. Kailangan nyo rin idaan ang woofer at tweeter sa dividing network , pero ung instrumental ay naka parallel lng sa terminal ng dividing network.
Hello po sir me katanongan lang kung pwd bang mataas ang wattages ng croosover 300 watts kung ang wooper speaker tulad ng input power 180 watts max 8 ohms at min input 100 watts , midrange impedance 4-8 ohms 100 watts ? Ty po sa reply
Bossing meron ako 2x10w na speaker amp 40hz -20khz _>86db kaso nabibitin ako sa sipa ng ko ba langyan ng crossover subwoofer para gumanda sipa ng bass ng speaker?gusto ko kasi marinig yung low bass ung parang bass guitar..
Ano po recommended po eto po yung specs ng speaker ko po..Frequency Range 40Hz-20KHz Operating Range Up To 10m Power 2 X 10W Signal-to-Noise Ratio ?86dB ano po pwede gawin para marinig ung low bass nya master
Sir meron aqng na bili na mini amplifier na may tag 300w + 300w, at 4 to 16 ohms anong watts ba na mga speaker dapat ilagay ko, kong maglalagay aq ng tag isang woffer, mid, at tweeter sa ampli. Salamat po sa sagot
Sir, mini amplifier kaya paki check mabuti kng talagang 300watts ang amp, sa mini kasi malakas na ang 50 watts. Pero kng talagang 300watts ang amp, ang gagamitin nyo ay 150 watts 8 ohms woofer , 100 watts 8 ohms mid , 100 watts tweeter. Kng 4 ohms ang gagamitin nyo sa woofer dapat 300watts sya. At kailangan idaan nyo ung mga nasabing speakers sa 300watts to 400watts na dividing network para gumanda ang tunog at may proteksyon sa overload.
@@pinoyaudiotech hindi po pala sya mini ampli. Sir, kong right chanel q po ilagay yong 150w na woofer at sa left naman yong mid. Paano po ikabit yong tweeter ipaparallel q po ba sa mid? Salamat po sa sagot sir.
@@pinoyaudiotech last na pong tanong sir! kong isang woofer lang ang ilagay q sa right chanel hindi na aq maglalagay ng mid. Speaker, Pwede ko na po bang e.direct nlng yong 100w na tweeter sa left chanel na wlang capacitor? Salamat po ng marami sir naka subscribe napo aq sa inyong chanel dahil magaling kau.
@@mackybacky4747 ok lng po ang 150 watts sa right at tweeter sa left kaya lng dahil walang mid, kailangan mga 150watts to 200 watts ang tweeter kng mag isa lng. At hindi puwede direct dahil parang pinagagawa nyo rin ang trabaho ng woofer at mid sa tweeter. Kailangan may capacitor, kng gusto nyo ng malakas na tunog sa tweeter ang pinakamataas na capacitor na puwede ay 4.7 uf / 350v.
Boss, base sa manual mas maganda na wag nyo na galawin kasi po may sariling amp ang woofer at may hiwalay na sarili din na amp ang tweeter. Kahit saan nyo ikabit ung mid nyo ay hindi gagana ng ayon sa gusto nyo. Halimbawa kinabit nyo sa woofer ang mid, pipilitin ng amp na maging woofer ang mid ganun din po sa tweeter.
@@pinoyaudiotech salamat boss sa reply.bali boss ang gagawin ko sana ay magdadagdag aq ng pang mid tapos idadaan ko sa crossover..bali yung alto tx315 icoconnect q s high ng crossover tpos dagdag aq ng mid lagay q s mid ng crossover tpos my alto ts315s dn aq n subwoofer eh lalagay q sa low ng crossover..pwede kaya yun boss?kahit powered yung tx315 at yung ts315s ikoconnect q sa crossover?mid lang ang gagawin kong passive?
Good evening idol. Idol hingi lng po sana ako advise. nasunog Kacey subwoofer ko na alteck 250 Watts 4/8 ohms double magnet gamit ko na amplifier db audio na 1500x2 Watts Bali 4 channel 750 per channel. Paano computation ng subwoofer sa amplifier idol .salamat
Boss, 1500 x 2 po ibig sabihin 2 channel. Naglagay lng po ng 4 speaker output para magmukhang 4 channel. Model 8022BT po ba ito ? At nabasa ko rin po sa ibang specs na 1500watts PMPO x 2 ibig sabihin hindi po ito ang rated power. Pag hindi po ako sigurado ang pagbabasehan ko lng ay ang PMPO , kalahati lng po ang estimate na rated power. Kaya mga 750watts x 2 lng sa subwoofer ang gagamitin.
Sir magtatanong lang po mayron akong NAD surround sound receiver 5.1 na bigay sa akin hindi ko alam kung ilan watts ang gagamitin ko ,wala naman nakalagay na watts. Ang nakalagay lang ay 2.4 ampere
Guys tanong lang po lahat ba ng speaker na may kasamang subwoofer pwede gamitan ng amplifier? Nakabili kasi ako ng speaker na tatluhan ung dalawa na maliit tapos isang subwoofer 6.5
Boss meron akong ampli na ang brand ay TEAC, Japan made. 90 RMS ang power niya. Bigay lang ng utol ko. Balak kong bumili ng speaker para dito kaso hindi ako sure kung anong wattage ng speaker ang dapat. . Tanong ko lang ay kung anong watts ng speaker ang match sa 90 RMS na TEAC amplifier. Maraming salamat..
Sir may Denon avr390 po ako 300 watts po sya ibig po Sabihin nun 150 per chanel.saka my sorround na po sya dalawa Saka center kulang ko lang po yong right and Left speaker.
Sir, 100watts per cjannel 5.1 po ang denon avr-390 nyo. Ibig sabihin ang front left front right , center , rear left , rear right ay 100watts 6 ohms lahat. Total 500watts sa 6 ohms.
6-16ohms po naka Lagay sa likod Ng amplifier 300W. yong center speaker nya gumana. Yong dalawang sorround speaker replace ko sa Sony sorround din yon. Naguluhan lang ako sa 8ohm sa speaker gamit ko R/L.
boss,pede po ba ung midrange ay 8 watts at 4ohms,sa ampli kona 255 watts at 8 ohms? nasira po kc ung midrange nya dati na 40 watts,wala po kc ako pambili ng midrange eh kaya kinabitan ko muna ng speaker na 8watts at 4 ohms?
Sir, kaya nasira po ung 40wattß na kinabit nyo dahil masyado mababa sa 255watts tapos kinabutan nyo ng 8 watts , sayang lng ung 8 watts nyo mga ilang oras lng masusunog na yan.
Un po ay tinatawag na efficiency. Hindi lahat ng 690watts ay maco-convert sa sound power may tapon. Tulad lng po yan ng naglagay kayo ng mantika sa isang baso tapos nilipat nyo sa panibagong baso, sigurado hindi na buo ang nasa huling baso dahil may dumikit na mantika sa dating baso. Ganun din po sa sound, may tapon , ung init ng mga transistor ay ang mga tapon na power. Ang 0.8 ay estimate lng po , puwede pa bumaba ng 0.7 o 0.5
Para po hindi kayo maguluhan, puwede na po pare-pareho ang watts. Kng 1500watts ang sub , puwede rin 1500watts ang midrange at tweeter. Kng nagtitipid kayo kahit 1000watts midrange at tweeter ay ok na.
Sir ang amplifier ko ay 400 watts at ang speaker ko ay 300 watts gusto ko lagyan ng dividing net work ilan watts ang dapat kong gamitin sa dividing net work
Gud day po sir, mayroon na po akong 60W na tweeter at 100W na full range/mid speaker, ang tanong ko po Ilang watts po ba kailangan kona woofer speaker for bass sound pra sa 3 way speaker system po, ang amplifier ko po ay 300 watts max. per channel.
Boss, usually parehas ang lakas ng ampli at sub kng hindi man ay mas mataas ang sub sa ampli. Para sakin mga 20% mas malakas ay tamang na. Ibig sabihin kng 800watts ang ampli nyo at dagdagan nyo ng 20% magiging 960watts o mga 1000watts na sub ay puwede na.
idol ask ko lng un amplifier ko 1400w pmpo 290 RMS un gusto ko speaker sna 3 way anu po sukat at watts pra s woofer tweeter at midrange n bgay KY amplifier salamat sna napansin nyo
Kuya, kng kaya ng budget kahit 300watts rms ang woofer midrange at tweeter. Kng nagtitipid o mayroon na kayong speaker, woofer 300watts, midrange 200watts at tweeter kahit 150watts. Pero lahat po ng nasabi ko at mas maganda kng idadaan sa crossover network. Kahit mga 350watts to 400watts ang crossover.
@@pinoyaudiotech idol Bali kng 290 RMS ok lng din 300w un speaker bli un wattage Ng midrange at tweeter hndi n isasama s wattage Ng woofer at un sinasabi n 1400w pmpohndi ko papansinin ang papansinin ko ay un RMS un kc napanoud ko s vlog nyo ms gusto ko kc assemble n speaker ms detalyado
sir meron po ako ampli AV 739 at apat na box na speaker. yung 2box nya may tag isang woofer max 600watts, mid range max 150watts at tweeter max 100watts at may 3way dividing network na 600watts. yung 2 pang box may tag isa din na woofer 500watts max at tweeter 300watts max na konzert na may horn at 2way dividing network lahat po crown maliban sa konzert. tanong ko lang po kung ok yung set up. salamat po sa sagot.
@@pinoyaudiotech balak ko po sana lagyan ng midrange yung 2 box ko na may tweeter na konzert na max 300watts na may horn at woofer na max 500watts. anong midrange po maisasuggest nyo at ilang watts? at anong 3way dividing network na pwede din ilagay kung sakali? salamat
@@ElsaAmansec pareho. Pero hindi sabay. Una tataas ang curent na dadaloy sa circuit ng amp at magdudulot ng mataas na init na makaka sunog sa mga parts ng amp. Pangalawa, dahil tumaas ang current na dumaloy sa amp ay tataas din ang current na dadaloy sa speaker na maaring masunog.
Sir magtatanong po sna ako kc yung amplifier ko ay output watts (rms) 1500watts yung Joson Saturn tapos yung speaker ko ay 2pcs 650 watts en 2pcs 450watts match pu ba cla?
Sir, nabasa ko sa specs nya na mga 500watts lng ang kaya nyang ibigay na audio power. Mga 300watts x 2 na speaker ang kailangan nyo. Pero dahil meron na kayong 2 pcs x 450 watts speaker, subukan nyo muna un.
sir magandang araw po..alam ko na familiar kayo sa mga generic speakers na nabibili sa raon..meron po kasi ako generic 3 way speaker na 12" woofer, 4"midrange at 3" tweeter kaso hindi ko alam kung ilang watts at ilang ohms mga ito kasi walang label sa speaker nung kinalas ko sa box nya..balak ko kasi sana lagyan ng dividing network kaso hindi ko alam kung ilang watts ng dividing network ang ilalagay..sana ay mapansin mo ang comment ko..salamat ang more power sa channel mo
Boss ang isang Baffles po consist of 3 way speaker, woofer 300 watts,mid range 100 watts, tweeter 200 watts, pag inadd nyo po yan 600 watts, mah dividing network na po sya,so puede ko po bang sabihin na 600 watts ang baffles ko na ito? Pakisagot naman po
Boss, hindi po. Para sa akin po ang bibilangin ko lng ay ang woofer na 300watts. Kaya para po sa akin pang 300watts na ampli lng ang buong setup ng baffles nyo na may woofer midrange tweeter.
Sir, kadalasan ang mga car amp ay kaya ng 2 ohms to 8 ohms na speaker. Pasok ung 3 ohms nyo, check nyo lng mabuti kng kaya ng ampli ang 2 ohms to 8 ohms.
Sir pwedi po magtanong gusto ko po sana lagyan ng sound yung trycikle ko yung subwoofer po sana na gusto ko ilagay 12 inches ilang Watts po ba ang pwedi pang subwoofer lag lagyan ko din po NG dalawang midrange at dalawang tweeter ano Watts po ba ang pweding combine ng mga yan tsaka ampli po salamat po
Sir, pag tricycle , puwede na ang mga 75 watts pag subwoofer katamtamang lakas na. Pero mas maganda po ay kng meron kayo nakita o kakilala na nagustuhan nyo sa daan, tapos tanungin nyo para may pagbabasehan kayo kng gaano kalakas ang gusto nyo. Kng speaker lng mga 50watts para sa akin malakas na. Pero subwoofer mas mataas ang kain ng power kaya 75 watts ang payo ko.
Kuya, linawin ko rin po na pag hinati nyo ung crossover ay para sa ganung speaker power tulad ng 600watts crossover anv puwede lng ikabit ay 500watts speaker at naka series o parallel sa crossover na hinatian nyo.
@Pinoy Audiotech tanong LNG po sir dba pag 500 Watts ang ampli dapat mas mababa ang wattage SA speaker at least 25-50% lower ? Gusto KO LNG po maliwanagan..ty
Idol magtatanong lang po, ilang watts ng midrange ang bagay sa 600 watts 8 ohms na speaker? Pakisagot po idol, para makabili na din ako. Salamat po sa sagot nyo idol.
nice lesson sensei newbie here tanong lang po may ampli po ako na 600watts pmpo paano ko po malalaman ang tamang watts ng speaker per channel salamat po sa pag sagot
Kuya, sa totoo lng po kng ang nagbigay ng 600watts PMPO rating ay ung china brand na ampli wala kayong mapagbabasehan. Dahil para lng makabenta sasabihin nila kahit ano. Pero kng ang nagsabi ay branded, puwede natin i-estimate. Halimbawa po, si Pionèer o Sony nagsabi na 300watts PMPO, paghinanap nyo sa Technical specs makikita nyo 50watts RMS (halimbawa lng po) , so sa 600watts ma-estimate natin na 100watts rms sya. Dahil sa branded may pinagbabasehan pa rin sila kahit PMPO ang rating.
Sir mayron po akong NAD Surround sound receiver 5.1 walang nakalagay na watts ampere lang ang nakalagay 2.3 am.ilang watts kaya ang dapat kong gamitin? Maraming salamat po.
Sir, woofer at Instrumental ay pareho lng. Parallel lahat positive sa positive lahat papunta sa positive ng speaker out. Negative sa negative. Ang tweeter lng ang kailangan ng capacitor na 3.3uf / 100v na naka series bago ikabit sa mga positive ng mga speaker.
Good day po sir, new subscriber po. Maari bang makahingi ng recommendation ng mga speakers na gagamitin sa Joson Mars Max Amplifier. Salamat sir, bagohan po.
Sir, base sa specs na 1000watts PMPO x 2 @ 4 ohms. Naghanap ako sa internet at wala po ako makita na rated power nya. Puwede nyo ba tignan ang manual ng nabili nyong Joson mars max bka may nakalagay kng ano ang rated power.
@@pinoyaudiotech salamat sir sa reply. Actually kaka ship lang ng amplifier di pa po dumating. Nasira kasi ang aming Sony component sa bahay ayaw na mag power on, pinatignan ko sa technician talagang patay na raw kaya omorder ako ng Joson mars max. Ang speaker nga pala ng component ang pansamantalang gagamitin ko muna sa amplifier. Naghahanap po kasi ako ng pwedeng pamares sa kanya na speaker, gusto ko sana custom build yong maganda ang quality ng sounds. Salamat uli sir.
Sa totoo lng po, pag sinabi sa akin ang power ay pmpo ung kalahati lng ang pagbabasehan ko. Kaya kng wala po kayong mababasa na rated power sa manual , ang mapapayo ko ay 500watts 4 ohms or 250watts 8 ohms na speaker lng. Estimate lng po un dahil hindi puwedeng pagbasehan ang pmpo na power.
Ang una po ay kailangna malaman nyo kng saan gagamitin ung ampli nyo. Kng sa bahay o pang disco sa labas ng bahay. Kng sa bahay lng po kahit mga 60watts x 2 puwede na. Kng sa labas , mga 100watts pataas per channel.
Kaano ano kaya nya si robin padillia? .. by the way mejo nakkalito lang doon sa part na kung ano ba mas lamang yung amp ba o yung speaker? . Sabi kasi ng iba dapat mas lamang yung amp ng 20% para hindi mahirapan. Ano po ba talaga?
Ano po ung 250watts ung amp ng sub or ung sub mismo ? At gusto nyo malaman kng ung 250watts sub amp ay compatible sa 100watts na speaker ? Tama po ba ?
Maganda ka mag paliwanag idol....mula sa basic hanggang sa maintindihan ng nanood kung anu nga talaga ang kanilang mga role salute
ito yung vlogger na totoong may alam hindi yung basta lang maka vlog...🙄.. salamat po sir salute 🙏
Salamat po sa tiwala.
Eto, eto ang pinakahihintay kong content, matagal na akong gustong mag assemble ng ampli kaso wala akong idea kung papaano ang sistema para maganda ang tunog. Thank you so much po sir at natagpuan ko itong channel mo.
maraming salamat boss,magaling po kau magturo ,marami akong matutunan sa inyo,
maraming salamat sir tunay na mKakatulong ang topic nà inyong tinalakay. mabuhay kayo sir.❤
Salamat po.
@@pinoyaudiotechsir pwede pa ba maglagay ng dividing network kahit meron na capasitor ang midrange at tweeter ko? Bagong subscriber po ako
@@PapaTom69 puwedeng hindi na. Bagama't ang dividing kasi ay kalkulado ang mga piyesa na ginamit.
@@pinoyaudiotech salamat sir, malaking tulong sa mga baguhan tulad ko
Salama po kahit now ko lng napanood ito. Planning to build DIY mini home Videoke 😊
Nice boss ang ganda ng paliwanag mo,, ngayun ko lang nalaman yan🙏😊😊
Napaka galing mo po mgpaliwanag,,
salamat sa explanation ng speaker to amplifier watts computation
Salamat sir s kaalaman...God bless❤❤❤
Boss 1080+1080 watts ang ko kulang ang ginamit ko na speaker anong tama boss? Kasi hinde ako maka full sa volume..salamat boss
Ayos sir ang paliwanag mo salamat 👍❤❤💖👍
Sir paano e match ang cross over sa amplifier?
husay nyo sir new subscriber here,,sir tnong q lng ok lng ba yung ks630v q sa 502konzert 600 watrs max ng speaker e yung 502. =500x2..ito ksi pinaris sa konzert 502 q....ng salessman.
Tama po si salesman. Ang lagi ko po sinasabi, Speaker mas mataas sa ampli ng 20%. Ampli 500w x 1.2 = 600watts sa speaker.
gud pm sir salamat pala sa advice mo nung nag comment ako sa isa mung vlog mas gumanda ang setup ng aking sound nung sinabi mo na gagamit ako ng crossover maraming salamat god bless..
welcome po.
ang galing nio idol...dami po akong natutunan sa mga tinuturo nio dito sa vidoe na ito..GOD BLESS po..
Salamat po.
boss tanong po uli , 3 speakers subwoofer ,instrumental at tweeter sa isang box.
bawat isa ay 350WATTS.
ilang WATTS po ang bagay na 3 WAY dividing network ?
thanks and more power
Thank u boss
Sii good eve meron po akong double magnet na speaker 100w na 6 ohms at tweeter. Pede po ba kabitan ng diviiding network. Thanks... GOD BLESS...
Yes po. Mas maganda po dumadaan sa dividing para maayos ang pag match ng speaker sa amplifier.
tanx a lot sir... 😊👍👍
SIR , THANK YOU THANK YOU VERY BIG ! GOD BLESS
Good evening brod gusto kung mag DIY ng speaker para sa pioneer home theater ko 120 watts per chanel ng power nya halimbawa 100 watts ang woofer at 80 watts ang mid at 60 watts ang tweeter ilan watts kaya ang pwede na dividing network 3 ways salamat
Ang dividing ay dapat kasing power ng amplifier o mas mataas ng kaunti. Kng ang amp nyo ay 100watts , ang dividing ay 100watts or 120watts , plus 20% allowance.
Idol, qustion lang. About dito sa part 11:50 kung ganito po ang mga wattages ng speaker na pwedeng gamitin, paano naman kung 300w ampli ang gamit ko? At tama din ba kung kakabitan ko ng 300w crossover? Salamat talaga idol sa sagot, hays sa wakas bumawas din sakit ng ulo ko sa kaka research hahahaha. Many thanks po!!!
Sa crossover, mabuti po na magbigay kayo ng kaunting allowancega 20% base sa watts ng amp. Lalabas 300watts x 1.2 = 360 watts ~ 350watts . Sa kanya lasi dadaan ang power na hihigupin ng woofer, mid at tweeter. Para hindi kayo masyado mahirapan ipareho nyo ang mid at tweeter. Tapos kunin nyo lng ang 60% o 70% ng watts ng amp. Lalabas 300watts x 0.6 = 180watts o 300watts x 0.7 = 210watts. Ibig sabihin ang mid at tweeter ay puwede maglaro sa 180watts ~ 210watts , mga 200watts puwede na.
Salamat po, nadagdagan Ang kaalaman q para mag diy Ng sariling sound pambahay.
Sir, meron akong umak 1522 amplifier ang speaker crown 600w 3way. Nag dadag po ako ng 300w sub woofer na tosura at 150w na crown twitter. Bale apat na box po sila. 8ohms kaya 4ohms silang apat. Ok lang poba sa speaker at ampli yung ganyang set up. Salamat po sa magiging tugon.
@@dantebunagan4497 sir, pasensya hindi ko masasagot tanong nyo. Dahil 2000watts PMPO ang specs nya. Hindi pwedeng pagbasehan ang watts nya. Dapat naka RMS o MAX ang watts nya.
Boss gud Day anong watts ng speaker/sub/at tweeter na advisable pambahay pero maganda tumunog
Boss, kng pambahay, matibay at mababa halaga, puwede na po ang brand na Crown. Dahil pambahay at ayaw natin makabulabog ng kapitbahay, 60 watts to 100watts lng na ampli sapat na po.
Good Evening Sir. ano po pwedi or compatible na speaker po sa Phonic Power Pod 615 Powered Mixer Amplifier
Sir, 100 watts to 150 watts 8 ohms speaker per channel.
Sir, tungkol naman sa isa nyong tanòng, ang kasama ng midrange at tweeter ay woofer at kailangan dumaan ng crossover. Ang subwoofer ay may sariling ampli.
New subscriber po
idol, tnong kulang, Meron akong amp na joson Jupiter, Meron din speaker na 450w subwoofer, 300w instrumental at 300w na tweeter at 600w cross over na
Ano po ang amp nyo ?
gd am idol, putol txt ko tloy kopo, mron akong pares speaker na 450w subwoofer, 300w instrumental, 300w tweeter at 600w dividing network at 2000w amp joson iupiter
tnong ko Po, match Po ba ang binili ko lahat, maraming slamat po
Boss may suggestion ba kayo na pambahay pang videoke
Platinum karaoke po.
Boss s 1500 n dividing network 2 way
Tapos sub mo 600w at tweeter 200w .. Pwde b magdalawa ng connect ng speaker s sub ng dividing network n mgiging 800w ?
pwede po. naka parallel.
Sa multimidea speaker na 3.1 chanel sir ilang rms po ba yon? Merun po kasi naka sulat sa likod ng unit max power output 80 watts yong subwoofer nya po ay naka sulat 50 watts balak ko po sana palitan ng sub na 80 watts ok po ba yon sir? Thanks po
Sir Gandang Gabi 300 watts 502A ampli.meron ako ...Meron ako dalawang speakers na Kenwood. 150 watt kadaisa puede ko ba ikabit sir? MRMing salamat.
Sir magandang araw,hingi po Ako ng advice.mayron po Ako Sakura av9000 amp 1800wattsx2 pmpo.maganda kaya itutunog nya sa lightning lab d8"dual 4 ohms,1000maximum.mid jack hammer 700watts at tweeter na 500watts?
Sana mapansin nyu po...
ano pong model number ng lightning lab at ung mid jackhammer ?
XLS8"dual 4 ohms
Bwh d8"700watts max tweeter bcs 600watts max
Ito nalang po sir tulongan mo Ako na pinaka magandang e match ni av9000 na amp ko.gawin ko na 3way box
BOSS pinoy audiotech.. Ask ko lang po kung 3way ang dividing network ko pwede ko bang gamitin ung dalawa lang which is mid ay high lang.. Dalawa kc amp gamit ko.. Give me an advice poh salamat boss
Yes po. Puwede po kahit 1 lng din. Hi , mid or low lng. Basta pasok po sa watts natin.
@@pinoyaudiotech salamat boss idol
May Coral na woofer 1972 model 80w at may 2010 model na 300w dual coil at bakit mas mainit ang amplifier ko na Joson saturn sa Coral na 80w
Sir, base po sa binigay nyong impormasyon dapat walang problema kng ang gamit nyo ay Coral o ung 300watts na speaker. Paki check na lng po kng ung 80 watts ay 4 ohms at kng ung 300watts ay 8 ohms. Maaaring mas mainit kasi ang ampli pag 4 ohms ang speaker na nakakabit. Bagamat normal lng po un sa ampli na kaya ang speaker na 4 ohms hanggang 8 ohms.
Oo nga pala 6 ohm yon 80w at 8 ohms yon 300w. Diba dapat mas mag iinit sa 300w dahil madaling I drive yon 80w. Edi ang basehan ay ohms hindi yon watts ng speaker kasi mas malakas at matindi bumayo si 80w
Hellp po sir ask ko lng po meron kc ko ampli 200w pang car.. ano speaker po b ang pwede ko ilagay dun ilang watt po b dpat
Sir, woofer 200 watts , midrange 150watts , tweeter 150 watts. Kng di nyo masyado kabisado ang ang mga ito puwede kayo maghanap ng car speaker na may tweeter 2-way or 3-way na 200wats ang rating .
Good day sir may tanong lang po ako.may nabili po kasi ako na bluetooth amplifier na 120watts bali 60watts each.gusto ko kasi lagyan ng 3 way speacker each side.ano ba magandang wattage para sa woofer midrange at tweeter
Sir, kng talagang 60watts x 2 sya, hanap kayo ng 60watts din na 3-way. Pwde malaman kng anong tatak ng amp at model number ? China amp po ba yan ? Imported brand po ba ?
@@pinoyaudiotech JX-BT na 120 watts 60x2 ung nabibili sa shoppe gawang china
@@JemuelJacinto puwede po malaman ang nakasulat na title ng amp sa shopee para makita natin ung pinaka unit para malaman kng talagang 60watts x 2 at magkano. Para masagot ko kayo ng malinaw. May nabili po kasi ako nakalagay 200watts x 2 amplifier. Pagbasa ko sa manual 8watts x 2 lng. Ung pala 200watts PMPO x 2 at hindi 200watts RMS x 2.
Kng ok lng sa inyo. Kunan nyo ng screenshot ung title ng amplifier nyo sa shopee at i-send nyo sa FB page natin na Pinoy Audiotech.
Gudnun boss ok lng po bng magtanong kailangan p po ba crissover kung nka dividing network n ung midrange at tweeter mas mainam b yan s amplifier n joson jupiter max. Pakisagot nman po idol maliwanag akyong magpaliwanag kesas ibang vlogger
Boss, kng naka dividing network na kayo hindi na kailangan ang crossover dahil parehas lng sila. Kng match naman ang watts ng ampli mo at speaker walang problema yan sa kait anong ampli.
@@pinoyaudiotech salamat po boss. Baguhan lng po kasi ako jupiter max po gamit q balak q 600 watts midhigh qt 500 watts n tweeter ano pong watts po n dividing network ang match duon kasi 1000watts speaker hiniwalay q po xa.
@@ulyssesromero4670 boss kng joson jupiter max ang ampli nyo mga 600watts ang dividing.
@@pinoyaudiotech salamat po s suggestion boss.
Sir, gud day syo, new subs lng at newbee lng s larangan ng sounds, meron nko mixer, ampli at midhigh (crown jh125 500w at driving network 300w) wla pko pambili ng subwooper, ok lng b samahan ko ng crossover khit wla pko pang sub, salamat s reply🙋♂️👍
Siŕ, puwede naman po. Basta pasok po sa ratings ng mga speakers.
good day sir may mini amp ako na 50watts per channel tapos lalagyan ko nang 400watts na crossover ilang watts kaya pwede ilagay sa tweeter, midrange at bass? pwede ba e 3 way o 2 way lang pwede base sa output nang amp
Sir, palitan nyo ung crossover nyo masyado mataas. Hanap kayo ng mga 50watts to 100watts lng. Tapos ang bass ay 50watts at mid at tweeter kahit 25watts to 50watts.
Kapag mga ten meter maririnig mo sa speaker ay hwahiwalay ang tunog un ang maganda
Sir tanong lang po ilan poba ang ohms at watts ng amplifier na konzert 502A ??? new subscriber at baguhan lang po. salamat po..!
Sa pagka alam ko 500watts max x 2 4 ohms.
Gudevening po...Pwede ko po ba at match po ba eh kabit ang subwoofer Speaker na 650 watts 8 ohms sa AMPLI ko na 500 watts per channel 8 ohms? DALAWA po ang subwoofer ko,kabit ko sana sa bawat channel.SALAMAT PO
Idol may subwoofer ako na 4 omhs anong amplefiyer ang gagamitin ko at midrange tweeter yong maganda ang tunog at bayo po
Ilan watts po ang subwoofer nyo ?
@@pinoyaudiotech nakalagay ay 4 omhs
@@plingpling3971 watts po ?
Sir papaano po ba magset-up ng 5.1 surround receiver sa speaker
Ang problema ko po ay ang muti soure pre out.Saan po manggagaling ang rca na isasak ko pre out ? Maraming salamat po
Sir, sa 5.1 surround, ang kailangan lng ay stereo signal tapos papasok sa 5.1 ampli paglabas ay 5 channel amp na , left , right , center , rear left and rear right na speaker at yng " .1 " ay para sa sub out na kailangan nyo ng active sub.
Hi po tanong lang ilang Watts ng 3 way dividing network ang i-match sa amplifier at speaker(bass, mid, high)? Salamat God Bless
Para po sa crossover kaparehas o mas mataas ng kaunti sa power ng ampli, kaya po kng 100watts ang ampli ang crossover ay mga 100watts o 120 watts po. Parang nag compute din tayo ng speaker, plus 20% sa power.
Boss platinum sultan MA350R
output power 246watts
123watts x2 channel/ 4 ohm RMS
85dD
ilang watts ang wooper na ilalagay ko at ilang ohm 4 or 8 salamat ppo sa pagsagot
Boss, kng 4 ohms mga 120watts to 150watts woofer , kng 8 ohms mga 60watts to 75watts woofer. Pero mas maganda po kng idaan nyo sa dividing network na 75watts to 150watts mga ang woofer para mas maganda tunog.
@@pinoyaudiotech
Salamat idol pang videoke lang sa bahay
Gud pm Sir Ask po Nag Lagay po ako Ng Dividing Network Crown Subwoofer 500 watts sa Pro Staxx na CoLumn Speaker, Pedi po bang 4 ohms, at 400 watts na Targa Subwoofer Ang ilagay ku, Sana masagot nio Po Tanung k?
Salamat po
Sir, puwede po. Yan po ang ganda ng crossover puwede 4ohms hanggang 8ohms at minsan hanggang 16ohms pa ang puwede ikabit sa crossover.
@@pinoyaudiotech Salamat po ng Marami sir God bless
Good afternoon po sir @pinoyaudiotech ang amplifier ko po ay sakura 550 watts x2 at ang speaker box ko po ay dalawa pero bawat speaker box ay dalawang speaker ang mailagay na d15 po at isang tweeter so ang bilhin ko na speaker ay dalawang instrumental, dalawang woofer at dalawang tweeter,magkano po ba ang watts sa speaker at tweeter na pwede kong bilhin na match sa sakura 550 watts X2 na amplifier?
Instrumental at woofer 350watts . Tweeter 300watts to 500watts. Kailangan nyo rin idaan ang woofer at tweeter sa dividing network , pero ung instrumental ay naka parallel lng sa terminal ng dividing network.
Hello po sir me katanongan lang kung pwd bang mataas ang wattages ng croosover 300 watts kung ang wooper speaker tulad ng input power 180 watts max 8 ohms at min input 100 watts , midrange impedance 4-8 ohms 100 watts ? Ty po sa reply
Mas maganda kng mas mataas ang watts ng crossover. Pero hwag masyado malayo. Ung 300watts crossover ay ok sa 180watts nykng speaker.
@@pinoyaudiotech maraming salamat po God bless
sir gud pm ask lng ko kc nka bili ako ng amp na 737 anung speaker ung dapt kung gagamitin.I mean ilang watts na speaker.salamat
Sir, mga 1,700watts ang speaker.
ask lang po , pwede po bang pag samahin ang 6ohms at 8 ohms na sub at inst.? thanks and more power
Pwede naman po, basta gagamit lng kayo ng dividing.
@@pinoyaudiotech thangs p[o sa sagot
Good explaination.
Salamat po.
Bossing meron ako 2x10w na speaker amp 40hz -20khz _>86db kaso nabibitin ako sa sipa ng ko ba langyan ng crossover subwoofer para gumanda sipa ng bass ng speaker?gusto ko kasi marinig yung low bass ung parang bass guitar..
Boss, sa ordinaryong tunog malakas lakas na ang 10w x 2 pero sa sub po, ang pinaka mababa para marinig nyo ang mababang bass ay ay mga 50watts pataas.
Maririnig nyo lng ang mababang bass pero hindi nyo pa masyadong malalakasan dail mababa ang 50watts dahil malakas kumain ng power ang subwoofer.
So useless din pag na crossover ako ng 60w 2 way crossover frequency 2800hz-3200hz frequency range 50hz-2200hz
impedance 4ohms to 8ohms?
@@gdart9521 yes po. Kailangan nyo ng lakas o power para mapagana ang sub. At meron din crossover para lng sa sub.
Ano po recommended po eto po yung specs ng speaker ko po..Frequency Range 40Hz-20KHz
Operating Range Up To 10m
Power 2 X 10W
Signal-to-Noise Ratio ?86dB ano po pwede gawin para marinig ung low bass nya master
Salamat po idol s iyong video.new subs po
Sir meron aqng na bili na mini amplifier na may tag 300w + 300w, at 4 to 16 ohms anong watts ba na mga speaker dapat ilagay ko, kong maglalagay aq ng tag isang woffer, mid, at tweeter sa ampli. Salamat po sa sagot
Sir, mini amplifier kaya paki check mabuti kng talagang 300watts ang amp, sa mini kasi malakas na ang 50 watts. Pero kng talagang 300watts ang amp, ang gagamitin nyo ay 150 watts 8 ohms woofer , 100 watts 8 ohms mid , 100 watts tweeter. Kng 4 ohms ang gagamitin nyo sa woofer dapat 300watts sya. At kailangan idaan nyo ung mga nasabing speakers sa 300watts to 400watts na dividing network para gumanda ang tunog at may proteksyon sa overload.
@@pinoyaudiotech hindi po pala sya mini ampli. Sir, kong right chanel q po ilagay yong 150w na woofer at sa left naman yong mid. Paano po ikabit yong tweeter ipaparallel q po ba sa mid? Salamat po sa sagot sir.
@@mackybacky4747 opo. Parallel ang mid at tweeter. Pero kailangan may capacitor pa rin ung tweeter bago i-parallel sa mid.
@@pinoyaudiotech last na pong tanong sir! kong isang woofer lang ang ilagay q sa right chanel hindi na aq maglalagay ng mid. Speaker, Pwede ko na po bang e.direct nlng yong 100w na tweeter sa left chanel na wlang capacitor? Salamat po ng marami sir naka subscribe napo aq sa inyong chanel dahil magaling kau.
@@mackybacky4747 ok lng po ang 150 watts sa right at tweeter sa left kaya lng dahil walang mid, kailangan mga 150watts to 200 watts ang tweeter kng mag isa lng. At hindi puwede direct dahil parang pinagagawa nyo rin ang trabaho ng woofer at mid sa tweeter. Kailangan may capacitor, kng gusto nyo ng malakas na tunog sa tweeter ang pinakamataas na capacitor na puwede ay 4.7 uf / 350v.
Boss ask ko lang..meron po aqng alto tx315 powered speaker.pwede ko po bang gawing high yun tapos magdadagdag ako ng pang mid?
Boss, base sa manual mas maganda na wag nyo na galawin kasi po may sariling amp ang woofer at may hiwalay na sarili din na amp ang tweeter. Kahit saan nyo ikabit ung mid nyo ay hindi gagana ng ayon sa gusto nyo. Halimbawa kinabit nyo sa woofer ang mid, pipilitin ng amp na maging woofer ang mid ganun din po sa tweeter.
@@pinoyaudiotech salamat boss sa reply.bali boss ang gagawin ko sana ay magdadagdag aq ng pang mid tapos idadaan ko sa crossover..bali yung alto tx315 icoconnect q s high ng crossover tpos dagdag aq ng mid lagay q s mid ng crossover tpos my alto ts315s dn aq n subwoofer eh lalagay q sa low ng crossover..pwede kaya yun boss?kahit powered yung tx315 at yung ts315s ikoconnect q sa crossover?mid lang ang gagawin kong passive?
Boss pwede patulong? Ilan kayang watts na d15 ang kailangan ko sa kevler tx 400 power amp. Salamat boss. God bless
Boss, 500watts 8 ohms x 2 speakers.
@@pinoyaudiotech salamat boss. Keep safe always....
Sir Bigyan mo Ali ng magandang match up. Yung tweeter ko 300watts. Ilang watts yung mid at sub ko.
Tweeter 300watts , mid 300watts, speaker / woofer 500watts
boss pwede b c 1000 watts speaker sa sakura av 735 .. 700 watts tnx po..
Puwede naman po. Hindi naman masyado malayo sa 850 watts na suggested.
@@pinoyaudiotech tnx po boss...
Good evening idol. Idol hingi lng po sana ako advise. nasunog Kacey subwoofer ko na alteck 250 Watts 4/8 ohms double magnet gamit ko na amplifier db audio na 1500x2 Watts Bali 4 channel 750 per channel. Paano computation ng subwoofer sa amplifier idol .salamat
Boss, 1500 x 2 po ibig sabihin 2 channel. Naglagay lng po ng 4 speaker output para magmukhang 4 channel. Model 8022BT po ba ito ? At nabasa ko rin po sa ibang specs na 1500watts PMPO x 2 ibig sabihin hindi po ito ang rated power. Pag hindi po ako sigurado ang pagbabasehan ko lng ay ang PMPO , kalahati lng po ang estimate na rated power. Kaya mga 750watts x 2 lng sa subwoofer ang gagamitin.
Yes idol 8022BT
Yes idol 8022BT ok po idol thnk u. Nakakuha idea
Sir magtatanong lang po mayron akong NAD surround sound receiver 5.1 na bigay sa akin hindi ko alam kung ilan watts ang gagamitin ko ,wala naman nakalagay na watts. Ang nakalagay lang ay 2.4 ampere
Sir, paki tingjn kng may nakalagay na model number ?
Boss... Anong amplifier pede sa philips home theater ng mga speaker 300 watts rms.
anong model ng Philips home theater nyo?
Guys tanong lang po lahat ba ng speaker na may kasamang subwoofer pwede gamitan ng amplifier? Nakabili kasi ako ng speaker na tatluhan ung dalawa na maliit tapos isang subwoofer 6.5
Boss same lang ba áng gagamitin na capacitor
@@rickyvargas750 ano po ang buong tanong nyo ?
Speaker 700wts pair at tweeter 300wts pair may capacitor pwede ba kahit walang medrange at pano econek Ang wire
Sagutin ko kayo sa FB page namin. "Pinoy audiotech" din ang page.
m.facebook.com/story.php?story_fbid=pfbid0zNVCp42CJGLG812VXATiH77drQJDF295ig3GLYYNnhUCAHr1hHedLEKuGrSgirjel&id=100063991842724&sfnsn=mo&mibextid=VhDh1V
Boss meron akong ampli na ang brand ay TEAC, Japan made. 90 RMS ang power niya. Bigay lang ng utol ko. Balak kong bumili ng speaker para dito kaso hindi ako sure kung anong wattage ng speaker ang dapat. . Tanong ko lang ay kung anong watts ng speaker ang match sa 90 RMS na TEAC amplifier. Maraming salamat..
Boss, 90 watts rms x 1.2 = 108 watts ~ 100 watts o 120 watts puwede na.
Sir may Denon avr390 po ako 300 watts po sya ibig po Sabihin nun 150 per chanel.saka my sorround na po sya dalawa Saka center kulang ko lang po yong right and Left speaker.
Sir, 100watts per cjannel 5.1 po ang denon avr-390 nyo. Ibig sabihin ang front left front right , center , rear left , rear right ay 100watts 6 ohms lahat. Total 500watts sa 6 ohms.
@@pinoyaudiotech Nakita kong sira na front speaker nya dalawa eh 12ohm bawat Isang speaker. Ano kaya akma speaker replacement sa front R/L
@@pinoyaudiotech ok lang ba tong symphony na lumang astron gamit Kong speaker Di kaya masisira amplifier ko.
@@michaelorbeta4185 ano po ang mga nakasulat sa likod ng speaker box ?
6-16ohms po naka Lagay sa likod Ng amplifier 300W. yong center speaker nya gumana. Yong dalawang sorround speaker replace ko sa Sony sorround din yon. Naguluhan lang ako sa 8ohm sa speaker gamit ko R/L.
boss,pede po ba ung midrange ay 8 watts at 4ohms,sa ampli kona 255 watts at 8 ohms? nasira po kc ung midrange nya dati na 40 watts,wala po kc ako pambili ng midrange eh kaya kinabitan ko muna ng speaker na 8watts at 4 ohms?
Sir, kaya nasira po ung 40wattß na kinabit nyo dahil masyado mababa sa 255watts tapos kinabutan nyo ng 8 watts , sayang lng ung 8 watts nyo mga ilang oras lng masusunog na yan.
Sa example mo idol na voltage ng sasakyan ay 13.8v bago 50 amps is equal to 690w pero bakit nagkaron ka ng . 8 dun e dc un.
Un po ay tinatawag na efficiency. Hindi lahat ng 690watts ay maco-convert sa sound power may tapon. Tulad lng po yan ng naglagay kayo ng mantika sa isang baso tapos nilipat nyo sa panibagong baso, sigurado hindi na buo ang nasa huling baso dahil may dumikit na mantika sa dating baso. Ganun din po sa sound, may tapon , ung init ng mga transistor ay ang mga tapon na power. Ang 0.8 ay estimate lng po , puwede pa bumaba ng 0.7 o 0.5
@@pinoyaudiotech Maraming salamat sa explanation idol at nalito talaga ako doon but dahil sa iyo nalinawan ako, thank you po ulit idol.
kung 18 inch po subwoofer 1500 watts, ano pong midrange at tweeter sakto at swak ang dating ?
Para po hindi kayo maguluhan, puwede na po pare-pareho ang watts. Kng 1500watts ang sub , puwede rin 1500watts ang midrange at tweeter. Kng nagtitipid kayo kahit 1000watts midrange at tweeter ay ok na.
Sir ang amplifier ko ay 400 watts at ang speaker ko ay 300 watts gusto ko lagyan ng dividing net work ilan watts ang dapat kong gamitin sa dividing net work
Ang dividing ay 400watts x 1.2 = 480watts o 500watts na dividing.
Gud day po sir, mayroon na po akong 60W na tweeter at 100W na full range/mid speaker, ang tanong ko po Ilang watts po ba kailangan kona woofer speaker for bass sound pra sa 3 way speaker system po, ang amplifier ko po ay 300 watts max. per channel.
Ano po ung 60watts tweeter at 100watts mid , naka RMS o naka Max sila ?
Naka max po pla sla sir.
@@leonels101 ang amp nyo 300watts max , speaker at tweeter naka 8 ohms din ba ?
@@pinoyaudiotech Amplifier impedance is 4-16 ohms, at naka 8 ohms lahat po tweeter and mid.
Para sa woofer 150watts max 8 ohms. At need dumaan ng 3 way dividing 200watts.
Gud eve bos. may 800wattsx2 ako na amplifier. Ilang watts ng active subwoofer ang pwede ipares sa aking ampli? Pwede ba 1000watts na active subwoofer
Boss, usually parehas ang lakas ng ampli at sub kng hindi man ay mas mataas ang sub sa ampli. Para sakin mga 20% mas malakas ay tamang na. Ibig sabihin kng 800watts ang ampli nyo at dagdagan nyo ng 20% magiging 960watts o mga 1000watts na sub ay puwede na.
idol ask ko lng un amplifier ko 1400w pmpo 290 RMS un gusto ko speaker sna 3 way anu po sukat at watts pra s woofer tweeter at midrange n bgay KY amplifier salamat sna napansin nyo
Kuya, kng kaya ng budget kahit 300watts rms ang woofer midrange at tweeter. Kng nagtitipid o mayroon na kayong speaker, woofer 300watts, midrange 200watts at tweeter kahit 150watts. Pero lahat po ng nasabi ko at mas maganda kng idadaan sa crossover network. Kahit mga 350watts to 400watts ang crossover.
@@pinoyaudiotech idol Bali kng 290 RMS ok lng din 300w un speaker bli un wattage Ng midrange at tweeter hndi n isasama s wattage Ng woofer at un sinasabi n 1400w pmpohndi ko papansinin ang papansinin ko ay un RMS un kc napanoud ko s vlog nyo ms gusto ko kc assemble n speaker ms detalyado
tska idol anu size Ng woofer kya ok lng b kng d15 wooofer n 300w
sir meron po ako ampli AV 739 at apat na box na speaker. yung 2box nya may tag isang woofer max 600watts, mid range max 150watts at tweeter max 100watts at may 3way dividing network na 600watts. yung 2 pang box may tag isa din na woofer 500watts max at tweeter 300watts max na konzert na may horn at 2way dividing network lahat po crown maliban sa konzert. tanong ko lang po kung ok yung set up. salamat po sa sagot.
Sir, ok naman po. Para balanse ung isang box ng 600watts at 500watts na woofer ang magka grupo sa isang channel.
@@pinoyaudiotech maraming salamat po sa sagot
@@pinoyaudiotech balak ko po sana lagyan ng midrange yung 2 box ko na may tweeter na konzert na max 300watts na may horn at woofer na max 500watts. anong midrange po maisasuggest nyo at ilang watts? at anong 3way dividing network na pwede din ilagay kung sakali? salamat
@@ronaldourbano9430 midrange kahit mga 300watts at crown dividing network mga 800watts.
@@pinoyaudiotech naghahanap ako ng midrange na 300watts sa online wala ko makita e. anong brand kaya meron para sa midrange na 300watts?
Brod...ang amplifier ko ay pioneer at 50 watts per channel sya.tanong ko lng anong watts na speaker ang kaya nya e drive.salamat
Brod, ang 50 watts nyong amp ay possibleng car amp. Ang speaker na kailangan nyo ay puwede nang 50watts.
@@pinoyaudiotech Brod...hindi sya car amp.PIONEER INTEGRATED STEREO AMPLIFIER...MODEL A-339 Made in Japan at 1992 ko pa sya nabili.
Pwedi ba mag test ng rms ng amplifier kahit wala pang speaker na naka kapit?
Hindi po puwede.
Sir may 3 ohms po ako subwoofer pwede po b ikabit sa sakura 326 na 4 to 16 ohms ang nkalagay sa discription.
@@ElsaAmansec hindi po pwede. Kailangan 2 ohms to 16 ohms o 3 ohms to 16 ohms ang nakalagay sa amp.
@@pinoyaudiotech salamuch po boss idol
Ano po pla boss ang magiging epekto pag ganun? Masisira po b ung speaker o ung amplifier?
Ano po magiging epekto pag ganun boss? Masisira po b ung speaker o ung amplifier?
@@ElsaAmansec pareho. Pero hindi sabay. Una tataas ang curent na dadaloy sa circuit ng amp at magdudulot ng mataas na init na makaka sunog sa mga parts ng amp. Pangalawa, dahil tumaas ang current na dumaloy sa amp ay tataas din ang current na dadaloy sa speaker na maaring masunog.
Boss ilang watts po ba ng tweeter need ko,ang speaker ko dalawang 60 watts,salamat
@@davidlazaro8481 60% ng spkr o kng 100watts ang spkr ang tweeter ay 60watts.
Sir ano po ba talaga ang dapat sundin sa rms po ba? Or wattage.kasi mag set up ako ng sounds pambahay.
RMS po. Huwag nyo pansinin ang PMPO.
Sir magtatanong po sna ako kc yung amplifier ko ay output watts (rms) 1500watts yung Joson Saturn tapos yung speaker ko ay 2pcs 650 watts en 2pcs 450watts match pu ba cla?
Sir, iniintindi ko pa ung mga nakasulat sa specs dahil iba iba, may nakalagay 300watts rms , meron 600watts to 750watts per channel.
Sir, nabasa ko sa specs nya na mga 500watts lng ang kaya nyang ibigay na audio power. Mga 300watts x 2 na speaker ang kailangan nyo. Pero dahil meron na kayong 2 pcs x 450 watts speaker, subukan nyo muna un.
sir magandang araw po..alam ko na familiar kayo sa mga generic speakers na nabibili sa raon..meron po kasi ako generic 3 way speaker na 12" woofer, 4"midrange at 3" tweeter kaso hindi ko alam kung ilang watts at ilang ohms mga ito kasi walang label sa speaker nung kinalas ko sa box nya..balak ko kasi sana lagyan ng dividing network kaso hindi ko alam kung ilang watts ng dividing network ang ilalagay..sana ay mapansin mo ang comment ko..salamat ang more power sa channel mo
Sir, ang pagsukat ng ohms magagawa natin sa tester pero ung watts, mahirap po yan. Sa watts hindi ko po kayo matutulungan.
San po ang shop ninyo sir?pede po magpa assemble ng speaker?thanks
Sir, wala po kaming shop. Blog lng po.
Boss ang isang Baffles po consist of 3 way speaker, woofer 300 watts,mid range 100 watts, tweeter 200 watts, pag inadd nyo po yan 600 watts, mah dividing network na po sya,so puede ko po bang sabihin na 600 watts ang baffles ko na ito? Pakisagot naman po
Boss, hindi po. Para sa akin po ang bibilangin ko lng ay ang woofer na 300watts. Kaya para po sa akin pang 300watts na ampli lng ang buong setup ng baffles nyo na may woofer midrange tweeter.
boss iba b ung crossover sa deviding network?
Pareho lang po ang crossover at dividing network. Iba't iba lang ang tawag.
Sir Yung subwoofer speaker ko po ay 3 ohmz , anong mas magandang amplifier at compatible na mabibili sa market.
Sir, kadalasan ang mga car amp ay kaya ng 2 ohms to 8 ohms na speaker. Pasok ung 3 ohms nyo, check nyo lng mabuti kng kaya ng ampli ang 2 ohms to 8 ohms.
Sir pwedi po magtanong gusto ko po sana lagyan ng sound yung trycikle ko yung subwoofer po sana na gusto ko ilagay 12 inches ilang Watts po ba ang pwedi pang subwoofer lag lagyan ko din po NG dalawang midrange at dalawang tweeter ano Watts po ba ang pweding combine ng mga yan tsaka ampli po salamat po
Sir, pag tricycle , puwede na ang mga 75 watts pag subwoofer katamtamang lakas na. Pero mas maganda po ay kng meron kayo nakita o kakilala na nagustuhan nyo sa daan, tapos tanungin nyo para may pagbabasehan kayo kng gaano kalakas ang gusto nyo. Kng speaker lng mga 50watts para sa akin malakas na. Pero subwoofer mas mataas ang kain ng power kaya 75 watts ang payo ko.
idol tnong kulng Po kung 1000watts 8ohms wooper,,ilng watts na cross over Ang pwede na gmitin,?slamat po
Kuya, puwede po 1,200 watts crossover or hatiin mo. Tulad ng 2 pcs crossover x 600watts
@@pinoyaudiotech idol slmat po sna di Kyo mgsawa sa pgtatanong ko bguhan long Po kc ako
Kuya, linawin ko rin po na pag hinati nyo ung crossover ay para sa ganung speaker power tulad ng 600watts crossover anv puwede lng ikabit ay 500watts speaker at naka series o parallel sa crossover na hinatian nyo.
@Pinoy Audiotech tanong LNG po sir dba pag 500 Watts ang ampli dapat mas mababa ang wattage SA speaker at least 25-50% lower ? Gusto KO LNG po maliwanagan..ty
Ano ba yun crossover?dividing network ba?
Opo. Pareho lng sila.
Idol magtatanong lang po, ilang watts ng midrange ang bagay sa 600 watts 8 ohms na speaker? Pakisagot po idol, para makabili na din ako. Salamat po sa sagot nyo idol.
@@feljunsomar4286 600watts x 0.6 = 360watts mid at tweeter.
nice lesson sensei newbie here tanong lang po may ampli po ako na 600watts pmpo paano ko po malalaman ang tamang watts ng speaker per channel salamat po sa pag sagot
Kuya, sa totoo lng po kng ang nagbigay ng 600watts PMPO rating ay ung china brand na ampli wala kayong mapagbabasehan. Dahil para lng makabenta sasabihin nila kahit ano. Pero kng ang nagsabi ay branded, puwede natin i-estimate. Halimbawa po, si Pionèer o Sony nagsabi na 300watts PMPO, paghinanap nyo sa Technical specs makikita nyo 50watts RMS (halimbawa lng po) , so sa 600watts ma-estimate natin na 100watts rms sya. Dahil sa branded may pinagbabasehan pa rin sila kahit PMPO ang rating.
@@pinoyaudiotech ok po salamat po sa. pag sagot .. joson mars po na ampli yung gamit ko china made po ba un?
Pilipino may gawa Ng joson
Sir mayron po akong NAD Surround sound receiver 5.1 walang nakalagay na watts ampere lang ang nakalagay 2.3 am.ilang watts kaya ang dapat kong gamitin? Maraming salamat po.
Sir, paki check kng anong model number.
Sir paano connection Ng woofer, instrumental,midrence at tweeter
Sir, woofer at Instrumental ay pareho lng. Parallel lahat positive sa positive lahat papunta sa positive ng speaker out. Negative sa negative. Ang tweeter lng ang kailangan ng capacitor na 3.3uf / 100v na naka series bago ikabit sa mga positive ng mga speaker.
Ok maraming salamat po boss
Good day po sir, new subscriber po. Maari bang makahingi ng recommendation ng mga speakers na gagamitin sa Joson Mars Max Amplifier. Salamat sir, bagohan po.
Sir, base sa specs na 1000watts PMPO x 2 @ 4 ohms. Naghanap ako sa internet at wala po ako makita na rated power nya. Puwede nyo ba tignan ang manual ng nabili nyong Joson mars max bka may nakalagay kng ano ang rated power.
@@pinoyaudiotech salamat sir sa reply. Actually kaka ship lang ng amplifier di pa po dumating. Nasira kasi ang aming Sony component sa bahay ayaw na mag power on, pinatignan ko sa technician talagang patay na raw kaya omorder ako ng Joson mars max. Ang speaker nga pala ng component ang pansamantalang gagamitin ko muna sa amplifier. Naghahanap po kasi ako ng pwedeng pamares sa kanya na speaker, gusto ko sana custom build yong maganda ang quality ng sounds. Salamat uli sir.
@@farmingNsports ano po ang complete model number ng sony component nyo ?
Sa totoo lng po, pag sinabi sa akin ang power ay pmpo ung kalahati lng ang pagbabasehan ko. Kaya kng wala po kayong mababasa na rated power sa manual , ang mapapayo ko ay 500watts 4 ohms or 250watts 8 ohms na speaker lng. Estimate lng po un dahil hindi puwedeng pagbasehan ang pmpo na power.
SONY MODEL NO. HCD-GNZ5D
FRONT SPEAKER SS-GNZ5D ONLY nakalagay sir.
Boss ask ko lang po ilang watts na speaker ang kayang bayuhin ng 600wattsx2 rms power amp?
Boss, mga 720 watts x 2 rms po.
Bakit crossover ano kaibahan ng devideng network sa crossover network
@@marianopenano pareho lng po un dalawa. Iba lng ang tawag.
Balak ko po sana bumuo ng 3 way speaker na pangkaraoke pangmalakasan na rin po sana,, sana matulungan nyo po ako
Ang una po ay kailangna malaman nyo kng saan gagamitin ung ampli nyo. Kng sa bahay o pang disco sa labas ng bahay. Kng sa bahay lng po kahit mga 60watts x 2 puwede na. Kng sa labas , mga 100watts pataas per channel.
Kaano ano kaya nya si robin padillia? .. by the way mejo nakkalito lang doon sa part na kung ano ba mas lamang yung amp ba o yung speaker? . Sabi kasi ng iba dapat mas lamang yung amp ng 20% para hindi mahirapan. Ano po ba talaga?
ruclips.net/video/Vhi7p5C6FDI/видео.html
Yong front speakers po, 100 Watts, at yong built in subwoofer po dito ay 250 Watts? Compatible po ba sila?
Ano po ung 250watts ung amp ng sub or ung sub mismo ? At gusto nyo malaman kng ung 250watts sub amp ay compatible sa 100watts na speaker ? Tama po ba ?
Yong front speakers po , nandoon yong speaker at subwoofer..yong speaker po 100watts, at 250watts po yong subwoofer..
Tanong ko po kung kAkayanin ng amp ng avr na 130 Watts yong speakers na 5.1 for 100 Watts per channel kasama ang 250watts sa 2 subwoofer
Yong AVR po 5.2 channels for 130 Watts each channel..
Balance ko po kc bumili ng receiver para sa home theatre na 5.1 channels..at yong denon x550bt po yong available sa marketplace