Ang Tanong ko lang my drums ba o kombo sa panahon Ng pag pupuri Ng church Ng Panginoong Jesus.? Kung talagang tama ang church nyo dapat Diba naka pattern yang church nyo. E Wala naman akong Nakita na gumamit c Jesus Ng drums 😂😂😂
Salamat po sa comment ninyo. Tama po kayo na walang binabanggit na drums sa panahon ng Panginoong Hesus. Gayon pa man, kung gagamitin po natin ang ganyan klaseng pilosopiya, kahit ang mga bagay na makikita po sa video channel ninyo katulad ng microphone, ang pag re-record ng mga kapatiran habang sila'y kumakanta, ay hindi rin nabanggit bilang gawain sa Biblia; kundi sa ganyang klaseng pananaw, nararapat rin na walang gamitin na instrumento dahil si Cristo ay hindi gumamit ayon sa Mateo 26:30. Obviously, hindi naman natin gagamitin ang ganyan klaseng pagtututol sa isang bagay na alam natin hindi nakahihikayat o matimbang. Walang simbahan sa ating kasalakuyan ay makakagaya ng isang daang porsyento sa lahat ng gawain "praktikal" ng sinaunang Simbahan. Kagaya po ng pagpasok sa Synagoga ng mga Judio upang magpuri palagi (Lucas 24:53), o ang pagbebenta ng mga bahay at ari-arian nila alang-alang sa mga nangangailangan (Gawa 2:45), at ang araw araw na pagtitipon sa synagogue ng mga Judio (Acts 2:46). Gayunman, ang importante po sa lahat ay magpuri sa Dios sa espiritu at katotohanan (Juan 4:24), sapagkat, ito po ang sukatan at uri ng pagsamba na hinahanap ng Ama (Juan 4:23).
Good morning pastor san po ang church nio? Salamat po.
Magandang Umaga po, we are located here in Winnipeg, Manitoba, Canada po
Ang Tanong ko lang my drums ba o kombo sa panahon Ng pag pupuri Ng church Ng Panginoong Jesus.? Kung talagang tama ang church nyo dapat Diba naka pattern yang church nyo. E Wala naman akong Nakita na gumamit c Jesus Ng drums 😂😂😂
Salamat po sa comment ninyo. Tama po kayo na walang binabanggit na drums sa panahon ng Panginoong Hesus. Gayon pa man, kung gagamitin po natin ang ganyan klaseng pilosopiya, kahit ang mga bagay na makikita po sa video channel ninyo katulad ng microphone, ang pag re-record ng mga kapatiran habang sila'y kumakanta, ay hindi rin nabanggit bilang gawain sa Biblia; kundi sa ganyang klaseng pananaw, nararapat rin na walang gamitin na instrumento dahil si Cristo ay hindi gumamit ayon sa Mateo 26:30. Obviously, hindi naman natin gagamitin ang ganyan klaseng pagtututol sa isang bagay na alam natin hindi nakahihikayat o matimbang.
Walang simbahan sa ating kasalakuyan ay makakagaya ng isang daang porsyento sa lahat ng gawain "praktikal" ng sinaunang Simbahan. Kagaya po ng pagpasok sa Synagoga ng mga Judio upang magpuri palagi (Lucas 24:53), o ang pagbebenta ng mga bahay at ari-arian nila alang-alang sa mga nangangailangan (Gawa 2:45), at ang araw araw na pagtitipon sa synagogue ng mga Judio (Acts 2:46).
Gayunman, ang importante po sa lahat ay magpuri sa Dios sa espiritu at katotohanan (Juan 4:24), sapagkat, ito po ang sukatan at uri ng pagsamba na hinahanap ng Ama (Juan 4:23).