FEAR IS THE ENEMY OF FAITH - Homily by Fr. Danichi Hui on June 23, 2024

Поделиться
HTML-код
  • Опубликовано: 30 сен 2024
  • FEAR IS THE ENEMY OF FAITH - Homily by Fr. Danichi Hui June 23, 2024
    Twelfth Sunday in Ordinary Time (B)
    June 23, 2024 | Sunday
    Readings:
    Job 38:1, 8-11; | Psalms 107:23-24, 25-26, 28-29,; | Second Corinthians 5:14-17; | Mark 4:35-41;
    Biblical: “Ang pananampalataya kapag napangunahan ng pangamba, kung hindi ito humihina, ito ay nawawala.”
    Mga kapatid ito ang nais iturong aral sa atin ng mga Pagbasa sa Linggong ito. Narinig natin ang kuwento ng mga alagad ni Hesus sa Ebanghelyo. Habang sila ay sakay ng isang bangka, biglang may malaking unos na dumating. (Take note, UNOS. Sa panahon natin kapag sinabing “unos” ito ay nangangahulugang problema o pagsubok)
    Hinampas sila ng malakas na alon at halos mapuno ng tubig ang kanilang bangka. Kaya naman ganun na lang ang pangamba ng mga alagad ni Hesus na baka sila ay lumubog.
    May Dalawang Bagay na Nakalimutan ang mga Alagad:
    1.Nakalimutan ng mga alagad si Hesus ang nagsabi na tumawid sila sa kabilang ibayo. Ibig sabihin, hindi sila ang dahilan kung bakit sila nasa bangka at tumatawid ng dagat. Utos at plano ito ni Hesus.
    Contemporary: Kaya’t kung hindi ikaw ang dahilan kung bakit ikaw ay nasa sitwasyon mo ngayon, huwag mong kalimutan na plano iyan ng Diyos.
    Pero kung ikaw ang dahilan kung nasaan ka man ngayon, huwag mong sisihin ang Diyos dahil ginusto at plinano mo iyan.
    2.Nakalimutan ng mga alagad na kasama nila si Hesus sa bandang hulihan. Nandoon si Hesus, yun nga lang natutulog si Hesus.
    Gusto kong tignan kung bakit nasa hulihan si Hesus ng bangka at natutulog.
    Contemporary: Kadalasan sa isang bangka, kung sino ang namamangka o ang kapitan siya yung namumuno sa paglalayag. Kaya’t hindi puwedeng natutulog ang isang kapitan.
    Pero sa pamamangka ng mga alagad, bagamat kasama nila si Hesus, hindi si Hesus ang naging kapitan. Hindi siya ang namumuno kundi ang mga alagad niya (baka nakalimutan din ng mga alagad na sila’y mga alagad lang at si Hesus ang kanilang sinusundan). Kaya nga si Hesus andun sa likuran at natulog.
    Kung minsan, ganito ang madalas mangyari sa atin. Kasama nga natin si Hesus sa ating mga bangka, pero hindi naman siya ang ginagawa nating kapitan o namumuno. (We might be in the same boat with Christ, but we do not make him the captain)
    Isinasantabi natin siya sa likuran at hinahayaan nating makatulog. Kaya kapag may dumating na unos, ang bilis nating matakot at mangamba. Nagpa-panic agad tayo. Nakalimutan natin kasama natin si Hesus. Dahil masyado tayong mapanguna sa pamumuno ng ating mga buhay. Tayo ang nasusunod at nagmamanipula.
    Biblical: Kaya nga narinig natin sa Unang Pagbasa, ipinaalala ng Diyos kay Job na sa gitna ng nag-aalimpuyong bagyo, siya ang humarang sa sa agos ng dagat. Tinakpan ng Diyos ng makapal na ulap ang dagat kaya nagkaroon ng karimlan. Nilagyan niya ng hangganan ang tubig para hindi ito patuloy na umagos at lumampas ang mga alon.
    Sa madaling salita, dahil sa pagrereklamo ni Job sa mga hirap na nangyayari sa kanyang buhay pinaalala sa kanya ng Diyos na siya ang may kontrol ng lahat.
    Story: Sa panahon ngayon, ang daming madaling sumusuko kapag nahihirapan. Ang daling dumaing kapag nasaktan. Ang bilis mawalan ng gana kapag hindi nakukuha ang gusto. Kaya’t isang araw tinawag ng tatay ang kanyang anak para turuan ng aral sa buhay. Sinabi nito araw-araw itutulak niya ang malaking bato na nakaharang sa kanilang pader. Ganun nga ang ginawa ng anak, ibinuhos niya ang lahat ng kanyang lakas araw-araw. Nagkanda kalyo kalyo ang kanyang kamay at sumakit ang kanyang mga likod. Lumaki ang kanyang braso pero walang nangyari sa bato. Hindi man lang ito umurong kahit kaunti.
    Dahil sa pagod, sakit ng katawan, at nahirapan umayaw na ang bata at bumalik sa ama. Sinabi nito, “tay ginawa ko ang sinabi mo pero walang nangyari sa bato. Hindi man lang ito umurong. Ayoko na, pagod na ako. Suko na ako dahil nasasaktan na ako. Ititigil ko na dahil hirap na ako.”
    Sinabi ng ama sa anak, “walang nangyari sa bato anak pero sayo madami. Pansinin mo ang iyong braso hindi ba’t naging matigas. Tignan mo ang iyong kamay, hindi ba’t mas naging malakas. Yung mga binti mo mas tumibay. Hindi ko sinabing iurong mo ang bato. Ang sinabi ko itulak mo. Baka kasi yung gusto mong mangyari ang hinahanap mo.”
    Ang pananampalataya kapag napangunahan ng pangamba, nawawala. Sa lahat ng aspeto ng ating buhay, sa Diyos lang manampalataya. Hindi man mangyari ang ating gusto, matutupad naman ng Diyos ang kaniyang pinaplano.
    (Trust the process)

Комментарии • 30

  • @josephinebauzon3335
    @josephinebauzon3335 3 месяца назад +1

    "FEAR IS THE ENEMY OF FAITH"
    Amen.
    A blessed Sunday po Fr. Danichi.

  • @jorgypenaroyo7404
    @jorgypenaroyo7404 3 месяца назад

    Thank you po Fr.Danichi for sharing your meaningful homily.god bless po

  • @adefatyz
    @adefatyz 3 месяца назад

    Amen ❤🙏🏻 Blessed Sunday Everyone GOD BLESSED US 🙏🏻

  • @josephineorobia4659
    @josephineorobia4659 3 месяца назад

    Salamat po Lord Jesus Christ

  • @erlindadelrosario3142
    @erlindadelrosario3142 3 месяца назад

    G.morning Fr.Dani have a blessed Sunday ❤

  • @julietahamoaynazif5203
    @julietahamoaynazif5203 3 месяца назад

    Thank you Fr Danichi for sharing a meaningful homily for today! Godbless 🙏❤️🙏

  • @EvelynLapastora
    @EvelynLapastora 3 месяца назад

    Manalig at laging magtiwala sa Panginoon 🙏🙏🙏💜💜💜

  • @cenielago2243
    @cenielago2243 3 месяца назад

    thank you so much fr danichi for a wellsaid insightful homily.. ..kapag ang pananampalataya ay pinangunahan ng takot at pangamba kung hindi ito humihina ito'y nawawala..
    trust the process, trust God ☝️✝️🤲💞🙏🏻🙏🏻🙏🏻

  • @emmacoronado7918
    @emmacoronado7918 3 месяца назад

    Thank you po Fr.Danichi for today's Gospel reflection & homily.
    Have a blessed day.

  • @remsky13
    @remsky13 3 месяца назад

    Thank you Fr. Danichi for your homily and reflection for todays gospel 🙏❤️To God be All the Glory 🙏🙏🙏

  • @MarianabooJimenez
    @MarianabooJimenez 3 месяца назад

    Lord thank you for everything 🙏 ❤ thank you Father ur hmlya god bless you all amen 🙏

  • @mercedesbuenviaje5537
    @mercedesbuenviaje5537 3 месяца назад

    Thank you fr. Danichi for alwys inspiring us of your homily...God bless you Father so you can share and inspire us...To God be all the glory🙏🙏🙏

  • @annepilapil6361
    @annepilapil6361 3 месяца назад

    ,GOOD MORNING everybody

  • @cristinaebora9675
    @cristinaebora9675 3 месяца назад

    Amen thnk you lord and mama mary sa lahat❤

  • @rommelbroce8623
    @rommelbroce8623 3 месяца назад

    Thank you Lord 🙏🙏🙏

  • @annepilapil6361
    @annepilapil6361 3 месяца назад

    And also with you,

  • @annepilapil6361
    @annepilapil6361 3 месяца назад

    The powerful,

  • @maryjoycevillafria7294
    @maryjoycevillafria7294 3 месяца назад

    God is good all the time 🙏🙏🙏

  • @maryjoycevillafria7294
    @maryjoycevillafria7294 3 месяца назад

    Amen 🙏🙏🙏

  • @annepilapil6361
    @annepilapil6361 3 месяца назад

    AMEN

  • @annepilapil6361
    @annepilapil6361 3 месяца назад

    AMEN

  • @annepilapil6361
    @annepilapil6361 3 месяца назад

    Task

  • @chingtavera135
    @chingtavera135 3 месяца назад

    Amen

  • @RommelSalazar-rc7tc
    @RommelSalazar-rc7tc 3 месяца назад

    Amen.

  • @leonitaurbano2265
    @leonitaurbano2265 3 месяца назад

    Amen🙏❤️

  • @loozmabutas5257
    @loozmabutas5257 3 месяца назад

    Pray For Us.. 🙏🌻

  • @maryjoycevillafria7294
    @maryjoycevillafria7294 3 месяца назад

    We need to trust the Lord🙏

  • @maryjoycevillafria7294
    @maryjoycevillafria7294 3 месяца назад

    We need to trust the Lord🙏

  • @EvelynLapastora
    @EvelynLapastora 3 месяца назад

    🙏🙏🙏💜💜💜

  • @ZenyVicAbad
    @ZenyVicAbad 3 месяца назад +1

    To God be all the glory. Sa iyo lang ako Panginoong Hesukristo kumukuha ng lakas at inspirasyun. Salamat sa lahat. Salamat Father Danichi. Magandang araw. Amen❤